POV- ARIA"Salamat sa paghatid mo sa amin ng mga anak ko." Pasasalamat ko pinagdiinan ko pa talaga sa kanya ang salitang mga anak ko. Tumingin ako sa katabi niyang babae na ngayon ko lamang nakita. "Salamat, utang na loob ko ang paghatid ninyong mag asawa sa amin..... Ang gaganda ng anak ninyo, kamukhang kamukha mo." Saad ko."Ano kaba, wala iyon tsaka hindi ko....,.. Hindi na natuloy ang sasabihin ng babae ng biglang sumingit si Fucklers."Pumasok na kayo sa loob, masyadong mainit dito sa labas naiinitan na ang mga bata. Pakisabi kay Red magkita kami mamaya sa dating tagpuan ng tropa."Okay, Salamat." Sagot ko na lamang at nag doorbell na ako. Isang maleta lang naman ang dala ko, mga personal na kailangan lang namin kaya hindi ako masyadong nahihirapan.Umalis narin sina Fucklers. Ang bigat ng aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan, sobrang ganda ng asawa niya pati ang mga anak niya. Mga ilang minuto lang ang paghihintay namin dito sa labas ng gate ay bumukas na ito."Kayo po pala
POV- ARIA "Hindi ako papayag sa gusto mo anak. H'wag ng matigas ang ulo mo. Kung anong sinabe ko iyon ang susundin mo." Maawtoridad na sabi ni Daddy sa akin."No, Dad. Malaki na ako at kaya kung ipagtanggol ang sarili ko. Kung ang iniisip mo po ang mga apo mo ay h'wag kayong mag alala dahil hindi ko sila pababayaan. Buo na ang desisyon ko na maging isa sainyo kaya wala na po kayong magagawa sa mga naging desisyon ko. Dalawa kami ng aking kaibigan ang aanib sa grupo ninyo." Katwiran ko."Sumasakit ang ulo ko saiyo Aria. Oli ikuha mo ako ng maiinum na tubig dahil sumasakit ang dibdib ko sa anak kong ito." Natawa ako sa sinabi ng aking ama sa akin. Iiling iling naman ng ulo si Oli habang palabas ng library."Akala mo ba tapos na tayo sa ginawa mong pag uwi dito sa Pilipinas ng hindi namin nalalaman. Paano kung natunugan kaagad kayo ni Avvielle na pauwi kayo ay di napahamak pa kayo." Sermon ni Daddy sa akin."I'm so sorry Dad, Hindi na mauulit po iyon." Nakayuko kung paghingi ng tawad. K
POV- ARIA "Aria, Sino ang lalaking yon na panay ang sulyap sa akin kanina pa?" tanong sa akin ni Ziri."A, si Oli, Yan ang tauhan na pinagkakatiwalaan ni Daddy at kaibigan ng asawa ko na si Jared. Type ka n'ya seguro kaya panay ang tingin n'ya saiyo." Kinikilig kong ani. Paano ba yan magkakaroon pa yata ng karibal ang aking pretending husband ko.Habang nagkukwentuhan kami ni Ziri ay ang mga anak ko ay naglalaro, kalaro ang kanyang daddy lolo.Hindi na nakatiis pa si Oli, ito ay lumapit na sa amin ng aking kaibigan."Hi!" Bati ni Oli kay Ziri. Octavius Bautista." Pakilala nito kay Ziri sabay lahad ng kanyang kamay."Hello!" Ganting bati ni Ziri kay Oli. Zafira Ziri Buenaventura." Pakilala din ni Ziri. Kumunot ang noo ni Oli sa sinabe ni Ziri at kumuyom ang kamao nito. "Kaano ano mo ang mag asawang Roberto at Emely Buenaventura? Seryuso na tanong ni Oli kay Ziri, pero may tumakas na luha sa gilid ng kanyang mata. "Paano mo nakilala ang Inay at ang Itay ko?" Nagtatakang tanong din n
POV- ARIA. Paano ko ba sasabihin sa Quadro ang katotohanan na ang Daddy nila ay buhay pa at hindi totoo na nalunod sa sabaw. Habang pinagmamasadan ko ang mga anak ko na naglalaro sa garden ay tumabi sa akin si Ziri. Hindi na sila nagpa DNA test dahil ang mismong kumopkop kay Ziri ang nagsabe ng totoo na magkapatid sila. Sinabe din nila ang buong katotohanan kung bakit lumuwas sila ng Manila na hindi alam ng mga kapitbahay nila sa kadahilanan na namatay ang tiyuhin ni tiyang Emely, Hindi na sila nakabalik ng probinsya dahil sa nakahanap ng trabaho ang T'yong Berto. Hindi naman daw nila inilayo si Ziri kay Oli bagkus ay hinintay pa nila ang pagsunod ni Oli sa Manila kapag ito ay nakabalik ng probinsya. Ang pagkakamali lang daw nila ay hindi nasabe kay Ziri na may kapatid sya. Ganun pa man ang naging pangyayari sa kanilang magkapatid ay hinayaan na lamang ni Oli kung nagsasabe ba ng totoo ang mag asawa, Ang mahalaga sa kanya ngayon ay kapiling na n'ya ang kanyang nag iisang kapatid na
Nagising ako na nakahiga na ako sa hospital bed. Narinig kong nag uusap si Daddy at si Jared tungkol kay Avvielle. Nagkunwari akong tulog parin."Jared, ano na ang balita sa bangkay ni Avvielle at sa kabit nito at sa mga kasamahan pa nitong babae? "Sinusunog na sila ng mga tauhan ni Lady boss, Dad. Tatawag na lang daw sila para ibalita saiyo kapag malinis na ang lahat. Pinapasabe ni Lady boss na kapag nakalabas na at magaling na si Aria ay dalhin na lang daw sila kasama pa ang dalawa nitong kaibigan para mag training sa Olonggapo."Kakausapin ko pa ang aking anak kung gugustuhin pa niya magsanay. Pakisabe na lang kay TDQ na h'wag niyang pababayaan ang anak kong si Red, sya na mona ang bahala sa kanya habang inaalagaan ko pa ang isa kong anak dito.Sino naman kaya ang TDQ na iyon na tumapos kay Avvielle at sa mga kasamahan nito. Bigla kong naalala ang aking mga anak kaya naandito ako dahil sa Fucklers na iyon. Kailangan kong maibalik sa aking piling ang mga anak ko, pero kailangan ko
POV- FUCKLERS.Halos matumba ako ng makita ko ang DNA test result na pinagawa ko sa kaibigan kong doctor na mga anak ko nga ang Quadro. Hindi na ako nagtagal sa opisina ng aking kaibigan dumiritso na ako sa mansion nila Aria. Akala ba niya matatakot ako sa mga sinasabe niya sa akin ng nagdaang araw na makasabay ko sila pauwi ng Pinas.Halos paliparin kona ang pagpapatakbo ng aking sasakyan, Ang mga tauhan ko ay nakasunod lamang sa aking likuran. Nakarating ako sa mansyon nila Aria. Hindi ko nagustuhan ang kanyang suot na hanggang tuhod lang ang inabot ng tela ng damit.Hindi kami nagkasundo ng araw na ito kaya sa plan B na ako mag usap na lang kami sa korte. Dumating ang araw ng huling pag uusap namin ni Aria. Hindi kona pinatagal pa, Anong silbi ng kaibigan kong Prisedente ng Pilipinas kong hindi n'ya gagamitin ang kapangyarihan niya. Napag alaman ko din na may problema silang kinakaharap kaya kinausap ako ni Tito Juanito. Nong una na pagkikita namin sa korte nagulat s'ya na ako an
POV- ARIA "Ouch! ayaw kona! huh! huh!" Umiiyak kong ani. "Ayan ang napapala ng matakaw at madamot sa bayabas, Ang bilis ng karma ano?" Pang aasar ni Szai, bweset na babaeng ito imbis na tulongan ako inaasar pa ako. "Mga hija, ano pang ginagawa ninyo d'yan? Bakit ang tagal ninyong lumabas na tatlo, may pag uusapan tayong importante. Kanina pa dumating ang mga mahahalagang tao na panauhin natin h'wag na ninyo pang paghintayin ng matagal, Lalo na ikaw Aria baka isipin ni Mister Montefalco ay pinapagandahan mo pa sya." Wika ni Daddy ng bigla na lang pumasok sa silid namin. Ang daddy talaga kung minsan parang kabote na bigla na lang sumusulpot. "Daddy naman, ano ba naman yang iniisip mo." Sagot ko habang naandito ako sa banyo na nahihirapang umiri. "Nasaan ang anak kong iyon? Tanong ni Daddy sa dalawa. "Nasa banyo po Tito, tinitibi dahil po sa kinain na bayabas kaya ayon po nahihirapan tumae kinarma po sa ginawa sa amin." Ani ni Ziri. "Ayan na nga ba ang sinasabe ko, kung kailan ma
POV- FUCKLERS Isang oras na kaming naghihintay sa paglabas ni Aria sa kanyang silid. Gusto ko s'yang kausapin tungkol sa mga anak namin kaya naparito ako sa Olonggapo. Kailangan n'yang makipag divorce kay Jared sa ayaw o sa gusto n'ya, wala s'yang karapatan na pakasalan ang ina ng mga anak ko. "Ang lalim naman ng iniisip mo, Si Aria ba ang laman ng utak mo? Akalain mo nga naman nagkaroon ka pala ng anak sa kaibigan ng asawa ng kaibigan natin. Ibang klase talaga ang kamandag ninyo ni Eutanes." Wika ni Jeran sa aking harapan. Napangiti naman ako sa kanyang sinabe, Tama nga naman s'ya, Pagkatapos ng limang taon na pagtatago sa akin ni Aria ay may mga anak na pala kami ng hindi ko alam. Ang hindi ko lang matanggap na katotohanan ay kasal sila ng business partner ko na si Jared, kinasal na pala ang hayop na iyon at sa ina pa ng mga anak ko. "Ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong Mundo, biruin mo isang putok apat ang nabuo at puro mga barako pa na kasing gwapo ko." Nakangiti kong
POV- Fucklers Nasa meeting ako ng tumawag sa akin si Scotch. Si Scotch mona ang pansamantala ang nagbabantay sa quadro habang wala pa akong nakikitang makakatuwang ng asawa ko sa kambal, kaya si Mary Ann mona ang katuwang nito habang nasa trabaho ako. Nasa prinsipal office daw ang aking apat na anak at pinapatawag daw ang magulang ng mga bata. Kinder na ang Quadro sa public school, gusto ko sanang sa exclusive school sila dito sa Manila pag-aralin kaso ayaw pa ng asawa kong umalis ng Siniloan Laguna. Napakamot naman ako ng aking kilay, ito na seguro ang simula ng delubyo ng aking buhay dahil sa apat kong mga anak na lalaking pasaway, tatlong araw pa lamang sila na pumapasok ay nakipag away na kaagad itong anak kong si Aslan sa kanyang ka klase. Hindi naman pwedeng ang asawa ko ang papuntahin don dahil baka mabenat ito, dalawang linggo pa lamang ito buhat ng manganak sa anak naming kambal na babae. Pagkatapos ng meeting namin ay nagmamadali na akong nagpaalam sa mga kasosyo ko sa ne
FUCKLERS POINT OF VIEW. Pagkatapos ng isang linggong honeymoon namin sa France ay umuwi kaagad kami at dito na kami dumiritso ng uwi sa Siniloan Laguna. Dito na kami sa Siniloan pansamantala naninirahan habang pinagbubuntis ng mahal kong asawa ang kambal naming anak, hindi pa namin alam ang gender ng mga ito, pero sana ay mga babae na, ayaw ko ng madagdagan ang sakit ng ulo na ibibigay sa akin ng Quadro kong anak na puro lalaki kapag sila ay mga binata na.. Lumuluwas lang ako ng Maynila kapag may mahalagang meeting sa kumpanya, hindi na rin mona ako pumupunta sa organization na sinalihan ko dahil gusto ko sa pagkakataong ito ay makasama ko ang mahal kong asawa habang nagbubuntis ito, gusto kong bumawi sa kanya ngayon dahil nong pinagbubuntis niya ang quadro hanggang sa maisilang niya ito ay wala ako sa kanyang tabi. Pinagmamasdan ko ang aking mag-iina habang nagdidilig ng mga halaman. Mamaya na ako makikisali sa kanila pagnaubos kona ang iniinum kong kape dahil ayaw na ayaw ng asaw
Third Person. Ang lahat ay nasa reception na, lahat sila ay abala sa pagsasalo-salo. Pagkatapos kumain ang lahat ng mahahalagang tao, mga kaibigan, magulang at kapatid ng mag-asawa ay nagbigay ng maiksing mensahe para sa bagong kasal... Ngayon ay may inihandang sorpresa ang quadro para sa kanilang mommy at daddy. Napuno ng palakpakan ng nasa gitna na ang mga bata. "Mommy, Daddy. Mahal na mahal po namin kayo, kaya po ay may ginawa po kaming magkakapatid na sorpresa para sainyo. Music maestro." Pagsalita ni Adam na panganay sa quadro. Gwapong gwapo sila sa suot nila. Sinalang na nga ang kantang 'Totoy Bibo' ni Vhong Navarro. Lahat ay napapahanga sa sayaw ng quadro, halos maiyak naman si Aria dahil sa sorpresa ng mga anak nila sa kanila, hindi nya alam na may ganito pa lang talent ang mga anak niya. Nasa kalagitnaan na ang pagsayaw nila ng lapitan nila si tatay Florante, at si Daddy Juanito, Lolo Delfin. Wala ng magawa ang tatlong Lolo ng dalhin sila ng mga apo nila sa gitna para sum
Bumukas muli ang bulwagan ng simbahan ng kaninang sinarado itong muli. Niluwa nito si Aria na napakaganda sa suot nitong wedding gown. Mula sa pwesto ng pari ay may lumipad na belo papunta kay Aria kaya ang mga tao sa loob ay humahangang nakatingin. Hawak ni Aria ang microphone at sinimulang kantahin ang 'I Choose You' habang naglalakad papasok ng loob ng simbahan. Ito ang napili niyang kantahin para ihandog sa magiging kabiyak niya. You're my always You're my forever You're my reality You're my sunshine You're my best times You're my anomaly And I'd choose you In a hundred lifetimes, I'd choose you In a hundred worlds, I'd find you Nagulat si Fucklers sa sorpesa sa kanya ni Aria. Panay ang punas niya sa kanyang luha dahil sa kantang inihandog sa kanya ng babaeng mamahalin nya habang buhay. Kinuha nito ang laylayan ng suot na tuxido ni Jeran at walang sabi sabing siningahan niya ito. Akala kase niya ay may nangyaring masama sa magiging kabiyak niya, mabuti na lamang
"POV- Aria Ngayon ang araw ng kasal namin ni Fucklers Dax Montefalco. Hindi ko akalain na darating ang pinaka masaya at importanteng araw sa buhay ko, seguro mas sasaya ako ngayon kung kasama kong maglalakad sa loob ng simbahan ang mama ko kung buhay pa nga ba ito. Napabuntong hininga na lamang ako habang nakaharap sa salamin na tinitingnan ang aking kabuoang itsura. "Madam, Ganda. Ang lalim naman naman po yata ng pagbuntong hininga ninyo? parang ang hirap abotin." Nakangiti na tanong sa akin bg baklang nag ayos sa akin. Simpleng ngiti ang ginawad ko sa kanya bago ko siya sinagot. "Masaya lang ako ngayong araw dahil matutupad na ang pangarap ko na maikasal sa taong pangarap ko at mahal na mahal ko." Sagot ko kay Paula, ang mga kasama naman nitong mag aayos ay nililigpit na ang ilan nilang kagamitan. "Napaka swerte nyo nga po ma'am dahil bukod sa gwapo na ang magiging husband mo ay mabait pa. At mukhang malaki pa ang kanyang, alam mona madam Ganda." Kinikilig pang paghanga ng bakla
POV- Fucklers Hindi ako natuwa ng sa mansyon nila Red si Aria at ang mga bata mamalagi ng isang linggo bago ang kasal namin. Bwisit na Red yan may nalalaman pang pamahiin, may araw din sa akin yang sira ulong yon. Namimiss ko na sobra ang asawa at ang mga anak ko kahit dalawang araw pa lang na hindi ko nakikira, isang beses tinangka kong umakyat ng bakod para sana akyatin ang terasa ng kwarto ni Aria. Ang siraulong Red, matalino alam niya seguro na gagawin ko kaya nanigurado. May asong malalaki ang nakabantay sa loob ng bakud at hinabol ako ng hinabol at kinahulan ng malaking aso hanggang sa magising si Red nakita akong nakikipagpatintero ng takbo sa alaga niyang mga aso. Imbis na tulongan ako sa alaga niyang aso ay pinakawalan pa niya ang isa pang aso kaya halos masubsob ang mukha ko sa semento kakatakbo, nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas ako sa mansyon ng sira ulo kong kaibigan. "Seguro naman ngayon ay magtatanda kana, isang linggo mo lang hindi makikita ang kapatid ko a
POV- Aria. Sa makalawa na ang kasal namin ni Fucklers. Naandito kami ngayon ng mga anak ko sa Mansyon ng kuya Red ko kasama si Yaya Mary Anne. Mabuti na lang pagkatapos ng dalawang buwan ay bumalik kaagad sa mansyon ni Fucklers, pero huwag ka di naman sya gaano makapal ang pagmumukha humiling sya sa akin na kunh pwede ay gawin ko syang isa sa mga abay ko at si Boyet ang kanyang partner nariyan naman daw si yaya Isyang na mag aalaga ng mga anak namin. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag na lang dahil unang beses daw niya itong mararanasan na mag abay sa kasal, malapit na daw siya mabura sa kalendaryo kaya daw kinapalan na niya ng mukha na magsabi sa akin. Halos magwala si Fucklers sunduin kami ni kuya Red sa mansyon ni Fucklers, ayon daw yon sa kasabihan ng matatanda na dapat bago ang araw ng kasal ay dapat hindi kami magkita sa loob ng isang linggo. Pumayag na lang din ako para kahit papaano ay makasama ko kahit isang linggo ang kapatod ko at sina Daddy at Lolo Delfin. Masaya ang
POV- Aria. Pagkauwi ko ng mansyon ay agad akong dumiritso sa kwarto namin ni Fucklers upang kalagan kona ito. Nakukonsensya na ako sa pagposas ko sa kanya. "Mahal," tawag nito sa akin. Gising pa ito at talagang hinintay pa ako, dalawang oras lang naman ako nawala kaya hindi naman nangalay seguro ang sweetheart ko. "Sorry, sweetheart. Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa ko saiyo. Bwisit kase yang kaibigan mo ang lakas makademonyo." Hinging paumanhin ko kay Fucklers at dali dali ko itong kinalagan, hindi naman ito umihi sa bote ng coke na tinali ko sa kanyang baywang. Salamat naman. "Ayos lang ako mahal ko, basta ikaw nanginginig pa ang tuhod ko hindi ako magagawang magalit saiyo. Dapat nga binitin mo pa ako para makaseguro ka lalo na hindi ko mabigyan ng warning ang kaibigan kong siraulo." Sabi sa akin ni Fucklers napangiwi naman ako sa kanyang sinabi, mukhang sumama pa ang loob sa akin ng sweetheart ko dahil sa ginawa kong pag posas sa kanya. "Sa sunod na lang sweetheart, kapag
POV- Aria. Galit na galit ako ng malaman ko na wala na sa puder ni Jeran ang kaibigan namin. Pagkatapos ng pinagsaluhan namin ay sinabe sa akin ni Fucklers kung ano ang pinag-usapan nila ni Jeran kaya heto ako ngayon, nagmamadaling nagbihis ng damit at nag video call ako sa group chat naming magkakaibigan at sinabi ko sa kanila kung ano ang sinabi sa akin ni Fucklers kaya naman sila ay umuusok din ang ilong sa galit dahil hindi namin makakasama ang kaibigan naming isa sa araw ng kasal ko. Pareho na nga kaming wala nung kasal ni Issa pati ba naman sa akin hindi parin kami kumpleto. "Naku! Ginagalit talaga ako ng ulikba na yon! Humanda siya sa akin bukas paparusahan ko siya! Hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kanya!" Galit na turan ni Marian. "Bakit pa natin ipagpapabukas kung pwede naman natin gawin ngayon." Sagot ko naman. "Support kita diyan kapatid, sabihin mo lang sa amin kung ano ang gagawin natin kay Jeran na ulikba na yon." Turan naman ni Rasselle sa sinabi ni Mari