Chapter 45 (Part 1) Magkahawak-kamay pa rin sila ni Nexus nang lumabas ng VIP room sa restaurant ng hotel. Kaunti na lang ang mga kumakain kumpara kanina. Gayunpaman, hindi pa rin nawala ang mapanuring tingin ng mga guest. Sino ba naman ang hindi magiging agaw-pansin kung pareho sila ni Nix na nakapajama lang at t-shirt sa gitna ng mga taong elegante at pormal ang kasuotan. Parang nakapambahay lang sila at naisipang kumain sa isang mamahaling restaurant matapos na magdamag na pagpapakasarap sa kama. Agad siyang humilata sa kama nang makapasok silang muli sa penthouse. Puyat pa siya at pagod rin. Umupo sa tabi niya si Nix at masuyo nitong hinaplos ang kanyang buhok. “Still tired?” Tamad niya itong tinapunan ng tingin. “It’s your fault. Ang sakit din ng balakang ko.” “Sorry, not sorry.” Hinawakan nito ang kanyang baywang at iginiya siya padapa sa malambot na kama. Nakuha pa nitong halikan siya sa leeg.
Chapter 45 (Part 2) Mula nang magwalk-out si Nexus kanina matapos niyang sabihin na wala na itong aasahan sa kanya, hindi na siya nito pinansin pa. “You guys have problem?” Nagpabalik-balik ang tingin ni Alejandro sa kanilang dalawa ni Nix. Magkatabi sa sofa ang magkapatid na Almeradez, kapwa parang hari na nakaupo. Maangas ang dating, seryoso ang mukha at parehong tulak-kabigin sa kagwapuhan. Pinagkaiba lang ay pagdating sa buhok. Clean cut ang buhok ni Nix habang kay Alejandro naman ay mahaba na umabot hanggang balikat nito. Nakatali iyon ng paman-bun na nagpadagdag ng kaangasan ng dating nito. “I heard from the staffs that you guys are okay when you eat lunch. You even shared a room.” Bumuntong-hininga siya at halos irapan si Nexus nang makitang nakatingin ito sa kanya. “Nasaan ngayon si Russel? Di ba pupuntahan natin siya? I need to hear from that bastard’s mouth whoever the mastermind.” “Umiiwas ka sa usapan,” tawa ni Alejand
Chapter 45 (Part 3) “Bitawan mo ako, Almeradez. I will kill your mother and that good for nothing brother of yours!” singhal niya kay Nexus nang tangkain nitong pigilan siyang umalis. Sa halip na sundin ay umiling ito. Pikon na nag-iwas siya ng tingin ang nagngangalit ang mga ngipin. “Oo nga pala,” sarkastiko siyang natawa. “Nanay mo nga pala ‘yon. Tapos ‘yong isa naman ay kapatid mo. Mas malapot nga naman ang dugo kaysa sa tubig. Hindi ka ba nagsasawa na linisin ang kalat ng kapatid mo?” Siya ang napapagod para kay Nexus. Ang martir ng lalaki. Ano bang gusto nito at nagtitiis ito sa mag-inang iyon na malinaw pa sa sikat ng araw na ginagamit lang ang dati niyang asawa. “Ano? Pagtatakpan mo ulit sila ngayon? Kung magde-deny ba sila lalo na ang nanay mo, paniniwalaan mo ba ulit kahit umamin na si Russel?” “She’s my mother.” “Yeah, right. How pathetic?! Ano bang laban ko do’n. Hindi mo nga ako pinan
Chapter 46 Nagmakaawa at pilit na nagpakampi si Leticia sa dati nitong asawa. Ngunit wala rin iyong kwenta dahil nagsampa ng kaso si Alejandro Almeradez tungkol sa pagkawala ng milyones sa Almeradez Empire. After investigation and tracing the people behind the missing millions, natukoy na ni Alejandro kung sino ang may-ari ng bank account na pinupuntahan ng halos three fourth ng pera na nawala sa kompanya. It was owned by a syndicate. Ito na raw ang bahala roon at wala siyang dapat ipag-aalala sa kaligtasan niya. Hindi pa nito nalulutas ang kaso ng panloloob sa bahay ng mga magulang niya ngunit pinaghihinalaan nito na ang sindikatong iyon ang nais pumuntirya sa kanya. “Amara Stephanie,” puno ng awtoridad ang boses ni Alexander na kusang nagpatigil sa kanya nang akmang papasok siya sa sasakyan. Nilingon niya ang dating lalaking biyenan at pinilit ang sariling itago ang kaba na nararamdaman. Her stomach churned when she me
Chapter 47 (Part 1) Nix took her again multiple times at Yatengco Mansion. Inokupa nila ang kwartong dati nilang ginagamit nang mag-asawa pa sila. Nang gabing iyon, pakiramdam niya ay mag-asawa ulit sila ni Nix. The way he took care of her, the way he made love with her…it was the same Nix that she used to fall in love with. Mali—mahal niya pa rin pala. Na-realize niya na hindi naman nawala ang pagmamahal niya kay Nexus. Naroroon pa rin sa puso niya. Natabunan lang ng galit at sakit. Matagal naman na niyang alam iyon kaya lang pilit niyang pinipigilan ang sarili dahil takot siyang sumubok ulit. Gusto niya rin naman maging masaya at kung magmamahal siya ng iba at bubuo ng sariling pamilya, siguro makakalimutan niya rin ang pagmamahal niya sa dating asawa. “A farewell gift,” seryosong sagot ni Gideon nang tanungin niya kung para saan ang USB na ibinigay nito sa kanya. Ngayong araw sana ang alis niya pabalik sa Camarines Sur ngunit naki-usap sa kanya si Nexus na samahan
Chapter 47 (Part 2) Pilit ang ngiti nang salubungin niya ang mga mata ni Alexander Almeradez. Ang puso niya ay sinisigawan siyang huwag maniwala sa sinasabi ng am ani Nexus subalit, kasalungat naman ang sinasabi ng kanyang utak. “Alas-onse na. Excuse me, but I need to go. Ba-byahe pa ako bukas pabalik ng probinsya. It’s nice talking to you, Sir.” Mas lalong nawalan ng emosyon ang mukha ng matandang Almeradez nang tumayo siya mula sa kinauupuan. Kung nadismaya ito sa kanya sa inasta niya o anupaman, iyon ang hindi niya alam at wala siyang balak alamin pa. Bahagya siyang yumukod kay Alexander bago umalis sa harapan nito. Itinaas niya ang kanyang noo nang naglakad siya palabas ng function hall ng hotel. Hindi niya alam kung bakit sobrang nadismaya siya sa sinabi at inakto ng ama ni Nexus sa kanya. Hindi man sila no’n nagkakausap, nakatatak na sa isip niya noon pa man na mabuti itong tao kahit pa nakakaintimida talaga. Nadis
Chapter 48 (Part 1) Positive. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata nang makita ang tatlong pregnancy test na lahat dalawang pulang guhit ang resulta. Positibo, buntis ulit siya! Nasapo niya ang bibig at naluha nang napaupo siya sa ibabaw ng takip ng bowl. Ngumiti siya na nauwi sa tawa. Ang malakas na kabog ng kanyang dibd ib ay nagpapatunay na halu-halo man ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon, nangingibabaw pa rin ang kasayahan niya. May anghel ulit sa sinapupunan niya. Tama ang hinala niya dahil nitong mga nakalipas na araw ay tamad na tamad na naman siya, at gusto na lang ay palaging matulog. Bumili siya ng pregnancy test sa pinakamalapit na drugstore para makasiguro. Hindi pwedeng magpabaya na naman siya. “Baby Sis, Tep? Tapos ka na?” katok ng kapatid niya sa labas ng pinto ng kanyang banyo. Dinampot niya ang tatlong pregnancy test at tumayo kahit pa nanginginig ang kanyang mga binti.
Chapter 48 (Part 2) Parang pag-aari ang buong lugar na lumapit ito sa doktra at inilahad ang kamay. “I’m Nexus Almeradez, the father.” “Have seat, Mr. Almeradez. I’m glad that you’re here. It’s a milestone for a family ang mga ganitong pangyayari. This is the first time that Mrs. Almeradez went for check-up, right?” Napa-facepalm na lang siya nang ngumiti ng malaki ang doktora at sunod-sunod ng tinanong siya ng mga nararamdaman niya. Hindi na lang niya sinalungat ang sinabi nitong misis siya ni Nexus dahil alam niyang sasagot na naman ang lalaki. Sasagot din siya panigurado na mauuwi na naman sa pagkainis. Baka ma-stress pa siya at maapektuhan ang bata. Ilang test ang ginawa nito bago tuluyang kinumpirma sa kanya na six weeks pregnant siya. “Kailangan mo ng ibayong pag-iingat, Mrs. First trimester and pinaka-risky para sa bata. Hindi pa kasi talaga buo sa loob ng sinapupunan kaya malaki ang chanc
Special Chapter 3: (A sneak peek for Calix Almeradez’s Story of 2nd Generation) Tila tambutso ang bibig ni Asher nang binuga niya ang usok ng sigarilyong hinihithit. Pamasid-masid siya sa paligid habang paminsan-minsang tumututok ang kanyang mga mata sa malaking bahay na nasa harapan niya. Mansyon ng mga Almeradez! Ang pamilyang nag-abandona sa kanya. “Sher, di ka pa sisibat? Hinahanap ka na ni Bossing.” Sulpot ng kapatid niyang si Astrid mula sa madilim na talahiban. Isang hithit pa ng sigarilyo bago niya iyon tinapon at inapakan. “Anong ginagawa mo rito?” puno ng kaangasan ang kanyang boses. “Hinahanap ka na ni Supremo.” Bumaling ang tingin nito sa malaking bahay. “Di ba ‘yan yong bahay na nasa picture? Yong pinakita sa ‘yo no’ng isang linggo ni Supremo. Bakit mo tinitingnan? Nanakawan mo ba? Sama mo ako.” Pikon na kinutusan niya ang babae. “Hindi ako kasali sa mga batang hamog n
Special Chapter 2: Mommy Nanny (A sneak peek for Vioxx Almeradez’s Story of 2nd Generation) Umawang ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapa-alaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence. “Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon. Natigil ang batang maliit sa paghagikhik. Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titi
Special Chapter 1: Married Again “Nanang Yeye, nasaan po si Nix?” tanong niya nang madaanan ang matanda na nagdidilig ng halaman sa hardin. “Inilabas kanina si Vioxx. Baka nasa taniman na naman.” “Sige po, puntahan ko na lang. Kumain na ba si Vioxx?” “Hindi pa nga eh. Sumama agad kay Nexus. Tinangka kong kunin, ayaw naman sumama. Kaka-isang taon pa lang, makulit na. Mana sa ama.” Binumntutan nito iyon ng tawa. Natawa na rin siya at naglakad patungo sa harap ng mansion para doon dumaan patungon taniman. She halts on her step when she saw Nix laughing wholeheartedly with their son. Nakakapaglakad na si Vioxx kaya lang ay parang palaging matutumba. Ang kulit pa naman at palaging pabibo. Naiiyak nga siya minsan dahil naalala niya si Calix. Ayos naman na siya. Malaki ang naitulong ng sabay nilang pagpapa-theraphy ni Nix para malagpasan nila iyon. Nakangiting nilapitan niy
Epilogue Mula sa pagkakatingin niya kay Amara Stephanie na nilalao-laro si Vioxx, nilingon niya si Alejandro nang pumasok ito sa hardin ng hacienda. “Ipinapabigay ng city jail. It’s your mom’s belonging.” Inabot nito sa kanya ang may katamtamang laking kulay itim na box. Nag-aatubili pa siyang abutin iyon kaya inilapag iyon ni Alejandro sa harapan niya bago umupo ng sa tabi niya. His mom is dead. Halos kalahating taon na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Stephanie and their twins got kidnapped. Namatay ang isa nilang anak dahil naiwan ito sa loob ng sasakyan na sumabog. Muntikan ng mabaliw si Amara Stephanie. Nang makuha ni Hordan at ng mga tauhan ni Sato ang kanyang mag-iina, mas lalong nagpumilit si Leticia na maka-usap siya. Kaya pala matagal na siya nitong gustong kausapin ay dahil may alam ito sa plano ni Hordan at ng sindikatong iyon. Pinalabas ni H
Chapter 64 (Part 3) Naghalu-halo ang galit sa sarili, selos at disappointment nang makita niya ang larawan na iyon ni Amara Stephanie na may katabing ibang lalaki sa ibabaw ng kama. Kagagaling niya pa lang sa Singapore dahil sunod-sunod ang naging aberya sa iba pang kompanya na nasa ilalim ng Almeradez Empire. Miss na miss na niya si Stephanie na kahit anong pigil niya sa sarili ay hindi niya pa rin napigilang umuwi sa hacienda para makita ito. He wants to cuddle with her and make up with her. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang maging selfish at muling maging masaya sa piling ng asawa na hindi niya inaalala ang mga posibilidad na mangyari sa hinaharap. He wants to bring her into her own Villa in Atulayan Island. Mag-oovernight sila roon at mag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay katulad ng dati. But all of his plans were ruined when his mother showed him a picture of his wife, n-aked on the bed with another man.
Chapter 64 (Part 2) Isa sa mga anak ng tauhan ng hacienda ay kilala ang babaeng umagaw ng atensyon niya. The name of the girl is Amara Stephanie Mijares. Estudaynte ng San Ramon National High School. Nasa kabilang bayan ang paaralang iyon, isang sakay lang ng bus. Sumasama siya tuwing pupunta ang Lolo niya o kaya ang mga trabahador ng hacienda sa Tigaon. Inaabangan niya si Stephanie sa Hepa Lane na siyang palaging pinupuntahan nito at ng mga kaibigan tuwing hapon pagkatapos ng klase. Her laugh and wittiness amused him big time. One time, his grandfather serves as a guest speaker at SRNH. Awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Amara Stephanie. Nalaman niya na vice president pala ito ng student council at halos lahat ng mga nag-aaral doon ay kilala ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinalubong nito ang tingin niya. Titig na titig siya rito nang makasalubong niya ito sa hallway ng paaralan. Kaswal l
Chapter 64 (Chapter 1) HACIENDA CONSTANCIA- 12 YEARS AGO Bumaba si Nexus nang makarating ang truck ng Hacienda Constancia sa sentrong palengke ng Goa kung saan ay isa sa mga bagsakan nila ng mga inaning gulay at prutas sa hacienda. His grandfather, Leopold Almeradez own the widest Hacienda in the province. Nage-export ang hacienda ng mga gulay at prutas sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Gayunpaman, sinisiguro pa rin ng kanyang lolo na may nakareserbang supply ang bayan ng Goa. Hindi pwedeng magkulang ng supply ang bayang kinalakihan nito at kung saan minahal nito ang asawa. Leopold Almeradez is not Alexander’s biological father. Malayong pinsan ng una ang tunay na ama ni Alexander. Nang mamatay iyon ay nagkaibigan si Leopold at Constancia. His grandparents’ love story is indeed like a fairytale. Simula nang mainirahan siya sa Hacienda Constancia, madalas niyang naririnig si Leopold na kinakausap ang larawan ng kanyang lola, sinasabi kung
Chapter 63 Inapakan niya ang silinyador para lumaban ng abante ang sasakyan nila. Subalit, masyadong matigas ang kung sino mang driver ng kulay puting kotse. Ginigitgit sila hanggang sa dulo ng kalsada. Sabay silang napasigaw ulit ni Maria nang magsimulang mahulog ang likuran ng kotse sa pababang bahagi ng bangin. “Sh-t!” nanginginig ang mga labing mura niya at muling tinapakan ang silinyador ng kotse. Naghalo sa loob ng sasakyan ang nahihintakutang sigaw nila ni Maria at ang palahaw na iyak ng kambal. Sa kanyang pagkagulat, umatras ang puting kotse. Kukunin na sana niya iyong pagkakataon para umabante nang bigla na lang sumibad papunta sa kanila. Bago pa man niya makabig ang kotse paiwas, mistula na silang nilindol sa loob ng sasakyan dahil sa lakas ng impact niyon. Walang kapreno-preno at tuloy-tuloy silang binangg, itinutulak sila pababang bahagi ng bundok. “Tumigil ka. Tumigil ka na!”
Chapter 62 “Tulungan mo ako, please. Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Patakasin mo kami ng mga anak ko.” mahina ang boses na pagmamakaawa niya sa babae. Alam niyang hindi ito talagang kasapi ng sindikato. Mukhang napilitan lang ito na manatili sa lugar na iyon. “ “Ano ‘yan?” sita sa kanila ng isang gwardiya na may hawak-hawak na mataas na de-kalibreng baril, hindi magdadalawang saktan siya kung may iniisip man siyang kalokohan. “Ano ba?!” biglang singhal ng babae sa kanya. Tinabig nito ang kanyang kamay. “Wala akong planong makipagsabwatan sa ‘yo. Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan at ang mga anak mo.” Malakas siya nitong itinulak na ikinatumba niya sa sahig. Naghiyawan ang limang kalalakihan na siyang gwardiya roon nang kubabawan siya nito kaya napahiga siya. Dinakma nito ang buhok niya kaya hinablot niya rin ang buhok nito. Nagtitili ang babae. Bumitaw ang isa nitong kamay sa buhok niya bago niya naramdaman iyon sa suo