Belle POV"Siguro ka ba diyan sa desisyon mo Ethan?" tanong ko sa kanya, sinabi niya kasi sa amin ni Zey ang plano niyang iuwi na si Agatha sa bahay niya."Sigurado na ako Belle, baka kasi sakaling makatulong din 'yon sa kanya." sagot niya naman sa akin."Pero paano ang trabaho mo? Hindi naman pwedeng araw araw kang nasa tabi niya." nag aalalang tanong naman ni Zey."Alam niyong kaya kung gawin ang lahat para kay Agatha, pwede naman na hindi ako araw araw na pumunta ng office dahil pwede naman akong magtrabaho sa bahay at isa pa nandyan din naman si Gian." paliwanag ko."Hindi naman sa ayaw naming pumayag kasi karapatan mo naman 'yon ang iniisip lang namin paano kung magwala na naman siya?" saad ko."Hindi ko siya susukuan Belle, gusto kung makabawi sa kanya dahil alam kung isa ako sa dahilan kung bakit siya nagkakaganyan.""Well, mukhang wala na nga kaming magagawa dahil desidido ka na." pagsuko ko."Kailan mo siya balak iuwi?" tanong ni Zey."Siguro bukas na lang." sagot naman ni Et
Ethan POVIt's been a week simula ng iuwi ko si Agatha sa bahay at laking pasasalamat ko dahil unti unti na siyang bumabalik sa dati, ang sabi nga ng doctor ay nag iimprove na ang kalagayan niya. May mga araw lang na nakikita ko siyang umiiyak dahil hindi niya pa rin nakakalimutan ang pagkawala ng anak namin.Hindi pa kami nakakapag usap ng maayos lalo na tungkol sa amin at sa mga nangyari, ayaw kung madaliin siya dahil alam kung nasa healing stage pa lang siya, basta nandito lang ako nakasuporta sa kanya palagi at iintindihan siya hanggang sa gumaling na siya ng tuluyan.Pauwi na ako ngayon sa bahay, pumunta kasi akong opisina dahil may importanteng meeting na naka schedule ngayong araw. Pwede ko naman na iwan si Agatha sa nurse niya dahil hindi naman na ito nagwawala katulad ng dati. At tungkol naman sa kuya ko na si Luke ay patuloy ko pa rin siyang pinapahanap, ang sabi sa akin ng private investigator ko ay nandito lang siya at hindi nag ibang bansa kaya umaasa pa din ako na darat
1 month later ...Agatha POVIsang buwan na ang lumipas simula ng makabalik ako dito sa bahay nila Ethan, hindi naging madali sa akin ang mga nagdaan na buwan ng dahil sa pagkamatay ng anak ko at muntikan na pagkawala ko sa aking sarili, mabuti na lang at unti unting naging maayos ang kalagayan ko.Inaamin ko na no'ng nakaraang buwan matapos namin mag usap ni Ethan ay hindi ko pa siya kayang patawarin, masyado pang sariwa ang lahat at masakit pa pero alam ko sa sarili ko na darating ang araw na mapapatawad ko siya. Pareho kaming may naging kasalanan kung bakit nawala ang anak namin.Sa buwan na lumipas ay unti unting naging maayos ang lahat. Si Belle at Gian ay mas naging busy sa trabaho, si Zey naman ay paminsan minsan bumibisita dito madalas ko din silang makitang magkasama ni Marcus pero hindi ko pa siya natatanong kung anong meron sa kanilang dalawa. Si Ethan naman ay gano'n pa din, mas dumami pa ang mga nagiging investors ng Hernandez Company kaya minsan ay busy din siya. Samanta
Agatha POVNandito na kami sa Paris, kahapon pa kami nakarating dito ni Ethan pero halos mag gabi na kaya kumain na lang kami ng hapunan at saka nagpahinga na. At ngayon ay mag isa lang ako na naiwan dito sa hotel dahil nasa meeting si Ethan.Ang ganda ng view dito sa hotel kung saan kami nag check in, isa ang Paris sa gustong kung puntahan at ngayon ay hindi ako makapaniwala na nandito na ako kasama ang taong mahal ko.Lumabas na ako kanina para mag ikot ikot sa paligid pero hindi din naman ako nagtagal at bumalik na sa hotel. Aalis din kasi kami ni Ethan mamaya kapag nakabalik na siya dito pagkatapos ng kanyang meeting.Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa hindi ko malaman na dahilan, marahil ay dahil sa kasama ko si Ethan, ang totoo niyan ay hindi pa namin napag uusapan ang tungkol sa relasyon na meron kami. Kagaya ng sinabi niya na hindi naman kami naghiwalay na dalawa.Kung nabuhay lang ang anak namin ay isang pamilya na sana kami pero hindi pa talaga siguro ito ang taman
Ethan POVLabis na kasiyahan an nararamdaman ko ngayon, sa totoo lang ay kanina pa ako kinakabahan ng makaalis pa lang kami sa hotel. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang maging negatibo na baka hindi siya pumayag sa proposal ko lalo na sa nangyari sa amin nitong mga nakaraang buwan, pero mabuti na lang at nag yes siya kaya biglang nawala ang kaba sa dibdib ko.Kasalukuyan kaming nag didinner sa isang kilalang restaurant dito sa Paris, sinadya ko talagang isama siya at dito mag propose dahil alam ko na isa ito sa gusto niyang puntahan at naniniwala ako na ang lugar na ito ay tinatawag na City of Love."Bakit ang tahimik mo?" napatingin ako sa kanya ng bigla itong magtanong, hinihintay pa kasi namin ang pagkain."Wala naman may iniisip lang." maikling sagot ko."Ano naman 'yon? Huwag mong sabihin sa work na naman."Umiling naman ako. "Hindi ah, sinabi ko naman sayo na tapos na ang meeting kaya wala na akong dapat pang isipin." anas ko."Ang sabihin mo kinakabahan ka lang talaga kanina da
Ethan POV At dahil sa ginawang paghalik sa akin ni Agatha ay mabilis akong nakaramdam ng init sa katawan, alam kung lasing siya pero hindi ko maiwasan na hindi tugunan ang kanyang halik. Pagkatapos ng ilang segundo ay pareho kaming kumalas sa paghahalikan. "Ethan," mahinang sambit niya sa pangalan ko habang namumungay ang kanyang mga mata. "You are turning me on baby." anas ko at binuhat siya papasok sa kwarto. Agad ko siyang ibinaba ng makapasok na kami sa kwarto at pagkatapos ay mabilis ko siyang siniil ng halik at tinugunan niya naman ito. Naghalikan lang kami hanggang sa inihiga ko na siya sa kama. "Agatha just tell me now to stop hangga't nakakapag pigil pa ako." mahinang bulong ko sa kanyang tainga. "Hindi mo kailangan na magpigil Ethan, I’m all yours." sagot niya naman sa akin at hinubad na ang kanyang dress na suot. Tumambad sa akin ang malulusog niyang dibdib dahilan para mas lalo akong nakaramdam ng init at kakaibang sensasyon sa katawan ko. Narinig ko naman ang mahina
Agatha POVIt's been a year simula ng maikasal kami ni Ethan, hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na kasal na ako sa lalaking mahal ko. Ang dami na naming pinagdaanan na problema at ilang beses na din kaming pinaghiwalay ng tadhana pero ito kami ngayon at masaya na sa piling ng isa't isa.Nang una ay hindi pa makapaniwala ang mga kaibigan namin ng ibinalita namin sa kanila na nagpropose na si Ethan sa akin. Hindi ko din sila masisisi dahil akala nila ay hindi pa kami talagang okay at ang aadjust pa ulit, ang hindi nila alam ay napatawad ko na ng tuluyan si Ethan dahil naisip ko na wala na din naman mangyayari kung papatagalin ko pa dahil pareho naman kaming nawalan ng anak at alam kung magiging masaya ang anghel namin kapag tuluyan ng magkaayos kami ng kanyang ama.Samantalang si Belle naman at Gian ay magkarelasyon na, hindi ko alam ang totoong nangyari kung bakit naghiwalay sila ni Maxine ang alam ko lang ay wala nasa ibang bansa na ito. Saksi din kami kung paano naging
Ethan POVNitong mga nakaraan na linggo ay mas naging busy pa ako sa kumpanya, minsan hindi na ako nagkakaroon ng oras sa asawa ko at nakakaramdam ako ng guilty tungkol do'n pero naiintindihan niya naman kaya masasabi ko na swerte talaga ako kay Agatha at nangako naman ako sa kanya na babawi ako kapag natapos na ang last projects at nakapirma na ang mga new investors, pero sadyang may mga oras na hindi namin maiwasan na hindi magtalo dahil sa isang kliyente ko na si Ms. Sanchez, madalas kasi na pinagpipilitan niya na may gusto 'yon sa akin at pinagseselosan niya dahil mas madalas ko daw itong kasama.Kagaya na lang kanina bago ako umalis sa bahay ay nagkasagutan na naman kami dahil late na ako nakauwi kagabi dahil sa meeting at kasama ko din si Ms. Sanchez pero madami naman kami at ngayon ay makakasama ko na naman ulit ito sa isang lunch meeting, pilit kung pinapaliwanag sa kanya pero hindi na siya kumibo at tinalikuran lang ako, mamaya ko na lang siya kakausapin kapag nakauwi na ako
Ethan POV Isang taon na ang nakalipas ng biniyayaan kami ulit ng isang anak na lalaki at masasabi ko na buo na ang kasiyahan na nararamdaman ko sa buhay dahil may mapagmahal at maalaga akong asawa at sweet na anak. Wala na akong mahihiling pa sa buhay dahil sila lang ay sapat na. Hindi mabibili ng pera ang tunay na kaligayahan na sa pamilya mo lang makikita at mararamdaman. May mga kanya kanya na kaming buhay ngayon. Sina Zey at Marcus ay ikinasal na, ang kapatid kung si Luke ay engage na at ang matalik kung kaibigan na si Gian ay masaya na din sa buhay niya kasama ang asawang si Belle. Sino ang mag aakalang kami ang magkakatuluyan ni Agatha sa huli? Hindi naging maganda ang pagkikita at pagkakakilala namin. Ang dami naming pinagdaanan sa buhay bago namin makamtan ang happily ever after namin, ilang beses kaming pinaghiwalay ng tadhana, ang daming problema ang kinaharap namin at higit sa lahat ay sinubuok ang pagmamahal namin para sa isa't isa at tiwala sa Diyos lalo na ng mamatay
Agatha POV Ilang buwan na ang nakalipas ng maiksal sina Belle at Gian dahil ilang linggo lang matapos na makalabas sila sa hospital ay nagpropose na agad si Gian sa kanya at ngayon ay nasa ibang bansa sila hanggang sa manganak ito. Habang going strong naman ang kaibigan ko na si Zey at Marcus kahit na madalas itong mag away. Samantalang ako naman ay kabuwanan ko na ngayon kaya hindi na ako masyadong naglalabas habang ang asawa ko naman ay mas pinili na sa bahay muna magtrabaho para na din mabantayan at maalagaan kami ni baby. Simula ng malaman ni Ethan ang tungkol sa pagbubuntis ko ay naging protective ito at hindi naman ako nagrereklamo dahil alam kung ayaw niya lang mapahamak kami at maulit ang nangyari sa una naming anak. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv at kumakain ng prutas ng bigla akong makaramdam ng pananakit ng tiyan ko, no'ng una ay ipinagsawalang bahala ko lang ito pero habang tumatagal ay pasakit ng pasakit. "Manang!" sigaw ko, kaya mabilis na l
Gian POVHalos hindi ako makagalaw dahil sa sinabi ni Ethan sa akin. Hindi ko man lang alam na buntis pala si Belle at ako ang ama ng dinadala niya. Ilang beses ko na siyang nasigawan at pinagtulakan at mas worst pa ay naitulak ko siya kanina.Sumama ako kay Ethan para puntahan si Belle dahil dinala niya daw ito sa emergency room. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kanilang dalawa. Kaya pala kahit anong pagtataboy ko sa kanya ay nanatili pa din siya dahil may rason siya.Nang makapunta na kami sa tapat ng emergency room ay tinawagan muna ni Ethan si Agatha para tanungin kung nasaan ito at sinabi naman ng asawa niya na nailipat na si Belle sa isang private room kaya do'n na kami dumiretso.Pagpasok namin sa kwarto ay nakita kung nakahiga si Belle habang si Agatha naman ay nakaupo sa gilid ng kama."Anong sabi ng doctor baby?" tanong ni Ethan sa asawa."She is okay now baby, mabuti na lang at medyo malakas ang kapit ng bata." sagot naman ni Agatha.Bumaling n
Belle POV Isang linggo na ang nakalipas ng huli kaming magkita ni Gian, madalas ko din siyang binibisita sa hospital pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Ipinagluluto ko din siya ng pagkain at binibigay ito kay Maxine para siya na ang magbigay at huwag ipaalam kay Gian na galing ito sa akin. Palagi lang ako nakaupo sa labas ng kanyang kwarto lalo na kapag walang magbabantay sa kanya. Madalas din dumadalaw dito si Ethan at Agatha, minsan ay sinasama nila ako sa loob at dahil hindi ko naman sila mahindian kaya sumasama ako pero hindi naman ako pinapansin ni Gian, para lang akong hangin sa paningin niya. At ngayon naman ay papasok ako sa kanyang silid dahil tinawagan ako ni Maxine, kailangan niya kasing umalis dahil may meeting siya sa trabaho, sa susunod na araw ay pwede ng makalabas si Gian. Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa kanya wheelchair. Agad naman siyang napatingin sa akin. "What are you doing here?" tanong niya. "Tinawagan kasi ako ni Maxine na kung pwede ako muna
Belle POVPapasok ako ngayon sa hospital kung nasaan si Gian dinala, nalaman ko kasi kay Agatha na naaksidente daw ito kaya hindi ako nagdalawang isip na bumyahe agad ditp. Ayaw pa nga sana akong payagan ni Kuya Luke pero nagpumilit pa din ako.Naglalakad na ako ngayon papunta kung saan ang kwarto ni Gian na ibinigay ng nurse na pinatanungan ko. Hindi na ako nag abala pang kumatok at binuksan ko na lang ang pinto. Nakita kung masayang nag uusap si Gian at Maxine na agad din naman napatingin sa akin ng mapansin nila ako."What are you doing here?" tanong sa akin ni Maxine."Bibisitahin ko lang si Gian." sagot ko naman."He is fine kaya pwede ka na umalis.""Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito kaya wala kang karapatan na paalisin ako." matapang na anas ko.Magsasalita pa sana siya ng pigilan na siya ni Gian. "Okay naman na ako Belle kung 'yan ang gusto mong malaman. Buhay pa naman ako kaya pwede ka na umalis." seryosong turan ni Gian, inaamin ko na nasaktan ako dahil sa pagpapaalis ni
Ethan POVKasalukuyang nasa kwarto na kami ng asawa ko, umalis kasi kaming dalawa kanina kaya pareho kaming pagod na dalawa."Are you sure na hindi ka na kakain baby? Pwede akong magpahanda sa maid." tanong ko sa kanya."Kanina mo pa ako tinatanong niyan at sinabi ko naman sayo na busog na ako." nakangusong sagot niya sa akin."Sinisigurado ko lang at baka mamaya manggising ka na naman dahil nagugutom ka." saad ko."Grabe ka naman sa akin, akala mo naman palagi kitang ginigising. Anyway, baby may sasabihin ako sayo." nakangiting turan ni Agatha.Tininingnan ko naman siya. "What is it?""Eh kasi nitong mga nakaraang araw ay madalas sumasama ang pakiramdam ko eh."Agad naman akong napabangon sa pagkakahiga dahil sa sinabi niya. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Dapat nagpunta tayo ng doctor para naman mabigyan ka ng gamot." "Easy okay? Natural lang naman ito at isa pa nagpunta na ako ng doctor.""Without telling me?" saad ko."Kahapon lang kasi 'yon eh diba may meeting ka kaya hindi ko
Belle POVSinubukan kung habulin at tawagin si Gian pero hindi man lang siya tumigil sa pagsakay sa kotse at kahit paglingon ay hindi niya ginawa. Kita ko ang labis na galit sa kanyang mga mata. Alam kung iniisip niya na may namamagitan sa amin ni Luke kaya magkasama kaming dalawa.Iyak lang ako ng iyak habang patuloy sa pagtawag sa kanyang pangalan kahit nakalayo na ang kotse niya. Mayamaya pa ay naramdaman ko na lang ang paghila at pagyakap sa akin ni Luke."Enough Belle, baka mapano pa kayo ni baby." anas niya."K-kuya mali ng iniisip si Gian." mahinang sambit ko."I know, I know. Stop crying now dahil makakasama sayo 'yan." pag aalo niya sa akin at iginaya ako papasok ng bahay.Nang makapasok kami ay pinaupo niya ako sa sala at kumuha ng tubig para ipainom sa akin."Everything will be alright Belle, just calm down now. Isipin mo ang bata na dinadala mo. Galit lang si Gian sa ngayon.""S-sana nga." mahinang bulong ko."Parang hindi mo naman alam ang ugali ng lalaki lalo na kapag ga
Gian POV It's been two months simula ng malaman ko na umalis si Belle, sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko talaga siya makita. Alam kung nandito lang siya at hindi siya pumunta ng ibang bansa dahil wala siyang record sa airport. At ngayon ay papunta ako sa Hacienda ng mga Hernandez dahil nalaman kung nando'n si Belle ng minsang marinig ko si Ethan at Agatha na nag uusap. Hindi na ako nag abala pang komprontahin ang mag asawa dahil umalis ka agad ako ng marinig ko ang pinag uusapan nila. Hindi ko sila masisisi kung hindi nila agad sinabi sa akin na alam nila kung nasaan si Belle dahil kasalanan ko naman talaga ang nangyari kung bakit nahantong kami sa sitwasyon na ito, isa lang ang gusto kung mangyari at 'yon ay mabawi ang babaeng mahal ko. Naayos ko na ang problema na meron kami ni Maxine, we already talked at tanggap niya ng si Belle talaga ang mahal ko kaya at hindi na siya but we remain as friends. Nang makarating ako sa hacienda ay mabilis akong bumaba ng kotse at pumas
Luke POVNang makalabas ako ng kwarto ay naabutan ko si Belle na nakaupo sa sala, kagabi ng umuwi ako dito sa Hacienda ay nakita ko siya na nandito sa bahay na ipinagtataka ko. I know her, she is one my brother's friend. Hindi ko lang siya nakausap dahil sa pagod kaya agad akong dumiretso sa kwarto at natulog.Pumunta ako sa kusina para kumuha ng kape at bumalik kung nasaan si Belle. "Nasaan sila Tay Greg?" tanong ko sa kanya."Umalis silang dalawa dahil may kailangan daw silang asikasuhin pero babalik din naman ang mga 'yon mamaya. I never thought na dito ka umuuwi." saad niya."Minsan lang naman ako dito dahil nando'n ako sa ibang business ng pamilya namin." sagot ko sa kanya."Mabuti naman at naisipan mo ng bumalik.""I don't have any choice dahil nakita na ako ni Agatha at Ethan." saad ko."Sabagay, hindi ka titigilan ng dalawang 'yon kapag hindi ka sumama sa kanila."Tiningnan ko naman siya ng seryoso. "How about you? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.Nakita ko naman ang pag