"Ay may anak na sya." Nakita namin na masayang buhat-buhat ni Haila ang batang babae na kung ilalarawan ko ay nasa tatlo o apat na taon ang gulang nito. Turo pa ng turo ang bata sa mga laruan kaya sinisita sya ni Haila dahilan rin para maiyak ang bata saka nagpapadyak sa sahig. "Tara lapitan natin sya," anyaya ni Luis at nagpauna syang naglakad palapit sa gawi ni Haila. Sumunod sa kanya sina Luis at Kenneth na animo'y excited na makaharap muli si Haila. Kinakailangan pa nila akong akayin para sumama sa kanila. Tahimik nalang din ako na nagpatangay sa kanila dahil hindi ko lubos maalis ang tingin kay Haila. Ilang hakbang nalang ay makakalapit na kami ng tuluyan sa kanya. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko, namawis ang palad ko't kumabog ng napakabilis ang puso ko. Hindi pa nya kami napapansin dahil abala syang inaalo ang bata saka inaakit para mapatahan. Nangdilang-anghel naman ang bata kaya tumigil na ito sa pag-iyak saka na sya inakay ni Haila palayo sa section ng mga laruan
"Pres, ang problema kasi, kahit marami tayong lupa na pagtatamnan ng ubas ay hindi pa rin 'yon sapat para mas lumago 'tong kompanya natin." Opinyon ni Paul, isa sa mga matatalinong board member ko. "What do you mean?" Nakasandal ako sa aking kinauupuan habang nakaharap sa kanila. Nilalaro ko pa ang hawak kong ballpen sa kamay ko. "Ang solusyon sa problema natin ay kinakailangan natin ng kilalang tao para makilala pa ng todo ang ating produkto." "Makikipagpartnership ba tayo ang nais mong iparating, Paul?" Sabat ni Miss Emily na seryoso ring nakikinig sa bawag opinyon ng iba. "Exactly, Miss Emily." Napatingin si Miss Emily sa akin na animo'y sinasabing makinig ako sa suhestiyon iyon na naisip ni Paul. "Hindi ganon kadali 'yang gusto nyo." Usal ko dahilan para magtaka sila. "Hindi ako papayag na makipagpartner tayo sa iba ng ganoong kabilis. Isipin nyo, negosyo 'to at hindi isang laro lang." Hindi naman ako makakapayag na makipagsosyo sa ibang negosyanteng hindi pa namin lubos na
"Bakit ba kasi hindi mo pa sagutin si Sir Mavi para sa ganon hindi na tayo naghihirap ng ganito." "Hindi si Mavi ang sagot sa problema natin, Criza." Depensa ko naman habang abala sa paghihiwa ng gulay na isashog ko sa ulam namin na paksiw. Masigasig kong manliligaw si Mavi sa loob ng isang taon. Sa taon na lumipas, hindi sya tumigil para ligawan ako dahil desididong-desidido sya sa akin. "Palagi nalang ganyan ang sagot mo 'te," asik ni Criza. Lumapit na ito sa akin at tinulungan akong hiwain ang mga gulay na isasahog ko. "Ano pa bang hindi malinaw sa'yo? Hindi mo ba nakikita na botong-boto sa'yo 'yung anak nyang si Amarah? Konti nalang lumuhod 'yung bata sa'yo para lang pumayag ka sa gusto ng tatay non na pakasalan mo sya.""Hindi naman pwedeng irason 'yung kagustuhan nung bata para pumayag ako." Depensa ko. "Kilala mo 'ko, hindi ako basta-basta pumapasok sa isang bagay kapag 'di pa ako desidido, ayokong magkamali, alam mo 'yan." Humakbang ako papunta sa lababo upang hugasan ang
"Miss na miss na kita, Lola." Pagkatapos kong mabanggit ang makahulugang salita na 'yon ay kusa ng bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pilit pinipigilan. Hanggang ngayon, hindi pa nahihilom ang sugat na mayroon sa puso ko. Na kahit anong gamot ang ilagay rito ay hindi magiging sapat para tuluyan na itong gumaling. Hindi kayang tanggalin ng pera ang lungkot na nakabaon sa puso ko. Napayuko ako dahil bumabalik na naman sa'kin ang lahat. Mula mismo sa araw na nagsimulang maging miserable ang buhay ko hanggang sa nakita ko ulit ang taong naging dahilan ng pagiging manhid ko. "Hindi ko na hahayaan na sirain nya ulit ang buhay ko, La," umiiyak kong usal sa puntod ng Lola ko. Hanggang ngayon, puno ng paghihinagpis ang puso ko. Pakiramdam ko, nadagdagan 'yung galit ko sa kanya dahil nakita ko ulit sya. Hindi pananabik ang namumuti sa akin kundi 'yung kagustuhan na magantihan sya kahit sa konting paraan manlang. Gustong-gusto ko syang gantihan dahil hindi nya alam 'yung hirap at sakit n
"Nakakainis! Hindi ko alam kung paano sya haharapin." Ni hindi ako nakatulog kagabi habang iniisip ang utos ni Mavi sa akin at 'yon ay personal na iabot kay Rhaiven 'yung invitation para sa darating na birthday ni Amarah. Sinubukan kong makipagtalo kay Mavi kahapon na huwag nang personal na imbitahin si Rhaiven at idaan nalang sa email pero hindi ko sya napapayag. Ganoon pala ang taong 'yon, ayaw na ayw nang-iimbita sa telepono lang kundi personal mismo. Sa ganoong paraan daw kasi ay sincere na iniimbitahan mo sa naturang pagtitipon. Wala na akong nagawa pa kundi sundin na lang ang gusto nya. Mahigpit akong nakahawak sa sling bag ko kung saan nakalagay 'yong invitation na ipinabibigay ni Mavi. Malaking pagtataka ko tuloy kung bakit naisipan kong manamit ng disente ngayong araw kahit alam kong hindi naman ako magtatagal doon. Hindi naman porket pupuntahan ko sya ay may ibang ibig-sabihin na 'yon. Psh! Una sa lahat, may ibibigay lang ako. Utos 'yon ni Mavi bilang amo ko kaya dapat su
"Bakit hindi mo na lang kasi aminin kay Mavi na ex mo ang taong 'yon. Sigurado naman ako na gagawa sya ng paraan para ilayo ka do'n." Sa sobrang busy ni Kuya sa trabaho, halos madalas na lang kung makapag-usap kami. Dalawang taon na syang nandoon sa probinsya kapiling ang mag-ina nya. Nagkaroon na sila ng anak ni Ate Marie, isang lalaki at pinangalanan nila itong Zaque. At kahit gustuhin nilang lumuwas ng Maynila, hindi nila magawa dahil sa mahal ng pamasahe. "Ayokong malaman nya, Kuya." Sagot ko at sinuklay ang buhok ko. Nakaharap ako sa salamin at nakapwesto ang selpon ko sa flower vase na nakapatong sa mesa na kaharap ko. "Paniguraro, malaking gulo kapag nalaman nya ang tungkol sa'min ni Rhaiven. Hangga't kaya kong umiwas, gagawin ko, huwag lang magkagulo." "Mas malaking gulo kapag itinago mo tapos mabibisto ka mismo ni Mavi. Mas mainam na sabihin mo na ngayon hangga't maaga pa. Oo, sabihin man natin na ayaw mo ng gulo pero mas magiging komplikado kapag tinago mo pa ang totoo."
"How much do you love my dad, Mommy?" Natigilan kami pareho ni Mavi sa pagtatanong ni Amarah. Nagtama ang tingin ng bata at mababasa ko sa mata nya na kinakailangan nya ng seryosong sagot mula sa tanong nya. At aminado ako na hindi ko masagot ang simpleng tanong na 'yon ni Amarah. "Amarah, this is not the right time to ask that to Mommy," sabat ni Mavi sa usapan namin at pinisil ng marahan ang pisngi ng anak. "Bilisan mo na dyan para makaalis na tayo." Pagkatapos ay naramdaman ko na marahan nyang hinaplos ang balikat ko. Pinapahiwatig nyang 'di nya ako prinepressure dahil sa pagtatanong ng bata. Nginitian ko na lang si Mavi at sinubukang umakto na parang 'di ako apektadp sa tanong ni Amarah. "But, why? Two years have passed when you met each other, Dad. I want an assurance that Mommy will going to marry you." Pangungulit ni Amarah na parang hindi nya ako titigilan hangga't hindi sya nakakatanggap ng sagot sa'kin. "Baby, stop that or else daddy will get mad." Pananakot ni Mavi sa
"Sa sobrang kapal ng mukha mo, nagawa mo pa talagang pumunta dito sa puntod ng Lola ko."Muntik ko nang ihampas kay Rhaiven 'yong bulaklak na iniwan nya sa puntod ni Lola na noon ay hawak-hawak ko. Tumayo ako nang mapansing sya ang taong nagsalita sa likod ko. Gusto ko nga syang pagsusuntukin sa mukha dahil naiinis ako ng sobra sa presensya nya. "Haila, pwede bang kausapin mo'ko ng maayos kahit ngayon lang?" Nangungusap ang mata nitong tumingin sa akin. "Gusto ko lang malaman lahat ng nangyari sa pamilya mo four years ago."Tumawa ako ng mapakla dahil sa sinabi nya. "Para ano? Para pagtawanan kami? Para kaawaan kami, gano'n ba?" Nag-uusok ako sa galit dahil may gana syang magtanong kung ano ang mga nangyari sa amin apat na taon na ang lumipas. "Ganoon ba talaga kaliit ang tingin mo sa'kin? Ganoon na ba'ko kasama sa paningin mo?" "Rhaiven, huwag ka namang umakto na parang wala kang alam!" Singhal ko sa kanya at matalim syang tinignan sa mata. "Huwag ka namang plastik sa harapan ko
"Mahal mo pa? Balikan mo na." Napatingin ako kay Luis, naisipan nyang sadyain akong bisitahin dito sa opisina ko. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nito at naisipan nya akong puntahan. At alam ko naman na nabalitaan na nya ang nangyaring bukingan sa sikreto ni Mavi. "Not now, dude." Sagot ko, napasandal ako sa swivel chair ko habang hawak ang baso ng alak. Pinagtaasan nya ako ng kilay at ibinaba ang magazine na hawak. Nasa sofa sya nakaupo habang abala kaninang sinusuri ang hawak na magazine sa kanyang mga kamay. "What's wrong? Nahanapan mo naman na ng baho ang Mavi na 'yon, it's now your time to shine, pre." "Luis, iniisip ko ang nararamdaman ni Haila, tsaka, gusto kong mairealize nyang mali sya. May balak naman akong balikan sya dahil mahal ko pa pero hindi sa ganitong sitwasyon. Masyado pa syang naiipit kaya bibigyan ko muna sya ng oras para makapag-isip.""Ikaw bahala, basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami." Paalala nito at tinapik ang balikat ko. Tumango
"Hindi ko priority ang pagkakaroon ng anak..... "Inaasahan ko na mag-eenjoy ako ngayong gabi, umasa ako na magiging maganda ang resulta ng pagpunta ko dito, hindi pala. Mas madadagdagan pala 'yong sama ng loob ko dahil kay Rhaiven ko mismo narinig ang mga katagang iniiwasan kong marinig sa lahat.Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang manahimik na lang at itago sa kanya 'tong pagbubuntis ko. Gusto ko ng tumigil sa pagpapantasya ng mga bagay-bagay na alam kong hindi nya kayang ibigay para sa anak ko. Baka nga tama si Kuya, hindi pa talaga ako sigurado kung seryoso ang pagmamahal ni Rhaiven sa akin ngayon. "Haila, ano meron? Ba't lumabas ka na?" Narinig ko ang boses ni Criza sa likod. Wala yatang nakapansin na umalis ako doon, sabagay nasa medyo madilim akong parte. Lahat kasi ng pansin nila ay na kay Rhaiven na seryoso nilang iniinterview. Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Ayokong magtanong si Criza, mas bibigat lang ang mararamdaman ko
"Bes, huwag na huwag mong kakalimutan lahat ng bilin ni doktora sa'yo lalong-lalo na 'yong mga makakasama kay baby. Sya nga pala, 'yong mga gamot na kailangan mong inumin, nabili ko na lahat."Nalulungkot lang ako ng sobra dahil sya dapat ang kasama ko dito sa second checkup ko hindi si Criza, well, naaappreciate ko naman sya. Iba lang siguro ang saya kapag daddy ng baby ko mismo ang kasama ko sa checkup ko ngayong araw. "Haila, dapat marunong ka na agad kung paano magpalit ng diaper at kung paano linisan ang pwet ni baby kapag nagdumi. Ngayon pa lang dapat matuto ka na ng mga basic step sa pag-aalaga ng sanggol para kapag time mo na e hindi ka na mahihirapan." Paalala ni Ate. Abala syang pinapalitan ang bunso nilang anak, natae kasi ito at tinulungan ko naman sya sa pag-asikaso sa bata. Tinuruan nya ako at hindi ko maiwasang maexcite. Nakakapressure mang gawin pero nakakaenjoy naman. Napahaplos tuloy ako sa tyan ko. "Bakit, buntis ba sya?"Napalingon kaagad kami ni Ate nang magsal
WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS A MATURED SCENES. READ AT YOUR OWN RISK."Miss Santiago, aware ka bang two months ka ng buntis?"Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa sinabi ni Doktora Genieva, ang OBGYNE na kakilala ko rito sa ospital. Sa kanya ako nagset ng schedule para magpacheck up, gusto ko rin kasing makasigurado. Baka kasi bulok lang 'yong pregnancy test na ginamit ko kahapon. Lantang gulay akong naglakad palabas ng naturang ospital. Hawak-hawak ko 'yong listahan ng mga vitamins at gamot na kinakailangan kong bilhin. Nakasulat din doon kung anong oras dapat ako uminom ng gamot. Binigyan pa ako ni doktora ng kaunting kaalaman kanina ukol sa pagbubuntis ko. Nirekomenda nya sa akin na huwag magpalamon sa stress dahil maaaring maapektuhan ang bata na nasa sinapupunan ko. Napaupo ako dito sa may bench, hindi ko namalayan na napadpad ako dito sa isang parke. May ilang bata na naglalaro doon, naagaw ng atensyon ko 'yong isang ina na abalang nagpapadede ng kanyang s
"Magreresign ka na?" Dahan-dahan akong tumango habang nakayuko, hindi ko kayang tumingin ng diretso kay Tito Gabby, ang daddy ni Mavi. Sinadya ko talagang pumunta dito para personal na magresign na sa trabaho. Alam ko na wala si Mavi dito dahil lumipad sila ni Amarah papunta sa Dubai upang puntahan si Jayzel. Doon ko nalaman na buntis pala ito at kinakailangan nya si Mavi roon. "Tito, alam ko nakakagulat 'tong desisyon ko pero heto lang kasi 'yong alam kong paraan para makalimot sa mga nangyari. Gusto ko na rin pong mamuhay ng walang iniisip. Alam ko na hindi nyo rin inaasahan na ganito ang mangyayari sa amin ng anak nyo. Pero, sana maintindihan nyo po kami." Tumikhim sya saka umalis sa pagkakasandal doon sa swivel chair. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Haila, naiintindihan kita." Napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit at hindi napigilan ang maiyak. Nagpasalamat ako sa kanya dahil naiintindihan nya ako. Ang inaasahan ko kasi ay hindi sya papayag sa pagreresign kong ito sa komp
"Haila.."Hinabol ako ni Rhaiven pagkatapos kong magmoveon. Narinig ko ang yabag ng paa nya pasunod sa akin. Hindi ko naman sya magawang lingunin dahil nagagalit ako ng sobra sa nalaman ko. "Haila, let me explain, please. "Tuluyan nyang nahawakan ang braso ko, dahilan rin 'yon para mapahinto ako sa paglalakad at hinarap sya. Patuloy sa pag-agos ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hinarap ko sya. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Puno sya ng pagmamakaawang pakinggan ko ang pagpapaliwanag nya. Pinapanood lang kami ni Mavi sa 'di kalayuan, hinayaan nya kaming makapag-usap. "Magpapaliwanag ako, please, maki-"Hindi ko na sya pinatapos sa dapat sasabihin nya nang malakas ko syang sinampal sa pisngi. Halos mapapikit pa sya sa lakas non. Namula pa iyon ng bahagya at hindi manlang ako makaramdam ng awa sa kanya dahil sa ginawa ko.Samantala, tumakbo si Mavi palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Mukhang sinusuway nya ako. Pilit nya akong pinapakalma pero hindi 'y
"Matagal na naming alam na niloloko ka ni Mavi."Naiyak pa ako lalo nang marinig ang sinabi ni Kenneth tungkol sa panlolokong ginawa ni Mavi sa akin. Sila mismo ang naisipan kong puntahan kinabukasan nang matanggap ang chat ni Jaime sa akin. Ni hindi ako nakatulog kinagabihan dahil doon. Gusto ko tuloy na pauwiin si Mavi at pagsasampalin hanggang sa magsawa ako. Galit na galit ako sa ginawa nyang ito sa akin. Wala naman akong alam na kasalanang ginawa sa kanya para gawin nya ang ganito sa akin. "Natatakot lang kami na sabihin sa'yo, baka kasi isipin mo gumagawa kami ng palusot para balikan mo si Rhaiven. Baka isipin mo rin na sinisiraan namin 'yong fiancee mo. Mahirap mangialam sa ganitong bagay lalo na't hindi biro 'tong sitwasyon na kinakaharap mo, Haila." Usisa naman ni Luis. Naglapag ulit sya ng panibagong rolyo ng tissue sa harap ko. Kumuha si Hana at iniabot ito sa akin. "Binalak talaga namin na dalasin kang yayaing lumabas, nagbabakasakali kasi kami na masasabi namin sa'yo an
"Omg! Rhaiven, you're here, I can't believe it."Napatakip si Jayzel nang makita ako papasok ng resort kung saan gaganapin ang kanyang birthday. Tumakbo sya para salubungin ako't niyakap ng sobrang higpit. Nahihiya tuloy ako dahil maraming bisita ang nakatingin sa'min. "Sorry, I'm late.""No, it's okay, man." Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin at nagbeso sa pisngi ko. Jaime invited me to her sister's birthday party here in Dubai. Kinakailangan ko pang bumyahe dito para makaattend ng birthday nya since inaasahan nya ang pagdating ko. She was my first ever business partner kaya ganoon nalang kami kaclose. Dahil sa pangshiship nila sa amin ay naging malapit ang loob namin sa isa't isa. Una pa lang ramdam ko na kailanman hindi nya ako magugustuhan. Sabi nga nya, iba ang tipo nya sa lalaki, malayong-malayo daw sa akin. "Happy Birthday," bati ko sa kanya at itinaas 'yong babasaging baso ng alak na hawak ko. Nagtoast kami ay sabay uminom. "Thank you, bestie." Masayang usal nya. "Ak
"Kahit kailan talaga bwisit ka, Rhaiven."Pinanggigilan ko ng sobra 'yong hawak kong unan. Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama. Aaminin ko, hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nya. Ni wala syang ebidensyang makipakita sa akin na totoo ang paratang nya kay Mavi. Iniisip ko nga, ginagawa nyang gumawa ng kwento para magtiwala ako sa kanya't iwan ko si Mavi. "Hindi magagawang manloko ni Mavi, Haila. Huwag kang magpapauto sa Rhaiven na 'yon." Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa lawak ng mansyon ni Mavi dito sa may terrance. Siguro nga naprapraning lang ako dahil sa mga sinabi ni Rhaiven. Hindi naman dapat ako makinig sa gagong 'yon dahil una sa lahat, pwedeng magkatotoo lahat ng hinala ni Mavi tungkol sa kanya. Dapat kong paghandaan ang anumang plano na gagawin nya sa relasyon namin ni Mavi. "Masyado ka kasing stress dyan sa trabaho mo, 'yan tuloy sumasakit na ang ulo mo."Halos mabingi ako sa hindi pamutol na panenermon ni Criza sa akin habang inaasikaso ako.