Chapter NineBeelzebub’s First Love“Gusto mo bang sumama sa akin sa demon realm at maging reyna ko?” seryosong tanong ni Beelzebub kay Rana na ikinagulat nina Endemion at Victoria ganun si Antaura sa sinabi at inanlok ni Beelzebub kay Rana na nakatitig lang mga mata ng isa’t-isa.“Ano?! Nahihibang ka ba Beelzebub sa sinasabi mo? Bakit isang tao at ‘yang babae pa na ‘yan ang inaalok mo para maging reyna mo!”sigaw ni Antaura na hindi nagustuhan ang narinig kay Beelzebub na ikinatayo nito sa kinauupuan nito.“Sa tingin mo ba papayag ang haring Dagon na maging reyna mo ang isang tao?!” bulyaw pa nito na ikinaayos ng tayo at ikinalingon ni Beelzebub kay Antaura na dahil wala iting paningin ay hindi nito alam kung saan ito haharap.“Hindi ko naman kailangan ng pagsang-ayon dito ng aking ama, kung hindi niya magugustuhan ang gusto, ko sa tingin mo ba hindi ko ipaglalaban ang nais ko?” pahayag ni Beelzebub na ikinahawak ni Rana sa kaniyang dibdib dahil sa pagbilis ng tibok ng puso nito sa mg
Chapter ThirtyBeelzebub’s First LoveMay nararamdaman na ako sayo tao, ako si Beelzebub na ikatlong prinsipe ng demon realm ay umibig na sa isang tao nasa harapan ko ngayon. Umiibig na ako sayo, Rana.May nararamdaman na ako sayo tao, ako si Beelzebub na ikatlong prinsipe ng demon realm ay umibig na sa isang tao nasa harapan ko ngayon. Umiibig na ako sayo, Rana.May nararamdaman na ako sayo tao, ako si Beelzebub na ikatlong prinsipe ng demon realm ay umibig na sa isang tao nasa harapan ko ngayon. Umiibig na ako sayo, Rana.Napabalikwas si Rana sa kaniyang pagkakahiga dahil sa paulit-ulit na pumapasok sa isipan niya ang sinabi ni Beelzebub sa kaniya sa may itaas ng bubungan. Hindi siya makatulog dahil hindi maalis sa isipan niya ang mga binitawang salita ni Beelzebub, kaya hanggang ngayon ay ramdam niya ang pagiinit ng mukha niya.“Ano ka ba Rana, paano ka makakatulog kung ‘yun ang iisipin mo?” mahinang angal ni Rana sa kaniyang sarili na bahagyang nilingon si Victoria na natutulog sa
Chapter Thirty OneBeelzebub’s First LoveSA ISANG MALIIT na barangay na malayo sa bayan, ay mistulang ghost town ang nangyari dahil sobrang tahimik ang lugar na iyon. Maliwanag pa ang sikat ng araw pero walang makikitang tao kahit isa sa lugar na ‘yun pero sa bawat loob ng bahay na meron doon ay makikita ang bawat katawan ng mga naninirahan na wala ng buhay dahil sa literal na pagkawala ng mga kaluluwa nito.Naubos na ang buhay sa barangay na ‘yun dahil sa isang demonyo na kinuha lahat ng mga kaluluwa ng mga naninirahan doon, matanda man o bata, inosente man o masama, at kinukuha nito ang huling kaluluwa ng isang batang hawak nito sa huling bahay sa barangay na kinalalagyan nito.“Mukhang madami ka ng kaluluwa na nakain, Escanor, pati mga taong may mabubuting kaluluwa pinakielaman mo. Baka magalit ang nasa itaas at bigla ka nalang alisan ng buhay.” Pahayag ni Zeldris habang nakasandal ito sa pader at nakatingin sa nakakatandang kapatid nito na hinagis ang wala ng buhay na katawan ng
Chapter Thirty-TwoBeelzebub’s First LoveSAYA ANG namumutawi sa mga mata ni Rana habang nakatingin sa garden nila na napupuno ng mga itim na rosas na si Beelzebub ang may gawa, tinapos nito kagabi ang sinimulan nito habang pinapanuod siya ni Rana, simula ng magising si Rana at magkausap sila ni Beelzebub at mangyari ang first kiss nilang dalawa ay sinamahan na niya si Beelzebub na itanim na ang natitirang mga buto ng rosas hanggang sa tumaas na ang araw, at ‘yun ang naabutan nina Endemion sa kanila.“Ikaw ba ang may gawa nito, Beelzebub?” baling na tanong ni Endemion kay Beelzebub na nagpapagpag ng kamay nito.“Sino pa ba? Nakakabwisit lang dahil lahat sila kulay itim.” Ani ni Beelzebub na bahagyang ikinatawa ni Endemion sa kaniya.“Ginamitan mo ba ang mga bulaklak na ‘yan ng kapangyarihan mo?”“Kung hindi ko gagamitan ng kapangyarihan ko ang mga bulaklak na ‘yan hindi ‘yan tutubo agad.” Ani ni Beelzebub na nilingon si Rana na nakikita niya ang saya sa mukha nito habang nakatingin sa
Chapter Thirty ThreeBeelzebub’s First LoveINIIKOT NI Escanor ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng kinatatayuan ng bahay na tinutuluyan nina Beelzebub pagkarating niya. Walang makikitang ekspresyon sa mukha ni Escanor habang tinitingnan niya ang buong paligid ng kinatatayuan niya, nakikita niya sina Beelzebub sa kaniyang harapan habang naagaw ang pansin niya ng mga itim na rosas na nasa hardin nina Beelzebub ng bumagsak ang tingin ni Escanor sa katabi ng kaniyang bunsong kapatid na ikinangisi nito.“Hindi ko inaasahan ito, Beelzebub.”pahayag ni Escanor habang seryosong nakatingin lang si Beelzebub sa panganay nilang kapatid ni Zeldris.“Anong dahilan bakit nagpunta ka sa teritoryo ko Escanor?”“Masama ba kung bibisitahin ko ang aking bunsong kapatid na pangalawang beses ng umapak sa mundo ng mga taon a kinamumuhian mo at hindi ko inasahan na may kasama kang hindi ko inaasahan.”pahayag ni Escanor habang ngising deretsong nakatingin sa katabi ni Beelzebub na bahagyang yumuko dito.“Pagb
Chapter Thirty FourBeelzebub’s First LoveSA ISANG malayong kagubatan malayo sa bayan kung nasaan ang bahay nina Beelzebub na binigyan ng hindi inaasahang pagbisita ni Escanor, ay kalalapag lang ng paanan ni Zeldris sa lupa at ibinaba si Rana at Victoria sa pagkakahawak niya.“Sigurado ka bang hindi tayo matutunton ng isa niyo pang kapatid dito?” tanong ni Victoria kay Zeldris na naglalakad papunta sa may malaking puno at pabagsak na umupo at sumandal doon habang nakatingin sina Rana sa kaniya.“Huwag kang mag-alala bampira, hanggat tinatago ko ang presensya ko hindi tayo matatagpuan ni Escanor sa lugar na ‘to. Kaya hindi mo kailangang mag-alala, mabubuhay ka pa ng matagal.”saad ni Zeldris na bahagyang ikinaingos ni Victoria.“Kasing gwapo siya ni kamahalan pero ayoko sa ugali niya.”bulong ni Victoria kay Rana na bahagya nitong ikinatawa.“Rinig kita bampira, hindi masamang humanga sa gwapo kong mukha pero huwag kang mahulog. Ayoko sa babaeng may mga pangil.”ngising saad ni Zeldris n
Chapter Thirty FiveBeelzebub’s First LoveSA ISANG DI KALAKIHANG parke sa may bayan ay hindi na natanggihan ni Endemion si Malinoé sa pag-uusap na hinihingi nito sa kanila. Kakaunti lang ang mga tao na naroroon sa may parke at nasa pwesto sina Endemion at Malinoé na malayo sa mga ito katabi ng isang malaking puno.“Anoman ang sasabihin mo Malinoé ay sabihin mo na, hindi ako pwedeng magtagal dahil may kailangan pa akong gawin.”seryoso na pahayag ni Endemion.“Naiintindihan ko ang galit mo sa akin Barach---““Hindi ako galit Malinoé, pero nasaktan ako.”putol ni Endemion kay Malinoé na ikinabuntong hininga niya sa kinatatayuan niya.“Aaminin ko sayo hanggang nagyon nasasaktan ako dahil pinaglaban naman kita, handa kong talikuran kung ano ako dati pero iniwan mo ako, binitawan mo ako.”pahayag ni Endemion na ikinailing ni Malinoé sa mga sinabi niya.“N-Nagkakamali ka Barachiel, kahit kailan hindi kita iniwan, kahit kailan hindi ako bumitaw sa pagmamahal ko sayo. Kinailangan ko lang gawin
Chapter Thirty SixBeelzebub’s First Love“Hindi pa ba tayo babalik sa bahay? Ilang oras na rin tayo na nanatili dito, baka wala na doon ang panganay niyong kapatid na pinagtataguan natin.”saad ni Victoria habang magkatabi silang nakaupo ni Rana sa malaking ugat ng punong kinalalagyan nila, habang si Zeldris ay nakahiga sa isang malaki at matabang sanga ng puno.“Hoy! Zeldris, hindi pa ba tayo aalis dito?”tanong ni Victoria na habang nakatingala ito sa pwesto ni Zeldris sa taas ng puno.“Huwag ka masyadong mainipin bampira, hindi tayo pwede bastang bumalik sa bahay ni Beelzebub hanggat maaring naroon pa si Escanor.”sagot ni Zeldris na bahagyang ikinasimangot ni Victoria.“So paano natin malalaman na wala na doon ang kapatid niyo aber? Baka abutan tayo ng gabi dito sa gubat hindi pa tayo sure kung naroon pa o wala na ang kapa---“Hindi natapos ni Victoria ang sasabihin niya ng mapalingon siya kay Rana na biglang napatayo sa kinauupuan nito habang nakatingin sa malayong direksyon, haban