"Will you marry me, Haila?"Nakaluhod si Mavi sa harapan ko, pinapanood kami ng mga taong umattend sa birthday party ni Amarah. Hindi ko inaasahan na magpropropose si Mavi sa akin sa harap ng maraming tao. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtitig ni Rhaiven sa akin. Mababasa ko sa mukha ang lungkot at mukhang pati sya ay naghihintay ng sagot sa tanong ni Mavi. Pakiramdam ko, may humihigop sa akin na pumayag sa alok ni Mavi pero kapag tinitignan ko si Rhaiven ay umaatras ako. Hindi ko maipaliwanag 'tong nararamdaman ko. Gusto kong pumayag pero may humihila sa akin na animo'y pinipigilan ako.Napatingin ako kay Amarah na noon ay hindi na nya naitago ang tuwa ganoon rin ang mga magulang ni Mavi at pamilya ni Laine. Lahat sila ay masaya sa magpropose na ginagawa ni Mavi sa akin ngayon. Naririnig ko ang hiyaw nilang pumayag ako sa alok ni Mavi na kasal. Kaliwa't kanan na ang pagbati nila sa amin kahit hindi pa ako pumapayag. "Yes Mavi, I will marry you." Naghiyawan lahat ng tao sa
"Pati ba naman si Amarah idadamay mo dyan sa kahibangan mo, Rhaiven?" Paglabas namin ng school kanina ni Criza ay talagang hinanap namin sila. Halos mamatay na ako sa kaba kakahanap kay Amarah. Sobra akong natatakot na baka may mangyari sa kanyang masama. Sisisihin ko talaga ang sarili ko kapag nangyari 'yon. Naabutan namin silang kumakain ng ice cream, nadumihan na ang uniforme ni Amarah dahil sa tulo ng ice cream na hawak nya. Kinawayan pa ako ng bahagya ni Amarah saka itinuon ang pansin sa kinakain nya. "Masama na bang ilabas minsan 'tong step daughter mo?" depensa nya saka inakbayan si Amarah na walang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid nya. "Sa ganitong sitwasyon mo pa talaga naisip 'yan? Psh! Halos mamatay na ako sa kaba kakahanap sa kanya at ano ang inaasahan mo, papasalamatan kita?" Nilapitan ko si Amarah saka inagaw sa kanya 'yong kinakain nyang ice cream. "Tama na 'yang ice cream, baby. Sasakit ang ngipin mo." Iniabot ko kay Criza ang ice cream at kanya naman nya itong
"Friends? Pumayag kang maging friends kayo ni Rhaiven? Susmaryosep! Anong pumasok sa kokote mo, Haila?" After ng madamdamin at seryosong pag-uusap namin ni Rhaiven kahapon, tinanong nya kung pwedeng maging magkaibigan na lang kami para maayos na lahat. Para makasigurado syang wala ng mainit na bangayan ang mamumuti sa pagitan namin. Gusto ko naman na ng katahimikan kaya pumayag na ako. "Kaysa naman maging magkaaway kami habambuhay. Tsaka, sincere naman yata sya kaya pinagbigyan ko na. Nakakasawa na rin 'yong palagi kaming nagbabangayan kapag nagkakataon na nagkikita kami. At gusto ko na rin ng peace of mind hangga't maaari.""Baka out of mind ang mangyari sa'yo kesa peace of mind." "Criza, sincere nga sya, ramdam ko 'yon. Papayag ba'ko kung hindi?""'Di mo sure?" Taas-kilay na usal ni Criza, kumakain sya ng saging habang nakahalukipkip ang isang braso nya. "Baka naman para-paraan lang sya para mapalapit sa'yo tapos sa huli, uungkatin na naman nya sa'yo 'yong nakaraan nyo. Naku, para
"Maiisipan ko na yatang magtaksil sa asawa ko ngayong nasilayan ko ang kagandahan mo, Haila."Napailing ako sa biro nyang 'yon ni Chris at gusto ko syang batukan dahil baka kung ano ang isipin ng misis nyang si Jaime na kasalo namin. Isinama nya ito dahil natatakot syang iwan ito sa bahay nila ng mag-isa. Kahit papaano ay nakaya kong makipagclose kay Jaime.Linggo ngayon at dumating ang araw ng date naming lima. Todo text sila sa akin nitong nakaraang araw na kung maaari ay ipaaga na lang ang date namin dahil excited na silang makita ako't makadaldalan ulit. Maski rin naman ako excited na silang makabonding ulit. Kamalas-malas lang dahil nahirapan akong makapagpaalam kay Mavi. Nag-away pa kami dahil nalaman nyang lalaki ang mga kasama ko. Nakipagtalo pa ako dahil wala namang malisya kung sasama ako sa kanila dahil kaibigan ko sila. Matapos ang mahabang diskurso namin ay napapayag ko rin sya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Chris." Tugon ko at napailing.Sumimsim ako sa ice tea na
"Wala akong kinalaman sa ideyang 'to ni Luis ah. Baka mamaya isipin mo plinano ko'to para masolo kita."Nakaupo ako rito sa kama at sinusubukang tawagan si Mavi, until now hindi pa rin nya sinasagot ang mga tawag ko dahilan para mainis ako. "Wala naman akong sinabi." Padabog ko na lang na ibinalik sa side table 'yung selpon ko. Kinuha ko 'yong pouch ko kung saan nakalagay 'yong mga accesories ko. Humarap ako sa salamin at sinumulang maglagay ng light makeup sa mukha ko para naman presentable akong tignan. "Mas okay ng nagkakaintindihan tayo." Umupo sya sa sofa at isinuot ang black na relo sa kanyang palapulsuhan. Nakikita ko ang reflection nya sa salamin na kaharap ko. Naglagay na rin sya ng pabango at amoy na amoy ko ang nakakabaliw nitong amoy. "Ba't ka pumayag na sa iisang kwarto tayo mamamalagi?" Tanong ko habang busy sa paglalagay ng kolorete sa mukha ko. "Wala lang, hindi naman masama 'di ba?" Sagot nya saka sya tumayo para ibalik sa bag nya 'yong pabango na ginamit nya ka
"Maam, may nagpapabigay po sa inyo nito."Napaangat ako ng tingin sa isang gwardiya ng kompanya na huminto sa tapat ko. May hawak syang paperbag na medyo may kalakihan. Sa kaliwang kamay nya ay hawak nya 'yong isang bouquet ng bulaklak na kung ilalarawan ko ay puro red roses. "Kanino po galing?" isa-isa kong kinuha ang inaabot ng guard na paperbag saka bulaklak. "Ayaw pong ipasabi e." "Sige, thank you, Manong."Nginitian na lang nya ako saka nagpaalam na paalis. At nang tuluyan ng mawala ang guard sa paningin ko, pinagtuunan ko ng pansin ang hawak kong paperbag saka bulaklak. Hindi ko napigilan na amuyin 'yon, napangiti pa ako sa amoy nito. Ibinaba ko ito sa mesa ko at pinagtuunan naman ng pansin 'yong paperbag. Binuksan ko ito at bumungad ang napakaraming ubas, napataas ako ng kilay sa nakita ko. Seriously? Ubas ang laman at hindi chocolate? Literal naman kasi na chocolate ang partner ng bulaklak na binibigay. Natawa na lang ako sa kawalan at napansin ko rin ang kulay pink na st
"Ex mo ba si Rhaiven, Love?"Napatigil ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang blower. Sinubukan kong tumakas pero natakot ako nang mapagbanta nya akong tinawag sa pangalan. Shit! Hindi ako nakapaghanda sa bagay na 'to. "Mavi, pwede bang nextime na natin pag-usapan 'yan. Gusto ko na kasing magpa-""Yes or no, Love." "Oo, ex-boyfriend ko sya." Pang-aamin ko't napapikit pa. "Pero, hindi naman na 'yon bigdeal dahil wala na kami, mag-ex nalang kami. May kanya-kanya na kaming buhay at parehas na kaming masaya.""Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Ramdam ko sa boses ni Mavi ang inis at galit dahilan para kabahan ako. "Mavi, para saan pa? Matagal na kaming hiwalay at hindi ko na sya mahal. Huwag mo naman syang gawing bigdeal. Ayokong sya pa ang dahilan ng pag-aaway natin." I tried to calm him down. "Ang bigdeal sa'kin ay 'yong hindi mo pag-amin na ex mo sya. Fiancee mo'ko may karapatan akong malaman lahat maski nakaraan mo. Hindi na biro 'tong pagpapakasal na binabalak natin, Haila. Gusto k
"Kahit kailan talaga bwisit ka, Rhaiven."Pinanggigilan ko ng sobra 'yong hawak kong unan. Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama. Aaminin ko, hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nya. Ni wala syang ebidensyang makipakita sa akin na totoo ang paratang nya kay Mavi. Iniisip ko nga, ginagawa nyang gumawa ng kwento para magtiwala ako sa kanya't iwan ko si Mavi. "Hindi magagawang manloko ni Mavi, Haila. Huwag kang magpapauto sa Rhaiven na 'yon." Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa lawak ng mansyon ni Mavi dito sa may terrance. Siguro nga naprapraning lang ako dahil sa mga sinabi ni Rhaiven. Hindi naman dapat ako makinig sa gagong 'yon dahil una sa lahat, pwedeng magkatotoo lahat ng hinala ni Mavi tungkol sa kanya. Dapat kong paghandaan ang anumang plano na gagawin nya sa relasyon namin ni Mavi. "Masyado ka kasing stress dyan sa trabaho mo, 'yan tuloy sumasakit na ang ulo mo."Halos mabingi ako sa hindi pamutol na panenermon ni Criza sa akin habang inaasikaso ako.
"Mahal mo pa? Balikan mo na." Napatingin ako kay Luis, naisipan nyang sadyain akong bisitahin dito sa opisina ko. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nito at naisipan nya akong puntahan. At alam ko naman na nabalitaan na nya ang nangyaring bukingan sa sikreto ni Mavi. "Not now, dude." Sagot ko, napasandal ako sa swivel chair ko habang hawak ang baso ng alak. Pinagtaasan nya ako ng kilay at ibinaba ang magazine na hawak. Nasa sofa sya nakaupo habang abala kaninang sinusuri ang hawak na magazine sa kanyang mga kamay. "What's wrong? Nahanapan mo naman na ng baho ang Mavi na 'yon, it's now your time to shine, pre." "Luis, iniisip ko ang nararamdaman ni Haila, tsaka, gusto kong mairealize nyang mali sya. May balak naman akong balikan sya dahil mahal ko pa pero hindi sa ganitong sitwasyon. Masyado pa syang naiipit kaya bibigyan ko muna sya ng oras para makapag-isip.""Ikaw bahala, basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami." Paalala nito at tinapik ang balikat ko. Tumango
"Hindi ko priority ang pagkakaroon ng anak..... "Inaasahan ko na mag-eenjoy ako ngayong gabi, umasa ako na magiging maganda ang resulta ng pagpunta ko dito, hindi pala. Mas madadagdagan pala 'yong sama ng loob ko dahil kay Rhaiven ko mismo narinig ang mga katagang iniiwasan kong marinig sa lahat.Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang manahimik na lang at itago sa kanya 'tong pagbubuntis ko. Gusto ko ng tumigil sa pagpapantasya ng mga bagay-bagay na alam kong hindi nya kayang ibigay para sa anak ko. Baka nga tama si Kuya, hindi pa talaga ako sigurado kung seryoso ang pagmamahal ni Rhaiven sa akin ngayon. "Haila, ano meron? Ba't lumabas ka na?" Narinig ko ang boses ni Criza sa likod. Wala yatang nakapansin na umalis ako doon, sabagay nasa medyo madilim akong parte. Lahat kasi ng pansin nila ay na kay Rhaiven na seryoso nilang iniinterview. Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Ayokong magtanong si Criza, mas bibigat lang ang mararamdaman ko
"Bes, huwag na huwag mong kakalimutan lahat ng bilin ni doktora sa'yo lalong-lalo na 'yong mga makakasama kay baby. Sya nga pala, 'yong mga gamot na kailangan mong inumin, nabili ko na lahat."Nalulungkot lang ako ng sobra dahil sya dapat ang kasama ko dito sa second checkup ko hindi si Criza, well, naaappreciate ko naman sya. Iba lang siguro ang saya kapag daddy ng baby ko mismo ang kasama ko sa checkup ko ngayong araw. "Haila, dapat marunong ka na agad kung paano magpalit ng diaper at kung paano linisan ang pwet ni baby kapag nagdumi. Ngayon pa lang dapat matuto ka na ng mga basic step sa pag-aalaga ng sanggol para kapag time mo na e hindi ka na mahihirapan." Paalala ni Ate. Abala syang pinapalitan ang bunso nilang anak, natae kasi ito at tinulungan ko naman sya sa pag-asikaso sa bata. Tinuruan nya ako at hindi ko maiwasang maexcite. Nakakapressure mang gawin pero nakakaenjoy naman. Napahaplos tuloy ako sa tyan ko. "Bakit, buntis ba sya?"Napalingon kaagad kami ni Ate nang magsal
WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS A MATURED SCENES. READ AT YOUR OWN RISK."Miss Santiago, aware ka bang two months ka ng buntis?"Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa sinabi ni Doktora Genieva, ang OBGYNE na kakilala ko rito sa ospital. Sa kanya ako nagset ng schedule para magpacheck up, gusto ko rin kasing makasigurado. Baka kasi bulok lang 'yong pregnancy test na ginamit ko kahapon. Lantang gulay akong naglakad palabas ng naturang ospital. Hawak-hawak ko 'yong listahan ng mga vitamins at gamot na kinakailangan kong bilhin. Nakasulat din doon kung anong oras dapat ako uminom ng gamot. Binigyan pa ako ni doktora ng kaunting kaalaman kanina ukol sa pagbubuntis ko. Nirekomenda nya sa akin na huwag magpalamon sa stress dahil maaaring maapektuhan ang bata na nasa sinapupunan ko. Napaupo ako dito sa may bench, hindi ko namalayan na napadpad ako dito sa isang parke. May ilang bata na naglalaro doon, naagaw ng atensyon ko 'yong isang ina na abalang nagpapadede ng kanyang s
"Magreresign ka na?" Dahan-dahan akong tumango habang nakayuko, hindi ko kayang tumingin ng diretso kay Tito Gabby, ang daddy ni Mavi. Sinadya ko talagang pumunta dito para personal na magresign na sa trabaho. Alam ko na wala si Mavi dito dahil lumipad sila ni Amarah papunta sa Dubai upang puntahan si Jayzel. Doon ko nalaman na buntis pala ito at kinakailangan nya si Mavi roon. "Tito, alam ko nakakagulat 'tong desisyon ko pero heto lang kasi 'yong alam kong paraan para makalimot sa mga nangyari. Gusto ko na rin pong mamuhay ng walang iniisip. Alam ko na hindi nyo rin inaasahan na ganito ang mangyayari sa amin ng anak nyo. Pero, sana maintindihan nyo po kami." Tumikhim sya saka umalis sa pagkakasandal doon sa swivel chair. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Haila, naiintindihan kita." Napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit at hindi napigilan ang maiyak. Nagpasalamat ako sa kanya dahil naiintindihan nya ako. Ang inaasahan ko kasi ay hindi sya papayag sa pagreresign kong ito sa komp
"Haila.."Hinabol ako ni Rhaiven pagkatapos kong magmoveon. Narinig ko ang yabag ng paa nya pasunod sa akin. Hindi ko naman sya magawang lingunin dahil nagagalit ako ng sobra sa nalaman ko. "Haila, let me explain, please. "Tuluyan nyang nahawakan ang braso ko, dahilan rin 'yon para mapahinto ako sa paglalakad at hinarap sya. Patuloy sa pag-agos ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hinarap ko sya. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Puno sya ng pagmamakaawang pakinggan ko ang pagpapaliwanag nya. Pinapanood lang kami ni Mavi sa 'di kalayuan, hinayaan nya kaming makapag-usap. "Magpapaliwanag ako, please, maki-"Hindi ko na sya pinatapos sa dapat sasabihin nya nang malakas ko syang sinampal sa pisngi. Halos mapapikit pa sya sa lakas non. Namula pa iyon ng bahagya at hindi manlang ako makaramdam ng awa sa kanya dahil sa ginawa ko.Samantala, tumakbo si Mavi palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Mukhang sinusuway nya ako. Pilit nya akong pinapakalma pero hindi 'y
"Matagal na naming alam na niloloko ka ni Mavi."Naiyak pa ako lalo nang marinig ang sinabi ni Kenneth tungkol sa panlolokong ginawa ni Mavi sa akin. Sila mismo ang naisipan kong puntahan kinabukasan nang matanggap ang chat ni Jaime sa akin. Ni hindi ako nakatulog kinagabihan dahil doon. Gusto ko tuloy na pauwiin si Mavi at pagsasampalin hanggang sa magsawa ako. Galit na galit ako sa ginawa nyang ito sa akin. Wala naman akong alam na kasalanang ginawa sa kanya para gawin nya ang ganito sa akin. "Natatakot lang kami na sabihin sa'yo, baka kasi isipin mo gumagawa kami ng palusot para balikan mo si Rhaiven. Baka isipin mo rin na sinisiraan namin 'yong fiancee mo. Mahirap mangialam sa ganitong bagay lalo na't hindi biro 'tong sitwasyon na kinakaharap mo, Haila." Usisa naman ni Luis. Naglapag ulit sya ng panibagong rolyo ng tissue sa harap ko. Kumuha si Hana at iniabot ito sa akin. "Binalak talaga namin na dalasin kang yayaing lumabas, nagbabakasakali kasi kami na masasabi namin sa'yo an
"Omg! Rhaiven, you're here, I can't believe it."Napatakip si Jayzel nang makita ako papasok ng resort kung saan gaganapin ang kanyang birthday. Tumakbo sya para salubungin ako't niyakap ng sobrang higpit. Nahihiya tuloy ako dahil maraming bisita ang nakatingin sa'min. "Sorry, I'm late.""No, it's okay, man." Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin at nagbeso sa pisngi ko. Jaime invited me to her sister's birthday party here in Dubai. Kinakailangan ko pang bumyahe dito para makaattend ng birthday nya since inaasahan nya ang pagdating ko. She was my first ever business partner kaya ganoon nalang kami kaclose. Dahil sa pangshiship nila sa amin ay naging malapit ang loob namin sa isa't isa. Una pa lang ramdam ko na kailanman hindi nya ako magugustuhan. Sabi nga nya, iba ang tipo nya sa lalaki, malayong-malayo daw sa akin. "Happy Birthday," bati ko sa kanya at itinaas 'yong babasaging baso ng alak na hawak ko. Nagtoast kami ay sabay uminom. "Thank you, bestie." Masayang usal nya. "Ak
"Kahit kailan talaga bwisit ka, Rhaiven."Pinanggigilan ko ng sobra 'yong hawak kong unan. Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama. Aaminin ko, hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nya. Ni wala syang ebidensyang makipakita sa akin na totoo ang paratang nya kay Mavi. Iniisip ko nga, ginagawa nyang gumawa ng kwento para magtiwala ako sa kanya't iwan ko si Mavi. "Hindi magagawang manloko ni Mavi, Haila. Huwag kang magpapauto sa Rhaiven na 'yon." Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa lawak ng mansyon ni Mavi dito sa may terrance. Siguro nga naprapraning lang ako dahil sa mga sinabi ni Rhaiven. Hindi naman dapat ako makinig sa gagong 'yon dahil una sa lahat, pwedeng magkatotoo lahat ng hinala ni Mavi tungkol sa kanya. Dapat kong paghandaan ang anumang plano na gagawin nya sa relasyon namin ni Mavi. "Masyado ka kasing stress dyan sa trabaho mo, 'yan tuloy sumasakit na ang ulo mo."Halos mabingi ako sa hindi pamutol na panenermon ni Criza sa akin habang inaasikaso ako.