Ethan POVHanggang sa matapos kami pumunta ni Gian sa isang Cafe at ngayon na nasa bahay na ako ay hindi pa din mawala sa isip ko ang nakita ko kanina, hindi ako pwedeng magkamali dahil kilala ko ang asawa ko kahit saang anggulo.Ang alam ko ay pumunta siya sa Montreal Company kanina pero hindi ko akalain na makikita ko siya na may kasamang lalaki at sigurado ako na hindi 'yon si Marcus.It's already 8pm pero hindi pa din siya nakakauwi at hindi man lang nag abala na tumawag sa akin para magsabi na late siyang makakauwi. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang kanina ko pa hinihintay.Ngumiti naman siya sa akin ng makita ako. "Hi baby, nandito ka na pala." anas niya."Bakit? Inaasahan mo bang wala pa ako sa bahay ng ganitong oras? Why are you late? Ang pagkakaalam ko hanggang 5pm ka lang sa Montreal ah." saad ko."Kanina pa ako nakaalis sa office may dinadaan pa kasi ako.""Saan naman 'yon? Alas otso na ng gabi Agatha at hindi ka man lang nagsabi sa akin." wika ko.Bumunt
Agatha POVIlang araw na ang nakalipas simula ng mangyari ang pag uusap namin ng asawa ko at hanggang ngayon ay hindi niya ako kinikibo masyado. Alam kung naghihinala pa din siya sa akin pero hindi ko pa kasi pwedeng sabihin sa kanya ang tungkol kay Kuya Luke dahil na din sa pakiusap nito sa akin.Ilang araw ko na din na hindi nakakasabay si Ethan sa almusal dahil palagi itong nagmamadali para pumasok sa opisina dahil may meeting daw ito kahit alam ko naman ang totoo na iniiwasan niya lang talaga ako.At ngayon ay nakapagpasya na akong sabihin sa kanya ang totoo, ayaw ko naman na nag aaway kami sa ganitong rason lang at ayaw ko na mawala ang tiwala niya sa akin. Napagpasyahan ko na dalhan na lang siya ng tanghalian sa opisina.Pagkatapos kung maligo at mag ayos at nagpahatid na ako sa driver sa Hernandez Company, hindi naman magiging matagal ang byahe dahil hindi naman kalayuan ang opisina ng asawa ko sa bahay namin.Pagdating ko sa tapat ng building ay nagtuloy tuloy na ako sa pagpas
Luke POVHindi ko inaasahan na ngayong araw magtatagpo ang landas namin ng kapatid ko, hindi naman ako galit kay Agatha dahil sinabi niya kay Ethan dahil naiintindihan ko naman ang rason niya hindi ko lang inaakala na ganito ka aga.Iniligpit ko muna ang mga nakakalat na mga papeles sa mesa at pagkatapos ay pinasok ko sa loob ng kwarto. Nang makalabas ako ay tahimik lang silang mag asawa kaya umupo na ako sa bakanteng upuan kaharap ng kapatid ko."How's your life?" tanong ni Ethan sa akin."As you can see maayos naman at nakapag adjust na sa ilang taon na lumipas." sagot ko sa kanya."Nasaan ka ng mga nagdaan na taon. Ilang beses kung sinubukan na ipahanap ka pero wala silang maireport sa akin ng maayos at alam kung may kinalaman ka do'n.""You know me well brother, palipat lipat kasi ako ng lugar kaya asahan mong hindi nila agad ako makikita at kung mahanap man nila ako ay binabayaran ko sila para walang sabihin sayo. After all I am also an Hernandez." paliwanag ko sa kanya.Mayamaya
Ethan POV Isang linggo na ang nakalipas ng magkita kami ni kuya Luke at bumalik na din siya sa bahay, plano ko sana na siya na ang pumalit sa akin bilang CEO nitong Hernandez pero tumanggi naman siya mas pinili niyang pamahalaan ang iba naming business. At ngayon ay nandito naman ako sa opisina ko habang kaharap ang kaibigan ko na mukhang zombie na hindi nakatulog ng ilang araw. "Anong problema mo?" tanong ko kay Gian, napapansin ko kasi na ang lalim ng iniisip niya at minsan naman ay tulala siya. "She's back." anas niya. Kumunot naman ang noo ko. " Sino? Hindi ako manghuhula fucker!" singhal ko sa kanya. "Maxine." maikling sagot niya. Napaayos naman ako ng upo. "Don't tell me na may communication pa kayo?" pagtatanong ko. Mabilis naman siyang umiling. "Nagkita lang kami sa isang restaurant ng isang araw ng may meeting ako sa isang client ko." "Oh anong problema kung bumalik na siya? You already have Belle." saad ko. "She wants me back." "W-what? Nasisiraan na ba ng ulo si M
Gian POVTatlong araw ng makalipas ng mag usap kami ni Ethan at ngayon ay gulong gulo pa din ang isip ko, alam ko sa sarili ko na mahal ko si Belle pero ang hirap iwasan ni Maxine dahil madalas nagkukrus ang landas naming dalawa.Ayaw kung masaktan si Belle dahil siya ang taong dumamay sa akin ng mga panahon na lugmok ako kaya siguro minahal ko siya ng higit pa sa kaibigan. She is precious at ayaw akong makita siyang umiiyak ng dahil sa akin.Nang matapos ako sa lahat ng trabaho ko ay nagpasya ako na magpalipas ng oras sa isang bar, hindi ko kasama si Ethan dahil may lakad sila ng asawa niya samantalang si Belle naman ay kasama ang kanyang pamilya.Pagdating ko sa bar ay umupo lang ako sa bakanteng upuan at umorder na ng alak. Pagod ako sa trabaho dahil sa sunod sunod na meeting at problema ko pa si Maxine dahil minsan ay pumupunta siya sa opisina ko. Inom lang ako ng inom dahil wala naman akong balak na magtagal dito sa bar at uuwi din ako mayamaya.Habang busy ako sa pag inom ay ma
Belle POV Ilang araw ko ng napapansin na parang may problema si Gian at kapag tinatanong ko naman siya ay palaging sinasagot niya sa trabaho lang pero nahuhuli ko siyang tulala o kaya may malalim na iniisip. Ayaw ko naman siyang kulitin dahil baka mainis lang siya. Hindi din kami madalas na nagkikita o kasama dahil pareho kaming na busy sa trabaho pero kapag may oras naman kami free time namin ay magkasama kami. Kagaya na lang ngayon na sabay kaming kumakain ng lunch. "Babe?" pagkuha ko sa atensyon niya. Tumingin naman siya sa akin. "Hmmm?" "Are you really sure na okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. "Yes babe, why?" "Ang lalim kasi ng iniisip mo eh, nakaraan ko pa napapansin na parang balisa ka kaya iniisip ko na baka may problema." anas ko. "Pagod lang ako sa work babe, alam mo naman na may bagong projects." Ngumiti naman ako sa kanya. "Baka naman masyado kang nagpapagod, bigyan mo din oras ang sarili mo makapagpahinga. Magkakasakit ka niyan eh." saad ko.
Belle POV Nandito ako sa condo ni Gian dahil may pupuntahan lang daw siya at babalik din agad pero dahil hindi ako matahimik kaya nakapag desisyon kung sundan siya kung saan siya pupunta hindi ko maintindihan sa sarili ko pero iba ang kutob ko. Binilisan ko ang pagbaba sa building ng condo at nakita ko pa ang sasakyan niya, hindi pa siya nakakasakay dahil may kausap pa ito sa phone. Hinintay ko muna na makaalis ang kotse niya saka ako pumara ng taxi hindi ko kasi dala ang sasakyan ko. Sinabihan ko ang driver na sundan ang kotse ni Gian kung saan ito pupunta at agad naman itong tumalima, habang nakasunod kami sa kanya ay hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng kaba. Malaki ang tiwala ko sa boyfriend ko pero hindi ko lang maiwasan ang hindi mag isip ng mga bagay bagay. Nagtaka ako ng makita kung huminto ang kotse ni Gian sa isang condominium building. Anong gagawin niya dito? May kakausapin ba siyang kliyente? Nang makita kung bumaba na siya at mabilis akong nagbayad sa driver ng
Belle POVHindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga narinig ko, alam ko naman na hindi pa nakakamove on si Gian sa ex niya pero masakit pa din pala kapag narinig mo ito mismo sa kanya na mahal niya pa. Sabagay ano nga ba ang laban ko sa unang minahal niya kaysa sa akin.Nang mapansin kung nakita ako ni Maxine kasabay ng pagtingin at pagtawag sa akin ni Gian ay mabilis akong tumakbo paalis sa unit na 'yon. Ayaw ko naman magmukhang kawawa sa paningin nilang dalawa.Bago pa ako makasakay sa elevator ay hinigit na ni Gian ang braso ko."Let me go Gian." bulalas ko."No I won't! Let's talk please babe, let me explain.""A-ayos na sa akin ang mga narinig ko, hindi mo na kailangan pang magpaliwanag dahil naiintindihan ko naman." mahinang saad ko."Mali ka ng iniisip mo, hindi 'yon ang ibig kung sabihin."Napatingin ako sa kanya kasabay ng paglandas ng mga luha sa mata ko. "A-alam kung mahal mo pa siya kahit na hindi mo 'yon sabihin sa akin." wika ko.Nakita ko naman ang pag ilin
Ethan POV Isang taon na ang nakalipas ng biniyayaan kami ulit ng isang anak na lalaki at masasabi ko na buo na ang kasiyahan na nararamdaman ko sa buhay dahil may mapagmahal at maalaga akong asawa at sweet na anak. Wala na akong mahihiling pa sa buhay dahil sila lang ay sapat na. Hindi mabibili ng pera ang tunay na kaligayahan na sa pamilya mo lang makikita at mararamdaman. May mga kanya kanya na kaming buhay ngayon. Sina Zey at Marcus ay ikinasal na, ang kapatid kung si Luke ay engage na at ang matalik kung kaibigan na si Gian ay masaya na din sa buhay niya kasama ang asawang si Belle. Sino ang mag aakalang kami ang magkakatuluyan ni Agatha sa huli? Hindi naging maganda ang pagkikita at pagkakakilala namin. Ang dami naming pinagdaanan sa buhay bago namin makamtan ang happily ever after namin, ilang beses kaming pinaghiwalay ng tadhana, ang daming problema ang kinaharap namin at higit sa lahat ay sinubuok ang pagmamahal namin para sa isa't isa at tiwala sa Diyos lalo na ng mamatay
Agatha POV Ilang buwan na ang nakalipas ng maiksal sina Belle at Gian dahil ilang linggo lang matapos na makalabas sila sa hospital ay nagpropose na agad si Gian sa kanya at ngayon ay nasa ibang bansa sila hanggang sa manganak ito. Habang going strong naman ang kaibigan ko na si Zey at Marcus kahit na madalas itong mag away. Samantalang ako naman ay kabuwanan ko na ngayon kaya hindi na ako masyadong naglalabas habang ang asawa ko naman ay mas pinili na sa bahay muna magtrabaho para na din mabantayan at maalagaan kami ni baby. Simula ng malaman ni Ethan ang tungkol sa pagbubuntis ko ay naging protective ito at hindi naman ako nagrereklamo dahil alam kung ayaw niya lang mapahamak kami at maulit ang nangyari sa una naming anak. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv at kumakain ng prutas ng bigla akong makaramdam ng pananakit ng tiyan ko, no'ng una ay ipinagsawalang bahala ko lang ito pero habang tumatagal ay pasakit ng pasakit. "Manang!" sigaw ko, kaya mabilis na l
Gian POVHalos hindi ako makagalaw dahil sa sinabi ni Ethan sa akin. Hindi ko man lang alam na buntis pala si Belle at ako ang ama ng dinadala niya. Ilang beses ko na siyang nasigawan at pinagtulakan at mas worst pa ay naitulak ko siya kanina.Sumama ako kay Ethan para puntahan si Belle dahil dinala niya daw ito sa emergency room. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kanilang dalawa. Kaya pala kahit anong pagtataboy ko sa kanya ay nanatili pa din siya dahil may rason siya.Nang makapunta na kami sa tapat ng emergency room ay tinawagan muna ni Ethan si Agatha para tanungin kung nasaan ito at sinabi naman ng asawa niya na nailipat na si Belle sa isang private room kaya do'n na kami dumiretso.Pagpasok namin sa kwarto ay nakita kung nakahiga si Belle habang si Agatha naman ay nakaupo sa gilid ng kama."Anong sabi ng doctor baby?" tanong ni Ethan sa asawa."She is okay now baby, mabuti na lang at medyo malakas ang kapit ng bata." sagot naman ni Agatha.Bumaling n
Belle POV Isang linggo na ang nakalipas ng huli kaming magkita ni Gian, madalas ko din siyang binibisita sa hospital pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Ipinagluluto ko din siya ng pagkain at binibigay ito kay Maxine para siya na ang magbigay at huwag ipaalam kay Gian na galing ito sa akin. Palagi lang ako nakaupo sa labas ng kanyang kwarto lalo na kapag walang magbabantay sa kanya. Madalas din dumadalaw dito si Ethan at Agatha, minsan ay sinasama nila ako sa loob at dahil hindi ko naman sila mahindian kaya sumasama ako pero hindi naman ako pinapansin ni Gian, para lang akong hangin sa paningin niya. At ngayon naman ay papasok ako sa kanyang silid dahil tinawagan ako ni Maxine, kailangan niya kasing umalis dahil may meeting siya sa trabaho, sa susunod na araw ay pwede ng makalabas si Gian. Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa kanya wheelchair. Agad naman siyang napatingin sa akin. "What are you doing here?" tanong niya. "Tinawagan kasi ako ni Maxine na kung pwede ako muna
Belle POVPapasok ako ngayon sa hospital kung nasaan si Gian dinala, nalaman ko kasi kay Agatha na naaksidente daw ito kaya hindi ako nagdalawang isip na bumyahe agad ditp. Ayaw pa nga sana akong payagan ni Kuya Luke pero nagpumilit pa din ako.Naglalakad na ako ngayon papunta kung saan ang kwarto ni Gian na ibinigay ng nurse na pinatanungan ko. Hindi na ako nag abala pang kumatok at binuksan ko na lang ang pinto. Nakita kung masayang nag uusap si Gian at Maxine na agad din naman napatingin sa akin ng mapansin nila ako."What are you doing here?" tanong sa akin ni Maxine."Bibisitahin ko lang si Gian." sagot ko naman."He is fine kaya pwede ka na umalis.""Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito kaya wala kang karapatan na paalisin ako." matapang na anas ko.Magsasalita pa sana siya ng pigilan na siya ni Gian. "Okay naman na ako Belle kung 'yan ang gusto mong malaman. Buhay pa naman ako kaya pwede ka na umalis." seryosong turan ni Gian, inaamin ko na nasaktan ako dahil sa pagpapaalis ni
Ethan POVKasalukuyang nasa kwarto na kami ng asawa ko, umalis kasi kaming dalawa kanina kaya pareho kaming pagod na dalawa."Are you sure na hindi ka na kakain baby? Pwede akong magpahanda sa maid." tanong ko sa kanya."Kanina mo pa ako tinatanong niyan at sinabi ko naman sayo na busog na ako." nakangusong sagot niya sa akin."Sinisigurado ko lang at baka mamaya manggising ka na naman dahil nagugutom ka." saad ko."Grabe ka naman sa akin, akala mo naman palagi kitang ginigising. Anyway, baby may sasabihin ako sayo." nakangiting turan ni Agatha.Tininingnan ko naman siya. "What is it?""Eh kasi nitong mga nakaraang araw ay madalas sumasama ang pakiramdam ko eh."Agad naman akong napabangon sa pagkakahiga dahil sa sinabi niya. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Dapat nagpunta tayo ng doctor para naman mabigyan ka ng gamot." "Easy okay? Natural lang naman ito at isa pa nagpunta na ako ng doctor.""Without telling me?" saad ko."Kahapon lang kasi 'yon eh diba may meeting ka kaya hindi ko
Belle POVSinubukan kung habulin at tawagin si Gian pero hindi man lang siya tumigil sa pagsakay sa kotse at kahit paglingon ay hindi niya ginawa. Kita ko ang labis na galit sa kanyang mga mata. Alam kung iniisip niya na may namamagitan sa amin ni Luke kaya magkasama kaming dalawa.Iyak lang ako ng iyak habang patuloy sa pagtawag sa kanyang pangalan kahit nakalayo na ang kotse niya. Mayamaya pa ay naramdaman ko na lang ang paghila at pagyakap sa akin ni Luke."Enough Belle, baka mapano pa kayo ni baby." anas niya."K-kuya mali ng iniisip si Gian." mahinang sambit ko."I know, I know. Stop crying now dahil makakasama sayo 'yan." pag aalo niya sa akin at iginaya ako papasok ng bahay.Nang makapasok kami ay pinaupo niya ako sa sala at kumuha ng tubig para ipainom sa akin."Everything will be alright Belle, just calm down now. Isipin mo ang bata na dinadala mo. Galit lang si Gian sa ngayon.""S-sana nga." mahinang bulong ko."Parang hindi mo naman alam ang ugali ng lalaki lalo na kapag ga
Gian POV It's been two months simula ng malaman ko na umalis si Belle, sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko talaga siya makita. Alam kung nandito lang siya at hindi siya pumunta ng ibang bansa dahil wala siyang record sa airport. At ngayon ay papunta ako sa Hacienda ng mga Hernandez dahil nalaman kung nando'n si Belle ng minsang marinig ko si Ethan at Agatha na nag uusap. Hindi na ako nag abala pang komprontahin ang mag asawa dahil umalis ka agad ako ng marinig ko ang pinag uusapan nila. Hindi ko sila masisisi kung hindi nila agad sinabi sa akin na alam nila kung nasaan si Belle dahil kasalanan ko naman talaga ang nangyari kung bakit nahantong kami sa sitwasyon na ito, isa lang ang gusto kung mangyari at 'yon ay mabawi ang babaeng mahal ko. Naayos ko na ang problema na meron kami ni Maxine, we already talked at tanggap niya ng si Belle talaga ang mahal ko kaya at hindi na siya but we remain as friends. Nang makarating ako sa hacienda ay mabilis akong bumaba ng kotse at pumas
Luke POVNang makalabas ako ng kwarto ay naabutan ko si Belle na nakaupo sa sala, kagabi ng umuwi ako dito sa Hacienda ay nakita ko siya na nandito sa bahay na ipinagtataka ko. I know her, she is one my brother's friend. Hindi ko lang siya nakausap dahil sa pagod kaya agad akong dumiretso sa kwarto at natulog.Pumunta ako sa kusina para kumuha ng kape at bumalik kung nasaan si Belle. "Nasaan sila Tay Greg?" tanong ko sa kanya."Umalis silang dalawa dahil may kailangan daw silang asikasuhin pero babalik din naman ang mga 'yon mamaya. I never thought na dito ka umuuwi." saad niya."Minsan lang naman ako dito dahil nando'n ako sa ibang business ng pamilya namin." sagot ko sa kanya."Mabuti naman at naisipan mo ng bumalik.""I don't have any choice dahil nakita na ako ni Agatha at Ethan." saad ko."Sabagay, hindi ka titigilan ng dalawang 'yon kapag hindi ka sumama sa kanila."Tiningnan ko naman siya ng seryoso. "How about you? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.Nakita ko naman ang pag