Matapos ang mabilisang pag-aayos ng sarili ay kaagad na bumaba ng kama si Elyssa at halos takbuhin ang pagitan ng pinto. Nakasunod sa kanya ang relax na si Louie na tila walang pakialam kung may ibang tao sa labas. Mukhang inaasahan na nito na may pupunta kaya ganoon na lang ang reaksiyon nito. Hindi niya maiwasang lingunin ito at pinandilatan.But Louie just gave her an innocent look na parang wala itong alam. Lalong nanggigil pagkaasar si Elyssa. Naiinis na hinawakan niya ang seradura at pinihit iyon saka hinila ang pinto pabukas. Tumambad sa kanya ang nagtatakang mukha ng pinsan. Kasunod nito ang nakangising si Minho na agad sumentro ang tingin sa kanya. Luckily, she had a decent appearance. Marra and Minho were their visitors!"Issay?!" nanlalaki ang matang bungad nito. Marra was shocked. A glint of happiness in her eyes quickly vanished before she held her and shook her shoulders. Samantalang si Louie ay parang walang pakialam na lumakad palapit kay Minho at tumayo sa tabi nito.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong naitapon ni Elyssa ang yakap na unan sa sahig nang marinig ang nang-aasar na boses ni Louie. Pero huli na ang lahat at nakita na siya ng binata. Hindi napansin ni Elyssa pero malakas pala ang pagkakasabi niya kanina at marahil ay narinig ang kanyang huling sinabi. Dahil malawak ang ngiti nito habang naglalakad papalapit sa kanya."Well, nabitin ka pa ba kagabi?" pilyo ang ngiting tudyo nito. Umupo ito sa kama. "Ako, oo!" Kinindatan siya nito na para bang inaakit siya."Tse! Ano’ng pinagsasabi mong nabitin? Nanggaling na mismo sa bibig mo na walang nangyari sa atin. Stop imagining things!” Tumayo siya mula sa pagkakahilata sa kama upang lumayo rito. “Puwede ba, tama na ang pagpapa-cute! ‘Di ka cute!" May pait pa rin sa boses niya dahil hindi pa rin nawawala ang imahe ng binata sa kanyang isip habang kausap nito ang ex-fiancee nitong si Tracy. Magkasalubong ang kilay at halos hindi maipinta ang kanyang mukha habang nag-iimpake ng gamit. This time, she was kee
Lord, bigyan niyo naman po sana nang hustisya 'tong pag-ibig na sumisibol sa puso ko para kay Louie! Kakatapos lang ng heartbreak ko. Bakit parang nag-uumpisa na naman?Hindi nakatakas ang luha sa mga mata ni Elyssa habang tahimik at taimtim na nagdarasal. Nasa tapat siya ng wishing well. Matatagpuan iyon sa loob ng compound ng simbahan ng Taal. Hinihiling niya sana ay hindi na ulit siya masaktan sa ngalan ng pag-ibig. Marahan niyang itinapon ang hawak na barya katulad ng ginagawa ng ibang naroroon.Kakatapos lamang ng misa na ipinagpasalamat nilang tatlo dahil nakadalo sila sa huling misa na pang-umaga. Habang siya ay nagsi-senti, sina Marra at Minho naman ay abala sa pagkuha ng larawan na animo'y naghahanda para sa kanilang kasal. Mababakas sa mga mukha ng dalawa ang kasiyahan at pagmamahal pero hindi nakakaramdam ng inggit si Elyssa. Masaya siya para sa pinsan.Iba't ibang anggulo at puwesto ang ginawa ng dalawa at dahil wala siya sa mood makipag-picture ay hindi niya inabala ang mg
Umasim ang mukha ni Elyssa nang makita kung sino ang papalapit. Hindi na naman niya kayang pigilan ang pait na namuo sa kanyang lalamunan na pilit niyang nilunok at baka masukahan pa niya ang kaharap.The happiness that she felt when she saw Louie only lasted for a moment before it was finally ruined by this woman. Tracy na naman!"Hello, sweetie! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Malawak ang ngiti na nakapaskil sa labi ng dalaga at ang tingin ay parang lalamunin na si Louie. Kumikembot-kembot ang beywang nito habang naglalakad sa gilid ng swimming pool papunta sa kinatatayuan nila. Nang halos dalawang dipa na lang ang layo nito ay dahan-dahan nitong tinanggal sa pagkakatali ang suot nitong roba at inilantad ang suot na two-piece.Umangat ang kilay ni Elyssa sa nakita. Pero hindi siya nilamon ng insecurities dahil kung seksi si Tracy ay kaya rin namang humabol ng katawan niya. Pakiramdam niya ay lumiit ang espasyo ng pool, bagama’t napakalawak niyon, dahil sa halatang-ha
Natigil ang mundo ni Elyssa at tumahimik ang paligid. Wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Louie always had this effect on her. Simpleng pagpupuri lang galing dito ay grabe na agad ang reaksyon ng puso niya. Lalo na at titig na titig sa kanya ang nang-aakit nitong mata.Nang makabawi ay mabilis siyang kumurap-kurap at tumikhim upang alisin ang bara sa lalamunan saka nagsalita. Pinigil niya ang sarili na huwag pumiyok dahil kinakabahn pa rin siya."Sus! 'Yong girlfriend mo ang titigan mo huwag ako," utos niya. Pero sa loob-loob ay masakit sa kanya ang binitawang salita. How could she push Louie away now that she had him here beside her? Gumawi ang tingin niya sa pool upang iwasan ang mga titig ng binata.Magkayakap sa isang sulok sina Marra at Minho samantalang si Tracy ay nakaupo na sa isang tabi. Naka-cross legs pa ito na animo’y nagpipictorial sa isang magazine cover. Malapit lang ang swimming sa kinaroroonan nila kaya naman aninag na aninag ang
Parang sirang plaka ang boses ni Elyssa sa utak ni Louie habang naglalakad siya palabas mula sa kuwartong pinanggalingan. Paulit-ulit na sinisigaw ng isip ang huling sinabi ng dalaga."I'm sorry, hindi kita gusto!"Nanlulumong napasandal sa pader ang binata habang hinihintay na bumukas ang foyer, yes, may foyer sa bahay ni Minho kahit tatlong palapag lang iyon. Nasasaktan si Louie. Sigurado siyang hindi lang niya gusto si Elyssa, mahal niya na ang dalaga. But because he wanted to go slow, he just confessed that he liked her. Alam niyang kagagaling lang mula sa isang masakit na break-up ang dalagang napupusuan. Ayaw naman niyang maging panakip-butas.Hindi namalayan ni Louie na napaluha na pala siya. Naramdaman na lamang niya na may mainit na likidong dumaloy sa mukha niya. Mapait siyang napangiti. Bakit ba lagi siyang bigo sa pag-ibig samantalang nasa kanya naman na ang lahat? Guwapo, matalino, maporma at mayaman. Wala nang hahanapin pa ang babae sa isang kagaya niya.Mabilis na pinahi
Biglang nagising si Elyssa nang maramdaman na halos hindi siya makahinga. She only realized it the moment she opened her eyes that she was wrapped in a comforter like a burrito. Mabilis niyang kinapa ang katabi kung nasa tabi pa niya ito at ganoon na lamang ang panlulumo niya nang blangko na ang higaan sa tabi niya. Mapait siyang napangiti. Isang masakit na alaala na lamang yata ang nangyari. Excited na kinakabahan pa naman siya sa magiging reaksiyon niya kung sakaling magising silang magkatabi. Really, expectations versus reality is real.Uminat si Elyssa at napangiwi nang maramdaman ang masakit na likod at ang mahapding pagkababae. Wala siyang anumang saplot na hindi na niya ipinagtaka kung bakit. She had done some nasty things last night. She finally gave in. Napatitig siya kawalan nang muling manariwa sa isip ang nangyari kagabi. Mga tagpong ‘di niya sukat akalaing magagawa niya. Mga matatamis na sandaling kasalo ang binatang bihag ng kanyang natutulog na puso. Ngunit ni katiting a
Tahimik pero kumplikado ang nararamdaman ni Louie habang nakaharap siya sa laptop kaya ni isa ay wala siyang natatapos na trabaho. Nasa Del Rio Tower ang katawan niya pero ang utak ay tila naiwan niya yata sa Tagaytay. Magulo ang isip niya kaya hindi siya makapag-isip ng tama. Parang gulong na paikot-ikot sa isip ang isang gabing panaginip niya kay tungkol kay Elyssa noong huling gabi niya sa Tagaytay bago siya umuwi ng Maynila."It doesn't seem right. Why did I feel like that dream was surreal?" naguguluhan pa ring bulong niya. Sumandal siya sa kinauupuang swivel chair at bahagyang hinilot ang sintido. Kanina pa sumasakit ang ulo niya sa kakaisip.Ang totoo, ay nag-iiba ang pakiramdam ng katawan ni Louie sa tuwing maalala ang mainit na tagpo sa panaginip niya. "Oh, I miss you, Elyssa..." anas niya. Mariin siyang napapikit. Pero sa pagdilim ng paningin at pagsarado ng talukap ng mata ay ang nakangiting mukha ng dalaga ang bumungad sa kanya."God!" Naihilamos niya ang kamay sa mukha dah
Epilogue Uminat ng katawan si Elyssa habang nanatiling nakapikit. Kinapa niya ang unan na siyang ginagamit ni Louie kapag natutulog ito sa kama niya upang yakapin ngunit wala iyon sa tabi niya. Inaantok na nagmulat ang dalaga at baka nahulog at hinigaan na naman ng alaga niyang pusa na si Xianxian. "Xianxian…" Namamalat ang boses na tawag niya. Wala siyang maayos na tulog kagabi dahil napuyat siya sa kakagawa ng final assessment para sa project niya sa eskwela. Isa pa, hindi siya makatulog dahil halos buong araw na hindi siya kinokontak ni Louie. Muli siyang napapikit dahil sa paghapdi ng mata pero biglang may kumiliti sa ilong niya. "Argh! Xianxian, stop it!" saway ng dalaga. Alam niyang kapag tanghali na at hindi pa siya gising ay iistorbohin ng alaga ang tulog niya hanggang bumangon siya sa kama at laruin ito. Hindi pinansin ni Elyssa ang alaga at bahagyang tinabig ang buntot nitong naglalaro sa ilong niya. Pero patuloy pa rin ito sa paglalaro ng buntot nito sa mukha niya
"Louie…" Elyssa called and hugged him from behind even tighter. "Kuya…" nanghihinang tawag ni Louie at isinandal ang katawan sa kanya. The ambulance arrived, but was too late. Bangkay na nang maabutan ng mga ito si Dexton. Habang inaalis ng medic ang katawan nito ay lupaypay pa rin sa sahig si Louie. His overbearing image was erased and replaced by a pitiful one. Humahangos na lumapit ang papa ni Louie sa kanila. Kahit ang mga kaibigan niya ay nakalapit na rin. "Walang hiya talaga ang Tracy na ‘yun! Baliw na ay mamamatay tao pa!" Nanggagalaiting komento ni Marra. Tahimik lamang na tumango si Elyssa habang sinusundan ng tingin ang mga medic na buhat-buhat ang stretcher na kinalalagyan ng bangkay ni Dexton. Nanatili pa rin siyang nasa tabi ni Louie. He was still silently grieving. "I’m sorry, kuya. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa ‘yo dahil nadamay ka sa problema namin kay Tracy. Pero maraming salamat at niligtas mo ang buhay namin ni Issay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang
Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Elyssa nang makita si Tracy na tinututukan sila ng baril. Ang kaninang puso niyang punong-puno ng tuwa at pagmamahal ngayon ay napalitan ng matinding kaba at takot. She could see the people below panicking and trying to stop Tracy, but they were scared it would backfire. Baka ang mga ito ang pagbabarilin ni Tracy. "Louie…" tawag niya sa kasintahan na nanginginig ang boses. Louie shielded Elyssa and let her stand behind him for protection. "Wow! How sweet!" sarkastikong sigaw ni Tracy. "Pero tingnan natin kung saan aabot ‘yang ka-sweet-an n’yo kung makarating na diyan ang bala ng baril ko!" Nakangisi pang dugtong nito habang patuloy na nakatutok ang baril sa kanila. "Tracy! What do you think you’re doing?!" Madilim ang mukhang sigaw ni Louie. Tumawa lamang ito nang malakas na parang isang baliw. "What do you think I’m doing, sweetie? E, ‘di inaangkin ang talaga namang akin!" Ikinasa nito ang baril at ang daliri ay nakalagay na sa trigger. S
"Louie?" garalgal ang boses at mahinang sambit ni Elyssa. The world suddenly stopped when she heard the words coming from Louie. Elyssa stood on her ground, frozen like a statue, and couldn’t utter anything. As Elyssa looked straight into Louie’s brown irises, every beat of her heart pumped fast as if it were drumming inside."Will you be my wife, Elyssa Dane Del Rio Castillo?" Louie asked again when Elyssa didn’t answer.Elyssa blinked to stop her tears from falling. Her hands tremble with the beat of her heart. When Louie smiled, he assured her that this love would last a lifetime. She could see the sincerity and love speaking through his eyes. This is the man that Elyssa will be with for the rest of her life.Naluluha pero nakangiti niyang sinalubong ang tingin ni Louie."Yes, Louie! Y-yes! I will marry you, honey!" Elyssa cried and grasped Louie’s hand. Walang pagsidlan ng tuwa ang puso niya.Lumawak ang pagkakangiti ni Louie saka ito tumayo. Kinuha nito ang singsing na nakadikit
Hindi maiwasan ni Elyssa ang ngiti na sumilay sa kanyang labi dahil sa nabasa."These words remind me of something.” Elyssa thought, as she used the puzzle board to fan herself while walking back inside the mansion. Pakiramdam niya ay binabanas siya dahil hindi pa rin niya nakikita si Louie. Didn’t I deserve an explanation about your whereabouts, Louie? Nasaan ka na? Pagkatapos nang maliligayang sandali natin, iiwan mo na ako nang basta-basta? Talaga ba na si Tracy ang pinili mo kaysa sa ‘kin?Mabilis na kumurap si Elyssa upang pigilan ang mga luha na nais pumatak. Ayaw niyang masira ang make-up niya bagama’t wala naman iyong kuwento kung hindi niya makikita si Louie.Ang lakas ng loob na magpakita rito ng babaeng ‘yun! Gusto niyang ipamukha sa akin na nagkabalikan na sila ni Louie?"Insan!”Kaagad na inayos ni Elyssa ang guhit ng mukha nang makita ang ngiting-ngiting si Marra. Ayaw niyang malaman nito kung ano ang kumukulo sa loob niya.“Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap
Hindi pinansin ni Elyssa si Tracy at dire-diretso siyang naglakad papunta sana sa hardin pero tila may sa aso ata ang ilong ng babae at naamoy siya nito. “Oh… The factory girl,” patuya nitong tawag. Nagkahagikhikan sila ng kasama nito habang papalapit sa kanya.Huminto sa paglalakad si Elyssa at pigil ang galit na nilingon ito.“Bakit ka nandito?” "Oh?" Nakataas ang kilay na lumapit ito sa kanya. "Maganda ka rin pala kapag naayusan!? But, too bad hindi pa rin maitago ng make-up at magandang damit ‘yang putik na pinaggalingan mo!" pang-iinsulto pa nito.Pinigil ni Elyssa ang sarili na huwag itong patulan. Kanina pa siya galit dito at baka kung ano pa ang magawa niya. Tinaasan niya lang ito ng kilay at agad na tinalikuran. Ayaw niyang makipag-usap dito. Karma will come knocking on her door soon.Tingnan natin mamaya kung sino sa atin ang putik! Napaismid na lang si Tracy habang nakasunod ang tingin sa kanya."Oh, iha. There you are. Kanina pa kita hinihintay. Halika, mag-uumpisa na a
Naibuhos na ni Elyssa ang lahat ng luha at pugto na ang mata sa kakaiyak pero hindi pa rin nawawala ang sakit na naramdaman niya dahil sa nabasa."How could you do this to me, Louie? Bakit mo ako pinaglalaruan!?" Kanina pa siya kinakatok ng ina pero hindi ito sinagot ni Elyssa at nagkunwari siyang tulog. At ngayon nga ay kumakatok na ulit ito. Pinaghahanda na siya dahil aayusan para sa party mamaya. Alas-singko na ng hapon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita si Louie na lalong nagpapasama ng loob niya. Mula kaninang umaga pagkagising niya hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw ang anino nito.Dapat ay masaya si Elyssa dahil welcome party niya ngayon at makikilala na siya ng sambayanan na isang heridera ng Del Rio group. Pero kabaliktaran ang nararamdaman niya ngayon. Para siyang sinakluban ng langit at lupa sa sobrang bigat ang pakiramdam niya."Walanghiya ka, Louie! Niloloko mo lang pala ako! Kahit kailan hindi mo ako minahal! Pinaglaruan mo lang ang damdamin ko. A
Habang nasa carpark at hinihintay si Louie, ay hindi mapakali si Elyssa. Nais niyang malaman kung ano ang pinag-uusapan nina Louie at Jevy ngayon pero nagtimpi siya hanggang makabalik si Louie. Gustuhin man niyang magpaiwan ay itinulak siya palabas ni Louie saying that the talk would not include about her. Elyssa was not hurt by that, but curiosity got out of her. "Bakit ‘nak?" Hindi na makatiis ang kanyang ina kaya nagtanong ito nang makita ang pagkabalisa niya. Napakamot sa ulo si Elyysa at nilingon ang ina. "Wala po. I was just wondering what Louie could talk about with Jevy and the rest. Hindi pa naman sila ganoon kapamilyar sa isa’t isa. Misteryosong ngiti ang iginanti ng ina. Bahagyang nangunot ang noo ni Elyssa dahil sa reaksyon ng ina. Pati ba ito may alam? "Don't worry so much about it, iha. Everything is under control!" "What do you mean, inay?" nagtataka pa ring tanong niya. Umalis siya sa pagkakasandal sa kotse ni Louie at umayos ng tayo. Ngunit hindi ito sumagot ba
“Damn! Issay?" Hindi makapaniwalang sansala ni Louie nang makita sa likuran niya si Elyssa. Mabilis pa sa alas-kuwatrong itinulak niya ang babaeng kayakap na wala siyang ideya kung sino. What the hell! Who is that?!Namutla na parang binuhusan ng suka ang mukha ni Louie nang makita ang hitsura ng taong kaharap. How could I mistake this woman for Issay? Damn, I’m doomed!Bumaling siya sa kasintahan. “Issay, you are there…” Napakamot siya sa batok."Oo, nandito ako! Sino ‘yang kayakap mo?" Ngumiti ito pero alam ni Louie na hindi ito natutuwa sa ginawa niya."A-ahh, honey kasi… I’m sorry. I mistaken her for you.” Nakangiwi ang mukha na paliwanag ni Louie at sinulyapan ang estrangherang babae. He flinched when he saw her looking at him dreamingly.Elyssa snickered. Hindi masisisi ni Louie ang kasintahan kung bakit. Her girlfriend was far from the woman he mistakenly hugged. Hindi siya mapanglait pero ayaw niya ikompara ang dalawa dahil mula Batanes hanggang Julu ang agwat ng dalawa."Loui