-The End- Hanggang sa muli. Maraming salamat po sa lahat ng sumama kina Akira at Jennifer 🥰.
Kabilugan ng buwan nang gabing iyon. Isang babaeng sanggol ang isinilang ni Matilda—ang pinakamakapangyarihang puting mangkukulam sa ikalabinlimang henerasyon ng kanilang lahi. Kasabay ng unang pag-iyak ng sanggol ay nakarinig sila ng isang malakas na ungol na wari ay nanggagaling sa isang mabangis at malaking hayop. Nasundan pa ito ng mas maliit na ungol na tila ba’y nagmula pa sa isang mas batang hayop. Nagsimulang magsiliparan palayo ang mga ibon na kanina lang ay magiliw na nakatanaw sa kanila sa loob ng malaking silid. Naging alerto si Orlando dahil sa narinig.Napakapit na lamang nang mahigpit si Matilda sa braso ng asawa nang maramdaman niya ang itim na kapangyarihan ni Amara. Napatingin sa kaniya si Orlando na tila iisa lang ang kanilang iniisip.Agad siyang tumayo at isinuot ang kayumangging kapa kay Clara—ang siyam na taong gulang niyang panganay na anak na babae—pagkatapos ay iniabot niya rito ang kaniyang bagong silang na sanggol. Ang kayumangging kapa ang magsisilbing pr
I stared at the big painting in front of me. Nakadikit iyon sa puting pader ng aking kwarto. Nakapinta ro’n ang mukha ng aking mga yumaong magulang. My parents whom I never had the chance to be with since I was born. Despite of that, hindi ko naramdaman ang pagiging isang ulila. I have my Ate Clara beside me who became a sister, a mother, and a father to me. And in fact, I grew up being rich because of Ate Clara’s endeavor and perseverance. Nakapagpatayo siya ng isang kumpanya ng mga beauty product dito sa Pilipinas, ang Ever Beauty. And now, it is the leading and most successful company in our country. Halos lahat ay tinatangkilik ang mga produkto nila dahil sa pagiging epektibo nito at mabibili lamang sa murang halaga. Pati sa ibang bansa ay nakapage-export na rin sila ng kanilang produkto. Minsan nga ay nagtataka ako kay Ate. Kung paano siya nagkaroon ng sobrang lawak na kaalaman kung paano gagamitin sa pagpapaganda ang iba’t ibang uri ng mga halaman gayong sa normal na eskwelaha
MULA sa kinauupuan ko sa loob ng classroom ay matatanaw sa bintana ang malawak na plaza ng aming school, ang Mabini College. Doon ay masayang naglalaro ng baseball ang grupo ng mga fourth year college. Nakaipon ang lahat ng bag nila sa isang asul na bench na nasa tapat lamang ng pwesto nila. Okupado naman ng mga babaeng nanonood sa kanilang paglalaro ang ibang bench na nakahilera sa paligid ng plaza. At ang mga babaeng ‘yon ay may mga paghanga sa kanila, lalong lalo na kay Akira.Pinanonood ko lamang ang bawat galaw ni Akira. Mula sa pagtira niya sa bola hanggang sa pagtakbo niya paikot ay sa kaniya lamang nakatuon ang buo kong atensyon. Dati pa ay gawain ko na talaga ang manood mula sa bintana ng aming classroom ng mga kaganapan sa plaza. But today hits different. Dahil ang napapansin na lamang ng mga mata ko ay si Akira. It all started since that juice accident happened.The moment I turned my gaze on the man who spilled his mango juice on my Birkin bag, my eyes first landed on his b
NAPAMULAT na lamang ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng isang magaan na bagay sa mukha ko. Dinampot ko ang ginumos na papel at saka ibinato iyon pabalik sa labas ng binatana ng aking kwarto. Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa banig at saka tinungo ang may kalakihang bintana sa aking kwarto. Pagdungaw ko sa binatana ay doon ko nakita sina Jeremy at Lance. Nakaupo si Lance sa malaking bato at hindi maipinta ang mukha nito habang si Jeremy naman ay nakasakay sa duyan at hawak-hawak ang papel na ibinato ko pabalik sa kaniya habang dinuduyan nang malakas ang sarili. Kaya naman pala nakasimangot si Lance dahil naunahan na naman siya ni Jeremy sa pag-upo sa duyan. “Buti naman at gising ka na, Mr. Torpe, na kung hindi ko pa aksidenteng naitulak kay Jennifer ay mananatiling hanggang tingin na lamang sa kaniyang iniirog,” mahabang litanya ni Jeremy. “Gago, ang baduy,” saad naman ni Lance kay Jeremy. “Inggit ka lang kasi nauna ako sa duyan,” pang-aasar ni Jeremy. “Ang aga-
“BYE, Ate,” mabilis na paalam sa akin ni Jennifer. Kasama nito si Lorilyn. Bago pa man sila tuluyang lumakad palayo ay kumaway muna sila sa akin. Tinugunan ko iyon ng isang ngiti at pagtango. Nakasuot lamang ang dalawa ng kaswal na pananamit. Wala na silang pasok ngayon. Graduation practice na lamang ang kanilang inaasikaso. Napangiti ako sa aking sarili. Kung makikita lang kami ngayon ng aming mga magulang ay tiyak na magagalak sila. Nagawa kong kumayod nang mag-isa at palakihin nang sobra pa sa salitang ‘maayos’ si Jennifer. Salamat sa aking kapangyarihan dahil ito ang naging daan upang makamit ko kung anong meron ako ngayon. Noong bata pa ako ay namuhay lamang ako na tanging ang kalikasan lamang at ang mga mangkukulam ang aking nakasasalamuha. At ngayon, naramdaman ko na iba pa rin pala ang saya at pakiramdam kapag ang makakasama mo sa araw-araw na buhay ay ang mga normal na tao lamang. Ito ang depinisyon para sa ‘kin ng ‘totoong mundo.’ Sa katotohanan, ang mga mangkukulam at a
“ANG ganda ng lugar!” namamanghang turan ko. Dinala ako ng taong lobo na ‘to sa isang mala-mini farm dito sa bundok. Maayos na nakahilera sa buong paligid ang mga puno ng iba’t ibang klaseng prutas at gulay. Sino naman kaya ang nagtayo nito sa ganitong klaseng liblib na lugar? Bumaba na ako sa kaniya. Pagkatapos ay nag-anyong tao ulit siya. Susmaryosep! Nakita ko na naman nang hindi sinasadya ang kaniyang ‘ajanabvssvshshh’—nevermind. Kagaya ng ginawa ko kanina ay muli ko siyang binihisan. Ngunit ngayon ay t-shirt at pants style ang ginawa ko. Hindi na kaya ng panga ko na tumawa pang muli nang sobra. “Welcome to my farm,” proud na saad niya at iminuwestra ang kaniyang kamay. “Ikaw ang gumawa niyan?” may pagdududa na tanong ko. “Believe me or not, I’m the one who planted all these fruits and vegetables.” “Bakit wala ka sa kuta niyo?” kuryuso na tanong ko. Naupo siya sa damuhan at tumanaw sa kaniyang farm. Maaliwalas ang kaniyang mukha. “I’m a rouge now. I was kicked off because I
NANG makita na ako ni Akira ay kaagad siyang tumayo mula sa bench at sinalubong ako. He was smiling widely. Nang makalapit na siya sa akin, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at saka ako h******n sa aking noo. Napangiti ako sa kaniyang napaka-sweet na gesture. “Ang tamis!” biglang saad ni Lorilyn kaya naman napatingin kaming dalawa sa kaniya. “Ng candy na kinakain ko,” dagdag niya at saka ngumiti sa amin nang nang-aasar. Pasimple kong hinila ang kaniyang maiksing buhok upang tigilan na niya ako. Kaunti na lang kasi ay talagang magmumukha nang kamatis ang aking mukha dahil sa kilig. And I don’t want Akira to see me like that. Nakakahiya kaya! Tumuloy kami sa pwesto na inuokupa ni Akira at ng kaniyang dalawang matalik na kaibigan, sina Lance at Jeremy. Awtomatiko namang napasimangot si Lorilyn nang makita ang kaniyang ex-manliligaw. Halos noong nakaraang linggo pa lamang nang sabihin ni Lance kay Lorilyn na titigilan na niya ito. I am expecting that Lorilyn would be happy. Pero
“WAIT!” tawag ko kay Akira nang tumalikod na siya at akmang tatakbo palayo sa akin. Huminto siya sa paggalaw at nanatili lamang na nakaharap ang likod niya sa aking gawi. Nasundan iyon ng katahimikan sa pagitan namin. Nakatingin lamang ako sa kaniya at hindi ko alam kung ano ang aking sunod na sasabihin. My hands were cold and tears started flooding from my eyes. To be honest, I don’t really feel afraid of him despite of him becoming a werewolf—but I’m really getting emotional. Nagsisimula na akong mag-overthink. Anong mangyayari sa kaniya kapag nalaman ng iba na gan’yan ang tunay niyang pagkatao? Paano na lang kaming dalawa? Natatakot ako sa katotohanang magkaiba pala ang mundo namin. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko at kung maniniwala ba ako sa lahat ng nasasaksihan ko ngayon. Maybe this is just only a dream. Oo, tama! There’s no such thing as werewolf. They’re just fictional beings. Ngunit sa pagkakaalala ko ay hindi naman ako nagbabasa ng tungkol sa ganiyang
NAKABANGON muli mula sa matinding destruksyon na naidulot ni Tita Amara ang mga taong-lobo. Madali lamang nilang naibalik sa normal ang lahat. Bagaman wala na sa mundo si Tita Amara, nananatiling buhay ang kaniyang kapangyarihan na siyang nagsisilbing proteksyon ng mundo ng mga taong-lobo mula sa mga mata ng normal na nilalang.Ang mate bond ay nananatili pa rin. Ngunit binigyan ni Tita Amara ng basbas na maaaring putulin ng kasalukuyang Alpha ang lila na sinulid na siyang nagdudugtong sa dalawang tao na itinadhana para sa isa’t isa kung hindi magiging maayos ang pagsasama ng dalawang indibidwal hanggang sa ang isa sa kanila ay dumating sa edad na tatlumpu’t lima.Ang lahi ng mga taong-lobo sa kasalukuyan ay pinamamahalaan ng kanilang itinalagang Luna na si Dani at ang kaniyang kasintahan na isang mandirigma ng kaniyang itinuring na ama ang siyang naging Alpha. Ipinaubaya ni Akira ang kaniyang posisyon upang ipagpatuloy ang kaniyang pamumuhay sa mundo ng mga mortal kasama ako pati na r
KINUHA ni Amara ang isang kamay ni Custodio. Pinagsiklop niya ang kanilang mga kamay at nakangiting pinagmasdan niya iyon. Pagkatapos ay tumingala siya sa mukha ng kaniyang lalaking iniibig. Sakto naman na nakatingin din ito sa kaniya. Mataman na pinagmamasdan nito ang kabuuan ng kaniyang napakagandang mukha."Noong bata pa lamang ako ay pangarap ko na ako ang maging pinakamalakas na mangkukulam sa henerasyon namin. That was supposed to be just a dream only, but things makes it to end up as an obsession. Lagi akong napre-pressure dahil sa aking mga magulang. Ayon sa kanila dapat ako lang ang magmay-ari ng pwestong iyon at wala ng iba pa. At si Kuya naman, nang magkaroon siya ng nobya ay napapabayaan na niya ako sa pangangalaga ng aming mga magulang na walang ginawa kundi pilitin ako na gawin ang mga bagay na hindi ko nais" mahabang kwento niya habang nakatanaw sa medyo maliwanag nang kalangitan.Ayon sa kaniyang mga magulang, upang maipanalo niya ang paligsahan sa posisyon na iyon ay
“AMARA!” Malakas na pagtawag ko sa pangalan niya. Natigilan siya sa akma niyang paghataw ng kaniyang espada na itim sa likuran ng aming bagong Alpha. Nakatayo si Akira at mapapansin ang kaniyang matinding panghihina. Ngunit pinipilit niya na manatili sa kaniyang kinatatayuan upang protektakan si Clara at Vince. Nakahiga si Vince sa lupa habang nakapatong ang kaniyang ulo sa hita ni Clara. May malaking sugat sa tagiliran si Vince. Walang tigil ang pagpalahaw sa iyak ni Clara habang pinipilit na gamutin ang sugat ni Vince kahit alam niyang ikakaubos iyon ng buo niyang enehiya. Unti-unting naglaho ang armas na hawak-hawak ni Amara. Napansin ko ang paglalabo ng kaniyang kanina ay itim na itim na mga mata. Ngumiti ako sa kaniya. Sa wakas ay nakita ko na rin siyang muli sa napakaraming taon na lumipas na paghihintay ko sa kaniya. Bagaman lagi kong nakikita at minsan ay nakakasama ang kaniyang batang bersyon ay iba pa rin ang kaniyang totoo at kasalukuyan na edad at pag-iisip. Kahit matanda
“Isa ka lamang Luna ngunit ang lakas na ng loob mo na harapin ako sa isang laban. Hindi ka ba natatakot para sa iyong buhay?” Mapang-uyam na saad sa akin ni Amara. I was a daughter of a two unmated individual that later on died of sickness because of having me born in this world. Inampon ako ng matalik na kaibigan ng aking ama na nagkataon ay isang mataas na opisyal na kawal ng aming Alpha noon na siyang ama ni Akira. Lumaki ako na nagagawa ko ang lahat ng gustuhin ko na walang pagtutol ni isa mula sa aking ama-amahan. Nang unang makita ko ang mate ko na si Akira ay kaagad akong nagkaroon ng paghanga sa kaniya na habang tumatagal ay nagiging mas malalim. Loving him from afar is more than enough for me because I know by myself that at the end of the day, he will come to me and love me back. Ngunit nagkamali ako. Nagmahal siya ng ibang babae. Natakot ba ako na mawala siya? Hindi. He deserves what he loves and I deserve a man who will love me back not just because we were mated and we
Nanlalabo ang aking paningin ng muli akong magising at imulat ang aking mga mata. May nakatutok sa mukha ko na liwanag na nanggagaling sa flashlight. Nang maka-adjust na ang aking mata ay napatingin ako kay Dani. Inalis na niya ang flashlight sa mukha ko at inilapag niya iyon sa may tabi ko na hindi pinapatay ang ilaw nito. Tinulungan niya akong makabangon. Masakit pa rin ang buong katawan ko. Napatingin ako sa mga sugat ko na ngayon ay nababalutan na ng puting tela. Wala ng mababakas na tumutulong dugo sa aking buong katawan tanging sa damit na lamang na may mantsa ng mga dugo. “Mas madali sanang babalik ang lakas mo at gagaling ang mga sugat mo kung gagawin ko iyong natural na paraan sa’yo ngunit mahal ko pa ang buhay ko. Mahirap ng galitin ang isang witch na taong-lobo,” pabirong saad ni Dani sa akin. Hindi ko na rin maiwasan ang mapangiti kapag naiisip ko ang magiging reaksyon ni Jennifer kapag nga ginawa ni Dani iyon. Ngayon ngang magkasama ulit kami ay paniguradong awtomatiko
“AMARA!” Biglang humangin ng malakas. Isang hangin na sumira ng mga istruktura na nakatayo sa buong paligid. Napakalawak ng nasakop na pagkasira nito. Maririnig sa buong paligid ang paghiyaw sa sakit ng mga nadamay na taong-lobo. Hapon pa lamang ng mga oras na ito ngunit kaagad na nagdilim ang kalangitan kasabay ng buong pangyayari. Halos wala akong makita sa aking paligid. Hindi ko alam kung saang lupalop ako tumilapon ngunit natitiyak ko na napakalayo ng aking naabot. Napahawak ako sa kaliwang hita ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, ito sa ilalim nang malaking sementadong nawasak mula sa mga bahay. Sinubukan kong magbagong anyo sa pagiging lobo ngunit hindi kinaya ng katawan ko. Kaya naman wala akong choice kundi gamitin ang aking kapangyarihan. Itinutok ko ang palad ko sa malaking bagay na nakapatong sa aking kaliwang binti. Naglabas ako ng aking kapangyarihan at unti-unti ay naiangat ko sa ere ang bagay na iyon. Pagkatapos ay iginiya ko ang aking kamay sa kabilang direksyon
“ITO ang mapa ng kabuuan ng lugar na ito,” saad ni Akira at pagkatapos ay inilatag niya sa lamesa ang isang mapa na kanina ay nakarolyo habang hawak-hawak niya.Napatingin akong mabuti sa nilalaman ng mapa. Sa dami ng lugar at sa lawak nito ay mukhang mahihirapan kami sa paghahanap lalo pa at walang lugar ang sinasabing pinaninirahan ni Amara. Isa pa ay matagal na siyang hindi nakikita ng kahit sino. She may be already dead. Hindi ko alam! Minsan talaga ay gusto ko na lang magwala at umiyak dahil sa galit at frustration dahil hindi ko alam kung paano ko siya mahahanap at kung may chance nga ba na mangyari iyon.“Unahin muna natin dalawang kagubatan ng lugar na ito. Iyon kasi ang pinaka-common na maaaring tirahan ng isang witch na kagaya niya,” suhestiyon ni Ate Clara. Nagpasya kaming humiwalay sa dalawang grupo. Kami ni Akira ang magkasama habang si Ate Clara, Kuya Vince at ang kapatid nitong babae naman ang magkakasama. Akira and I would be taking the Light Woods and the three of th
“JENNIFER, wait lang!” I heard Akira’s called my name. Napahinto ako sa aking pagtakbo. My heart was beating so fast upon hearing him call my name. Naaalala na niya ba ako? Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at bumungad sa akin ang napakagwapo niyang mukha. “Ulitin mo nga ang sinabi mo,” saad ko. Naninigurado lang ako kung tama ba ang narinig ko. Baka kasi guni-guni ko lamang iyon. “Sabi ko wait lang,” saad niya. Lumakad siya palapit sa akin at nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay gumuhit ang malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. “Hindi yan. Ulitin mo kung ano iyong itinawag mo sa akin!” May pagka-iritadong saad ko. “Jennifer? Iyon ba?” Nangingiti niyang tanong. “Ah, so naaalala mo na ako?” paninigurado ko. “Ikaw iyong girlfriend ko na parang laging may dalaw,” nang-aasar na tugon niya. I should be emotional in this situation. Dapat ay umiiyak ako at niyayakap siya dahil bumalik na ang kaniyang ala-ala. Pero kabaligtaran no’n
“Bumabalik na ba ang iyong buong lakas?” tanong sa akin ni Papa sa pagitan ng aming pagkain sa harap ng hapag-kainan. Napatigil ako sa aking pagsubo at bahagyang tumingin sa gawi niya. “Hindi pa po masyado,” tugon ko at saka ko lamang muling ipinagpatuloy ang aking pagkain. Nagharing muli ang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kasalukuyang kami lamang ni Papa ang kumakain ngayon ng gabihan. Dapat ay kasalo namin ngayon si Dani ngunit nakiusap muna ako sa kaniya na ibigay niya muna sa aming dalawa ni Papa ang gabing ito. Ang totoo niyan ay gusto ko munang lumayo mula kay Dani. Mas gugustuhin ko ito kesa sa magkasama kami ngunit hindi naman isang nobya ang trato ko sa kaniya kundi isang kaibigan lamang. Nang magising ako isang araw, pakiramdam ko ay may nakalimutan ako o may naiwanan ako na hindi ko malaman kung ano. Bagay ba iyon, tao o isang ala-ala? Simula noong araw na iyon ay parang lagi na lang akong nangangapa. Parang laging may kulang sa akin. Nakadagdag pa a