I'll try to update 2-3 chapters starting tomorrow para hindi masyadong bitin. Again, thank you sa pagbabasa. Thank you din sa mga nagbabasa ng A Night with Gideon. Para sa naghahanap ng story ni Summer Vesarius, second generation pa po sila. Mahaba-haba pa bago tayo makatapos sa first gen.
Chapter 47 (Part 1) Nix took her again multiple times at Yatengco Mansion. Inokupa nila ang kwartong dati nilang ginagamit nang mag-asawa pa sila. Nang gabing iyon, pakiramdam niya ay mag-asawa ulit sila ni Nix. The way he took care of her, the way he made love with her…it was the same Nix that she used to fall in love with. Mali—mahal niya pa rin pala. Na-realize niya na hindi naman nawala ang pagmamahal niya kay Nexus. Naroroon pa rin sa puso niya. Natabunan lang ng galit at sakit. Matagal naman na niyang alam iyon kaya lang pilit niyang pinipigilan ang sarili dahil takot siyang sumubok ulit. Gusto niya rin naman maging masaya at kung magmamahal siya ng iba at bubuo ng sariling pamilya, siguro makakalimutan niya rin ang pagmamahal niya sa dating asawa. “A farewell gift,” seryosong sagot ni Gideon nang tanungin niya kung para saan ang USB na ibinigay nito sa kanya. Ngayong araw sana ang alis niya pabalik sa Camarines Sur ngunit naki-usap sa kanya si Nexus na samahan
Chapter 47 (Part 2) Pilit ang ngiti nang salubungin niya ang mga mata ni Alexander Almeradez. Ang puso niya ay sinisigawan siyang huwag maniwala sa sinasabi ng am ani Nexus subalit, kasalungat naman ang sinasabi ng kanyang utak. “Alas-onse na. Excuse me, but I need to go. Ba-byahe pa ako bukas pabalik ng probinsya. It’s nice talking to you, Sir.” Mas lalong nawalan ng emosyon ang mukha ng matandang Almeradez nang tumayo siya mula sa kinauupuan. Kung nadismaya ito sa kanya sa inasta niya o anupaman, iyon ang hindi niya alam at wala siyang balak alamin pa. Bahagya siyang yumukod kay Alexander bago umalis sa harapan nito. Itinaas niya ang kanyang noo nang naglakad siya palabas ng function hall ng hotel. Hindi niya alam kung bakit sobrang nadismaya siya sa sinabi at inakto ng ama ni Nexus sa kanya. Hindi man sila no’n nagkakausap, nakatatak na sa isip niya noon pa man na mabuti itong tao kahit pa nakakaintimida talaga. Nadis
Chapter 48 (Part 1) Positive. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata nang makita ang tatlong pregnancy test na lahat dalawang pulang guhit ang resulta. Positibo, buntis ulit siya! Nasapo niya ang bibig at naluha nang napaupo siya sa ibabaw ng takip ng bowl. Ngumiti siya na nauwi sa tawa. Ang malakas na kabog ng kanyang dibd ib ay nagpapatunay na halu-halo man ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon, nangingibabaw pa rin ang kasayahan niya. May anghel ulit sa sinapupunan niya. Tama ang hinala niya dahil nitong mga nakalipas na araw ay tamad na tamad na naman siya, at gusto na lang ay palaging matulog. Bumili siya ng pregnancy test sa pinakamalapit na drugstore para makasiguro. Hindi pwedeng magpabaya na naman siya. “Baby Sis, Tep? Tapos ka na?” katok ng kapatid niya sa labas ng pinto ng kanyang banyo. Dinampot niya ang tatlong pregnancy test at tumayo kahit pa nanginginig ang kanyang mga binti.
Chapter 48 (Part 2) Parang pag-aari ang buong lugar na lumapit ito sa doktra at inilahad ang kamay. “I’m Nexus Almeradez, the father.” “Have seat, Mr. Almeradez. I’m glad that you’re here. It’s a milestone for a family ang mga ganitong pangyayari. This is the first time that Mrs. Almeradez went for check-up, right?” Napa-facepalm na lang siya nang ngumiti ng malaki ang doktora at sunod-sunod ng tinanong siya ng mga nararamdaman niya. Hindi na lang niya sinalungat ang sinabi nitong misis siya ni Nexus dahil alam niyang sasagot na naman ang lalaki. Sasagot din siya panigurado na mauuwi na naman sa pagkainis. Baka ma-stress pa siya at maapektuhan ang bata. Ilang test ang ginawa nito bago tuluyang kinumpirma sa kanya na six weeks pregnant siya. “Kailangan mo ng ibayong pag-iingat, Mrs. First trimester and pinaka-risky para sa bata. Hindi pa kasi talaga buo sa loob ng sinapupunan kaya malaki ang chanc
Chapter 49: (Part 1) Mabilis siyang napatakbo sa banyo nang maramdaman niya ang pagbaliktad ng kanyang sikmura. Humigpit ang kapit niya sa gilid ng lababo nang muling may kung anong umahon sa kanyang lalamunan. She was having her usual morning sickness. Ang nakakainis pa, ay wala naman siyang isinusuka. Minsan ay tubig lang, ngunit kadalasan talaga ay walang laman at puro laway niya ang lumalabas. Pumasok si Nexus sa banyo at hindi katulad ng unang beses siya nitong makita sa ganong sitwasyon, kalmado na ito sa pagkakataong iyon. Inipon nito ang kanyang buhok at hinawakan sa likuran upang hindi makasagabal sa kanyang mukha. Nanghihinang napasandal siya sa katawan ni Nix nang tuluyang humupa ang kanyang sikmura. Inabot nito sa kanya ang nakahandang maligamgam na tubig na nasa tumbler pa. Memoryado na nito ang routine niya tuwing umaga. Nagigising siya bago mag ala-sais ng umaga dahil palagi siyang nasusuka. Gumigising ito ng maaga par
Chapter 49 (Part 2) Napahagikhik siya nang magsimulang gumiling si Nexus sa harap niya na parang macho dancer. “Lambutan mo pa, Nexus,” she demanded while holding a video camera. “Baby, I don’t know how to dance.” Sandali niyang ibinaba ang camera. “Ang galing mo nga. You should apply at Zendaya’s Bar.” Aliw na aliw na humalakhak siya nang haplusin pa ni Nexus ang dibd ib hanggang sa tiyan nito at pina-alon pa ang sikmura pagkatapos ay ikenembot pa ang pwet. The mighty billionaire, Nexus Almeradez is doing a sexy dance in front of her. Hindi niya alam na magaling pala itong sumayaw kahit mukhang awkward na awkward ang galaw. Napahiga siya sa kama sa kakatawa nang hubarin pa nito ang suot na sando at tanging jersey short lamang ang natira. Tumili siya at natakpan ang mga mata nang dumako ang kamay nito sa garter niyon para hubarin. Natawa na rin ito sa sariling kalokohan. Senswal na naglakad ito
Chapter 50 Pagkatapos umalis ni Castiel sa hacienda, bumalik na rin sila ni Nix sa mansion. Na-bored raw si Castiel sa lalaki sa Rancho dahil nasa Maynila ang asawa. Kaya naman pala nagte-trespassing ang lalaki at ginugulo siya. Susunod daw si Castiel sa siyudad, hindi rin nakatiis. Natigilan siya sa pagbubukas ng sliding door papuntang garden nang marinig niya ang pagpaparada ng mga kotse sa harap ng mansion. Si Alexander! Hindi lang ‘yon, kasama pa ng matanda ang fiancée ng ama ng baby niya! Pulang-pula ang suot ni Angel Love sa hapit na hapit na dress nito. Nasilip niya sa ilalim ng neckline ng kanyang maxi dress ang kanyang dibd ib. Napahiya ang dibd ib niya. Kahit pa naman medyo lumaki dahil sa pagbubuntis, walang-wala pa rin iyon sa namumutok na cleavage ni Angel Love Sedeno. Nanlalaki ang mga mata ni Nanang Yeye nang makita ang matandang Almeradez. Nagkandauga ito sa pagbukas ng wooden front door at halos mabali pa ang likod
Chapter 51 Hindi niya nilingon si Nexus nang tawagin siya nito. Bagkus ay pinanood niya lamang ng tingin ang mga kotseng papalabas ng hacienda. Bakit hindi na lang ipakita ni Alexander na may pakialam ito kay Nexus. Pride ba ang nangingibabaw sa matanda kaya nagagawa nitong tiisain si Nix? Hindi niya nai-imagine ang sarili na pabayaan at tiisin ng ganon ang anak niya. Alam niyang ganon din si Nix. The way he took care of her and their baby shows how much he loves to have a child. “Please don’t tell me to go away again,” paos ang nagmamakaawang boses ni Nexus habang pahaplos-haplos sa kanyang tiyan at hahalikan siya sa sintido kapagkuwan. “Do you still hate your father?” Wala na sa kanyang paningin ang mga sasakyan ngunit nakikita niya pa rin ang malamlam na ngiti na iyon ni Alexander sa kanya. “Nilalayo ka niya sa akin. I-I’m sorry, you have to see that.” Inalis niya ang kamay nito sa kanyang tiyan upang harapin ang lalaki. “Galit ka pa rin ba sa kanya dahil mas pinili niyang
Special Chapter 3: (A sneak peek for Calix Almeradez’s Story of 2nd Generation) Tila tambutso ang bibig ni Asher nang binuga niya ang usok ng sigarilyong hinihithit. Pamasid-masid siya sa paligid habang paminsan-minsang tumututok ang kanyang mga mata sa malaking bahay na nasa harapan niya. Mansyon ng mga Almeradez! Ang pamilyang nag-abandona sa kanya. “Sher, di ka pa sisibat? Hinahanap ka na ni Bossing.” Sulpot ng kapatid niyang si Astrid mula sa madilim na talahiban. Isang hithit pa ng sigarilyo bago niya iyon tinapon at inapakan. “Anong ginagawa mo rito?” puno ng kaangasan ang kanyang boses. “Hinahanap ka na ni Supremo.” Bumaling ang tingin nito sa malaking bahay. “Di ba ‘yan yong bahay na nasa picture? Yong pinakita sa ‘yo no’ng isang linggo ni Supremo. Bakit mo tinitingnan? Nanakawan mo ba? Sama mo ako.” Pikon na kinutusan niya ang babae. “Hindi ako kasali sa mga batang hamog n
Special Chapter 2: Mommy Nanny (A sneak peek for Vioxx Almeradez’s Story of 2nd Generation) Umawang ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapa-alaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence. “Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon. Natigil ang batang maliit sa paghagikhik. Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titi
Special Chapter 1: Married Again “Nanang Yeye, nasaan po si Nix?” tanong niya nang madaanan ang matanda na nagdidilig ng halaman sa hardin. “Inilabas kanina si Vioxx. Baka nasa taniman na naman.” “Sige po, puntahan ko na lang. Kumain na ba si Vioxx?” “Hindi pa nga eh. Sumama agad kay Nexus. Tinangka kong kunin, ayaw naman sumama. Kaka-isang taon pa lang, makulit na. Mana sa ama.” Binumntutan nito iyon ng tawa. Natawa na rin siya at naglakad patungo sa harap ng mansion para doon dumaan patungon taniman. She halts on her step when she saw Nix laughing wholeheartedly with their son. Nakakapaglakad na si Vioxx kaya lang ay parang palaging matutumba. Ang kulit pa naman at palaging pabibo. Naiiyak nga siya minsan dahil naalala niya si Calix. Ayos naman na siya. Malaki ang naitulong ng sabay nilang pagpapa-theraphy ni Nix para malagpasan nila iyon. Nakangiting nilapitan niy
Epilogue Mula sa pagkakatingin niya kay Amara Stephanie na nilalao-laro si Vioxx, nilingon niya si Alejandro nang pumasok ito sa hardin ng hacienda. “Ipinapabigay ng city jail. It’s your mom’s belonging.” Inabot nito sa kanya ang may katamtamang laking kulay itim na box. Nag-aatubili pa siyang abutin iyon kaya inilapag iyon ni Alejandro sa harapan niya bago umupo ng sa tabi niya. His mom is dead. Halos kalahating taon na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Stephanie and their twins got kidnapped. Namatay ang isa nilang anak dahil naiwan ito sa loob ng sasakyan na sumabog. Muntikan ng mabaliw si Amara Stephanie. Nang makuha ni Hordan at ng mga tauhan ni Sato ang kanyang mag-iina, mas lalong nagpumilit si Leticia na maka-usap siya. Kaya pala matagal na siya nitong gustong kausapin ay dahil may alam ito sa plano ni Hordan at ng sindikatong iyon. Pinalabas ni H
Chapter 64 (Part 3) Naghalu-halo ang galit sa sarili, selos at disappointment nang makita niya ang larawan na iyon ni Amara Stephanie na may katabing ibang lalaki sa ibabaw ng kama. Kagagaling niya pa lang sa Singapore dahil sunod-sunod ang naging aberya sa iba pang kompanya na nasa ilalim ng Almeradez Empire. Miss na miss na niya si Stephanie na kahit anong pigil niya sa sarili ay hindi niya pa rin napigilang umuwi sa hacienda para makita ito. He wants to cuddle with her and make up with her. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang maging selfish at muling maging masaya sa piling ng asawa na hindi niya inaalala ang mga posibilidad na mangyari sa hinaharap. He wants to bring her into her own Villa in Atulayan Island. Mag-oovernight sila roon at mag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay katulad ng dati. But all of his plans were ruined when his mother showed him a picture of his wife, n-aked on the bed with another man.
Chapter 64 (Part 2) Isa sa mga anak ng tauhan ng hacienda ay kilala ang babaeng umagaw ng atensyon niya. The name of the girl is Amara Stephanie Mijares. Estudaynte ng San Ramon National High School. Nasa kabilang bayan ang paaralang iyon, isang sakay lang ng bus. Sumasama siya tuwing pupunta ang Lolo niya o kaya ang mga trabahador ng hacienda sa Tigaon. Inaabangan niya si Stephanie sa Hepa Lane na siyang palaging pinupuntahan nito at ng mga kaibigan tuwing hapon pagkatapos ng klase. Her laugh and wittiness amused him big time. One time, his grandfather serves as a guest speaker at SRNH. Awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Amara Stephanie. Nalaman niya na vice president pala ito ng student council at halos lahat ng mga nag-aaral doon ay kilala ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinalubong nito ang tingin niya. Titig na titig siya rito nang makasalubong niya ito sa hallway ng paaralan. Kaswal l
Chapter 64 (Chapter 1) HACIENDA CONSTANCIA- 12 YEARS AGO Bumaba si Nexus nang makarating ang truck ng Hacienda Constancia sa sentrong palengke ng Goa kung saan ay isa sa mga bagsakan nila ng mga inaning gulay at prutas sa hacienda. His grandfather, Leopold Almeradez own the widest Hacienda in the province. Nage-export ang hacienda ng mga gulay at prutas sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Gayunpaman, sinisiguro pa rin ng kanyang lolo na may nakareserbang supply ang bayan ng Goa. Hindi pwedeng magkulang ng supply ang bayang kinalakihan nito at kung saan minahal nito ang asawa. Leopold Almeradez is not Alexander’s biological father. Malayong pinsan ng una ang tunay na ama ni Alexander. Nang mamatay iyon ay nagkaibigan si Leopold at Constancia. His grandparents’ love story is indeed like a fairytale. Simula nang mainirahan siya sa Hacienda Constancia, madalas niyang naririnig si Leopold na kinakausap ang larawan ng kanyang lola, sinasabi kung
Chapter 63 Inapakan niya ang silinyador para lumaban ng abante ang sasakyan nila. Subalit, masyadong matigas ang kung sino mang driver ng kulay puting kotse. Ginigitgit sila hanggang sa dulo ng kalsada. Sabay silang napasigaw ulit ni Maria nang magsimulang mahulog ang likuran ng kotse sa pababang bahagi ng bangin. “Sh-t!” nanginginig ang mga labing mura niya at muling tinapakan ang silinyador ng kotse. Naghalo sa loob ng sasakyan ang nahihintakutang sigaw nila ni Maria at ang palahaw na iyak ng kambal. Sa kanyang pagkagulat, umatras ang puting kotse. Kukunin na sana niya iyong pagkakataon para umabante nang bigla na lang sumibad papunta sa kanila. Bago pa man niya makabig ang kotse paiwas, mistula na silang nilindol sa loob ng sasakyan dahil sa lakas ng impact niyon. Walang kapreno-preno at tuloy-tuloy silang binangg, itinutulak sila pababang bahagi ng bundok. “Tumigil ka. Tumigil ka na!”
Chapter 62 “Tulungan mo ako, please. Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Patakasin mo kami ng mga anak ko.” mahina ang boses na pagmamakaawa niya sa babae. Alam niyang hindi ito talagang kasapi ng sindikato. Mukhang napilitan lang ito na manatili sa lugar na iyon. “ “Ano ‘yan?” sita sa kanila ng isang gwardiya na may hawak-hawak na mataas na de-kalibreng baril, hindi magdadalawang saktan siya kung may iniisip man siyang kalokohan. “Ano ba?!” biglang singhal ng babae sa kanya. Tinabig nito ang kanyang kamay. “Wala akong planong makipagsabwatan sa ‘yo. Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan at ang mga anak mo.” Malakas siya nitong itinulak na ikinatumba niya sa sahig. Naghiyawan ang limang kalalakihan na siyang gwardiya roon nang kubabawan siya nito kaya napahiga siya. Dinakma nito ang buhok niya kaya hinablot niya rin ang buhok nito. Nagtitili ang babae. Bumitaw ang isa nitong kamay sa buhok niya bago niya naramdaman iyon sa suo