C4 BFRTR
Sa isang buwan na pananatili ko sa kanila ni Carla at Dominic ay marami akong natutunan, nedyo nawala na rin ang takot ko sa mga tao lalo na sa mga kasama namin dito ni Carla. Masaya rin ako dahil kahit paman sa kasamaan na ginawa ko noon ay hindi galit sa akin si Carla. Minahal niya pa rin ako na pa rang isang kapatid.“Amy, ano’ng ginagawa mo d’yan?” Nilingon ko si Carla at ngumiti.“Ito ba, inayos ko lang ang design nang damit,” ngiti kong wika sa kanya.“Wow! Ang galing naman nang pagkakagawa mo n’yan,” Mangha niyang wika habang tiningnan ang ginawa kong palda. Kahit kasi noong nasa ampunan pa kami ay mahilig na akong lagyan nang design ang mga damit ko para rin mag mukhang sexy ito. Akala ko kasi dati kapag sexy ka maraming magkakagusto sa akin at gustong amponin ako pero mali pala ‘yon.“Umiiyak ka na naman?” Pinunasan ko naman ang aking luha sa aking pisngi.“Pasensya kana,”“Ayos lang ‘yon, balang araw makakalimutan mo rin ang nangyari sa ‘yo Amy,”“Sana nga Carla,” Iyak kong wika habang yumakap sa kanya.“Baby,” Kumalas ako sa pagkakayakap kay Carla nang marinig ko ang boses ni Dominic.“What is that?” Tanong niya nang makalapit siya sa amin.“Gawa ni Amy, tingnan mo Baby ang ganda,” hindi ko naman mapigilang mahiya dahil sa pagmamalaki ni Carla sa ginawa ko.“Amy, do you like to go in school?” Napatingin ako kay Dominic dahil sa kanyang sinabi. Dati gustong-gusto kong makapunta nang paaralan, ngunit ngayon, hindi ko alam. “P-paano kapag makita nila ako?” Mahina ko namang sagot sa kanya.“Don’t worry Carla and I are decided na do’n ka pag-aaralin sa America,” Napatingin akong muli sa kanya dahil sa kanyang sinabi. America? Alam ko ‘yon eh isa iyong lugar na malayo at ang nababasa ko noon ay napakalayo.“W-wala akong matitirhan do’n,” hindi ko mapigilang mag-alala dahil wala naman talaga akong ibang kakilala kundi sila lang.“’Wag kang mag-alala Amy, may bahay naman si Baby do’n at isa pa nando’n din si Nico,” Ngiting wika niya. sa America na rin kasi nag-aaral ang anak nila na kambal.“Don’t worry, no one hurt you there I promise,” ngumiti naman ako kay Dominic dahil sa kanyang sinabi.“Amy,” Napatingin ako sa pinto habang naririnig ang boses Manang. Siguro nagtaka na sila dahil hindi pa rin ako lumabas.“Amy, anak! Ayos ka lang ba?” hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa tawag niya sa akin. simula noong nandito ako ay siya na ang nag-aalaga sa akin. tinatawag niya rin akong anak kaya pakiramdam ko ay may Nanay ako.“Masama po ang pakiramdam ko Manang,” Mahina ko namang sagot habang pinipilit tumayo. Napapahawak din ako sa aking noo dahil nahihilo ako at nasusuka.“Manang,” Mahina kong sambit nang mabuksan ko ang pinto.“Ayos ka lang ba?” Taka niyang tanong habang hinawakan ang aking noo. Sasagot na sana ako sa kanya nang biglang bumaliktad ang aking sikmura kaya agad akong tumakbo sa banyo at dumuwal nang dumuwal.“Anak, ayos ka lang ba? ano ang masakit sa ‘yo?” Tanong ni Manang habang hinahagod ang aking likod.“Amy, buntis ka ba?” Natigilan ako at pinunasan ang aking labi.“B-buntis? Ano po ‘yon Manang?” taka ko namang tanong sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ‘yon.“Buntis, ‘yong may baby sa tiyan mo,” Turo ni Manang sa aking tyan.“D-dito? P-paano po siya pumasok dito?” Taka kong tanong habang hinawakan ang aking tyan. Hindi ko kasi alam kong paano ‘yon nakapasok at saan siya dumaan.“A-Amy..anak,” Hindi ko mapigilang magtaka habang yakap ako ni Manang, dahil umiiyak siya at hindi ko alam kung bakit.“Amy!” Kumalas ako kay Manang at nilapitan si Carla. Bumuti na rin kasi ang pakiramdam ko matapos akong dumuwal.“Carla!” Ngiting wika ko habang tumakbo ako papalapit sa kanya.“Oh, ayos ka lang ba? bakit ang putla mo? At bakit hindi ka pa bumaba? Kanina kapa namin hinintay ni Baby,” mahabang wika niya sa akin habang taka nakatingin sa itsura ko.“Sumama lang kasi ang pakiramdam ko kanina,” ani ko.“Ayos ka na ba?” Tumango naman ako sa kanya.“Sabi nga pala ni Manang may baby raw ako rito,” Ngiting wika ko habang itinuro ko ang aking tyan.“H-ha? A-anong baby?” taka niyang tanong sa akin.“Hindi ko alam Carla eh, hindi ko nga alam kung paano siya pumasok at saan siya pumasok,” bigla namang namilog ang aking mga mata nang yakapin ako ni Carla at humagulhol ito nang iyak, kaya labis ang pagtataka ko sa kanya.“Bakit ka umiiyak Carla?” tanong ko dahil nagtataka na ako sa kinikilos nila at hindi ko alam kung bakit sila umiiyak.“W-wala Amy, masaya lang kami k-kasi may baby kana, ingatan mo siya ha?” Aniya habang pinunasan ang kanyang pisngi.“M-maligo ka na at magbihis, pupunta tayo sa doctor para malaman natin kung totoong buntis ka,” Tumango naman ako sa kanya kahit naguguluhan pa rin ako. Nang makauwi kami galing sa doctor ay wala pa rin akong naintindian sa kanilang pinag-uusapan tanging tango lang ang isinasagot ko sa bawat tanong nito sa akin at minsan si Carla na ang sumagot.“Manang kayo na po ang bahala kay Amy roon, lalo na sa baby niya,” narinig kong wika ni Carla habang inayos ni Manang ang mga damit ko. sabi kasi ni Dominic ngayon na raw ang alis namin ni Manang papuntang ibang bansa. Nagtataka rin ako dahil agad na nila akong papuntahin doon. Ang sabi nila ay para raw ito sa akin at sa baby ko. panay naman ang tingin ko sa aking tyan dahil wala naman akong nakikitang baby rito.“Amy, mag-ingat ka roon ha?” Ani ni Margie habang niyakap ako. kasama kasi siya sa naghatid sa akin dito sa airport. Ang sabi ni Manang sa akin private plane raw ang sasakyan namin. Tanging tango lang din naman ang sagot ko sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang private plane.“Pangako dadalaw kami sa ‘yo lagi roon,” Ani ni Carla habang hinagod ang aking buhok.“’Di ba malayo ‘yon?” tanong ko naman sa kanya.“Oo, medyo,” ngiting wika niya sa akin.“Pero mabilis lang naman kami makapunta do’n kaya ‘wag kang mag-alala at ‘wag kang malungkot,” Dagdag ni Margie kaya napangiti ako sa kanya.C1 Hindi ko mapigilang titigan ang anak na lalaki Ma’am Divina habang papalapit ito sa amin. Ang maamo niyang mukha ay nagpapabilis ng tibok ng aking puso ang matangos niyang ilong at ang kanyang buhok na may kataasan ay lalong naghahatid ng kanyang ka-gwapohan ang kanyang mapupulang labi at. Naputol ang aking pagpapantasya sa kanya ng magsalita siya at hindi ko na napapansin na nasa harapan ko na pala si Sir.“Bago ka lang ba rito?” ngiting tanong niya sa akin na lalong nagpapabilis ng tibok sa aking puso.“O-opo Sir,” utal ko namang sagot sa kanya habang may mga ngiti rin sa aking labi.“Amy. Kunin mo na ang mga gamit ng Sir Rab mo at ilagay mo ito sa kanyang kwarto.” utos sa akin ni Ma’am Divina kaya mabilis kong kinuha ang kanyang hawak na maleta.“A-akin na po Sir,” ani ko habang nakatingin ako sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin habang binigay ang inabot sa akin ang hawak niyang maleta. Bigla naman akong napa-angat ng tingin sa ka
C2 “Amy, halika bibigyan kita ng pera.” wika ni Sir Rab kaya mabilis akong humawak sa kanyang braso at sumama sa kanya. Yes sa wakas makakakita at magkakaroon na rin ako ng pera.Nang makapasok kami sa silid niya may kinuha naman siya sa at binuksan niya ito para naman itong maliit na pero wala namang hawakan.“Ito Amy, ito ang pera.” aniya sabay taas sa mga papel na kulay orange, kaya dali-dali akong lumapit sa kanya at tinangnan ito.“Wow! Ito na po ba ang pera Sir?” tuwa ko namang wika sa kanya habang kinuha ang hawak niyang pera na kulay orange at lalo akong natuwa ng bilangin ko ito dahil sampung piraso ito.Nakita ko naman ang nakasulat dito na numero na two at zero.“Sir? Ano ang tawag dito?” Turo ko sa numero.“Bente ang bilang diyan.” sagot niya habang ang kanyang mga kamay ay humihimas sa aking mga hita. Pero hindi ko siya pinansin at sinubukan ng bilangin ang binigay niyang pera sa akin. pero napahinto a
C3 Nang umalis si Ma’am Divina at Sir Rab sa silid ni Sir Rab ay inayos ko naman ang aking sarili habang tiningnan ang namumula kong balat at ang iba ay may kunting dugo dahil sa kalmot ni Ma’am Divina. Panay naman ang punas ko sa aking mga luha habang naglalakad patungo sa aking silid. Ang akala ko mabait si Sir Rab at kaya niya akong ipagtanggol pero mali pala ako dahil katulad pala siya sa kanyang mga kapatid. nang makapasok ako sa aking silid ay kinuha ko naman ang aking bag na nilagyan ko ng pera na binigay sa akin ni Sir Rab. Hindi ko naman maintindihan ang sinabi ni Sir Rab kanina.Napalingon naman ako ng marinig na bumukas ang aking silid at nakita si Sir Rab, kaya umatras ako dahil natatakot na ako sa kanya.“Amy, halika.” aniya pero mabilis akong umiling sa kanya.“Huwag mo akong galitin Amy. Bilisan mo nang lumapit sa akin.” galit niyang sabi habang papalapit na siya sa akin.“Bitawan mo ako Sir.” sabi ko sa kanya da