Chapter 50 Pagkatapos umalis ni Castiel sa hacienda, bumalik na rin sila ni Nix sa mansion. Na-bored raw si Castiel sa lalaki sa Rancho dahil nasa Maynila ang asawa. Kaya naman pala nagte-trespassing ang lalaki at ginugulo siya. Susunod daw si Castiel sa siyudad, hindi rin nakatiis. Natigilan siya sa pagbubukas ng sliding door papuntang garden nang marinig niya ang pagpaparada ng mga kotse sa harap ng mansion. Si Alexander! Hindi lang ‘yon, kasama pa ng matanda ang fiancée ng ama ng baby niya! Pulang-pula ang suot ni Angel Love sa hapit na hapit na dress nito. Nasilip niya sa ilalim ng neckline ng kanyang maxi dress ang kanyang dibd ib. Napahiya ang dibd ib niya. Kahit pa naman medyo lumaki dahil sa pagbubuntis, walang-wala pa rin iyon sa namumutok na cleavage ni Angel Love Sedeno. Nanlalaki ang mga mata ni Nanang Yeye nang makita ang matandang Almeradez. Nagkandauga ito sa pagbukas ng wooden front door at halos mabali pa ang likod
Chapter 51 Hindi niya nilingon si Nexus nang tawagin siya nito. Bagkus ay pinanood niya lamang ng tingin ang mga kotseng papalabas ng hacienda. Bakit hindi na lang ipakita ni Alexander na may pakialam ito kay Nexus. Pride ba ang nangingibabaw sa matanda kaya nagagawa nitong tiisain si Nix? Hindi niya nai-imagine ang sarili na pabayaan at tiisin ng ganon ang anak niya. Alam niyang ganon din si Nix. The way he took care of her and their baby shows how much he loves to have a child. “Please don’t tell me to go away again,” paos ang nagmamakaawang boses ni Nexus habang pahaplos-haplos sa kanyang tiyan at hahalikan siya sa sintido kapagkuwan. “Do you still hate your father?” Wala na sa kanyang paningin ang mga sasakyan ngunit nakikita niya pa rin ang malamlam na ngiti na iyon ni Alexander sa kanya. “Nilalayo ka niya sa akin. I-I’m sorry, you have to see that.” Inalis niya ang kamay nito sa kanyang tiyan upang harapin ang lalaki. “Galit ka pa rin ba sa kanya dahil mas pinili niyang
\ Chapter 52 “Nasabi ko na ito sa inyo dati. Mrs. Almeradez’s pregnancy is at risk. Maayos na ngayon ang bata sa loob ng tiyan. Rest lang kay Mrs. Almeradez at saka continue ang pag-inom ng vitamins. Na-trigger lang ang emotion kaya nanigas. So far, wala naman bleeding na nangyari at very helpful din na hindi bumagsak ang katawan niya sa sahig.” “Thank you, Doc,” pasasalamat ng ina niya na siyang direktang kausap ng doktor. Ilang bilin pa ng doktora, ay hinatid na ito ng ina niya sa palabas. “Nasa labas pa rin si Nix. Hindi mo pa rin ba kakausapin?” Kulang na lang ay maghisterikal siya kanina para lang mapalabas ito nang magising siya. “Ayaw ko po siyang makita, Ma.” “Nag-away ba kayo kaya ganyan? Mabuti na lang at pauwi talaga ako dahil may kukunin ako sa bahay. Tarantang-taranta si Yeye nang tawagan ako na isinugod ka nga raw ni Nexus sa hospital.” “Salamat, Ma,” paos niyang wika at inabot pa
Chapter 53 Tinanggap ni Amara Stephanie ang pakikipagkamay sa kanya ng abogado ng pamilyang Almeradez matapos niyang pirmahan ang mga dokumentong nagsasaad na ibinabalik na niya ang lahat ng kayamanan ni Nexus. “Thank you, Ms. Mijares. The promised four hundred million will be in your bank account as per Chairman Almeradez’s order.” “Sinabi ko na sa kanya na hindi na kailangan. Ibinabalik ko lang ang yaman ni Nexus sa pangalan niya.” “Mahigpit na ipinagbilin iyon ni Chairman. It’s your compensation for accepting the offer of Leticia Monroe about staying with his youngest son while he was still recovering.” Nakahawak sa may kaumbukan na niyang tiyan na hinatid niya ang abogado sa pintuan ng mansion. She was five months pregnant with the twin. Naalala pa niya kung paano nahimatay si Nexus nang sabihin ng doktor na kambal ang dinadala niya. Mabuti na lang at nasalo ito ni Sebastian bago pinagtawanan.
Chapter 54 “I put those under your name on purpose,” wika ni Nix nang mabanggit ang pagtawag ng abogado tungkol sa pagbalik niya sa mga ari-arian nitong ipinangalan sa kanya. Nakasampay na sa sandalan ng couch ang suit nitong kulay itim kaya naka-long sleeve na lang ang lalaki. Bukas ang mga butones habang ang necktie ay wala na rin sa ayos. Sa mga paa naman ay medyas na lang, komportableng-komportable na nakapulupot sa mga hita niya. Inanggulo niya ang kanyang leeg nang simulan nitong h alik-h alikan siya nito roon. “Nasa kulungan na ang nanay mo. Hindi na niya na mapapakialam ang mga ‘yon.” Nix chuckled and brushed his nose on her cheek. “That and the other one. Those money was really for you.” Bumalik sa isipan niya ang sinabi ni Alejandro na isang utos lang ni Nexus ay kayang-kaya nitong kunin ang mga kayamanan nito mula sa kanya. Mas pinili pa nitong magtrabaho sa hacienda at manirahan sa bodega nila kaysa kunin ulit sa kanya
Chapter 55 Nagsipulasan ang mga tauhan ni Nexus sa pagroronda sa paligid ng mansion. Humupa na ang malakas na ulan kasabay ng unti-unting pagkalma ng kanyang pakiramdam habang nasa mga bisig siya ni Nexus. “That’s right. Calm down, Baby. Calm down,” malambing ang boses nitong bulong sa kanya na para bang bata siya na umatungal ng iyak. “I’ll make sure na hindi siya makakalapit sa ‘yo.” Mabilis niyang ininom ang maligamgam na tubig na ibinigay sa kanya ni Nanette. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mukha ni Hordan at ang pagbabanta nito sa kanya na gigilitan siya ng leeg. Mabuti na lang at dumating na si Nexus ilang sandali matapos mawala ni Hordan sa paningin niya. Agad na pinaronda ni Nexus sa mga tauhan ang paligid ng mansion. Binulabog nito ang buong sibdivision at pati ang security team ay inistorbo nito. He was demanding an explanation on how a fugitive enter at exclusive subdivision that easily! Tahimik pa rin siya
Chapter 56 (Part 1) “We don’t fully trust their words but we have another on the list that might help him escape. Hindi pa namin nahuhuli ang sindikatong nasa likod ng bank account na nilalagakan ng mga perang ninakaw nina Leticia. Ang huling balita ng intel ay nasa ibang bansa ang sindikato. But who knows if they can move without setting their foot at the country?” “How about my mother? May alam ba siya?” Siguradong alam ni Leticia kung paano umandar ang utak ng anak dahil kasabwat din ito sa lahat-lahat ng mga kagaguhan na pinagagawa ni Hordan. “Isa iyan sa mga dahilan ng pinunta ko rito. Nang araw na tumakas si Hordan, nag-request pala siya na makausap ka. The officer happened to ignore her request. Kaninang umaga lang, she cut her wrist. Naka-confine na siya ngayon sa hospital. She asked for heavy security. Gusto ka pa rin niyang makausap, Nix.” “Wala na kaming dapat pag-usapan.” Bagaman masuyo ang haplos ni Nexus sa tiyan niya,
Chapter 56 (Part 2) Kumibot ang mga labi niya nang magsimula itong humakbang patungo sa mesa nito kung saan nakalagay ang laptop. “Mataba na talaga ako. Ayaw mo na sa akin.” “Sleep, Stephanie.” Stephanie? Asan na ang baby? Kaurat talaga ang lalaking ito. Rumolyo ang kanyang mga mata at nagdadabog na tinalikuran ito. Mas humaba ang nguso niya at bumigat ang kanyang dibd ib. She heard him sigh heavily when a small sob escape from her mouth. Lumundo ang kama sa likuran niya bago narinig ang malambing na boses ni Nix. “What’s my baby want?” “W-Wala. Do’n ka na.” Mangiyak-ngiyak pa siya. Minumura na niya ang mga hormones sa kanyang katawan. Tuluyang sumampa si Nexus sa kama at pinaharap siya. Matigas ang ulong muli niya itong tinalikuran kaya nagkasya na lang itong yakapin siya mula sa likuran. Mas nagsumiksik pa siya rito nang hinapit nito ang katawan niya palapit sa katawan nito. Ramdam niya ang init ng kataw
Special Chapter 3: (A sneak peek for Calix Almeradez’s Story of 2nd Generation) Tila tambutso ang bibig ni Asher nang binuga niya ang usok ng sigarilyong hinihithit. Pamasid-masid siya sa paligid habang paminsan-minsang tumututok ang kanyang mga mata sa malaking bahay na nasa harapan niya. Mansyon ng mga Almeradez! Ang pamilyang nag-abandona sa kanya. “Sher, di ka pa sisibat? Hinahanap ka na ni Bossing.” Sulpot ng kapatid niyang si Astrid mula sa madilim na talahiban. Isang hithit pa ng sigarilyo bago niya iyon tinapon at inapakan. “Anong ginagawa mo rito?” puno ng kaangasan ang kanyang boses. “Hinahanap ka na ni Supremo.” Bumaling ang tingin nito sa malaking bahay. “Di ba ‘yan yong bahay na nasa picture? Yong pinakita sa ‘yo no’ng isang linggo ni Supremo. Bakit mo tinitingnan? Nanakawan mo ba? Sama mo ako.” Pikon na kinutusan niya ang babae. “Hindi ako kasali sa mga batang hamog n
Special Chapter 2: Mommy Nanny (A sneak peek for Vioxx Almeradez’s Story of 2nd Generation) Umawang ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapa-alaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence. “Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon. Natigil ang batang maliit sa paghagikhik. Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titi
Special Chapter 1: Married Again “Nanang Yeye, nasaan po si Nix?” tanong niya nang madaanan ang matanda na nagdidilig ng halaman sa hardin. “Inilabas kanina si Vioxx. Baka nasa taniman na naman.” “Sige po, puntahan ko na lang. Kumain na ba si Vioxx?” “Hindi pa nga eh. Sumama agad kay Nexus. Tinangka kong kunin, ayaw naman sumama. Kaka-isang taon pa lang, makulit na. Mana sa ama.” Binumntutan nito iyon ng tawa. Natawa na rin siya at naglakad patungo sa harap ng mansion para doon dumaan patungon taniman. She halts on her step when she saw Nix laughing wholeheartedly with their son. Nakakapaglakad na si Vioxx kaya lang ay parang palaging matutumba. Ang kulit pa naman at palaging pabibo. Naiiyak nga siya minsan dahil naalala niya si Calix. Ayos naman na siya. Malaki ang naitulong ng sabay nilang pagpapa-theraphy ni Nix para malagpasan nila iyon. Nakangiting nilapitan niy
Epilogue Mula sa pagkakatingin niya kay Amara Stephanie na nilalao-laro si Vioxx, nilingon niya si Alejandro nang pumasok ito sa hardin ng hacienda. “Ipinapabigay ng city jail. It’s your mom’s belonging.” Inabot nito sa kanya ang may katamtamang laking kulay itim na box. Nag-aatubili pa siyang abutin iyon kaya inilapag iyon ni Alejandro sa harapan niya bago umupo ng sa tabi niya. His mom is dead. Halos kalahating taon na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Stephanie and their twins got kidnapped. Namatay ang isa nilang anak dahil naiwan ito sa loob ng sasakyan na sumabog. Muntikan ng mabaliw si Amara Stephanie. Nang makuha ni Hordan at ng mga tauhan ni Sato ang kanyang mag-iina, mas lalong nagpumilit si Leticia na maka-usap siya. Kaya pala matagal na siya nitong gustong kausapin ay dahil may alam ito sa plano ni Hordan at ng sindikatong iyon. Pinalabas ni H
Chapter 64 (Part 3) Naghalu-halo ang galit sa sarili, selos at disappointment nang makita niya ang larawan na iyon ni Amara Stephanie na may katabing ibang lalaki sa ibabaw ng kama. Kagagaling niya pa lang sa Singapore dahil sunod-sunod ang naging aberya sa iba pang kompanya na nasa ilalim ng Almeradez Empire. Miss na miss na niya si Stephanie na kahit anong pigil niya sa sarili ay hindi niya pa rin napigilang umuwi sa hacienda para makita ito. He wants to cuddle with her and make up with her. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang maging selfish at muling maging masaya sa piling ng asawa na hindi niya inaalala ang mga posibilidad na mangyari sa hinaharap. He wants to bring her into her own Villa in Atulayan Island. Mag-oovernight sila roon at mag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay katulad ng dati. But all of his plans were ruined when his mother showed him a picture of his wife, n-aked on the bed with another man.
Chapter 64 (Part 2) Isa sa mga anak ng tauhan ng hacienda ay kilala ang babaeng umagaw ng atensyon niya. The name of the girl is Amara Stephanie Mijares. Estudaynte ng San Ramon National High School. Nasa kabilang bayan ang paaralang iyon, isang sakay lang ng bus. Sumasama siya tuwing pupunta ang Lolo niya o kaya ang mga trabahador ng hacienda sa Tigaon. Inaabangan niya si Stephanie sa Hepa Lane na siyang palaging pinupuntahan nito at ng mga kaibigan tuwing hapon pagkatapos ng klase. Her laugh and wittiness amused him big time. One time, his grandfather serves as a guest speaker at SRNH. Awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Amara Stephanie. Nalaman niya na vice president pala ito ng student council at halos lahat ng mga nag-aaral doon ay kilala ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinalubong nito ang tingin niya. Titig na titig siya rito nang makasalubong niya ito sa hallway ng paaralan. Kaswal l
Chapter 64 (Chapter 1) HACIENDA CONSTANCIA- 12 YEARS AGO Bumaba si Nexus nang makarating ang truck ng Hacienda Constancia sa sentrong palengke ng Goa kung saan ay isa sa mga bagsakan nila ng mga inaning gulay at prutas sa hacienda. His grandfather, Leopold Almeradez own the widest Hacienda in the province. Nage-export ang hacienda ng mga gulay at prutas sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Gayunpaman, sinisiguro pa rin ng kanyang lolo na may nakareserbang supply ang bayan ng Goa. Hindi pwedeng magkulang ng supply ang bayang kinalakihan nito at kung saan minahal nito ang asawa. Leopold Almeradez is not Alexander’s biological father. Malayong pinsan ng una ang tunay na ama ni Alexander. Nang mamatay iyon ay nagkaibigan si Leopold at Constancia. His grandparents’ love story is indeed like a fairytale. Simula nang mainirahan siya sa Hacienda Constancia, madalas niyang naririnig si Leopold na kinakausap ang larawan ng kanyang lola, sinasabi kung
Chapter 63 Inapakan niya ang silinyador para lumaban ng abante ang sasakyan nila. Subalit, masyadong matigas ang kung sino mang driver ng kulay puting kotse. Ginigitgit sila hanggang sa dulo ng kalsada. Sabay silang napasigaw ulit ni Maria nang magsimulang mahulog ang likuran ng kotse sa pababang bahagi ng bangin. “Sh-t!” nanginginig ang mga labing mura niya at muling tinapakan ang silinyador ng kotse. Naghalo sa loob ng sasakyan ang nahihintakutang sigaw nila ni Maria at ang palahaw na iyak ng kambal. Sa kanyang pagkagulat, umatras ang puting kotse. Kukunin na sana niya iyong pagkakataon para umabante nang bigla na lang sumibad papunta sa kanila. Bago pa man niya makabig ang kotse paiwas, mistula na silang nilindol sa loob ng sasakyan dahil sa lakas ng impact niyon. Walang kapreno-preno at tuloy-tuloy silang binangg, itinutulak sila pababang bahagi ng bundok. “Tumigil ka. Tumigil ka na!”
Chapter 62 “Tulungan mo ako, please. Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Patakasin mo kami ng mga anak ko.” mahina ang boses na pagmamakaawa niya sa babae. Alam niyang hindi ito talagang kasapi ng sindikato. Mukhang napilitan lang ito na manatili sa lugar na iyon. “ “Ano ‘yan?” sita sa kanila ng isang gwardiya na may hawak-hawak na mataas na de-kalibreng baril, hindi magdadalawang saktan siya kung may iniisip man siyang kalokohan. “Ano ba?!” biglang singhal ng babae sa kanya. Tinabig nito ang kanyang kamay. “Wala akong planong makipagsabwatan sa ‘yo. Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan at ang mga anak mo.” Malakas siya nitong itinulak na ikinatumba niya sa sahig. Naghiyawan ang limang kalalakihan na siyang gwardiya roon nang kubabawan siya nito kaya napahiga siya. Dinakma nito ang buhok niya kaya hinablot niya rin ang buhok nito. Nagtitili ang babae. Bumitaw ang isa nitong kamay sa buhok niya bago niya naramdaman iyon sa suo