Share

Chapter 45

SAMANTALA, pumunta na si Vivianne sa Allamino Mansion. Pagpasok niya pa lang sa sala ay nandoon na si Alfred sa sofa, nagbabasa ng diyaryo at tila hinihintay ang pagdating niya.

“Alam mong darating ako, ano? Ang bruhang Joan na naman ba ang nagbalita sa ‘yo?” ani Vivianne bago umupo sa couch katapat ni Alfred.

“Mas maayos siyang kausap kaysa sa’yo, kaya huwag mo siyang pagsalitaan nang gan’yan,” sita naman sa kan’ya ng ama. “Kung siya lang sana ang naging anak ko, hindi na magiging ganito kahirap sa akin ang lahat,” dagdag pa nito.

Umismid si Vivianne at umirap. “E’di ibigay mo sa kan’ya ‘yong kumpanya at ang mafia. Akala mo ba ay maghahabol ako rito sa yaman mong nakuha naman sa kasamaan?”

“Yamang nakuha ko sa kasamaan pero ginagamit mo rin at ng nanay mo, Vivianne,” sagot ni Alfred. Malalim at nakatatakot ang tono ng boses nito. “Kung wala itong pera ko ngayon, akala mo ba ay mapagagamot mo si Ella? Kahit umiyak ka ng dugo ay hindi mo kakayaning makuha ang halaga para mapanatilin
Iwaswiththestars

Nagbago na po ang isip ko. I-upload ko na lang pala siya hahahaha. Enjoy reading po! ❤

| Sukai
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status