The Annual Gala of Almendras Pharmaceutical Company…“Bianca!” masayang tawag ni Jessa sa bisitang hinihintay. Tumayo siya at iniwan si Bryce kasama ng mga kaibigan nito, at nilapitan ang babaeng plano niya gawing bagong best friend. “Thanks for coming!” Nakipag-beso si Jessa kay Bianca at tinitigan ito pagkatapos. Simpleng sinusuri niya kung sino ang designer ng evening gown na suot nito. Napangiti siya ng malapad nang maisip kung kaninong design ang gown. That was part of the latest design of one of the country’s international fashion designers and stylists.And she was right to get close to Bianca. Hindi siya nagkamali na kaibiganin ito dahil hindi lang niya mapapakinabangan ito para makakuha ng mga impormasyon na kailangan niya patungkol sa kalagayan ni Zylah, papakinabangan niya pa ito dahil sa estado nito sa buhay. “Wow…” ani Bianca habang tinitingnan ang mga taong um-attend ng party. “Nice party you have here,” tanging nausal niya kasunod dahil wala siyang maisip na magandang
“Have you seen this?” tanong ni Melissa kay Belinda. Nasa mukha nito ang inis sa kung ano o sino habang inaabot ang phone sa kaibigan.“Ano ba ‘yan?” tanong pabalik naman ni Belinda na tamang sinulyapan lang ang phone ni Melissa at hindi kinuha. Ang nasa isip ni Belinda ay baka kung ano lang na isyu sa showbiz ang nakita ng kaibigan at baka gusto na naman makisali. Sa kanila kasing tatlo ay si Melissa ang masasabing babad lagi sa socmed. “If it’s about your favorite loveteam, Liz, ay tigilan mo na ‘yan. Hindi ako interesado unless magkakaroon ng kaso at kunin akong lawyer.”Melissa rolled her eyes. “This is not what you think.” Napanguso ito. “Just check it first at sure magiging interesado ka. Promise, kahit one second lang na pagtingin mo sa pic ay for sure makukuha na nito ang atensyon mo.”Pagak na natawa si Belinda. Nang tingnan nito si Melissa ay hawak pa rin nito ang phone at inaabot pa rin sa kaniya. Napipilitan na kinuha niya na lang ang phone at agad ang pagsalubong ng kilay
“Why?” tanong ni Zylah sa dalawang kaibigan na parehong nagulat sa biglang paglapit niya. “Nalaman niyo bang magkaibigan sina Austin at Bryce kaya nagbubulungan kayo?”Pilit na pinatatag ni Zylah ang tinig para mabuo ang tanong na iyon. Ang totoo ay gusto niyang manlumo sa mga narinig. Kung totoong magkaibigan sina Bryce at Austin ay mukhang wala na siyang kaya pang pagkatiwalaan. “We can’t judge Austin that fast, Zy…” depensa ni Belinda para kay Austin at ibinalik ang phone na hawak kay Melissa. “Patingin ako…” ani Zylah. Bumuntong hininga si Melissa bago ibinigay kay Zylah ang phone. Si Belinda ay nakatingin lang kay Zylah na tinitingnan ang bawat picture na naka-post. Malungkot na napangiti si Zylah. Napailing dahil hindi alam ang mararamdaman sa mga larawan kung saan makikita sina Austin at Bianca kasama nina Bryce at Jessa. Nandoon din ang mga kaibigan ni Bryce at mga asawa nito. Makikita rin si Helen kasama ang mga kaibigan nito na mga kilala sa lipunan dahil may mga sinasabi
“Anong iniisip mo?” tanong ni Jessa kay Bryce nang abutan niya itong nakakunot-noo habang nakatingin sa phone. Pasimpleng tiningnan ni Jessa ang screen ng phone ni Bryce pero nawala na ang liwanag mula roon kaya umasim agad ang mukha niya. Nang lingunin siya ng lalaki ay agad napalitan ng matamis na ngiti ang pag-ismid niya. “Sorry for barging in,” hinging paumanhin niya. “Jaxon and Brody are asking if we could dine out tonight and I said I will ask you first.”“Okay,” sagot ni Bryce at tiningnan ang oras sa phone niya. Lampas alas-kuwatro na rin ng hapon. “Saan niyo ba gustong kumain mamaya?”“Kahit saan okay lang naman pero ‘yon nga ang request ng dalawa, sana raw sa labas tayo kumain kasi matagal-tagal na rin noong huli tayong lumabas. Lagi na lang tayo sa bahay at baka sawa na sila sa luto ko…” sinamahan niya ng ngiti ang huling sinabi. Of course, style niya para kunwari humble na naman siya kagaya ng pagkakilala sa kaniya ni Bryce. Ang totoo ay hindi siya nagluluto ng mga iniha
“Mommy!” masayang sigaw ni Raffy nang makita si Zylah. Gulat na Zylah ang napatingin sa batang kilalang-kilala niya ang boses at nang tingnan niya ay mabilis na tumakbo palapit sa kaniya. Si Austin ay naiwang nakatayo at hinayaan ang anak makalapit sa ‘mommy’ nito. “Raffy…” usal ni Zylah sabay talungko para mayakap ang batang tuwang-tuwa na nakita siya at agad kumapit sa leeg niya. “I miss you, Mommy…” malambing na wika ni Raffy.“I miss you too…” tugon ni Zylah sabay halik sa pisngi ni Raffy.“Ate?” nagtatakang tanong ni Aries dahil sa batang yakap niya. Lalo na siyang nagtaka nang lumapit ang lalaking kasama ng bata at sabihan ang bata na hayaan na muna ang mommy nito dahil siguradong busy pa. “It’s okay, Raffy…” ani Zylah kay Raffy nang sumimangot ito dahil pilit kinukuha ng ama mula sa kaniya. “You’re daddy is right na busy ako. But of course, since you’re here… I will visit you in your room once I’m done with what I need to do for today.”“Promise?” paninigurado ni Raffy. “Pr
“I wish we could talk alone,” ani Austin kay Zylah nang makita niyang lumingon ang kapatid nito sa kanila at halatang may sinasabi sa asawa. Kanina pa ito sigeng lingon at kahit nasa elevator na ay nakatingin pa rin sa kanila. “Okay,” tanging tugon ni Zylah at napalingon din sa tinitingnan ni Austin. Saktong saradong elevator na lang ang nalingunan niya. “Yaya,” tawag ni Austin sa yaya ni Raffy. “Pakisamahan mo muna si Raffy sa suite at bihisan na rin para sa lunch mamaya,” utos niya para masolo niya muna si Zylah. “But I want to be with you, Mommy…” reklamo ni Raffy at kay Zylah nagsusumamo ang mga tingin. “Um…” Tiningnan ni Zylah si Austin pero nasa mukha nito na seryosong gusto siyang kausapin muna kaya tumalungko siyang muli para tapatan ang mukha ni Raffy. “Ganito na lang,” kausap niya kay Raffy, “sabay tayo sa lunch maya kaya mas okay kung naka-prepare ka na. May gagawin pa rin si mommy kaya lunch pa kita mapupuntahan…” Ngumiti siya. Ngiti na puno ng pangungumbinsi para sa
Walang sayang. Napalunok si Zylah habang sinasalubong ang mga tingin ni Austin. Napakurap-kurap siya. “Pero… pero bakit ka mag-aaksaya ng pera para sa akin, Austin?”“Hindi mo pa ba naiisip kung bakit?”Natigilan si Zylah. Naiisip niya pero may mali sa sitwasyon kaya ayaw niyang aminin na may ideya na siya kung bakit. Ayaw niya ring papaniwalain ang sarili na may malalim nga itong nararamdaman sa kaniya maliban sa pakikipagkaibigan. Napakaimposible na magustuhan siya nito. Naawa lang ito sa kaniya kaya gusto siyang tulungan. Iyon ang pilit niyang ipinapasõk sa utak niya para hindi siya umasa. Ayaw niyang umasa dahil ayaw niyang masaktan. And she was right. Noong malaman niya nga ang tungkol sa pagpunta ni Austin sa gala night ng mga Almendras ay nasaktan na siya agad. Doon pa lang ay gumuho agad ang lahat ng kasiyahan na nabuo sa puso niya sa halos dalawang linggo na nagcha-chat at text ang lalaki sa kaniya. Yes, sa halos dalawang linggo na nasa probinsya siya ay may text lagi si Au
“Raffy!” tawag ni Zylah sa batang papasok pa lang sa bulwagan. Nakangiting kinawayan niya ito nang mapatingin sa kaniya. Si Austin na kasalukuyang kausap sa phone si Bianca ay napalingon sa anak na tumakbo agad palapit kay Zylah. “I will call you later, Bianca…” He ended the call and follow Raffy. Itinawag niya kay Bianca ang nangyari kay Zylah kahapon na biglang natulala habang kausap siya. Kagabi nya pa ito tinatawagan pero naka-off ang phone nito. Kung hindi pa siya tumawag kay Brent ay hindi niya makakausap si Bianca dahil ibang numero na pala ang gamit ng isa. And Bianca again reminded him about Zylah’s condition. Katulad ng dati ay ipinaalala ni Bianca sa kaniya na ang coping at healing process ni Zylah sa trauma nito ay sobrang bilis kaya malaki rin ang chance na ma-trigger. He needs to slow down telling Zylah what he feels towards her. Saka na raw siya manligaw, biro pa sa kaniya ni Bianca. Ang signs ng withdrawal from reality o dissociative disorder ni Zylah ang isa sa dap
“And where did you get that idea?” Nakatitig at nagtatakang tanong ni Austin kay Zylah. Sa isip ay baka may sinabi ang ina tungkol sa posibleng pagbago ng isip niyang pakasalan ito. Pabugang huminga si Austin. Mula New York ay nag-aalala siya kay Zylah, na baka kung ano ang sinabi ng ina rito. Mula New York ay ito ang laman ng isip niya. At ang tinatanong nito ngayon ay patunay na may nasabi ang mama niya rito.“May sinabi si Mama kaya mo natanong ‘yan, ‘di ba?” muli ay ungkat ni Austin kay Zylah. Umiling si Zylah at pinong ngumiti. “I told you already… wala siyang sinabi sa akin na dapat mong ika-worry. It’s just that—”“Then why are you asking that?” tanong niya rito. “I mean… who told you that my mother’s opinion could change my mind?” Muli ay isang ngiti ang pinakawalan ni Zylah. Ngiti na puno ng pag-aalala. “It’s you, Austin…” tugon ni Zylah at tinitigan si Austin. “Actually, the idea is from you.”“From me?!” kunot-noong balik-tanong ni Austin. “Yes, Austin. I got the idea f
Napangiti si Zylah sa larawan ni Austin na tinitingnan. Ang larawan ay kuha noong ten years old pa lang si Austin base sa petsa na nasa ibaba ng larawan. At sa larawan ay kasama ni Austin ang mag-asawang McIntyre. Pagbuklat ni Zylah nang panibagong pahina ng photo album ay lalong lumapad ang ngiti niya dahil ang parents naman ni Austin ang kasama nito sa larawan. Napatitig si Zylah sa magandang mukha ni Reina noong kabataan pa nito. Kamukha ni Austin ang ina at napamana nito ang itsura sa anak na si Raffy. Napahawak si Zylah sa tiyan. “Sana kamukha ka rin ni daddy, Baby Raegan…” usal niya at nang gumalaw ang baby niya ay napangiti si Zylah. “I love you, baby…” “I love you, Mommy…” Napalingon si Zylah at napangiti nang makita si Austin na nakasandal patagilid sa hamba ng pinto. Tumayo siya at niyakap ang photo album na hawak. “Kanina ka pa?” tanong niya. Humakbang si Austin palapit kay Zylah at kinuha ang album mula rito. “Kararating lang. Saktong doon lang sa sabi mo sana kamuk
“And who are you?” tanong ni Reina Matsuda Mulliez—mama ni Austin—sa babaeng nasa harap niya. Mapanuri ang mga tingin niya at nang dumako ang tingin niya sa tiyan ni Zylah ay napakunot-noo siya dahil buntis ito. Papasok pa lang siya ng bahay ay narinig na niya ang tawag ng apo rito—Mommy—na ikinagulat niya. Gusto niyang matuwa na nakakapagsalita na ulit si Raffy pero dahil sa babaeng nasa harap niya ay hindi niya magawang ngumiti.“You are not mute…” Napaismid si Reina sa babaeng hindi sinagot ang tanong niya at nakatingin lang sa kaniya. “I heard you were talking earlier.”Si Zylah ay napalunok at napakurap para alisin ang kabang namuo sa dibdib dahil sa uri ng tingin sa kaniya ng mama ni Austin. Ngayon niya lang ito nakaharap ng personal pero dahil sa mga larawang nito na nasa mansion ni Austin sa Pilipinas ay nakilala niya ito agad. Nabigla siya sa pagdating nito at sa uri ng tingin na binibigay sa kaniya ay may mga alaala na naman na bumabalik sa isip niya. Meeting the mother of
“Congrats to your wedding!” sabi ni Cassian pagpasok pa lang ni Austin sa opisina niya. “At salamat naman sa wakas naisip mong magpakita,” pabiro niyang dagdag. “And as I expected…” natawang tugon ni Austin, “you heard it already before seeing me.” Hindi nagulat si Austin na alam ni Cassian ang tungkol sa nalalapit na kasal niya kay Zylah. Kahit bago lang sila personal na nagkita ni Cassian pagkatapos ng ilang taon ay nasabi na sigurado rito ni Mathias ang dahilan kung bakit nagkita sila ng isa sa California. Wala naman problema kay Austin kahit napag-uusapan ng mga kaibigan ang sitwasyon niya. Normal lang iyon dahil pare-parehong nag-aalala sa kaniya ang mga ito. And partly, he neglected their friendship because he was focused on Raffy’s condition and his hotel business worldwide. Mga matatalik na kaibigan niya sina Mathias, Cassian, at Vito noong college pa kasi iisang kurso silang apat. Brent was out of the picture of them four dahil mula pagkabata niya pa kaibigan ito at hindi
Napakurap-kurap si Zylah dahil nasilaw sa puting ilaw na nabungaran sa pagdilat ng mga mata. Nang bumalik sa kaniya ang alaala nang nagdaang pangyayari kinagabihan ay napatingin siya agad sa tiyan at napabangon. Sa pagbangon ni Zylah ay nagising niya si Austin na nakasubsob ang ulo sa mga braso dahil nakatulog kakabantay sa kaniya. Nag-aalalang tumayo at lumapit si Austin kay Zylah. “The baby is fine…” aniya rito. Payapang napangiti si Zylah dahil saktong pagsabi ni Austin na okay ang anak nila ay gumalaw ito. “Thanks God…” sambit niya sabay hikbi. “Enough with crying…” mahinang wika ni Austin sabay halik sa noo ni Zylah. “I will call the nurse to check on your vitals,” paalam niya kay Zylah at tatalikod sana nang pigilan siya nito. “I’m fine…” ani Zylah habang nakahawak sa braso ni Austin. “The baby’s well and that’s what matters…” Kinuha ni Zylah ang kamay ni Austin at ipinatong sa tiyan niya. “Feel her, Austin…”Napatitig si Austin kay Zylah. He gaped when he felt the movement o
“I was calling your name that night…” mahina ang boses na kuwento ni Zylah habang buhat siya ni Austin at papunta sila ng elevator. “I thought I was only imagining you because of drugs. And I admit, I felt good that the man I slept that night was you…” she sobbed. “I am thankful, Austin. I was…” Kumapit si Zylah kay Austin. Yumakap. At umiyak na naman habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Masaya siya sa nalaman pero natatakot para sa baby niya na kanina pa naninigas at parang gustong lumabas na.“I am thankful, too…” ani Austin. “I am thankful that my name was the one you were moaning that night. At least hindi pangalan ni—” Umiling si Austin. Hindi niya dapat banggitin pa ang pangalan ni Bryce. Hindi na dapat at ayaw niyang isipin ni Zylah na posibleng pagselosan niya ang lalaking ‘yon.“I won’t call any man’s name but you… ikaw talaga ang gusto kong isipin nang gabing ‘yon…” medyo nahihiyang amin ni Zylah. Napangiti si Austin. At dahil ayaw niyang makaramdam pa ng hiya lalo s
“Your name?” Napakurap si Zylah. Wala siyang sinabihan kahit isa tungkol sa bagay na iyon. “It was my name you were calling that night, Zylah… You can’t deny that now.” Tinalikuran ni Austin si Zylah at lumapit sa tokador. Dinampot niya ang envelope na naroon at inabot kay Zylah. “Before you spoke again of your marriage with Bryce… and before you deny you love me… check this first.”“What’s that?” tanong ni Zylah na naguguluhan pa rin sa bagay na alam ni Austin na pangalan nito ang binibigkas niya noong gabing iyon. Napahawak siya sa tiyan dahil muling lumikot ang baby niya. “Please check first…” nakikiusap ang tono na utos ni Austin para hindi na magtanong pa si Zylah at tingnan na lang ang laman ng envelope na iniwan ni Mathias. “It’s one of my surprises for you.”“Is this a contract for our marriage in case I will agree?” Kinuha ni Zylah ang envelope. “Or perhaps a prenuptial agreement. Am I right?” “Better see it for yourself, Zylah…”Tumango si Zylah. Pakiramdam niya ay kahit
“No?” nagtatakang tanong ni Austin. May ideya na siyang kung saan hinuhugot ni Zylah ang mga sagot pero gayunpaman ay hindi niya maiwasang magtaka at… masaktan.“Hindi ko na itatanong kung bakit ‘no’ ang sagot mo,” patuloy ni Austin. “Hindi ko na itatanong dahil may ideya na ako sa kung anong nasa isip mo. But please do consider, Zylah. Marry me.”Umiling si Zylah. “No, Austin…” pahikbing wika niya sa halo-halong nararamdaman. Umatras siya para mabitiwan nito mula sa pagkakayakap sa kaniya. “Marrying you is wrong… I can’t…”“I love you…” amin ni Austin sa nararamdaman. “I love you and it’s true. Imposibleng hindi mo naramdaman. Imposibleng hindi mo naisip kahit minsan man lang na mahal kita. Imposibleng hindi mo nahalata man lang.” Umiling na naman si Zylah. Nanlalaki ang mga mata sa deklarasyon ni Austin. Oo at masasabi niyang naramdaman, naisip, at nahalata niya si Austin pero hindi iyon basta gano’n lang. Hindi dahil mahal na siya nito ay sasamăntalahin niya ang pagkakataon. Hind
“Zylah?” patanong na wika ng isang lalaki mula sa likuran ni Zylah na ikinalingo niya.Ngumiti si Zylah at pilit itinago ang panlalaki ng mga mata sa pagkamangha sa itsura ng lalaking tumawag sa kaniya. Ang asul nitong mga mata at buhok na kulay brown ang nagbigay sa kaniya ng impresyon na ibang lahi ito at nakapagtataka na kakilala siya. Mukha nga itong modelo sa biglaang tingin niya kanina. “Mathias Ivanov,” pagpapakilala ng lalaki at nginitian siya. “I’m Austin’s friend.”“Oh…” ani Zylah at nagtatakang nilibot ng tingin ang hotel na ngayon niya lang napuntahan. Ang akala niya ay sa Hotel Tranquil siya dadalhin ng driver na sumundo sa kaniya pero iba pala ang venue kung saan siya pinapapunta ni Austin. “Hi…” kiming usal niya. “Where’s Austin?”“You’re beautiful,” ani Mathias na kanina pa napapansin ang pagkailang sa mukha ni Zylah. “At napakaganda mo sa suot mo,” dagdag niya na nakangiti. “Nasa presidential suite si Austin, hinihintay ka.”Nanlaki ang mga mata ni Zylah ng bahagya. H