Home / Other / Before Us / Kabanata IV

Share

Kabanata IV

last update Huling Na-update: 2022-10-31 00:23:15

“BYE, Ate,” mabilis na paalam sa akin ni Jennifer. Kasama nito si Lorilyn. Bago pa man sila tuluyang lumakad palayo ay kumaway muna sila sa akin. Tinugunan ko iyon ng isang ngiti at pagtango.

Nakasuot lamang ang dalawa ng kaswal na pananamit. Wala na silang pasok ngayon. Graduation practice na lamang ang kanilang inaasikaso.

Napangiti ako sa aking sarili. Kung makikita lang kami ngayon ng aming mga magulang ay tiyak na magagalak sila.

Nagawa kong kumayod nang mag-isa at palakihin nang sobra pa sa salitang ‘maayos’ si Jennifer. Salamat sa aking kapangyarihan dahil ito ang naging daan upang makamit ko kung anong meron ako ngayon.

Noong bata pa ako ay namuhay lamang ako na tanging ang kalikasan lamang at ang mga mangkukulam ang aking nakasasalamuha. At ngayon, naramdaman ko na iba pa rin pala ang saya at pakiramdam kapag ang makakasama mo sa araw-araw na buhay ay ang mga normal na tao lamang. Ito ang depinisyon para sa ‘kin ng ‘totoong mundo.’

Sa katotohanan, ang mga mangkukulam at ang iba pang nilalang na kakaiba at may kapangyarihan ay mga tao rin. Ang pinagkaiba lang namin sa kanila ay ang pagkakaroon namin ng kapangyarihan o espesyal na abilidad.

Naalala ko noong nasa kolehiyo pa ako. Itinuturo sa amin ang iba’t ibang uri ng mitolohikang nilalang at isa na roon ang mangkukulam. People describe us as creatures with ugly, old faces, with long noses and thin bodies. Dagdag pa roon ang kesyo kumakain daw kami ng mga pagkain na bulok. Napaiiling na lamang ako habang nakikinig sa leksyon ng aming professor.

Katulad ng sabi ko, tao rin kami. Kung anong itsura ng mga normal na tao ay ganoon din kami. Kahit pa sa pagkakataon na ginagamit namin ang aming kapangyarihan ay hindi nagbabago ang aming anyo sa anyong iniisip ng mga normal na tao tungkol sa aming lahi.

Kapag ang normal lamang namin na kapangyarihan ang aming ginagamit ay kagaya pa rin ng natural ang aming anyo. Ngunit kung ang pinakasentro naming kapangyarihan ang aming gagamitin ay may nagbabago sa amin. Ang kulay ng aming mga mata at buhok. Magbabago ito sa kulay na nirerepresenta ng kaniyang uri bilang isang mangkukulam.

Nahahati sa dalawang uri ang mga mangkukulam. Ang puti at ang itim. Ang kapangyarihan ng mga puting mangkukulam ay ginagamit lamang para sa purong kabutihan. Ang itim naman ay ginagamit upang makamit ang mas matimbang na kabutihan ngunit sa pagsasagawa nito ay maaaring magdulot ng masama sa kabilang partido ng nasasangkot.

Ngunit ang purong puti, sa bawat pagkakamali na kanilang magagawa ay unti-unting nababahiran ng itim ang kanilang purong lila na dugo. At kapag sila ay tuluyang nang naging itim na mangkukulam, hindi na nila makikilala ang kabutihan at purong kasamaan na lamang. Ang itim na uri ng mangkukulam ay isang lahi habang ang pagbabago ng isang kulay ng dugo—ang lila patungo sa itim—ay isang konsek’wensya at sumpa na hindi na mababali magpakailanman.

Isinarado ko nang muli ang gate ng bakuran ng aming bahay. Dumiretso ako papasok sa entrada ng bahay at nagtungo sa aking kwarto upang kunin ang malaki kong itim na backpack. Habang wala pa si Jennifer ay magha-hiking muna ako sa bundok ng Labo upang mangolekta ng mga espesyal na sangkap o ang iba’t ibang uri ng halaman at bulaklak na tanging sa mga liblib na bundok lamang matatagpuan—na gagamitin para sa mga produkto ng aking kumpanya.

Binuksan kong muli ang aming gate at pagkatapos ay dumiretso ako sa aking McLaren F1 at pinaandar iyon palabas ng aming bakuran. Pagkatapos ay bumaba akong muli ng aking kotse at muling isinarado ang gate.

Naging mabilis lamang ang naging biyahe ko patungo sa bundok ng Labo kahit pa medyo may kalayuan ito sa sentro. Wala kasi akong masyadong nakasasabay na sasakyan sa malawak na kalsada sa gitna ng nagtataasang anyong lupa.

Pagkarating ko sa paanan ng bundok ay ipinarada ko na ang aking sasakyan sa tabing kalsada. Lumabas ako ng kotse habang nakasukbit sa aking dalawang balikat ang aking backpack.

Pinaikot ko sa ere ang aking kanan na hintuturo at doon ay may lumabas na kulay lila na usok. Pagkatapos ay ibinato ko iyon sa aking sasakyan at bigla itong naglaho sa aking paningin.

Sinimulan ko nang lumakad paakyat ng bundok. Sa daan ay pumulot ako ng medyo mataba na sanga. Nilagyan ko iyon ng mahika at saka ako sumakay roon nang nakaupo. Tila may sarili itong buhay na lumilipad sa ere habang nasasakyan ko at tinutungo ang daan patungo sa itaas na bahagi ng bundok. Kusa itong umiiwas sa mga nadadaanang kahoy o sanga ng mga halaman. Napakapresko ng hangin na idinadampi sa akin ng lugar na ito.

Nang marating ko ang aking destinasyon ay bumaba na ako sa sanga. Tinuro ko ang kahoy na lumulutang at pagkatapos ay nawala na ang mahikang nagpapagalaw rito. Nahulog ito sa damuhan at bumalik sa pagiging normal na itsura ng isang naputol na sanga.

“Ngayon ko lang nakita sa personal ang paggamit ng isang witch sa kaniyang kapangyarihan,” turan ng isang lalaki.

Hindi ako nagulat. Pero medyo kinabahan ako dahil sa nakita niya na ginawa ko. Idagdag pa na alam niya na isa akong witch.

Humarap ako sa kaniya. At hindi ko inaasahan ang mabubungaran ko.

Putik! Yung inosente kong mga mata. Baliw ba ‘tong lalaking ‘to?

Kaagad akong napatakip sa aking mga mata. Pero naku-curious ako. Pwede bang tingnan ulit para makasigurado?

Hanep! Bad ‘tong naiisip ko.

“Baliw ka ba? Bakit wala ka man lang ni-isang saplot?” singhal ko sa kaniya. Baka rapist ’to? Pero meron ba n’on? Rapist na naggagala sa tuktok ng bundok? Wala siya ritong mabibiktimang babae. O baka nag-aasam siya ng fairy kasi baliw siya?

“It’s a normal thing for a werewolf to be naked after we shift to our human form again,” kaswal na sagot niya. Baritono ang kaniyang boses at nakapa-hot niyon na pakinggan sa tainga.

Iniharap ko sa direksyon niya ang aking mga palad. Pinanatili ko na lamang nakapikit ang aking mga mata nang tanggalin ko ang aking mga palad sa pagkakatakip. Pinakiramdaman ko ang hangin at ang mga halaman sa aming paligid, pagkatapos ay inilabas ko na ang aking kapangyarihan. Tumugon sa aking hiling ang kalikasan at maya-maya pa ay nagkaroon na ng kasuotan ang lalaki mula sa mga pinagtagpi-tagping halaman na isinayaw ng hangin sa ritmo ng aking lilang kapangyarihan.

Tuluyan ko nang iminulat ang aking mga mata. Napatitig ako sa kaniyang mga mata at tila hinigop ako nito papasok sa internal na bahagi ng kaniyang katawan. Doon ay nakita ko ang kaniyang asul na dugo, tanda na siya ay isang taong-lobo.

Nang makita ko na ang dapat kong makita ay inalis ko na ang tingin sa kaniyang pagkatao. Pinagmasdan ko ang kaniyang pisikal na anyo. Matangkad siya. Medyo maitim. Gwapo naman siya. Bilugan ang kaniyang mukha at kalbo ang ulo niya.

Sa buong buhay ko, siya lang ang nakita kong lalaking kalbo na may itsura. Sa mundo kasi ng mga normal na tao, basta kalbo, paniguradong malaki ang tiyan o kaya ay pandak at hindi kagwapuhan.

“What the heck?! Ginawa mo akong babae sa suot ko!” reklamo niya habang nagpapapadyak ng paa.

I laughed. Ang naiisip ko kasi kanina ay iyong jewel style gown kaya naman iyon ang naging kinalabasan sa kaniya.

“Ang ganda nga, e. Nagrereklamo ka pa,” saad ko sa pagitan ng matinding pagtawa.

Sinamaan niya ako ng tingin. “Nawawala yung pagiging maangas kong lalaki!”

Ilang minuto pa ang nakalipas bago ako makahuma sa pagtawa. Kaunti na nga lang ay mapapahiga na ako sa damuhan. Naramdaman ko na lang ang pagkangalay ng aking panga nang matapos ako sa pagtawa.

“Makalilimutan mo ang nangyari sa ‘tin ngayon,” seryoso kong saad.

Ngunit bago ko pa mailabas nang buo ang aking kapangyarihan ay naudlot ito dahil sa pang-aasar niya. “Wala pa ngang nangyayari sa ‘tin,” nakangising saad niya habang tumataas-baba ang kaniyang kanang kilay. Bwisit na lobo ‘to.

Hindi na lamang ako nagsalita. Baka kung ano pang kalokohan na naman ang sabihin nito.

Tuluyan ko nang inilabas ang buo kong kapangyarihan. Nag-ilaw ang dalawang pares ng aking mga mata at naging kulay lila ito, gayon din aking mahabang buhok.

“Don’t you dare, pretty lady. Sige ka, huhubarin ko ‘to,” pananakot niya. Hinawakan niya ang mga dahon na nakatakip sa pagitan ng kaniyang mga hita. Akmang tatanggalin na niya ito kaya naman kaagad akong bumalik sa normal at mabilis na ibinato sa kaniyang katawan ang backpack ko na walang laman.

“Yun naman pala, e,” nangingiti niyang saad.

“Malas!” napipikon na sigaw ko.

Nang mapatingin ako sa sinakyan kong sanga kanina ay kinuha ko iyon at saka itinapon sa kaniya. Kaagad siyang nagbago ng anyo at naging isang itim na lobo. Gamit ang kaniyang bibig ay sinalo niya ang matabang sangang itinapon ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at dumapa sa damuhan sa harapan ko. Iginalaw-galaw niya ang kaniyang buntot na parang isang alagang aso na natutuwa dahil sa nakikita niya ang kaniyang amo.

Wala akong maramdaman na panganib mula sa kaniya. Tanging kapayapaan lamang ang nadarama ko sa presensya niya. At the same time, may halong pananabik dahil sa unang pagkakataon ay nakasalamuha ako ng taong-lobo.

“Tayo r’yan,” utos ko sa kaniya na agad naman niyang sinunod. Sumakay ako sa kaniyang likod. Gusto ko lang maranasan kung anong pakiramdam ang sumakay sa isang lobo.

Nagsimula na siyang lumakad nang mabagal. Hindi ko alam kung saan kami tutungo ngunit nagpadala na lamang ako sa kaniya.

At sa mga oras na iyon ay may isang pinakamahalagang bagay akong nakalimutan. Marahil ay dahil sa hindi ko naman nakita na katulad siya ng dalawang lobong iyon—na siyang pumatay sa aming mga magulang—kaya hindi ako nabahala at naalala ang bagay na iyon.

Kaugnay na kabanata

  • Before Us   Kabanata V

    “ANG ganda ng lugar!” namamanghang turan ko. Dinala ako ng taong lobo na ‘to sa isang mala-mini farm dito sa bundok. Maayos na nakahilera sa buong paligid ang mga puno ng iba’t ibang klaseng prutas at gulay. Sino naman kaya ang nagtayo nito sa ganitong klaseng liblib na lugar? Bumaba na ako sa kaniya. Pagkatapos ay nag-anyong tao ulit siya. Susmaryosep! Nakita ko na naman nang hindi sinasadya ang kaniyang ‘ajanabvssvshshh’—nevermind. Kagaya ng ginawa ko kanina ay muli ko siyang binihisan. Ngunit ngayon ay t-shirt at pants style ang ginawa ko. Hindi na kaya ng panga ko na tumawa pang muli nang sobra. “Welcome to my farm,” proud na saad niya at iminuwestra ang kaniyang kamay. “Ikaw ang gumawa niyan?” may pagdududa na tanong ko. “Believe me or not, I’m the one who planted all these fruits and vegetables.” “Bakit wala ka sa kuta niyo?” kuryuso na tanong ko. Naupo siya sa damuhan at tumanaw sa kaniyang farm. Maaliwalas ang kaniyang mukha. “I’m a rouge now. I was kicked off because I

    Huling Na-update : 2022-10-31
  • Before Us   Kabanata VI

    NANG makita na ako ni Akira ay kaagad siyang tumayo mula sa bench at sinalubong ako. He was smiling widely. Nang makalapit na siya sa akin, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at saka ako h******n sa aking noo. Napangiti ako sa kaniyang napaka-sweet na gesture. “Ang tamis!” biglang saad ni Lorilyn kaya naman napatingin kaming dalawa sa kaniya. “Ng candy na kinakain ko,” dagdag niya at saka ngumiti sa amin nang nang-aasar. Pasimple kong hinila ang kaniyang maiksing buhok upang tigilan na niya ako. Kaunti na lang kasi ay talagang magmumukha nang kamatis ang aking mukha dahil sa kilig. And I don’t want Akira to see me like that. Nakakahiya kaya! Tumuloy kami sa pwesto na inuokupa ni Akira at ng kaniyang dalawang matalik na kaibigan, sina Lance at Jeremy. Awtomatiko namang napasimangot si Lorilyn nang makita ang kaniyang ex-manliligaw. Halos noong nakaraang linggo pa lamang nang sabihin ni Lance kay Lorilyn na titigilan na niya ito. I am expecting that Lorilyn would be happy. Pero

    Huling Na-update : 2022-10-31
  • Before Us   Kabanata VII

    “WAIT!” tawag ko kay Akira nang tumalikod na siya at akmang tatakbo palayo sa akin. Huminto siya sa paggalaw at nanatili lamang na nakaharap ang likod niya sa aking gawi. Nasundan iyon ng katahimikan sa pagitan namin. Nakatingin lamang ako sa kaniya at hindi ko alam kung ano ang aking sunod na sasabihin. My hands were cold and tears started flooding from my eyes. To be honest, I don’t really feel afraid of him despite of him becoming a werewolf—but I’m really getting emotional. Nagsisimula na akong mag-overthink. Anong mangyayari sa kaniya kapag nalaman ng iba na gan’yan ang tunay niyang pagkatao? Paano na lang kaming dalawa? Natatakot ako sa katotohanang magkaiba pala ang mundo namin. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko at kung maniniwala ba ako sa lahat ng nasasaksihan ko ngayon. Maybe this is just only a dream. Oo, tama! There’s no such thing as werewolf. They’re just fictional beings. Ngunit sa pagkakaalala ko ay hindi naman ako nagbabasa ng tungkol sa ganiyang

    Huling Na-update : 2022-11-23
  • Before Us   Kabanata VIII

    “ANG sabi sa akin ni Mama ay ipinanganak na akong ganito. Isang taong lobo na namana ko ang pagiging isa mula kay Papa. Iyon namang pagiging lobo ni Papa ay hindi ko alam kung paano nagsimula. Sinubukan kong tanoongin si Mama tungkol d’yan pero sabi niya mas mabuting hindi na raw namin ungkatin ang nakaraan,” pagkwekwento sa akin ni Akira. Kasalukuyan kaming nasa bahay at magkatabing nakaupo sa couch. Parehas kaming nakatingin sa malaking TV screen na nasa harapan namin. The TV was playing a video of ‘endlessly’ song with lyrics on it. Nakapatong ang ulo niya sa aking kanang balikat. Dito namin napagpasiyahang pag-usapan ang lahat. Since wala naman si Ate, I think this is the safest place to talk about his secrets. “Alam ba ‘to nila Lance at Jeremy?” I asked him. “Hindi pa. Hindi ko ito sinabi sa kanila dahil sa natatakot ako na baka kamuhian nila ako at masira ang aming pagkakaibigan o ipagkalat nila ang totoo kong pagkatao. Ayoko lang talaga silang i-involve sa mundo ko. Mas magig

    Huling Na-update : 2022-11-24
  • Before Us   Kabanata IX

    NAPAMULAT ako kasabay ng matinding paghiyaw ko nang tuluyan ng bumaon sa aking leeg ang mga pangil ni Akira. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa buwan. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Ang aking paningin ay unti-unting nagiging kulay lila sa hindi ko malaman na dahilan. Kasunod nito ay ang hindi ko inaasahan na pagdaloy ng isang ala-ala na kusa na lamang naglaro at sinakop ang aking buong ulirat. I SAW my mom giving birth to me with my father holding her hand while attentively sitting beside her. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto at napanganga ako sa aking napagtanto, isa itong kwarto na kulay puti at umuulan ng makulay na magic dust ang buong paligid na hindi ko alam kung saan at pano nagmumula. Maraming ibon ang nakahapon sa mga ibabaw ng mga gamit dito at mukhang nakatutok ang kanilang atensyon sa pagbibigay silang sa akin. I noticed the little version of ate Clara playing with the other birds on the left side of the room. I wish I could picture h

    Huling Na-update : 2022-11-25
  • Before Us   Kabanata X

    “JENNIFER, hey wake up!” I heard someone’s voice. She was shaking my shoulder trying to wake me up to my senses. Sinubukan kong gumalaw at imulat ang aking mga mata. Nanlalabo ang aking paningin habang nakatingin kay ate. Napahilot na lamang ako sa aking sentido dahil kumikirot sa sakit ang ulo ko. Tinulungan ako ni ate na makabangon dahil tila naubos lahat ng enerhiya ko sa katawan. “Kailangan na nating umalis ngayon,” tila nagmamadali at seryosong saad ni Ate. Teka, ano bang meron? I tried to look around on my surroundings kahit nahihirapan ako. Tila gumuho ang mundo ko sa nasaksihan ko di-kalayuan sa kinapwepwestuhan namin. Pinilit kong gumapang upang lapitan ang hindi na gumagalaw na katawan ni Akira. At nang tuluyan akong makalapit sa kaniya ay doon ako dumating sa reyalisasyon ko na kagagawan ko kung bakit -no! Hindi pa patay si Akira. He’s a werewolf and maybe they are immortal. Right! “Akira? Gumising ka na. Pinapatawad na kita. Makikinig ako sa explanation mo. Just please,

    Huling Na-update : 2022-11-26
  • Before Us   Kabanata XI

    “I know her. She holds the entire pack of werewolves. But no one knows what she looks like. Wala pang nakakakita sa kaniya,” pagsasaad ni Kuya Vince. Kasalukuyan kaming nasa kusina at umiinom ng milk tea ngayong dis-oras ng gabi. This werewolf is really weird. Imbes na kape dapat ang iniinom namin sa ganitong klaseng oras, pinagpilitan niyang milktea na lang daw. At kanina, kaya naman pala galit na galit na ‘yong driver dahil sa hindi niya pagbabayad ng pamasahe ay dahil nagpaikot siya sa buong probinsiya doon sa taxi driver bago dumiretso rito sa amin gaya ng napag-usapan nila ni Ate. “Isang malaking problema natin ‘yan, ngunit kung sakali man na makikita ko siya ay malalaman ko agad na siya ‘yon,” saad naman ni Ate sa pagitan ng pagsipsip niya sa straw. I just continued sipping on my milk tea and watching the two of them to talk. I’m glad that I am not breaking down. Ngunit hindi pa rin maaalis ang bahagyang paninikip ng dibdib ko. Walang segundo na hindi ko naiisip si Akira. Pam

    Huling Na-update : 2022-11-27
  • Before Us   Kabanata XII

    ANG underworld ay naka lokasyon sa lugar na tinatawag na Eastfox. Walang kakayahan ang isang normal na tao na makita ito sapagkat nananatiling invisible ito sa mga mata nila gamit ang malakas na kapangyarihan ni Amara. Nagtungo kaming tatlo roon habang nakasakay sa isang mas mahabang sanga. Ang kapangyarihan ko ang nagpalipad sa sinasakyan namin habang si Ate Clara naman ang nagpapanatili ng pagiging invisible namin sa mata ng mga normal na tao. Habang si Kuya Vince naman ang siyang naging gabay namin upang maarating ang lugar na iyon. Nagawa niya pang kumain ng fries sa mismong biyahe namin. Mahaba-haba rin ang oras ng aming paglalakbay dahil sa malawak na karagatan pa ng Europa nakatayo ang lugar. Aakalain ng normal na tao na totoong dagat iyon ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay isang lungsod iyon na pinaninirahan ng mga taong lobo. Ang dagat na nakikita ng mga mortal ay isa lamang na ilusyon na likha ni Amara. Ang paggawa ng ilusyon ay isa sa mga karaniwang kakayahan ng isang w

    Huling Na-update : 2022-11-28

Pinakabagong kabanata

  • Before Us   Espesyal na Kabanata

    NAKABANGON muli mula sa matinding destruksyon na naidulot ni Tita Amara ang mga taong-lobo. Madali lamang nilang naibalik sa normal ang lahat. Bagaman wala na sa mundo si Tita Amara, nananatiling buhay ang kaniyang kapangyarihan na siyang nagsisilbing proteksyon ng mundo ng mga taong-lobo mula sa mga mata ng normal na nilalang.Ang mate bond ay nananatili pa rin. Ngunit binigyan ni Tita Amara ng basbas na maaaring putulin ng kasalukuyang Alpha ang lila na sinulid na siyang nagdudugtong sa dalawang tao na itinadhana para sa isa’t isa kung hindi magiging maayos ang pagsasama ng dalawang indibidwal hanggang sa ang isa sa kanila ay dumating sa edad na tatlumpu’t lima.Ang lahi ng mga taong-lobo sa kasalukuyan ay pinamamahalaan ng kanilang itinalagang Luna na si Dani at ang kaniyang kasintahan na isang mandirigma ng kaniyang itinuring na ama ang siyang naging Alpha. Ipinaubaya ni Akira ang kaniyang posisyon upang ipagpatuloy ang kaniyang pamumuhay sa mundo ng mga mortal kasama ako pati na r

  • Before Us   Epilogo

    KINUHA ni Amara ang isang kamay ni Custodio. Pinagsiklop niya ang kanilang mga kamay at nakangiting pinagmasdan niya iyon. Pagkatapos ay tumingala siya sa mukha ng kaniyang lalaking iniibig. Sakto naman na nakatingin din ito sa kaniya. Mataman na pinagmamasdan nito ang kabuuan ng kaniyang napakagandang mukha."Noong bata pa lamang ako ay pangarap ko na ako ang maging pinakamalakas na mangkukulam sa henerasyon namin. That was supposed to be just a dream only, but things makes it to end up as an obsession. Lagi akong napre-pressure dahil sa aking mga magulang. Ayon sa kanila dapat ako lang ang magmay-ari ng pwestong iyon at wala ng iba pa. At si Kuya naman, nang magkaroon siya ng nobya ay napapabayaan na niya ako sa pangangalaga ng aming mga magulang na walang ginawa kundi pilitin ako na gawin ang mga bagay na hindi ko nais" mahabang kwento niya habang nakatanaw sa medyo maliwanag nang kalangitan.Ayon sa kaniyang mga magulang, upang maipanalo niya ang paligsahan sa posisyon na iyon ay

  • Before Us   Kabanata XX

    “AMARA!” Malakas na pagtawag ko sa pangalan niya. Natigilan siya sa akma niyang paghataw ng kaniyang espada na itim sa likuran ng aming bagong Alpha. Nakatayo si Akira at mapapansin ang kaniyang matinding panghihina. Ngunit pinipilit niya na manatili sa kaniyang kinatatayuan upang protektakan si Clara at Vince. Nakahiga si Vince sa lupa habang nakapatong ang kaniyang ulo sa hita ni Clara. May malaking sugat sa tagiliran si Vince. Walang tigil ang pagpalahaw sa iyak ni Clara habang pinipilit na gamutin ang sugat ni Vince kahit alam niyang ikakaubos iyon ng buo niyang enehiya. Unti-unting naglaho ang armas na hawak-hawak ni Amara. Napansin ko ang paglalabo ng kaniyang kanina ay itim na itim na mga mata. Ngumiti ako sa kaniya. Sa wakas ay nakita ko na rin siyang muli sa napakaraming taon na lumipas na paghihintay ko sa kaniya. Bagaman lagi kong nakikita at minsan ay nakakasama ang kaniyang batang bersyon ay iba pa rin ang kaniyang totoo at kasalukuyan na edad at pag-iisip. Kahit matanda

  • Before Us   Kabanata XIX

    “Isa ka lamang Luna ngunit ang lakas na ng loob mo na harapin ako sa isang laban. Hindi ka ba natatakot para sa iyong buhay?” Mapang-uyam na saad sa akin ni Amara. I was a daughter of a two unmated individual that later on died of sickness because of having me born in this world. Inampon ako ng matalik na kaibigan ng aking ama na nagkataon ay isang mataas na opisyal na kawal ng aming Alpha noon na siyang ama ni Akira. Lumaki ako na nagagawa ko ang lahat ng gustuhin ko na walang pagtutol ni isa mula sa aking ama-amahan. Nang unang makita ko ang mate ko na si Akira ay kaagad akong nagkaroon ng paghanga sa kaniya na habang tumatagal ay nagiging mas malalim. Loving him from afar is more than enough for me because I know by myself that at the end of the day, he will come to me and love me back. Ngunit nagkamali ako. Nagmahal siya ng ibang babae. Natakot ba ako na mawala siya? Hindi. He deserves what he loves and I deserve a man who will love me back not just because we were mated and we

  • Before Us   Kabanata XVIII

    Nanlalabo ang aking paningin ng muli akong magising at imulat ang aking mga mata. May nakatutok sa mukha ko na liwanag na nanggagaling sa flashlight. Nang maka-adjust na ang aking mata ay napatingin ako kay Dani. Inalis na niya ang flashlight sa mukha ko at inilapag niya iyon sa may tabi ko na hindi pinapatay ang ilaw nito. Tinulungan niya akong makabangon. Masakit pa rin ang buong katawan ko. Napatingin ako sa mga sugat ko na ngayon ay nababalutan na ng puting tela. Wala ng mababakas na tumutulong dugo sa aking buong katawan tanging sa damit na lamang na may mantsa ng mga dugo. “Mas madali sanang babalik ang lakas mo at gagaling ang mga sugat mo kung gagawin ko iyong natural na paraan sa’yo ngunit mahal ko pa ang buhay ko. Mahirap ng galitin ang isang witch na taong-lobo,” pabirong saad ni Dani sa akin. Hindi ko na rin maiwasan ang mapangiti kapag naiisip ko ang magiging reaksyon ni Jennifer kapag nga ginawa ni Dani iyon. Ngayon ngang magkasama ulit kami ay paniguradong awtomatiko

  • Before Us   Kabanata XVII

    “AMARA!” Biglang humangin ng malakas. Isang hangin na sumira ng mga istruktura na nakatayo sa buong paligid. Napakalawak ng nasakop na pagkasira nito. Maririnig sa buong paligid ang paghiyaw sa sakit ng mga nadamay na taong-lobo. Hapon pa lamang ng mga oras na ito ngunit kaagad na nagdilim ang kalangitan kasabay ng buong pangyayari. Halos wala akong makita sa aking paligid. Hindi ko alam kung saang lupalop ako tumilapon ngunit natitiyak ko na napakalayo ng aking naabot. Napahawak ako sa kaliwang hita ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, ito sa ilalim nang malaking sementadong nawasak mula sa mga bahay. Sinubukan kong magbagong anyo sa pagiging lobo ngunit hindi kinaya ng katawan ko. Kaya naman wala akong choice kundi gamitin ang aking kapangyarihan. Itinutok ko ang palad ko sa malaking bagay na nakapatong sa aking kaliwang binti. Naglabas ako ng aking kapangyarihan at unti-unti ay naiangat ko sa ere ang bagay na iyon. Pagkatapos ay iginiya ko ang aking kamay sa kabilang direksyon

  • Before Us   Kabanata XVI

    “ITO ang mapa ng kabuuan ng lugar na ito,” saad ni Akira at pagkatapos ay inilatag niya sa lamesa ang isang mapa na kanina ay nakarolyo habang hawak-hawak niya.Napatingin akong mabuti sa nilalaman ng mapa. Sa dami ng lugar at sa lawak nito ay mukhang mahihirapan kami sa paghahanap lalo pa at walang lugar ang sinasabing pinaninirahan ni Amara. Isa pa ay matagal na siyang hindi nakikita ng kahit sino. She may be already dead. Hindi ko alam! Minsan talaga ay gusto ko na lang magwala at umiyak dahil sa galit at frustration dahil hindi ko alam kung paano ko siya mahahanap at kung may chance nga ba na mangyari iyon.“Unahin muna natin dalawang kagubatan ng lugar na ito. Iyon kasi ang pinaka-common na maaaring tirahan ng isang witch na kagaya niya,” suhestiyon ni Ate Clara. Nagpasya kaming humiwalay sa dalawang grupo. Kami ni Akira ang magkasama habang si Ate Clara, Kuya Vince at ang kapatid nitong babae naman ang magkakasama. Akira and I would be taking the Light Woods and the three of th

  • Before Us   Kabanata XV

    “JENNIFER, wait lang!” I heard Akira’s called my name. Napahinto ako sa aking pagtakbo. My heart was beating so fast upon hearing him call my name. Naaalala na niya ba ako? Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at bumungad sa akin ang napakagwapo niyang mukha. “Ulitin mo nga ang sinabi mo,” saad ko. Naninigurado lang ako kung tama ba ang narinig ko. Baka kasi guni-guni ko lamang iyon. “Sabi ko wait lang,” saad niya. Lumakad siya palapit sa akin at nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay gumuhit ang malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. “Hindi yan. Ulitin mo kung ano iyong itinawag mo sa akin!” May pagka-iritadong saad ko. “Jennifer? Iyon ba?” Nangingiti niyang tanong. “Ah, so naaalala mo na ako?” paninigurado ko. “Ikaw iyong girlfriend ko na parang laging may dalaw,” nang-aasar na tugon niya. I should be emotional in this situation. Dapat ay umiiyak ako at niyayakap siya dahil bumalik na ang kaniyang ala-ala. Pero kabaligtaran no’n

  • Before Us   Kabanata XIV

    “Bumabalik na ba ang iyong buong lakas?” tanong sa akin ni Papa sa pagitan ng aming pagkain sa harap ng hapag-kainan. Napatigil ako sa aking pagsubo at bahagyang tumingin sa gawi niya. “Hindi pa po masyado,” tugon ko at saka ko lamang muling ipinagpatuloy ang aking pagkain. Nagharing muli ang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kasalukuyang kami lamang ni Papa ang kumakain ngayon ng gabihan. Dapat ay kasalo namin ngayon si Dani ngunit nakiusap muna ako sa kaniya na ibigay niya muna sa aming dalawa ni Papa ang gabing ito. Ang totoo niyan ay gusto ko munang lumayo mula kay Dani. Mas gugustuhin ko ito kesa sa magkasama kami ngunit hindi naman isang nobya ang trato ko sa kaniya kundi isang kaibigan lamang. Nang magising ako isang araw, pakiramdam ko ay may nakalimutan ako o may naiwanan ako na hindi ko malaman kung ano. Bagay ba iyon, tao o isang ala-ala? Simula noong araw na iyon ay parang lagi na lang akong nangangapa. Parang laging may kulang sa akin. Nakadagdag pa a

DMCA.com Protection Status