"Have you lost your mind?" medyo mataas na tonong tanong ko.His jaw clenched. "I just want a progress regarding the hotel."Napatiim-bagang ako at mariin na pumikit para magtimpi. Wala na akong pakialam kung nasa harapan ko siya, kung nakikita niya ang inis ko. "Sasama ako," matigas niyang wika sa Tagalog.Tila napigtas ang pasensya ko sa sandaling iyon. Mabilis ko siyang hinablot sa braso saka hinila paloob ng opisina ko. Pagkatapos ay isinarado ko ang pinto at matalim na tumitig sa kaniya. "Once and for all, let's talk," I stated.He raised an eyebrow. Halos isang metro lamang ang layo namin sa isa't isa. Kitang-kita ko ang paninitig niya pabalik, ngunit hindi tulad ko ay kalmado siya. "What are you doing, Agustine? Why are you doing this?" I spat, removing the formality.Slowly, amusement was written all over his face. "Do what?" I gritted my teeth. "You are pestering me," diretyong punto ko.His side lip slowly rose. He stared at me for a second, then let out a chuckle afterw
True to his words, he didn't bother me.Naging payapa ang meeting ko sa client at nakaalis ako ng restaurant na hindi na muling nakikita ang presensya niya. It's a good thing because I am free to look for a house without him following me. Pero minalas siguro ako nang kaunti dahil wala akong nagustuhan sa mga available houses na napuntahan ko. Kung hindi sila sobrang laki, masyado namang crowded, at hindi safe para sa kambal.Isang buntonghininga ang pinakawalan ko habang nakasakay ako sa aking kotse. Mayamaya pa ay bigla kong naalala ang apartment na tinirahan ko noon. Nagkaroon ng munting pag-asa sa dibdib ko kahit papaano. Yeah, it does not have much space. Pero p'wede ko siyang palakihin habang nananatili kami roon. Well, p'wede lang iyon sakaling ibenta sa akin ng may-ari ang bahay. I looked at my watch. Napailing na lamang ako dahil alam kong hindi ko na p'wedeng isingit pa sa schedule ko ang pagpunta roon. In the end, I decided to get back at the office.PRENTE akong naglalaka
"Tulog na ang mga bata?" Salubong sa akin ni Mama nang makababa ako ng hagdanan.Alam kong nag-aalala rin siya para sa kambal. Miski si Mommy at Daddy ay hindi naiwasan na pansinin ang mga bata dahil sa pagiging matamlay nila. After what happened in the office, I automatically cancelled my remaining apointment and went home with my children. Mas lalo kong naramdaman ang pangangailangan na bumawi sa kanila.Tipid akong tumango kay Mama bilang tugon at saka naglakad patungo sa couch kung saan siya nakaupo. Agad niya akong inabutan nang mainit na tsaa pagkatapos. Nagpasalamat naman ako at tahimik na tumitig sa nakapatay na telebisyon."Pasensya na. Hindi ko rin inaasahan na makikita ng kambal ang kanilang ama . . . at ang pamilya nito," pagbasag ni Mama sa katahimikan.Nilingon ko naman siya at saglit na nginitian. "It's okay, Mama. Dati pa naman ay pinaghahandaan ko na talaga ang pagkakataon na magkikita kaming lahat.""Ano ang plano mo ngayon?" usisa niya.Hindi naman ako agad nakasago
I saw her smile. "I'm glad you still know me."I don't know how to react. Ni hindi ko nga alam kung sincere ba ang approach niya o sarcasm."What are you doing here?" pormal kong tanong, pilit na binabalewala ang ilang sa damdamin ko."Well, I'm with someone. Gusto ka sana namin kuhanin bilang architect ng bahay na ipapatayo ko," she answered.Siya mismo ang magpapagawa?Hindi ko naiwasan ang pagsalubong ng aking mga kilay. As if on cue, a woman in her 50s came beside her. Ilang beses akong napakurap habang tinatambol ang dibdib ko sa kaba.Hindi ko man itanong, alam ko kung sino siya. Her features resembled him. Sa mga mata, ilong, labi, at awra ng kaniyang mukha ay nakikita ko si Agustine."Anyway, meet Tita Rosella, my fiance's mother. Tita, meet Khrystal. One of Agustine's business partner," Lhea formally introduced.I tried to smile as she looked at me. Seryoso at walang halong pangmamaliit, ngunit ganiyon pa man ay hindi nakatakas sa paningin ko ang kaunting galit sa kaniyang mg
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tulala sa loob ng opisina ko. Ang pagkuha sa akin bilang architect ng bahay, pag-imbita sa engagement party, mga kakaibang titig ng ina ni Agustine—lahat iyon ay palaisipan sa akin.They are not terribly ill, right?Sa huli ay isang buntonghininga ang pinakawalan ko at saka nag-ayos ng mga gamit. Balak kong puntahan ang dating apartment na tinirahan ko, nagbabakasakaling ibebenta iyon sa akin. Kung hindi man masunod ang plano ko, wala akong ibang choice kundi ang maghanap ng condo unit para sa amin. I hope it's available.Nang matapos sa pag-aayos ay nagpaalam na ako sa sekretarya ko at nag-iwan ng ilang bilin bago tuluyang umalis. Ilang minuto pa ay nakasakay na nga ako ng kotse at astang isusuot ang seatbelt ko nang magulat ako sa pagbukas ng pinto ng sasakyan. It's like a deja vu. Agustine deposited himself on the passenger seat as he closed the door."Pasakay ulit," aniya sa matigas na wikang Tagalog.Hindi ko alam kung ngingiwi ba ako o m
Throughout the years, I never once imagined that the house I used to reside in would pass into his ownership. Something inside me admired him a little. He's an excellent businessman. I didn't expect that even a simple property would catch his interest. Tumikhim ako at pasimpleng kinalas ang kamay kong hawak niya. "You can tour me without holding my hand, Mr. Revelar.""Oh? Sorry, I forgot." He made a brief chuckle sound. "Nasanay lang," patalikod niyang bulong at saka nauna sa paglalakad. I feigned to be unaware of what he said. Hindi ako ignorante o tanga, napapansin ko ang paminsan-minsan niyang pagbabalik sa nakaraan naming dalawa. Hindi ko alam kung ginagawa niya ba iyon para inisin ako o talagang gusto niya lang akong ipahiya. Napailing na lamang ako at sumunod sa kaniya kahit pa may kaunting pagkabahala sa loob ko. Kung sakali kasi na bibilhin ko ang bahay, alam na niya kung saan ako hahanapin. I'm not presuming he will come to me; rather, I'm just getting ready for the possi
"Mommy, are you okay?" my son, Gio, asked.Salubong ang kaniyang kilay habang nakatitig sa akin, tila ba hindi niya maintindihan ang itsura ko ngayon. Tumikhim ako at pilit na ngumiti habang kinukumutan siya. Narito na kasi kami ngayon sa k'warto; alas otso na at kailangan na nilang matulog. "Okay lang ako, anak. May iniisip lang," tugon ko at sinilip ang kaniyang kakambal na mahimbing na natutulog sa tabi.Naunang nakatulog si Gia, k'wento ni Mama ay napagod siya sa pakikipaglaro kay Daddy kanina. "Don't forget to rest, Mom," Gio reminded.Napangiti naman ako at tumango. Marahan akong yumuko at hinalikan siya sa noo, gano'n din naman ang ginawa ko sa kapatid niya. Akala ko ay tutulog na siya pero nanatili pa rin ang tingin niya sa akin. Para bang may gustong itanong pero hindi alam kung paano sisimulan. "May problema ba, anak?" masuyo kong saad saka siya tinabihan sa kabilang gilid.I usually sleep between them, but because of my son's behavior, I thought that I need to talk to h
I had trouble falling asleep. Despite spending hours gazing at the ceiling, I haven't yet felt drowsy. In the end, I simply made the decision to leave the room and prepare a milk in the kitchen."You're still awake."Naapangat ako ng tingin kay Daddy nang magsalita siya. Kapapasok niya lang ng kusina at may hawak siyang tumbler. I smiled at him and raised my glass."Iinom lang po," magalang kong tugon.Nginitian niya naman ako pabalik saka nagtungo sa fridge. "Nasa iisang bahay lang tayo pero hindi na kita madalas nakikita." Mahina siyang tumawa. "How's work?""Pasensya na, na-busy lang sa pagbawi sa mga bata. Okay naman, Dad. Wala naman pong nagiging problema sa kumpanya." Iniwasan kong mapanguso nang maalala si Agustine.Siya lang problema.He went to me after refilling his tumbler. Sandali niya pa akong tinitigan na parang may hinahanap sa mukha ko. "You look stressed. Is it about Mr. Revelar?" he teased. I could not stop myself to roll my eyes. "Dad," ani ko na ikinatawa niya."
"How are you, hija?" my mom spoke as we ate our dinner, she's talking to her friend's daughter, Lhea.I don't know why I always need to be present every time she's here. Alam kong gusto niya ang babae para sa akin, pero kahit kailan ay hindi ako umoo sa plano niyang iyon. Though, I didn't decline also.I just let my mom thought that I am following her orders. Well, as of now, there's nothing wrong with her plan. I'm not in a relationship, I also don't have someone I like. There's no need to oppose."I'm doing good, Tita. Kayo po?" the girl answered.I lazily tilted my head to look at her. She's pretty, I admit it though. We're friends also. Hindi na masama para sa akin. I saw her looked at me, her cheeks flushed when she found me staring at her."Okay lang din naman. Kahit pa na-i-stress ako rito sa anak ko," reklamo ni Mama.The girl, Lhea, chuckled. "Why, Tita? Is there something wrong with your business?"Umiling naman si Mama at nakanguso akong nilingon. I just remained my stoic f
As I peered into the pitch-black abyss, the chilly breeze embraced my body. Even though it's past midnight, I'm back on the hospital's rooftop. I've been standing still and pondering things for practically an hour.I'll admit, Agustine's remarks stayed in the back of my head. I experienced conflicting emotions. Happy? Afraid? Bewildered.Isang buntonghininga ang pinakawalan ko at pinanuod ang mga bituin. Hindi na kami mga bata. Kung may mga desisyon man kami na kailangang gawin, hindi na namin kailangang magpaikot-ikot pa. Bigla kong naalala ang interview niya limang taon na ang nakararaan. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone ay sinubukang hanapin iyon sa internet. Luckily, it's still there. Nanginginig kong pl-in-ay ang video. Pigil ang hininga ko nang nagsimula na siyang tanungin ng ilang reporter. "Mr. Revelar, would you confirm that you are the person featured in the audio recording?""Yes," diretyo at walang paligoy-ligoy na sagot ni Agustine."Are you being blackmailed th
"Khrystal." I felt a faint tap on my shoulder as I heard my mother's voice.Marahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita siyang nakatayo sa harapan ko. I doze off. Hindi ko iyon namalayan dahil siguro sa pagod. I glanced at Gio and found him still sleeping. Sunod ko namang hinanap si Gia. Napangiti ako nang nakita siyang kandong ni Daddy at bininigyan ng binalatan niyang mansanas."Bibili na muna ako ng pagkain natin sa labas," ani Mama.Agad akong umiling at saka tumayo. "Ako na po. May bibilhin din po ako sa labas."Hinarap ko si Daddy at ngumiti bilang pamamaalam bago tuluyang lumabas ng silid. Hindi ko pa ulit nakikita si Agustine mula ng sagutan nila ni Lhea. Kung saan siya pumunta ay hindi ko alam. Napahinga ako nang malalim habang naglalakad. Ngayong nabigyan na ng linaw ang nakaraan namin, hindi ko maiwasan na manghinayang. Gano'n pa man, nagpapasalamat pa rin ako dahil mas pinatatag ako ng mga pinagdaanan namin. I am not a good for nothing bastarda anymore. Nakagawa na a
Pinilit kong ngumiti sa harapan ni Gio. "Anak . . ." nahihirapang usal ko. "Mommy needs to tell you something.""What is it, Mom?" mahina niyang tugon.I cleared the lump in my throat and moved a little. Hinayaan kong magkaroon ng espasyo para makita ng anak ko ang presensya ni Agustine. Gradually, my son's eyes grew bigger."S-Sir," he mumbled.Parang kinurot ang puso ko sa sandaling iyon. Hindi ko sinubukang tingnan si Agustine. Natatakot ako, nakukunsensya, at nasasaktan. Naramdaman ko ang paglalakad niya palapit sa amin. Ang mga mata ng anak ko ay nakatuon lamang sa kaniya. Namamangha at nag-uulap ang paningin sa presensya ng kaniyang ama."Gio . . ." I barely managed to say. "A-anak, s-si Daddy . . . nandito siya para sa 'yo."Marahan na lumipat ang paningin niya sa akin. Mas lalong naipon ang mga luha niya sa gilid ng kaniyang mga mata. Tila hindi makapaniwala na narinig. Once again, I tried to smile at him."Hindi niyo na kailangang magtago, anak . . ." I murmured.Gio's tears
"Omg, girls have some class."My gaze shifted when a familiar voice spoke. Napakunot ang noo ko nang nakita ang nanay ni Agustine. Prente siyang nakatayo habang nakasabit sa kaniyang braso ang isang mamahaling bag. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya at saka eleganteng naglakad palapit sa amin. Hindi nakalampas sa aking tainga ang bawat ingay ng takong niya habang tumatapak sa sahig ng ospital."Where's my son?" she asked when she's finally in front of me.I stared at her for a second. Wala akong mabakas na emosyon sa mukha niya. I could not even decide whether to respond or ask back a question. "Mom." On cue, Agustine arrived. Mabilis siyang nagtungo sa ina at masuyong hinawakan ang braso nito. "What are you doing here?" he added."Well, I found out that you're here. May nangyari ba sa 'yo?" usisa ng nanay niya.Mabilis namang umiling si Agustine at tumingin sa akin. Humihingi ng pasensya kahit wala pa mang nangyayari. His throat moved before looking back at his mother. "M
I was pacing back and forth—waiting for him to show up—as I held tight on the pregnancy test. Almost two weeks had passed since I found out about it. I didn't know what to do; all I knew was . . . I must tell him about our baby.Dalawang oras na rin buhat nang makarating ako rito sa lobby ng condo niya. Pagkalapag ko pa lang sa airport ay dito na ako nagpahatid sa taxi. Gusto ko siyang akyatin sa unit niya, pero natatakot ako sa kaniyang reaksyon. I know he's mad at me, and it might trigger him to be impulsive. Kung dito ako sa lobby magpapakita, makakapagkontrol pa siya dahil may mga taong nakapaligid.I took a deep breath and calmed myself. Iniwasan kong mag-isip ng kung ano-ano dahil sa takot na baka maapektuhan ang anak ko. Sandali akong umupo sa couch para makapahinga. Right after that, I finally saw him walking. Wala sa akin ang atensyon niya, kundi sa daan. I was about to rise from my seat when a child suddenly grabbed his hand. Mas lalo pa akong natigilan nang sumunod ang fia
"Aren't you going to talk?"I took a deep breath and turned to face him. Halos sampong minuto na rin mula nang umakyat kami rito sa rooftop ng ospital. I invited him here so we can talk peacefully; that's what I believe."Hindi ko sila planong itago sa 'yo," panimula ko.He scoffed. "Really? That's why I recently found out that I have kids," he mocked along with his intense glare.Nakagat ko ang ibaba kong labi at napaiwas ng tingin. "I was planning to tell you today.""Today," he repeated and laughed wearily. Napahiyaw ako nang humarap siya sa pader at malakas iyong sinuntok. Magkakasunod pang mura ang binitiwan niya bago muling tumingin sa akin. I could see the pain and betrayal in his eyes."You should have informed me right away when you found out you were pregnant, Khrystal! Muntik na maging bastardo at bastarda ang mga anak ko!" His veins nearly burst while screaming."Paano ko ipapaalam sa iyo ang pagbubuntis ko kung buong akala ko pamilyado ka, Agustine?! Tingin mo ba ay ginu
My body seemed to be moving on its own. I don't know how to think properly. Nanginginig man ang mga tuhod ko ay nagawa ko pa ring tumakbo. Lord, please, not my son."M-Miss, Giovani Dagsinal, please," I asked at the nurse assigned in the emergency ward."D-Dinala siya sa operating room," a familiar voice interrupted.Wala sa sarili akong napalingon sa direksyon niya. Her eyes were swollen. Sa gilid niya ay naroon ang anak niyang tahimik na umiiyak habang may benda sa kaniyang siko. Nakaupo silang pareho sa isang hospital bed."Lhea, why are you here? And what happened to Dianne?" usisa ni Agustine. Her throat moved slowly. Nakukunsensya siyang tumingin sa akin. Astang bubuka ang bibig niya para magsalita pero agad niya rin iyong itinikom. I chose to ignore her in the end. Wala akong pakialam sa kaniya. Ang kailangan kong makita ay ang anak ko. Mabilis akong tumakbo paalis, ramdam ko ang pagsunod ni Agustine sa akin pero miski siya ay hindi ko pinagtuunan ng atensyon."K-Khrystal,"
Hindi ko alam kung paano haharap kay Agustine. I know, he's inside my office. Noong umalis ang fiancee at anak niya ay nakita ko siyang pumasok ng building. Ipinahatid ko muna kay Mama ang mga bata sa malapit na park. I want them to breathe for a moment. Alam kong masakit sa kanila ang pangalawang beses na makitang kasama ni Agustine ang pamilya niya. But I don't want to delay this anymore. Kakausapin ko na siya, kami muna. Ilang beses akong kumuha at bumuga ng hininga bago marahang binuksan ang pinto ng opisina ko. Tulad ng inaasahan ko, nakaupo siya sa visitor's chair, hinihintay ang pagdating ko. Agad nagtama ang paningin naming dalawa.Kung sa normal na mga araw, nagagawa ko siyang batiin kahit bilang partner sa negosyo. Ngayon ay hindi ko iyon magawa. Oo, hindi niya naman kasalanan na naabutan sila ng mga anak ko. Pero hindi ko maiwasan na makaramdam ng sama ng loob. "Good morning, Ms. Dagsinal," bati niya.Hindi ako sumagot. Naglakad lamang ako patungo sa aking upuan at saka