Chapter 21 (Part 1) Naghiyawan ang mga ka-batch mate ni Amara Stephanie nang umere sa buong gymnasium ng San Ramon National High School ang modernong musika. “Tara, Estepanya. Sayaw tayo!” pinaypay siya ni Meimei na nasa gitna na kasama ang ilang mga kaklase nila. Buhay na buhay ang lugar at hindi na niya nakikita ang dating gymnasium nila noon na nagagamit lang kapag intramurals. Magarbo ang dekorasyon na kulay blue ang tema. Malaki ang pinagbago ng SRNH, mula sa mga classroom—na nadaanan nila kanina, sa covered court kung saan madalas niyang pagtambayan, ang malaking oval kung saan sila nagbibilad sa araw sa tuwing umaga ng lunes para sa flag ceremony, ngayon ay sementado na at may bubong. “Lakas makapanira ng gabi a****a!” maktol ni Analyn at pabagsak na umupo sa tabi niya. Bagay na bagay rito ang suot na off-shoulder semi-long gown. Hindi nakapapagtakang halos hindi mapuknat ang tingin dito ng dating presidente ng student council na si Jero
Chapter 21 (Part 2) “Ops! May lindowl.” Napaatras siya nang bahagya siyang itinulak ni Meimei sa balika. “Tulak ulit kita.” Sunod-sunod siyang tumango at idinipa pa ang dalawang kamay, lasing na. “Mash lumakash ang lindol.” “Careful,” wika ng taong sumalo sa kanyang katawan nang akmang babagsak siya sa sahig. “Hala! May gwapo.” Naniningkit ang kanyang mga mata nang tumingala siya sa lalaking may hawak sa kanya. “Shino ka?” “You’re drunk, Steph. Let’s go home.” “No. ‘Yaw ko,” tutol niya nang nagsimula itong hilahin siya paalis ng dance floor. “Huwag mo akong kidnap-in.” “I am not k idnapping you. I am taking you home.” “Home?” Sunod-sunuran siya rito hanggang makalabas sila sa gymnasium. “Huwag sa bahay. Pagagalitan ako ni Papa kasi uminom ako no’ng alak. Si Analyn kashi, binigyan ako.” “You shouldn’t drink it,” masungit na sagot sa
Chapter 22 Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang samu’t-saring isipin ang pumasok sa utak niya. She was n-aked, so does Nix. Lasing man siya kagabi, ngunit hindi siya tanga para hindi mahulaan kung ano ba ang nangyari. Naalala niya ang mga halik at haplos nito sa kanya nang nagdaang gabi. Ang kirot sa gitna ng kanyang mga hita ang nagpapatunay na isinuko niyang muli sarili sa dating asawa. Gusto niyang pagalitan ang sarili sa nagawa. Subalit, alam niya sa kanyang sarili na may parte na hindi siya nagsisisi na may nangyari sa kanila ni Nix. She let him touch her intimately before and when she agrees with his deal, she knew that giving herself to him is not an exception. Wala sa loob na bumaba ang kanyang mga mata sa tiyan. Sinapo niya iyon bago ibinalik ang tingin sa nakadapang si Nexus. Hindi na siya nagulat nang makitang gising ito. Titig na titig ang kulay asul nitong mga mata sa kanyang mukha. “Steph,” mahinang tawa
Chapter 23 “Sigurado akong ito ang ibinigay na address ni Pink,” bakas ang pagkadismaya sa boses ni Castiel nang lumabas sila sa isang exclusive subdivision at walang Russel na nahanap. Umiling siya at tiningala ang matayog na gusali na nasa harapan nila. Hindi niya pinagduduhan ang imbistigador na kakilala ni Castiel. Ngunit ang ipinagtataka niya ay ang sinabi ng receptionist na dalawang linggo na ang nakararaan nang ibenta ni Russel ang condo unit nito at bigla na lang naglaho na parang bula. “Pwede mo bang ipahanap siya ulit kay Pink?” “Walang problema. Nandito siya ngayon sa Maynila.” Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag nang tumunog iyon para sa tawag. Sinenyasan niya si Castiel na mauna ng pumasok sa kotse nang pindutin niya ang answer button. “Where are you? I’m almost done with my task for today.” May hagod ng lambing ang boses ni Nexus sa kabilang linya “My pinuntahan lang ako.”
Chapter 24 “Steph, open the door.” Kanina pa katok ng katok si Nexus sa labas ng master’s bedroom. Mga apat na oras na yata ito pabalik-balik at kung anu-ano ang pinagsasabi sa kanya para lang pagbuksan niya ng pinto. “Baby, please. Let me explain. Hear me out.” Katulad nang nagdaang mga oras, hindi niya pinansin ang pangungulit nito bagkus, ay nakatitig lamang siya sa kisame ng kwarto. Nagsawa na yata ang mga mata niya sa kakaiyak dahil wala ng luhang lumalabas doon kahit ang bigat-bigat pa rin ng dibd ib niya. “Hindi ko ginustong itago ‘yon. I was scared.” Takot saan? Takot na sabihin sa kanya na naaalala na nito kung paano ito nagloko noon? Isa siyang malaking tanga at isa namang malaking tangina si Nexus. Peke lahat ng mga paglalambing nito, ang panunuyo sa kanya, ang pagmamahal nitong sinasabi… Kailan ba siya madadala? Bakit ba hindi niya man lang nahalata na kung kumilos si Nexus ay parang
Chapter 25******************** “Nix, anong trip mo?” natatawa niyang tanong sa asawa nang habang panay ang alalay nito sa kanya upang hindi siya madapa dahil may takip ang kanyang mga mata. “Nope, not gonna answer that,” sagot ni Nexus at pinatakan siya ng halik sa pisngi. “Malapit na tayo.” Dumating ito kanina galing Maynila matapos nitong manatili roon ng halos isang linggong walang uwi. K inidnap siya nito mula sa bahay ng mga magulang niya at dinala sa sea port ng Sagnay kung saan may yateng naghihintay sa kanila. Sumakay sila roon at nilagyan siya ng piring sa mga mata nang malapit na sila kung saan man siya dinala nito. Pumulupot ang matitipunong mga bisig ni Nexus sa kanyang baywang at ipinatong ang ulo sa kanyang balikat. “You can remove it now,” bulong nito sa kanyang tainga na nagpatindig ng mga balahibo sa kanyang batok. “Ano ‘yan?” bulalas niya nang makita ang bahay—no, more like a villa. Nasa p
Chapter 26 ******************* “Nanang, kanino po ang mga maleta na nasa living room?” tanong niya kay Nanang Yeye nang mapasukan niya ito sa kusina. Napakunot-noo pa siya nang makitang mas maraming lulutuin ngayon kaysa sa pangkaraniwan. Kararating niya lang mula sa eskwela nang may makita niya ang nasa walong malalaking maleta na nasa living room. “Sa mother-in-law mo.” “Nandito si Mama Leticia?” Bahagyang nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat dahil alam niyang simula pa lang ay ayaw nitong manatili sa Hacienda Constancia, at mas lalong ayaw nito sa kanya. The woman like someone else for her son. “Oo, may kasama siya. Pinapanhik na nga sa itaas ang mga gamit kaya lang nagde-demand na sa master’s bedroom daw ilagay ang mga gamit ni Leticia dahil wala naman dito ang asawa mo. Ang sabi ko, dito ka nakatira at hintayin ka.” “Maraming guestroom.” “Iyon nga ang sabi ko, Anak. Kaya lang nagpu
Chapter 27 (Part 1) Halos ayaw ng bumangon ni Amara Stephanie sa kanyang kinahihigaan kahit pasado alas-nwebe na nang umaga. Tatlong araw ng walang tawag sa kanya si Nexus. Ang huling sinabi nito sa kanya ay pupunta raw ito sa Germany para sa isang business deal. Mukha pang nagmamadali at sa tingin niya ay nasa airport na ito nang mga oras na iyon. Hindi niya natanong ang tungkol sa nakita niya sa telibisyon dahil agad itong nagpaalam. Nagtatampo siya at mas lalo pang nadagdagan nang hindi man lang siya nito tinawagan o kahit text man lang. Gayunpaman, she’s still waiting for his call and text. Kahit simpleng tanong man lang kung kumusta ba siya. “Tep, gusto mo basketball tayo?” Walang kakatok-katok na pumasok ang papa niya na may dala pang bola. Nababagok na isinubsob niya ang kanyang mukha sa unan at hindi pinansin ang ama na umupo sa tabi ng kama niya. Umuwi siya kahapon sa bahay nila dahil naiinip siya sa mansion. Dumagdag pa ang
Special Chapter 3: (A sneak peek for Calix Almeradez’s Story of 2nd Generation) Tila tambutso ang bibig ni Asher nang binuga niya ang usok ng sigarilyong hinihithit. Pamasid-masid siya sa paligid habang paminsan-minsang tumututok ang kanyang mga mata sa malaking bahay na nasa harapan niya. Mansyon ng mga Almeradez! Ang pamilyang nag-abandona sa kanya. “Sher, di ka pa sisibat? Hinahanap ka na ni Bossing.” Sulpot ng kapatid niyang si Astrid mula sa madilim na talahiban. Isang hithit pa ng sigarilyo bago niya iyon tinapon at inapakan. “Anong ginagawa mo rito?” puno ng kaangasan ang kanyang boses. “Hinahanap ka na ni Supremo.” Bumaling ang tingin nito sa malaking bahay. “Di ba ‘yan yong bahay na nasa picture? Yong pinakita sa ‘yo no’ng isang linggo ni Supremo. Bakit mo tinitingnan? Nanakawan mo ba? Sama mo ako.” Pikon na kinutusan niya ang babae. “Hindi ako kasali sa mga batang hamog n
Special Chapter 2: Mommy Nanny (A sneak peek for Vioxx Almeradez’s Story of 2nd Generation) Umawang ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapa-alaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence. “Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon. Natigil ang batang maliit sa paghagikhik. Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titi
Special Chapter 1: Married Again “Nanang Yeye, nasaan po si Nix?” tanong niya nang madaanan ang matanda na nagdidilig ng halaman sa hardin. “Inilabas kanina si Vioxx. Baka nasa taniman na naman.” “Sige po, puntahan ko na lang. Kumain na ba si Vioxx?” “Hindi pa nga eh. Sumama agad kay Nexus. Tinangka kong kunin, ayaw naman sumama. Kaka-isang taon pa lang, makulit na. Mana sa ama.” Binumntutan nito iyon ng tawa. Natawa na rin siya at naglakad patungo sa harap ng mansion para doon dumaan patungon taniman. She halts on her step when she saw Nix laughing wholeheartedly with their son. Nakakapaglakad na si Vioxx kaya lang ay parang palaging matutumba. Ang kulit pa naman at palaging pabibo. Naiiyak nga siya minsan dahil naalala niya si Calix. Ayos naman na siya. Malaki ang naitulong ng sabay nilang pagpapa-theraphy ni Nix para malagpasan nila iyon. Nakangiting nilapitan niy
Epilogue Mula sa pagkakatingin niya kay Amara Stephanie na nilalao-laro si Vioxx, nilingon niya si Alejandro nang pumasok ito sa hardin ng hacienda. “Ipinapabigay ng city jail. It’s your mom’s belonging.” Inabot nito sa kanya ang may katamtamang laking kulay itim na box. Nag-aatubili pa siyang abutin iyon kaya inilapag iyon ni Alejandro sa harapan niya bago umupo ng sa tabi niya. His mom is dead. Halos kalahating taon na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Stephanie and their twins got kidnapped. Namatay ang isa nilang anak dahil naiwan ito sa loob ng sasakyan na sumabog. Muntikan ng mabaliw si Amara Stephanie. Nang makuha ni Hordan at ng mga tauhan ni Sato ang kanyang mag-iina, mas lalong nagpumilit si Leticia na maka-usap siya. Kaya pala matagal na siya nitong gustong kausapin ay dahil may alam ito sa plano ni Hordan at ng sindikatong iyon. Pinalabas ni H
Chapter 64 (Part 3) Naghalu-halo ang galit sa sarili, selos at disappointment nang makita niya ang larawan na iyon ni Amara Stephanie na may katabing ibang lalaki sa ibabaw ng kama. Kagagaling niya pa lang sa Singapore dahil sunod-sunod ang naging aberya sa iba pang kompanya na nasa ilalim ng Almeradez Empire. Miss na miss na niya si Stephanie na kahit anong pigil niya sa sarili ay hindi niya pa rin napigilang umuwi sa hacienda para makita ito. He wants to cuddle with her and make up with her. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang maging selfish at muling maging masaya sa piling ng asawa na hindi niya inaalala ang mga posibilidad na mangyari sa hinaharap. He wants to bring her into her own Villa in Atulayan Island. Mag-oovernight sila roon at mag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay katulad ng dati. But all of his plans were ruined when his mother showed him a picture of his wife, n-aked on the bed with another man.
Chapter 64 (Part 2) Isa sa mga anak ng tauhan ng hacienda ay kilala ang babaeng umagaw ng atensyon niya. The name of the girl is Amara Stephanie Mijares. Estudaynte ng San Ramon National High School. Nasa kabilang bayan ang paaralang iyon, isang sakay lang ng bus. Sumasama siya tuwing pupunta ang Lolo niya o kaya ang mga trabahador ng hacienda sa Tigaon. Inaabangan niya si Stephanie sa Hepa Lane na siyang palaging pinupuntahan nito at ng mga kaibigan tuwing hapon pagkatapos ng klase. Her laugh and wittiness amused him big time. One time, his grandfather serves as a guest speaker at SRNH. Awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Amara Stephanie. Nalaman niya na vice president pala ito ng student council at halos lahat ng mga nag-aaral doon ay kilala ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinalubong nito ang tingin niya. Titig na titig siya rito nang makasalubong niya ito sa hallway ng paaralan. Kaswal l
Chapter 64 (Chapter 1) HACIENDA CONSTANCIA- 12 YEARS AGO Bumaba si Nexus nang makarating ang truck ng Hacienda Constancia sa sentrong palengke ng Goa kung saan ay isa sa mga bagsakan nila ng mga inaning gulay at prutas sa hacienda. His grandfather, Leopold Almeradez own the widest Hacienda in the province. Nage-export ang hacienda ng mga gulay at prutas sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Gayunpaman, sinisiguro pa rin ng kanyang lolo na may nakareserbang supply ang bayan ng Goa. Hindi pwedeng magkulang ng supply ang bayang kinalakihan nito at kung saan minahal nito ang asawa. Leopold Almeradez is not Alexander’s biological father. Malayong pinsan ng una ang tunay na ama ni Alexander. Nang mamatay iyon ay nagkaibigan si Leopold at Constancia. His grandparents’ love story is indeed like a fairytale. Simula nang mainirahan siya sa Hacienda Constancia, madalas niyang naririnig si Leopold na kinakausap ang larawan ng kanyang lola, sinasabi kung
Chapter 63 Inapakan niya ang silinyador para lumaban ng abante ang sasakyan nila. Subalit, masyadong matigas ang kung sino mang driver ng kulay puting kotse. Ginigitgit sila hanggang sa dulo ng kalsada. Sabay silang napasigaw ulit ni Maria nang magsimulang mahulog ang likuran ng kotse sa pababang bahagi ng bangin. “Sh-t!” nanginginig ang mga labing mura niya at muling tinapakan ang silinyador ng kotse. Naghalo sa loob ng sasakyan ang nahihintakutang sigaw nila ni Maria at ang palahaw na iyak ng kambal. Sa kanyang pagkagulat, umatras ang puting kotse. Kukunin na sana niya iyong pagkakataon para umabante nang bigla na lang sumibad papunta sa kanila. Bago pa man niya makabig ang kotse paiwas, mistula na silang nilindol sa loob ng sasakyan dahil sa lakas ng impact niyon. Walang kapreno-preno at tuloy-tuloy silang binangg, itinutulak sila pababang bahagi ng bundok. “Tumigil ka. Tumigil ka na!”
Chapter 62 “Tulungan mo ako, please. Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Patakasin mo kami ng mga anak ko.” mahina ang boses na pagmamakaawa niya sa babae. Alam niyang hindi ito talagang kasapi ng sindikato. Mukhang napilitan lang ito na manatili sa lugar na iyon. “ “Ano ‘yan?” sita sa kanila ng isang gwardiya na may hawak-hawak na mataas na de-kalibreng baril, hindi magdadalawang saktan siya kung may iniisip man siyang kalokohan. “Ano ba?!” biglang singhal ng babae sa kanya. Tinabig nito ang kanyang kamay. “Wala akong planong makipagsabwatan sa ‘yo. Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan at ang mga anak mo.” Malakas siya nitong itinulak na ikinatumba niya sa sahig. Naghiyawan ang limang kalalakihan na siyang gwardiya roon nang kubabawan siya nito kaya napahiga siya. Dinakma nito ang buhok niya kaya hinablot niya rin ang buhok nito. Nagtitili ang babae. Bumitaw ang isa nitong kamay sa buhok niya bago niya naramdaman iyon sa suo