Isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente sa bar pero hanggang ngayon ay ‘di pa rin nakikita ni Elyssa ang anino ni Louie. At bakit ko ba siya hinahanap? Gigil na tanong niya sa isip dahil hindi mawala-wala si Louie sa balintataw niya nitong mga nakaraang araw. Kahit si Jevy ay ginugulo ang isip niya dahil sa pagtawag nito ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi siya makapag-concentrate sa trabaho. . Nasa packaging area siya at nag-i-inventory nang bigla siyang lapitan ng ngiting-ngiting si Marra. Marahil tapos na ang quarterly general meeting ng mga ito, kung saan halos lahat ng section head at supervisors ay kasali. Pati yata department manager ay naroon rin. Nandoon din kaya si Louie? Elyssa wonders what the meeting is about lalo na nang makita ang malapad na ngiti ng pinsan. Siguradong may magandang nangyari. "Hey, cousin! I have a very good news for you!" Agad na bungad nito sa kanya at excited siyang niyakap. "What is it!?" nagniningning ang matang ta
Putok ang butseng bumalik sa canteen si Elyssa pagkagaling niya sa opisina ni Louie. Naiinis siya dahil hindi niya maintindihan ang sarili. Alam niyang mahal niya si Jevy, pero bakit kapag kaharap niya ang boss niya ay kakaiba ang tibok ng kanyang puso? Kahit ganoon pa man ay pilit niyang pinakalma ang sarili dahil ayaw niyang mapansin ng pinsan at ng kaibigan ang kumplikadong ekspresyon na nakabalatay sa mukha niya. Lalo na si Marra. Malakas itong mangilatis. Kaagad na natanaw ni Elyssa ang dalawa pagkapasok niya sa canteen dahil hindi pa nakaalis ang mga ito kaya nilakihan niya ang bawat hakbang upang maki-chicka pa sa mga ito bago matapos ang break-time nila. Malapad ang ngiti niya at nakatutok sa dalawa ang kanyang tingin. Malapit na siya sa mesang kinaroroonan nina Marra nang biglang may tumayong isang babae sa mesang dadaanan niya at sa saktong pagtayo nito ay bumundol ito sa katawan niya. Sa sobrang lakas ay bahagya siyang napaatras. Kung hindi lang mabilis ang reflexes niya a
Kinagabihan naunang umuwi si Marra sa kanila dahil mas maaga ang labas nito. Maaga ang pasok nito kinabukasan dahil change of shift na ulit sila. Habang sila ni Ellen ay sa susunod na umaga pa ang duty. Silang dalawa ngayon ni Ellen ang magkasabay. Hatinggabi na kaya madalang na ang sasakyan na nasa daan sa tapat ng factory na pinapasukan. Kung meron man dumating ay may sakay na agad iyon o ‘di kaya ay naunahan sila ng ibang katrabaho na nagmamadali ring umuwi. Mayroon silang service bus, ang problema siksikan lagi at ayaw ng dalawa makisabay dahil hindi naman gaanong kalayuan ang apartment nila. Kapag wala pang darating na taxi sa loob ng halos sampung minuto nilang paghihintay saka sila walang choice kundi makipagsiksikan. Elyssa and Ellen were now waiting for a taxi to bring them back to their apartment, but it was already five minutes long, yet no taxi was in sight. Kasalukuyan silang nagtatawan at nagkukuwentuhan habang nag-aabang ng taxi nang biglang may kotseng huminto sa hara
“Why?” Nang makabawi ay saka nagtanong si Elyssa. “I like you.” Muling napatulala si Elyssa sa sinabi ng kaharap at kaagad na kumabog ang dibdib ng malakas. Hindi siya makapaniwala kung tama ba ang narinig. Pasalamat siya dahil kakaunti na lang ang mga taong naroon. Isa pa mahina ang pagkakasabi niyon ni Louie na tanging siya lang ang nakakarinig. "I like you, Elyssa!" muling pahayag ng boss niya. Malamlam ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya at sa tulong ng ilaw sa kalsada ay kitang-kita niya ang maamong ekspresyon mula roon. Bahagyang nahimasmasan ang dalaga nang muling nagsalita ang kaharap. Seryoso ba ‘tong mokong na ‘to? Nagko-confess ba siya sa’kin? "Ow c'mon, Mr. Fuentebella. Huwag ako ang ihanay mo sa listahan ng mga babae mo. Iba ako sa kanila." Totoo ba’ng pinagsasabi nito? How come, ang isang tulad mo, magkakagusto sa isang simpleng tulad ko? "You are right, Miss Castillo. Iba ka sa kanila that’s why I like you!" Nanatiling seryoso ang mukha ng binata. Walang ha
Bago hawakan ang cellphone upang padalhan ng mensahe ang lalaking sanhi ng pagkabigo ay malalim na humugot ng hininga si Elyssa upang pakalmahin ang rumaragasang pagtibok ng puso. Kagabi pa niya ito naisip na gawin ngunit ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob. Ipinangako niya sa sarili na pahihirapan niya muna si Jevy ngunit siya mismo ang hindi nakatiis dahil napagpasyahan niyang katagpuin ito. Her inner heart was calling for it. This talk will be about either their closure or if they could mend their ruined relationship. Kung ano ang magiging resulta ay saka pa lang niya malalaman. Nasa trabaho na ang pinsan habang si Ellen ay sa lugar ng boyfriend nito kaya walang sinuman ang mag-uusisa sa kung anuman ang gagawin niya. No one will stop her about this stupidness. After sending Jevy a message saying about their meeting, Elyssa got ready. She showered and primed herself, putting on light makeup with a dash of pink lipstick. She wore a simple above-the-knee black skirt and pair
“Hey, cousin. Are you still there?” Napapitlag si Elyssa nang marinig ang biglang pagtawag ng pinsan sa pangalan niya mula sa kabilang linya. Malayo kasi ang iniisip niya at ni ano man ay wala siyang naiintindihan sa sinabi ni Marra. Ang isip niya ay lumilipad pa rin sa pagkikita nila ng dating kasintahan. Tungkol sa bawat katagang binigkas sa kanya ni Jevy. Hanggang ngayon ay nanonoot pa rin iyon sa kanyang kalamnan. Marahil nga kapag mahal natin ang isang tao ay hindi natin sila agad-agad nakakalimutan, hindi natin sila kayang iwanan. At higit sa lahat ay kaya nating patawarin kung ano man ang kanilang pagkakasala. Wala pang isinagot si Elyssa sa sinabi sa kanya ni Jevy. Humingi siya sa binata ng oras upang ibigay ang sagot niya kung tatanggapin niya itong muli ngunit positibo si Elyssa na magiging marupok na naman siya at makikipagbalikan siya sa binata. Napabuntong-hininga siya nang wala sa oras na kapansin-pansin sa matalas na pandinig ni Marra ngunit malaking himala na wala it
Napayakap nang wala sa oras sa sarili si Elyssa pagkababa ng chopper nang biglang umihip ang hangin at sumalubong sa kanya ang lamig niyon. Hindi nakapagtataka dahil mag-a-alas dose na ng hatinggabi. Bagama’t dis-oras na ay hindi maipagkaila ang maliwanag na dalampasigan na kanilang binabaan. Sandaling natigilan si Elyssa dahil sa napagmasdan. Nagtatakang ipinalibot niya ang tingin sa maputing buhangin na naabot ng liwanag nang nakapalibot na ilaw. “Wait! Dalampasigan? Saan ako dinala ng mokong na ‘to? At saan sina Marra? Bakit nasa dagat, eh, ang alam ko hindi naman ito ang pupuntahan namin?” Sunod-sunod at naguguluhang tanong ni Elyssa sa sarili nang mapagtantong sa ibang lugar siya dinala ng boss niya. Yakap pa rin ang sarili ay tinakbo niya ang pagitan nila nila ni Louie na ngayon ay medyo malayo na ang agwat sa kanya. Sa tangkad ba naman nito kaya ganoon na lang ito kabilis maglakad. Sandali lang siya nagmuni-muni ay iniwanan na agad siya nito. Nakausli ang labing binilisan pa
Louie was getting annoyed every minute that pass without Elyssa’s shadow. Magkasalubong na ang kilay niya habang nakaharap sa kakainit lang na pagkain na ngayon ay muli na namang lumamig. Magta-tatlumpong minuto na siyang naghihintay sa pagbabalik ng dalaga upang sabay silang kumain ngunit hindi pa rin ito lumalabas sa kuwarto na ikinakainis niya.Nagpasya siyang katukin ito sa kuwarto na halos hindi maipinta ang mukha. Naghihinala siyang sinasadya nitong magtagal sa loob upang inisin siya na ikinataas ng kilay niya. Nang makarating sa second floor kung saan naroon ang nag-iisang kuwarto ay kaagad siyang kumatok upang kunin ang pansin ng dalaga. Ilang segundo ang kanyang pinalipas upang hintayin ang sagot mula sa loob pero wala ni isang tunog na nanggagaling sa loob. Nagtaka si Louie. Is she sleeping?Upang hindi mabulabog ang nasa loob ay tumigil siya sa pagkatok at dahan-dahang pinihit ang seradura upang buksan ang pinto. Nang umawang ang pinto na saktong makakapasok siya ay agad siy
Epilogue Uminat ng katawan si Elyssa habang nanatiling nakapikit. Kinapa niya ang unan na siyang ginagamit ni Louie kapag natutulog ito sa kama niya upang yakapin ngunit wala iyon sa tabi niya. Inaantok na nagmulat ang dalaga at baka nahulog at hinigaan na naman ng alaga niyang pusa na si Xianxian. "Xianxian…" Namamalat ang boses na tawag niya. Wala siyang maayos na tulog kagabi dahil napuyat siya sa kakagawa ng final assessment para sa project niya sa eskwela. Isa pa, hindi siya makatulog dahil halos buong araw na hindi siya kinokontak ni Louie. Muli siyang napapikit dahil sa paghapdi ng mata pero biglang may kumiliti sa ilong niya. "Argh! Xianxian, stop it!" saway ng dalaga. Alam niyang kapag tanghali na at hindi pa siya gising ay iistorbohin ng alaga ang tulog niya hanggang bumangon siya sa kama at laruin ito. Hindi pinansin ni Elyssa ang alaga at bahagyang tinabig ang buntot nitong naglalaro sa ilong niya. Pero patuloy pa rin ito sa paglalaro ng buntot nito sa mukha niya
"Louie…" Elyssa called and hugged him from behind even tighter. "Kuya…" nanghihinang tawag ni Louie at isinandal ang katawan sa kanya. The ambulance arrived, but was too late. Bangkay na nang maabutan ng mga ito si Dexton. Habang inaalis ng medic ang katawan nito ay lupaypay pa rin sa sahig si Louie. His overbearing image was erased and replaced by a pitiful one. Humahangos na lumapit ang papa ni Louie sa kanila. Kahit ang mga kaibigan niya ay nakalapit na rin. "Walang hiya talaga ang Tracy na ‘yun! Baliw na ay mamamatay tao pa!" Nanggagalaiting komento ni Marra. Tahimik lamang na tumango si Elyssa habang sinusundan ng tingin ang mga medic na buhat-buhat ang stretcher na kinalalagyan ng bangkay ni Dexton. Nanatili pa rin siyang nasa tabi ni Louie. He was still silently grieving. "I’m sorry, kuya. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa ‘yo dahil nadamay ka sa problema namin kay Tracy. Pero maraming salamat at niligtas mo ang buhay namin ni Issay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang
Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Elyssa nang makita si Tracy na tinututukan sila ng baril. Ang kaninang puso niyang punong-puno ng tuwa at pagmamahal ngayon ay napalitan ng matinding kaba at takot. She could see the people below panicking and trying to stop Tracy, but they were scared it would backfire. Baka ang mga ito ang pagbabarilin ni Tracy. "Louie…" tawag niya sa kasintahan na nanginginig ang boses. Louie shielded Elyssa and let her stand behind him for protection. "Wow! How sweet!" sarkastikong sigaw ni Tracy. "Pero tingnan natin kung saan aabot ‘yang ka-sweet-an n’yo kung makarating na diyan ang bala ng baril ko!" Nakangisi pang dugtong nito habang patuloy na nakatutok ang baril sa kanila. "Tracy! What do you think you’re doing?!" Madilim ang mukhang sigaw ni Louie. Tumawa lamang ito nang malakas na parang isang baliw. "What do you think I’m doing, sweetie? E, ‘di inaangkin ang talaga namang akin!" Ikinasa nito ang baril at ang daliri ay nakalagay na sa trigger. S
"Louie?" garalgal ang boses at mahinang sambit ni Elyssa. The world suddenly stopped when she heard the words coming from Louie. Elyssa stood on her ground, frozen like a statue, and couldn’t utter anything. As Elyssa looked straight into Louie’s brown irises, every beat of her heart pumped fast as if it were drumming inside."Will you be my wife, Elyssa Dane Del Rio Castillo?" Louie asked again when Elyssa didn’t answer.Elyssa blinked to stop her tears from falling. Her hands tremble with the beat of her heart. When Louie smiled, he assured her that this love would last a lifetime. She could see the sincerity and love speaking through his eyes. This is the man that Elyssa will be with for the rest of her life.Naluluha pero nakangiti niyang sinalubong ang tingin ni Louie."Yes, Louie! Y-yes! I will marry you, honey!" Elyssa cried and grasped Louie’s hand. Walang pagsidlan ng tuwa ang puso niya.Lumawak ang pagkakangiti ni Louie saka ito tumayo. Kinuha nito ang singsing na nakadikit
Hindi maiwasan ni Elyssa ang ngiti na sumilay sa kanyang labi dahil sa nabasa."These words remind me of something.” Elyssa thought, as she used the puzzle board to fan herself while walking back inside the mansion. Pakiramdam niya ay binabanas siya dahil hindi pa rin niya nakikita si Louie. Didn’t I deserve an explanation about your whereabouts, Louie? Nasaan ka na? Pagkatapos nang maliligayang sandali natin, iiwan mo na ako nang basta-basta? Talaga ba na si Tracy ang pinili mo kaysa sa ‘kin?Mabilis na kumurap si Elyssa upang pigilan ang mga luha na nais pumatak. Ayaw niyang masira ang make-up niya bagama’t wala naman iyong kuwento kung hindi niya makikita si Louie.Ang lakas ng loob na magpakita rito ng babaeng ‘yun! Gusto niyang ipamukha sa akin na nagkabalikan na sila ni Louie?"Insan!”Kaagad na inayos ni Elyssa ang guhit ng mukha nang makita ang ngiting-ngiting si Marra. Ayaw niyang malaman nito kung ano ang kumukulo sa loob niya.“Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap
Hindi pinansin ni Elyssa si Tracy at dire-diretso siyang naglakad papunta sana sa hardin pero tila may sa aso ata ang ilong ng babae at naamoy siya nito. “Oh… The factory girl,” patuya nitong tawag. Nagkahagikhikan sila ng kasama nito habang papalapit sa kanya.Huminto sa paglalakad si Elyssa at pigil ang galit na nilingon ito.“Bakit ka nandito?” "Oh?" Nakataas ang kilay na lumapit ito sa kanya. "Maganda ka rin pala kapag naayusan!? But, too bad hindi pa rin maitago ng make-up at magandang damit ‘yang putik na pinaggalingan mo!" pang-iinsulto pa nito.Pinigil ni Elyssa ang sarili na huwag itong patulan. Kanina pa siya galit dito at baka kung ano pa ang magawa niya. Tinaasan niya lang ito ng kilay at agad na tinalikuran. Ayaw niyang makipag-usap dito. Karma will come knocking on her door soon.Tingnan natin mamaya kung sino sa atin ang putik! Napaismid na lang si Tracy habang nakasunod ang tingin sa kanya."Oh, iha. There you are. Kanina pa kita hinihintay. Halika, mag-uumpisa na a
Naibuhos na ni Elyssa ang lahat ng luha at pugto na ang mata sa kakaiyak pero hindi pa rin nawawala ang sakit na naramdaman niya dahil sa nabasa."How could you do this to me, Louie? Bakit mo ako pinaglalaruan!?" Kanina pa siya kinakatok ng ina pero hindi ito sinagot ni Elyssa at nagkunwari siyang tulog. At ngayon nga ay kumakatok na ulit ito. Pinaghahanda na siya dahil aayusan para sa party mamaya. Alas-singko na ng hapon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita si Louie na lalong nagpapasama ng loob niya. Mula kaninang umaga pagkagising niya hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw ang anino nito.Dapat ay masaya si Elyssa dahil welcome party niya ngayon at makikilala na siya ng sambayanan na isang heridera ng Del Rio group. Pero kabaliktaran ang nararamdaman niya ngayon. Para siyang sinakluban ng langit at lupa sa sobrang bigat ang pakiramdam niya."Walanghiya ka, Louie! Niloloko mo lang pala ako! Kahit kailan hindi mo ako minahal! Pinaglaruan mo lang ang damdamin ko. A
Habang nasa carpark at hinihintay si Louie, ay hindi mapakali si Elyssa. Nais niyang malaman kung ano ang pinag-uusapan nina Louie at Jevy ngayon pero nagtimpi siya hanggang makabalik si Louie. Gustuhin man niyang magpaiwan ay itinulak siya palabas ni Louie saying that the talk would not include about her. Elyssa was not hurt by that, but curiosity got out of her. "Bakit ‘nak?" Hindi na makatiis ang kanyang ina kaya nagtanong ito nang makita ang pagkabalisa niya. Napakamot sa ulo si Elyysa at nilingon ang ina. "Wala po. I was just wondering what Louie could talk about with Jevy and the rest. Hindi pa naman sila ganoon kapamilyar sa isa’t isa. Misteryosong ngiti ang iginanti ng ina. Bahagyang nangunot ang noo ni Elyssa dahil sa reaksyon ng ina. Pati ba ito may alam? "Don't worry so much about it, iha. Everything is under control!" "What do you mean, inay?" nagtataka pa ring tanong niya. Umalis siya sa pagkakasandal sa kotse ni Louie at umayos ng tayo. Ngunit hindi ito sumagot ba
“Damn! Issay?" Hindi makapaniwalang sansala ni Louie nang makita sa likuran niya si Elyssa. Mabilis pa sa alas-kuwatrong itinulak niya ang babaeng kayakap na wala siyang ideya kung sino. What the hell! Who is that?!Namutla na parang binuhusan ng suka ang mukha ni Louie nang makita ang hitsura ng taong kaharap. How could I mistake this woman for Issay? Damn, I’m doomed!Bumaling siya sa kasintahan. “Issay, you are there…” Napakamot siya sa batok."Oo, nandito ako! Sino ‘yang kayakap mo?" Ngumiti ito pero alam ni Louie na hindi ito natutuwa sa ginawa niya."A-ahh, honey kasi… I’m sorry. I mistaken her for you.” Nakangiwi ang mukha na paliwanag ni Louie at sinulyapan ang estrangherang babae. He flinched when he saw her looking at him dreamingly.Elyssa snickered. Hindi masisisi ni Louie ang kasintahan kung bakit. Her girlfriend was far from the woman he mistakenly hugged. Hindi siya mapanglait pero ayaw niya ikompara ang dalawa dahil mula Batanes hanggang Julu ang agwat ng dalawa."Loui