"Nag aalala ka sa akin na baka pagalitan ako ni Daddy?" nakangiting tanong ni Jayden sa dalaga ng lapitan niya si Berry at yakapin ito sa baywang."Hindi ka niya pagagalitan? mukha kayang istrikto ang Daddy mo. Ang Mommy mo unang tingin ko pa lang ay mabait na, ang kambal mo laging nakakontra sa 'yo, palagi ba talaga kayong nagbabangayang magkapatid?""Mabait ang Daddy ko, hindi siya mahigpit, natural lang sa kanya ang ganun. Hindi ka ba nagtataka na wala silang naging tanong sa pagkatao mo? Hindi rin sila nagpakita sa 'yo ng kagaspangan ng ugali. Alam mo kung bakit?""Hindi ko napagtuunan ng pansin, Oo nga noh!" sagot naman ni Berry ng maalala muli ang naganap kahapon."Hindi kase tumitingin ang parents ko at si Jade sa estado ng buhay ng tao. Basta mabuti kang tao at mapagkakatiwalaan ay walang magiging problema sa pamilya ko. Mahirap lang ang buhay nila Mommy noon sa probinsya nila nung bata pa siya. Naging secretary lang si mommy ng kaibigan ni Dad ng makilala niya ang mommy ko. K
Sa loob ng opisina ni Jayden ay naroon na ang kanyang ama na matiyagang naghinihintay sa kanya.Pagsalubong pa lang sa kanya ng sekretarya niyang si Arianne kanina matapos siyang batiin ng good morning ay inabisuhan na siya na nasa loob ang Daddy niya kanina pa.Tinanguan lang ni Jayden si Arianne at siya na ang nagbukas ng pinto ng opisina niya.Pagpasok niya sa loob ng opisina ay bumati siya agad sa kanyang ama ng magandang umaga. Ngunit hindi siya nito binalikan ng pagbati. Batid na niya na bad mood ang Daddy niya dahil sa tingin pa lang nito sa kanya pagpasok niya sa loob ng opisina niya ay naka-poker face na ito."Your late..," pagalit na wika ng kanyang ama ngunit mahinahon naman ang pagkakabigkas."May dinaanan pa ako Dad, bago dumiretso rito sa kumpanya. Wala tayong meeting ngayong umaga, after lunch pa naman di ba, kaya okay lang kahit na late akong pumasok sa opisina," saad ni Jayden na inilapag na sa lamesa niya ang bag niya at hinubad ang kanyang coat at isinabit sa hanger
Nagpaka-abala si Jayden sa na tambak niyang trabaho at pinilit na iwaglit na muna sa isipan ang problema niya.Nagbabasa siya ng pipirmahan niyang papeles ng tumunog ang cellphone niya."Tapos na kayo?" saad na tanong ni Jayden sa tumawag ng mapagsino niya ang caller."Patapos na rin, baka may gusto ka pang palagyan sabihin mo na habang narito pa kami.""Palagay ko naman ay ayos na yan, nakapag-install na kayo sa isang guest room?""Hindi pa, inuna lang ng mga kasama kong tapusin ang sa sala, kusina at labas ng bahay mo. Sa phone mo ba ikokonektado o sa computer mo?""Lahat ay i-connect mo sa phone ko Bryan. Sa computer naman ay wag mong ilagay ang record ng cctv sa mga silid sa itaas. Pwede naman iyon di ba?""Pwede naman, pero mas okay na may back up ka pa rin sa lahat, Curtis.""Ah okay kung ganun ay i-connect mo na rin lahat sa computer ko. Naibigay ko na sa iyo ang password ikaw na ang bahala.""Ang kwarto mo, hindi mo ba palalagyan?" tanong ni Bryan kay Jayden na kaibigan nila n
Pagkabukas ng pintuan ay ang malokong kaibigan niya na si Julius ang bumungad sa kanya, na tuwang-tuwa ng makitang hawak niya ang kalibre kuwarentay singko na baril na akma sana niyang itututok sa kaibigan. "Damn you.., Almeda!" Napamura ng malutong si Jayden at naihagis niya sa ibabaw ng lamesa ang baril at mabilis na nakalapit kay Julius na nabigyan niya ng malakas na suntok sa sikmura dahil sa delikadong pag prank nito sa kanya."Ouch.., gagu ka Curtis! bakit mo ko sinikmuraan?" angil ni Julius na nakahawak sa tiyan niya."Ikaw ang gagu, paano kung sa gulat ko sa iyo ay naiputok ko ang baril?!" pikon niyang saad sa kaibigan.Tinawanan naman siya ni Julius dahil nagtagumpay siyang bwisitin si Jayden."Magaling akong umilag sa bala ng baril Curtis. Iputok mo man ang baril mo sa akin hindi ako tatamaan dahil alam kong alisto ka rin. Nakaready ako sa magiging aksyon mo. See, alam kong nakapaghanda ka agad." nakangiting saad ni Julius.Dinampot ni Jayden ang baril niya at inayos iyon,
Natapos ang meeting nila Jayden kasama ang Daddy Jasper niya ng araw na iyon at dahil pagod na rin siya ay nagpaalam siya sa ama niya na lalabas na ng kumpanya."Okay sige, mauna ka ng umuwe." wika ni Jasper sa anak."Hindi pa ko uuwi Dad, makikipagkita ako kina Cyrus." pagpapabatid ni Jayden sa ama."Why? akala ko ba lumayo ka na sa kanya. Patuloy ka pa rin palang nakikipagkaibigan kay Cyrus." komento ni Jasper na parang pinagagalitan ang anak.Malalim na napabuntong hininga ang binata. "May importante lang kaming pag-uusapan ni Cyrus, Dad.""Baka kung ano na naman yan Jayden ha?!""Dad, alam kong nag aalala ka. Kaibigan ko si Cyrus at hindi niya ako ipapahamak.""I know son, but hindi mo mai-aalis sa amin ng mommy mo ang pag aalala para sa 'yo. May tiwala ako sa kaibigan mo pero delikado ang mapalapit sa kanya." pagpapaintindi ni Jasper."Dad, alam ko na rin yan. Promise mag iingat ako. Hindi na mauulit pa ang nakaraan, dahil hindi niya na iyon hahayaan pa." pagpapaunawang muli ni J
"Andiyan na si Curtis, Cyrus." saad ni Leonard na kaibigan din ni Jayden na tumayo agad ng mapansin siyang papalapit."Long time no see, pare." bati ni Leonard kay Jayden na sinalubong siya ng man hug na tinanggap ni Jayden."Usapan natin alas singko ng hapon Curtis, ikaw ang magbabayad ng kinain namin dito dahil late kang dumating." saad ni Cyrus na kinibitan lang ng balikat ni Jayden at naupo sa tabi ni Leonard."Nasaan na ang mga gamit ni Berry?" tanong ni Jayden.Sinenyasan ni Cyrus ang tauhan niyang nasa gilid nila. May kinuha iyong bag pack at inilapit kay Jayden."Ito lang ba yun? narito ba ang importanteng bagay na kailangan ni Berry?""Yung diary at luma niyang birth certificate? nandiyan sa loob. Buksan mo at tignan mo." wika ni Cyrus.Ginawa ni Jayden ang sinabi ng kaibigan at binasa ang birth certificate ng nobya."Salamat Basmayor, napakahalaga nito sa pagkatao ni Berry. Pinasasabi niya na salamat daw. Hindi ko na sana ipaparating sa iyo kaso baka magkita kayo uli ay itan
Samantala sa bahay ni Jayden ay naghihintay na si Berry sa pagdating ng nobyo. Nakaalis na ang mommy ni Jayden kaya naiinip na siya sa paghihintay.Gusto niya kaseng makita ni Jayden na hawak niya ang bulaklak na ipinadeliver nito para sa kanya kapag pumasok na sa pintuan ng bahay ang nobyo. Bago kanina umalis ng bahay ang Mommy ni Jayden ay nakita pa nito ang bulaklak na ipinadala ng anak para kay Berry. Masaya ang mommy ni Jayden para sa kanila pero sinabi nga nito sa kanya na naawa din naman ito sa kanya na nauunawaan niya kung bakit dahil ipinaliwanag naman ng ginang sa kanya iyon kanina.Sinabi nga niya ang tunay na saloobin niya sa mommy ni Jayden pero inunawa naman din siya kaya nga hindi na ipinilit ang suhestiyon nito sa kanya at sa anak na rin nito. Alam niya kase na hindi nga papayag si Jayden. Sinabi niya rin na magtitiwala na lang siya sa pagmamahal sa kanya ni Jayden upang hindi na rin ma-upset pa ang ina ng binata.Nakaayos na kanina pa ang dining table para sa dinner
Masayang bumaba ng sasakyan niya si Jayden na bitbit ang pasalubong niya para kay Berry. Pagpasok niya ng bahay ay dumiretso siya sa sala at ng makita niya ang isa niyang kasambahay ay tinanong niya ito kung nasaan si Berry na ang isinagot sa kanya ay baka nasa silid nila. Ibinigay niya na lang ang nakabalot na mangga kay Mona.Aakyat sana siya sa itaas ng bahay ng bigla siyang gulatin ni Berry ng lumabas ito mula sa likuran ng mahabang sofa. Malakas na napatawa ang dalaga dahil sa gulat na reaksyon niya sa ginawa nito. Agad niyang nilapitan si Berry ng makita niyang hawak nito ang pulang rosas na pinadala niya kanina. Humalik siya sa labi ng dalaga na nabigla at mabilis na nahampas siya sa braso dahil hindi nito inaasahan na hahalik siya agad sa labi nito at sa harapan pa ni Mona na kasamabahay niya."Jayden!" sambit ni Berry."What? pati sa kanila nahihiya ka pa rin? alam naman nila na may relasyon na tayo at normal na sa kanila ang makitang naglalambingan tayo. Di ba Mona?" wika ni
Pagkababa nila Jayden at Berry sa hagdan na akay ang kanilang kambal ay napaiyak ang Mommy Sandra ni Jayden na pinatatahan ng kanilang Daddy na nasa tabi ng Mommy nila. "Mom, Dad," bati ni Jayden na mababanaag sa mukha nito ang sobrang saya ng makita sila. "Tita Sandra, Tito Jasper," nahihiyang bati ni Berry na hindi makatingin sa mga mata ng mga magulang ni Jayden. "Berry, Iha, na miss kita! Napakaganda mo na noon mas gumanda ka pa ngayon. Hiyang ka sa pagkakaroon ng anak. Sila na ang mga apo naman di ba?!" "Yes po Tita Sandra, si Jay-Dee po at si Jay-Vee." nagagalak na ipinakilala ni Berry ang kambal sa kanilang Lola. "Twin's, sila ang parents ng Daddy ninyo kaya grand parent's din ninyo sila katulad ni LoloDad na Daddy ko naman." pagpapakilala at paliwanag na rin ni Berry sa dalawang bata. "Hello po! MommyLa, DaddyLo. nice to see you po." saad ng isa sa kambal. "Mom, Dad, siya po si JV. May balat po siya sa braso." aning saad ni Jayden upang malaman ng magulang nito agad kun
Nakabalik ng bahay sina Don Alejandro ng bandang hapon na nga. Inantok na kase ang kambal kaya nagpasya na silang umuwe na. Nakaabang naman na sa labas ng pinto ng bahay sina Jayden at Berry dahil naabisuhan na sila ni Jade. "Mommy..,!" "Daddy..,!" Pasigaw na sambit ng kambal ng bumukas ang pintuan ng van na sinakyan ng mga ito ng makita silang dalawa na nakalapit na sa van. Dahil mga nakaseatbelt pa ang mga bata ay excited na nagkakakawag ang kambal sa kinauupuan ng mga ito. "Wag malikot, wait lang mga pogi kong pamangkin. Jayden, ikaw na nga kumuha sa mga anak ninyo." saad ni Jade na ikinalapit naman agad ni Jayden na tinulungan na rin ni Berry. "Daddy, Mommy, Me and JD eat french fries and hotdog with LoloDad and Tita Jade." masayang pagkukwento ni JV kaagad. "And we play also in jumping gym, Mommy. Nag slide kami ni JV and tita Jade." saad naman ni JD. "Wow, mukhang nag enjoy ang twins ni Mommy ah! Next time, sama kami sa inyo ni Daddy ha!" nakangiting wika ni Berry na haw
"Anong oras na?" tanong ni Berry matapos ang huli nilang rounds sa ibabaw uli ng kama. "Magtatanghali na." "Hala ang kambal," "Nasa mall sila kasama ni Jade at ng Dad mo. Umalis sila kanina pa. Nag chat sa akin si Jade kaya okay lang kahit na mamaya pa tayo lumabas ng kwarto mo. Maghapon daw muna sila sa mall mga alas kwatro na raw sila babalik dahil nag i enjoy ang mga anak natin sa jumping gym ng mall." "Ah, hindi ka ba nagugutom? wala pa tayong agahan at magtatanghali na ang sabi mo." "Busog na busog naman na ako sa iyo." nakangiting sagot ni Jayden. "Pero gutom na ako. Pwedeng bang ikaw na lang muna ang bumaba nahihiya ako sa mga kasambahay." "Jade, wala kang dapat na ikahiya alam nila na ako ang ama ng kambal. Kaya sure akong kahit na isipin nila na may nangyari sa atin sa loob ng kwartong ito ay hindi na big deal sa kanila iyon." "Mamayang gabi pupunta dito sina Mom at Dad at mamanhikan na sila para pag usapan ang magiging kasal nating dalawa at makilala na rin sina JD
Unang nagising si Jayden sa kanilang dalawa at palagay niya ay maliwanag na sa labas. Napangiti siya ng masilayan niya ang mukha ni Berry at nakayakap sa kanyang katawan ang babaeng mahal niya. Hinagkan niya sa ulo si Berry at inayos niya ang kumot na nakapatong sa katawan nito na nakalihis.Bumangon muna si Jayden upang umihi sa banyo at maligo na rin ng mabilisan dahil medyo nanlalagkit ang kanyang balat.Paglabas niya ng banyo ay hinanap niya sa bulsa ng pantalon niyang hinubad kagabi ang kanyang cellphone.Binasa niya ang mga message na na send sa cellphone niya at nabasa niya ang chat sa kanya ni Julius, ng Mommy niya at ni Jade.Umalis raw ang kanyang kapatid kasama sina JD, JV at si Don Alejandro. Nagpunta sa isang sikat na fast food chain upang mag breakfast at pagkatapos daw ay didiretso na ng mall dahil alas nuebe pa raw ng umaga magbubukas iyon. Hindi na sila pinaistorbo ni Don Alejandro dahil sigurado raw ang matanda na pinuyat ni Jayden ang unica iha ng Don.Napangiti si
Nagpatiunang maglakad si Berry pataas at sumunod naman si Jayden na nag init ang katawan at mabilis ang pintig ng puso. Ganun din ang nararamdaman ni Berry na para siyang biglang lalagnatin. Pagpasok nila sa loob ng silid ni Berry ay inilock agad ni Jayden ang pinto at hinawakan ang isang kamay ni Berry. Napatingin si Berry sa mga mata ni Jayden at para siyang hinihila ng lalaki hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. Para silang mga uhaw na uhaw na matagal na nanabik sa bawat isa kung maglalaplapàn ng kanilang mga bibig. Binuhat ni Jayden ang katawan ni Berry na ang mga binti nito ay nakapulot sa baywang niya habang sila ay naghàhalikàn pa rin. Ibinababa ni Jayden pahiga si Berry sa ibabaw ng malambot na kama at mabilis na naghubad ng mga saplot habang siya ay tinititigan ni Berry. Tumayo si Berry at kusang hinubad ang kanyang mga suot, bra at panty lang ang naiwan at naglakad papasok sa loob ng banyo na sinundan din ni Jayden agad. Nahubad na ni Berry ang kanyang mga under
Matapos ang ilang minutong pag uusap nilang lahat sa sala ay naging maayos at malinaw na ang lahat sa kanila. Official ng nagkabalikan sina Jade at Jayden at bago umalis ang magkaibigang Marco at Lawrence ay ipinaalala uli ng kuya ni Berry ang bilin nito kanina kay Jayden na ikinaningkit ng mata ni Berry sa nakatatandang kapatid dahil wala itong preno sa pagsasabi kahit na naroon sa harap nila sina Marco, Jade at Don Alejandro. Nagpaalam na rin si Don Alejandro na matutulog na dahil maghahating gabi na rin kaya talaga antok na ang matanda. Si Jade ay sa silid ng kambal natulog dahil iyon ang gusto nito. May malaki kaseng sofa bed sa loob ng silid ng mga pamangkin niya na parang pinasadya talaga ng makita niya iyon kanina. Palagay ni Jade ay para talaga iyon kay Berry kapag gusto nitong doon sa silid ng mga bata matulog. Hindi na nagtanong si Don Alejandro kung saan matutulog si Jayden ng magpahatid ito kay Lara sa kwarto kasunod si Jade na umakyat na rin sa itaas. "Pwede na ba tayo
Nginisian ni Lawrence si Jayden at sinamaan naman ng tingin ni Jayden ang lalaki. Lumayo na ito sa kanya at kumuha ng dalawang baso at isang bote ng alak na nasa loob ng silid. Nagsalin ng alak at ng matapos ay iniabot ang isang basong may lamang alak kay Jayden na tinanggap naman niya. "Ikaw pala ang kuya na sinasabi ni Berry. Kanina ko pa naririnig ang name mo sa kanila pero hindi pumasok sa isip ko na ikaw ang kanilang tinutukoy." saad ni Jayden, na sa basong iniabot sa kanya ni Lawrence nakatingin habang pinaiikot niya ang lamang alak sa baso. "Don Alejandro, also told me na nagawa mo akong pasubaybayan kaya alam mo ang lahat sa akin at ang mga kilos ko. Ikaw rin pala ang may kagagawan kung bakit hindi ko mahanap-hanap si Berry dahil sa nililihis mo ang mga private detective na binabayaran ko. Now i know and no wonder kung paano mo nga naitago sa akin si Berry. Bakit ba hindi ko na isip kanina na isang Mafia Boss ang bukang bibig ni Berry at Don Alejandro na Lawrence?" aning du
"I'm s-sorry.., sorry Jayden..," umiiyak na wika ni Berry na hindi na makatingin kay Jayden dahil alam niyang nagkamali siya. Lumapit si Jayden kay Berry at niyakap niya ito. Nakahinga na ng maluwag si Jayden dahil batid niyang nalinawan na rin si Berry. "Hush baby hush!! wag ka ng umiyak." pag aalo ni Jayden kay Berry na panay ang hikbi. "Apat na taon Jayden, four years ang sinayang ko. Ang nasayang sa atin. Namuhay ako sa ilang taon na iyon sa pighati at galit na nadarama ko para sa iyo. Maswerte lang ako ng malaman kung buntis ako sa kambal natin ay nakilala ko na si Dad at may kuya akong naging supportive sa akin, mula ng makilala namin ang bawat isa ay hindi nila ako pinabayaan. Kung wala siguro sila sa tabi ko ay hindi ko alam kung ano na ang naging buhay ko at ng mga anak natin Jayden. Dahil sa ginawa ni Ishie, nagalit ako sa iyo at halos isumpa na nga kita. Patawad Jayden, patawarin mo ko! dahil naging padalus-dalos ako ng desisyon at hindi ako naniwala talaga sa 'yo. Sobra
Samantala habang sina Don Alejandro at Jade ay nasa pintuan pa ng garden ay magkaharap naman na sina Jayden at Berry ngayon. Kanina ng lumapit si Jayden sa magkaibigan ay nakiusap siya kay Anne na kung pwedeng iwan na muna silang dalawa ni Berry. Nagkatinginan muna ang mag beshy at ng tumango si Berry kay Anne. Walang salitang ibinigkas si Anne ng ito ay tumayo at humakbang na palayo matapos magbeso kay Berry. Huminga muna ng malalim si Berry bago muling binalingan ng tingin si Jayden. "Tulog na ang mga bata, bumalik ka na lang bukas kung gusto mo akong kausapin. Pagod ako sa mahabang byahe at hindi pa ko nakakapagpahinga." wika ni Berry na obviously ay umiiwas na naman. "Gusto kong ngayon na tayo mag usap, hindi bukas at hindi sa mga susunod pang araw na kung kailan mo gustuhin, Berry. Tingin mo ba ay hindi ko alam na gusto mo lang akong iwasan kaya ka gumagawa ng mga excuses. Matagal kong hinintay ang oras at pagkakataong ito para linawin ang lahat sa iyo, kaya dapat mo akong pa