Agatha POVIt's been a year simula ng maikasal kami ni Ethan, hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na kasal na ako sa lalaking mahal ko. Ang dami na naming pinagdaanan na problema at ilang beses na din kaming pinaghiwalay ng tadhana pero ito kami ngayon at masaya na sa piling ng isa't isa.Nang una ay hindi pa makapaniwala ang mga kaibigan namin ng ibinalita namin sa kanila na nagpropose na si Ethan sa akin. Hindi ko din sila masisisi dahil akala nila ay hindi pa kami talagang okay at ang aadjust pa ulit, ang hindi nila alam ay napatawad ko na ng tuluyan si Ethan dahil naisip ko na wala na din naman mangyayari kung papatagalin ko pa dahil pareho naman kaming nawalan ng anak at alam kung magiging masaya ang anghel namin kapag tuluyan ng magkaayos kami ng kanyang ama.Samantalang si Belle naman at Gian ay magkarelasyon na, hindi ko alam ang totoong nangyari kung bakit naghiwalay sila ni Maxine ang alam ko lang ay wala nasa ibang bansa na ito. Saksi din kami kung paano naging
Ethan POVNitong mga nakaraan na linggo ay mas naging busy pa ako sa kumpanya, minsan hindi na ako nagkakaroon ng oras sa asawa ko at nakakaramdam ako ng guilty tungkol do'n pero naiintindihan niya naman kaya masasabi ko na swerte talaga ako kay Agatha at nangako naman ako sa kanya na babawi ako kapag natapos na ang last projects at nakapirma na ang mga new investors, pero sadyang may mga oras na hindi namin maiwasan na hindi magtalo dahil sa isang kliyente ko na si Ms. Sanchez, madalas kasi na pinagpipilitan niya na may gusto 'yon sa akin at pinagseselosan niya dahil mas madalas ko daw itong kasama.Kagaya na lang kanina bago ako umalis sa bahay ay nagkasagutan na naman kami dahil late na ako nakauwi kagabi dahil sa meeting at kasama ko din si Ms. Sanchez pero madami naman kami at ngayon ay makakasama ko na naman ulit ito sa isang lunch meeting, pilit kung pinapaliwanag sa kanya pero hindi na siya kumibo at tinalikuran lang ako, mamaya ko na lang siya kakausapin kapag nakauwi na ako
Agatha POVNang makababa ako ng kotse ay hindi ko na hindi ko na hinintay pa si Ethan at nauna na akong pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto.Mayamaya pa ay pumasok na din ito, hindi ako kumibo at hindi na lang siya pinansan."Agatha what you did earlier is not good." panimula niya."Oh edi kasalanan ko na." pabalang na sagot ko."What is happening to you? Hindi ka man lang nagtanong basta kana lang sumugod do'n at kung ano ano ang sinabi mo sa kliyente ko.""May mali ba sa sinabi ko? As far as I know kasi may meeting ka with your three clients, hindi ko naman alam na isa lang naman pala ang kikitain mong tao." anas ko."Hear me out please, kaya nga kita inaawat para maipaliwanag sayo ang nangyari. Hindi nakarating ang dalawa pa naming ka meeting kasi nagkaroon sila ng emergency kaya pinareschedule na lang ng ibang araw.""At dahil wala sila kayong dalawa na lang ang nagtuloy gano'n ba? Ang sweet niyo naman pala ng kliyente mo 'no?" panunuya ko."Stop being sarcastic Agatha
Ethan POVNang makaalis ang kaibigan kung si Gian ay lumabas na din ako ng opisina para puntahan ang asawa ko, alam kung nasa pool area lang siya. Habang papalapit ako sa kung saan si Agatha ay may narinig akong kausap niya sa phone, mukhang si Zey ito. Tumigil muna ako sa paglapit sa kanya at nakinig sa sinasabi niya sa kanyang kaibigan."Nakakasama lang talaga ng loob best kasi parang ako pa 'yong may kasalanan sa nangyari kanina.""At hindi ako makapaniwala na he apologize to that woman in front of me na parang nag aalala pa siya sa kung anong mararamdaman ng babaeng 'yon dahil sa mga sinabi ko, parang mas nacomfort niya pa 'yon kaysa sa akin na asawa niya. Parang nasa isang laban ako na basta na lang tinalikuran ni Ethan para kampihan ang ibang tao.""Tapos ako pa pala ang nagmumukhang gumawa ng eksena sa restaurant na 'yon? So anong gusto niyang gawin ko hayaan na lang gano'n? ""I feel betrayed by my own husband.""Naiintindihan ko naman na wala akong alam sa mundo na ginagalaw
Ethan POV Nagising ako na wala na sa tabi ko ang asawa ko kaya bumangon na ako at bumaba dahil alam kung nando'n siya. Wala kasi kaming maids ngayon dahil na sa bakasyon ang mga ito kaya si Agatha ang nagluluto ng pagkain namin. Ng makababa na ako ay nakita ko sa sala ang mga nakakalat na design ng asawa ko, 'yong iba dito ay may markang x at 'yong iba naman ay mga punit punit na. Napabuntong hininga naman ako at kinuha ang iba pagkatapos ay dumiretso na ako sa dining table. "Nandyan na ang almusal mo." anas niya ng makita ako. "Hindi ka ba kakain?" tanong ko sa kanya. Umiling naman ito. "Tapos na ako kaya kumain ka na diyan at baka malate ka pa." sagot niya sa akin at naglakad na patungo sa sala. Mabilis ko naman siyang sinundan at hinawakan ang kanyang braso kaya nagtataka niya akong tiningnan. "Why? Hindi ka ba dito kakain? Hayaan mo na lang do'n at ililigpit ko nalang mamaya." "What is this? Bakit sinira mo ang mga designs na gawa mo?" tanong ko sa kanya at pinakita ang mga
Agatha POVKasalukuyan akong nasa starbucks ngayon kaharap ang babaeng kliyente ng asawa ko na si Veronica, hindi ko alam kung ano ang kailangan niya sa akin basta na lang siyang tumawag at hindi ko din alam kung saan niya nakuha ang numero ko."Siguro ay nagtataka ka kung bakit ako tumawag sayo para makipagkita at kung saan ko nakuha ang number mo? Pinilit ko talaga si Ethan na ibigay sa akin dahil gusto talaga kitang makausap para magkalinawan tayo." panimula niya sa akin."Im sorry for what happen last time." anas ko naman.Ngumiti naman ito sa akin. "Ako ang dapat na humingi ng tawad sayo dahil sa nangyari, hindi naman kita masisisi kung bakit gano'n ang naging reaksyon mo at nahihiya din ako. Siguro napaliwanag na din sayo ng asawa mo kung ano ba talaga ang nangyari at kung bakit dalawa lang kaming nakita mo na nasa restaurant."Tumango naman ako sa kanya. "Sinabi niya na sa akin na nagkaroon ng emergency ang dalawang dapat ay kasama niyo." saad ko."Yes, actually uuwi na dapat a
Zey POVPapasok ako ngayon sa opisina ni Marcus ng madatnan ko do'n ang kaibigan kung si Agatha, himala yata at nandito ngayon ang babaeng 'to? Ang alam ko kasi ay tinatapos niya na lang ang kontrata niya sa Montreal at hindi pa siya nakakapag desisyon kung ipagpapatuloy niya pa ang pagtatrabaho dito."Mukhang seryoso ang pinag uusapan niyo ah." bulalas ko ng makapasok ako sa loob.Napatingin naman sa akin si Marcus. "Nasaan na ang files?" anas niya agad sa akin."Grabe ka naman! Hindi ko pa nga natatapos 'yon pwede mamayang hapon na lang?" sagot ko sa kanya."Just be sure to finish it Zey dahil kailangan ko 'yon bukas sa meeting." Tumango naman ako. "I will." sagot ko sa kanya at umupo sa upuan kaharap si Agatha."Himala at nandito ka ngayon ah, akala ko wala ka na balak pumasok." pagbibiro ko sa kanya.Inirapan niya naman ako. "Pwede naman ako pumasok anytime, ang sabi ni Marcus I can work at home." sagot niya naman sa akin."Ang unfair nga ng isa diyan samantalang ako kailangan pu
Ethan POVKalalabas ko lang sa conference room dahil katatapos lang ng meeting ko with the new investors. Mabuti na lang at sa wakas natapos din ang halos isang buwan na projects at makakapagpahinga na ako ng maayos.Dumiretso na ako sa opisina ko kasama si Gian at sabay kaming naupo, nakahinga din kami ng maluwag dahil nagkapirmahan na ng kontrata."Grabe bawing bawi ang pagod at puyat." bulalas ni Gian."Ito lang naman ang hinihintay kung matapos para makabawi na ako sa asawa ko. Gusto ko munang magbakasyon pagkatapos ng araw na ito." saad ko naman."Pwede na 'yan deserve mo naman ng pahinga kasama ang asawa mo diba? Maiba ako ano nga pala ang sinasabi mo nakaraan sa akin? Masyadong occupied ang isip ko kasi ng mga oras na 'yon.""Ang sabihin mo iniisip mo lang si Belle kaya ka ganyan! Dami mo pang sinasabi. Wala naman 'yon may napapansin lang kasi ako kay Agatha." anas ko.Kumunot naman ang noo niya. "Anong napapansin? Huwag mong sabihin na buntis siya?""Gago! Hindi 'yon! Nitong m
Ethan POV Isang taon na ang nakalipas ng biniyayaan kami ulit ng isang anak na lalaki at masasabi ko na buo na ang kasiyahan na nararamdaman ko sa buhay dahil may mapagmahal at maalaga akong asawa at sweet na anak. Wala na akong mahihiling pa sa buhay dahil sila lang ay sapat na. Hindi mabibili ng pera ang tunay na kaligayahan na sa pamilya mo lang makikita at mararamdaman. May mga kanya kanya na kaming buhay ngayon. Sina Zey at Marcus ay ikinasal na, ang kapatid kung si Luke ay engage na at ang matalik kung kaibigan na si Gian ay masaya na din sa buhay niya kasama ang asawang si Belle. Sino ang mag aakalang kami ang magkakatuluyan ni Agatha sa huli? Hindi naging maganda ang pagkikita at pagkakakilala namin. Ang dami naming pinagdaanan sa buhay bago namin makamtan ang happily ever after namin, ilang beses kaming pinaghiwalay ng tadhana, ang daming problema ang kinaharap namin at higit sa lahat ay sinubuok ang pagmamahal namin para sa isa't isa at tiwala sa Diyos lalo na ng mamatay
Agatha POV Ilang buwan na ang nakalipas ng maiksal sina Belle at Gian dahil ilang linggo lang matapos na makalabas sila sa hospital ay nagpropose na agad si Gian sa kanya at ngayon ay nasa ibang bansa sila hanggang sa manganak ito. Habang going strong naman ang kaibigan ko na si Zey at Marcus kahit na madalas itong mag away. Samantalang ako naman ay kabuwanan ko na ngayon kaya hindi na ako masyadong naglalabas habang ang asawa ko naman ay mas pinili na sa bahay muna magtrabaho para na din mabantayan at maalagaan kami ni baby. Simula ng malaman ni Ethan ang tungkol sa pagbubuntis ko ay naging protective ito at hindi naman ako nagrereklamo dahil alam kung ayaw niya lang mapahamak kami at maulit ang nangyari sa una naming anak. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv at kumakain ng prutas ng bigla akong makaramdam ng pananakit ng tiyan ko, no'ng una ay ipinagsawalang bahala ko lang ito pero habang tumatagal ay pasakit ng pasakit. "Manang!" sigaw ko, kaya mabilis na l
Gian POVHalos hindi ako makagalaw dahil sa sinabi ni Ethan sa akin. Hindi ko man lang alam na buntis pala si Belle at ako ang ama ng dinadala niya. Ilang beses ko na siyang nasigawan at pinagtulakan at mas worst pa ay naitulak ko siya kanina.Sumama ako kay Ethan para puntahan si Belle dahil dinala niya daw ito sa emergency room. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kanilang dalawa. Kaya pala kahit anong pagtataboy ko sa kanya ay nanatili pa din siya dahil may rason siya.Nang makapunta na kami sa tapat ng emergency room ay tinawagan muna ni Ethan si Agatha para tanungin kung nasaan ito at sinabi naman ng asawa niya na nailipat na si Belle sa isang private room kaya do'n na kami dumiretso.Pagpasok namin sa kwarto ay nakita kung nakahiga si Belle habang si Agatha naman ay nakaupo sa gilid ng kama."Anong sabi ng doctor baby?" tanong ni Ethan sa asawa."She is okay now baby, mabuti na lang at medyo malakas ang kapit ng bata." sagot naman ni Agatha.Bumaling n
Belle POV Isang linggo na ang nakalipas ng huli kaming magkita ni Gian, madalas ko din siyang binibisita sa hospital pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Ipinagluluto ko din siya ng pagkain at binibigay ito kay Maxine para siya na ang magbigay at huwag ipaalam kay Gian na galing ito sa akin. Palagi lang ako nakaupo sa labas ng kanyang kwarto lalo na kapag walang magbabantay sa kanya. Madalas din dumadalaw dito si Ethan at Agatha, minsan ay sinasama nila ako sa loob at dahil hindi ko naman sila mahindian kaya sumasama ako pero hindi naman ako pinapansin ni Gian, para lang akong hangin sa paningin niya. At ngayon naman ay papasok ako sa kanyang silid dahil tinawagan ako ni Maxine, kailangan niya kasing umalis dahil may meeting siya sa trabaho, sa susunod na araw ay pwede ng makalabas si Gian. Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa kanya wheelchair. Agad naman siyang napatingin sa akin. "What are you doing here?" tanong niya. "Tinawagan kasi ako ni Maxine na kung pwede ako muna
Belle POVPapasok ako ngayon sa hospital kung nasaan si Gian dinala, nalaman ko kasi kay Agatha na naaksidente daw ito kaya hindi ako nagdalawang isip na bumyahe agad ditp. Ayaw pa nga sana akong payagan ni Kuya Luke pero nagpumilit pa din ako.Naglalakad na ako ngayon papunta kung saan ang kwarto ni Gian na ibinigay ng nurse na pinatanungan ko. Hindi na ako nag abala pang kumatok at binuksan ko na lang ang pinto. Nakita kung masayang nag uusap si Gian at Maxine na agad din naman napatingin sa akin ng mapansin nila ako."What are you doing here?" tanong sa akin ni Maxine."Bibisitahin ko lang si Gian." sagot ko naman."He is fine kaya pwede ka na umalis.""Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito kaya wala kang karapatan na paalisin ako." matapang na anas ko.Magsasalita pa sana siya ng pigilan na siya ni Gian. "Okay naman na ako Belle kung 'yan ang gusto mong malaman. Buhay pa naman ako kaya pwede ka na umalis." seryosong turan ni Gian, inaamin ko na nasaktan ako dahil sa pagpapaalis ni
Ethan POVKasalukuyang nasa kwarto na kami ng asawa ko, umalis kasi kaming dalawa kanina kaya pareho kaming pagod na dalawa."Are you sure na hindi ka na kakain baby? Pwede akong magpahanda sa maid." tanong ko sa kanya."Kanina mo pa ako tinatanong niyan at sinabi ko naman sayo na busog na ako." nakangusong sagot niya sa akin."Sinisigurado ko lang at baka mamaya manggising ka na naman dahil nagugutom ka." saad ko."Grabe ka naman sa akin, akala mo naman palagi kitang ginigising. Anyway, baby may sasabihin ako sayo." nakangiting turan ni Agatha.Tininingnan ko naman siya. "What is it?""Eh kasi nitong mga nakaraang araw ay madalas sumasama ang pakiramdam ko eh."Agad naman akong napabangon sa pagkakahiga dahil sa sinabi niya. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Dapat nagpunta tayo ng doctor para naman mabigyan ka ng gamot." "Easy okay? Natural lang naman ito at isa pa nagpunta na ako ng doctor.""Without telling me?" saad ko."Kahapon lang kasi 'yon eh diba may meeting ka kaya hindi ko
Belle POVSinubukan kung habulin at tawagin si Gian pero hindi man lang siya tumigil sa pagsakay sa kotse at kahit paglingon ay hindi niya ginawa. Kita ko ang labis na galit sa kanyang mga mata. Alam kung iniisip niya na may namamagitan sa amin ni Luke kaya magkasama kaming dalawa.Iyak lang ako ng iyak habang patuloy sa pagtawag sa kanyang pangalan kahit nakalayo na ang kotse niya. Mayamaya pa ay naramdaman ko na lang ang paghila at pagyakap sa akin ni Luke."Enough Belle, baka mapano pa kayo ni baby." anas niya."K-kuya mali ng iniisip si Gian." mahinang sambit ko."I know, I know. Stop crying now dahil makakasama sayo 'yan." pag aalo niya sa akin at iginaya ako papasok ng bahay.Nang makapasok kami ay pinaupo niya ako sa sala at kumuha ng tubig para ipainom sa akin."Everything will be alright Belle, just calm down now. Isipin mo ang bata na dinadala mo. Galit lang si Gian sa ngayon.""S-sana nga." mahinang bulong ko."Parang hindi mo naman alam ang ugali ng lalaki lalo na kapag ga
Gian POV It's been two months simula ng malaman ko na umalis si Belle, sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko talaga siya makita. Alam kung nandito lang siya at hindi siya pumunta ng ibang bansa dahil wala siyang record sa airport. At ngayon ay papunta ako sa Hacienda ng mga Hernandez dahil nalaman kung nando'n si Belle ng minsang marinig ko si Ethan at Agatha na nag uusap. Hindi na ako nag abala pang komprontahin ang mag asawa dahil umalis ka agad ako ng marinig ko ang pinag uusapan nila. Hindi ko sila masisisi kung hindi nila agad sinabi sa akin na alam nila kung nasaan si Belle dahil kasalanan ko naman talaga ang nangyari kung bakit nahantong kami sa sitwasyon na ito, isa lang ang gusto kung mangyari at 'yon ay mabawi ang babaeng mahal ko. Naayos ko na ang problema na meron kami ni Maxine, we already talked at tanggap niya ng si Belle talaga ang mahal ko kaya at hindi na siya but we remain as friends. Nang makarating ako sa hacienda ay mabilis akong bumaba ng kotse at pumas
Luke POVNang makalabas ako ng kwarto ay naabutan ko si Belle na nakaupo sa sala, kagabi ng umuwi ako dito sa Hacienda ay nakita ko siya na nandito sa bahay na ipinagtataka ko. I know her, she is one my brother's friend. Hindi ko lang siya nakausap dahil sa pagod kaya agad akong dumiretso sa kwarto at natulog.Pumunta ako sa kusina para kumuha ng kape at bumalik kung nasaan si Belle. "Nasaan sila Tay Greg?" tanong ko sa kanya."Umalis silang dalawa dahil may kailangan daw silang asikasuhin pero babalik din naman ang mga 'yon mamaya. I never thought na dito ka umuuwi." saad niya."Minsan lang naman ako dito dahil nando'n ako sa ibang business ng pamilya namin." sagot ko sa kanya."Mabuti naman at naisipan mo ng bumalik.""I don't have any choice dahil nakita na ako ni Agatha at Ethan." saad ko."Sabagay, hindi ka titigilan ng dalawang 'yon kapag hindi ka sumama sa kanila."Tiningnan ko naman siya ng seryoso. "How about you? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.Nakita ko naman ang pag