Chapter 58 (Part 1) “What happened to my babies?” tanong ni Nix nang makapasok ito sa kwarto ng kambal. Panay pa rin ang pagpupumiglas ni Calix sa pagkakahawak niya at malakas ang atungal ng iyak. Nang makita ni Vioxx ang ama na lalapit sana kay Calix ay umatungal din ito. Nagpapakampi rin kahit ito naman ang may ginawang mali. Nagpaligsahan pa ang dalawa sa pag-iyak kaya panay ang sayaw nila ni Nix sa mga ito para patahanin. Natawa na lang sila ni Nix nang itinuro pa ng dalawang sanggol ang isa’t isa na para bang nagsisihan. Ilang sandali pa nilang inaliw ang kambal bago ang mga ito tumahimik dahil nakatulog na. Sabay nilang inilagay ni Nexus ang dalawa sa malaking crib. Humagikhik siya nang kumilos si Calix para ipatong ang mga kamay at paa sa kapatid. Parang niyayakap. “They’re adorable,” Nix commented and for the nth time, he kissed her forehead and whispered on her ear. “Thank you for bringing them in th
Chapter 58 (Part 2) Malakas ang tugtog na sumalubong sa kanila nang makarating sa bar na sinasabi ni Meimei. Isa iyon sa mga exclusive bar sa Bonifacio Global City. Marami ng tao sa loob kahit pasado alas-otso pa lang naman ng gabi. Hila-hila siya ni Meimei patungong second floor kung saan naroroon daw ang mga katrabaho nito. Meimei is senior accountant in one of the biggest companies in the country. Maganda ang trabaho kaya hindi na siya nagtataka kung bakit mas pinili nitong manatili sa Maynila kaysa bumalik sa probinsya. Her friend has a life in the city. “Guys, this is Amara Stephanie, my bestfriend,” pakilala nito sa kanya nang marating nila ang mesa ng mga kasama nito. Bumati at nagpakilala sa kanya ang mga katrabaho nito habang ang ilan naman ay kinumusta siya dahil kilala niya na ang mga iyon. “Fonzie. Kilala mo pa ako? Nakakatampo naman kung hindi,” ngisi sa kanya ng isang lalaking may suot na specs sa mata.
Chapter 59 Ano raw? Inalis niya ang kamay ni Nexus sa pagkakapulupot sa baywang niya at tumayo mula sa kandungan nito. May matigas siyang naupuan. Ang lintek, tumitigas pa rin kahit lasing na lasing na ang lalaki! Hinawakan niya si Nexus sa kamay at hinila ito patayo. Nakasuot lang ito ng jersey short at simpleng kulay puting t-shirt. Kahit namumula ang leeg nito at nakapikit ang mga mata, hindi niya pa rin maitatanggi kung gaano kagwapo ang dati niyang asawa. Pinagpala yata talaga ang pamilyang Almeradez pati na rin ang mga kaibigan nito sa pagiging magandang lalaki. Hindi lang may ibubuga pagdating sa kayamanan, pati na rin sa kagwapuhan at kakisigan. “Hey,” mahina niya itong niyugyog. “Do’n ka na sa taas.” Ang walang hiya, hindi man lang siya pinansin at sa halip ay ibinaon lamang nito ang mukha sa sofa. Ilang sandali pa niya itong kinulit-kulit bago niya ito napasunod. Halos mabali ang balikat niya nan
Chapter 60 (Part 1) Iritadong pinapanood niya si Nexus na palakad-lakad sa living room habang nasa mga bisig nito si Calix na kukurap-kurap lang at subo-subo ang daliri sa bibig. Para itong gwardiya sa Malacañang Palace na pabalik-balik at ayaw malusutan ng kung ano. Ito ang head security at si Castiel ang alalay. Ang walanghiyang lalaki! Si Nexus na yata ang bestfriend nito ngayon at hindi siya. Dala-dala rin ni Castiel si Vioxx habang panay rin ang daan sa living room na gusto niya na lang pag-untugin ito at ang dati niyang asawa. “Senior accountant ka pala sa Ralvan Banks,” aniya kay Fonzie na dumalaw sa kanya. “Yeah. Nauna lang si Meimei na na-hire. It was a great job actually. I am enjoying it so far.” Walang halong pagmamayabang sa boses ng lalaki, kaswal na nagke-kwento lang. Kaya naman nagsalubong ang kilay niya nang makita niyang umismid si Nexus. Kahit hindi ito nakatingin sa kanila ay alam niyang si Fonzie ang
Chapter 60 (Part 2) Naalimpungatan siya nang bandang alas-tres ng madaling araw. Mag-isa lang siya sa loob ng master’s bedroom dahil hindi niya hinayaang tumabi sa kanya si Nexus. Sa kwarto sana siya ng kambal matutulog kaya lang pinigilan siya ng dati niyang asawa. Tanging sofa lang kasi ang matutulugan roon at hindi iyon komportable sa kanya. Kaya sa halip na siya ang roon, ay ito ang umalis ng master’s bedroom. Kinuha niya ang walang laman na baso sa bedside table at lumabas ng kwarto. Tanging ang malamlam na lamp sa living room ang nagbibigay liwanag sa kanya patungong kusina. Binuksan niya ang ref para sana kumuha ng malamig na tubig nang may aninong nahagip ang kanyang mga mata. Ang liwanang na nanggagaling sa ref ay sapat para makagawa ng anino sa kung sino mang dumaan. Lumingon siya bukana ng kusina para hintayin ang kung sino mang papasok roon. Subalit, mag-iisang minuto na ang nakalipas, wala pa ring pumasok r
Chapter 61 (Part 1) Hordan was dead. Iyon ang narinig niya kay Alejandro nang limang buwang buntis pa lamang siya. Nexus’ step-brother was shot and instantly got killed. Nahulog daw ito sa dagat, hindi natagpuan ang bangkay ngunit sa lakas ng alon ng gabing iyon, imposibleng nakaligtas pa ito. Kaya paanong nakatayo sa harapan niya ang lalaking multo ng nakaraan? Parang demonyong nakangisi si Hordan sa kanya habang ang dulo ng hawak nitong baril ay nasa sintido niya. “Kumusta ang asawa ng hilaw kong kapatid?” Mas humaba ang buhok nito at ang mas nakakakilabot pa ay ang tahi nito mula sa ilalim ng mata hanggang hanggang sa gilid ng bibig. Literal na tahi iyon na parang nagtahi lang ng damit gamit ang itim na sinulid. “P-Patay—” “Patay?” Itinulak ng lalaki ang ulo niya gamit ang baril. Malakas na humalakhak ito na ikinakilabot ng buo niyang sistema. Inilapit nito ang baril sa ilong at parang nagdo-
Chapter 61 (Part 2) “A-Ano sa tingin mo? Hindi naging miserable ang buhay ni Nexus?” balik-singhal niya rito sa kabila ng awang nararamdaman niya para sa lalaking kaharap. “Iniwan din naman siya ng Nanay mo para bumalik sa inyo. Namatay ang kakambal niya. Inabandona rin siya ng ama niya para sa ibang pamilya.” “Mas miserable ako!” “Bakit ka nakikipagkompetensiya sa pagiging miserable? Hindi mo ba naisip na nasaktan din siya?” “Dapat lang iyon sa kanya!” “Bakit ba siya ang sinisisi mo?” sigaw niya rito, hindi na rin napigilan ang sariling emosyon. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa takot niya o dahil sa kagustuhang ipagtanggol si Nexus mula sa paninisi ng kapatid nito. “Bakit hindi?” Nakikipagsabayan ang sigaw nito sa malakas na atungal na iyak ng kambal. “His mere existence ruined my life.” “Sisihin mo ang nanay mo! Bobo ka!” Napaling ang ulo niya nang malakas na luma
Chapter 62 “Tulungan mo ako, please. Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Patakasin mo kami ng mga anak ko.” mahina ang boses na pagmamakaawa niya sa babae. Alam niyang hindi ito talagang kasapi ng sindikato. Mukhang napilitan lang ito na manatili sa lugar na iyon. “ “Ano ‘yan?” sita sa kanila ng isang gwardiya na may hawak-hawak na mataas na de-kalibreng baril, hindi magdadalawang saktan siya kung may iniisip man siyang kalokohan. “Ano ba?!” biglang singhal ng babae sa kanya. Tinabig nito ang kanyang kamay. “Wala akong planong makipagsabwatan sa ‘yo. Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan at ang mga anak mo.” Malakas siya nitong itinulak na ikinatumba niya sa sahig. Naghiyawan ang limang kalalakihan na siyang gwardiya roon nang kubabawan siya nito kaya napahiga siya. Dinakma nito ang buhok niya kaya hinablot niya rin ang buhok nito. Nagtitili ang babae. Bumitaw ang isa nitong kamay sa buhok niya bago niya naramdaman iyon sa suo
Special Chapter 3: (A sneak peek for Calix Almeradez’s Story of 2nd Generation) Tila tambutso ang bibig ni Asher nang binuga niya ang usok ng sigarilyong hinihithit. Pamasid-masid siya sa paligid habang paminsan-minsang tumututok ang kanyang mga mata sa malaking bahay na nasa harapan niya. Mansyon ng mga Almeradez! Ang pamilyang nag-abandona sa kanya. “Sher, di ka pa sisibat? Hinahanap ka na ni Bossing.” Sulpot ng kapatid niyang si Astrid mula sa madilim na talahiban. Isang hithit pa ng sigarilyo bago niya iyon tinapon at inapakan. “Anong ginagawa mo rito?” puno ng kaangasan ang kanyang boses. “Hinahanap ka na ni Supremo.” Bumaling ang tingin nito sa malaking bahay. “Di ba ‘yan yong bahay na nasa picture? Yong pinakita sa ‘yo no’ng isang linggo ni Supremo. Bakit mo tinitingnan? Nanakawan mo ba? Sama mo ako.” Pikon na kinutusan niya ang babae. “Hindi ako kasali sa mga batang hamog n
Special Chapter 2: Mommy Nanny (A sneak peek for Vioxx Almeradez’s Story of 2nd Generation) Umawang ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapa-alaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence. “Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon. Natigil ang batang maliit sa paghagikhik. Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titi
Special Chapter 1: Married Again “Nanang Yeye, nasaan po si Nix?” tanong niya nang madaanan ang matanda na nagdidilig ng halaman sa hardin. “Inilabas kanina si Vioxx. Baka nasa taniman na naman.” “Sige po, puntahan ko na lang. Kumain na ba si Vioxx?” “Hindi pa nga eh. Sumama agad kay Nexus. Tinangka kong kunin, ayaw naman sumama. Kaka-isang taon pa lang, makulit na. Mana sa ama.” Binumntutan nito iyon ng tawa. Natawa na rin siya at naglakad patungo sa harap ng mansion para doon dumaan patungon taniman. She halts on her step when she saw Nix laughing wholeheartedly with their son. Nakakapaglakad na si Vioxx kaya lang ay parang palaging matutumba. Ang kulit pa naman at palaging pabibo. Naiiyak nga siya minsan dahil naalala niya si Calix. Ayos naman na siya. Malaki ang naitulong ng sabay nilang pagpapa-theraphy ni Nix para malagpasan nila iyon. Nakangiting nilapitan niy
Epilogue Mula sa pagkakatingin niya kay Amara Stephanie na nilalao-laro si Vioxx, nilingon niya si Alejandro nang pumasok ito sa hardin ng hacienda. “Ipinapabigay ng city jail. It’s your mom’s belonging.” Inabot nito sa kanya ang may katamtamang laking kulay itim na box. Nag-aatubili pa siyang abutin iyon kaya inilapag iyon ni Alejandro sa harapan niya bago umupo ng sa tabi niya. His mom is dead. Halos kalahating taon na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Stephanie and their twins got kidnapped. Namatay ang isa nilang anak dahil naiwan ito sa loob ng sasakyan na sumabog. Muntikan ng mabaliw si Amara Stephanie. Nang makuha ni Hordan at ng mga tauhan ni Sato ang kanyang mag-iina, mas lalong nagpumilit si Leticia na maka-usap siya. Kaya pala matagal na siya nitong gustong kausapin ay dahil may alam ito sa plano ni Hordan at ng sindikatong iyon. Pinalabas ni H
Chapter 64 (Part 3) Naghalu-halo ang galit sa sarili, selos at disappointment nang makita niya ang larawan na iyon ni Amara Stephanie na may katabing ibang lalaki sa ibabaw ng kama. Kagagaling niya pa lang sa Singapore dahil sunod-sunod ang naging aberya sa iba pang kompanya na nasa ilalim ng Almeradez Empire. Miss na miss na niya si Stephanie na kahit anong pigil niya sa sarili ay hindi niya pa rin napigilang umuwi sa hacienda para makita ito. He wants to cuddle with her and make up with her. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang maging selfish at muling maging masaya sa piling ng asawa na hindi niya inaalala ang mga posibilidad na mangyari sa hinaharap. He wants to bring her into her own Villa in Atulayan Island. Mag-oovernight sila roon at mag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay katulad ng dati. But all of his plans were ruined when his mother showed him a picture of his wife, n-aked on the bed with another man.
Chapter 64 (Part 2) Isa sa mga anak ng tauhan ng hacienda ay kilala ang babaeng umagaw ng atensyon niya. The name of the girl is Amara Stephanie Mijares. Estudaynte ng San Ramon National High School. Nasa kabilang bayan ang paaralang iyon, isang sakay lang ng bus. Sumasama siya tuwing pupunta ang Lolo niya o kaya ang mga trabahador ng hacienda sa Tigaon. Inaabangan niya si Stephanie sa Hepa Lane na siyang palaging pinupuntahan nito at ng mga kaibigan tuwing hapon pagkatapos ng klase. Her laugh and wittiness amused him big time. One time, his grandfather serves as a guest speaker at SRNH. Awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Amara Stephanie. Nalaman niya na vice president pala ito ng student council at halos lahat ng mga nag-aaral doon ay kilala ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinalubong nito ang tingin niya. Titig na titig siya rito nang makasalubong niya ito sa hallway ng paaralan. Kaswal l
Chapter 64 (Chapter 1) HACIENDA CONSTANCIA- 12 YEARS AGO Bumaba si Nexus nang makarating ang truck ng Hacienda Constancia sa sentrong palengke ng Goa kung saan ay isa sa mga bagsakan nila ng mga inaning gulay at prutas sa hacienda. His grandfather, Leopold Almeradez own the widest Hacienda in the province. Nage-export ang hacienda ng mga gulay at prutas sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Gayunpaman, sinisiguro pa rin ng kanyang lolo na may nakareserbang supply ang bayan ng Goa. Hindi pwedeng magkulang ng supply ang bayang kinalakihan nito at kung saan minahal nito ang asawa. Leopold Almeradez is not Alexander’s biological father. Malayong pinsan ng una ang tunay na ama ni Alexander. Nang mamatay iyon ay nagkaibigan si Leopold at Constancia. His grandparents’ love story is indeed like a fairytale. Simula nang mainirahan siya sa Hacienda Constancia, madalas niyang naririnig si Leopold na kinakausap ang larawan ng kanyang lola, sinasabi kung
Chapter 63 Inapakan niya ang silinyador para lumaban ng abante ang sasakyan nila. Subalit, masyadong matigas ang kung sino mang driver ng kulay puting kotse. Ginigitgit sila hanggang sa dulo ng kalsada. Sabay silang napasigaw ulit ni Maria nang magsimulang mahulog ang likuran ng kotse sa pababang bahagi ng bangin. “Sh-t!” nanginginig ang mga labing mura niya at muling tinapakan ang silinyador ng kotse. Naghalo sa loob ng sasakyan ang nahihintakutang sigaw nila ni Maria at ang palahaw na iyak ng kambal. Sa kanyang pagkagulat, umatras ang puting kotse. Kukunin na sana niya iyong pagkakataon para umabante nang bigla na lang sumibad papunta sa kanila. Bago pa man niya makabig ang kotse paiwas, mistula na silang nilindol sa loob ng sasakyan dahil sa lakas ng impact niyon. Walang kapreno-preno at tuloy-tuloy silang binangg, itinutulak sila pababang bahagi ng bundok. “Tumigil ka. Tumigil ka na!”
Chapter 62 “Tulungan mo ako, please. Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Patakasin mo kami ng mga anak ko.” mahina ang boses na pagmamakaawa niya sa babae. Alam niyang hindi ito talagang kasapi ng sindikato. Mukhang napilitan lang ito na manatili sa lugar na iyon. “ “Ano ‘yan?” sita sa kanila ng isang gwardiya na may hawak-hawak na mataas na de-kalibreng baril, hindi magdadalawang saktan siya kung may iniisip man siyang kalokohan. “Ano ba?!” biglang singhal ng babae sa kanya. Tinabig nito ang kanyang kamay. “Wala akong planong makipagsabwatan sa ‘yo. Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan at ang mga anak mo.” Malakas siya nitong itinulak na ikinatumba niya sa sahig. Naghiyawan ang limang kalalakihan na siyang gwardiya roon nang kubabawan siya nito kaya napahiga siya. Dinakma nito ang buhok niya kaya hinablot niya rin ang buhok nito. Nagtitili ang babae. Bumitaw ang isa nitong kamay sa buhok niya bago niya naramdaman iyon sa suo