Share

Back For Revenge To Rabboni
Back For Revenge To Rabboni
Author: Darkshin0415

Chapter 1

Author: Darkshin0415
last update Last Updated: 2022-04-15 19:42:24

C1 

Hindi ko mapigilang titigan ang anak na lalaki Ma’am Divina habang papalapit ito sa amin. Ang maamo niyang mukha ay nagpapabilis ng tibok ng aking puso ang matangos niyang ilong at ang kanyang buhok na may kataasan ay lalong naghahatid ng kanyang ka-gwapohan ang kanyang mapupulang labi at. Naputol ang aking pagpapantasya sa kanya ng magsalita siya at hindi ko na napapansin na nasa harapan ko na pala si Sir.

“Bago ka lang ba rito?” ngiting tanong niya sa akin na lalong nagpapabilis ng tibok sa aking puso.

“O-opo Sir,” utal ko namang sagot sa kanya habang may mga ngiti rin sa aking labi.

“Amy. Kunin mo na ang mga gamit ng Sir Rab mo at ilagay mo ito sa kanyang kwarto.” utos sa akin ni Ma’am Divina kaya mabilis kong kinuha ang kanyang hawak na maleta.

“A-akin na po Sir,” ani ko habang nakatingin ako sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin habang binigay ang inabot sa akin ang hawak niyang maleta. Bigla naman akong napa-angat ng tingin sa kanya ng hawakan niya ang aking kamay.

“Pasensya na,” aniya kaya napatango lang ako sa kanya. Hindi ko akalain na mabait pala ang panganay na anak ni Ma’am Divina. Iba kasi ang kanyang ugali sa kanyang dalawang kapatid na si Ma’am Liezel at Sir Ronnel. Lagi kasi nila akong pinagkakaisahan at hindi kinakausap.

Nang makapasok ako sa silid ni Sir Rab ay agad ko namang kinuha ang mga gamit niya na nasa loob ng kanyang maleta para mailipat ko na ito sa kanyang lagayan ng damit.

“Amy! Nasaan ka ba?” napatayo naman ako ng marinig ang boses ni Ma’am Liezel kaya agad akong lumabas ng para puntahan siya.

“Bakit po Ma’am?” mahinang tanong ko sa kanya.

“Anong bakit? Hindi ba sinabihan kitang linisan mo ang kwarto ko pero anong ginawa mo? Hindi mo ako sinunod.” galit niya namang wika sa akin.

“P-patawad po Ma’am inutusan pa po kasi ako ni Ma’am na-.” naputol ang sasabihin ko ng hinampal niya ako sa aking pisngi.

“Talagang wala kang galang ha? Baka nakalimutan mo kung saang basura ka pinulot ng Mommy ko.” sigaw niya pa sa akin.

“Liezel tama na ‘yan.” Napatingin naman ako kay Sir Rabboni habang papalapit siya sa amin.

“Huwag mo siyang kampihan kuya. Hindi mo ba alam na binili siya ni Mommy para gawing katulong natin dito kuya. Kaya wala siyang karapatang maglikramo.” aniya sa galit pa rin na boses.

“Huwag mo na siyang pagalitan inutusan pa kasi siya ni Mommy kanina para dalhin ang mga gamit ko kaya siguro nakalimutan niya ang inutos mo.” hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya, dahil simula ng dumating ako sa bahay na ito ay walang kahit na isa ang nagtatanggol sa akin, at kahit noon na nasa ampunan pa ako ay pilit ko ring itinatago ang kahinaan ko para hindi ako apihin ng mga kasamahan ko kaya pinakita ko sa kanila na matapang ako at hindi nila ako kayang apihin. Pero dito sa pamilyang umampon sa akin ay binago ko ang aking ugali para mahalin nila ako at ituring man lang na pamilya, ngunit kahit anong gawin kong kabaitan at pagsunod sa kanila ay katulong pa rin ang turing nila sa akin.

“Pasensya ka na Amy sa kapatid ko ha,” ngiting wika niya sa akin habang napatango naman ako sa kanya.

Tinalikuran ko na silang dalawa para gawin ang inutos sa akin ni Ma’am Liezel baka kasi magalit na naman ito kapag hindi ko pa malinis ang silid niya.

Habang naglilinis ako ay hindi ko naman maiwasang ngumiti habang na-alala ang mga ngiti sa akin ni Sir Rab, dahil hindi lang siya gwapo mabait pa ito.

Nang matapos akong maglinis ay pumunta na ako sa kusina para magluto ng hapunan. Mamaya ko na lang din ipagpatuloy ang pag-aayos sa mga gamit ni Sir Rab dahil baka magalit si Ma’am Divina kapag hindi pa ako nakapag-luto ng hapunan.

Makalipas ang isang oras ay natapos na rin ako sa pagluluto at paghahanda ng mesa kaya pinuntahan ko na sila habang nasa sala sila at masayang nag-kwentuhan.

“Ma’am Sir, handa na po ang mesa.” ani ko habang nasa gilid nila ako.

“Halina kayo, Dad, mga anak.” wika naman ni Ma’am Divina sa kanila at mabilis naman silang sumunod dito at naglakad papasok ng kusina.

Nagpasya naman akong ipagpatuloy ang pag-aayos sa mga gamit kanina ni Sir Rab habang kumakain sila para kapag tapos na silang kumain ay matapos ko na rin iyong mai-ayos.

“Hi,” bigla naman akong nagulat ng marinig ang isang baritong boses kaya napalingon ako sa may pintuan.

“S-Sir, kayo po pala, tapos ko na pong ayusin ang mga damit at gamit niyo po.” ani ko at tumayo na para makalabas na rin ako ng kanyang silid, dahil baka magpahinga na siya. pero napahinto ako ng humarang siya sa pintuan.

“Mamaya ka na lumabas, hindi pa naman sila Mommy tapos kumain.” aniya. Napansin ko naman na ni-lock niya ang pinto kaya napatingin ako sa kanya.

“Huwag kang mag-alala wala naman akong masamang gawin sa’yo, gusto ko lang naman na maka-usap ka at makilala na rin.” wika niya habang naglalakad papunta sa kanyang kama.

“Halika umupo ka rito sa tabi ko Amy.” Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Hindi ko naman kailangan matakot sa kanya dahil mabait naman siya sa akin.

“Ilang taon ka nap ala?” tanong niya naman sa akin ng kinuha niya ang kanyang cellphone.

“eighteen na po Sir,” sagot ko naman sa kanya.

“Ganoon ba, mas matanda pala ako sa’yo kasi twenty two na ako.” Tumango naman ako sa kanya habang inilapit ko ang aking mukha sa hawak niyang cellphone. Pangarap ko kasi na magkaroon nito pero hindi pa ako marunong at ayaw din ako pahiramin ni Liezel at Sir Ronnel.

“Marunong ka ba gumamit nito?” tanong niya habang nasa cellphone niya pa rin ang atensyon ko.

“Hindi po Sir.” sagot ko naman sa kanya habang panay naman ang lipat-lipat niya ng mga nakikita ko sa hawak niyang cellphone. Ngayon ko lang din kasi ito nakikita sa malapitan dahil nagagalit ang mga kapatid niya kapag lumapit ako sa kanila lalo na kapag hawak nila ang mga cellphone nila.

“Ang galing naman Sir, pwede rin pala maging telebisyon ang cellphone mo?” tuwa ko namang wika sa kanya habang nakatingin sa palabas na nakikita ko sa kanyang cellphone. Pero bigla naman akong nagtaka ng makitang naghahalikan ang palabas na pinapanood namin.

“Naranasan mo na ba ang mahalikan?” tanong niya, kaya mabilis naman akong umiling sa kanya. Habang nanatili pa rin akong nanuod sa palabas ng kanyang cellphone.

“Gusto mong halikan kita?” aniya pero hindi ko siya pinapansin at patuloy pa rin sa panunuod. Habang ang kanyang isang kamay ay humawak sa aking beywang. Napalingon naman ako sa kanya at kinuha ang kanyang kamay.

“Rabboni anak! Nandiyan ba si Amethyst sa kwarto mo?” narinig ko namang wika ni Ma’am Divina kaya agad akong tumayo at binuksan ang pinto.

Nang makita niya naman ako ay mabilis niyang hinila ang aking tainga kaya napadaing ako.

“Ang tigas talaga ng ulo mo no? hindi ba sinabi ko sa’yo na ligpitin mo ang mesa kapag tapos na kaming kumain kung ayaw mong kumain.” galit niyang wika habang hawak pa rin ang aking tainga.

“Patawad po, inayos ko po kasi ang gamit ni Sir Rab Ma’am,” wika ko naman sa kanya sa naiiyak na boses.

“Palusot ka pa. bilisan mo nang kumain para malinisan mo na ang kusina.” wika niya habang tinulak ako.

“Opo Ma’am,” sagot ko naman sa kanya at pumasok na ng kusina. Nang nakaupo ako sa upuan ay doon naman nag-unahan sa paglandas ang aking mga luha. 

Ganito naman lagi ang ginagawa ko, sa tuwing sinasaktan nila ako ay pinipigilan kong maiyak sa kanilang harapan at pilit na pinapatatag ang aking sarili.

Nang matapos akong kumain at maglinis ay inilabas ko naman ang mga basura para ibigay sa gwardya. Siya kasi ang inuutosan ni Ma’am na magtapon nito sa labas dahil pinagbabawalan nila akong lumabas at hanggang sa gate lang ako pwede.

“Kuya, ito na po ang basura.” wika ko naman sa gwardya. Inabot niya naman ito at binuksan ang maliit na gate, kaya sumilip ako. 

Simula kasi ng kinuha ako ni Ma’am Divina sa ampunan ay hindi nila ako pinayagan lumabas ng bahay.

“Amy. Bakit nandyan ka pa? baka makita ka ni Ma’am at mapagalitan na naman.” ngumiti naman ako kay kuya Gani dahil sa kanyang sinabi.

“Huwag po kayo mag-alala kuya nasa loob na po sila ng silid nila.” sagot ko naman sa kanya.

“Kuya Gani. Maganda po ba sa labas?” tanong ko naman sa kanya habang sinasara na niya ang maliit na gate.

“Oo naman lalo na kapag marami kang pera.” sagot niya naman sa akin.

“Pera po?” takang tanong ko, dahil nuong buhay ko hindi pa ako nakakita ng pera.

“Oo Amy kaya kapag gusto mong mamasyal sa labas kailangan magdala ka ng maraming pera.” aniya.

“May pera po ba kayo kuya Gani?” tanong ko naman sa kanya para makita ko kung ano ang hitsura ng pera.

“Wala Amy nasa Misis ko.” wika naman niya na ikinatango ko.

“Sige po kuya papasok na po ako sa loob.” paalam ko naman sa kanya.

“Saan kaya ako makakakita ng pera, hindi kasi ako binibigyan noon ni Ma’am Divina.” ani ko naman sa sarili.

Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay pinatay ko na ang mga ilaw sa sala at kusina. Paakyat na sana ako ng aking silid ng makita si Sir Rabboni na umiinom sa terrace. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti kaya lumapit ako sa kanya.

“Bakit po kayo umiinom Sir?” taka ko namang tanong sa kanya dahil akala ko nagpahinga na siya dahil kararating niya lang galing ng ibang bansa. Ang sabi kasi ni Ma’am Divina sa ibang bansa raw siya galing.

“Hindi pa kasi ako inaantok.” aniya.

“Gusto mong uminom?” alok niya naman sa akin habang inabot ang baso na may laman na alak.

“Hindi po ako umiinom niyan Sir.” wika ko naman sa kanya.

“Konti lang Amy tikman mo lang,” napatingin naman ako sa baso na inabot niya sa akin at dahil nahihiya akong umayaw ulit inabot ko na lang ito.

Bigla ko namang dinura ang alak ng mainom ko ito dahil ang sakit nito sa lalamunan at ang anghang.

Narinig ko naman siyang tumawa kaya napatingin ako sa kanya.

“Ang pangit pala ng lasa ng alak Sir.” wika ko naman habang tinapon ang natira sa baso.

“Ganyan talaga kapag unang tikim mo pa lang.” wika naman niya habang kinuha ang hawak kong baso at nilagyan ulit ng alak.

“Gusto mo pa ba?” tanong niya, kaya mabilis naman akong umiling sa kanya.

“Ayaw ko na po Sir maanghang po kasi.” sagot ko naman sa kanya habang napatingin sa labas.

Napalingon naman ako sa kanya ng bigla niya akong niyakap sa aking likod.

“Nilalamig po kayo Sir?” takang tanong ko naman sa kanya, dahil nagyayakapan kami dati sa ampunan kapag nilalamig kami.

“Oo,” sambit niya sa paos na boses kaya nilingon ko siya.

“May sakit po ba kayo?” tanong ko ulit sa kanya, dahil mainit ang kanyang katawan. Siguro nilalagnat siya. umiling naman siya habang nakasubsob na ang kanyang mukha sa aking leeg, kaya hindi ko mapigilang makaramdam ng kiliti.

“Sir.” sambit ko naman sa kanyang pangalan.

“Hmm,” aniya.

“May pera po ba kayo?” tanong ko naman sa kanya dahil gusto kong magkaroon ng pera at makakakita rin ng pera.

“Oo bakit?” mabilis naman akong humarap sa kanya ng marinig ang kanyang sagot.

“Talaga Sir meron ka no’n?” tuwang wika ko naman sa kanya.

“Oo,” sagot niya habang napapansin ko sa kanyang mukha ang pagtataka.

“Bigyan mo ako ng pera Sir.” ani ko habang hindi pa rin mapigilan ang tuwa.

“Anong gagawin mo sa pera?” takang tanong niya naman sa akin.

“Sabi kasi ni kuya Gani maganda kapag may pera at hindi pa po ako nakakakita ng pera Sir.” wika ko na bahagya niya namang ikinagulat.

“Talaga?” sagot niya sa akin na ikinatango ko.

“Gusto mong bigyan kita ng pera?” mabilis namang akong tumango sa kanya, dahil gusto kong magkaroon no’n.

“Bibigyan kita, pero may gusto rin ako.” wika niya kaya napatitig ako sa kanya.

“Ano pong gusto niyo?” tanong ko naman sa kanya.

“Gusto kong gayahin natin ang pinapanuod natin kanina.” aniya na ikinahinto ko.

“G-gagayahin natin ‘yong naghahalikan?” takang tanong ko na ikinatango niya.

Related chapters

  • Back For Revenge To Rabboni   Chapter 2

    C2 “Amy, halika bibigyan kita ng pera.” wika ni Sir Rab kaya mabilis akong humawak sa kanyang braso at sumama sa kanya. Yes sa wakas makakakita at magkakaroon na rin ako ng pera.Nang makapasok kami sa silid niya may kinuha naman siya sa at binuksan niya ito para naman itong maliit na pero wala namang hawakan.“Ito Amy, ito ang pera.” aniya sabay taas sa mga papel na kulay orange, kaya dali-dali akong lumapit sa kanya at tinangnan ito.“Wow! Ito na po ba ang pera Sir?” tuwa ko namang wika sa kanya habang kinuha ang hawak niyang pera na kulay orange at lalo akong natuwa ng bilangin ko ito dahil sampung piraso ito.Nakita ko naman ang nakasulat dito na numero na two at zero.“Sir? Ano ang tawag dito?” Turo ko sa numero.“Bente ang bilang diyan.” sagot niya habang ang kanyang mga kamay ay humihimas sa aking mga hita. Pero hindi ko siya pinansin at sinubukan ng bilangin ang binigay niyang pera sa akin. pero napahinto a

    Last Updated : 2022-04-15
  • Back For Revenge To Rabboni   Chapter 3

    C3 Nang umalis si Ma’am Divina at Sir Rab sa silid ni Sir Rab ay inayos ko naman ang aking sarili habang tiningnan ang namumula kong balat at ang iba ay may kunting dugo dahil sa kalmot ni Ma’am Divina. Panay naman ang punas ko sa aking mga luha habang naglalakad patungo sa aking silid. Ang akala ko mabait si Sir Rab at kaya niya akong ipagtanggol pero mali pala ako dahil katulad pala siya sa kanyang mga kapatid. nang makapasok ako sa aking silid ay kinuha ko naman ang aking bag na nilagyan ko ng pera na binigay sa akin ni Sir Rab. Hindi ko naman maintindihan ang sinabi ni Sir Rab kanina.Napalingon naman ako ng marinig na bumukas ang aking silid at nakita si Sir Rab, kaya umatras ako dahil natatakot na ako sa kanya.“Amy, halika.” aniya pero mabilis akong umiling sa kanya.“Huwag mo akong galitin Amy. Bilisan mo nang lumapit sa akin.” galit niyang sabi habang papalapit na siya sa akin.“Bitawan mo ako Sir.” sabi ko sa kanya da

    Last Updated : 2022-04-15
  • Back For Revenge To Rabboni   Chapter 4

    C4 BFRTRSa isang buwan na pananatili ko sa kanila ni Carla at Dominic ay marami akong natutunan, nedyo nawala na rin ang takot ko sa mga tao lalo na sa mga kasama namin dito ni Carla. Masaya rin ako dahil kahit paman sa kasamaan na ginawa ko noon ay hindi galit sa akin si Carla. Minahal niya pa rin ako na pa rang isang kapatid.“Amy, ano’ng ginagawa mo d’yan?” Nilingon ko si Carla at ngumiti.“Ito ba, inayos ko lang ang design nang damit,” ngiti kong wika sa kanya.“Wow! Ang galing naman nang pagkakagawa mo n’yan,” Mangha niyang wika habang tiningnan ang ginawa kong palda. Kahit kasi noong nasa ampunan pa kami ay mahilig na akong lagyan nang design ang mga damit ko para rin mag mukhang sexy ito. Akala ko kasi dati kapag sexy ka maraming magkakagusto sa akin at gustong amponin ako pero mali pala ‘yon.“Umiiyak ka na naman?” Pinunasan ko naman ang aking luha sa aking pisngi.“Pasensya kana,”“Ayos lang ‘yon, balang araw makakalimutan mo rin ang nangyari sa ‘yo Amy,”“Sana nga Carla,” I

    Last Updated : 2023-01-18

Latest chapter

  • Back For Revenge To Rabboni   Chapter 1

    C1 Hindi ko mapigilang titigan ang anak na lalaki Ma’am Divina habang papalapit ito sa amin. Ang maamo niyang mukha ay nagpapabilis ng tibok ng aking puso ang matangos niyang ilong at ang kanyang buhok na may kataasan ay lalong naghahatid ng kanyang ka-gwapohan ang kanyang mapupulang labi at. Naputol ang aking pagpapantasya sa kanya ng magsalita siya at hindi ko na napapansin na nasa harapan ko na pala si Sir.“Bago ka lang ba rito?” ngiting tanong niya sa akin na lalong nagpapabilis ng tibok sa aking puso.“O-opo Sir,” utal ko namang sagot sa kanya habang may mga ngiti rin sa aking labi.“Amy. Kunin mo na ang mga gamit ng Sir Rab mo at ilagay mo ito sa kanyang kwarto.” utos sa akin ni Ma’am Divina kaya mabilis kong kinuha ang kanyang hawak na maleta.“A-akin na po Sir,” ani ko habang nakatingin ako sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin habang binigay ang inabot sa akin ang hawak niyang maleta. Bigla naman akong napa-angat ng tingin sa ka

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status