POV- ARIA Ngayon ang kasal namin ni Jared, pumayag na ako para kung sakaling mahanap ako ni Fucklers ay hindi na n'ya ako makukuha pa. Napag usapan naman naming dalawa ni Jared na hindi kami magsasama sa isang silid hangga't hindi namin mahal ang isa't isa. "Congratulations! .......Ang ganda mo namang ikakasal na buntis. Ako kaya kailan ikakasal sa tamang lalaki." Wika ni Szai ng pumasok dito sa silid na pinagbihisan at ayosan sa akin. "H'wag ka ng umasa Szai, Wala pang lalaking tanga ang magpapakasal saiyo. Hayaan mo ipagdadasal ko na sana ay may magkamali pa saiyo." Ani ko. Habang pinagmamasadan ko ang aking sarili sa salamin."Kahit kailan talaga napaka sama ng ugali mo, kulang na lang sabihin mona, h'wag na akong mag asawa dahil pangit ako."Tara na nga, labas na tayo. Naghihintay na sina Daddy sa Harden. Baka maglupasay pa si Jared kapag hindi n'ya ako nakita." Pag aya kona lang kay Szai. Natawa naman ang kaibigan ko sa tinuran ko.Sabay na kaming lumabas ni Szarina sa silid,
POV- ARIA. Kabuwanan kona ngayon at ng aking Kaibigan, Akalain mo pareho pa talaga kaming nabuntis ng magkaibigang diyablo at ito pa, pareho pa ng buwan. Kaya napag usapan namin na hindi namin aalamin ang gender ng magiging anak namin. "Yaya Pasing, nasaan po si Jared?" Tanong ko kay yaya Pasing ng makita ko s'ya sa kusina. "A,si Senyorito po, nasa puno po ng mangga pinapa spreyan ng insecticide para mawala po yong mga langgam na namamahay. Dahil ang gusto po n'ya ay bago kayo manganak ay maiakyat daw n'ya kayo ni ma'am Szarina ng manggang kalabaw." Sagot sa akin ni yaya Pasing. "Ganun po ba, sege po puntahan ko na lang po s'ya." Sagot ko. "Ihatid na po kita senyorita. "Sege po yaya. "Sobrang laki na ng tiyan mo, Tingin ko hindi lang iisa ang magiging anak mo. "Paano nyo naman po nasabi yaya? "Dahil nararamdaman ko. Tamo, hindi ito pangkaraniwan na nakita ko na sukat ng tiyan sa ibang nagbubuntis na babae. "Ano po sa tingin nyo, ilan ang laman ng aking tiyan? "Naku senyori
POV- Aria "Mommy! mommy! si Aslan napaka kulit talaga." Sumbong ng anak kung si Asher. "Ang arte mo, dumantay lang naman ako saiyo." Katwiran ng makulit kung anak na si Aslan. "Tumahimik nga kayong dalawa, hindi nyo ba nakikita na natutulog ako." Saway ng isa ko pang anak na si Adam. Tumingin ako sa isa kung anak na si Aston na tahimik lang na nagbabasa ng paborito niyang book na Harry Potter. Walang pakialam sa mga kapatid niyang nagtatalo na sa harapan niya basta patuloy lamang siyang nagbabasa ng libro. Habang lumalaki ang mga anak ko ay nakakahawig nila ang kanilang ama na si Fucklers. Sa Quadro kung anak, si Adam Fucklers (Eydam) ang panganay, napaka masungit na palaging seryuso at moody ito na namana sa kanyang ama. Si Asher Fucklers na pangalawa naman ay sobrang lambing palaging naka I love you mommy, Lolo at brothers sa amin hindi ko alam kung saan n'ya ito namana dahil wala naman nito si Fucklers at hindi rin naman sa akin. Ang pangatlo ko naman na si Aslan Fucklers
POV- FUCKLERSSa nakalipas na limang taon pagkatapos isilang ang dalawang anghel na iniwan sa amin ng aming kapatid na si Regina ay sa Los Angeles California kami nanirahan pansamantala, pero umuuwi ako minsan sa Pilipinas kapag may mahalagang nagaganap sa sinalihan kung organization na pinamumunuan ng isang mabagsik na babae na si TDQ. Ngayon ay pauwi na kami ng Pilipinas sa hindi inaasahan ay may dalawang bata na lalaki ang biglang may lumapit sa akin at sinasabing ako ang kanilang ama. Umiyak ang aking pamangkin dahil ayaw n'ya na may kapatid s'yang iba ang gusto ay sila lamang ang baby ko. Ang kapatid ko naman na si Adora ay nagpaalam kanina na gagamit mona ng banyo bago lumipad ang eroplanong sinasakyan naming pauwi.Naupo ako at pinantayan ko ang dalawang bata, may kung anong saya akong naramdaman ng tinawag nila akong Daddy."Adam, Sabi ni mommy ang Daddy daw natin ay matagal ng nalunod sa sabaw kaya si Daddy Jared na ang Daddy natin ngayon." Wika ng isang pilyong bata na panay
POV- FUCKLERS "Urgh!!!! Baliw ka talagang babae ka." Galit kung sigaw, "Akala mo makakatakas ka pa sa akin. Shit ang itlog ko napisa na yata. "Mas baliw ka, pinipilit mo ang isang bagay na hindi mo naman pag aari Fucklers. Akala mo hindi ko malalaman na ikaw ang may ari ng club na pinasukan ko noon, kilala mona ako noon pa, kaya ba nakasuot ka din ng maskara at master F ang pakilala mo sa akin para hindi kita makilala at makuha mo ang gusto mo sa akin. Kung kaya mong bilhin ang lahat ng nagugustuhan mo, pwes simula ngayon ng matagpuan ko ang sarili kong ama ay kaya na kitang tapatan sa lahat ng bagay ultimo salapi mo ay kaya kong tapatan o mas sabihin kong kaya ko pang higitan. Malaki na ang pinagbago ko Fucklers, Hindi na ako ang Aria noon na nakilala mo na lahat na lang ng bagay sa mundo ay pinoproblema ko dahil sa salat kami. H'wag mona akong guluhin pa Fucklers dahil pagod na pagod na ako sa mga naging karanasan ko noon, ang lahat ng iyon ay ibinaon kona sa limot kaya please la
POV- ARIA"Salamat sa paghatid mo sa amin ng mga anak ko." Pasasalamat ko pinagdiinan ko pa talaga sa kanya ang salitang mga anak ko. Tumingin ako sa katabi niyang babae na ngayon ko lamang nakita. "Salamat, utang na loob ko ang paghatid ninyong mag asawa sa amin..... Ang gaganda ng anak ninyo, kamukhang kamukha mo." Saad ko."Ano kaba, wala iyon tsaka hindi ko....,.. Hindi na natuloy ang sasabihin ng babae ng biglang sumingit si Fucklers."Pumasok na kayo sa loob, masyadong mainit dito sa labas naiinitan na ang mga bata. Pakisabi kay Red magkita kami mamaya sa dating tagpuan ng tropa."Okay, Salamat." Sagot ko na lamang at nag doorbell na ako. Isang maleta lang naman ang dala ko, mga personal na kailangan lang namin kaya hindi ako masyadong nahihirapan.Umalis narin sina Fucklers. Ang bigat ng aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan, sobrang ganda ng asawa niya pati ang mga anak niya. Mga ilang minuto lang ang paghihintay namin dito sa labas ng gate ay bumukas na ito."Kayo po pala
POV- ARIA "Hindi ako papayag sa gusto mo anak. H'wag ng matigas ang ulo mo. Kung anong sinabe ko iyon ang susundin mo." Maawtoridad na sabi ni Daddy sa akin."No, Dad. Malaki na ako at kaya kung ipagtanggol ang sarili ko. Kung ang iniisip mo po ang mga apo mo ay h'wag kayong mag alala dahil hindi ko sila pababayaan. Buo na ang desisyon ko na maging isa sainyo kaya wala na po kayong magagawa sa mga naging desisyon ko. Dalawa kami ng aking kaibigan ang aanib sa grupo ninyo." Katwiran ko."Sumasakit ang ulo ko saiyo Aria. Oli ikuha mo ako ng maiinum na tubig dahil sumasakit ang dibdib ko sa anak kong ito." Natawa ako sa sinabi ng aking ama sa akin. Iiling iling naman ng ulo si Oli habang palabas ng library."Akala mo ba tapos na tayo sa ginawa mong pag uwi dito sa Pilipinas ng hindi namin nalalaman. Paano kung natunugan kaagad kayo ni Avvielle na pauwi kayo ay di napahamak pa kayo." Sermon ni Daddy sa akin."I'm so sorry Dad, Hindi na mauulit po iyon." Nakayuko kung paghingi ng tawad. K
POV- ARIA "Aria, Sino ang lalaking yon na panay ang sulyap sa akin kanina pa?" tanong sa akin ni Ziri."A, si Oli, Yan ang tauhan na pinagkakatiwalaan ni Daddy at kaibigan ng asawa ko na si Jared. Type ka n'ya seguro kaya panay ang tingin n'ya saiyo." Kinikilig kong ani. Paano ba yan magkakaroon pa yata ng karibal ang aking pretending husband ko.Habang nagkukwentuhan kami ni Ziri ay ang mga anak ko ay naglalaro, kalaro ang kanyang daddy lolo.Hindi na nakatiis pa si Oli, ito ay lumapit na sa amin ng aking kaibigan."Hi!" Bati ni Oli kay Ziri. Octavius Bautista." Pakilala nito kay Ziri sabay lahad ng kanyang kamay."Hello!" Ganting bati ni Ziri kay Oli. Zafira Ziri Buenaventura." Pakilala din ni Ziri. Kumunot ang noo ni Oli sa sinabe ni Ziri at kumuyom ang kamao nito. "Kaano ano mo ang mag asawang Roberto at Emely Buenaventura? Seryuso na tanong ni Oli kay Ziri, pero may tumakas na luha sa gilid ng kanyang mata. "Paano mo nakilala ang Inay at ang Itay ko?" Nagtatakang tanong din n
POV- Fucklers Nasa meeting ako ng tumawag sa akin si Scotch. Si Scotch mona ang pansamantala ang nagbabantay sa quadro habang wala pa akong nakikitang makakatuwang ng asawa ko sa kambal, kaya si Mary Ann mona ang katuwang nito habang nasa trabaho ako. Nasa prinsipal office daw ang aking apat na anak at pinapatawag daw ang magulang ng mga bata. Kinder na ang Quadro sa public school, gusto ko sanang sa exclusive school sila dito sa Manila pag-aralin kaso ayaw pa ng asawa kong umalis ng Siniloan Laguna. Napakamot naman ako ng aking kilay, ito na seguro ang simula ng delubyo ng aking buhay dahil sa apat kong mga anak na lalaking pasaway, tatlong araw pa lamang sila na pumapasok ay nakipag away na kaagad itong anak kong si Aslan sa kanyang ka klase. Hindi naman pwedeng ang asawa ko ang papuntahin don dahil baka mabenat ito, dalawang linggo pa lamang ito buhat ng manganak sa anak naming kambal na babae. Pagkatapos ng meeting namin ay nagmamadali na akong nagpaalam sa mga kasosyo ko sa ne
FUCKLERS POINT OF VIEW. Pagkatapos ng isang linggong honeymoon namin sa France ay umuwi kaagad kami at dito na kami dumiritso ng uwi sa Siniloan Laguna. Dito na kami sa Siniloan pansamantala naninirahan habang pinagbubuntis ng mahal kong asawa ang kambal naming anak, hindi pa namin alam ang gender ng mga ito, pero sana ay mga babae na, ayaw ko ng madagdagan ang sakit ng ulo na ibibigay sa akin ng Quadro kong anak na puro lalaki kapag sila ay mga binata na.. Lumuluwas lang ako ng Maynila kapag may mahalagang meeting sa kumpanya, hindi na rin mona ako pumupunta sa organization na sinalihan ko dahil gusto ko sa pagkakataong ito ay makasama ko ang mahal kong asawa habang nagbubuntis ito, gusto kong bumawi sa kanya ngayon dahil nong pinagbubuntis niya ang quadro hanggang sa maisilang niya ito ay wala ako sa kanyang tabi. Pinagmamasdan ko ang aking mag-iina habang nagdidilig ng mga halaman. Mamaya na ako makikisali sa kanila pagnaubos kona ang iniinum kong kape dahil ayaw na ayaw ng asaw
Third Person. Ang lahat ay nasa reception na, lahat sila ay abala sa pagsasalo-salo. Pagkatapos kumain ang lahat ng mahahalagang tao, mga kaibigan, magulang at kapatid ng mag-asawa ay nagbigay ng maiksing mensahe para sa bagong kasal... Ngayon ay may inihandang sorpresa ang quadro para sa kanilang mommy at daddy. Napuno ng palakpakan ng nasa gitna na ang mga bata. "Mommy, Daddy. Mahal na mahal po namin kayo, kaya po ay may ginawa po kaming magkakapatid na sorpresa para sainyo. Music maestro." Pagsalita ni Adam na panganay sa quadro. Gwapong gwapo sila sa suot nila. Sinalang na nga ang kantang 'Totoy Bibo' ni Vhong Navarro. Lahat ay napapahanga sa sayaw ng quadro, halos maiyak naman si Aria dahil sa sorpresa ng mga anak nila sa kanila, hindi nya alam na may ganito pa lang talent ang mga anak niya. Nasa kalagitnaan na ang pagsayaw nila ng lapitan nila si tatay Florante, at si Daddy Juanito, Lolo Delfin. Wala ng magawa ang tatlong Lolo ng dalhin sila ng mga apo nila sa gitna para sum
Bumukas muli ang bulwagan ng simbahan ng kaninang sinarado itong muli. Niluwa nito si Aria na napakaganda sa suot nitong wedding gown. Mula sa pwesto ng pari ay may lumipad na belo papunta kay Aria kaya ang mga tao sa loob ay humahangang nakatingin. Hawak ni Aria ang microphone at sinimulang kantahin ang 'I Choose You' habang naglalakad papasok ng loob ng simbahan. Ito ang napili niyang kantahin para ihandog sa magiging kabiyak niya. You're my always You're my forever You're my reality You're my sunshine You're my best times You're my anomaly And I'd choose you In a hundred lifetimes, I'd choose you In a hundred worlds, I'd find you Nagulat si Fucklers sa sorpesa sa kanya ni Aria. Panay ang punas niya sa kanyang luha dahil sa kantang inihandog sa kanya ng babaeng mamahalin nya habang buhay. Kinuha nito ang laylayan ng suot na tuxido ni Jeran at walang sabi sabing siningahan niya ito. Akala kase niya ay may nangyaring masama sa magiging kabiyak niya, mabuti na lamang
"POV- Aria Ngayon ang araw ng kasal namin ni Fucklers Dax Montefalco. Hindi ko akalain na darating ang pinaka masaya at importanteng araw sa buhay ko, seguro mas sasaya ako ngayon kung kasama kong maglalakad sa loob ng simbahan ang mama ko kung buhay pa nga ba ito. Napabuntong hininga na lamang ako habang nakaharap sa salamin na tinitingnan ang aking kabuoang itsura. "Madam, Ganda. Ang lalim naman naman po yata ng pagbuntong hininga ninyo? parang ang hirap abotin." Nakangiti na tanong sa akin bg baklang nag ayos sa akin. Simpleng ngiti ang ginawad ko sa kanya bago ko siya sinagot. "Masaya lang ako ngayong araw dahil matutupad na ang pangarap ko na maikasal sa taong pangarap ko at mahal na mahal ko." Sagot ko kay Paula, ang mga kasama naman nitong mag aayos ay nililigpit na ang ilan nilang kagamitan. "Napaka swerte nyo nga po ma'am dahil bukod sa gwapo na ang magiging husband mo ay mabait pa. At mukhang malaki pa ang kanyang, alam mona madam Ganda." Kinikilig pang paghanga ng bakla
POV- Fucklers Hindi ako natuwa ng sa mansyon nila Red si Aria at ang mga bata mamalagi ng isang linggo bago ang kasal namin. Bwisit na Red yan may nalalaman pang pamahiin, may araw din sa akin yang sira ulong yon. Namimiss ko na sobra ang asawa at ang mga anak ko kahit dalawang araw pa lang na hindi ko nakikira, isang beses tinangka kong umakyat ng bakod para sana akyatin ang terasa ng kwarto ni Aria. Ang siraulong Red, matalino alam niya seguro na gagawin ko kaya nanigurado. May asong malalaki ang nakabantay sa loob ng bakud at hinabol ako ng hinabol at kinahulan ng malaking aso hanggang sa magising si Red nakita akong nakikipagpatintero ng takbo sa alaga niyang mga aso. Imbis na tulongan ako sa alaga niyang aso ay pinakawalan pa niya ang isa pang aso kaya halos masubsob ang mukha ko sa semento kakatakbo, nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas ako sa mansyon ng sira ulo kong kaibigan. "Seguro naman ngayon ay magtatanda kana, isang linggo mo lang hindi makikita ang kapatid ko a
POV- Aria. Sa makalawa na ang kasal namin ni Fucklers. Naandito kami ngayon ng mga anak ko sa Mansyon ng kuya Red ko kasama si Yaya Mary Anne. Mabuti na lang pagkatapos ng dalawang buwan ay bumalik kaagad sa mansyon ni Fucklers, pero huwag ka di naman sya gaano makapal ang pagmumukha humiling sya sa akin na kunh pwede ay gawin ko syang isa sa mga abay ko at si Boyet ang kanyang partner nariyan naman daw si yaya Isyang na mag aalaga ng mga anak namin. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag na lang dahil unang beses daw niya itong mararanasan na mag abay sa kasal, malapit na daw siya mabura sa kalendaryo kaya daw kinapalan na niya ng mukha na magsabi sa akin. Halos magwala si Fucklers sunduin kami ni kuya Red sa mansyon ni Fucklers, ayon daw yon sa kasabihan ng matatanda na dapat bago ang araw ng kasal ay dapat hindi kami magkita sa loob ng isang linggo. Pumayag na lang din ako para kahit papaano ay makasama ko kahit isang linggo ang kapatod ko at sina Daddy at Lolo Delfin. Masaya ang
POV- Aria. Pagkauwi ko ng mansyon ay agad akong dumiritso sa kwarto namin ni Fucklers upang kalagan kona ito. Nakukonsensya na ako sa pagposas ko sa kanya. "Mahal," tawag nito sa akin. Gising pa ito at talagang hinintay pa ako, dalawang oras lang naman ako nawala kaya hindi naman nangalay seguro ang sweetheart ko. "Sorry, sweetheart. Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa ko saiyo. Bwisit kase yang kaibigan mo ang lakas makademonyo." Hinging paumanhin ko kay Fucklers at dali dali ko itong kinalagan, hindi naman ito umihi sa bote ng coke na tinali ko sa kanyang baywang. Salamat naman. "Ayos lang ako mahal ko, basta ikaw nanginginig pa ang tuhod ko hindi ako magagawang magalit saiyo. Dapat nga binitin mo pa ako para makaseguro ka lalo na hindi ko mabigyan ng warning ang kaibigan kong siraulo." Sabi sa akin ni Fucklers napangiwi naman ako sa kanyang sinabi, mukhang sumama pa ang loob sa akin ng sweetheart ko dahil sa ginawa kong pag posas sa kanya. "Sa sunod na lang sweetheart, kapag
POV- Aria. Galit na galit ako ng malaman ko na wala na sa puder ni Jeran ang kaibigan namin. Pagkatapos ng pinagsaluhan namin ay sinabe sa akin ni Fucklers kung ano ang pinag-usapan nila ni Jeran kaya heto ako ngayon, nagmamadaling nagbihis ng damit at nag video call ako sa group chat naming magkakaibigan at sinabi ko sa kanila kung ano ang sinabi sa akin ni Fucklers kaya naman sila ay umuusok din ang ilong sa galit dahil hindi namin makakasama ang kaibigan naming isa sa araw ng kasal ko. Pareho na nga kaming wala nung kasal ni Issa pati ba naman sa akin hindi parin kami kumpleto. "Naku! Ginagalit talaga ako ng ulikba na yon! Humanda siya sa akin bukas paparusahan ko siya! Hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kanya!" Galit na turan ni Marian. "Bakit pa natin ipagpapabukas kung pwede naman natin gawin ngayon." Sagot ko naman. "Support kita diyan kapatid, sabihin mo lang sa amin kung ano ang gagawin natin kay Jeran na ulikba na yon." Turan naman ni Rasselle sa sinabi ni Mari