Ethan POVIsa't kalahating buwan na ang lumipas pero wala pa din akong balita kay Agatha at sobra na ang pag aalala na nararamdaman ko, na mimiss ko na din siya. Alam kung malaki ang naging kasalanan ko sa kanya.May napapansin din akong kakaiba kay Gian simula ng nakaraang buwan, para bang may itinatago siya sa akin na hindi ko malaman kung ano ang bagay na 'yon. Nalala ko pa ng isang beses ko siyang marinig na may kausap sa phone at napag alaman kung si Zey 'yon.Flashback ....Pababa ako dahil sinabi sa akin ng isa sa mga kasambahay ko na nandito daw si Gian, wala dito ngayong araw si Melissa dahil pumunta itong mall dahil may bibilhin daw. Ng makababa ako ay hindi ko naabutan sa sala si Gian kaya dumiretso ako sa kusina dahil baka nando'n ito.At hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko nga siya na may basong hawak na may lamang tubig. Lalapit na sana ako sa kanya ng mapansin kung may kausap siya sa phone at mukhang seryoso ito kaya nanatili muna ako sa pwesto kung nasaan ako. Na
Ethan POVPatuloy ko pa din sinusundan si Gian at nagtataka ako kung bakit dito siya sa subdibisyon kung saan nakabili ng isang bahay si Belle, ang sabi niya ay susunduin niya si Zey sa kaibigan nito pero imposibleng dito nakatira 'yon.Sunod lang ako ng sunod sa kanya hanggang sa nakita ko siyang huminto sa isang bahay, hindi ako nagkakamali dahil ang nag mamay ari ng bahay na ito ay si Belle. Mayamaya pa ay nakita ko si Zey na lumabas at diretsong sumakay sa kotse ni Gian.Hinintay ko muna na tuluyang ng umalis sila bago ako bumaba ng kotse ko, anong ginagawa nila sa bahay na ito? At dahil sa kuryusidad ko ay pumasok ako sa loob.Ng makapasok ako ay nakita ko ang isang nurse na pababa. Mas lalo akong nagtaka kung bakit may nurse dito eh wala naman sakit si Belle."Who are you?" tanong ko sa nurse na ikinagulat niya."S-sino po kayo?" anas niya naman sa akin."Kaibigan ako ni Belle na may ari ng bahay na ito, so ikaw sino ka?" saad ko."Ay pasensiya na po Sir, ngayon ko lang kasi kay
Ethan POVDahah dahan kung tinungo ang kwarto na sinabi ng nurse kung nasaan si Agatha, nakita kung nakabukas lang ito kaya natanaw ko agad ang babaeng halos isang buwan mahigit ko ng hindi nakita. Ang ipinagtataka ko lang ay ng marinig ko kung paano niya kausapin ang laruan na hawak niya.What happen to her?Unti unti akong naglakad palapit sa kanya dahil mukhang hindi niya napansin ang presensiya ko dahil nakatuon lang ang atensyon niya sa hawak niya habang kinakausap ito."Agatha." pagtawag ko sa kanyang pangalan.Agad naman siyang natigilan ng marinig ang boses ko, tumingin siya sa akin at mabilis na nanlaki ang kanyang mga mata.Hahakbang na sana ako para mas mapalapit sa kanya ng sumigaw siya."No! Huwag kang lalapit!"Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng mag sandaling 'yon dahil sa sinabi niya. Anong nangyayari? Sinubukan ko ulit na humakbang pero mas lalp lang siyang nagwala at umiyak.Narinig ko naman na bumukas ang pinto ng kwarto at nagmamadaling pumasok si Belle n
Belle POV Hindi ko inaasahan na makikita ko si Ethan sa bahay kung nasaan si Agatha, mukhang wala na talaga kaming magagawa para itago pa sa kanya ang lahat dahil nandito na siya ngayon sa harap ko. "Hindi ko alam kung saan ako magsisimula para sabihin sayo ang lahat dahil kahit na ako ay hindi pa din makapaniwala sa mga nangyayari, ito lang ang masasabi ko sayo ngayon pakinggan mo ang sasabihin ko. Agatha suffered to much Ethan hindi lang dahil sa pambabalewala mo sa kanya at hindi pagpili. Alam mo sa sarili mo kung ano ang ginawa mo sa kanya ng mga panahong mas pinili mo si Melissa na paniwalaan." anas ko. "Hindi si Melissa ang pinili ko at alam niyo naman 'yan." wika niya. "Hindi nga siya ang pinili mo pero iba naman ang naging kilos mo, you don't know how you've hurt Agatha, ang babaeng sinasabi mong mahal mo. Hinayaan ka namin dahil umaasa kami na matatauhan ka din pero hindi. Paulit ulit mo siyang sinisisi at tinataboy kahit alam mo sa sarili mo na hindi niya kayang manakit n
Ethan POV Iyak ng iyak lang ako habang nakaalalay sa akin si Belle, halo halo ang nararamdaman kung emosyon ngayon dahil sa nalaman ko pero mas lamang ang sakit at hinagpis dahil hindi ko man lang alam na magkakaanak na sana kami ni Agatha at binawi agad ito sa amin at ngayon ay hindi pa maayos ang kanyang lagay. Sobrang galit naman ang nararamdaman ko kay Melissa dahil sa kanyang ginawa, hindi ko pa nga nakakausap sa ginawa niyang paglaglag sa kanyang sarili sa hagdan tapos ito na naman at dumagdag. Kung tumawag at nag message nga sa akin si Agatha ng mga panahon na kailangan niya ng tulong ko ay sigurado akong alam ni Melissa 'yon dahil naiwan ko ang phone ko kung nasaan ang room niya sa ospital. Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang pagsisinungaling at panggagago sa akin. "I know masakit para sayo ang nalaman Ethan and I'm sorry kung hindi ko agad sinabi sayo ang bagay na 'to dahil alam kung magpupumilit kang puntahan si Agatha at nakita mo naman ang nangyari ng maki
Ethan POVDalawang linggo na simula ng malaman ko ang nangyari kay Agatha at sa anak namin, madalas ko siyang puntahan sa bahay na pag mamay ari ni Belle. Minsan ay do'n din ako natutulog para mabantayan ko siya ng makabawi man lang sa mga nagawa ko sa kanya. Inaamin ko na hindi naging madali sa akin ang mga araw na 'yon lalo na ng unang linggo na pamamalagi ko dito dahil ayaw akong makita o makalapit man lang ni Agatha sa kanya, masyado siyang natrauma at nadepress ng dahil sa akin pero kahit na gano'n ay hindi ko siya sinusukuan dahil alam kung hindi madali sa kanya ang pinagdadaanan niya at kailangan niya ako.Kasama ko ngayon sa veranda si Belle dahil may pinag uusapan kami tungkol sa business habang si Zey naman ay nasa kwarto ni Agatha. Habang nag uusap kami ay may narinig kaming boses na mukhang nagtatalo, nagkatinginan kami ni Belle at mabilis na umakyat sa taas.Ng makarating kami do'n ay nakita namin si Agatha na umiiyak habang inaabot ang laruan na nilalayo ni Zey sa kanya
Belle POV"Siguro ka ba diyan sa desisyon mo Ethan?" tanong ko sa kanya, sinabi niya kasi sa amin ni Zey ang plano niyang iuwi na si Agatha sa bahay niya."Sigurado na ako Belle, baka kasi sakaling makatulong din 'yon sa kanya." sagot niya naman sa akin."Pero paano ang trabaho mo? Hindi naman pwedeng araw araw kang nasa tabi niya." nag aalalang tanong naman ni Zey."Alam niyong kaya kung gawin ang lahat para kay Agatha, pwede naman na hindi ako araw araw na pumunta ng office dahil pwede naman akong magtrabaho sa bahay at isa pa nandyan din naman si Gian." paliwanag ko."Hindi naman sa ayaw naming pumayag kasi karapatan mo naman 'yon ang iniisip lang namin paano kung magwala na naman siya?" saad ko."Hindi ko siya susukuan Belle, gusto kung makabawi sa kanya dahil alam kung isa ako sa dahilan kung bakit siya nagkakaganyan.""Well, mukhang wala na nga kaming magagawa dahil desidido ka na." pagsuko ko."Kailan mo siya balak iuwi?" tanong ni Zey."Siguro bukas na lang." sagot naman ni Et
Ethan POVIt's been a week simula ng iuwi ko si Agatha sa bahay at laking pasasalamat ko dahil unti unti na siyang bumabalik sa dati, ang sabi nga ng doctor ay nag iimprove na ang kalagayan niya. May mga araw lang na nakikita ko siyang umiiyak dahil hindi niya pa rin nakakalimutan ang pagkawala ng anak namin.Hindi pa kami nakakapag usap ng maayos lalo na tungkol sa amin at sa mga nangyari, ayaw kung madaliin siya dahil alam kung nasa healing stage pa lang siya, basta nandito lang ako nakasuporta sa kanya palagi at iintindihan siya hanggang sa gumaling na siya ng tuluyan.Pauwi na ako ngayon sa bahay, pumunta kasi akong opisina dahil may importanteng meeting na naka schedule ngayong araw. Pwede ko naman na iwan si Agatha sa nurse niya dahil hindi naman na ito nagwawala katulad ng dati. At tungkol naman sa kuya ko na si Luke ay patuloy ko pa rin siyang pinapahanap, ang sabi sa akin ng private investigator ko ay nandito lang siya at hindi nag ibang bansa kaya umaasa pa din ako na darat