"Oo, alam ko na nasaktan kita kanina. Pero, ikaw ang mahal ko. Nakakagulat man pero 'yon talaga ang totoo. Hindi kita hinabol para kaawaan ka kundi para sabihin sa'yo na ikaw ang pinipili ko." "Ano?" Salubong ang dalawa nyang kilay dahil sa mga sinabi ko. "Paano si Kenneth? Haila, ayokong saktan ang kai--""Bakit ba palagi mo na lang iniisip ang ibang tao? Kailan mo ba uunahin 'yong sarili mo? Kailan mo ba ipaglalaban 'yong totoong nararamdaman mo sa isang tao?" Napaawang ang kanyang labi dahil sa sinabi ko. Mukhang natamaan sya roon."Si Kenneth pa mismo ang nag-utos sa'kin para habulin ka." "P-paano nangyari 'yon?" Nagtatakang tanong nito habang diretso ang pagkakatitig sa akin. "Tanggap na nya lahat, tanggap na nyang ikaw ang mahal ko. Oo, masama ako sa part na pinaasa ko sya pero akalain mo 'yon, pinili nya pa rin akong intindihin. Pinili nya pa rin tayong suportahan. Tama naman sya e, mali ako na utak ko ang ginamit ko't hindi 'tong puso ko. Alam mo ba kung bakit ganoon kabili
"Mom, Dad, Rhaivee, si Haila po, girlfriend ko." Nakaramdam ako ng hiya dahil ipinakilala nya ako sa pamilya niya hindi bilang isang kaibigan o yaya kundi bilang nobya nya. Dahil sa naiilang ako ay napayuko ako. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga kapwa ko katulong na nasa 'di kalayuan at pinapanood ang nagaganap rito sa sala. Hindi kaagad nakapagsalita ang mga magulang nya samantalang si Rhaivee ay naglulundag sa sobrang saya at tumitili pa. Patakbo pa syang yumakap sa akin at sinabihan ng 'welcome to the family'. Bineso nya ako sa sobrang galak at hindi na rin sya mapakali. Sumunod na lumapit ang tatay nito na si Sir Russel. Sinabihan nya rin ako ng 'welcome at congratulations. Niyakap nya pa ako ng mahigpit at nararamdaman ko ang tuwa sa mga yakap nya. May bahid man ako ng hiya ay tinugon ko pa rin ang yakap nito bilang pagrespeto na rin. Samantala, dahan-dahan na lumapit si Maam Rachel sa akin. Napansin ko kaagad ang namumuong luha sa gilid ng kanyang mata. Hindi ko matiy
"Bakit nandito tayo sa sementeryo?"Puro puntod ang nakikita ko kaya naman hindi ko naiwasan ang makaramdam ng takot. Nagdadalawang-isip pa akong bumaba ng sasakyan dala ng kakaibang nararamdaman ko. "Ipapakilala lang kita sa kanya," sagot nya at binuksan na nya ang pintuan ng sasakyan upang makalabas sya. Umikot ito at ang pintuan sa pwesto ko naman ang binuksan nya. Inalalayan nya akong bumaba ng sasakyan. Kahit may takot akong nararamdaman ay bumaba pa rin ako. At habang tinatahak namin ang daan, hindi maalis sa isipan ko ang dahilan kung bakit kami narito. Sinabi nya kanina lamang na ipapakilala nya ako sa isang tao. Ang tanong, lahat ng tao rito sa sementeryo ay literal na mga patay na, sino naman kaya ang tinutukoy nyang sinadya namin dito? Narating namin ang isang puntod. Ibinaba nya ang dinala naming bulaklak at pinanood ko syang magtirik ng kandila. Natatabunan ng dahon ang lapida kaya hindi ko nakita ang pangalan ng may-ari ng puntod na iyon. Hinawi nya ang mga dahon na n
"Babe, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Rhaiven sa akin dahilan para mapatingin ako rito. Tumango ako bilang sagot pero hindi nakumbinsi si Rhaiven sa sagot ko na iyon. "Masyado ba akong padalos-dalos sa pagdedesisyon?" "Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, pakiramdam ko may mangyayari." "Babe, huwag ka ngang ganyan pati ako kinakabahan na rin e, " hinawakan nya ang kamay ko upang pakalmahin. "Itulog mo na lang muna kaya o baka gutom ka na? Bibili na muna tayo ng pagkain pagkatapos iidlip mo muna para makapagpahinga rin yang utak mo." Tumango na lang ako dahil baka epekto lang 'yon sa kakulangan ko ng tulog. At gaya ng sinabi ni Rhaiven, huminto muna kami sa isang fast food chain at umorder ito ng makakain naming dalawa sa byahe. Bumili na rin ito ng grapes dahil 'yon ang alam nyang magpapakalma sa'kin. At gaya ng inaasahan naming dalawa, nakarating kami sa probinsya sa tinatantya naming oras. Masaya kaming sinalubong ng pamilya ko. Maski mga kapitbahay namin ay hi
"Babe, wake up, malalate na tayo sa school." Naramdaman ko ang mainit nyang hininga na tumama sa balat ng leeg ko dahil nasisiguro kong yumuko sya ng bahagya para gisingin ako. Marahas nya ring hinimas ang braso ko dahilan para magising ang diwa ko."Hmm, ang aga pa e." tinakpan ko ulit ang mukha ko gamit ang isang malambot na unan. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa saka dahan-dahan na inalis ang nakatakip na unan sa mukha ko. Napaungol ako ng mahina dahil sa inis. Pakiramdam ko kasi ay kulang ako sa tulog."Babe, quarter to 7 na, baka malate tayo kaya bumangon ka na dyan." Tuluyan na nyang naalis ang takip na unan sa mukha ko saka nya inayos ang magulo kong buhok.. "Nagmumukha kang zombie tuloy kaya bumangon ka na dyan at maligo." Pilit man akong nagmamatigas, sya pa rin ang nanalo dahilan para magdadabog akong bumangon at umalis sa kama ko. Sya pa ang nagprisintang mag-ayos ng higaan ko't ako naman ay kinuha ang suklay at inayos ang magulo kong buhok. "Alisin mo na kasi
"Babe, are you sleepy na?" Abala kaming dalawa sa pagrereview dahil nga malapit na 'yong exam namin this semester. Nakasandal sya sa headboard ng kama at nakaakbay sya sa akin. Iginaya ko naman ang ulo ko sa balikat nya habang hawak ko 'yong mga notes ko. Halos isang oras na kaming nagrereview dahil 'yon ang nirequest ko sa kanya't hindi naman sya umangal at sinabayan nya akong magreview. "Medyo."Napatakip ako sa aking bibig noong naramdaman kong nahihikab ako. Napansin naman nya 'yon dahilan para silipin nya ang mukha ko. "Let's continue this tommorrow, babe. Kailangan na nating matulog para may lakas na naman tayo bukas." Isinara ko na rin ang hawak kong notes ko't umalis sa pagkakasandal sa kanyang balikat. Akma akong tatayo noong pigilan nya ako."Oh, babe, saan ka pupunta?" Nagtaka naman ako sa inasta't tinanong nya sa akin. Salubong tuloy ang mga kilay ko na tumingin sa kanya. "Syempre, aalis na'ko. Gusto ko ng mahiga e. Paano, mauna na ako, huwag na huwag mong kakalimutan
"Babe, nagke-crave ako." "Maghuhubad na ba 'ko?" Pilyong wika nya kaya mabilis ko syang hinampas ng malakas sa kanyang braso. "Aray naman, parang nagbibiro lang e." "Nagke-crave nga ako, pakainin mo'ko.""Gusto mo ba ng ubas? Ice cream o friend chicken?" Tanong nya sa akin at hindi nag-abalang tumingin sa akin dahil busy sya sa kanyang selpon."Ililibre mo'ko?" Para akong bata na nabuhayan dahil sa mga sinabi nya. Natawa sya sa inasta ko kaya naman ginulo nya ng bahagya ang buhok ko't inilapag sa damuhan ang selpon nya. "Syempre naman, babe," masiglang wika nya. "Pumayat na lahat huwag lang 'tong pisngi mo," pinisil nya ulit 'yon pero hindi naman ganoon kalakas kaya naman hindi ako nakaramdam ng sakit. "Tara na, ayokong magutom ang baby ko," inalalayan nya 'kong tumayo at gaya ng kanyang sinabi, nilibre nya ako't pinakain sa akin lahat ng gusto ko. Dinala nya ako sa medyo mamahaling kainan kahit pa man sinabi ko na kahit sa kalye na kami magmeryenda. Sya naman daw ang manlilibre
"Babe, what are you doing here?" "Gago ka," singhal ko sa kanya't sinampal ang kanyang pisngi dahil hindi ko na napigilan ang sarili kong pangngigilan sya. "Haila, ano ba! Huwag ka ngang mag-eskandalo dito." Awat nito sa akin na animo'y hindi nasaktan sa pagdampi ng palad ko sa kanyang pisngi. "Sino si Colleen, ha? Nasa'n sya? Nasa'n ang babae mo? Ilabas mo," asik ko sa kanya't pinagpapalo ang kanyang dibdib habang patuloy na umaagos ang luha na bumabasa sa pisngi ko. "Wala akong babae. Ano bang pinagsasasabi mo? Umuwi ka na nga," depensa nya't mahina nya akong tinulak.Doon ako mas lalong nasaktan. Nagawa nya akong itulak imbes na magpaliwanag sya sa kanyang kalokohan. "Kenneth, iuwi mo nga 'to. Nakakahiya sa mga tao rito." "Nakakahiya? Ha!" Mapakla akog tumawa dahil sa sinabi nya. "Gago ka talaga, no? Mahihiya ka sa pag-eeskandalo ko pero 'yang pambabae mo hindi? Aba! Ang kapal ng mukha mo." Napailing ito na para bang hindi naniniwala sa mga pinagsasabi ko. "Wala akong ginagaw
"Mahal mo pa? Balikan mo na." Napatingin ako kay Luis, naisipan nyang sadyain akong bisitahin dito sa opisina ko. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nito at naisipan nya akong puntahan. At alam ko naman na nabalitaan na nya ang nangyaring bukingan sa sikreto ni Mavi. "Not now, dude." Sagot ko, napasandal ako sa swivel chair ko habang hawak ang baso ng alak. Pinagtaasan nya ako ng kilay at ibinaba ang magazine na hawak. Nasa sofa sya nakaupo habang abala kaninang sinusuri ang hawak na magazine sa kanyang mga kamay. "What's wrong? Nahanapan mo naman na ng baho ang Mavi na 'yon, it's now your time to shine, pre." "Luis, iniisip ko ang nararamdaman ni Haila, tsaka, gusto kong mairealize nyang mali sya. May balak naman akong balikan sya dahil mahal ko pa pero hindi sa ganitong sitwasyon. Masyado pa syang naiipit kaya bibigyan ko muna sya ng oras para makapag-isip.""Ikaw bahala, basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami." Paalala nito at tinapik ang balikat ko. Tumango
"Hindi ko priority ang pagkakaroon ng anak..... "Inaasahan ko na mag-eenjoy ako ngayong gabi, umasa ako na magiging maganda ang resulta ng pagpunta ko dito, hindi pala. Mas madadagdagan pala 'yong sama ng loob ko dahil kay Rhaiven ko mismo narinig ang mga katagang iniiwasan kong marinig sa lahat.Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang manahimik na lang at itago sa kanya 'tong pagbubuntis ko. Gusto ko ng tumigil sa pagpapantasya ng mga bagay-bagay na alam kong hindi nya kayang ibigay para sa anak ko. Baka nga tama si Kuya, hindi pa talaga ako sigurado kung seryoso ang pagmamahal ni Rhaiven sa akin ngayon. "Haila, ano meron? Ba't lumabas ka na?" Narinig ko ang boses ni Criza sa likod. Wala yatang nakapansin na umalis ako doon, sabagay nasa medyo madilim akong parte. Lahat kasi ng pansin nila ay na kay Rhaiven na seryoso nilang iniinterview. Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Ayokong magtanong si Criza, mas bibigat lang ang mararamdaman ko
"Bes, huwag na huwag mong kakalimutan lahat ng bilin ni doktora sa'yo lalong-lalo na 'yong mga makakasama kay baby. Sya nga pala, 'yong mga gamot na kailangan mong inumin, nabili ko na lahat."Nalulungkot lang ako ng sobra dahil sya dapat ang kasama ko dito sa second checkup ko hindi si Criza, well, naaappreciate ko naman sya. Iba lang siguro ang saya kapag daddy ng baby ko mismo ang kasama ko sa checkup ko ngayong araw. "Haila, dapat marunong ka na agad kung paano magpalit ng diaper at kung paano linisan ang pwet ni baby kapag nagdumi. Ngayon pa lang dapat matuto ka na ng mga basic step sa pag-aalaga ng sanggol para kapag time mo na e hindi ka na mahihirapan." Paalala ni Ate. Abala syang pinapalitan ang bunso nilang anak, natae kasi ito at tinulungan ko naman sya sa pag-asikaso sa bata. Tinuruan nya ako at hindi ko maiwasang maexcite. Nakakapressure mang gawin pero nakakaenjoy naman. Napahaplos tuloy ako sa tyan ko. "Bakit, buntis ba sya?"Napalingon kaagad kami ni Ate nang magsal
WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS A MATURED SCENES. READ AT YOUR OWN RISK."Miss Santiago, aware ka bang two months ka ng buntis?"Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa sinabi ni Doktora Genieva, ang OBGYNE na kakilala ko rito sa ospital. Sa kanya ako nagset ng schedule para magpacheck up, gusto ko rin kasing makasigurado. Baka kasi bulok lang 'yong pregnancy test na ginamit ko kahapon. Lantang gulay akong naglakad palabas ng naturang ospital. Hawak-hawak ko 'yong listahan ng mga vitamins at gamot na kinakailangan kong bilhin. Nakasulat din doon kung anong oras dapat ako uminom ng gamot. Binigyan pa ako ni doktora ng kaunting kaalaman kanina ukol sa pagbubuntis ko. Nirekomenda nya sa akin na huwag magpalamon sa stress dahil maaaring maapektuhan ang bata na nasa sinapupunan ko. Napaupo ako dito sa may bench, hindi ko namalayan na napadpad ako dito sa isang parke. May ilang bata na naglalaro doon, naagaw ng atensyon ko 'yong isang ina na abalang nagpapadede ng kanyang s
"Magreresign ka na?" Dahan-dahan akong tumango habang nakayuko, hindi ko kayang tumingin ng diretso kay Tito Gabby, ang daddy ni Mavi. Sinadya ko talagang pumunta dito para personal na magresign na sa trabaho. Alam ko na wala si Mavi dito dahil lumipad sila ni Amarah papunta sa Dubai upang puntahan si Jayzel. Doon ko nalaman na buntis pala ito at kinakailangan nya si Mavi roon. "Tito, alam ko nakakagulat 'tong desisyon ko pero heto lang kasi 'yong alam kong paraan para makalimot sa mga nangyari. Gusto ko na rin pong mamuhay ng walang iniisip. Alam ko na hindi nyo rin inaasahan na ganito ang mangyayari sa amin ng anak nyo. Pero, sana maintindihan nyo po kami." Tumikhim sya saka umalis sa pagkakasandal doon sa swivel chair. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Haila, naiintindihan kita." Napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit at hindi napigilan ang maiyak. Nagpasalamat ako sa kanya dahil naiintindihan nya ako. Ang inaasahan ko kasi ay hindi sya papayag sa pagreresign kong ito sa komp
"Haila.."Hinabol ako ni Rhaiven pagkatapos kong magmoveon. Narinig ko ang yabag ng paa nya pasunod sa akin. Hindi ko naman sya magawang lingunin dahil nagagalit ako ng sobra sa nalaman ko. "Haila, let me explain, please. "Tuluyan nyang nahawakan ang braso ko, dahilan rin 'yon para mapahinto ako sa paglalakad at hinarap sya. Patuloy sa pag-agos ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hinarap ko sya. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Puno sya ng pagmamakaawang pakinggan ko ang pagpapaliwanag nya. Pinapanood lang kami ni Mavi sa 'di kalayuan, hinayaan nya kaming makapag-usap. "Magpapaliwanag ako, please, maki-"Hindi ko na sya pinatapos sa dapat sasabihin nya nang malakas ko syang sinampal sa pisngi. Halos mapapikit pa sya sa lakas non. Namula pa iyon ng bahagya at hindi manlang ako makaramdam ng awa sa kanya dahil sa ginawa ko.Samantala, tumakbo si Mavi palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Mukhang sinusuway nya ako. Pilit nya akong pinapakalma pero hindi 'y
"Matagal na naming alam na niloloko ka ni Mavi."Naiyak pa ako lalo nang marinig ang sinabi ni Kenneth tungkol sa panlolokong ginawa ni Mavi sa akin. Sila mismo ang naisipan kong puntahan kinabukasan nang matanggap ang chat ni Jaime sa akin. Ni hindi ako nakatulog kinagabihan dahil doon. Gusto ko tuloy na pauwiin si Mavi at pagsasampalin hanggang sa magsawa ako. Galit na galit ako sa ginawa nyang ito sa akin. Wala naman akong alam na kasalanang ginawa sa kanya para gawin nya ang ganito sa akin. "Natatakot lang kami na sabihin sa'yo, baka kasi isipin mo gumagawa kami ng palusot para balikan mo si Rhaiven. Baka isipin mo rin na sinisiraan namin 'yong fiancee mo. Mahirap mangialam sa ganitong bagay lalo na't hindi biro 'tong sitwasyon na kinakaharap mo, Haila." Usisa naman ni Luis. Naglapag ulit sya ng panibagong rolyo ng tissue sa harap ko. Kumuha si Hana at iniabot ito sa akin. "Binalak talaga namin na dalasin kang yayaing lumabas, nagbabakasakali kasi kami na masasabi namin sa'yo an
"Omg! Rhaiven, you're here, I can't believe it."Napatakip si Jayzel nang makita ako papasok ng resort kung saan gaganapin ang kanyang birthday. Tumakbo sya para salubungin ako't niyakap ng sobrang higpit. Nahihiya tuloy ako dahil maraming bisita ang nakatingin sa'min. "Sorry, I'm late.""No, it's okay, man." Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin at nagbeso sa pisngi ko. Jaime invited me to her sister's birthday party here in Dubai. Kinakailangan ko pang bumyahe dito para makaattend ng birthday nya since inaasahan nya ang pagdating ko. She was my first ever business partner kaya ganoon nalang kami kaclose. Dahil sa pangshiship nila sa amin ay naging malapit ang loob namin sa isa't isa. Una pa lang ramdam ko na kailanman hindi nya ako magugustuhan. Sabi nga nya, iba ang tipo nya sa lalaki, malayong-malayo daw sa akin. "Happy Birthday," bati ko sa kanya at itinaas 'yong babasaging baso ng alak na hawak ko. Nagtoast kami ay sabay uminom. "Thank you, bestie." Masayang usal nya. "Ak
"Kahit kailan talaga bwisit ka, Rhaiven."Pinanggigilan ko ng sobra 'yong hawak kong unan. Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama. Aaminin ko, hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nya. Ni wala syang ebidensyang makipakita sa akin na totoo ang paratang nya kay Mavi. Iniisip ko nga, ginagawa nyang gumawa ng kwento para magtiwala ako sa kanya't iwan ko si Mavi. "Hindi magagawang manloko ni Mavi, Haila. Huwag kang magpapauto sa Rhaiven na 'yon." Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa lawak ng mansyon ni Mavi dito sa may terrance. Siguro nga naprapraning lang ako dahil sa mga sinabi ni Rhaiven. Hindi naman dapat ako makinig sa gagong 'yon dahil una sa lahat, pwedeng magkatotoo lahat ng hinala ni Mavi tungkol sa kanya. Dapat kong paghandaan ang anumang plano na gagawin nya sa relasyon namin ni Mavi. "Masyado ka kasing stress dyan sa trabaho mo, 'yan tuloy sumasakit na ang ulo mo."Halos mabingi ako sa hindi pamutol na panenermon ni Criza sa akin habang inaasikaso ako.