Share

Chapter 01

Author: Rhenkakoi
last update Last Updated: 2022-11-02 16:07:58

Chapter One

MALAKAS na nagpalabas ng itim niyang apoy si Beelzebub at ipinatama 'yun sa isang malaking bato na malakas na sumabog at ikindurog-durog nito sa mga piraso dahil sa galit niya sa kaniyang ama, matapos nitong ibigay ang isang utos na kailangan niyang umakyat sa mundo ng mga tao upang hanapin ang isa nilang alagad na nagtraydor sa kanila at tumutulong sa kalaban nilang si Hades na taga underworl realm.

Nagtatago naman sa malalaking batong nakapalibot kina Beelzebub ang ilang alagad nilang demonyo dahil natatakot sa galit na nakikita nila kay Beelzebub.

"Bakit hindi ka muna kumalma, Beelzebub? Kahit pasabugin mo ng itim mong apoy ang mga bato dito at durugin mo, wala kang magagawa kundi sundin ang pinag-uutos ng Hari."ani ni Endemion na nakaupo sa isang bato habang pinapanuod si Beelzebub na mag release ng galit na meron ito.

"Bakit ako?! Alam ni ama na ayoko sa lupa ng mga tao, ayokong tutuntong sa mundo nila?!" galit na bulyaw ni Beelzebub na makikita ang gigil sa pag-igting ng panga nito.

Una palang ay ayaw na talaga ni Beelzebub sa mundo ng mga tao, galit siya sa mundo ng mga itto dahil doon namatay ang kaniyang ina at mga tao ang kumitil sa buhay ng kaniyang ina. Gumagawa siya ng makakasama sa mga tao para madevour niya ang mga kaluluwa nito at mahila sa demon realm pero kahit kailan ay hindi siya tumuntong sa mundo ng mga ito dahil sa galit meron siya para sa mga ito. Si Beelzebub ang bunso at ikatlo sa anak ng Hari ng demon realm, hindi maipagkakaila ang kagwapuhan nito kaya maraming mga babaeng demon ang gusto siyang maging asawa. Matikas siya sa kaniyang mga kapatid, may mahabang paikot na itim na sungay, may itim na itim na mahabang buhok na may buntot na buhok na aabot hanggang bewang niya, at merong pulang magagandang mga mata na namana nito sa kaniyang ama.

"Hindi ko din alam ang nasa isip ng hari, Beelzebub, pero sa mundo natin batas ang mga utos niya. Kahit ikaw ang bunsong prinsipe, wala kang magagawa kundi sundin ang utos niya,. Isa pa, kung gusto mong makabalik agad dito sa mundo natin, kalaldkarin mo na agad pabalik si Ahriman dito."pahayag na payo ni Endemion sa kaniya na ikinakuyom ng dalawa niyang kamay at kitang-kita ni Endemion ang galit na nakikita niya sa mata ng kaniyang prinsipe.

"Dahil sa traydor na 'yun aapak ako sa mundo ng mga tao, bago ko siya ibalik dito sa demon realm papahirapan ko muna siya sa kamay ko."gigil na ani ni Beelzebub na ikinatayo ni Endemion sa kinauupuan niya.

"Hindi mo siya pwedeng patayin, mahal na prinsipe."bilin ni Endemion na gigil na sigaw na muling nagpakawala ng itim na apoy si Beelzebub at ipinasabog iyon sa isang mataas na bato kung saan nagtalsikan ang demons na nagtatago doon, na ikinailing ni Endemion.

"Huwag mong ibaling sa mga alagad mo ang galit mo, Beelzebub."

"Kasalanan ko ba kung nagtatago sila sa mga tangnang bato na 'yan? Nilalabas ko ang ang galit ko, Endemion!"Singhal ni Beelzebub na ikinatango ni Endemion.

"Nauunawaan ko, pero ipapaalala ko sayo. Hindi ka pwedeng manakit ng tao sa oras na umakyat ka doon, ayaw mo naman sigurong magkaroon ng gulo sa pagitan ng demon realm at ng nasa itaas. Pabor kay Hades kung mangyayari 'yun, ang misyon mo langg ay hanapin si Ahriman at ibalik dito sa demon realm."pahayag na paalala ni Endemion kay Beelzebub na pinipigilan ang sarili.

"Susubukan ko, kinamumuhian ko ang mga tao."

"Huwag mong subukan mahal na prinsipe, gawin mo."ani ni Endemion na ikinaingos nalang ni Beelzebub at nagpamewang.

"Kailan ang pagpunta mo sa mundo ng mga tao?"

"Bukas, inangal ko 'yan sa matandang 'yun pero siya daw ang masusunod. Tsaka hindi lang ako ang aalis bukas, kasama ka Endemion."pahayag ni Beelzebub na ikinalakad na nito paalis na bahagyang ikinabuntong hininga ni Endemion.

"Inaasahan ko na 'to."'saad ni Endemion na ikinatingala niya mula sa itaas.

Naglalakad si Beelzebub pabalik sa kaniyang chamber upang doon nalang magpahinga dahil alam niyang masisira niya lang ang kinalalagyan nila ni Endemion kanina kung mananatili siya doon at ibunbunton ang galit na nararamdaman niya. Hindi talaga gusto ni Beelzebub na tumuntong sa mundo ng mga tao, pero dahil sa ibinigay na utos sa kaniya ay wala siyang magagawa kundi ang pumunta doon at anng mas ikinagagalit niya ay kailangan niyang magpanggap na tao upang hindi malaman ng pakay niya na si Ahriman ang pagpunta niya sa mundo ng mga tao para kaladkarin niya pabalik sa demon world.

"Bakit kasi sa munod pa ng mga tao naisipang magtago ni Ahriman?! Pagnakita ko siya susunugin ko siya ng itim kong apoy!"inis na pahayag ni Beelzebub ng matigilan siya ng may lumingkis na isang babaeng demonyo sa kaniyang kanang braso na ikinalingon niya dito habang mapang-akit na nakatitig ito sa kaniya.

"Kanina pa kita hinihintay, Beelzebub."mapang-akit na saad nito sa kaniya.

"Hindi ba at sinabi ko na sa'yo Antaura na huwag ka ng lalapit sa akin?"seryosong saad ni Beelzebub dito na mapang-akit na ngiting lumipat sa may matipuno ninyang dibdib at hinaplos doon ang kanang kamay nito.

"Hinahanap ko ang mga haplos mo Beelzebub, hindi naman siguro masama kung aangkinin ulit natin ang isa't-is---"

Hindi natuloy ni Antaura ang sasabihin niya ng sa isang kisapmata lang ay nakalutang na siya sa ere at nahihirapang huminga dahil sa mahigpit na pagsakal ni Beelzebub sa leeg niya.

"Beel---"

"Sa oras na guluhin mo pa ako Antaura, magliliyab na ang buong katawan mo sa itim na apoy ko. Hindi porke't nasipingan kita ng isang beses ay maghahangad ka ulit ng kasunod, alam mong pag nagamit ko na, tinatapon ko na. Pasalamat ka anak ka ni Tievel na kanang kamay ng aking ama, dahil kung hindi baka abo ka na."pahayag ni Beelzebub na malakas niyang ikinatilapon kay Antaura na pagulong na humandusay sa lupa, bago nagsimula na muling maglakad si Beelzebub pabalik sa kaniyang chamber.

Pagkarating ni Beelzebub sa kaniyang chamber ay agad niyang Nakita ang kaniyang alagang argoths na itsurang dragon pero kasing laki ng isang kabayo na may mahabang sungay, mahabang buntot, may matitilos na pangil at may tatlong pares ng paa na may matitilos na kuko ang naglakad palapit sa kaniya.

"Maligayang pagbalik, kamahalan."bati ng malalim na boses ng kaniyang alaga na biglang nagtransform bilang isang demonyo na itsurang tao sa harapan ni Beelzebub at yumuko.

"Maghanda ka para bukas, Belial, aakyat tayo sa mundo ng mga tao."bored na pagbibigay alam ni Beelzebub na pabagsak na ikinahiga niya sa kaniyang higaan na ikinalingon ng kaniyang alaga sa kaniya.

"Sa mundo ng mga tao, pero ayaw niyong itungtong ang inyong mga paa sa maduming mundo na 'yun."saad ni Belial na kaniyang alaga na ikinaingos ni Beelzebub.

"Utos ng Hari kaya wala akong magagawa kundi ang sumunod, kailangan natin maibalik sa demon realm ang talinpandas na traydor na si Ahriman."ani ni Beelzebub na ikinataas niya ng kanang kamay niya at naglabas ng itim na apoy kung saan nakikita niya ang mga tao sa mundo ng mga ito na pagkamuhi ang dumaan sa mata ni Beelzebub habang nakating sa itim niyang apoy ang kaniyang alaga.

"Mundo ng mga tao, mga maduduming nilalang."

Related chapters

  • Beelzebub's First Love   Chapter 02

    Chapter Two"Handa ka na ba, Beelzebub?"Hindi maipinta ang mukha ni Beelzebub habang nakaharap sila nina Endemion sa lagusan papunta sa mundo ng mga tao, ngayong araw ang alis nila sa demon realm at maraming mga alagad nila ang nasa kanilang likuran upang tingnan ang pag-alis nila."Hindi ko pinaghahandaan ang pag-alis na ito, Endemion, alam mong ayokong umalis sa demon realm para umapak sa mundo ng mga tao.."ani na reklamo ni Beelzebub na humalukipkip pa sa kinatatayuan niya bago nilingon ni Endemion si Belial na nakatayo sa likuran ng amo nito."Hindi ko inakala na isasama mo ang alaga mo sa pag-alis natin ngayon."kumento na ani ni Endemion na malamig ang tingin ni Belial na lumingon sa kaniya."Naroon ako kung nasaan ang kamahalan, ako ang tagabantay niya."sagot ni Belial na bahagyang ikinangiti ni Endemion ditoo."Ako ang itinalagang bantay ng prinsipe ng kaniyang ama, alaga ka lang ni Beelzebub."pahayag ni Endemion na agad ikinapalit ni Belial sa orihinal na itsura nito na marah

    Last Updated : 2022-11-02
  • Beelzebub's First Love   Chapter 03

    Chapter 03MALAKAS na hinagis si Rana ng kaniyang tiyahin sa isang basement meron ito sa likuran ng bahay nito, sumalampak si Rana sa sahig na bumakas sa mukha nito ang sakit sa pagkakabagsak niya sa sahig na agad niyang ikinakapa sa pader para masuporthan siya sa pagtayo."Dahil matigad ang ulo mo, diyan ka nababagay! Sinabi ko ng wag kang lalabas sa bahay at asikasuhin mo ang mga gawaing bahay pero sinuway mo ako?! Dadagdag ka pa Rana sa problema ko eh bulag ka nga!"galit na Singhal ng tiyan niya na ikinaharap niya dito base sa kinalalagyan ng boses nito na naririnig ni Rana."Pa-pasensya ni tiya, gusto ko lang naman pong pumunta sa may barangay hall kasi sabi ni kapitan may libreng check up daw po para sa mga katulad---"Hindi natuloy ni Rana ang sasabihin niya ng mapa-igik siya sa sakit ng sabunutan siya ng kaniyang tiyahin ng mahigpit na ikinahawak niya sa braso nitong nakasabunot sa kaniya."Tiya masakit po…""Talagang masasaktan ka sa akin, Rana! Hanggang ngayon ba naman ay nan

    Last Updated : 2022-11-02
  • Beelzebub's First Love   Chapter 04

    Chapter 04SA LOOB nang isang kalakihang bahay na malapit sa bayan ay nabili na iyon nina Endemion gamit ang ginto na meron sila demon realm. Kailangan nila ng matutuluyan habang nasa mundo sila ng mga tao habang hindi pa nila nakikita ang pakay nila, kararating lang nila sa bahay na nabili nila na may mga gamit na naman at kaunti nalang ang kailangan nilang idagdag."Mukhang kailangan nating bumili ng ibang gamit, at linisin ang buong kabaha---""Bakit kailangan mo pang dagdagan ang mga pangit na gamit na meron sa panget na bahay na ito? Hindi tayo magtatagal dito Ende--""Nahihirapan tayong matunton si Ahriman, mahal na prinsipe. Mukhang magaling makihalo si Ahriman sa mga tao kaya nahihirapan tayong matunton siya, maaring nasa katawan siya ng isang tao na mas mahihirapan tayong mahuli at makita siya. Kaya habang inaalam natin saan siya pwedeng makita at mahuli, mananatili tayo dito. Kaya pagtiisin mo muna, Beelzebub." Paliwanag na ani ni Endemion kay Beelzebub na kanina pa hindi na

    Last Updated : 2022-11-02
  • Beelzebub's First Love   Chapter 05

    Chapter FivePAREHAS na nakatutok ang tingin ni Endemiom at Belial kay Rana na dala-dala ni Beelzebub pauwi sa bahay nila na pabagsak nitong nilaglag sa sahig na dumadaing sa pagkakasalampak nito sa sahig dahil sa ginawa ni Beelzebub. Hindi inasahan ni Endemion na sa pag-alis ni Beelzebub para bahagyang lumabas gamit ang mga pakpak nito ay sa pagbalik naman nito ay magbibitbit ito ng isang tao sa kanilang bahay, gayong kinamumuhian ni Beelzebub ang species ng tao."Pwede mo naman siguro akong ibaba ng hindi binabagsak."bahagyang ang ni Rana na pokerface na ikinababa ng tingin ni Beelzebub sa kaniya."Binuhat na nga kita umaangal ka pa, hindi naman mataas nilagpakan mo ah? Pasalamat ka tao, hindi kita nilagpak kanina habang lumilipad ako."Singhal na ani ni Beelzebub na dahan-dahang ikinatayo ni Rana sa pagkakasalampak niya sa sahig.'Bakit si superman ka ba at lumilipad ka? Superhero ka ba?"inosenteng tanong ni Rana dahil kanina pa siya naguguluhan sa mga sinasabi ni Beelzebub na akala

    Last Updated : 2022-11-02
  • Beelzebub's First Love   Chapter 06

    SA KALAGITNAAN ng gabi, inilabas ni Endemion ang kaniyang itim na pakpak at lumipad papuntang bubungan ng bahay nila. Naroon si Beelzebub sa itaas ng bubungan na alam niyang inis na inis sa mga oras na 'yun. Hanggang ngayon ay hindi parin maunawaan ni Endemion kung bakit nag-uwi ng isang tao si Beelzebub, sa pagkakakilala niya dito ay masyado itong makasarili, mahilig makipagtalo sa ama nito at sa dalawa nitong kapatid, walang pakiealam sa paligid kahit may nasasaktan na ito, at higit sa lahat mabilis umiinit ang ulo ni Beelzebub, na namana nito sa amang hari nito.Hindi niya inasahan na taong alam ni Endemion na simpatya ang dahilan kung bakit dinala ni Beelzebub si Rana sa bahay nila at hindi lang dahil ayaw na nitong maulit ang paglilinis nito sa bahay nila. Anuman ang dahilan, sa tingin ni Endemion, may bahagyang impact si Rana dito at 'yun ang aalamin niya kung ano.Pagkarating ni Endemion sa bubungan ay nakita niya agad si Beelzebub na nakaupo at naglalabas ng itim nitong apoy s

    Last Updated : 2022-11-09
  • Beelzebub's First Love   Chapter 07

    Chapter SevenDAHIL sanay si Rana na magising ng maaga dahil 'yun na din anh body clock niya, ay maaga siyang nagising upang umpisahan ang pagme-memorize niya sa bawat sulok ng bahay nina Beelzebub upang hindi siya mahirapan. Ganun ang ginawa niya sa bahay ng tiya niya kaya kahit bulag siya ay nakakagawa siya sa bahay ng mga ito.Akmang ibaba ni Rana ang mga paa niya ay bahagyang kumunot ang noo niya nang mapagtanto niyang hindi na siya sa sofa nakahiga. Kinapa-kapa ni Rana ang hinigaan niya na ikinapagtaka niya kung bakit nasa kama na siya at wala sa sofa na sa pagkakatanda niya ay doon siya natulog."Anong ginagawa ko dito? Kaninong kama 'to?" naguguluhang tanong ni Rana na dahan-dahan na niyang ikinaalis sa kama.Hinanap ni Rana ang pader upang maging suporta niya, ng makapa niya na ito ay pader ang ginamit niya para mahanap ang pintuan, na agad din namang nahanap ng kamay ni Rana.Nang mabuksan niya na ang pintuan ay pakapa-kapa siyang lumabas, nag-ingat siya sa paghakbang niya da

    Last Updated : 2022-11-10
  • Beelzebub's First Love   Chapter 08

    PABAGSAK na umupo si Beelzebub matapos niyang magawa lahat ng linisin sa kabuuan ng bahay, na napapamura nalang siya dahil sa dami niyang ginawa. Hindi naman nakakaramdam ng pagod ang mga demonyong tulad niya, hindi lang sanay si Beelzebub sa gawain ng mga tao, lalo na at sa kanilang mundo siya ang pinagsisilbihan."Ito na ang huling gagawin ko 'to, hindi na ito mauulit, naiintindihan mo ba tao?" baling na sermon ni Beelzebub kay Rana na hindi parin umaalis sa pwesto nito simula ng iupo siya ni Beelzebub at sinabihang huwag tatayo o aalis sa kinauupuan niya."Dapat kasi Beel hinayaan mo nalang ako na maglinis, kakayanin ko naman eh." ani ni Rana na poker face na ikinatitig ni Beelzebub sa kaniya."Sa tingin mo may matatapos ka kung palagi kang nadadapa o nauuntog? Tsaka, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na huwag mo kong tatawagin sa ibang pangalan."sitang sermon at reklamo ni Beelzebub." Hindi naman maiiwasan ang mga pagkakadapa at umpog ko dito sa bahay niyo dahil naninibago pa ako

    Last Updated : 2022-11-11
  • Beelzebub's First Love   Chapter 09

    Chapter NineKINAHAPUNAN ay nakabalik na sina Belial at Endemion sa bahay nila na may pagtataka kung bakit may itim na abo silang nadatnan sa may malapit sa pintuan, nadatnan din nila si Beelzebub na prenteng nakaupo habang naglalaro ng itim nitong apoy, na ikinalapit nina Endemion sa kaniya."Nakabalik na po kami kamahalan."pagbibigay alam ni Belial kay Beelzebub na lumingon sa kanilang dalawa ni Endemion."Nakikita ko, Belial, kamusta ang paghahanap kay Ahriman?""Sa tingin namin kamahalan, wala siya sa lugar na 'to. Hindi ko siya maamoy kaya hindi po namin nalaman kung nasaan siya."balita ni Belial na ikinaalis na ng itim na apoy sa kamay ni Beelzebub."It's either nagtatago siya sa katawan ng isang tao para mahirapan siyang mahanap, o Belial must be right, wala sa bayan na 'to si Ahriman."ani ni Endemion na ikinakunot ng noo ni Beelzebub sa kaniya."At kailan ka pa natuto ng ganiyang lenggwahe ng mga tao, Endemion?"Kanina lang, ang kanilang lenggwahe ay nakakahanga kung gagamitin

    Last Updated : 2022-12-22

Latest chapter

  • Beelzebub's First Love   Chapter 08

    HINDI MAWALA ang ngiti ni Reina habang naglalakad siya sa hallway papasok sa classroom niya. Hindi niya maiwasan kiligin dahil bukas na ang araw ng kaarawan ni Abel at may date sila nito kaya sobrang excited ni Reina. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na may relasyon na sila ni Abel, at kahit kailangan nilang ilihim iyon para sa ikabubuti nilang dalawa ay ayos lang para kay Reina dahil ang mahalaga sa kaniya ay parehas na sila ng nararamdaman ni Abel sa isa't-isa."Excited na ako para bukas, saan kaya kami pupunta para i-celebrate ang birthday niya? Hindi na ako makapaghinta---" hindi natapos ni Reina ang sasabihin niya ng may umakbay sa kaniya at sa paglingon niya ay Peter ang nakita niya."Mukhang maganda ang gising mo, Reina. Kanina pa ako sa likuran mo, pansin ko ang maaliwalas mong awra. Sinong may birthday ah?" ani na tanong ni Reina na inalis niya ang pagkakaakbay ni Peter sa kaniya."Huwag ka ngang bigla-biglang susulpot diyan Peter, pasalamat ka wala akong sakit sa p

  • Beelzebub's First Love   Chapter 07

    Chapter 07MATAPOS ANG dinner ng pamilya ni Reina kasama si Abel ay sinabihan siya ng kaniyang ama na dalhin si Abel sa may rooftop nila para ipakita ang mini auditorium na pinagawa ng kaniyang ama. Habang tumutulong ang kaniyang ama sa ligpitin ng kaniyang ina ay excited na pinasunod na ni Reina si Abel sa kaniya.Hindi mawala ang ngiti ni Reina habang naglalakad siya sa hallway at alam niyang nakasunod si Abel sa likuran niya. Hindi mapigilan ni Reina ang saya na may halong kilig sa mga oras na 'yun dahil sa labas ng university nila, may mutual relationship na sila ni Abel. Masaya si Reina na ang umusbong niyang pag-ibig kay Abel ay agad din namang natugunan nito kahit nasungitan muna siya nito."Magugustuhan mo ang auditorium na pinagawa ni Daddy, may malaking telescope doon para makita mo ang buwan at bituin. May maliit na shelves din ako dun kung saan madaming history books na nakadisplay na puwede mong basah--"Hindi natapos ni Reina ang sasabihin niya ng mapalingon siya sa kamay

  • Beelzebub's First Love   Chapter 06

    "Sigurado bang okay ka lang, Reina? Baka dapat hindi ka muna umalis ng clinic at nagpahinga ka pa ng maayos." ani ni Farrah kay Reina dahil kanina pa niya napapansin na tulala ito simula ng bumalik ito sa next calss nila pagkagaling nito sa clinic.Hindi maiwasan ni Reina na matulala dahil sa nangyaring paghalik ni Abel sa kaniya. Sobrang kabog ng puso niya sa mga oras na 'yun, na kahit si Abel ay ng marealize ang ginawa ay namumulang mabilis na lumabas ng clinic.Buong class ay walang ibang naiisip si Reina kundi angga labi nila ni Abel, ang mga sinabi nito. Ang pag amin din nito na gusto na din siya nito, pero may part na kinakabahan si Reina dahil pag nagkita sila ni Abel ay baka sabihin nito na mali ang mga sinabi nito, at hindi tama ang paghalik nito sa kaniya."Gusto mo bang samahan na kita pauwi sa inyo? Nag-aalala ako sayo, Reina." ani ni Paul."O-okay lang ako, hindi mo na ako kailangang ihati dahil ibang way ang daan mo pauwi, Paul. Salamat sa pag-aalala pero okay na naman a

  • Beelzebub's First Love   Chapter 05

    BREAK TIME AT nakapangalumbaba lang si Reina sa may upuan niya. walang ibang tumatakbo sa isipan niya kundi ang nalaman niya sa mga nag uusap na guro about sa kaarawan ni Abel na ngayong darating na sabado mangyayari. Naguguluhan si Reina kung bakit interesadong-interesado siya sa kaarawan ni Abel, hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya sa bagong guro nila na ilang araw palang niya nakikita."Ano bang nangyayari sa akin?" tanong ni Reina sa kaniyang sarili ng mapalingon siya kay Farrah na umupo sa harapan niya."Wala kang balak mag break time? Uupo ka lang diyan?""Busog pa naman ako, tsaka ayokong lumabas ng room." sagot ni Reina.Iniiwasan lang niyang makasalubong si Abel dah hindi niya alam paano ito haharapin lalo pa at bahagya siyang nasaktan ng sabihin nitong hindi big deal ang pagkakayakap nito sa kaniya."So tutunganga ka dito? Dahil mabait akong kaibigan, ibibili kita ng makakain mo. Bawal kang mamayat." ani ni Farrah na tumayo na at lumabas na ng room.Baha

  • Beelzebub's First Love   Chapter 04

    "Damn it! What the heck did I do that?! She's my student, bakit ko siya niyakap!" angil ni Abel habang mag-isa siyang umiinom ng ilang can ng alak na binili niya kanina bago siya umuwi sa apartment niya.Naguguluhan si Abel sa kung anong nangyayari sa kaniya, hindi niya alam kung bakit simula ng makita niya si Reina ay may kakaibang nangyayari sa kaniya. Pakiramdam niya ay nakilala na niya ito, at ang kakaibang pakiramdam na biglang sumulpot ng makita niya si Reina ay may idea siya pero ayaw niyang i-entertain dahil maliban sa mali ay apat na taon ang tanda niya kay Reina."Get a hold of yourself Abel, you cannot have an interest with your student." ani pa na singhal ni Abel sa kaniyang sarili ng magpambuntong hininga siya at isandal niya ang likuran niya sa kaniyang maliit na sofa."At sino ang Rana na biglang pumasok sa isipan ko? Bakit sa kaniya ko nakikita ang Rana na lumilitaw sa utak ko? What hell! Ano bang nangyayari sa akin?" ani ni Abel.Walang ideya si Abel sa kung sino ang

  • Beelzebub's First Love   Chapter 03

    LUNCH TIME na at bago pumunta si Reina sa canteen para kumain ay dumaan muna siya sa teacher's office upang silipon kung kinakain ni Abel ang binihlgay niyang lunch box dito. Alam ni Reina na may rules ang bawat paaralan na bawal magkaroon ng romantic relationship ang isang estudyante at isang guro, pero sinasabi ni Reina sa kaniyang sarili na hindi iyon ang rason bakit kakaiba ang nararamdaman niya para kay Abel. Ang pakiramdan na parang matagal na niya itong kilala, ang wirdong pagkabog ng dibdib niya na tanging kay Abel niya lang nararamdaman, ay ayaw niyang isipin na pag-ibig o love at first sight.Bahagyang nakasilip lang si Reina sa may pintuan pero hindi niya nakikita si Abel sa loob, kahit sa mesa nito ay wala ito."Nasaan kaya si Sir Abel?" pagka-usap ni Reina sa kaniyang sarili."Lunch time na, anong sinisilip mo diyan?"Gulat na napaayos ng tayo si Reina sa kinatatayuan niya bago nilingon si Abel na kadarating lang at may hawak na mga lesson plan at libro."S-Sir...""May

  • Beelzebub's First Love   Chapter 02

    “Good morning, Reina. Pasenya na talaga kung hindi kita nasabayan sa pag-uwi kahapon, nakakainis kasi ‘yung mga co-student council ko.” ani ni Farrah ng magkita na sila ni Reina sa classroom nila.“Okay lang, ganiyan talaga pag part ka ng student council” ngiting ani ni Reina.Ayaw niyang sabihin kay Farrah ang nangyari kahapon dahil alam niyang mag-aalala ito sa kaniya, Nagpapasalamat talaga si Reina dahil dumating si Abel at nailigtas siya nito sa mga holdapper na muntik ng makuha ang pera niya. At bilang pasasalamat ay dalawang lunch box ang niluto at binaon ni Reina, ang isa ay bilang pasasalamat kay Abel.Akala ni Reina kagabi ay ang muntik ng pagkakaholdap sa kaniya ang mapapanaginipan niya, pero same na panaginip parin ang dumaan sa kaniya kagabi. Panaginip parin sa lalaking Beelzebub ang pangalan, at ang naiba lang may tinawag siya nito sa pangalang Rana na akala niya ay narinig niyang sinabi ni Abel kahapon.“Sino kaya si Rana?” bulong na tanong ni Reina sa kaniyang sarili.“

  • Beelzebub's First Love   Chapter 01

    "You really are familiar to me? Something is happening to my heart simula ng makita kita. Sino ka ba?" tanong ni Abel na hindi magawang makapagsalita ni Reina dahil kahit siya ay 'yun ang mga katanungan na tumatakbo sa isipan niya.Nakatitig lang si Reina kay Abel ng magbuntong hininga ito, bago paupong bumangon sa kama niya bago binalik ang tingin kay Reina na hindi makapag-salita sa kaniyang tinanong."Sorry for asking you, naguguluhan lang ako bakit iba ang dating mo sa akin but don't worry hindi ako perverted teacher, i'm just wondering and clueless." ani ni Abel."Pa-parehas tayo sir..." sambit ni Reina na ikinasalubong ng kilay no Abel."What do you mean?""May nararamdaman din po akong familiarity sa inyo, nang pumasok po kayo sa classroom at nakita ko kayo, nag-iba ang reaksyin ng puso ko. Hindi ko din po alam kung bakit, pero sir Abel wala po akong maisip kung nakita na po kita, wa-wala po talaga." pahayag ni Reina na bahagyang ikinatango ni Abel."Then huwag na nating pansin

  • Beelzebub's First Love   BEELZEBUB FIRST LOVE SEASON 2

    TAHIMIK lang na nakaupo si Abel habang napapaisip sa isa sa kaniyang estudyante na pakiramdam niya ay pamilyar sa kaniya. Meron siyang pakiramdam na nakilala na niya ito o nakita pero wala naman siya maisip kung saan. Pamilyar ang magandang mukha nito sa kaniya, may nararamdaman pa siyang kakaiba dito. Bahagyang iniling no Abel ang kaniyang ulunan dahil sa kanina pa gumugulo sa isipan niya Reina. Ayaw niyang isipin na live at first sight ang nararamdaman niya dahil unang-una, estudyante niya ito at bawal ang relasyon sa loob ng eskwelahan ng guro at estudyante."Mr. Romero, kanina pa kita tinitingnan. Mukhang malalim ang naiisip mo, naninibago ka ba sa bagong university na papasukan mo?" malawak na ngiting tanong ng isa sa co-teacher ni Abel na ikinaligon niya dito."No, may iniisip lang ako but not that important." sagot ni Abel na binalik ang atensyon sa ginagawa niya sa mesa niya ng maupo sa gilid ang co-teacher niya sa kaniyang mesa."Gusto mo bang ikutin natin ang buong universit

DMCA.com Protection Status