POV- ARIA. Paano ko ba sasabihin sa Quadro ang katotohanan na ang Daddy nila ay buhay pa at hindi totoo na nalunod sa sabaw. Habang pinagmamasadan ko ang mga anak ko na naglalaro sa garden ay tumabi sa akin si Ziri. Hindi na sila nagpa DNA test dahil ang mismong kumopkop kay Ziri ang nagsabe ng totoo na magkapatid sila. Sinabe din nila ang buong katotohanan kung bakit lumuwas sila ng Manila na hindi alam ng mga kapitbahay nila sa kadahilanan na namatay ang tiyuhin ni tiyang Emely, Hindi na sila nakabalik ng probinsya dahil sa nakahanap ng trabaho ang T'yong Berto. Hindi naman daw nila inilayo si Ziri kay Oli bagkus ay hinintay pa nila ang pagsunod ni Oli sa Manila kapag ito ay nakabalik ng probinsya. Ang pagkakamali lang daw nila ay hindi nasabe kay Ziri na may kapatid sya. Ganun pa man ang naging pangyayari sa kanilang magkapatid ay hinayaan na lamang ni Oli kung nagsasabe ba ng totoo ang mag asawa, Ang mahalaga sa kanya ngayon ay kapiling na n'ya ang kanyang nag iisang kapatid na
Nagising ako na nakahiga na ako sa hospital bed. Narinig kong nag uusap si Daddy at si Jared tungkol kay Avvielle. Nagkunwari akong tulog parin."Jared, ano na ang balita sa bangkay ni Avvielle at sa kabit nito at sa mga kasamahan pa nitong babae? "Sinusunog na sila ng mga tauhan ni Lady boss, Dad. Tatawag na lang daw sila para ibalita saiyo kapag malinis na ang lahat. Pinapasabe ni Lady boss na kapag nakalabas na at magaling na si Aria ay dalhin na lang daw sila kasama pa ang dalawa nitong kaibigan para mag training sa Olonggapo."Kakausapin ko pa ang aking anak kung gugustuhin pa niya magsanay. Pakisabe na lang kay TDQ na h'wag niyang pababayaan ang anak kong si Red, sya na mona ang bahala sa kanya habang inaalagaan ko pa ang isa kong anak dito.Sino naman kaya ang TDQ na iyon na tumapos kay Avvielle at sa mga kasamahan nito. Bigla kong naalala ang aking mga anak kaya naandito ako dahil sa Fucklers na iyon. Kailangan kong maibalik sa aking piling ang mga anak ko, pero kailangan ko
POV- FUCKLERS.Halos matumba ako ng makita ko ang DNA test result na pinagawa ko sa kaibigan kong doctor na mga anak ko nga ang Quadro. Hindi na ako nagtagal sa opisina ng aking kaibigan dumiritso na ako sa mansion nila Aria. Akala ba niya matatakot ako sa mga sinasabe niya sa akin ng nagdaang araw na makasabay ko sila pauwi ng Pinas.Halos paliparin kona ang pagpapatakbo ng aking sasakyan, Ang mga tauhan ko ay nakasunod lamang sa aking likuran. Nakarating ako sa mansyon nila Aria. Hindi ko nagustuhan ang kanyang suot na hanggang tuhod lang ang inabot ng tela ng damit.Hindi kami nagkasundo ng araw na ito kaya sa plan B na ako mag usap na lang kami sa korte. Dumating ang araw ng huling pag uusap namin ni Aria. Hindi kona pinatagal pa, Anong silbi ng kaibigan kong Prisedente ng Pilipinas kong hindi n'ya gagamitin ang kapangyarihan niya. Napag alaman ko din na may problema silang kinakaharap kaya kinausap ako ni Tito Juanito. Nong una na pagkikita namin sa korte nagulat s'ya na ako an
POV- ARIA "Ouch! ayaw kona! huh! huh!" Umiiyak kong ani. "Ayan ang napapala ng matakaw at madamot sa bayabas, Ang bilis ng karma ano?" Pang aasar ni Szai, bweset na babaeng ito imbis na tulongan ako inaasar pa ako. "Mga hija, ano pang ginagawa ninyo d'yan? Bakit ang tagal ninyong lumabas na tatlo, may pag uusapan tayong importante. Kanina pa dumating ang mga mahahalagang tao na panauhin natin h'wag na ninyo pang paghintayin ng matagal, Lalo na ikaw Aria baka isipin ni Mister Montefalco ay pinapagandahan mo pa sya." Wika ni Daddy ng bigla na lang pumasok sa silid namin. Ang daddy talaga kung minsan parang kabote na bigla na lang sumusulpot. "Daddy naman, ano ba naman yang iniisip mo." Sagot ko habang naandito ako sa banyo na nahihirapang umiri. "Nasaan ang anak kong iyon? Tanong ni Daddy sa dalawa. "Nasa banyo po Tito, tinitibi dahil po sa kinain na bayabas kaya ayon po nahihirapan tumae kinarma po sa ginawa sa amin." Ani ni Ziri. "Ayan na nga ba ang sinasabe ko, kung kailan ma
POV- FUCKLERS Isang oras na kaming naghihintay sa paglabas ni Aria sa kanyang silid. Gusto ko s'yang kausapin tungkol sa mga anak namin kaya naparito ako sa Olonggapo. Kailangan n'yang makipag divorce kay Jared sa ayaw o sa gusto n'ya, wala s'yang karapatan na pakasalan ang ina ng mga anak ko. "Ang lalim naman ng iniisip mo, Si Aria ba ang laman ng utak mo? Akalain mo nga naman nagkaroon ka pala ng anak sa kaibigan ng asawa ng kaibigan natin. Ibang klase talaga ang kamandag ninyo ni Eutanes." Wika ni Jeran sa aking harapan. Napangiti naman ako sa kanyang sinabe, Tama nga naman s'ya, Pagkatapos ng limang taon na pagtatago sa akin ni Aria ay may mga anak na pala kami ng hindi ko alam. Ang hindi ko lang matanggap na katotohanan ay kasal sila ng business partner ko na si Jared, kinasal na pala ang hayop na iyon at sa ina pa ng mga anak ko."Ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong Mundo, biruin mo isang putok apat ang nabuo at puro mga barako pa na kasing gwapo ko." Nakangiti kong sag
POV- FUCKLERS "Dad, mukhang wala naman tayong importante na pag uusapan, balik na lang ako sa kwarto namin ng asawa ko, sumasakit pa ng kaunti ang tiyan ko..... Hon samahan mo naman ako." Paalam ni Aria sa kanyang ama at talagang pinagdiinan pa niya ang salitang asawa na hindi nagustuhan ng tainga ko at gusto pang kasama ang lintik na Jeran na ito. "Sege, Hija. Sa ibang araw na lang natin pag usapan ang ibang detalyo ng organization natin. Samahan mona Jared ang asawa mo sa silid ninyo" Sagot ni Don Juanito na hindi ko rin nagustuhan."Hindi pwede," Pigil ko dito, "Kailangan nating mag usap tungkol sa mga anak natin." Nakakunot noo ko pang ani. "Dude, sa ibang araw na lang din seguro. Kailangan magpahinga ng asawa ko, nakiki-.." Putol ko sa kanyang sinasabe. "Tumahimik ka, hindi ikaw ang kinakausap ko kaya h'wag kang mangialam dito." Galit kong ani. "Mister Fucklers Montefalco, Ipapaalalala ko lang saiyo baka nakakalimotan mo na kasal kami ng Ina ng mga anak ninyo kaya h'wag m
POV- FUCKLERS "Bitawan ninyo ako, gusto kong makausap ang amo ninyo! Hindi ako papayag na ilayo niya ang mga anak ko!!! Fucklers lumabas ka d'yan na diyablo ka!" Ito ang tagpo na inabotan ko sa labas ng Mansyon ko ang sigaw ni Aria habang inaawat ng aking mga security guard."Ma'am, h'wag na po kayong magulo dito, Wala po dito si Bossing." Wika ng security guard ko na pilit na inaawat. "H'wag nyo akong hahawakan sabe!" Galit nitong sigaw at binigyan ng isang uppercut na ikinatumba ng isa kong security. "Anong kagulohan dito? Maawtoridad kong tanong sa kanila na agad naman akong sinunggaban ni Aria ng isang suntok sa dibdib." Shit! ang lakas non a." Bulong ko. "Hayop ka, nasaan ang mga anak ko Fucklers!? H'wag na h'wag mong ilalayo ang mga anak ko!" Galit na galit nitong sigaw sa akin. "Kung hindi matigas ang ulo mo, hindi ko sana ilalayo ang mga anak natin saiyo.""Nasaan ang mga anak ko?" Ulit pa nitong tanong. "Wala sila dito, pero hindi ko sasabihin saiyo kung nasaan sila h
POV- FUCKLERS. Binuhat ko si Aria ng pa bridal style, "Kiddos mauna na kayo sa loob, h'wag kayong tatakbo." Sabe ko sa mga anak namin. Seguro mula Olonggapo pa nanggaling si Aria. Nakita seguro n'ya na wala na ako doon, kaya nagkukumahog na bumalik ng Manila gamit lang ang kanyang sasakyan.. Pagkatapos kase ng 12hrs na palugit na binigay ko sa kanya ay bumalik na ako dito, akala nya hindi ko tototohanin ang banta ko sa kanya. Maganda naman ang naging resulta kaya okay na rin. "Daddy, saan pong room ninyo si Mommy patutulogin,.di po ba ang mommy at Daddy ay magkatabi matulog. Wala naman po dito si Tita Adora kaya Kayo po mona ni mómmy ang magtatabi." Matured na sabe ni Adam. "Diba dapat iisa lang ang asawa ng Daddy, bakit po ikaw daddy dalawa sila?" Tanong ng mga anak ko. "Muslim kase ako anak, kaya dalawa ang asawa ko. Alam n'yo ba ang Muslim?" Balik tanong ko sa mga anak ko. Hindi kona rin alam kung paano ko ba sasabihin sa kanila na wala pa akong asawa at anak."Wow! Daddy....
POV- Fucklers Hindi ako natuwa ng sa mansyon nila Red si Aria at ang mga bata mamalagi ng isang linggo bago ang kasal namin. Bwisit na Red yan may nalalaman pang pamahiin, may araw din sa akin yang sira ulong yon. Namimiss ko na sobra ang asawa at ang mga anak ko kahit dalawang araw pa lang na hindi ko nakikira, isang beses tinangka kong umakyat ng bakod para sana akyatin ang terasa ng kwarto ni Aria. Ang siraulong Red, matalino alam niya seguro na gagawin ko kaya nanigurado. May asong malalaki ang nakabantay sa loob ng bakud at hinabol ako ng hinabol at kinahulan ng malaking aso hanggang sa magising si Red nakita akong nakikipagpatintero ng takbo sa alaga niyang mga aso. Imbis na tulongan ako sa alaga niyang aso ay pinakawalan pa niya ang isa pang aso kaya halos masubsob ang mukha ko sa semento kakatakbo, nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas ako sa mansyon ng sira ulo kong kaibigan. "Seguro naman ngayon ay magtatanda kana, isang linggo mo lang hindi makikita ang kapatid ko a
POV- Aria. Sa makalawa na ang kasal namin ni Fucklers. Naandito kami ngayon ng mga anak ko sa Mansyon ng kuya Red ko kasama si Yaya Mary Anne. Mabuti na lang pagkatapos ng dalawang buwan ay bumalik kaagad sa mansyon ni Fucklers, pero huwag ka di naman sya gaano makapal ang pagmumukha humiling sya sa akin na kunh pwede ay gawin ko syang isa sa mga abay ko at si Boyet ang kanyang partner nariyan naman daw si yaya Isyang na mag aalaga ng mga anak namin. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag na lang dahil unang beses daw niya itong mararanasan na mag abay sa kasal, malapit na daw siya mabura sa kalendaryo kaya daw kinapalan na niya ng mukha na magsabi sa akin. Halos magwala si Fucklers sunduin kami ni kuya Red sa mansyon ni Fucklers, ayon daw yon sa kasabihan ng matatanda na dapat bago ang araw ng kasal ay dapat hindi kami magkita sa loob ng isang linggo. Pumayag na lang din ako para kahit papaano ay makasama ko kahit isang linggo ang kapatod ko at sina Daddy at Lolo Delfin. Masaya ang
POV- Aria. Pagkauwi ko ng mansyon ay agad akong dumiritso sa kwarto namin ni Fucklers upang kalagan kona ito. Nakukonsensya na ako sa pagposas ko sa kanya. "Mahal," tawag nito sa akin. Gising pa ito at talagang hinintay pa ako, dalawang oras lang naman ako nawala kaya hindi naman nangalay seguro ang sweetheart ko. "Sorry, sweetheart. Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa ko saiyo. Bwisit kase yang kaibigan mo ang lakas makademonyo." Hinging paumanhin ko kay Fucklers at dali dali ko itong kinalagan, hindi naman ito umihi sa bote ng coke na tinali ko sa kanyang baywang. Salamat naman. "Ayos lang ako mahal ko, basta ikaw nanginginig pa ang tuhod ko hindi ako magagawang magalit saiyo. Dapat nga binitin mo pa ako para makaseguro ka lalo na hindi ko mabigyan ng warning ang kaibigan kong siraulo." Sabi sa akin ni Fucklers napangiwi naman ako sa kanyang sinabi, mukhang sumama pa ang loob sa akin ng sweetheart ko dahil sa ginawa kong pag posas sa kanya. "Sa sunod na lang sweetheart, kapag
POV- Aria. Galit na galit ako ng malaman ko na wala na sa puder ni Jeran ang kaibigan namin. Pagkatapos ng pinagsaluhan namin ay sinabe sa akin ni Fucklers kung ano ang pinag-usapan nila ni Jeran kaya heto ako ngayon, nagmamadaling nagbihis ng damit at nag video call ako sa group chat naming magkakaibigan at sinabi ko sa kanila kung ano ang sinabi sa akin ni Fucklers kaya naman sila ay umuusok din ang ilong sa galit dahil hindi namin makakasama ang kaibigan naming isa sa araw ng kasal ko. Pareho na nga kaming wala nung kasal ni Issa pati ba naman sa akin hindi parin kami kumpleto. "Naku! Ginagalit talaga ako ng ulikba na yon! Humanda siya sa akin bukas paparusahan ko siya! Hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kanya!" Galit na turan ni Marian. "Bakit pa natin ipagpapabukas kung pwede naman natin gawin ngayon." Sagot ko naman. "Support kita diyan kapatid, sabihin mo lang sa amin kung ano ang gagawin natin kay Jeran na ulikba na yon." Turan naman ni Rasselle sa sinabi ni Mari
POV- Fucklers. "Oh sweetheart! Bakit naman ganyan ang itsura ng mukha mo? May problema kaba sa Opisina mo?" Salubong sa akin ng Mahal ko ng pumasok ako sa silid namin. Kailangan kong mag inarte ngayon, nangangamba kase ako na baka hindi nga matuloy ang kasal namin dalawa sa sunod na araw, lalo pa at may hinahanap pa kaming tao. Pilit ang ngiti na nginitian ko sya at hinalikan sa kanyang labi. "Sumakit ang ulo ko sa tauhan kong si Bright, Mahal." Tipid kong sagot sa kanya. "Bakit naman? Ano naman ginawa ni Bright saiyo na kinasakit ng ulo mo?" Tanong ulit sa akin ng mahal ko. Inakbayan ko siya habang patungo kami sa sofa. Naupo ako habang ang mahal ko ay hinuhubad ang suot kong pang opisina ko na damit at ang aking sapatos. Pero bago ko sinagot ang tanong niya ay hinanap ko mona ang mga bata. "Nasaan ang mga bata? Bakit walang mga batang makukulit sa akin ngayon na nangungulit?" Tanong ko sa mahal ko na hinanap ko ang mga bata. "Pinatulog ko ng maaga dahil pupunta dito si Lolo
POV- Fucklers. Napaangat ako ng ulo ko ng biglang bumukas ang pinto ng aking opisina at ang galit na galit na sekretarya ko ang bumungad sa akin. "Anong problema mo Cassy? Bakit ganyan ang itsura mo? Kulang na lang ay lunukin mo ako ng buhay?" May problema kaba sa akin na hindi ko alam? Tanong ko sa dalagang sekretarya ko na namumula sa galit. "Sir, ang bastos ninyong tauhan na si Bright ay bigla na bigla na lang pong nagnanakaw ng halik! Ninakaw niya ang first ko!!!" Galit na galit nitong pagsusumbong sa akin. Ako naman ay nanlalaki ang mata dahil sa gulat, matagal ko ng sekretarya si Cassy at napakabait nito, masipag pang pumasok. Kahit manang itong magsuot ng damit at kahit may makapal na suot na salamin sa mata ay may tinatago naman itong taglay na ganda. Mahiyain ito at hindi marunong magalit, tapos heto at naghuhurumintado dahil ninakaw ng tauhan ko ang kanyang first kiss. Napalunok pa ako ng laway ng makita kong nakasalampak si Bright sa sahig na sapo ang kanyang kanang pi
POV- Fucklers. "Boss, hindi parin namin mahanap ang babaeng pinapahanap ninyo sa amin." Pag report sa akin nila Boyet." Inaasahan kona rin ito, kahit sina Emman at Wilfred at mga ilan na taong inutusan ni Red na tumulong sa paghahanap ay iisa lang ang sinasabi nila. Tatlong linggo na namin hinahanap ang babaeng iyon, kahit sa cctv footage ay hindi nakikisama ni isa sa poste ay walang nakakabit, pati sa mga karatig baranggay ay walang makita, lahat ng mga taong pulubi na dinala at pinakita kay Aria ay ni isa sa kanila ay walang naramdaman si Aria. "Maghanap lang kayo, huwag kayong titigil hanggat hindi nyo nakikita ang babaeng yon. Makikita nyo rin sya." Utos ko sa mga tauhan ko, lumabas narin ang mga ito sa aking opisina. Hinihintay ko na lamang ang pagpunta dito ni Jeran dahil may ipapakiusap pa ako sa kanya na mahalaga, hindi pwedeng hindi nya ilabas sa pagtatago si Szarina dahil malalagot talaga ako sa mahal. Base sa nakita naming itsura ng babae ay nakasuot ito ng punit punit
POV- Fucklers. Dahil narin sa pagod at sa biglaang pangyayari ay, nakatulog muli ang pinakamamahal ko pagkarating namin ng mansyon. Malakas ang kutob ko na isang taong mahalaga sa buhay ni Aria ang nakita niya kaya sya nagkakaganon kanina. Kailangan mahanap namin siya bago sumapit ang kasal naming dalawa, para kahit papaano ay makabawi ako sa lahat lahat ng pagkukulang at pananakit ko sa kanya noon. Mahal na mahal ko si Aria kaya lahat ng aking makakaya ay gagawin ko mapasaya ko lamang sya, hinding hindi kona sya sasaktan at gagawin ko pa siya na reyna ng aking mansyon. Kailangan ko pang kausapin si Jeran dahil sa kundisyon sa akin ng mahal ko, baka totohanin niya ang banta nya sa akin na hindi matutuloy ang kasal naming dalawa kapag wala si Szarina sa pa bridal shower ni Marian sa kanya.." Ani ng aking isipan habang mahimbing ang pagkakatulog ng aking mahal. Lumabas akong muli sa aming silid at tumungo ako sa aking library, hindi pa man umiinit ang aking pwetan sa upuan ay may kumak
POV- Aria. Ngayon ang uwi namin ng Pilipinas, dalawang linggo lang ang inilagi namin dito sa New York. "Paano po Nay, Tay, pasok na po kami sa loob anomang oras po ay aalis narin kami." Paalam ni Fucklers kina nanay at tatay at sa mga kapatid ko. Inihatid kase nila kami dito sa Airport ng New York. "Sege hijo, mag iingat kayo, sa kasal nyo na lamang kami uuwi ng Pilipinas ng mga anak ko para saksihan ang pag iisang dibdib ninyo ng anak naming si Aria." Saad ni Tatay kay Fucklers "Bye po Lolo, lola, auntie Florisa at uncle Ford, uncle Fred." Paalam ng mga anak ko at yumakap sa kanila. "Bye mga kiddo, magpapakabait kayo don ha." Bilin ni Florisa sa mga anak ko. "Opo, auntie." Magalang na sagot ng mga bata. "Sege po nay, ingat din po kayo sa pag uwi ninyo. Ikaw Florisa, huwag mona magboboyfriend ha. Ford at Fred bantayan nyo itong prinsesa natin baka may nanliligaw na dyan." Bilin ko sa mga kapatid ko. Sinimangutan naman ako ni Florisa. "Ate naman eh." Reklamo ng kapatid ko. "