Bago hawakan ang cellphone upang padalhan ng mensahe ang lalaking sanhi ng pagkabigo ay malalim na humugot ng hininga si Elyssa upang pakalmahin ang rumaragasang pagtibok ng puso. Kagabi pa niya ito naisip na gawin ngunit ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob. Ipinangako niya sa sarili na pahihirapan niya muna si Jevy ngunit siya mismo ang hindi nakatiis dahil napagpasyahan niyang katagpuin ito. Her inner heart was calling for it. This talk will be about either their closure or if they could mend their ruined relationship. Kung ano ang magiging resulta ay saka pa lang niya malalaman. Nasa trabaho na ang pinsan habang si Ellen ay sa lugar ng boyfriend nito kaya walang sinuman ang mag-uusisa sa kung anuman ang gagawin niya. No one will stop her about this stupidness. After sending Jevy a message saying about their meeting, Elyssa got ready. She showered and primed herself, putting on light makeup with a dash of pink lipstick. She wore a simple above-the-knee black skirt and pair
“Hey, cousin. Are you still there?” Napapitlag si Elyssa nang marinig ang biglang pagtawag ng pinsan sa pangalan niya mula sa kabilang linya. Malayo kasi ang iniisip niya at ni ano man ay wala siyang naiintindihan sa sinabi ni Marra. Ang isip niya ay lumilipad pa rin sa pagkikita nila ng dating kasintahan. Tungkol sa bawat katagang binigkas sa kanya ni Jevy. Hanggang ngayon ay nanonoot pa rin iyon sa kanyang kalamnan. Marahil nga kapag mahal natin ang isang tao ay hindi natin sila agad-agad nakakalimutan, hindi natin sila kayang iwanan. At higit sa lahat ay kaya nating patawarin kung ano man ang kanilang pagkakasala. Wala pang isinagot si Elyssa sa sinabi sa kanya ni Jevy. Humingi siya sa binata ng oras upang ibigay ang sagot niya kung tatanggapin niya itong muli ngunit positibo si Elyssa na magiging marupok na naman siya at makikipagbalikan siya sa binata. Napabuntong-hininga siya nang wala sa oras na kapansin-pansin sa matalas na pandinig ni Marra ngunit malaking himala na wala it
Napayakap nang wala sa oras sa sarili si Elyssa pagkababa ng chopper nang biglang umihip ang hangin at sumalubong sa kanya ang lamig niyon. Hindi nakapagtataka dahil mag-a-alas dose na ng hatinggabi. Bagama’t dis-oras na ay hindi maipagkaila ang maliwanag na dalampasigan na kanilang binabaan. Sandaling natigilan si Elyssa dahil sa napagmasdan. Nagtatakang ipinalibot niya ang tingin sa maputing buhangin na naabot ng liwanag nang nakapalibot na ilaw. “Wait! Dalampasigan? Saan ako dinala ng mokong na ‘to? At saan sina Marra? Bakit nasa dagat, eh, ang alam ko hindi naman ito ang pupuntahan namin?” Sunod-sunod at naguguluhang tanong ni Elyssa sa sarili nang mapagtantong sa ibang lugar siya dinala ng boss niya. Yakap pa rin ang sarili ay tinakbo niya ang pagitan nila nila ni Louie na ngayon ay medyo malayo na ang agwat sa kanya. Sa tangkad ba naman nito kaya ganoon na lang ito kabilis maglakad. Sandali lang siya nagmuni-muni ay iniwanan na agad siya nito. Nakausli ang labing binilisan pa
Louie was getting annoyed every minute that pass without Elyssa’s shadow. Magkasalubong na ang kilay niya habang nakaharap sa kakainit lang na pagkain na ngayon ay muli na namang lumamig. Magta-tatlumpong minuto na siyang naghihintay sa pagbabalik ng dalaga upang sabay silang kumain ngunit hindi pa rin ito lumalabas sa kuwarto na ikinakainis niya.Nagpasya siyang katukin ito sa kuwarto na halos hindi maipinta ang mukha. Naghihinala siyang sinasadya nitong magtagal sa loob upang inisin siya na ikinataas ng kilay niya. Nang makarating sa second floor kung saan naroon ang nag-iisang kuwarto ay kaagad siyang kumatok upang kunin ang pansin ng dalaga. Ilang segundo ang kanyang pinalipas upang hintayin ang sagot mula sa loob pero wala ni isang tunog na nanggagaling sa loob. Nagtaka si Louie. Is she sleeping?Upang hindi mabulabog ang nasa loob ay tumigil siya sa pagkatok at dahan-dahang pinihit ang seradura upang buksan ang pinto. Nang umawang ang pinto na saktong makakapasok siya ay agad siy
Nakaramdam ng paghapdi ng sikmura at konting lamig si Ellysa kaya sandali siyang napaahon sa pool pero hindi tuluyang umalis kundi umupo lamang sa gilid. Ayaw niyang makasabay sa pagkain si Louie dahil naiinis pa rin siya rito.Gutom na ako! Grrr! Pero ayaw kong kasabay ang mokong na ‘yon at baka mawalan lang ako ng gana. Hintayin ko muna siyang matapos bago pumasok sa loob." Tahimik niyang usal habang naka-relax ang paa na nakalublob sa tubig. It was peaceful. Hindi niya alintana ang malamig na simoy ng hangin. Ang sa isip niya ay mapalayo sa binata. Dahil ang totoo ay hindi lang siya naiinis kay Louie, kundi kinakabahan siya sa maaring mangyari ngayong silang dalawa lang ang magkasama.Ellysa’s mind was full of emotions she couldn’t contain. It’s making her lost in thoughts. Dahil bukod sa gumugulo sa isip ang sitwasyon nila ng boss niya ay sumasagi rin sa isip ang dating kasintahan, si Jevy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nagawang repalyan tungkol sa pakikipagbalikan dito.
Malakas na napasinghap si Elyssa nang maramdaman ang mainit na katawan ni Louie. Wala itong suot na pang-itaas marahil ay ‘di pa rin nakapagbihis dahil kahit ang suot nitong pantalon ay basa pa rin. Mukhang naligo pa ulit ito sa dagat upang palamigin ang pagtatampo sa kanya.Naramdaman ng dalaga na hinapit pa siya ng lalaki sa baywang habang siya ay napakapit sa balikat nito. Nakahiga na ito sa buhanginan at siya naman ay nakapaibabaw dito. Nag-angat siya ng mukha at kahit madilim ang gabi ay nakita niya kung gaano katiim ang titig nito sa kanya. Pero ‘di siya umiwas ng tingin. Their bodies pressing against each other.Malamig ang paligid ngunit hindi iyon ramdam ni Elyssa dahil sa init na binibigay ng katawan ni Louie. Her mind was clouded with emotions that she couldn’t comprehend. She likes being in Louie’s arms. Gusto niya na magkadikit ang katawan nila ng boss niya. Damn! Am I really falling so badly for this guy? How about Jevy?Napalunok si Elyssa nang bigla siya nitong hinawaka
Once upon a time, a few mistakes agoI was in your sight, you got me all alone,Napasinghot si Elyssa nang marinig ang sumunod na musika na pinatugtog ni Louie. Napahigpit ang hawak niya sa bote ng beer pero ang mukha ay nakatingala kay Louie na may nakapaskil na ngiti sa labi habang siya ay blangko ang mukha. Nanatili silang magkayakap. A very familiar song was playing and she couldn’t help but feel a bit down. This song used to be her favorite when she was still with Jevy.Hindi niya maiwasang mag-isip. Mahilig din yata ito sa kanta ni Taylor Swift? Parang si Jevy rin. Magkapareho sila ng hilig. Agad na naramdaman ni Elyssa ang pamamasa ng mata kaya kumalas siya sa pagkakayakap ng binata at pasimpleng yumuko. Pinigil niya ang luhang gustong sumingaw sa mga mata sa pamamagitan ng mabilis na pagkurap. Naalala na naman kasi niya si Jevy."Hindi ko alam na idolo mo rin pala si Taylor Swift?" tanong niya. Umikot siya upang tumingin sa karagatan. Mahina ang boses niya baka mahalata nito na
Mag-aalas nuwebe na nang umaga at mag-uumpisa na ang board meeting ngunit wala pa rin si Louie na lalong nagpapakulo ng dugo ni Dexon. Kanina pa siya sa opisina ng Line factory, dati niyang opisina pero si Louie na ang gumagamit, ngunit ni anino ng hinihintay ay hindi niya mahagilap. Tatlong tasang kape na rin ang naubos niya at halos ibalibag niya ang walang lamang tasa dahil sa sobrang inis. This was an emergency meeting on a weekend but the person in charge of the company was absent. Sino’ng hindi kukulo ang dugo?Kumpleto at naghihintay sa meeting room ang mga miyembro ng board at tanging sila na lang ni Louie ang hinihintay. Muling sumulyap sa hawak na cellphone si Dexon. Kanina pa niya kinokontak ang kapatid pero hindi ito sumasagot. Hindi na maipinta ang mukha niya."Nasaan na naman ang lalaking ‘yon?" tanong niya sa sarili. Lalong nagkasalubong ang kilay niya dahil wala pa ring natatanggap na mensahe mula kay Louie.Muling tumunog sa hindi mabilang na pagkakataon ang intercom a