Chapter Thirty FourBeelzebub’s First LoveSA ISANG malayong kagubatan malayo sa bayan kung nasaan ang bahay nina Beelzebub na binigyan ng hindi inaasahang pagbisita ni Escanor, ay kalalapag lang ng paanan ni Zeldris sa lupa at ibinaba si Rana at Victoria sa pagkakahawak niya.“Sigurado ka bang hindi tayo matutunton ng isa niyo pang kapatid dito?” tanong ni Victoria kay Zeldris na naglalakad papunta sa may malaking puno at pabagsak na umupo at sumandal doon habang nakatingin sina Rana sa kaniya.“Huwag kang mag-alala bampira, hanggat tinatago ko ang presensya ko hindi tayo matatagpuan ni Escanor sa lugar na ‘to. Kaya hindi mo kailangang mag-alala, mabubuhay ka pa ng matagal.”saad ni Zeldris na bahagyang ikinaingos ni Victoria.“Kasing gwapo siya ni kamahalan pero ayoko sa ugali niya.”bulong ni Victoria kay Rana na bahagya nitong ikinatawa.“Rinig kita bampira, hindi masamang humanga sa gwapo kong mukha pero huwag kang mahulog. Ayoko sa babaeng may mga pangil.”ngising saad ni Zeldris n
Chapter Thirty FiveBeelzebub’s First LoveSA ISANG DI KALAKIHANG parke sa may bayan ay hindi na natanggihan ni Endemion si Malinoé sa pag-uusap na hinihingi nito sa kanila. Kakaunti lang ang mga tao na naroroon sa may parke at nasa pwesto sina Endemion at Malinoé na malayo sa mga ito katabi ng isang malaking puno.“Anoman ang sasabihin mo Malinoé ay sabihin mo na, hindi ako pwedeng magtagal dahil may kailangan pa akong gawin.”seryoso na pahayag ni Endemion.“Naiintindihan ko ang galit mo sa akin Barach---““Hindi ako galit Malinoé, pero nasaktan ako.”putol ni Endemion kay Malinoé na ikinabuntong hininga niya sa kinatatayuan niya.“Aaminin ko sayo hanggang nagyon nasasaktan ako dahil pinaglaban naman kita, handa kong talikuran kung ano ako dati pero iniwan mo ako, binitawan mo ako.”pahayag ni Endemion na ikinailing ni Malinoé sa mga sinabi niya.“N-Nagkakamali ka Barachiel, kahit kailan hindi kita iniwan, kahit kailan hindi ako bumitaw sa pagmamahal ko sayo. Kinailangan ko lang gawin
Chapter Thirty SixBeelzebub’s First Love“Hindi pa ba tayo babalik sa bahay? Ilang oras na rin tayo na nanatili dito, baka wala na doon ang panganay niyong kapatid na pinagtataguan natin.”saad ni Victoria habang magkatabi silang nakaupo ni Rana sa malaking ugat ng punong kinalalagyan nila, habang si Zeldris ay nakahiga sa isang malaki at matabang sanga ng puno.“Hoy! Zeldris, hindi pa ba tayo aalis dito?”tanong ni Victoria na habang nakatingala ito sa pwesto ni Zeldris sa taas ng puno.“Huwag ka masyadong mainipin bampira, hindi tayo pwede bastang bumalik sa bahay ni Beelzebub hanggat maaring naroon pa si Escanor.”sagot ni Zeldris na bahagyang ikinasimangot ni Victoria.“So paano natin malalaman na wala na doon ang kapatid niyo aber? Baka abutan tayo ng gabi dito sa gubat hindi pa tayo sure kung naroon pa o wala na ang kapa---“Hindi natapos ni Victoria ang sasabihin niya ng mapalingon siya kay Rana na biglang napatayo sa kinauupuan nito habang nakatingin sa malayong direksyon, haban
“Kapalit? Ano pong kapalit?”tanong ni Rana na ikinatapat ng mukha ng diyosa sa kaniya.“Ang kalahati ng iyong buhay mortal, tutulungan kitang makabalik sa lugar kung nasaan ang gusto mong makita kapalit ng kalahati ng iyong buhay.” Pagbibigay ng kondisyon ni Aranyani kay Rana na may gulat na hindi nagawang ikasalita ni Rana.“What?! Kalahati ng buhay ni Rana ang gusto mo?! Sabi ni Zeldris matutulungan mo kami pero bakit parang dehado pa kami? Lintek na demonyo ‘yun, magsa-suggest na nga lang buhay pa kapalit.” singhal na pahayag na angal ni Victoria sa diyosa ng kagubatan.“Ang kaya kong itulong sa inyo ay ang itago kayo sa aking kagubatan, pero ang hihigit pa doon ay kailangan ko na ng kapalit. Hindi ko naman kayo pipilitin, malaya kong manatili dito sa aking kagubatan at magtago hanggang mawala na ang panganib sa labas nito.”pahayag ng diyosa na ikinahila ni Victoria kay Rana at ipinaharap ito sa kaniya, habang pinapanuod sila ng diyosa.“Listen to me Rana, hindi mo kailangang ipa
MABILIS ANG HAKBANG na ginagawa ni Rana makapasok lang agad sa bahay at makita ang kalagayan ni Beelzebub katulad ng sinabi ni Zeldris sa kanila. Sobrang pag-aalala ang nararamdaman niya, nararamdaman niya ang pagkabog ng kaniyang dibdib sa sobrang kaba na nararamdaman niya para sa sitwasyon ni Beel.Nakasunod lang si Victoria sa kaniya habang nakikita nito ang paghangos ni Rana makapasok lang agad sa loob ng bahay nila.“Beel?!”Agad na hinanap ng mga mata ni Rana si Beelzebub pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bahay kung saan si Belial ang kaniyang naabutan na nakatayo lamang sa labas ng pintuan ng kwarto nila ni Victoria.“Belial?”Agad na lumapit si Rana kay Belial na nakatingin lang sa kaniya.“Nasaan si Beel?” agad na tanong ni Rana ng magbukas na ang pintuan ng kwarto nila ni Victoria at lumabas doon si Endemion na bahagyang nagulat ng makita silang dalawa ni Victoria.“Rana? Bakit narito ka na? Inihatid ka ba ni Zeldris dito?” sunod-sunod na tanong ni Endemion kay Rana
SA BUBUNGAN ng bahay nina Beelzebub ay nakaupo silang dalawa ni Rana habang pinapanuod ang pagbaba ng araw, hindi naging maganda ang buong araw nila dahil sa biglaang pagpunta ni Escanor. Nagluluto sina Victoria ng kakainin nila habang sina Endemion at Belial ay inaayos ang mga gamit na dadalhin nila sa pag-alis nila upang lumipat ng ibang bayan, dahil ipinaliwanag ni Endemion kay Beelzebub na mas mabuting iwasan muna nila na balikan sila ni Escanor at makita na nito si Rana.“Sigurado bang okay ka na, Beel?” tanong ni Rana kay Beelzebub na inalis ang tingin sa araw at ibinaling sa kaniya.“Hindi ako katulad niyong mga tao na mahina, wala na ang ginawang butas ni Escanor sa dibdib ko, wala na din ang lason na nilagay niya, kaya itigil mo na ang pag-aalala mo sa akin.”“Sorry, nag-alala lang talaga ako sayo. Nang makita kitang nanghihina kanina hindi ko na alam kung anong gagawin ko, mabuti nalang talaga okay ka na.”saad ni Rana na napatili ng buhatin siya ni Beelzebub at iupo sa kandu
“Sa tingin mo Beel, makakahingi si Victoria ng halamang gamot sa diyosa ng walang kapalit na hihingin?” pag-aalalang tanong ni Rana kay Beel ng akma niyang pupunasan ang noo ni Zeldris dahil sa pagpapawis nito na agad pinigilan ni Beelzebub.Napalingon si Rana dito ng kunin nito ang bimpo na hawak niya at ito ang gumawa ng pagpunas sa pawisang si Zeldris, na dapat ay gagawin niya.“Wala akong ideya, mabuti na hindi na niya kinuha ang kalahati ng buhay mo kahit tinulungan ka parin niya. Pero sa pagbalik ng bampira na ‘yun, hindi ko alam kung papayag muli si Aranyani na walang kapalit na ibibigay ang bampira na ‘yun.”sagot ni Beelzebub habang ito na ang nagpupunas ng pawis ni Zeldris na bahagyang ikinangiti ni Rana.“Nag-aalala ka ba sa kapatid mo? Alam kong ang isang demonyo ay hindi nakakaramdam ng pag-aalala, pero naiiba ka kasi para sa akin.”“Nag-aalala? Ayaw ni Zeldris na may nag-aalala sa kaniya, ang pakiramdam niya ay mahina siya kung aalalahanin siya. Si Escanor, masasabi kong
Chapter Fourthy-OneBeelzebub’s First LoveSo many years ago….Sa isang barangay sa bayan ng San Isidro, ay may isang magandang binibini na may pangalang Saliya ang dinadayo ng mga kalalakihan upang umakyat dito ng ligaw. Ang karamihan sa mga kalalakihan na ito ay kilala sa bayan at sa alta syudad, pero ni isa sa mga ito ay hindi natipuhan ni Saliya. Ayaw niya sa mga mayayabang at nagmamalaking mga lalaki dahil lang mayayaman ang mga ito, nagagalit man ang kaniyang ina dahil sa ilang beses na pagtanggi niya sa mga manliligaw niya ay mas pinanghahawakan niya ang huling sinabi ng kaniyang ama, na kung magmamahal siya, ibigay niya ang kaniyang puso sa lalaking nais niyang pag-alayan ng pag-ibig niya.Dumagdag sa bilang ng kaniyang tinanggihan ang panliligaw ng binatang anak ng isang inhinyero mula sa pa ibang bayan, na labis na ikinagalit sa kaniya ng kaniyang ina sa mga oras na ‘yun.“Hindi ka ba nakikinig sa aking mga lintanya sayo, Saliya? Isang aristokratiko, mayaman at may pinag-ara