Binalikan nila Jayden at Julius ang bahay na pinuntahan nila kahapon pero hindi pa rin nila nakausap ang pakay nila. Nabatid nila sa security guard ng bahay na umuwi lang ang amo nito kagabi sandali at umalis din daw agad.Nanigurado na si Jayden sa talagang pakay nila dahil baka sakaling nasa loob naman ang ginang na nakita nila sa cctv, kaya tinanong na lang nila ang guwardiya kung nakita nito ang babaeng nasa gallery photo ng cellphone niya."Pasensiya na sir, wala hong babaeng dinadala ang amo ko sa bahay na ito." ang sagot ng bantay kay Jayden."Pero ang name ng amo ay si Devin Dela Merced right?""Tama ka sir, Si Mr. Devin Dela Merced nga ang may ari ng bahay." sagot ng bantay."Isang tanong na lang, sa kanya ba ang sasakyan na may plate number na DDM 1982?" muling tanong ni Jayden."Sa amo ko nga sir, pero hindi na siya ang gumagamit ng sasakyan na yun. Ibinigay na ata ni Sir Devin kay Senyora Amara ang CRV na sasakyan dahil hindi na yun nagagamit ng amo ko." pahayag na sagot n
"P-Paanong kayo ang tunay kong ama? Nagkaroon kayo ng relasyon sa ina ko?" gulat pa ring tanong ni Berry sa matanda."Oo iha, nagkaroon kami ng ugnayan ni Roselyn noon. Buntis siya sa magiging anak ko sa kanya ng takasan niya ako. Magmula ng umalis siya hindi ko na siya nakita pa." sagot ni Don Alejandro.Napaawang ang bibig ni Berry sa kanyang nalaman."Kaya naisip ninyong maaring ako ang anak ninyo sa kanya? sigurado po ba kayo Don Alejandro?" di makapaniwalang saad ni Berry."Binilang ko ang taon na ipinanganak ka at ang buwan na nabuntis ang ina mo sa iyo Berry at ang taon din na tinakasan ako ni Roselyn, na iyong ina. Lahat ay nagtugma at hindi ko pwedeng isipin na ibang lalaki ang nakabuntis sa kanya ng mga panahong iyon dahil wala naman ibang lalaki na nakalapit sa kanya kundi ako lang." pagtatapat ni Don Alejandro sa kanya."Hindi ko po alam ang kwento ninyo ng ina ko at wala naman po akong karapatang husgahan kayong dalawa. Pero gusto ko pong malaman ang lahat Don Alejandro."
Tumakbo si Berry palabas ng bahay ni Don Alejandro. Napatingin siya sa tapat ng bahay at naisip niyang kausapin si Anne ngunit naalala niyang may trabaho pa ang beshy niya. Muli siyang tumakbo at naisip niyang pumunta sa nadaanan nilang park sa loob ng subdivision na nakita niya ng isinama siya nila Senyora Amara at Anne sa bahay ng ginang.Doon siya tahimik na nag iiyak sa parke at wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng ibang taong naroon na nakakapansin sa kanya.Hindi niya akalain na ang biruan nila ni Anne na baka si Don Alejandro ang tunay niyang ama ay magkakatotoo at ang konklusyon pa niyang sinabi ang talagang nangyari.Naawa si Berry sa kanyang ina dahil sa pinagdaanan nitong hirap noon kay Don Alejandro. Ngunit naaawa rin siya sa Don dahil sa matanda na nga ito at wala ng lakas. Iniwanan na ng pamilya kaya nag iisa na lamang sa buhay. Tingin niya ay nagsisi naman na nga ang matanda sa mga ginawa nitong kasalanan, lalo na sa kanyang ina.Naisip ng dalaga na patay n
"Ho? bakit po?! hindi ko po kayo kilala sir!" takang pagtatanong ni Anne."I know miss, pero kakilala mo si Berry. Ako si Jayden ang boyfriend ni Berry." pagpapakilala ni Jayden kay Anne.Napatitig naman si Anne kay Jayden at halata ang pagkagulat sa mukha ng babae. Hindi niya inasahan na napakaguwapo at makisig na bata pa ang lalaking ikinukwento sa kanya ng beshy niya. Iba kase ang hitsura na naimahe niya sa isip niya ng sabihin ni Berry sa kanya na ang lalaking nilayasan nito ay ang lalaking nagbayad ng twenty million sa auction. Akala niya ay matandang bilyonaryo ang sinasabi ni Berry."Alam kong nagkausap kayo sa simbahan dahil napanood ko ang record ng cctv. Pasensiya na miss, pero si Berry talaga ang hinahanap ko. Alam kong isinama ninyo siya ni Mrs. Dela Merced ng umalis kayo ng simbahan, nandito ba si Berry?" wika ni Jayden na ikinabigla na naman ng babae.Binuksan ni Anne ang gate at lumabas siya roon. "Ikaw pala ang nilayasan ni Berry, pasensiya na mister pero wala dito si
Kinaumagahan ay pinuntahan ni Anne si Berry at ikinuwento nga niya sa kaibigan ang pagpunta ni Jayden at pag-uusap nila kagabi ng lalaki.Nakita niya sa naging reaksyon ng mukha ni Berry na naapektuhan talaga ito sa ikinuwento niya."Nalungkot ka, mahal mo noh? Hindi mo naman sinabi sa akin na guwapo pala at bata pa siya. Nagulat nga ako ng sabihin niya sa akin na siya ang lalaking nilayasan mo.""Mahalaga pa bang sabihin ko sa iyo kung anong hitsura niya? Sinabi ko rin ba sa iyo na hindi ko siya mahal o hindi ko na siya mahal?" seryosong balik tanong ni Berry at malakas na napahugot ng paghinga."Hindi naman, Oo nga pala ang sabi mo ay ayaw mo na siyang makita at ayaw mo na sa kanya kase niloko ka niya. Kaya nga ako nagsinungaling sa kanya at sinabi kong hindi ko nga alam kung nasaan ka na ngayon." wika ni Anne na malungkot na ikinatitig ni Berry sa kanya."Salamat pala sa ginawa mong pagsisinungaling Anne, sorry ha kung nadadamay ka sa problema ko. Nakapagsinungaling ka pa ng dahil
"Anne, may sasabihin ako sa iyo pero wag mo munang ipaalam sa iba ha." seryoso ng saad ni Berry."Sige, ano yun?" "Mangako ka muna na di mo muna ipapaalam sa iba ang malalaman mo.""Daming arte beshy ha! hindi porke mayaman at pogi ang nakakatsuktsakan mo nung mga nakaraang linggo ay may karapatan ka ng mag inarte ng ganyan, umayos ka Beshy." mapagbirong saad ni Anne na ikinahampas ni Berry sa braso ng kaibigan."Puro ka kalokohan, anong kinalaman nun? Huwag mo na ngang ipaalala pa!" angil ni Berry kay Anne."Joke lang! kase naman napakaseryoso mo eh! sabihin mo na, promise di ko idadaldal sa iba.""Mamaya na nga lang kapag sigurado ng talaga." biglang pagbabago ng isip ni Berry."Naman oh, nambitin pa talaga! sabihin mo na ngayon, pa suspense ka pa eh!""Promise mamaya sasabihin ko sa iyo para kumpleto lahat ng detalye. Yung walang labis, walang kulang kapag nagkwento na ako.""Sige, anong oras para makapaghanda ako.""Pinaghahandaan na ba talaga ang tsikahan ngayon?" natatawang saa
Nang oras din na iyon ay ipinatawag lahat ni Don Alejandro ang mga katulong sa bahay niya at ipinakilala na rin si Berry na kanyang anak na matagal na nawala at ngayon ay nahanap na niya.Nagulat man ang dalawang katulong, caregiver at driver ni Don Alejandro ay masaya naman nilang binati ang mag ama.Nagpahanda ng maraming pagkain si Don Alejandro sa kusinera nila para sa dinner mamaya dahil may surpresa daw siya mamaya para kay Berry na ikinakaba ng dalaga ng marinig iyon.Matapos na ianunsyo ng matanda na si Berry ay kanyang anak ay inutusan niya ang isang katulong na tulungan si Berry na ayusin ang isang silid sa taas ng bahay upang maging sariling kwarto ng dalaga.Nahihiya man si Berry ay sinunod niya na rin ang lahat ng gusto ni Don Alejandro dahil ayaw niyang magtampo ang matanda sa kanya, dahil iyon nga ang sinabi ni Don Alejandro sa kanya kanina. Na kapag siya ay tumanggi sa lahat ng ibibigay sa kanya ay magtatampo nga raw ito.Nang maiwan silang dalawa sa loob ng silid ay h
Matapos ayusin ni Berry ang kwarto niya ay agad siyang bumaba at pinuntahan sina Manang Ester. Nakangiti pa nga siya ng pumasok sa loob ng kusina. Kasalukuyan naman ng nagluluto sina Mila at Manang Ester at sinimulan ng maggisa ng bawang sa kawali ng bigla na lamang napaduwal ng ilang beses si Berry na mabilis na tumakbo sa lababo at doon nagsuka."Manang, bakit ang baho?""Ha?! alin ang mabaho? itong bawang ba na ginigisa ko ang naaamoy mong mabaho? hindi naman ah!""Ang baho talaga niyan Manang!" saad ni Berry at muling nagduduwal na wala namang lumalabas kundi parang tubig lang na mapait.Nagkatinginan sina Mila at Manang Ester sa nangyayari kay Berry. Malakas ang kutob nilang tama ang hinala nila."Buntis ka ba, Senyorita?" tanong ni Mila ng lapitan siya nito at hagurin ang likuran niya.Naestatwa si Berry at umayos din ng tayo. Naalala niyang ilang linggo na siyang hindi dinaratnan ng buwanang regla niya."Senyorita, okay ka lang? buntis ka nga ba?" tanong naman ni Manang Ester n
Pagkababa nila Jayden at Berry sa hagdan na akay ang kanilang kambal ay napaiyak ang Mommy Sandra ni Jayden na pinatatahan ng kanilang Daddy na nasa tabi ng Mommy nila. "Mom, Dad," bati ni Jayden na mababanaag sa mukha nito ang sobrang saya ng makita sila. "Tita Sandra, Tito Jasper," nahihiyang bati ni Berry na hindi makatingin sa mga mata ng mga magulang ni Jayden. "Berry, Iha, na miss kita! Napakaganda mo na noon mas gumanda ka pa ngayon. Hiyang ka sa pagkakaroon ng anak. Sila na ang mga apo naman di ba?!" "Yes po Tita Sandra, si Jay-Dee po at si Jay-Vee." nagagalak na ipinakilala ni Berry ang kambal sa kanilang Lola. "Twin's, sila ang parents ng Daddy ninyo kaya grand parent's din ninyo sila katulad ni LoloDad na Daddy ko naman." pagpapakilala at paliwanag na rin ni Berry sa dalawang bata. "Hello po! MommyLa, DaddyLo. nice to see you po." saad ng isa sa kambal. "Mom, Dad, siya po si JV. May balat po siya sa braso." aning saad ni Jayden upang malaman ng magulang nito agad kun
Nakabalik ng bahay sina Don Alejandro ng bandang hapon na nga. Inantok na kase ang kambal kaya nagpasya na silang umuwe na. Nakaabang naman na sa labas ng pinto ng bahay sina Jayden at Berry dahil naabisuhan na sila ni Jade. "Mommy..,!" "Daddy..,!" Pasigaw na sambit ng kambal ng bumukas ang pintuan ng van na sinakyan ng mga ito ng makita silang dalawa na nakalapit na sa van. Dahil mga nakaseatbelt pa ang mga bata ay excited na nagkakakawag ang kambal sa kinauupuan ng mga ito. "Wag malikot, wait lang mga pogi kong pamangkin. Jayden, ikaw na nga kumuha sa mga anak ninyo." saad ni Jade na ikinalapit naman agad ni Jayden na tinulungan na rin ni Berry. "Daddy, Mommy, Me and JD eat french fries and hotdog with LoloDad and Tita Jade." masayang pagkukwento ni JV kaagad. "And we play also in jumping gym, Mommy. Nag slide kami ni JV and tita Jade." saad naman ni JD. "Wow, mukhang nag enjoy ang twins ni Mommy ah! Next time, sama kami sa inyo ni Daddy ha!" nakangiting wika ni Berry na haw
"Anong oras na?" tanong ni Berry matapos ang huli nilang rounds sa ibabaw uli ng kama. "Magtatanghali na." "Hala ang kambal," "Nasa mall sila kasama ni Jade at ng Dad mo. Umalis sila kanina pa. Nag chat sa akin si Jade kaya okay lang kahit na mamaya pa tayo lumabas ng kwarto mo. Maghapon daw muna sila sa mall mga alas kwatro na raw sila babalik dahil nag i enjoy ang mga anak natin sa jumping gym ng mall." "Ah, hindi ka ba nagugutom? wala pa tayong agahan at magtatanghali na ang sabi mo." "Busog na busog naman na ako sa iyo." nakangiting sagot ni Jayden. "Pero gutom na ako. Pwedeng bang ikaw na lang muna ang bumaba nahihiya ako sa mga kasambahay." "Jade, wala kang dapat na ikahiya alam nila na ako ang ama ng kambal. Kaya sure akong kahit na isipin nila na may nangyari sa atin sa loob ng kwartong ito ay hindi na big deal sa kanila iyon." "Mamayang gabi pupunta dito sina Mom at Dad at mamanhikan na sila para pag usapan ang magiging kasal nating dalawa at makilala na rin sina JD
Unang nagising si Jayden sa kanilang dalawa at palagay niya ay maliwanag na sa labas. Napangiti siya ng masilayan niya ang mukha ni Berry at nakayakap sa kanyang katawan ang babaeng mahal niya. Hinagkan niya sa ulo si Berry at inayos niya ang kumot na nakapatong sa katawan nito na nakalihis.Bumangon muna si Jayden upang umihi sa banyo at maligo na rin ng mabilisan dahil medyo nanlalagkit ang kanyang balat.Paglabas niya ng banyo ay hinanap niya sa bulsa ng pantalon niyang hinubad kagabi ang kanyang cellphone.Binasa niya ang mga message na na send sa cellphone niya at nabasa niya ang chat sa kanya ni Julius, ng Mommy niya at ni Jade.Umalis raw ang kanyang kapatid kasama sina JD, JV at si Don Alejandro. Nagpunta sa isang sikat na fast food chain upang mag breakfast at pagkatapos daw ay didiretso na ng mall dahil alas nuebe pa raw ng umaga magbubukas iyon. Hindi na sila pinaistorbo ni Don Alejandro dahil sigurado raw ang matanda na pinuyat ni Jayden ang unica iha ng Don.Napangiti si
Nagpatiunang maglakad si Berry pataas at sumunod naman si Jayden na nag init ang katawan at mabilis ang pintig ng puso. Ganun din ang nararamdaman ni Berry na para siyang biglang lalagnatin. Pagpasok nila sa loob ng silid ni Berry ay inilock agad ni Jayden ang pinto at hinawakan ang isang kamay ni Berry. Napatingin si Berry sa mga mata ni Jayden at para siyang hinihila ng lalaki hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. Para silang mga uhaw na uhaw na matagal na nanabik sa bawat isa kung maglalaplapàn ng kanilang mga bibig. Binuhat ni Jayden ang katawan ni Berry na ang mga binti nito ay nakapulot sa baywang niya habang sila ay naghàhalikàn pa rin. Ibinababa ni Jayden pahiga si Berry sa ibabaw ng malambot na kama at mabilis na naghubad ng mga saplot habang siya ay tinititigan ni Berry. Tumayo si Berry at kusang hinubad ang kanyang mga suot, bra at panty lang ang naiwan at naglakad papasok sa loob ng banyo na sinundan din ni Jayden agad. Nahubad na ni Berry ang kanyang mga under
Matapos ang ilang minutong pag uusap nilang lahat sa sala ay naging maayos at malinaw na ang lahat sa kanila. Official ng nagkabalikan sina Jade at Jayden at bago umalis ang magkaibigang Marco at Lawrence ay ipinaalala uli ng kuya ni Berry ang bilin nito kanina kay Jayden na ikinaningkit ng mata ni Berry sa nakatatandang kapatid dahil wala itong preno sa pagsasabi kahit na naroon sa harap nila sina Marco, Jade at Don Alejandro. Nagpaalam na rin si Don Alejandro na matutulog na dahil maghahating gabi na rin kaya talaga antok na ang matanda. Si Jade ay sa silid ng kambal natulog dahil iyon ang gusto nito. May malaki kaseng sofa bed sa loob ng silid ng mga pamangkin niya na parang pinasadya talaga ng makita niya iyon kanina. Palagay ni Jade ay para talaga iyon kay Berry kapag gusto nitong doon sa silid ng mga bata matulog. Hindi na nagtanong si Don Alejandro kung saan matutulog si Jayden ng magpahatid ito kay Lara sa kwarto kasunod si Jade na umakyat na rin sa itaas. "Pwede na ba tayo
Nginisian ni Lawrence si Jayden at sinamaan naman ng tingin ni Jayden ang lalaki. Lumayo na ito sa kanya at kumuha ng dalawang baso at isang bote ng alak na nasa loob ng silid. Nagsalin ng alak at ng matapos ay iniabot ang isang basong may lamang alak kay Jayden na tinanggap naman niya. "Ikaw pala ang kuya na sinasabi ni Berry. Kanina ko pa naririnig ang name mo sa kanila pero hindi pumasok sa isip ko na ikaw ang kanilang tinutukoy." saad ni Jayden, na sa basong iniabot sa kanya ni Lawrence nakatingin habang pinaiikot niya ang lamang alak sa baso. "Don Alejandro, also told me na nagawa mo akong pasubaybayan kaya alam mo ang lahat sa akin at ang mga kilos ko. Ikaw rin pala ang may kagagawan kung bakit hindi ko mahanap-hanap si Berry dahil sa nililihis mo ang mga private detective na binabayaran ko. Now i know and no wonder kung paano mo nga naitago sa akin si Berry. Bakit ba hindi ko na isip kanina na isang Mafia Boss ang bukang bibig ni Berry at Don Alejandro na Lawrence?" aning du
"I'm s-sorry.., sorry Jayden..," umiiyak na wika ni Berry na hindi na makatingin kay Jayden dahil alam niyang nagkamali siya. Lumapit si Jayden kay Berry at niyakap niya ito. Nakahinga na ng maluwag si Jayden dahil batid niyang nalinawan na rin si Berry. "Hush baby hush!! wag ka ng umiyak." pag aalo ni Jayden kay Berry na panay ang hikbi. "Apat na taon Jayden, four years ang sinayang ko. Ang nasayang sa atin. Namuhay ako sa ilang taon na iyon sa pighati at galit na nadarama ko para sa iyo. Maswerte lang ako ng malaman kung buntis ako sa kambal natin ay nakilala ko na si Dad at may kuya akong naging supportive sa akin, mula ng makilala namin ang bawat isa ay hindi nila ako pinabayaan. Kung wala siguro sila sa tabi ko ay hindi ko alam kung ano na ang naging buhay ko at ng mga anak natin Jayden. Dahil sa ginawa ni Ishie, nagalit ako sa iyo at halos isumpa na nga kita. Patawad Jayden, patawarin mo ko! dahil naging padalus-dalos ako ng desisyon at hindi ako naniwala talaga sa 'yo. Sobra
Samantala habang sina Don Alejandro at Jade ay nasa pintuan pa ng garden ay magkaharap naman na sina Jayden at Berry ngayon. Kanina ng lumapit si Jayden sa magkaibigan ay nakiusap siya kay Anne na kung pwedeng iwan na muna silang dalawa ni Berry. Nagkatinginan muna ang mag beshy at ng tumango si Berry kay Anne. Walang salitang ibinigkas si Anne ng ito ay tumayo at humakbang na palayo matapos magbeso kay Berry. Huminga muna ng malalim si Berry bago muling binalingan ng tingin si Jayden. "Tulog na ang mga bata, bumalik ka na lang bukas kung gusto mo akong kausapin. Pagod ako sa mahabang byahe at hindi pa ko nakakapagpahinga." wika ni Berry na obviously ay umiiwas na naman. "Gusto kong ngayon na tayo mag usap, hindi bukas at hindi sa mga susunod pang araw na kung kailan mo gustuhin, Berry. Tingin mo ba ay hindi ko alam na gusto mo lang akong iwasan kaya ka gumagawa ng mga excuses. Matagal kong hinintay ang oras at pagkakataong ito para linawin ang lahat sa iyo, kaya dapat mo akong pa