Storm POVInaayos ko ang mga papeles na tapos ko ng mapirmahan para malaman ko kung ano pa ang mga wala ng makarinig ako ng mga boses na parang nagsasagutan sa labas. Kakabalik lang din kasi namin ni Bea dahil naglunch kami sa labas.Nang una ay hindi ko na binigyan pansin dahil baka may kausap lang si Bea pero ng makilala ko ang isang boses ay nagtaka ako. Ano na naman ang ginagawa niya dito?Nilapag ko muna ang hawak kung dokumento at agad na tumayo para tingnan kung ano ang nangyayari sa labas, baka mamaya ay mag away pa ang dalawang 'yon dito. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko silang dalawa na nagsasagutan at halatang hindi pa ako napapansin.Nag init ang ulo ko ng makita kung sinampal ni Kaye si Bea pero gumanti din naman ito sa kanya ng sampal. "What's going on here?" pagsasalita ko at agad naman napatingin sila sa akin.Lumapit naman sa akin si Kaye habang hawak hawak ang kanyang pisngi. "Tingnan mo ang ugali ng sekretarya mo Storm, tinanong ko lang naman kung nandito ka dahil
Beatrice POV Nang pumasok na ulit si Storm sa kanyang opisina ay sinunod ko naman ang inutos niya, nakakainis talaga ang babaeng 'yon alam kung ex siya at may pinagsamahan sila pero kung makapagsalita akala mo kung sino siya. Nasa kanya na noon iniwan niya tapos ngayon maghahabol siya kung kailangan masaya na 'yong tao. Pagkatapos kung itimpla ang kape ay agad na akong sumunod sa opisina ng boss ko dahil alam kung mainit na naman ang ulo no'n dahil sa nangyari. Ayaw pa naman no'n na magkaroon ng gulo o issue lalo na dito sa kompanya. Nang makapasok na ako sa loob ay nakita ko siyang nagtitipa sa kanyang laptop. "Ito na 'yong kape mo." pagkuha ko sa atensyon niya at nilapag sa mesa sa may sofa ang dala ko. "Stay there, I'll just finish this." anas niya kaya umupo na lang muna ako. Mayamaya pa ay tumayo na siya at naglakad palapit sa akin. "Why did you that?" tanong nito. Napatingin naman ako sa kanya ng makaupo siya sa tabi ko. "What do you mean?" tanong ko pabalik. "Alam mo kung
Nigel POVKasalukuyang nandito kami ngayon ni Kiara sa isang restuarant habang hinihintay sina Storm at Bea. May usapan kasi kami na magdidinner dahil halos hindi na kami nagkikita dahil sa busy ng mga trabaho namin, kakarating lang din kasi nitong girlfriend ko dahil may pumunta siya ng ibang bansa."Bakit ba ang tagal nila kuya? Tinawagan mo ba siya?" naiirita na tanong sa akin ni Kiara."I already told him babe, baka natraffic lang sila. Alam mo naman na ayaw din ng kapatid mo ang ma late, kaya chill ka lang diyan." saad ko.Mayamaya pa ay natanaw ko na ang dalawa na kapapasok lang sa restaurant. Pustahan at magdadaldal na naman itong kapatid ni Storm dahil kanina pa siya paany reklamo. "Sorry, we're late natraffic kasi sa daan." anas ni Storm ng makalapit sa amin at agad niyang hinalikan sa pisngi ang kanyang kapatid."Mabuti naman at nandito na kayo dahil 'yang kapatid mo kanina pa nagrereklamo dahil wala pa kayo." natatawang wika ko."Ang pagkakaalam ko madalas ang malate sa at
Kaye POV Inis na inis ako ng makauwi ako sa condo ng kaibigan ko, akala ko kapag umiyak ako sa harapan niya ay maaawa siya sa akin pero hindi nangyari ang bagay na 'yon dahil talagang pinamukha niya sa akin na hindi niya na ako mahal kung hindi ang babaeng 'yon. Hindi ako papayag na basta na lang mawala sa akin ang lalaking mahal ko, ako ang nauna sa buhay niya at hindi ang Bea na 'yon. Hindi ako titigila hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko. Kailangan mawala sa landas ko ang babaeng 'yon. "Oh bakit ganyan ang mukha mo? Don't tell me rejected ka na naman ni Storm? Girl wake up na, sinabi ko naman sayo na nakamove on na 'yang ex mo eh." biglang saad ni Lovely na kararating lang din. "Ang babae na 'yon akala mo kung sino kung umasta, akala mo may karapatan siya!" inis na wika ko. Napakrus arm naman sa akin ang kaibigan ko at tiningnan ako nito ng seryoso. "Nababaliw ka ba? Malamang friend may karapatan siya kasi girlfriend siya ni Storm. Ewan ko ba naman kasi sayo kung bakit aya
Kaye POV Simula ng maging okay kami ay kahit papaano kinakausap niya ako, minsan dumadalaw ako sa bahay nila o kaya sa kanyang opisina hindi ko kasi alam kung saan ang condo niya dahil bago na ito hindi ang dating alam ko. At dahil wala naman akong choice kaya nakipagkaibigan na din ako kay Beatrice kahit na ayaw ko, kung 'yon ang paraan para mas mapalapit ako Storm ay gagawin ko. Isang buwan na ang lumipas pero masasabi ko na mas nahihirapan akong kunin ang loob niya at mas nakakairita pa kapag nakikita ko silang sweet ni Bea, ganyan din siya sa akin noon at mukhang sa nakikita ko ay mas mahal niya na nga ang babaeng 'to kaysa sa akim dahi; may mga bagay siyang nagagawa na kahit kailan ay hindi niya nagawa sa akin ng kami pa. At ngayon ay papunta ako sa kanyang opisina at himala dahil wala dito si Bea, hindi kaya nasa loob ito? At para malaman ko ay kumatok ako ng tatlong beses at saka binuksan ang pinto. Nakita ko si Storm na seryosong nagbabasa ng mga papeles. Hmmm. Nasaan na kay
Kaye POV Nang makarating ako sa lugar na pupuntahan ko ay mabilis akong nagbayad sa taxi at saka bumaba. Naglakad ako papunta sa boutique kung nasaan ang taong sadya ko. At pagpasok ko ay tinanong ko ang isang babae kung nasaan ang boss niya at iginaya niya naman ako papunta sa opisina nito. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakaupo habang may pinipirmahan na mga dokumento. Napatingin naman ito sa akin ng tumikhim ako. "Hi ate." bati niya. "Hello, busy ka ba?" tanong ko sa kanya. "Hindi naman, chinecheck ko lang itong mga new designs. Bakit ka nga pala napadalaw?" inilapag niya ang hawak niyang folder at saka tumingin sa akin. Bumuntong hininga naman ako. "Kailangan kitang makausap tungkol sa kapatid mo Kiara." seryosong anas ko. "What about him? May problema ba?" "Tulungan mo akong paghiwalayin sila ni Bea." diretsong saad ko. Kumunot naman ang kanyang noo. "W-what? Akala ko ba ay nakapag usap na kayo ng kapatid ko ate. Buong akala ko ay naka move on ka na." "Okay na kami ni S
Kiara POVIt's been a week simula ng kausapin ako ni Ate Kaye, halos hindi ako makatulog ng maayos sa kaiisip dahil sa mga sinabi niya sa akin, dapat nga ay wala akong ikabahala dahil wala naman kami ni Nigel ng mga panahon na 'yon and it was a mistake dahil lasing ako pero alam kung magagalit pa rin siya sa akin.Alam kung napapansin na din ni Nigel ang pagkabalisa ko pero kapag nagtatanong naman siya ay madalas kung sinasabi na pagod lang ako sa work at mukhang naniniwala naman siya. Ilang beses na din akong tinawagan ni ate Kaye para tanungin kung ano ang desisyon ko.I don't want to hurt my brother and I don't want to hurt Nigel also, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil kahit pagbaliktarin ko man ang mundo ay alam kung may masasaktan ako sa magiging desisyon ko. Kasalukuyan akong nasa isang park kasama si Bea, wala na akong ibang maisip na paraan kung hindi ito lang. Mukhang wala na sa tamang pag iisip ang ex ni kuya at hindi ko alam kung ano pa ang pwede niyang gawin."Bakit g
Beatrice POVLutang pa rin ang isip ko hanggang sa makaalis si Kiara, hindi ko alam kung bakit gano'n ang mga sinabi sa akin ni Kiara pero napagtanto ko na may punto siya. Alam kung pinoprotektahan niya lang ang kapatid niya. Hindi ko naisip ang bagay na 'yon na pwedeng makasama ako sa reputasyon ni Storm, siguro sobrang na focus ako sa relasyon naming dalawa at sa pagmamahal ko sa kanya.Hindi naman sinabi ni Kiara na ayaw niya sa akin para sa kapatid niya, ang sinabi niya lang naman ay baka hindi pa ito ang tamang oras para sa relasyon namin. Kitang kita ko sa kanyang mga mata na nahihirapan din siya sabihin ang bagay na 'yon sa akin.Marahil ay tama siya, kailangan ko muna na lumayo kay Storm para sa kapakanan nito. Masyadong mataas ang pamilya nila para sa isang katulad ko. Siguro kung kami talaga ang para sa isa't isa ay tadhana na ang gagawa ng bagay na 'yon. Oo nga at nangako ako kay Storm na hindi ko siya iiwan pero hindi naman ako papayag na masira ang reputasyon ng pamilya n
Kiara POV This is the day! Ito na ang araw ng kasal ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan, masaya, natatakot. Tapos na akong ayusan ng make up artist na kinuha ni kuya sa akin at suot ko na din ang wedding gown ko. "You look tense." napatingin ako sa kapatid ko na nakaupo sa gilid ko. "Kinakabahan lang ako kuya." saad ko. "Saan? Na baka hindi ka siputin ni Nigel? Huwag kang mag alala kasi hindi mangyayari ang bagay na 'yon, subukan niya lang gawin at hindi niya na kayo makikita ni Chase." biro niya kaya napairap na lang ako. "Manahimik ka na lang kuya, hindi nakakatulong 'yang sinasabi mo." Natawa naman siya at saka lumapit sa akin. "Calm down Ki, it's your special day. Ako nga hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala na ikakasal na ang kapatid ko sa kaibigan ko. Parang kailan lang sanggol ka pa na alagain eh, tapos sinasamahan pa kita palaging bumili ng paborito mong mga books at saka sweets tapos mamaya ay ihahatid na kita sa altar, ipapaubaya na k
Kiara POV Limang buwan na ang nakalipas simula mangyari ang lahat sa buhay namin, laking pasasalamat ko dahil hind nagkaroon ng trauma ang anak ko at mabilis niyang nakalimutan ang nangyari sa kanya. Nagbakasypn din kami dahil 'yon ang gusto ni Nigel para magkaroon din kami ng oras bilang isang pamilya. Tungkol naman kay Kaye ay simula ng maging okay siya ay agad siyang sumuko sa mga pulis, ilang beses din siyang humingi ng tawad sa aming lahat at handa siyang pagbayaran ang kasalanan na ginawa, pero maiksi lang ang sentenya sa kanya dahil hindi na kami nagsampa ng kaso, si kuya lang talaga ang nagtuloy. Kahit naman may ginawa siyang mali sa amin ay ramdam naman namin ang kanyang pagsisisi at handa naman siyang magbagong buhay ulit, unti unti niya na din tinatanggap wala ng pag asa na magkabalikan pa sila ng kapatid ko. Nakausap niya na din ang kanyang mga magulang at sa oras na makalabas na siya ng kulunan ay isasama na siya nito sa ibang bansa. Habang si Vina naman ay tuluyan ng nak
Kiara POV Simula ng lumabas kami sa kwarto ni Kaye ay napansin kung tahimik lang si Nigel, hindi ko tuloy alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Umupo ako sa tabi niya habang si kuya naman ay nagpaalam para puntahan si Chase. "Are you okay babe?" tanong ko. "I'm fine babe, may iniisip lang ako." "Dahil ba sa sinabi ni Kaye?" tanong ko pa. Tumingin naman siya sa akin. I can clearly see the guilt and sadness in his eyes. "Babe, what are you really thinking? Hmmm." dagdag ko pa at hinawakan ko ang kanyang kamay na kanina ko pa napapansin na nakakuyom. "Iniisip ko lang ang nangyayari sa atin. Kasalanan ko ang lahat ng ito, pati anak natin nadamay na." narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya "Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo Nigel." malambing na turan ko. "Why not? Ako naman talaga ang dahilan kung bakit naranasan mo ang lahat ng 'yon diba? Nagawa 'yon ni Vina dahil sa akin, dahil sa putanginan pagmamahal niya sa akin. Ang gago ko lang dahil nagawa kitang talikuran n
Storm POV Ako na ang nagpresentang sumama sa mga pulis, dinala na muna si Kaye sa hospital para mapagamot dahil may tama ito. Samantalang si Nigel at Kiara naman ay inasikaso ang kanilang anak para patingnan kung nagkaroon ba ito ng trauma. Kasalukuyan akong nasa harap ni Kaye ngayon, katatapos lang siya magamot at nagapahinga na. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa kapatid at pamangkin ko pero hindi ko naman kaya manakit ng babae, alam niya naman ang kakahantungan niya dahil sa ginawa niya. "Storm," mahinang tawag niya sa akin pero hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kanya. "I-im sorry, a-alam kung hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa mga nagawa ko sa inyo ng kapatid mo. Masyado lang akong nabulag sa pagmamahal ko sayo kaya nakagawa ako ng mali. T-tama ka nga, kung talaga mahal kita ay hindi ko magagawang saktan ang mga taong mahal mo." dagdag pa nito. "But you did it Kaye, you know how important Kiara to me. Siya na lang ang natitira kung pamilya at hindi
Kiara POV Kinabukasan ay maaga akong nagising at naalala ko na naman ang anak ko, kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto at saka bumaba. Naabutan ko sa sala ang kapatid ko, si Nigel at ang mga pulis. Wala na sina Tita Calliyah at Tito Dark. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Nigel. "How's your sleep?" tanong nito sa akin "Not fine at all, hanggang sa pagtulog naiisip ko pa din ang anak natin. Natulog na ba kayo? Anong balita? Binigay ba ni Kaye ang address gaya ng sinabi niya?" tanong ko Mabilis naman siyang umiling. "Wala kaming natanggap galing sa kanya, mabuti na lang at naitrack ng mga pulis kagabi ang lokasyon niya habang nag uusap kayo." Kumunot naman ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ba at sinabi niya sa akin na ibibigay niya ang address kung nasaan sila?" tanong ko sa kanya, nawala kasi sa isip ko ang bagay no'n dahil sumama ako kay Tita umakyat kagabi pero iniwan ko naman ang phone ko kay Kuya. "Iniisip namin na nagbago ang isip niya, marahil ay wala siy
Kiara POV Kanina pa kami aligaga dito sa bahay dahil hanggang ngayon ay wala pa din ang anak ko, ilang beses na kaming tumawag sa school at kahit ang driver ng bus ay sinabi na hindi sumakay ang anak ko dahil may nagsundo dito at nagpakilala na relatives ng bata. Galit na galit kami ni kuya dahil sa kapabayaan ng eskwelahan. Kanina pa ako umiiyak dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko, mabuti lang at hindi ako iniwanan ni Nigel habang si kuya naman ay nakikipag usap sa mga pulis. Isang tao lang ang iniisip namin na pwedeng kumuha sa anak ko. "B-babe, paano kung masaktan si Chase?" umiiyak na saad ko. "That won't happen babe, sa oras na saktan niya ang anak natin ay may paglalagyan siya sa akin." madiin na wika ni Nigel. "Kakasuhan ko talaga ang eskwelahan na 'yan! Tangina!" rinig kung sigaw ni Kuya. "Ang mabuti pa babe, magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala dito. Mayamaya naman ay nandito na din sina Dad at Mom." saad ni Nigel pero umiling lang ako. "Ayaw ko, gusto ko nand
Lovely POVNandito ako ngayon sa bahay nila Storm at nandito din pala ang fiance ni Kiara, alam ko na isang pagtataksil ang gagawin ko sa kaibigan ko pero gusto ko silang balaan sa kung anong pwedeng gawin sa kanila ni Kaye lalo na at hindi ko na siya kayang pigilan."Totoo ba 'yang sinasabi mo? So alam mo kung nasaan siya?" tanong ni Storm sa akin.Mabilis naman akong umiling. "Nakausap ko lang siya one time sa tawag pero 'yon na din ang huli, sinubukan ko siyang kausapin na sumuko na lang siya at humingi ng tawad sa inyo pero mukhang desidido talaga siyang hindi magpahuli." sagot ko sa kanya, ang gusto ko lang naman ay balaan sila pero hindi ko sasabihin na alam ko kung nasaan ang kaibigan ko."Nabanggit niya ba sayo ang susunod niyang gagawin?" tanong naman ng fiance ni Kiara na si Nigel.Umiling naman ako. "Sa totoo lang ay wala akong alam sa kung ano ang iniisip niya, kaya ako nagpunta dito para mabalaan lang kayo. Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko dahil kahit na akon
Storm POV Kanina pa ako nagpipigil ng galit ko dahil sa nalaman ko, hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ang bagay na ito sa kapatid ko. Hindi ko siya mapapatawad! Sisiguraduhin kung pagbabayaran niya lahat ng ginawa niyang kasalanan sa buhay namin. At dahil sa gigil ko ay hindi ko napigilan ang hindi suntukin ang isa sa lalaking gumawa ng katarantaduhan sa kapatid ko, mabilis naman akong inilayo sa kanya ng mga pulis. "Siguraduhin kung mabubulok kayo sa kulungan!" sigaw ko. "Huwag kayong mag alala Mr. Alcantara dahil hindi sila makakaalis dito at gagawin namin ang lahat para mapabilis ang paghuli sa nag utos sa kanila." Nag usap pa kami tungkol sa kaso hanggang sa nagpaalam na akong aalis, kung sa tingin niya ay makakapagtago siya ng matagal ay nagkakakamali siya. Handa akong magbayad kahit na magkano para maipakulong lang siya. "What happened baby?" tanong sa akin ni Bea ng makapasok ako sa sasakyan, hindi ko na kasi siya isinama pa sa loob. "Si Kaye ang nagbayad para ga
Nigel POV It's been a month simula ng makalabas ako ng hospital at naayos ko ang pamilya na meron ako. Sinabi ko na din kay Storm na balak ko ulit mag propose kay Kiara at mabuti na lang pumayag siya. Akala ko kasi ng una ay hindi niya na ipagkakatiwala sa akin ang kapatid niya. Bumili na din ako ng bahay para sa amin pero hindi ko pa ito nasabi kay Kiara dahil plano ko na lilipat kami pag kasal na kami, ayaw ko na kasi na mangyari na naman ang kung anong nangyari noon. Nangako na ako na kahit ano pang hindi pagkakaunawaan namin ay kailangan pag usapan muna, we need to trust each other. "Anong nangyayari sayo? Bakit namumutla ka?" natatawang untag sa akin ni Storm, siya kasi ngayon ang kasama ko. "Kinakabahan kasi ako, paano kung hindi pumunta ang kapatid mo?" saad ko. "Kung hindi siya pupunta edi walang proposal na mangyayari, gano'n lang 'yon ka simple." "Tangina mo talaga, hindi ka matinong kausap. Napapaisip na talaga ako na mas sasaya ka kapag hindi natuloy itong pinaghandaa