Share

Chapter 5

Kabanata 5

Date

Hinilot ko ang aking sentido ng matapos magpahinga sa sala. We went home after 1 hour of workout. Pagkatapos mag lifting weights ni kuya Levi ay diretso na siya sa dressing room para magpalit. Nakakapagtaka dahil nagpaalam siya agad after 30 mins na pag woworkout niya.

But he did not tell us where he would go. I wonder what has gotten into him and why he looks pissed. Daphne decided to do a movie marathon while we waited for my cousins to come home. We sat down in the living room while watching one of Jackie Chan's movies. Since Daphne is half Chinese, it was because of her that we began to love Chinese movies, which is one of the things we like to do with our cousins.

Kumain kami ng pizza ng tumunog muli ang cellphone ko. Mabuti na lamang nakatutok ng maigi sila Shivani at Daphne sa movie. Huminga ako ng malalim bago basahin ang mensahe.

Zandrix:

What's your course?

Unknown Number:

You forget my name again, sweetheart?

Kumakabog ang pintig ng puso ko ng malaman si Luke iyon. Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili bago muling nagtipa sa aking cellphone. Nilagyan ko ng pangalan ang kanyang numero sa aking cellphone upang hindi ako magtaka kung sino ang nagbibigay ng mensahe sa akin.

Ako:

No, stop texting me you already had a fiancee.

Parang may kirot sa aking puso ng sinabi ko iyon. Pinindot ko ang silent mode at ibinaba ko ang aking cellphone. Binalhin ko ang atensyon ko sa panonood ng pelikula na pinapanood namin simula kanina.

I still don't get the feeling of being disappointed with my feelings. Yes, I like him the moment I saw him but I don't want to fall in love with him. Maybe it was just an infatuation. Yeah, right, an infatuation or a trap to fall in love with him.

Bakit ko ba iniisip na pwede kami?

Umiling-iling na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Nagtatawanan kaming tatlo habang nanonood. Hindi ko namalayan na mag gagabi na pala ay nakakatatlong movie na kami ng marinig namin mula sa labas ang dalawang kotse. Mukhang dumating na nga sila Kuya Leon kasama ang iba pa naming mga pinsan.

"Uy, ang daya nyo. Bakit kayo nanonood ng wala kami!" bungad ni Carson na nagmamadaling umupo sa gitna namin ni Shivani. Nakatakip ng ilong silang dalawa ni Daphne maging ako.

"Ang bantot mo, Carson. Doon ka nga," si Daphne ay mabilis na lumayo sa kanya.

"Nakakasuka amoy mo, Brett. Ano bang ginawa mo," pagmamaktol ni Shivani at agad na tumayo.

"Syempre nangabayo kami sa bukid ng Asturias. Alam niyo ba yung falls na paborito natin doon malinis pa rin ang tubig," pagkukwento niya habang tumatawa. Pinaghahampas naman siya nila Shivani dahilan para tumayo siya.

"Aray! Ang amazona niyo naman ayaw niyo ba sa gwapong madungis na katulad ko?" pagmamalaki niya sa kanyang sarili.

"Doon ka nga, Carson ang baho mo. Maligo ka na nga baka lalayo chics sayo sa asim mo," bulyaw ko sa kanya dahil maging ako ay napipikon na rin sa pang-aasar niya.

"Talaga? Lex, patingin nga." akmang yayakapin niya ako ng matalim ko siyang tinitigan.

Agad siya tumuwid ng tayo at nagmamadaling umakyat sa kanyang kwarto para maligo. Natawa kaming tatlo sa kanyang reaksyon. Muli kaming umupo sa sala ng wala na si Carson.

Pumasok sila Kuya Leon at Kuya Zaxton na mukhang seryoso na nag-uusap at diretso sa kusina. Wala naman sa sariling tahimik na sumalampak si Ate Estelle sa baba ng couch. Maingay naman na pumasok ang kambal ngunit mas nag-unahan ng umakyat sa kanilang kwarto na mukha atang maliligo muna.

Habang si Hannarah ay tahimik na umupo sa tabi ni ate Estelle habang nakatutok sa kanyang cellphone. Si Raya na napansin kung badtrip na umakyat papunta kanyang kwarto.

"Mind if we join in?" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko doon na nakatayo ang limang lalaki na mukhang kaibigan ni kuya Zaxton.

"Make yourself comfortable. It's rude to let my brother's visitors uninvited. Besides, wala rin naman kami magagawa." malamig na sabi ni Daphne habang nakatutok ang mata sa screen. Tahimik silang umupo sa kabilang sofa na bakante at nakinood rin.

Nagtaas ang aking kilay ng makita sa bandang gilid ko ang Kuya ni Luke na si Vaughn na mukhang inosenteng nakangiti sa akin. Sumulyap ako kay ate Estelle na mukhang may malalim na iniisip habang nakatutok sa screen. Muli akong bumaling sa kanila. Ang dalawa na lalaki na kasama niya ay parehong singkit at maputi. Matikas at mukhang mga anak mayaman na may-ari sa lupain dito sa Cebu. Kasing tangkad lang ni Kuya Zaxton at mapapansin na mukhang mga Chinese din. Samantala ang dalawa naman, ay parehas na features ni kuya Levi pero more toned and slender mukhang laking probinsya talaga.

I glanced at Shivani and she looked annoyed at their presence. Even Daphne seems uncomfortable. Silence felt the air and I felt like my mouth went dry. Hannarah keeps her focus on her phone. I looked at Estelle who stood up and quietly went to the kitchen. I forced myself not to mind anything else but then my brother came inside the living room with Kuya Zaxton.

"Gavin, Ryden, Vaughn, Zion and Klein. I'll have my cousins join the band. Levi will be the one leading, you can ask him," paliwanag ni Kuya Zaxton. Tumango sila at tumayo. Sila at lumabas ng living room.

Sumulyap sa akin si Vaughn ng may ngisi na mapaglaro. Umiling-iling ito bago tuluyan lumabas. Sumunod sila ni Kuya Zaxton at Kuya Leon sa kanila.

Anong meron? Parang may nangyari sa plantasyon. Eto ang unang beses na makita si Kuya Leon at Zaxton na ganun ka seryoso.

Napatigil ako ng pinatay ni Shivani ang TV. Mukhang kanina pa siya badtrip dahil kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Hindi ko lubos maisip kung bakit ba to nangyayari pero sa tingin ko. Malaking epekto ang nangyari kahapon.

"Mauna na ako sa inyo. Nawala ako bigla sa mood," si Shivani.

"Lex, huwag ka papayag sa sinabi ng papa mo. Kumukulo dugo ko sa mga Cuevas." ani ni Ate Estelle na mukhang hindi niya gusto sa Vaughn na iyon.

Sumunod na rin na tumayo si Daphne at si Hannarah. Walang pasabi na lumabas sa sala at mukhang paakyat na sa second floor. Akmang tatayo na sana ako upang pumunta sa aking kwarto ng pumasok si Kuya Leon sa sala upang kausapin ako.

"Lex, can I talk to you?" tanong niya sa akin. Bumaling ako sa kanya at tumango.

"Dad, wants you to come on your first date with Steve Colton Cuevas," nalaglag ang aking panga sa narinig. Really! Hindi titigil si Dad?

"For what? Hindi nga ako papayag sa arrange marriage na yan,"

"Lex, Dad needs our help. It is our company I can't sacrifice for that bastard's mistake," saad ni Kuya Leon sa akin.

"Can you at least just try? Tutulungan kita sa divorce papers after maayos ang company." dagdag pa niya.

"Wala akong pakialam. He left us, he deserves it," matabang sabi ko.

"It's grandmother's company Lex. Hindi madaling bitawan ang kumpanya na iyon. Please, understand, Lex." Kinuyom ko ang aking kamao at huminga ng malalim.

"Give me a break, kuya. Hindi lang ikaw ang nahihirapan. Ako, hindi niyo tinanong kung ayos lang ba sa akin. Kaya pwede ba, tama na muna." tumalikod na ako at dali-daling umakyat sa ikatlong palapag.

It feels like I was betrayed by my blood, my brother, my father. Just to think of it, at the age of nineteen I am now forced to marry a man just because I need to save the company of my father who cheated on my mother without me not knowing anything while I as a way.

Para akong nasa gitna ng dalawang lubid na kailangan kong desisyonan kung ano ang kailangan kong bitawan. Hindi ako makatulog buong gabi at wala pa rin akong nabalitaan tungkol sa aking ina ngayong araw. Nagtaka din kung bakit wala din silang tinanong sa akin na tungkol sa aking ina at sa mga sinabi niya sa akin sa araw ng birthday ni lola.

"I'll give you time, Lex. Call me when you decided already. Kuya mo pa din ako, alam ko kung anong makakabuti para sayo," saad ni Kuya Leon na niyakap ako.

"You're still my little princess. Gagawa ako ng paraan para maisalba ko ang kompanya kung hindi ka sumang-ayon. I want you to be happy, Lex." dugtong pa niya bago kumalas sa pagka kayakap. Aalis si Kuya Leon at si Kuya Zale.

"I will let you know kuya." sabi ko at namaalam din siya sa aming mga pinsan. Hinatid sila ni Kuya Zaxton papuntang airport, sa pagkakaalam ko ay aalis din siya at babalik ng Dumaguete next week.

Kuya Leon will be going back to Manila and arranging everything there, especially my mom's business which I think was the company my mother has been handling. As for my dad's company, I'm stuck on deciding whether to risk it or not. Kuya Harris was said to go back to Cagayan De Oro to handle his father's business which is the Serviano Empire Hotel. Today was their flight and they were saying goodbye to us. They will be back next week for the campaign.

Aalis na din sila Tito at Tita dahil lilipat na sila sa village namin. Kung ganun ang mansion ay kaming magpipinsan na lamang ang titira sa mansyon kasama si Lola. Agad kaming dumeretso sa University. Umaga ang aking klase kaya naman na inggit ako sa mga pinsan ko na hapon pa ang nakalagay sa kanilang sched. Tanging si Ate Estelle, Raya, Kuya Levi at Thor ang kasabay ko na pumunta sa school ngayong umaga.

Hinahanap ko agad ang building ko kung saan parang malapit iyon sa Engineering Building ng University. Mag alas nuebe na ng umaga buti na lamang at may isang oras pa bago ang aking klase. Naglakad ako patungo sa aking building ng maaninag ang bulto ng dalawang kambal na Cuevas. Pareho silang naka plain T-shirt na kulay asul at naka denim pants. Nanlaki ang mata ko na naghanap ng ibang routa ngunit wala kaya naman umakto ako na parang nagmamadali ng tinawag ako ni Steve.

"Lexie, nasaan pala kuya mo?" tumingin ako sa kanya na parang hindi pinansin ang naka kunot noong kambal niya na nasa kanyang likuran.

His stare is killing me today. Kahit kay Steve ako nakatingin. Ramdam ko ang mga titig niya kahit hindi ko siya tignan.

"Mukhang nasa canteen ata sila. Ang alam ko mga 11:00 pa klase niya." deretsong sabi ko kay Steve.

"Mamayang hapon na kasi ang audition ng para sa banda ng university baka gusto nila sumali," sabi niya. Paano niya nalaman na musician ang aking kapatid at mga pinsan?

"Kuya Vaughn told us your Kuya Levi agreed that he will join your cousin's band for auditions." dagdag pa niya. Iyon pala ang dahilan bakit pumunta sila sa mansion kahapon.

"Sasali mga yun. Parte ng banda sila kuya nung elementary ako. Ewan ko lang kung hanggang ngayon.'' tugon kong muli sa kanya.

"Kung ganun mauna na kami." sabi niya at tumango ako sa kanya at ngumiti. Bago pa man siya magsimulang lumakad ay nagsalita ang taong iniiwasan ko.

"Where is your room?" nawala ang ngiti ko ng marinig ang kanyang malamig na boses na nagsalita sa likuran ni Colton.

"M-malapit sa CEA building." kabadong sabi ko at tumingin sa kanya. Nakapamulsa siyang lumapit sa akin at tumingin sakanyang kapatid.

"Find her brother. I'll take her to her building. Susunod ako." sabi niya sa kanyang kapatid. Walang nagawa si Colton at tumango lamang sa kanya bago naglakad papalayo sa amin.

His hair was messy like he just woke up. His muscles were tensed. His eyes was fierced and his dimples were showing. Matangos ang kanyang ilong at mapula ang tama-tamang labi na para bang ibang klase ang dating niya ngayong araw.

What is wrong with me? Parang pagdating sa kanya lagi akong natutulala na para bang wala sa wisyo.

"Follow me, or else you want to be late on your first day, Serviano." nakapamulsang sabi niya na tumaikod sa akin at naglakad sa ibang direksyon. Agad akong sumunod sa kanya.

Tahimik kami naglakad padaan sa CBA building ng university. Malawak ang espasyo ng University na ito na parang mawawala ka pag hindi mo alam ang pupuntahan mo. Napansin ko rin na unti pa lamang ang mga estudyante na pumasok ngayong umaga. Ngunit nanliit ang aking mata at yumuko ng mapansin ko ang mga nagbubulungan habang kami ay dumadaan sa field ng university. Tahimik kaming pareho habang papasok ng building.

I followed him while staring at the floor. I grip ng bag tightly as I followed him through the stairs leading to the second floor. He stop in his tracks and faces me. He stared blankly at my phone like I did something wrong about it.

"What room is your first subject?" malamig na tanong niya.

"Room 265," pilit ko siyang nginitian. Muli siyang tumalikod at naglakad patungo sa hallway. Sa pinakadulong pintuan tsaka lamang siya muling bumaling sa akin muli.

"My dad, wants you to date Colton today," matabang sabi niya na ikinalaki ng mata ko. Nag-iba ang aking eskpresyon at muling tumingin sa kanya.

What in the world did my dad do?

"Date? Hindi pa nga ako pumapayag sa gusto ng tatay ko ganyan na. Hindi ba walang respeto ang gagawin nun?" mahinahon na sabi ko sa kanya.

"I warned you, what my dad wants, he can get," tipid na sabi niya.

"He does not even respect me. Ganyan ba ka desperado tatay mo makuha kompanya ng pamilya ko?" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko sa kanya. Ngumisi siya at naglakad pa palapit sa akin.

"Then would you prefer marrying my father then becoming my stepmom? Choose wisely sweetheart someone might get hurt," nakakaloko siyang ngumiti sa akin muli.

"What the hell is your problem?" mahinahon na tanong ko. Buti na lamang walang masyadong tao sa hallway ngayon at nanatiling nakasara ang pintuan ng aking classroom.

"My dad always get what he wants. So, I'll do everything to destroy his plan. It's either he get what he wants or I'll get what he wants," saad pa niya at nilapit ang kanyang mukha sa akin.

It felt like it was hard to breathe.

"It's either you date my brother and get an affair with me. Think about it carefully sweetheart," dagdag pa niya. Napakagat ako ng ibabang labi sa sinabi niya.

"I'll text you the location." huling sabi niya at iniwan ako.

I was stuck the whole lesson thinking about it.

Para akong tulala habang naglakad pabalik ng canteen. Vacant ko ang alas dose kaya naman ay pumunta ako. Habang nagtuturo ang proof sa harapan parang lumilipad ang aking utak. Hindi ko inisip kung ano ba talagang nangyayari. Hindi ko pa rin binasa ang mensahe niya sa akin kahapon. Hinihintay ko si Ate Estelle dahil sabi niya ay may vacant siya. Napabuga na lamang ako ng hangin at binasa ang mga mensahe sa aking cellphone.

Zandrix:

Do you have a morning class?

Ate Estelle:

Lex, baka mag over time kami. Kain ka na pag may next class ka pa.

Kuya Levi:

Tell me, pagtapos na klase mo.

Luke:

12:00 noon at SM Sea Side. His only vacant that time. Meet him at the Yayoi Restaurant. He has class at 1:00. Don't mess this up.

I gritted my teeth. This guy is making me crazy and mad at the same time. I was not able to reply to the other messages because it.

Me:

I'm coming.

Inis akong naglakad papalabas ng University at nagpara ng Grab. Habang nasa byahe hindi ko pa rin maiwasan ang sinabi sa akin ni kuya Leon pero sa aking palagay wala akong kawala kundi gawin kung ano ba talag ang pwedeng gawin. Kumakalam na ang aking tyan na parang hindi ko na alam kong anong gagawin. Agad akong bumaba at nagbayad ng Grab. Dumeretso ako sa restaurant na tinext niya sa akin.

When I entered the restaurant it was already full. Agad akong huminga ng malalim bago lumapit sa table kung saan naroon si Steve na abala sa pagtitig sa kanyang selpon na para bang malalim ang iniisip. Kumaway siya ng makita niya ako nag-iba ang kanyang eskpresyon. Pinaupo niya ako sa kanyang harapan at sumenyas sa waiter. Nag order siya ng aming pagkain bago nagsalita.

"I can't believe you, agreed to date me." naiilang na sabi niya sa akin.

"Nagulat din ako eh. Anyways, how does my dad know your dad?" tanong ko sa kanya. Nagsimula siya magkwento at nagkakwentohan din kami.

Napatawa ako sa mga kwento niya. Ngunit bahagya akong natigilan ng mapansin ko ang isang table na may isang babaeng nakasuot ng eleganteng damit at nakashades na tila may inaantay. Nakasuot siya ng ID na pareho sa school na pinapasokan ko na mukhang galing sa ibang departamento ang babaeng iyon. Maya-maya pa ay may pumasok na isang pamilyar na bulto ng lalaki. Umawang ang aking bibig ng makita siya na umupo sa lamesa kung saan naroon ang babae. Tumingin siya sa gawi namin dahilan para muli kung ituon ang atensyon ko sa aking pagkain.

"Charlotte Milliarez," bigkas ni Colton dahilan para tumingin ako sa kanya. At napansin kong nakatitig siya sa lamesa ni Luke.

"She was my girlfriend and a daughter of my father's best friend." malungkot na bulong niya. Muli akong tumanaw sa table nila Luke at nagulat ng nagyakapan silang dalawa. Nanliit ang aking mata.

So that is his fiancee?

"Hindi ba dapat ay siya ang maging fiancee mo?" takang tanong ko sa kanya.

"My father wanted to take control of the Milliarez company. Tutol ang pamilya niya sa akin dahil wala akong ipagmamalaki. My brothers know a lot about business. I, on the other hand, I am still learning how. He knew about our relationship but he paired her with my twin brother." sabi niya sa akin.

So that means ang girlfriend ni Colton ang fiancee ni Luke?

"That's unfair, you should have fought for her at least. Hindi mo ba natanong kung okay ba sa kanya?" tanong ko sa kanya.

Arranged marriages can sometimes ruin two lovers.

"I can't do anything. Hindi sapat ang pagmamahal ko para ipaglaban kung anong meron sa amin," paos na sabi niya.

"I may not know the story. But please do try for her. Love can conquer anything if you fight for it. Hindi ko man yan naramdaman but believe me love will win." seryosong sabi ko. Pinagmasdan niya ako at ngumiti sa akin.

"Now, I know why my brother wants you," kumunot ang aking noo. What does he mean?

"Will you help me?" pag-iiba niya kanyang sasabihin na pinagtaka ko.

"Sure, what kind of help." I was eager to make their story happy. Even though my life does not revolve on that kind of love.

"Text your brother that you will agree to date me," nanlimog ang aking mata sa kanyang sinabi at natigilan. Dating me means hurting the love of his life.

"What? Teka pag nagdate tayo masasaktan mo siya," takang sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at umiling.

"We will be having our normal dates. Kukuha tayo ng litrato na magkasama bago at pagkatapos. I will fetch you and I will bring you home," sabi niya sa akin.

"Pagseselosin natin siya?" tanong kung muli sa kanya dahil ako ay naguguluhan na.

"We will be having double dates. I will date my brother's fiancee and he will date you."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status