"Are my babies behaving while Mommy is away?" malambing na tanong ko sa mga anak ko habang nakaupo kami sa kusina—naghahanda sa pagkain.Nasa pagitan ako ng kambal. Sa kaliwa ko naroon si Gio habang sa kanan ko naman napuwesto si Gia. Pareho silang marunong kumain mag-isa kaya naman hindi na ako masyadong namomroblema pagdating sa pagpapakain. "Opo," sabay na sagot nila sa slang na Tagalog.Natigilan ako ng ilang segundo sa pagta-Tagalog nila. Simula nang lumaki ang kambal at natutong magsalita, kailanman ay hindi ko sila narining ng gano'n. Kahit pa paminsan-minsan ko silang kinakausap sa Tagalog na lenggwahe ay panay ang Ingles nila sa akin. Kaya naman hindi ko maiwasan na magulat, idagdag na rin ang bigla kong pagkaalala sa isang tao. Pilit akong ngumiti sa mga anak ko at saka tiningnan ang aking pamilya na nakangiting nanunuod. Mukhang narinig na nila ang dalawa na magsalita ng Tagalog dahil hindi na sila nabibigla roon. Napailing na lamang ako at iwinaksi ang pumapasok na alaal
It felt like a deja vu. Kung paano ako nakatayo ngayon sa labas ng kumpanya namin at nakatitig sa gusali. I could feel the same heartbeat, I had years ago. The nervousness and amazement. I breathed in and out. Isang beses kong tiningnan ang sarili ko bago nagpasya na lumakad. Hindi ko maipagkakaila na mas dumoble ang kaba ko nang pumasok ako ng kumpanya. Nasa bahay pa lamang ay pinaghandaan ko na ang mapanuring tingin ng mga empleyado kaya naman gano'n na lang ang pagtataka ko nang puros gulat lamang ang nakita ko sa mga reaksyon nila. Some of the employees are still familiar to me. May ilan na hindi ko kilala marahil ay pumasok sila noong wala na ako. I tried to plaster a small smile on my lips. "Good morning," I greeted formally.Mabilis na bumalik sa kani-kanilang wisyo ang mga empleyado at bumati pabalik. Ang ilan sa mga tauhan na nangangapa sa presensya ko ay nakitulad din marahil ay ramdam nilang hindi lang ako kung sino sa kumpanya. Pagkatapos niyon ay sakto namang lumapit an
"Mommy? Are you still there?"I couldn't speak. Kahit ang gumalaw ay hindi ko magawa. I tried to swallow the lump in my throat as I slowly ended my daughter's call. "Mr. Revelar," I uttered, acknowledging his presence.Halos ilang santo ang pinasalamatan ko dahil hindi ako nautal nang nagsalita ako. I composed myself and stood up from my seat. Inayos ko ang suot kong coat bago tumingin sa kanya."I'm sorry. I didn't mean to be distracted. Anyway, you're here for the meeting, right?" I asked the obvious and glanced at my watch.Hindi ko masasabi na masyado siyang maaga sa usapan dahil ganito naman talaga siya noon pa. Bigla na lang sumusulpot bago o mismong kaorasan ng meeting. I put away my inside thoughts and tried to focus at him."Have a seat." I pointed the visitor's chair with an open palm. Walang imik naman siyang sumunod. Prente siyang naupo habang magkakrus ang kanyang binti. Slowly, the tension inside my chest faded. Seeing him acting professionally made me at ease. "Do yo
"A-Anak."Napaangat ako ng tingin kay Mama na hindi ko napansing nasa gilid ko na pala. "Po?" Hindi naman siya agad sumagot. Imbes ay nilihis niya lang ang kaniyang paningin mula sa akin patungo sa ginagawa ko. Kasalukuyan akong naghahanda ng talong para sa gagawin kong torta. Iyon kasi ang paborito ng kambal."Anak, balak mo bang gilingin iyang talong?" usisa niya, naroon ang pag-aalangan sa kanyang tono.Doon ko lang nagawang pagtuunan ng pansin ang talong na pinipirat ko gamit ang tinidor. It's a mess. Hindi ko na alam kung talong pa ba iyon o avocado na sa sobrang pino ng mga laman. Sinubukan kong tumawa para maalis ang nararamdaman kong kahihiyan at saka ibinaba ang hawak kong tinidor. "Para humalo nang maayos sa itlog, Mama," palusot ko.Nakagat ko ang ibaba kong labi nang umangat ang kilay ni Mama. Halatang hindi naniwala sa sinabi ko. Mayamaya pa ay hinawakan niya ang dulong tangkay at inangat."May galit ka ba sa talong?" Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matatawa dahil
"Mommy?" A tiny familiar voice was trying to wake me up from my deep sleep.Isang ungot ang pinakawalan ko bago marahan na idinilat ang aking mga mata. "Gia." I smiled after seeing her in front of me, tightly holding her stuffed toy—Stitch.Bahagyang gumalaw ang kanyang ulo para pagmasdan ako. Mayamaya pa ay lumapit siya at pinadapo ang kaniyang munting kamay sa noo ko. "You're not sick, Mommy," she uttered.Hindi ko napigilan na magpakawala ng isang munting halakhak. "Of course, baby. Bakit naman magkakasakit si Mommy?" malambing kong tanong dito.Imbes na sumagot ay marahan na napanguso ang kulay rosas niyang labi. She was about to speak again when her twin, Gio, came in the room. May dala siyang baso ng tubig at maingat na dinadala iyon patungo sa akin.Hindi ko naiwasan na mapangiti dahil sa mura nilang edad ay nagagawa na nila akong alagaan sa paraang alam nila. "Thank you," I said."Are you okay, Mom?" Gio asked when I finished taking a sip from it.Kunot-noo naman akong tumang
Hindi ko alam kung paano ako nakakapagmaneho sa kabila nang malalim kong pag-iisip. What happened earlier made me feel hurt and lonely. Hindi para sa akin kundi para sa mga anak ko. Halos tatlong buwan na rin mula nang ipaalam ko sa kambal ang tungkol sa kanilang ama. Hindi iyon naging madali para sa akin, kung p'wede ko lang itago ang totoo ay gagawin ko. Pero alam ko rin na hindi deserve ng mga anak ko na pagsinungalingan. They were three years old back then when they started asking about their father. Tulad ng mga normal na bata ay naghanap din sila ng ama. Ngunit sa mura nilang edad, alam kong hindi pa nila lubos na maiintindihan ang lahat kaya naman minabuti ko na huwag munang magbanggit ng kahit na ano. Wala sa sarili kong ipinangako sa kanila na kapag tumuntong sila ng apat na taon ay doon ko ipakikilala ang kanilang ama.At tinupad ko iyon. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko nang tuluyan ko nang ipinarke ang aking sasakyan sa parking lot ng kumpanya. Muli ay naalal
"Have you lost your mind?" medyo mataas na tonong tanong ko.His jaw clenched. "I just want a progress regarding the hotel."Napatiim-bagang ako at mariin na pumikit para magtimpi. Wala na akong pakialam kung nasa harapan ko siya, kung nakikita niya ang inis ko. "Sasama ako," matigas niyang wika sa Tagalog.Tila napigtas ang pasensya ko sa sandaling iyon. Mabilis ko siyang hinablot sa braso saka hinila paloob ng opisina ko. Pagkatapos ay isinarado ko ang pinto at matalim na tumitig sa kaniya. "Once and for all, let's talk," I stated.He raised an eyebrow. Halos isang metro lamang ang layo namin sa isa't isa. Kitang-kita ko ang paninitig niya pabalik, ngunit hindi tulad ko ay kalmado siya. "What are you doing, Agustine? Why are you doing this?" I spat, removing the formality.Slowly, amusement was written all over his face. "Do what?" I gritted my teeth. "You are pestering me," diretyong punto ko.His side lip slowly rose. He stared at me for a second, then let out a chuckle afterw
True to his words, he didn't bother me.Naging payapa ang meeting ko sa client at nakaalis ako ng restaurant na hindi na muling nakikita ang presensya niya. It's a good thing because I am free to look for a house without him following me. Pero minalas siguro ako nang kaunti dahil wala akong nagustuhan sa mga available houses na napuntahan ko. Kung hindi sila sobrang laki, masyado namang crowded, at hindi safe para sa kambal.Isang buntonghininga ang pinakawalan ko habang nakasakay ako sa aking kotse. Mayamaya pa ay bigla kong naalala ang apartment na tinirahan ko noon. Nagkaroon ng munting pag-asa sa dibdib ko kahit papaano. Yeah, it does not have much space. Pero p'wede ko siyang palakihin habang nananatili kami roon. Well, p'wede lang iyon sakaling ibenta sa akin ng may-ari ang bahay. I looked at my watch. Napailing na lamang ako dahil alam kong hindi ko na p'wedeng isingit pa sa schedule ko ang pagpunta roon. In the end, I decided to get back at the office.PRENTE akong naglalaka
"How are you, hija?" my mom spoke as we ate our dinner, she's talking to her friend's daughter, Lhea.I don't know why I always need to be present every time she's here. Alam kong gusto niya ang babae para sa akin, pero kahit kailan ay hindi ako umoo sa plano niyang iyon. Though, I didn't decline also.I just let my mom thought that I am following her orders. Well, as of now, there's nothing wrong with her plan. I'm not in a relationship, I also don't have someone I like. There's no need to oppose."I'm doing good, Tita. Kayo po?" the girl answered.I lazily tilted my head to look at her. She's pretty, I admit it though. We're friends also. Hindi na masama para sa akin. I saw her looked at me, her cheeks flushed when she found me staring at her."Okay lang din naman. Kahit pa na-i-stress ako rito sa anak ko," reklamo ni Mama.The girl, Lhea, chuckled. "Why, Tita? Is there something wrong with your business?"Umiling naman si Mama at nakanguso akong nilingon. I just remained my stoic f
As I peered into the pitch-black abyss, the chilly breeze embraced my body. Even though it's past midnight, I'm back on the hospital's rooftop. I've been standing still and pondering things for practically an hour.I'll admit, Agustine's remarks stayed in the back of my head. I experienced conflicting emotions. Happy? Afraid? Bewildered.Isang buntonghininga ang pinakawalan ko at pinanuod ang mga bituin. Hindi na kami mga bata. Kung may mga desisyon man kami na kailangang gawin, hindi na namin kailangang magpaikot-ikot pa. Bigla kong naalala ang interview niya limang taon na ang nakararaan. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone ay sinubukang hanapin iyon sa internet. Luckily, it's still there. Nanginginig kong pl-in-ay ang video. Pigil ang hininga ko nang nagsimula na siyang tanungin ng ilang reporter. "Mr. Revelar, would you confirm that you are the person featured in the audio recording?""Yes," diretyo at walang paligoy-ligoy na sagot ni Agustine."Are you being blackmailed th
"Khrystal." I felt a faint tap on my shoulder as I heard my mother's voice.Marahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita siyang nakatayo sa harapan ko. I doze off. Hindi ko iyon namalayan dahil siguro sa pagod. I glanced at Gio and found him still sleeping. Sunod ko namang hinanap si Gia. Napangiti ako nang nakita siyang kandong ni Daddy at bininigyan ng binalatan niyang mansanas."Bibili na muna ako ng pagkain natin sa labas," ani Mama.Agad akong umiling at saka tumayo. "Ako na po. May bibilhin din po ako sa labas."Hinarap ko si Daddy at ngumiti bilang pamamaalam bago tuluyang lumabas ng silid. Hindi ko pa ulit nakikita si Agustine mula ng sagutan nila ni Lhea. Kung saan siya pumunta ay hindi ko alam. Napahinga ako nang malalim habang naglalakad. Ngayong nabigyan na ng linaw ang nakaraan namin, hindi ko maiwasan na manghinayang. Gano'n pa man, nagpapasalamat pa rin ako dahil mas pinatatag ako ng mga pinagdaanan namin. I am not a good for nothing bastarda anymore. Nakagawa na a
Pinilit kong ngumiti sa harapan ni Gio. "Anak . . ." nahihirapang usal ko. "Mommy needs to tell you something.""What is it, Mom?" mahina niyang tugon.I cleared the lump in my throat and moved a little. Hinayaan kong magkaroon ng espasyo para makita ng anak ko ang presensya ni Agustine. Gradually, my son's eyes grew bigger."S-Sir," he mumbled.Parang kinurot ang puso ko sa sandaling iyon. Hindi ko sinubukang tingnan si Agustine. Natatakot ako, nakukunsensya, at nasasaktan. Naramdaman ko ang paglalakad niya palapit sa amin. Ang mga mata ng anak ko ay nakatuon lamang sa kaniya. Namamangha at nag-uulap ang paningin sa presensya ng kaniyang ama."Gio . . ." I barely managed to say. "A-anak, s-si Daddy . . . nandito siya para sa 'yo."Marahan na lumipat ang paningin niya sa akin. Mas lalong naipon ang mga luha niya sa gilid ng kaniyang mga mata. Tila hindi makapaniwala na narinig. Once again, I tried to smile at him."Hindi niyo na kailangang magtago, anak . . ." I murmured.Gio's tears
"Omg, girls have some class."My gaze shifted when a familiar voice spoke. Napakunot ang noo ko nang nakita ang nanay ni Agustine. Prente siyang nakatayo habang nakasabit sa kaniyang braso ang isang mamahaling bag. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya at saka eleganteng naglakad palapit sa amin. Hindi nakalampas sa aking tainga ang bawat ingay ng takong niya habang tumatapak sa sahig ng ospital."Where's my son?" she asked when she's finally in front of me.I stared at her for a second. Wala akong mabakas na emosyon sa mukha niya. I could not even decide whether to respond or ask back a question. "Mom." On cue, Agustine arrived. Mabilis siyang nagtungo sa ina at masuyong hinawakan ang braso nito. "What are you doing here?" he added."Well, I found out that you're here. May nangyari ba sa 'yo?" usisa ng nanay niya.Mabilis namang umiling si Agustine at tumingin sa akin. Humihingi ng pasensya kahit wala pa mang nangyayari. His throat moved before looking back at his mother. "M
I was pacing back and forth—waiting for him to show up—as I held tight on the pregnancy test. Almost two weeks had passed since I found out about it. I didn't know what to do; all I knew was . . . I must tell him about our baby.Dalawang oras na rin buhat nang makarating ako rito sa lobby ng condo niya. Pagkalapag ko pa lang sa airport ay dito na ako nagpahatid sa taxi. Gusto ko siyang akyatin sa unit niya, pero natatakot ako sa kaniyang reaksyon. I know he's mad at me, and it might trigger him to be impulsive. Kung dito ako sa lobby magpapakita, makakapagkontrol pa siya dahil may mga taong nakapaligid.I took a deep breath and calmed myself. Iniwasan kong mag-isip ng kung ano-ano dahil sa takot na baka maapektuhan ang anak ko. Sandali akong umupo sa couch para makapahinga. Right after that, I finally saw him walking. Wala sa akin ang atensyon niya, kundi sa daan. I was about to rise from my seat when a child suddenly grabbed his hand. Mas lalo pa akong natigilan nang sumunod ang fia
"Aren't you going to talk?"I took a deep breath and turned to face him. Halos sampong minuto na rin mula nang umakyat kami rito sa rooftop ng ospital. I invited him here so we can talk peacefully; that's what I believe."Hindi ko sila planong itago sa 'yo," panimula ko.He scoffed. "Really? That's why I recently found out that I have kids," he mocked along with his intense glare.Nakagat ko ang ibaba kong labi at napaiwas ng tingin. "I was planning to tell you today.""Today," he repeated and laughed wearily. Napahiyaw ako nang humarap siya sa pader at malakas iyong sinuntok. Magkakasunod pang mura ang binitiwan niya bago muling tumingin sa akin. I could see the pain and betrayal in his eyes."You should have informed me right away when you found out you were pregnant, Khrystal! Muntik na maging bastardo at bastarda ang mga anak ko!" His veins nearly burst while screaming."Paano ko ipapaalam sa iyo ang pagbubuntis ko kung buong akala ko pamilyado ka, Agustine?! Tingin mo ba ay ginu
My body seemed to be moving on its own. I don't know how to think properly. Nanginginig man ang mga tuhod ko ay nagawa ko pa ring tumakbo. Lord, please, not my son."M-Miss, Giovani Dagsinal, please," I asked at the nurse assigned in the emergency ward."D-Dinala siya sa operating room," a familiar voice interrupted.Wala sa sarili akong napalingon sa direksyon niya. Her eyes were swollen. Sa gilid niya ay naroon ang anak niyang tahimik na umiiyak habang may benda sa kaniyang siko. Nakaupo silang pareho sa isang hospital bed."Lhea, why are you here? And what happened to Dianne?" usisa ni Agustine. Her throat moved slowly. Nakukunsensya siyang tumingin sa akin. Astang bubuka ang bibig niya para magsalita pero agad niya rin iyong itinikom. I chose to ignore her in the end. Wala akong pakialam sa kaniya. Ang kailangan kong makita ay ang anak ko. Mabilis akong tumakbo paalis, ramdam ko ang pagsunod ni Agustine sa akin pero miski siya ay hindi ko pinagtuunan ng atensyon."K-Khrystal,"
Hindi ko alam kung paano haharap kay Agustine. I know, he's inside my office. Noong umalis ang fiancee at anak niya ay nakita ko siyang pumasok ng building. Ipinahatid ko muna kay Mama ang mga bata sa malapit na park. I want them to breathe for a moment. Alam kong masakit sa kanila ang pangalawang beses na makitang kasama ni Agustine ang pamilya niya. But I don't want to delay this anymore. Kakausapin ko na siya, kami muna. Ilang beses akong kumuha at bumuga ng hininga bago marahang binuksan ang pinto ng opisina ko. Tulad ng inaasahan ko, nakaupo siya sa visitor's chair, hinihintay ang pagdating ko. Agad nagtama ang paningin naming dalawa.Kung sa normal na mga araw, nagagawa ko siyang batiin kahit bilang partner sa negosyo. Ngayon ay hindi ko iyon magawa. Oo, hindi niya naman kasalanan na naabutan sila ng mga anak ko. Pero hindi ko maiwasan na makaramdam ng sama ng loob. "Good morning, Ms. Dagsinal," bati niya.Hindi ako sumagot. Naglakad lamang ako patungo sa aking upuan at saka