"Gusto kong malaman at marinig ang sasabihin ng girlfriend mo, Jayden." wika ni Jasper na masama ang tingin sa anak."Sagutin mo iha, ang tanong ng asawa ko, gusto ko ring marinig ang sasabihin mo." aning utos ni Sandra kay Berry na nahihiyang itaas ang ulo niya."Hindi ko po alam ang isasagot ko Ma'am, Sir. Ang alam ko lang po ay mahal ko na pong talaga si Jayden at nasasaktan po ako ngayon sa mga nalaman ko, ang sabi po kase sa akin ni Jayden nung magtapat siya sa akin na gusto niya ko ay wala naman siyang kasintahan." naluluhang sagot ni Berry na hindi makatingin sa mga magulang ni Jayden at sa nobyo na rin.Napalakas ang buntong hininga ni Jayden. At ang mga magulang ni Jayden ay wala namang nasabi."Mahal ko, I'm sorry, hindi ko gusto ang mga nangyayari ngayon. Hindi pa tayo magkarelasyon ng huling may mangyari sa aming dalawa ni Ishie. Hindi ko alam na buntis na pala siya ng sabihin ko sa 'yong mahal kita, maniwala ka sa akin please.. Ikaw ang mahal ko, Berry." litanya ni Jayden
Pagkapasok ni Berry sa library na opisina ni Jayden ay agad na niyakap ng binata ang dalaga.Napapikit sandali si Berry ngunit bahagya ring itinulak ang katawan ni Jayden at tinalikuran ang lalaki.Medyo nagulat si Jayden sa ginawang iyon ni Berry kaya napatitig siya sa likuran ng dalaga."Mahal ko, alam kong naguguluhan ka pero pakiusap unawain mo ang sitwasyon. Hindi ko alam na buntis na pala si Ishie ng makilala kita," panimulang paliwanag ni Jayden."Kailan mo unang nalaman na magkaka-anak ka na sa kanya?" ang naging tanong ni Berry kay Jayden ng harapin niya ang binata.Napatitig pang muli si Jayden kay Berry at itinaas din ang ulo niya ng pakiramdam niya ay mahihirapan siyang paliwanagan si Berry. Huminga ng malalim si Jayden bago sinagot ang tanong ng dalaga."Bago ang araw na nagpaalam ako sa 'yo na babalik ako ng Maynila at iiwanan na muna sana kita sa isla," pagsasabi ng totoo ni Jayden."Ilang araw mo na palang alam Jayden, pero inilihim mo pa rin sa akin ang bagay na iyon
Pagkabalik nila Jayden at Berry sa sala ay tumayo ang Daddy ng binata."Akala namin ay magkukulong na kayong dalawa sa loob ng library," saad ng ama ni Jayden."Anong naging desisyon ninyo?" tanong naman ng Mommy ni Jayden na kay Berry nakatingin."Pumayag si Berry na tumira dito si Ishie. Magkasama kaming dalawa ni Berry sa aking kwarto at si Ishie ay sa guest room mananatili kapag nandito siya," si Jayden ang sumagot sa tanong ng mommy niya at si Berry ay nakayuko lang. Si Ishie naman ay napailing ang ulo at napangiti ng peke sa harap ng pamilya ni Jayden."Sure ka Berry sa pagpayag na makasama ninyo si Ishie sa iisang bahay ni Jayden?" tanong muli ni Sandra sa nobya ng anak."Mommy, tapos na kaming mag usap ni Berry at napapayag ko na siya.""Hindi ikaw ang tinatanong ko Jayden, Ikaw ba si Berry kaya ikaw ang sagot ng sagot?!" angil na wika ni Sandra sa anak.Parang batang napagalitan si Jayden ng hindi ito naka-imik sa ina. Bumaling si Jayden ng tingin kay Berry at hinawakan ang k
Lumipas ang ilang minuto na nagpapakiramdaman lamang silang tatlo hanggang sa tumayo na si Ishie mula sa pagkakaupo kaya napatingin sa kanya si Berry at Jayden."Kailangan ko na munang bumalik sa bahay ng parents ko Jayden para kuhanin ang mga gamit ko. Gusto ka rin na makausap ni Dad tungkol sa ating dalawa. Sasabihin ko kay Daddy na makikipaglive in na muna ako sa 'yo at gagawa ako ng rason na paniniwalaan niya kung bakit hindi pa tayo magpapakasal.""At anong ibibigay mong dahilan sa Daddy mo?" seryosong tanong ni Jayden."Sasabihin ko na may kontrata ako na pinirmahan na hindi ako pwedeng magpakasal hanggang hindi tapos ang kontrata ko sa modelling agency. Kailangan ko munang itago ang pagdadalang tao ko pansamantala dahil baka masira ang modelling career ko.""What if hindi maniwala sa 'yo ang parents mo?" muling tanong ni Jayden at si Berry ay matamang nakikinig lang sa pag uusap ng dalawa."Maniniwala siya sa akin Jayden, dahil alam ni Dad kung gaano kahalaga sa akin ang career
Dalawang oras ang lumipas at nakabalik na si Jayden sa bahay. Sinalubong siya ng mayordoma niya pagkapasok niya sa bahay. "Si Berry, kumain ba siya?" ang tanong agad ni Jayden."Hinatiran ko siya ng pagkain sa silid niya tulad ng bilin mo sir Jayden, pero ng balikan ko matapos ang kulang isang oras ay hindi pa rin niya kinain ang pagkain niya. Sinabi ko na kainin niya na para mahugasan ang mga plato at baso pero wala din siyang isinagot sa akin kaya iniwan ko na lang uli," pagkukwento ng mayordoma kay Jayden."Sige ho, magpahinga na kayo at ako ng bahala kay Berry," aning utos ni Jayden na agad na sinunod naman ng mayordoma niya.Umakyat si Jayden sa itaas at sa pagtapat niya sa labas ng pinto ng silid ni Berry ay hindi niya alam kung ano ang gagawin, kung kakatok pa ba siya o didiretso na ng pasok sa kuwarto.Malakas muna siyang nagbuntong hininga at pinili niyang kumatok na muna sa pinto. Nakatatlong katok na siya ay hindi niya na rinig na sumagot si Berry at wala siyang narinig na
"Paano pagkapanganak niya, kanino raw ba mapupunta ang anak ninyo?" tanong ng dalaga."Hindi pa napag-usapan dahil nakapokus kami sa nais na mangyari ni Ishie, pero ang importante ay hindi na niya ipipilit ang kasal di ba. Pananagutan ko pa rin naman ang baby, ibibigay ko ang apelyido ko at pwede naman akong magpaka-ama sa bata kahit na hindi kami magpakasal ni Ishie," pagpapaintindi pa ni Jayden kay Berry."Kung magpapanggap kayong magkalive in partner sa harap ng ibang tao, paano ako?" tanong muli ni Berry."Ikaw pa rin ang girlfriend ko, ikaw pa rin ang mahal ko at ikaw lang ang nasa puso ko, Berry. Sa labas at sa social media lang naman ang pagiging magkalive in partner namin dahil hindi maitatago ni Ishie ang pagbubuntis niya sa mga kaibigan at nakakakilala sa kanya. Hindi ko naman gustong ipalaglag ni Ishie ang baby, anak ko pa rin ang nasa sinapupunan niya Berry," sagot ni Jayden."Ikaw naman din ang tatabihan ko sa pagtulog, ikaw ang magiging kayakap ko palagi dito sa bahay. H
"Nag aalala ka sa akin na baka pagalitan ako ni Daddy?" nakangiting tanong ni Jayden sa dalaga ng lapitan niya si Berry at yakapin ito sa baywang."Hindi ka niya pagagalitan? mukha kayang istrikto ang Daddy mo. Ang Mommy mo unang tingin ko pa lang ay mabait na, ang kambal mo laging nakakontra sa 'yo, palagi ba talaga kayong nagbabangayang magkapatid?""Mabait ang Daddy ko, hindi siya mahigpit, natural lang sa kanya ang ganun. Hindi ka ba nagtataka na wala silang naging tanong sa pagkatao mo? Hindi rin sila nagpakita sa 'yo ng kagaspangan ng ugali. Alam mo kung bakit?""Hindi ko napagtuunan ng pansin, Oo nga noh!" sagot naman ni Berry ng maalala muli ang naganap kahapon."Hindi kase tumitingin ang parents ko at si Jade sa estado ng buhay ng tao. Basta mabuti kang tao at mapagkakatiwalaan ay walang magiging problema sa pamilya ko. Mahirap lang ang buhay nila Mommy noon sa probinsya nila nung bata pa siya. Naging secretary lang si mommy ng kaibigan ni Dad ng makilala niya ang mommy ko. K
Sa loob ng opisina ni Jayden ay naroon na ang kanyang ama na matiyagang naghinihintay sa kanya.Pagsalubong pa lang sa kanya ng sekretarya niyang si Arianne kanina matapos siyang batiin ng good morning ay inabisuhan na siya na nasa loob ang Daddy niya kanina pa.Tinanguan lang ni Jayden si Arianne at siya na ang nagbukas ng pinto ng opisina niya.Pagpasok niya sa loob ng opisina ay bumati siya agad sa kanyang ama ng magandang umaga. Ngunit hindi siya nito binalikan ng pagbati. Batid na niya na bad mood ang Daddy niya dahil sa tingin pa lang nito sa kanya pagpasok niya sa loob ng opisina niya ay naka-poker face na ito."Your late..," pagalit na wika ng kanyang ama ngunit mahinahon naman ang pagkakabigkas."May dinaanan pa ako Dad, bago dumiretso rito sa kumpanya. Wala tayong meeting ngayong umaga, after lunch pa naman di ba, kaya okay lang kahit na late akong pumasok sa opisina," saad ni Jayden na inilapag na sa lamesa niya ang bag niya at hinubad ang kanyang coat at isinabit sa hanger
Pagkababa nila Jayden at Berry sa hagdan na akay ang kanilang kambal ay napaiyak ang Mommy Sandra ni Jayden na pinatatahan ng kanilang Daddy na nasa tabi ng Mommy nila. "Mom, Dad," bati ni Jayden na mababanaag sa mukha nito ang sobrang saya ng makita sila. "Tita Sandra, Tito Jasper," nahihiyang bati ni Berry na hindi makatingin sa mga mata ng mga magulang ni Jayden. "Berry, Iha, na miss kita! Napakaganda mo na noon mas gumanda ka pa ngayon. Hiyang ka sa pagkakaroon ng anak. Sila na ang mga apo naman di ba?!" "Yes po Tita Sandra, si Jay-Dee po at si Jay-Vee." nagagalak na ipinakilala ni Berry ang kambal sa kanilang Lola. "Twin's, sila ang parents ng Daddy ninyo kaya grand parent's din ninyo sila katulad ni LoloDad na Daddy ko naman." pagpapakilala at paliwanag na rin ni Berry sa dalawang bata. "Hello po! MommyLa, DaddyLo. nice to see you po." saad ng isa sa kambal. "Mom, Dad, siya po si JV. May balat po siya sa braso." aning saad ni Jayden upang malaman ng magulang nito agad kun
Nakabalik ng bahay sina Don Alejandro ng bandang hapon na nga. Inantok na kase ang kambal kaya nagpasya na silang umuwe na. Nakaabang naman na sa labas ng pinto ng bahay sina Jayden at Berry dahil naabisuhan na sila ni Jade. "Mommy..,!" "Daddy..,!" Pasigaw na sambit ng kambal ng bumukas ang pintuan ng van na sinakyan ng mga ito ng makita silang dalawa na nakalapit na sa van. Dahil mga nakaseatbelt pa ang mga bata ay excited na nagkakakawag ang kambal sa kinauupuan ng mga ito. "Wag malikot, wait lang mga pogi kong pamangkin. Jayden, ikaw na nga kumuha sa mga anak ninyo." saad ni Jade na ikinalapit naman agad ni Jayden na tinulungan na rin ni Berry. "Daddy, Mommy, Me and JD eat french fries and hotdog with LoloDad and Tita Jade." masayang pagkukwento ni JV kaagad. "And we play also in jumping gym, Mommy. Nag slide kami ni JV and tita Jade." saad naman ni JD. "Wow, mukhang nag enjoy ang twins ni Mommy ah! Next time, sama kami sa inyo ni Daddy ha!" nakangiting wika ni Berry na haw
"Anong oras na?" tanong ni Berry matapos ang huli nilang rounds sa ibabaw uli ng kama. "Magtatanghali na." "Hala ang kambal," "Nasa mall sila kasama ni Jade at ng Dad mo. Umalis sila kanina pa. Nag chat sa akin si Jade kaya okay lang kahit na mamaya pa tayo lumabas ng kwarto mo. Maghapon daw muna sila sa mall mga alas kwatro na raw sila babalik dahil nag i enjoy ang mga anak natin sa jumping gym ng mall." "Ah, hindi ka ba nagugutom? wala pa tayong agahan at magtatanghali na ang sabi mo." "Busog na busog naman na ako sa iyo." nakangiting sagot ni Jayden. "Pero gutom na ako. Pwedeng bang ikaw na lang muna ang bumaba nahihiya ako sa mga kasambahay." "Jade, wala kang dapat na ikahiya alam nila na ako ang ama ng kambal. Kaya sure akong kahit na isipin nila na may nangyari sa atin sa loob ng kwartong ito ay hindi na big deal sa kanila iyon." "Mamayang gabi pupunta dito sina Mom at Dad at mamanhikan na sila para pag usapan ang magiging kasal nating dalawa at makilala na rin sina JD
Unang nagising si Jayden sa kanilang dalawa at palagay niya ay maliwanag na sa labas. Napangiti siya ng masilayan niya ang mukha ni Berry at nakayakap sa kanyang katawan ang babaeng mahal niya. Hinagkan niya sa ulo si Berry at inayos niya ang kumot na nakapatong sa katawan nito na nakalihis.Bumangon muna si Jayden upang umihi sa banyo at maligo na rin ng mabilisan dahil medyo nanlalagkit ang kanyang balat.Paglabas niya ng banyo ay hinanap niya sa bulsa ng pantalon niyang hinubad kagabi ang kanyang cellphone.Binasa niya ang mga message na na send sa cellphone niya at nabasa niya ang chat sa kanya ni Julius, ng Mommy niya at ni Jade.Umalis raw ang kanyang kapatid kasama sina JD, JV at si Don Alejandro. Nagpunta sa isang sikat na fast food chain upang mag breakfast at pagkatapos daw ay didiretso na ng mall dahil alas nuebe pa raw ng umaga magbubukas iyon. Hindi na sila pinaistorbo ni Don Alejandro dahil sigurado raw ang matanda na pinuyat ni Jayden ang unica iha ng Don.Napangiti si
Nagpatiunang maglakad si Berry pataas at sumunod naman si Jayden na nag init ang katawan at mabilis ang pintig ng puso. Ganun din ang nararamdaman ni Berry na para siyang biglang lalagnatin. Pagpasok nila sa loob ng silid ni Berry ay inilock agad ni Jayden ang pinto at hinawakan ang isang kamay ni Berry. Napatingin si Berry sa mga mata ni Jayden at para siyang hinihila ng lalaki hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. Para silang mga uhaw na uhaw na matagal na nanabik sa bawat isa kung maglalaplapàn ng kanilang mga bibig. Binuhat ni Jayden ang katawan ni Berry na ang mga binti nito ay nakapulot sa baywang niya habang sila ay naghàhalikàn pa rin. Ibinababa ni Jayden pahiga si Berry sa ibabaw ng malambot na kama at mabilis na naghubad ng mga saplot habang siya ay tinititigan ni Berry. Tumayo si Berry at kusang hinubad ang kanyang mga suot, bra at panty lang ang naiwan at naglakad papasok sa loob ng banyo na sinundan din ni Jayden agad. Nahubad na ni Berry ang kanyang mga under
Matapos ang ilang minutong pag uusap nilang lahat sa sala ay naging maayos at malinaw na ang lahat sa kanila. Official ng nagkabalikan sina Jade at Jayden at bago umalis ang magkaibigang Marco at Lawrence ay ipinaalala uli ng kuya ni Berry ang bilin nito kanina kay Jayden na ikinaningkit ng mata ni Berry sa nakatatandang kapatid dahil wala itong preno sa pagsasabi kahit na naroon sa harap nila sina Marco, Jade at Don Alejandro. Nagpaalam na rin si Don Alejandro na matutulog na dahil maghahating gabi na rin kaya talaga antok na ang matanda. Si Jade ay sa silid ng kambal natulog dahil iyon ang gusto nito. May malaki kaseng sofa bed sa loob ng silid ng mga pamangkin niya na parang pinasadya talaga ng makita niya iyon kanina. Palagay ni Jade ay para talaga iyon kay Berry kapag gusto nitong doon sa silid ng mga bata matulog. Hindi na nagtanong si Don Alejandro kung saan matutulog si Jayden ng magpahatid ito kay Lara sa kwarto kasunod si Jade na umakyat na rin sa itaas. "Pwede na ba tayo
Nginisian ni Lawrence si Jayden at sinamaan naman ng tingin ni Jayden ang lalaki. Lumayo na ito sa kanya at kumuha ng dalawang baso at isang bote ng alak na nasa loob ng silid. Nagsalin ng alak at ng matapos ay iniabot ang isang basong may lamang alak kay Jayden na tinanggap naman niya. "Ikaw pala ang kuya na sinasabi ni Berry. Kanina ko pa naririnig ang name mo sa kanila pero hindi pumasok sa isip ko na ikaw ang kanilang tinutukoy." saad ni Jayden, na sa basong iniabot sa kanya ni Lawrence nakatingin habang pinaiikot niya ang lamang alak sa baso. "Don Alejandro, also told me na nagawa mo akong pasubaybayan kaya alam mo ang lahat sa akin at ang mga kilos ko. Ikaw rin pala ang may kagagawan kung bakit hindi ko mahanap-hanap si Berry dahil sa nililihis mo ang mga private detective na binabayaran ko. Now i know and no wonder kung paano mo nga naitago sa akin si Berry. Bakit ba hindi ko na isip kanina na isang Mafia Boss ang bukang bibig ni Berry at Don Alejandro na Lawrence?" aning du
"I'm s-sorry.., sorry Jayden..," umiiyak na wika ni Berry na hindi na makatingin kay Jayden dahil alam niyang nagkamali siya. Lumapit si Jayden kay Berry at niyakap niya ito. Nakahinga na ng maluwag si Jayden dahil batid niyang nalinawan na rin si Berry. "Hush baby hush!! wag ka ng umiyak." pag aalo ni Jayden kay Berry na panay ang hikbi. "Apat na taon Jayden, four years ang sinayang ko. Ang nasayang sa atin. Namuhay ako sa ilang taon na iyon sa pighati at galit na nadarama ko para sa iyo. Maswerte lang ako ng malaman kung buntis ako sa kambal natin ay nakilala ko na si Dad at may kuya akong naging supportive sa akin, mula ng makilala namin ang bawat isa ay hindi nila ako pinabayaan. Kung wala siguro sila sa tabi ko ay hindi ko alam kung ano na ang naging buhay ko at ng mga anak natin Jayden. Dahil sa ginawa ni Ishie, nagalit ako sa iyo at halos isumpa na nga kita. Patawad Jayden, patawarin mo ko! dahil naging padalus-dalos ako ng desisyon at hindi ako naniwala talaga sa 'yo. Sobra
Samantala habang sina Don Alejandro at Jade ay nasa pintuan pa ng garden ay magkaharap naman na sina Jayden at Berry ngayon. Kanina ng lumapit si Jayden sa magkaibigan ay nakiusap siya kay Anne na kung pwedeng iwan na muna silang dalawa ni Berry. Nagkatinginan muna ang mag beshy at ng tumango si Berry kay Anne. Walang salitang ibinigkas si Anne ng ito ay tumayo at humakbang na palayo matapos magbeso kay Berry. Huminga muna ng malalim si Berry bago muling binalingan ng tingin si Jayden. "Tulog na ang mga bata, bumalik ka na lang bukas kung gusto mo akong kausapin. Pagod ako sa mahabang byahe at hindi pa ko nakakapagpahinga." wika ni Berry na obviously ay umiiwas na naman. "Gusto kong ngayon na tayo mag usap, hindi bukas at hindi sa mga susunod pang araw na kung kailan mo gustuhin, Berry. Tingin mo ba ay hindi ko alam na gusto mo lang akong iwasan kaya ka gumagawa ng mga excuses. Matagal kong hinintay ang oras at pagkakataong ito para linawin ang lahat sa iyo, kaya dapat mo akong pa