Chapter Fourthy-TwoBeelzebub’s First LoveNagsimula ang pag-iibigan ng isang tao at isang demonyo sa katauhan ni Saliya at Zeldris, kahit palaging nagagalit ang kaniyang ina dahil wala ng mga nagbabalak na manligaw kay Saliya ay hinahayaan nalang niya ang kaniyang ina. Masaya si Saliya na nakakasama si Zeldris sa kaniyang silid tuwing gabi sa tuwing dinadalaw siya nito, marami itong ikinu-kwento sa kaniya tungkol sa mundo nila sa ilalim ng lupa.Masaya si Saliya na kay Zeldris tumibok ang kaniyang puso, kahit hindi ito isang tao na tulad niya ang mahalaga ay mahal niya ito at mahal din siya ni Zeldris kahit magka-iba sila ng mundo at pagkatao. At dahil kay Zeldris hindi na siya ginagambala ng mga kaluluwang ligaw dahilan upang makatulog na siya ng mahimbing.Hindi mahintay ni Saliya na muling sumapit ang gabi at muling makita si Zeldris, nag-aayos siya sa kaniyang silid ng kumatok ang kaniyang ina at sumilip ito sa pintuan ng kaniyang kwarto na may malawak na ngiti.“Mabuti pala at i
Chapter Fourthy-ThreeBeelzebub’s First LoveBuhat-buhat ni Zeldris ang walang buhay na katawan ni Saliya, walang luha na lumalabas sa mga mata ni Zeldris pero ramdam niyang nawawasak ang kaniyang puso dahil sa isang taon na iniwan niya ang babaeng minamahal niya ay babalik siyang wala na itong buhay. Nasa isang madilim na kagubatan si Zeldris kung saan sinadya niya ang kagubatan ng diyosa na si Antarya, ang kambal ng diyosa ng malinis na kagubatan na si Aranyani.Pumasok siya sa pinakagitnang bahagi ng kagubatan bago nilapag ang walang buhay na katawan ni Saliya.“Kung naririto ka at naririnig mo ang aking pagtawag, diyosa ng kadiliman ng kagubatan magpakita ka sa akin.” Samo ni Zeldris na katahimikan ng kagubatan ang kaniyang naririnig ng magpakita sa kaniyang harapan ang diyosa na kaniyang pakay na binabalutan ng itim na tela at kung saan may malaking kuwago sa balikat nito.“Isang nilalang mula sa ilalim ng lupa, isa sa anak ng Hari ng mga demonyo. Anong ginagawa mo sa aking kagub
-BEELZEBUB'S FIRST LOVE-Chapter Fourthy-FourBeelzebub’s First LoveNAPATAYO si Beelzebub ng may maramdaman siyang presensya na hindi welcome sa kanilang tahanan, napatayo na rin si Rana habang naguguluhang nakatingin kay Beelzebub na nababakas sa reaksyon ng mukha nito ang pagtataka.Bakit Beel?”“May malakas ang loob na pumasok sa teritoryo ko.”seryosong ani ni Beelzebub na deretsong nakatingin sa pintuan na ikinalingon din ni Rana.“Si-sino? Ang kapatid mo ba na si Escanor?” may pangambang tanong ni Rana na napahawak sa kaliwang braso ni Beelzebub.“Hindi siya…”seryosong ani ni Beelzebub ng makita ni Rana ang pumasok sa pintuan ng bahay nila na nababalutan ng itim na usok, naka suot ng cloak na kulay itim na sumasaklob sa ulunan nito na ikinakunot ng noo ni Beelzebub.“Anong ginagawa ng pinaka pinuno ng grim reaper sa pamamahay ko, Erebus?”seryosong tanong ni Beelzebub kay Erebus, ang pinuno ng mga grim reaper na sumusundo sa kaluluwa ng mga taong namatay na at dinadala sa underwo
PALUHOD na bumagsak si Victoria sa damuhan matapos maibalik sa kaniya ang kaniyang mga ala-ala simula ng nakaraan niyang buhay at kung paano niya nakilala si Zeldris at minahal, kung anong mga pinagdaanan niya hanggang sa maging kung ano siya ngayon, dating tao na naging bampira.Nang bumalik lahat ng kaniyang ala-ala ay naramdaman ni Victoria na parang pinipiga ang kaniyang puso sa sakit dahil sa nangyari sa kaniya sa kamay ng isang lalaking kinuha ang kaniyang puri ng sapilitan at pinatay ang kaniyang ina. Pati ang sakit ng ikalawang buhay niya ay ramdam na ramdam niya, pero walang mas hihigit na sakit sa nararamdaman niya dahil sa mga ginawa ni Zeldris para sa kaniya. Hindi lang ala-ala niya ang bumalik, pati mga nangyari sa kanila ni Zeldris ay ipinakita ng diyosa na si Aranyani. Sobrang paghihinagpis ang kaniyang nararamdaman sa sakripisyo na ginawa ni Zeldris para sa kaniya, ang pagbibigay nito ng kalahati ng apoy ng buhay nito mabuhay lang muli siya, ang magtiis na makita lang
HINDI MAKAPANIWALA si Rana ng ikwento ni Victoria ang mga alaalang bumalik na dito, hindi niya inasahan na dating magkasintahan sina Zeldris at Victoria na pinaglayo ng tadhana at ng kasakiman. Magkatabi sa upuan sina Zeldris at Victoria matapos mapainom ng halamang gamot si Zeldris na dala ni Victoria mula sa kagubatan ni Aranyani, magkatabi naman na nakatayo sina Endemion at Malinoé.“Nakakagulat pero hindi ko mapigilang matuwa na may dati na kayong ugnayan na nalimot mo lang Victoria, masaya ako para sa inyo na nagkasama na kayong muli matapos ang lahat ng nangyari.”ani ni Rana na teary eye na nilingon naman sina Endemion.“Masaya din ako para sa inyong dalawa, grabe sobra akong natutuwa para sa inyo.”“Kung masaya ka sa kanila bakit mangiyak-ngiyak ka diyan, kung paiiyakin ka lang ng pagsasama ng mga ‘yan bakit hindi nalang ulit kayo maghiwalay.”sitang singhal ni Beelzebub na sabay ikinayakap nina Endemion at Zeldris sa mga babaeng mahal nila.“Huwag kang ganiyan mahal kong kapati
“Beelzebub, aking kapatid. Bakit hindi ka lumabas upang salubungin ang magigig bagong hari ng demon realm.” Isang boses na kilalang-kilala nina Endemion na nangagaling mula sa labas.“Escanor….”madiin na sambit ni Beelzebub habang yakap-yakap niya parin si Rana.“Beelzebub, hindi dapat natin ngayon harapin si Escanor lalo pa at kasama natin sina Rana. Tumakas muna tayo sa kaniy---Beelzebub!”Hindi na napigilan ni Endemion si Beelzebub ng tumayo ito at iwan si Rana sa tabi ng walang buhay na si Belial. Patuloy parin ito sa pag-iyak dahil sa nangyari kay Belial, nanginginig na hinawakan ni Rana ang ulunan ni Belial.“B-Belial…”Agad na nilapitan ni Victoria si Rana at inalalayan ito, hindi maiwasan ni Victoria na sisihin ang sarili dahil hindi niya pa sinama pabalik si Belial.“Rana…”“Bakit kailangang mamatay ni Belial, bakit Victoria…”iyak ni Rana na ikinayakap ni Victoria dito.“Victoria, ikaw na muna ang bahala kay Rana. Hindi ko pwedeng hayaan si Beelzebub na humarap kay Escanor ng
"Rana, kailangan mong magtago. Hindi ka ligtas sa mga oras na 'to. Sa oras na makita ka ng kapatid nina kamahalan baka kung anong gawin niya sayo."Matapos makita ni Victoria na malakas si Escanor habang nilalabanan ito nina Beelzebub ay agad niyang binalikan si Rana na nasa tabi ng wala ng buhay na si Belial. Nakatulala lang si Rana ng hawakan ito ni Victoria sa magkabilang balikat at pinaharap sa kaniya."Naririnig mo ba ak--"Hindi natapos ni Victoria ang sasabihin niya ng malakas na nasira ang bintana ng bahay na ikinayakap niya kay Rana upang proteksyunan ito sa mga nagtatalsikan na kahoy. Agad niyang nilingon kung sino ang tumilapon ng makita niya si Zeldris."Zeldris!"Akmang tatayo si Victoria upang lapitan si Zeldris ng mabilis itong tumayo mula sa pagkakasalpok nito sa pader papuntang kusina ng itaas nito ang kanang kamay nito sa harapan niya."Huwag kang lalapit Saliya, umalis na kayo ni Rana at magtago malayo dito." ani nito ng makita ni Victoria ang sugat nito sa balikat.
SI BEELZEBUB, ang ikatlong prinsipe ng demon realm, may malaking galit sa mga tao dahil nakita niya mismo kung paano patayin ng mga ito ang kaniyang ina. Napilitang tumuntong sa mundo ng mga tao ng kaniyang ama upang ibalik ang traydor ng kanilang lahi na si Ahriman, ang demonyong kumampi sa hari ng underground realm na si Hades.Sa pananatili niya sa mundo ng mga tao, hindi inasahan ni Beelzebub na mahuhulog siya sa isang babaeng mortal. Hindi niya inakalang ang pusong demonyo niya ay matututong magmahal ng isa sa lahi ng mga tao na kinamumuhian niya.At hindi inakala ni Beelzebub na darting ang araw na ang demonyong gaya niya ay makakaramdam ng takot na mawala si Rana sa kaniya. Ang makitang papalapit si Escanor kay Rana ay nagbigay takot kay Beelzebuh, aaminin niyang sa lakas, talo sita ni Escanor at kahit malalaki ang natamo niya sa laban nila ni Escanor pinilit niyang lumipad upang iligtas si Rana kay Escanor, ganun din si Zeldris na ang gusto ay hindi muling malagay sa panganib
HINDI MAWALA ang ngiti ni Reina habang naglalakad siya sa hallway papasok sa classroom niya. Hindi niya maiwasan kiligin dahil bukas na ang araw ng kaarawan ni Abel at may date sila nito kaya sobrang excited ni Reina. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na may relasyon na sila ni Abel, at kahit kailangan nilang ilihim iyon para sa ikabubuti nilang dalawa ay ayos lang para kay Reina dahil ang mahalaga sa kaniya ay parehas na sila ng nararamdaman ni Abel sa isa't-isa."Excited na ako para bukas, saan kaya kami pupunta para i-celebrate ang birthday niya? Hindi na ako makapaghinta---" hindi natapos ni Reina ang sasabihin niya ng may umakbay sa kaniya at sa paglingon niya ay Peter ang nakita niya."Mukhang maganda ang gising mo, Reina. Kanina pa ako sa likuran mo, pansin ko ang maaliwalas mong awra. Sinong may birthday ah?" ani na tanong ni Reina na inalis niya ang pagkakaakbay ni Peter sa kaniya."Huwag ka ngang bigla-biglang susulpot diyan Peter, pasalamat ka wala akong sakit sa p
Chapter 07MATAPOS ANG dinner ng pamilya ni Reina kasama si Abel ay sinabihan siya ng kaniyang ama na dalhin si Abel sa may rooftop nila para ipakita ang mini auditorium na pinagawa ng kaniyang ama. Habang tumutulong ang kaniyang ama sa ligpitin ng kaniyang ina ay excited na pinasunod na ni Reina si Abel sa kaniya.Hindi mawala ang ngiti ni Reina habang naglalakad siya sa hallway at alam niyang nakasunod si Abel sa likuran niya. Hindi mapigilan ni Reina ang saya na may halong kilig sa mga oras na 'yun dahil sa labas ng university nila, may mutual relationship na sila ni Abel. Masaya si Reina na ang umusbong niyang pag-ibig kay Abel ay agad din namang natugunan nito kahit nasungitan muna siya nito."Magugustuhan mo ang auditorium na pinagawa ni Daddy, may malaking telescope doon para makita mo ang buwan at bituin. May maliit na shelves din ako dun kung saan madaming history books na nakadisplay na puwede mong basah--"Hindi natapos ni Reina ang sasabihin niya ng mapalingon siya sa kamay
"Sigurado bang okay ka lang, Reina? Baka dapat hindi ka muna umalis ng clinic at nagpahinga ka pa ng maayos." ani ni Farrah kay Reina dahil kanina pa niya napapansin na tulala ito simula ng bumalik ito sa next calss nila pagkagaling nito sa clinic.Hindi maiwasan ni Reina na matulala dahil sa nangyaring paghalik ni Abel sa kaniya. Sobrang kabog ng puso niya sa mga oras na 'yun, na kahit si Abel ay ng marealize ang ginawa ay namumulang mabilis na lumabas ng clinic.Buong class ay walang ibang naiisip si Reina kundi angga labi nila ni Abel, ang mga sinabi nito. Ang pag amin din nito na gusto na din siya nito, pero may part na kinakabahan si Reina dahil pag nagkita sila ni Abel ay baka sabihin nito na mali ang mga sinabi nito, at hindi tama ang paghalik nito sa kaniya."Gusto mo bang samahan na kita pauwi sa inyo? Nag-aalala ako sayo, Reina." ani ni Paul."O-okay lang ako, hindi mo na ako kailangang ihati dahil ibang way ang daan mo pauwi, Paul. Salamat sa pag-aalala pero okay na naman a
BREAK TIME AT nakapangalumbaba lang si Reina sa may upuan niya. walang ibang tumatakbo sa isipan niya kundi ang nalaman niya sa mga nag uusap na guro about sa kaarawan ni Abel na ngayong darating na sabado mangyayari. Naguguluhan si Reina kung bakit interesadong-interesado siya sa kaarawan ni Abel, hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya sa bagong guro nila na ilang araw palang niya nakikita."Ano bang nangyayari sa akin?" tanong ni Reina sa kaniyang sarili ng mapalingon siya kay Farrah na umupo sa harapan niya."Wala kang balak mag break time? Uupo ka lang diyan?""Busog pa naman ako, tsaka ayokong lumabas ng room." sagot ni Reina.Iniiwasan lang niyang makasalubong si Abel dah hindi niya alam paano ito haharapin lalo pa at bahagya siyang nasaktan ng sabihin nitong hindi big deal ang pagkakayakap nito sa kaniya."So tutunganga ka dito? Dahil mabait akong kaibigan, ibibili kita ng makakain mo. Bawal kang mamayat." ani ni Farrah na tumayo na at lumabas na ng room.Baha
"Damn it! What the heck did I do that?! She's my student, bakit ko siya niyakap!" angil ni Abel habang mag-isa siyang umiinom ng ilang can ng alak na binili niya kanina bago siya umuwi sa apartment niya.Naguguluhan si Abel sa kung anong nangyayari sa kaniya, hindi niya alam kung bakit simula ng makita niya si Reina ay may kakaibang nangyayari sa kaniya. Pakiramdam niya ay nakilala na niya ito, at ang kakaibang pakiramdam na biglang sumulpot ng makita niya si Reina ay may idea siya pero ayaw niyang i-entertain dahil maliban sa mali ay apat na taon ang tanda niya kay Reina."Get a hold of yourself Abel, you cannot have an interest with your student." ani pa na singhal ni Abel sa kaniyang sarili ng magpambuntong hininga siya at isandal niya ang likuran niya sa kaniyang maliit na sofa."At sino ang Rana na biglang pumasok sa isipan ko? Bakit sa kaniya ko nakikita ang Rana na lumilitaw sa utak ko? What hell! Ano bang nangyayari sa akin?" ani ni Abel.Walang ideya si Abel sa kung sino ang
LUNCH TIME na at bago pumunta si Reina sa canteen para kumain ay dumaan muna siya sa teacher's office upang silipon kung kinakain ni Abel ang binihlgay niyang lunch box dito. Alam ni Reina na may rules ang bawat paaralan na bawal magkaroon ng romantic relationship ang isang estudyante at isang guro, pero sinasabi ni Reina sa kaniyang sarili na hindi iyon ang rason bakit kakaiba ang nararamdaman niya para kay Abel. Ang pakiramdan na parang matagal na niya itong kilala, ang wirdong pagkabog ng dibdib niya na tanging kay Abel niya lang nararamdaman, ay ayaw niyang isipin na pag-ibig o love at first sight.Bahagyang nakasilip lang si Reina sa may pintuan pero hindi niya nakikita si Abel sa loob, kahit sa mesa nito ay wala ito."Nasaan kaya si Sir Abel?" pagka-usap ni Reina sa kaniyang sarili."Lunch time na, anong sinisilip mo diyan?"Gulat na napaayos ng tayo si Reina sa kinatatayuan niya bago nilingon si Abel na kadarating lang at may hawak na mga lesson plan at libro."S-Sir...""May
“Good morning, Reina. Pasenya na talaga kung hindi kita nasabayan sa pag-uwi kahapon, nakakainis kasi ‘yung mga co-student council ko.” ani ni Farrah ng magkita na sila ni Reina sa classroom nila.“Okay lang, ganiyan talaga pag part ka ng student council” ngiting ani ni Reina.Ayaw niyang sabihin kay Farrah ang nangyari kahapon dahil alam niyang mag-aalala ito sa kaniya, Nagpapasalamat talaga si Reina dahil dumating si Abel at nailigtas siya nito sa mga holdapper na muntik ng makuha ang pera niya. At bilang pasasalamat ay dalawang lunch box ang niluto at binaon ni Reina, ang isa ay bilang pasasalamat kay Abel.Akala ni Reina kagabi ay ang muntik ng pagkakaholdap sa kaniya ang mapapanaginipan niya, pero same na panaginip parin ang dumaan sa kaniya kagabi. Panaginip parin sa lalaking Beelzebub ang pangalan, at ang naiba lang may tinawag siya nito sa pangalang Rana na akala niya ay narinig niyang sinabi ni Abel kahapon.“Sino kaya si Rana?” bulong na tanong ni Reina sa kaniyang sarili.“
"You really are familiar to me? Something is happening to my heart simula ng makita kita. Sino ka ba?" tanong ni Abel na hindi magawang makapagsalita ni Reina dahil kahit siya ay 'yun ang mga katanungan na tumatakbo sa isipan niya.Nakatitig lang si Reina kay Abel ng magbuntong hininga ito, bago paupong bumangon sa kama niya bago binalik ang tingin kay Reina na hindi makapag-salita sa kaniyang tinanong."Sorry for asking you, naguguluhan lang ako bakit iba ang dating mo sa akin but don't worry hindi ako perverted teacher, i'm just wondering and clueless." ani ni Abel."Pa-parehas tayo sir..." sambit ni Reina na ikinasalubong ng kilay no Abel."What do you mean?""May nararamdaman din po akong familiarity sa inyo, nang pumasok po kayo sa classroom at nakita ko kayo, nag-iba ang reaksyin ng puso ko. Hindi ko din po alam kung bakit, pero sir Abel wala po akong maisip kung nakita na po kita, wa-wala po talaga." pahayag ni Reina na bahagyang ikinatango ni Abel."Then huwag na nating pansin
TAHIMIK lang na nakaupo si Abel habang napapaisip sa isa sa kaniyang estudyante na pakiramdam niya ay pamilyar sa kaniya. Meron siyang pakiramdam na nakilala na niya ito o nakita pero wala naman siya maisip kung saan. Pamilyar ang magandang mukha nito sa kaniya, may nararamdaman pa siyang kakaiba dito. Bahagyang iniling no Abel ang kaniyang ulunan dahil sa kanina pa gumugulo sa isipan niya Reina. Ayaw niyang isipin na live at first sight ang nararamdaman niya dahil unang-una, estudyante niya ito at bawal ang relasyon sa loob ng eskwelahan ng guro at estudyante."Mr. Romero, kanina pa kita tinitingnan. Mukhang malalim ang naiisip mo, naninibago ka ba sa bagong university na papasukan mo?" malawak na ngiting tanong ng isa sa co-teacher ni Abel na ikinaligon niya dito."No, may iniisip lang ako but not that important." sagot ni Abel na binalik ang atensyon sa ginagawa niya sa mesa niya ng maupo sa gilid ang co-teacher niya sa kaniyang mesa."Gusto mo bang ikutin natin ang buong universit