SI BEELZEBUB, ang ikatlong prinsipe ng demon realm, may malaking galit sa mga tao dahil nakita niya mismo kung paano patayin ng mga ito ang kaniyang ina. Napilitang tumuntong sa mundo ng mga tao ng kaniyang ama upang ibalik ang traydor ng kanilang lahi na si Ahriman, ang demonyong kumampi sa hari ng underground realm na si Hades.Sa pananatili niya sa mundo ng mga tao, hindi inasahan ni Beelzebub na mahuhulog siya sa isang babaeng mortal. Hindi niya inakalang ang pusong demonyo niya ay matututong magmahal ng isa sa lahi ng mga tao na kinamumuhian niya.At hindi inakala ni Beelzebub na darting ang araw na ang demonyong gaya niya ay makakaramdam ng takot na mawala si Rana sa kaniya. Ang makitang papalapit si Escanor kay Rana ay nagbigay takot kay Beelzebuh, aaminin niyang sa lakas, talo sita ni Escanor at kahit malalaki ang natamo niya sa laban nila ni Escanor pinilit niyang lumipad upang iligtas si Rana kay Escanor, ganun din si Zeldris na ang gusto ay hindi muling malagay sa panganib
Chapter FiftyBeelzebub’s First LoveZeldris, humanda ka. Babalik na tayo sa demon realm.Paulit-ulit sa pandinig ni Rana ang mga salitang ‘yun na binitawan ni Beelzebub matapos ang pagsugod ni Escanor, at malaman ang katotohanan na kapatid lang nila ito kay Dagon na kanilang ama, at ito ang pumatay sa kanilang ina. Maraming nangyari, dalawa sa mahalang kaibigan ni Rana ang namatay, si Belial at Endemion na sinamahan ng minamahal nito na si Malinoé hanggang kamatayan.Malalim na ang gabi at hindi makatulog si Rana dahil sa sinabi ni Beelzebub, nakatayo lang siya sa may garden kung saan nakikita niya ang nasirang itim na rosas. Naayos din ni Zeldris ang nasira nilang bahay kaya nagpahinga na ito kasama sis Victoria, gusto mang magpahinga ni Rana ay hindi niya magawa dahil tumatakbo sa isipan niya ang binabalak na pag-babalik ni Endemion sa demon realm.“Malalim na ang gabi, ano’t narito ka?’Ramdam ni Rana ang pagbaba ni Beelzebub sa kaniyang likuran, hindi niya ito nilingon hanggang s
PAGKARATING na pagkarating nina Beelzebub sa demon realm ay agad na tumambad sa kanilang mga mata ang mga patay na mga demonyo na nagkalat sa bawat sulok ng kinatatayuan nila. Hindi nila inasahan na sa pagbalik nila sa demon realm ay ganito ang maabutan nila, na pumasok sa isipan nila ni Zeldris ang puwedeng gumawa nito.“Sa tingin ko bunso kong kapatid, iisang demonyo lang ang nasa isipan natin sa puwedeng gumawa nito.”ani ni Zeldris.“Magtungo na tayo sa kaharian ni ama, hindi maging madali ang pagbalik natin dito gayong kalaban na ang turing natin kay Escanor. Pagbabayaran niya ang pagkakapatay niya sa ating ina, kay Belial at Endemion.”tiim pangang ani ni Beelzebub na sabay nila ni Zeldris ikinabalik sa tunay nilang anyo.Sumilay na muli ang mahabang sungay ni Beelzebub, ang mapupula nitong mga mata maliban sa buhok nitong nanatili sa haba nito. Ganun din si Zeldris, inilabas na niya ang kaniyang sungay at lumabas na din ang totoong kulay ng kaniyang buhok na kulay puti.Napatingi
“Kung ganun ama, kung kamatayan ang hanap ng inyong dalawang anak, pagbibigyan ko sila.” Ngising pahayag ni Escanor na dahan-dahan nitong ikinalakad pababa paalis sa tabi ng trono ng kanilang ama.“Sandali lamang Escanor.” Pigil ni Dagon na ikinalingon nina Escanor sa kanilang ama.“Huwag niyong sabihin ama na pagbibigyan niyo ang dalawang taksil ng ating lahi?”“Gusto ko silang bigyan ng isa pang pagkakataon sa kung anong dapat nilang piliin, anak ko parin sila at kapatid mo sila kaya bibigyan ko sila ng pangalawang pagkakataon.”ani ni Dagon na bahagyang ikinatawa ni Escanor.“Ama, alalahanin mo na ikaw ang hari ng demon realm. Hindi ka dapat nakikitaan ng awa para sa dalawang taksil ng ating lahi. Anak mo man sila, o kapatid ko ay kailangan nilang pagbayaran ang pagtatraydor nila gamit ng sarili nilang buhay.”pahayag ni Escanor.“Huwag ka ding mag-alala, Escanor, dahil bigyan man kami ni ama ng pangalawang pagkakataon sa dapat naming piliin, hindi na magbabago ang desisyon ko. Bumal
TUMAGOS ang kanang braso ni Zeldris sa huling demonyo na tauhan ng kaniyang ama na wala ng buhay na bumagsak sa sahig, sinunog ni Zeldris ang sariling braso upang mawala ang dugo ng huling napatay niyang demonyo.“Hindi ko naisip na papatay ako ng sarili kong lahi dahil sa am akong paniwalang-paniwala kay Escanor, pasensya na. Kayo kasi eh, sinabi ng huwag kayong paharang-harang sa daan ko ginawa niyo parin.”pahayag ni Zeldris bago niya nilabas ang itim niyang pakpak at lumipad na paalis ng palasyo para hanapin si Beelzebub.Iginala ni Zeldris ang kaniyang paningin habang lumilipad siya ng matigil siya dahil sa malakas na pagsabog kung saan nakikita niya ang malaking tupok ng itim na apo kaya agad siyang nagtungo doon. Pagbaba ni Zeldris ay naabutan niya ang ibang mga demonyo na nasusunog ng itim na apoy ng makita na niya si Beelzebub sa anyong minsan na niyang nakita.“Hindi maganda ‘to.”bulaslas ni Zeldris sa kaniyang nakikita.Alam niyang kahit lapitan niya ito ay hindi siya makiki
(Listen to the song Kumpas by Moira Dela Torre)SOMETIMES waiting is not wasting of time, especially if that someone you are waiting is worth the wait, iyan ang pinanghahawakan ni Rana simula ng bumalik si Beelzebub sa demon realm.Maraming nangyari sa buhay ni Rana na hindi niya akalaing mararanasan niya, mga bagay na hindi niya akalaing mangyayari sa buhay niya lalo na ng makilala niya si Beelzebub. Naranasan niyang maging masaya pero kapalit ng saya na ‘yun ay lungkot na pilit niyang nilalaban mag-isa dahil pinanghahawakan niya ang pangako ng demonyong pinakamamahal niya na babalikan siya nito anuman ang mangyari, anumang taon kaya walang ibang ginawa si Rana kundi ang maghintay.Limampung taon na ang lumipas pero hindi parin napapagod si Rana na maghintay, pitumpot-limang taon na si Rana, inabot na ng katandaan at nanghihina na rin dahil sa edad niya pero nilalakasan niya ang puso niya upang mahintay ang pagbabalik ni Beelzebub sa kaniya. Hindi siya umalis at nanatili lang siya sa
TAHIMIK lang na nakaupo si Abel habang napapaisip sa isa sa kaniyang estudyante na pakiramdam niya ay pamilyar sa kaniya. Meron siyang pakiramdam na nakilala na niya ito o nakita pero wala naman siya maisip kung saan. Pamilyar ang magandang mukha nito sa kaniya, may nararamdaman pa siyang kakaiba dito. Bahagyang iniling no Abel ang kaniyang ulunan dahil sa kanina pa gumugulo sa isipan niya Reina. Ayaw niyang isipin na live at first sight ang nararamdaman niya dahil unang-una, estudyante niya ito at bawal ang relasyon sa loob ng eskwelahan ng guro at estudyante."Mr. Romero, kanina pa kita tinitingnan. Mukhang malalim ang naiisip mo, naninibago ka ba sa bagong university na papasukan mo?" malawak na ngiting tanong ng isa sa co-teacher ni Abel na ikinaligon niya dito."No, may iniisip lang ako but not that important." sagot ni Abel na binalik ang atensyon sa ginagawa niya sa mesa niya ng maupo sa gilid ang co-teacher niya sa kaniyang mesa."Gusto mo bang ikutin natin ang buong universit
"You really are familiar to me? Something is happening to my heart simula ng makita kita. Sino ka ba?" tanong ni Abel na hindi magawang makapagsalita ni Reina dahil kahit siya ay 'yun ang mga katanungan na tumatakbo sa isipan niya.Nakatitig lang si Reina kay Abel ng magbuntong hininga ito, bago paupong bumangon sa kama niya bago binalik ang tingin kay Reina na hindi makapag-salita sa kaniyang tinanong."Sorry for asking you, naguguluhan lang ako bakit iba ang dating mo sa akin but don't worry hindi ako perverted teacher, i'm just wondering and clueless." ani ni Abel."Pa-parehas tayo sir..." sambit ni Reina na ikinasalubong ng kilay no Abel."What do you mean?""May nararamdaman din po akong familiarity sa inyo, nang pumasok po kayo sa classroom at nakita ko kayo, nag-iba ang reaksyin ng puso ko. Hindi ko din po alam kung bakit, pero sir Abel wala po akong maisip kung nakita na po kita, wa-wala po talaga." pahayag ni Reina na bahagyang ikinatango ni Abel."Then huwag na nating pansin
HINDI MAWALA ang ngiti ni Reina habang naglalakad siya sa hallway papasok sa classroom niya. Hindi niya maiwasan kiligin dahil bukas na ang araw ng kaarawan ni Abel at may date sila nito kaya sobrang excited ni Reina. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na may relasyon na sila ni Abel, at kahit kailangan nilang ilihim iyon para sa ikabubuti nilang dalawa ay ayos lang para kay Reina dahil ang mahalaga sa kaniya ay parehas na sila ng nararamdaman ni Abel sa isa't-isa."Excited na ako para bukas, saan kaya kami pupunta para i-celebrate ang birthday niya? Hindi na ako makapaghinta---" hindi natapos ni Reina ang sasabihin niya ng may umakbay sa kaniya at sa paglingon niya ay Peter ang nakita niya."Mukhang maganda ang gising mo, Reina. Kanina pa ako sa likuran mo, pansin ko ang maaliwalas mong awra. Sinong may birthday ah?" ani na tanong ni Reina na inalis niya ang pagkakaakbay ni Peter sa kaniya."Huwag ka ngang bigla-biglang susulpot diyan Peter, pasalamat ka wala akong sakit sa p
Chapter 07MATAPOS ANG dinner ng pamilya ni Reina kasama si Abel ay sinabihan siya ng kaniyang ama na dalhin si Abel sa may rooftop nila para ipakita ang mini auditorium na pinagawa ng kaniyang ama. Habang tumutulong ang kaniyang ama sa ligpitin ng kaniyang ina ay excited na pinasunod na ni Reina si Abel sa kaniya.Hindi mawala ang ngiti ni Reina habang naglalakad siya sa hallway at alam niyang nakasunod si Abel sa likuran niya. Hindi mapigilan ni Reina ang saya na may halong kilig sa mga oras na 'yun dahil sa labas ng university nila, may mutual relationship na sila ni Abel. Masaya si Reina na ang umusbong niyang pag-ibig kay Abel ay agad din namang natugunan nito kahit nasungitan muna siya nito."Magugustuhan mo ang auditorium na pinagawa ni Daddy, may malaking telescope doon para makita mo ang buwan at bituin. May maliit na shelves din ako dun kung saan madaming history books na nakadisplay na puwede mong basah--"Hindi natapos ni Reina ang sasabihin niya ng mapalingon siya sa kamay
"Sigurado bang okay ka lang, Reina? Baka dapat hindi ka muna umalis ng clinic at nagpahinga ka pa ng maayos." ani ni Farrah kay Reina dahil kanina pa niya napapansin na tulala ito simula ng bumalik ito sa next calss nila pagkagaling nito sa clinic.Hindi maiwasan ni Reina na matulala dahil sa nangyaring paghalik ni Abel sa kaniya. Sobrang kabog ng puso niya sa mga oras na 'yun, na kahit si Abel ay ng marealize ang ginawa ay namumulang mabilis na lumabas ng clinic.Buong class ay walang ibang naiisip si Reina kundi angga labi nila ni Abel, ang mga sinabi nito. Ang pag amin din nito na gusto na din siya nito, pero may part na kinakabahan si Reina dahil pag nagkita sila ni Abel ay baka sabihin nito na mali ang mga sinabi nito, at hindi tama ang paghalik nito sa kaniya."Gusto mo bang samahan na kita pauwi sa inyo? Nag-aalala ako sayo, Reina." ani ni Paul."O-okay lang ako, hindi mo na ako kailangang ihati dahil ibang way ang daan mo pauwi, Paul. Salamat sa pag-aalala pero okay na naman a
BREAK TIME AT nakapangalumbaba lang si Reina sa may upuan niya. walang ibang tumatakbo sa isipan niya kundi ang nalaman niya sa mga nag uusap na guro about sa kaarawan ni Abel na ngayong darating na sabado mangyayari. Naguguluhan si Reina kung bakit interesadong-interesado siya sa kaarawan ni Abel, hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya sa bagong guro nila na ilang araw palang niya nakikita."Ano bang nangyayari sa akin?" tanong ni Reina sa kaniyang sarili ng mapalingon siya kay Farrah na umupo sa harapan niya."Wala kang balak mag break time? Uupo ka lang diyan?""Busog pa naman ako, tsaka ayokong lumabas ng room." sagot ni Reina.Iniiwasan lang niyang makasalubong si Abel dah hindi niya alam paano ito haharapin lalo pa at bahagya siyang nasaktan ng sabihin nitong hindi big deal ang pagkakayakap nito sa kaniya."So tutunganga ka dito? Dahil mabait akong kaibigan, ibibili kita ng makakain mo. Bawal kang mamayat." ani ni Farrah na tumayo na at lumabas na ng room.Baha
"Damn it! What the heck did I do that?! She's my student, bakit ko siya niyakap!" angil ni Abel habang mag-isa siyang umiinom ng ilang can ng alak na binili niya kanina bago siya umuwi sa apartment niya.Naguguluhan si Abel sa kung anong nangyayari sa kaniya, hindi niya alam kung bakit simula ng makita niya si Reina ay may kakaibang nangyayari sa kaniya. Pakiramdam niya ay nakilala na niya ito, at ang kakaibang pakiramdam na biglang sumulpot ng makita niya si Reina ay may idea siya pero ayaw niyang i-entertain dahil maliban sa mali ay apat na taon ang tanda niya kay Reina."Get a hold of yourself Abel, you cannot have an interest with your student." ani pa na singhal ni Abel sa kaniyang sarili ng magpambuntong hininga siya at isandal niya ang likuran niya sa kaniyang maliit na sofa."At sino ang Rana na biglang pumasok sa isipan ko? Bakit sa kaniya ko nakikita ang Rana na lumilitaw sa utak ko? What hell! Ano bang nangyayari sa akin?" ani ni Abel.Walang ideya si Abel sa kung sino ang
LUNCH TIME na at bago pumunta si Reina sa canteen para kumain ay dumaan muna siya sa teacher's office upang silipon kung kinakain ni Abel ang binihlgay niyang lunch box dito. Alam ni Reina na may rules ang bawat paaralan na bawal magkaroon ng romantic relationship ang isang estudyante at isang guro, pero sinasabi ni Reina sa kaniyang sarili na hindi iyon ang rason bakit kakaiba ang nararamdaman niya para kay Abel. Ang pakiramdan na parang matagal na niya itong kilala, ang wirdong pagkabog ng dibdib niya na tanging kay Abel niya lang nararamdaman, ay ayaw niyang isipin na pag-ibig o love at first sight.Bahagyang nakasilip lang si Reina sa may pintuan pero hindi niya nakikita si Abel sa loob, kahit sa mesa nito ay wala ito."Nasaan kaya si Sir Abel?" pagka-usap ni Reina sa kaniyang sarili."Lunch time na, anong sinisilip mo diyan?"Gulat na napaayos ng tayo si Reina sa kinatatayuan niya bago nilingon si Abel na kadarating lang at may hawak na mga lesson plan at libro."S-Sir...""May
“Good morning, Reina. Pasenya na talaga kung hindi kita nasabayan sa pag-uwi kahapon, nakakainis kasi ‘yung mga co-student council ko.” ani ni Farrah ng magkita na sila ni Reina sa classroom nila.“Okay lang, ganiyan talaga pag part ka ng student council” ngiting ani ni Reina.Ayaw niyang sabihin kay Farrah ang nangyari kahapon dahil alam niyang mag-aalala ito sa kaniya, Nagpapasalamat talaga si Reina dahil dumating si Abel at nailigtas siya nito sa mga holdapper na muntik ng makuha ang pera niya. At bilang pasasalamat ay dalawang lunch box ang niluto at binaon ni Reina, ang isa ay bilang pasasalamat kay Abel.Akala ni Reina kagabi ay ang muntik ng pagkakaholdap sa kaniya ang mapapanaginipan niya, pero same na panaginip parin ang dumaan sa kaniya kagabi. Panaginip parin sa lalaking Beelzebub ang pangalan, at ang naiba lang may tinawag siya nito sa pangalang Rana na akala niya ay narinig niyang sinabi ni Abel kahapon.“Sino kaya si Rana?” bulong na tanong ni Reina sa kaniyang sarili.“
"You really are familiar to me? Something is happening to my heart simula ng makita kita. Sino ka ba?" tanong ni Abel na hindi magawang makapagsalita ni Reina dahil kahit siya ay 'yun ang mga katanungan na tumatakbo sa isipan niya.Nakatitig lang si Reina kay Abel ng magbuntong hininga ito, bago paupong bumangon sa kama niya bago binalik ang tingin kay Reina na hindi makapag-salita sa kaniyang tinanong."Sorry for asking you, naguguluhan lang ako bakit iba ang dating mo sa akin but don't worry hindi ako perverted teacher, i'm just wondering and clueless." ani ni Abel."Pa-parehas tayo sir..." sambit ni Reina na ikinasalubong ng kilay no Abel."What do you mean?""May nararamdaman din po akong familiarity sa inyo, nang pumasok po kayo sa classroom at nakita ko kayo, nag-iba ang reaksyin ng puso ko. Hindi ko din po alam kung bakit, pero sir Abel wala po akong maisip kung nakita na po kita, wa-wala po talaga." pahayag ni Reina na bahagyang ikinatango ni Abel."Then huwag na nating pansin
TAHIMIK lang na nakaupo si Abel habang napapaisip sa isa sa kaniyang estudyante na pakiramdam niya ay pamilyar sa kaniya. Meron siyang pakiramdam na nakilala na niya ito o nakita pero wala naman siya maisip kung saan. Pamilyar ang magandang mukha nito sa kaniya, may nararamdaman pa siyang kakaiba dito. Bahagyang iniling no Abel ang kaniyang ulunan dahil sa kanina pa gumugulo sa isipan niya Reina. Ayaw niyang isipin na live at first sight ang nararamdaman niya dahil unang-una, estudyante niya ito at bawal ang relasyon sa loob ng eskwelahan ng guro at estudyante."Mr. Romero, kanina pa kita tinitingnan. Mukhang malalim ang naiisip mo, naninibago ka ba sa bagong university na papasukan mo?" malawak na ngiting tanong ng isa sa co-teacher ni Abel na ikinaligon niya dito."No, may iniisip lang ako but not that important." sagot ni Abel na binalik ang atensyon sa ginagawa niya sa mesa niya ng maupo sa gilid ang co-teacher niya sa kaniyang mesa."Gusto mo bang ikutin natin ang buong universit