Home / Other / Before Us / Kabanata III

Share

Kabanata III

last update Huling Na-update: 2022-10-21 23:36:08

NAPAMULAT na lamang ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng isang magaan na bagay sa mukha ko. Dinampot ko ang ginumos na papel at saka ibinato iyon pabalik sa labas ng binatana ng aking kwarto. Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa banig at saka tinungo ang may kalakihang bintana sa aking kwarto.

Pagdungaw ko sa binatana ay doon ko nakita sina Jeremy at Lance. Nakaupo si Lance sa malaking bato at hindi maipinta ang mukha nito habang si Jeremy naman ay nakasakay sa duyan at hawak-hawak ang papel na ibinato ko pabalik sa kaniya habang dinuduyan nang malakas ang sarili. Kaya naman pala nakasimangot si Lance dahil naunahan na naman siya ni Jeremy sa pag-upo sa duyan.

“Buti naman at gising ka na, Mr. Torpe, na kung hindi ko pa aksidenteng naitulak kay Jennifer ay mananatiling hanggang tingin na lamang sa kaniyang iniirog,” mahabang litanya ni Jeremy.

“Gago, ang baduy,” saad naman ni Lance kay Jeremy.

“Inggit ka lang kasi nauna ako sa duyan,” pang-aasar ni Jeremy.

“Ang aga-aga pa. Ang sabihin mo, Remy, makikikain lang kayo ni Lance ng adobong pakbet ni Mama,” saad ko naman.

Napakunot ang noo ni Jeremy. Pero bago pa siya makapagmaktol dahil sa pagtawag ko sa kaniya ng Remy ay narinig na namin ang pagtawag ni Mama.

“Hali na kayong tatlong bata at kumain na,” tawag ni Mama mula sa kusina. Maliit lamang ang aming bahay kaya naman kahit nasa kwarto ako at nasa labas ang dalawa kong kaibigan ay maririnig namin nang maayos ang pagtawag ni Mama.

Kaagad na tumayo sa duyan si Jeremy at maliksing tinalon ang bintana sa loob ng aking kwarto. Sumunod naman si Lance at ginaya rin ang ginawa ni Jeremy. Magkakasabay kaming nagtungo sa kusina at nadatnan namin si Mama na nakaupo na.

Sa harap niya ay ang bilog na berdeng lamesa kung saan nakahain ang inadobo niyang pakbet at kanin. Meron din itong kasamang apat na baso ng timplado nang kapeng puro.

Nagkaniya-kaniya na kaming upo sa berde rin na upuan. Nagdasal muna kami bago sinimulan ang pagkain.

Tiningnan ko si Mama. Nasa singkwenta na ang edad niya. Maliit siyang babae at may napakaamong mukha. Mahaba ang kaniyang kayumanggi at bagsak na bagsak na buhok na lagi niyang itinitirintas. Sa kaniya ko namana ang kulay ng aking mga mata na kagaya ang kulay sa buhok niya. May lahi siyang americana kaya naman hindi na nakapagtataka na ganyan ang itsura niya at ang kutis niya ay mamula-mula.

Sabi ni Mama ay kay Papa ko naman namana ang taas ko pati na rin ang maalon-alon kong buhok. Sa kaniya ko rin namana ang dugo ng pagiging isang taong-lobo. Hindi ko kinamumuhian na naging kabilang ako sa ganoong lahi. Ngunit kung may pagkakataon na maaari akong humiling ng isa at iyon ay matutupad, hihilingin kong sana ay isang normal na pamilya na lamang kami.

Pagdating ko sa bahay mula sa eskwelahan ay hindi ko nadatnan sa bahay sina Mama at Papa. Kaya naman nagtungo ako sa kagubatan kung saan laging namamalagi ang aking mga magulang sa tuwing gugustuhin ni Papa na magpalit ng anyo mula sa tao patungo sa pagiging isang itim na lobo.

Nang marating ko ang pusod ng kagubatan ay malapit nang dumilim ang paligid. Nagpalit ako ng aking anyo upang lumakas ang aking pang-amoy at pandinig sa paligid. Mga ilang minuto pa ang tinagal ng paghahanap ko bago ko natunton ang kanilang lokasyon.

Hindi na ako lumapit sa kanila. Ikinubli ko na lamang ang aking sarili sa dilim at dumistansya nang isang kilometro mula sa kanila. Nasa anyong tao ang aking ama kaya naman hindi niya namamalayan ang aking presensya.

“KAILANGAN ba talaga?” lumuluhang tanong ko kay Joseph.

Lumamlam ang kaniyang mga mata na nakatitig sa akin. Masuyong hinaplos ng kaniyang mga palad ang aking mukha. Pinaglandas niya ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng aking mukha na tila kinakabisa ang bawat detalye nito.

“Kailangan, Fedela. Kailangan ko nang umalis at pamunuan ang aking lahi. Hindi na ako pwedeng magtagal pa rito, lalong-lalo na sa tabi mo. Mas nanaisin kong lumayo sa ‘yo kaysa ang mapahamak ka nang dahil sa ‘kin. Hindi ka pwedeng matagpuan ng mga kalahi ko, lalong-lalo na ng mga taong-lobo na hindi kinikilala ang matuwid na batas.”

“Ang anak natin? Bakit hindi mo siya isama? Sa tingin ko ay mas magiging ligtas siya kung mamumuhay siya kasama ang kaniyang mga kalahi,” tanong ko sa kaniya. Masakit man na isipin kung pati ang anak ko ay mawawala sa akin ngunit iyon naman ang makabubuti para sa kaniya.

Nagsimulang lumuha ang mga mata ng aking asawa. Ngunit ang kaniyang labi ay pumorma ng isang totoong ngiti.

“Maaaring tama ka. Pero iiwan ko sa ‘yo ang bunga ng ating pagmamahalan. Mas gusto ko para sa kaniya na lumaki siya kabilang ang mga tao. Alam kong kayang-kaya mong mapangalagaan ang kaniyang totoong pagkatao. At, hmm… hindi siya nakatadhana bilang tagapagmana ko, kun’di bilang tagapag-alaga ng aking reyna. Siya na ang magpapadama sa ‘yo ng pagmamahal ko na simula ngayon ay hindi ko na maipadarama pa nang personal.”

Kahit nasasaktan na ako at lumuluha ay hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa kilig. May anak na kami at nasa sitwasyon na kami ngayon ng paghihiwalay ngunit napakatamis niya pa ring magsalita.

“Mahal na mahal kita, Joseph,” saad ko nang may namumuong ngiti sa aking mga labi.

“Mas mahal kita,” ganting tugon niya at masuyo akong h******n sa noo, pagkatapos ay bumaba siya sa aking mga labi.

“Aalis na ako dahil kapag nagtagal pa ako ay baka magbago ang aking isip,” natatawa niyang sabi. Pagkatapos ay nagsimula na siyang magbago ng kaniyang anyo. Naging isa na siyang itim na malaking lobo.

“Hoy,” tawag ko sa kaniya nang tumalikod na siya.

Humarap siyang muli sa akin at umangil na ikinatawa ko naman. “Hindi mo man lamang ba sasabihin na, ‘Fedela, kung sakali mang magmamahal kang muli ng iba ay magiging masaya ako para sa inyo’?” pilyang tanong ko sa kaniya.

Ibinalik niya ang kaniyang anyo sa pagiging tao para lamang sumagot sa akin. Napatakip ako ng aking mga mata dahil sa tanawin na nasa harap ko ngayon.

“Parang hindi mo naman ‘to nakikita paminsan-minsan.”

“Tumahimik ka,” kunwari ay seryosong singhal ko sa kaniya.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa dalawang kamay ko at inalis niya iyon mula sa pagkakatakip sa mga mata ko. Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. Isang matinding pagpipigil ang ginawa ko para lamang hindi mapunta sa kaniyang hubad na katawan ang aking mga mata.

“Hindi ko na kailangan sabihin yun. Dahil alam kong ako lang ang mamahalin mo,” nakangising saad niya at saka ako kinindatan. Mabilis ang naging paghalik niyang muli sa mga labi ko at tumakbo na palayo sa akin kasabay ng pagpapalit niya sa anyong lobo.

NAUNA na akong umahon sa dalawa mula sa dagat. Dumiretso ako kung saan nakaparada ang aming bike at doon ay kinuha ko ang nakasabit kong tuwalya. Tinuyo ko ang katawan ko at pinagpag ang mga butil ng buhangin na dumikit sa katawan ko.

Bigla-bigla ay nakaramdam ako ng kagustuhang magtungo sa boulevard. Ipinatong ko sa aking balikat ang tuwalya na ginamit ko at saka nagsimulang maglakad patungo sa malawak na boulevard.

Pagkarating ko sa taas ng kalsada ng dalampasigan o ang tinatawag na boulevard ay naagaw agad ng isang magandang babae ang pansin ko. Napatingin din siya sa akin at nang magtama ang aming mga paningin ay parang tinambol sa bilis ng tibok ang puso ko. Bigla tuloy akong nagtaka sa nararamdaman ko.

Nagsimulang maglakad palapit sa kinatatayuan ko ang babae. Sa tingin ko ay abot hanggang dibdib ko lamang ang kaniyang taas. Nakasuot siya ng puting dress na lalong nagpaganda sa kaniya. Hindi ko maintindihan ngunit angat na angat siya sa lahat ng taong nandirito.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay hindi inaasahan ang pagsulpot ng tumatakbong aso sa pagitan namin. Nasagi siya nito at nawalan siya ng balanse. Naging alerto ako sa nangyari at kaagad siyang sinalo.

Dumulas sa kaniyang tuwid at itim na itim na buhok ang kaniyang kulay puting pampusod kaya naman lumugay ang kaniyang buhok. Nakatitig lamang siya sa ‘kin habang sinasalo siya ng mga bisig ko.

Parang may nag-uudyok sa akin na halikan ang kaniyang mga labi ngunit nilabanan ko ang nararamdaman kong iyon. Tinulungan ko siyang makatayo nang maayos. Huminga ako nang malalim at pilit inaalis sa sistema ko ang maling nararamdaman ko para sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

Inisip ko na lamang si Jennifer, ang girlfriend ko. Nang maglaro na sa isipan ko ang imahe ng kaniyang magandang mukha ay matagumpay na nawala ang kanina lang ay naramdaman kong ‘pagtingin ba kung tatawagin iyon?’ sa misteryosong babaeng ito.

“Akira,” saad niya sa maamong boses. Sa tono niya ay parang binabanggit niya ang pangalan ng lalaki niyang minamahal.

“Ano?” tanong ko. Hindi ko sigurado kung ako nga ba ang ‘Akira’ na kaniyang tinutukoy.

Ngumiti siya sa akin nang ubod ng tamis. “Natutuwa akong makilala ka, Akira,” saad niya.

“Paano mo ako nakilala?” nagtataka kong tanong.

Hindi na niya ako nagawa pang sagutin nang umakbay sa akin si Jeremy at Lance. Binigyan niya pa ako ng isang matamis na ngiti bago naglakad palayo sa akin. Inalis ko ang braso ng dalawa sa aking balikat at nagsimulang lumakad upang habulin ang babae at pigilan siyang umalis. Ninanais ko pa siyang ikulong sa pagitan ng aking mga bisig at ihiga sa kama na puno ng bulaklak ng rosas. Ngunit napatigil ako sa kalagitnaan ng aking paghakbang.

Ano ba ‘tong ginagawa at naiisip ko?

Kaugnay na kabanata

  • Before Us   Kabanata IV

    “BYE, Ate,” mabilis na paalam sa akin ni Jennifer. Kasama nito si Lorilyn. Bago pa man sila tuluyang lumakad palayo ay kumaway muna sila sa akin. Tinugunan ko iyon ng isang ngiti at pagtango. Nakasuot lamang ang dalawa ng kaswal na pananamit. Wala na silang pasok ngayon. Graduation practice na lamang ang kanilang inaasikaso. Napangiti ako sa aking sarili. Kung makikita lang kami ngayon ng aming mga magulang ay tiyak na magagalak sila. Nagawa kong kumayod nang mag-isa at palakihin nang sobra pa sa salitang ‘maayos’ si Jennifer. Salamat sa aking kapangyarihan dahil ito ang naging daan upang makamit ko kung anong meron ako ngayon. Noong bata pa ako ay namuhay lamang ako na tanging ang kalikasan lamang at ang mga mangkukulam ang aking nakasasalamuha. At ngayon, naramdaman ko na iba pa rin pala ang saya at pakiramdam kapag ang makakasama mo sa araw-araw na buhay ay ang mga normal na tao lamang. Ito ang depinisyon para sa ‘kin ng ‘totoong mundo.’ Sa katotohanan, ang mga mangkukulam at a

    Huling Na-update : 2022-10-31
  • Before Us   Kabanata V

    “ANG ganda ng lugar!” namamanghang turan ko. Dinala ako ng taong lobo na ‘to sa isang mala-mini farm dito sa bundok. Maayos na nakahilera sa buong paligid ang mga puno ng iba’t ibang klaseng prutas at gulay. Sino naman kaya ang nagtayo nito sa ganitong klaseng liblib na lugar? Bumaba na ako sa kaniya. Pagkatapos ay nag-anyong tao ulit siya. Susmaryosep! Nakita ko na naman nang hindi sinasadya ang kaniyang ‘ajanabvssvshshh’—nevermind. Kagaya ng ginawa ko kanina ay muli ko siyang binihisan. Ngunit ngayon ay t-shirt at pants style ang ginawa ko. Hindi na kaya ng panga ko na tumawa pang muli nang sobra. “Welcome to my farm,” proud na saad niya at iminuwestra ang kaniyang kamay. “Ikaw ang gumawa niyan?” may pagdududa na tanong ko. “Believe me or not, I’m the one who planted all these fruits and vegetables.” “Bakit wala ka sa kuta niyo?” kuryuso na tanong ko. Naupo siya sa damuhan at tumanaw sa kaniyang farm. Maaliwalas ang kaniyang mukha. “I’m a rouge now. I was kicked off because I

    Huling Na-update : 2022-10-31
  • Before Us   Kabanata VI

    NANG makita na ako ni Akira ay kaagad siyang tumayo mula sa bench at sinalubong ako. He was smiling widely. Nang makalapit na siya sa akin, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at saka ako h******n sa aking noo. Napangiti ako sa kaniyang napaka-sweet na gesture. “Ang tamis!” biglang saad ni Lorilyn kaya naman napatingin kaming dalawa sa kaniya. “Ng candy na kinakain ko,” dagdag niya at saka ngumiti sa amin nang nang-aasar. Pasimple kong hinila ang kaniyang maiksing buhok upang tigilan na niya ako. Kaunti na lang kasi ay talagang magmumukha nang kamatis ang aking mukha dahil sa kilig. And I don’t want Akira to see me like that. Nakakahiya kaya! Tumuloy kami sa pwesto na inuokupa ni Akira at ng kaniyang dalawang matalik na kaibigan, sina Lance at Jeremy. Awtomatiko namang napasimangot si Lorilyn nang makita ang kaniyang ex-manliligaw. Halos noong nakaraang linggo pa lamang nang sabihin ni Lance kay Lorilyn na titigilan na niya ito. I am expecting that Lorilyn would be happy. Pero

    Huling Na-update : 2022-10-31
  • Before Us   Kabanata VII

    “WAIT!” tawag ko kay Akira nang tumalikod na siya at akmang tatakbo palayo sa akin. Huminto siya sa paggalaw at nanatili lamang na nakaharap ang likod niya sa aking gawi. Nasundan iyon ng katahimikan sa pagitan namin. Nakatingin lamang ako sa kaniya at hindi ko alam kung ano ang aking sunod na sasabihin. My hands were cold and tears started flooding from my eyes. To be honest, I don’t really feel afraid of him despite of him becoming a werewolf—but I’m really getting emotional. Nagsisimula na akong mag-overthink. Anong mangyayari sa kaniya kapag nalaman ng iba na gan’yan ang tunay niyang pagkatao? Paano na lang kaming dalawa? Natatakot ako sa katotohanang magkaiba pala ang mundo namin. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko at kung maniniwala ba ako sa lahat ng nasasaksihan ko ngayon. Maybe this is just only a dream. Oo, tama! There’s no such thing as werewolf. They’re just fictional beings. Ngunit sa pagkakaalala ko ay hindi naman ako nagbabasa ng tungkol sa ganiyang

    Huling Na-update : 2022-11-23
  • Before Us   Kabanata VIII

    “ANG sabi sa akin ni Mama ay ipinanganak na akong ganito. Isang taong lobo na namana ko ang pagiging isa mula kay Papa. Iyon namang pagiging lobo ni Papa ay hindi ko alam kung paano nagsimula. Sinubukan kong tanoongin si Mama tungkol d’yan pero sabi niya mas mabuting hindi na raw namin ungkatin ang nakaraan,” pagkwekwento sa akin ni Akira. Kasalukuyan kaming nasa bahay at magkatabing nakaupo sa couch. Parehas kaming nakatingin sa malaking TV screen na nasa harapan namin. The TV was playing a video of ‘endlessly’ song with lyrics on it. Nakapatong ang ulo niya sa aking kanang balikat. Dito namin napagpasiyahang pag-usapan ang lahat. Since wala naman si Ate, I think this is the safest place to talk about his secrets. “Alam ba ‘to nila Lance at Jeremy?” I asked him. “Hindi pa. Hindi ko ito sinabi sa kanila dahil sa natatakot ako na baka kamuhian nila ako at masira ang aming pagkakaibigan o ipagkalat nila ang totoo kong pagkatao. Ayoko lang talaga silang i-involve sa mundo ko. Mas magig

    Huling Na-update : 2022-11-24
  • Before Us   Kabanata IX

    NAPAMULAT ako kasabay ng matinding paghiyaw ko nang tuluyan ng bumaon sa aking leeg ang mga pangil ni Akira. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa buwan. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Ang aking paningin ay unti-unting nagiging kulay lila sa hindi ko malaman na dahilan. Kasunod nito ay ang hindi ko inaasahan na pagdaloy ng isang ala-ala na kusa na lamang naglaro at sinakop ang aking buong ulirat. I SAW my mom giving birth to me with my father holding her hand while attentively sitting beside her. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto at napanganga ako sa aking napagtanto, isa itong kwarto na kulay puti at umuulan ng makulay na magic dust ang buong paligid na hindi ko alam kung saan at pano nagmumula. Maraming ibon ang nakahapon sa mga ibabaw ng mga gamit dito at mukhang nakatutok ang kanilang atensyon sa pagbibigay silang sa akin. I noticed the little version of ate Clara playing with the other birds on the left side of the room. I wish I could picture h

    Huling Na-update : 2022-11-25
  • Before Us   Kabanata X

    “JENNIFER, hey wake up!” I heard someone’s voice. She was shaking my shoulder trying to wake me up to my senses. Sinubukan kong gumalaw at imulat ang aking mga mata. Nanlalabo ang aking paningin habang nakatingin kay ate. Napahilot na lamang ako sa aking sentido dahil kumikirot sa sakit ang ulo ko. Tinulungan ako ni ate na makabangon dahil tila naubos lahat ng enerhiya ko sa katawan. “Kailangan na nating umalis ngayon,” tila nagmamadali at seryosong saad ni Ate. Teka, ano bang meron? I tried to look around on my surroundings kahit nahihirapan ako. Tila gumuho ang mundo ko sa nasaksihan ko di-kalayuan sa kinapwepwestuhan namin. Pinilit kong gumapang upang lapitan ang hindi na gumagalaw na katawan ni Akira. At nang tuluyan akong makalapit sa kaniya ay doon ako dumating sa reyalisasyon ko na kagagawan ko kung bakit -no! Hindi pa patay si Akira. He’s a werewolf and maybe they are immortal. Right! “Akira? Gumising ka na. Pinapatawad na kita. Makikinig ako sa explanation mo. Just please,

    Huling Na-update : 2022-11-26
  • Before Us   Kabanata XI

    “I know her. She holds the entire pack of werewolves. But no one knows what she looks like. Wala pang nakakakita sa kaniya,” pagsasaad ni Kuya Vince. Kasalukuyan kaming nasa kusina at umiinom ng milk tea ngayong dis-oras ng gabi. This werewolf is really weird. Imbes na kape dapat ang iniinom namin sa ganitong klaseng oras, pinagpilitan niyang milktea na lang daw. At kanina, kaya naman pala galit na galit na ‘yong driver dahil sa hindi niya pagbabayad ng pamasahe ay dahil nagpaikot siya sa buong probinsiya doon sa taxi driver bago dumiretso rito sa amin gaya ng napag-usapan nila ni Ate. “Isang malaking problema natin ‘yan, ngunit kung sakali man na makikita ko siya ay malalaman ko agad na siya ‘yon,” saad naman ni Ate sa pagitan ng pagsipsip niya sa straw. I just continued sipping on my milk tea and watching the two of them to talk. I’m glad that I am not breaking down. Ngunit hindi pa rin maaalis ang bahagyang paninikip ng dibdib ko. Walang segundo na hindi ko naiisip si Akira. Pam

    Huling Na-update : 2022-11-27

Pinakabagong kabanata

  • Before Us   Espesyal na Kabanata

    NAKABANGON muli mula sa matinding destruksyon na naidulot ni Tita Amara ang mga taong-lobo. Madali lamang nilang naibalik sa normal ang lahat. Bagaman wala na sa mundo si Tita Amara, nananatiling buhay ang kaniyang kapangyarihan na siyang nagsisilbing proteksyon ng mundo ng mga taong-lobo mula sa mga mata ng normal na nilalang.Ang mate bond ay nananatili pa rin. Ngunit binigyan ni Tita Amara ng basbas na maaaring putulin ng kasalukuyang Alpha ang lila na sinulid na siyang nagdudugtong sa dalawang tao na itinadhana para sa isa’t isa kung hindi magiging maayos ang pagsasama ng dalawang indibidwal hanggang sa ang isa sa kanila ay dumating sa edad na tatlumpu’t lima.Ang lahi ng mga taong-lobo sa kasalukuyan ay pinamamahalaan ng kanilang itinalagang Luna na si Dani at ang kaniyang kasintahan na isang mandirigma ng kaniyang itinuring na ama ang siyang naging Alpha. Ipinaubaya ni Akira ang kaniyang posisyon upang ipagpatuloy ang kaniyang pamumuhay sa mundo ng mga mortal kasama ako pati na r

  • Before Us   Epilogo

    KINUHA ni Amara ang isang kamay ni Custodio. Pinagsiklop niya ang kanilang mga kamay at nakangiting pinagmasdan niya iyon. Pagkatapos ay tumingala siya sa mukha ng kaniyang lalaking iniibig. Sakto naman na nakatingin din ito sa kaniya. Mataman na pinagmamasdan nito ang kabuuan ng kaniyang napakagandang mukha."Noong bata pa lamang ako ay pangarap ko na ako ang maging pinakamalakas na mangkukulam sa henerasyon namin. That was supposed to be just a dream only, but things makes it to end up as an obsession. Lagi akong napre-pressure dahil sa aking mga magulang. Ayon sa kanila dapat ako lang ang magmay-ari ng pwestong iyon at wala ng iba pa. At si Kuya naman, nang magkaroon siya ng nobya ay napapabayaan na niya ako sa pangangalaga ng aming mga magulang na walang ginawa kundi pilitin ako na gawin ang mga bagay na hindi ko nais" mahabang kwento niya habang nakatanaw sa medyo maliwanag nang kalangitan.Ayon sa kaniyang mga magulang, upang maipanalo niya ang paligsahan sa posisyon na iyon ay

  • Before Us   Kabanata XX

    “AMARA!” Malakas na pagtawag ko sa pangalan niya. Natigilan siya sa akma niyang paghataw ng kaniyang espada na itim sa likuran ng aming bagong Alpha. Nakatayo si Akira at mapapansin ang kaniyang matinding panghihina. Ngunit pinipilit niya na manatili sa kaniyang kinatatayuan upang protektakan si Clara at Vince. Nakahiga si Vince sa lupa habang nakapatong ang kaniyang ulo sa hita ni Clara. May malaking sugat sa tagiliran si Vince. Walang tigil ang pagpalahaw sa iyak ni Clara habang pinipilit na gamutin ang sugat ni Vince kahit alam niyang ikakaubos iyon ng buo niyang enehiya. Unti-unting naglaho ang armas na hawak-hawak ni Amara. Napansin ko ang paglalabo ng kaniyang kanina ay itim na itim na mga mata. Ngumiti ako sa kaniya. Sa wakas ay nakita ko na rin siyang muli sa napakaraming taon na lumipas na paghihintay ko sa kaniya. Bagaman lagi kong nakikita at minsan ay nakakasama ang kaniyang batang bersyon ay iba pa rin ang kaniyang totoo at kasalukuyan na edad at pag-iisip. Kahit matanda

  • Before Us   Kabanata XIX

    “Isa ka lamang Luna ngunit ang lakas na ng loob mo na harapin ako sa isang laban. Hindi ka ba natatakot para sa iyong buhay?” Mapang-uyam na saad sa akin ni Amara. I was a daughter of a two unmated individual that later on died of sickness because of having me born in this world. Inampon ako ng matalik na kaibigan ng aking ama na nagkataon ay isang mataas na opisyal na kawal ng aming Alpha noon na siyang ama ni Akira. Lumaki ako na nagagawa ko ang lahat ng gustuhin ko na walang pagtutol ni isa mula sa aking ama-amahan. Nang unang makita ko ang mate ko na si Akira ay kaagad akong nagkaroon ng paghanga sa kaniya na habang tumatagal ay nagiging mas malalim. Loving him from afar is more than enough for me because I know by myself that at the end of the day, he will come to me and love me back. Ngunit nagkamali ako. Nagmahal siya ng ibang babae. Natakot ba ako na mawala siya? Hindi. He deserves what he loves and I deserve a man who will love me back not just because we were mated and we

  • Before Us   Kabanata XVIII

    Nanlalabo ang aking paningin ng muli akong magising at imulat ang aking mga mata. May nakatutok sa mukha ko na liwanag na nanggagaling sa flashlight. Nang maka-adjust na ang aking mata ay napatingin ako kay Dani. Inalis na niya ang flashlight sa mukha ko at inilapag niya iyon sa may tabi ko na hindi pinapatay ang ilaw nito. Tinulungan niya akong makabangon. Masakit pa rin ang buong katawan ko. Napatingin ako sa mga sugat ko na ngayon ay nababalutan na ng puting tela. Wala ng mababakas na tumutulong dugo sa aking buong katawan tanging sa damit na lamang na may mantsa ng mga dugo. “Mas madali sanang babalik ang lakas mo at gagaling ang mga sugat mo kung gagawin ko iyong natural na paraan sa’yo ngunit mahal ko pa ang buhay ko. Mahirap ng galitin ang isang witch na taong-lobo,” pabirong saad ni Dani sa akin. Hindi ko na rin maiwasan ang mapangiti kapag naiisip ko ang magiging reaksyon ni Jennifer kapag nga ginawa ni Dani iyon. Ngayon ngang magkasama ulit kami ay paniguradong awtomatiko

  • Before Us   Kabanata XVII

    “AMARA!” Biglang humangin ng malakas. Isang hangin na sumira ng mga istruktura na nakatayo sa buong paligid. Napakalawak ng nasakop na pagkasira nito. Maririnig sa buong paligid ang paghiyaw sa sakit ng mga nadamay na taong-lobo. Hapon pa lamang ng mga oras na ito ngunit kaagad na nagdilim ang kalangitan kasabay ng buong pangyayari. Halos wala akong makita sa aking paligid. Hindi ko alam kung saang lupalop ako tumilapon ngunit natitiyak ko na napakalayo ng aking naabot. Napahawak ako sa kaliwang hita ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, ito sa ilalim nang malaking sementadong nawasak mula sa mga bahay. Sinubukan kong magbagong anyo sa pagiging lobo ngunit hindi kinaya ng katawan ko. Kaya naman wala akong choice kundi gamitin ang aking kapangyarihan. Itinutok ko ang palad ko sa malaking bagay na nakapatong sa aking kaliwang binti. Naglabas ako ng aking kapangyarihan at unti-unti ay naiangat ko sa ere ang bagay na iyon. Pagkatapos ay iginiya ko ang aking kamay sa kabilang direksyon

  • Before Us   Kabanata XVI

    “ITO ang mapa ng kabuuan ng lugar na ito,” saad ni Akira at pagkatapos ay inilatag niya sa lamesa ang isang mapa na kanina ay nakarolyo habang hawak-hawak niya.Napatingin akong mabuti sa nilalaman ng mapa. Sa dami ng lugar at sa lawak nito ay mukhang mahihirapan kami sa paghahanap lalo pa at walang lugar ang sinasabing pinaninirahan ni Amara. Isa pa ay matagal na siyang hindi nakikita ng kahit sino. She may be already dead. Hindi ko alam! Minsan talaga ay gusto ko na lang magwala at umiyak dahil sa galit at frustration dahil hindi ko alam kung paano ko siya mahahanap at kung may chance nga ba na mangyari iyon.“Unahin muna natin dalawang kagubatan ng lugar na ito. Iyon kasi ang pinaka-common na maaaring tirahan ng isang witch na kagaya niya,” suhestiyon ni Ate Clara. Nagpasya kaming humiwalay sa dalawang grupo. Kami ni Akira ang magkasama habang si Ate Clara, Kuya Vince at ang kapatid nitong babae naman ang magkakasama. Akira and I would be taking the Light Woods and the three of th

  • Before Us   Kabanata XV

    “JENNIFER, wait lang!” I heard Akira’s called my name. Napahinto ako sa aking pagtakbo. My heart was beating so fast upon hearing him call my name. Naaalala na niya ba ako? Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at bumungad sa akin ang napakagwapo niyang mukha. “Ulitin mo nga ang sinabi mo,” saad ko. Naninigurado lang ako kung tama ba ang narinig ko. Baka kasi guni-guni ko lamang iyon. “Sabi ko wait lang,” saad niya. Lumakad siya palapit sa akin at nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay gumuhit ang malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. “Hindi yan. Ulitin mo kung ano iyong itinawag mo sa akin!” May pagka-iritadong saad ko. “Jennifer? Iyon ba?” Nangingiti niyang tanong. “Ah, so naaalala mo na ako?” paninigurado ko. “Ikaw iyong girlfriend ko na parang laging may dalaw,” nang-aasar na tugon niya. I should be emotional in this situation. Dapat ay umiiyak ako at niyayakap siya dahil bumalik na ang kaniyang ala-ala. Pero kabaligtaran no’n

  • Before Us   Kabanata XIV

    “Bumabalik na ba ang iyong buong lakas?” tanong sa akin ni Papa sa pagitan ng aming pagkain sa harap ng hapag-kainan. Napatigil ako sa aking pagsubo at bahagyang tumingin sa gawi niya. “Hindi pa po masyado,” tugon ko at saka ko lamang muling ipinagpatuloy ang aking pagkain. Nagharing muli ang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kasalukuyang kami lamang ni Papa ang kumakain ngayon ng gabihan. Dapat ay kasalo namin ngayon si Dani ngunit nakiusap muna ako sa kaniya na ibigay niya muna sa aming dalawa ni Papa ang gabing ito. Ang totoo niyan ay gusto ko munang lumayo mula kay Dani. Mas gugustuhin ko ito kesa sa magkasama kami ngunit hindi naman isang nobya ang trato ko sa kaniya kundi isang kaibigan lamang. Nang magising ako isang araw, pakiramdam ko ay may nakalimutan ako o may naiwanan ako na hindi ko malaman kung ano. Bagay ba iyon, tao o isang ala-ala? Simula noong araw na iyon ay parang lagi na lang akong nangangapa. Parang laging may kulang sa akin. Nakadagdag pa a

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status