Share

BLOOM TRANSMAN
BLOOM TRANSMAN
Author: Gahala

CHAPTER I

Author: Gahala
last update Last Updated: 2021-09-03 11:20:33

Feel mo ba magheadbang na halos iumpog mo na sarili mong ulo sa pader?O gusto mo o feel mo magmosh nalang palagi sa higaan mo o sa sahig, yung bang tatalon ka lang ng tatalon kasabay ng tugtug ng mga pilantik ng drumstuck? Or somewhat like gusto mong pumunta ng isla na mag isa at damdamin ang kapayapaan ng paligid na walang problemang iniisip?

I always do. I always did. Ginagawa ko ito. Pero ano bang gagawin ko dapat? Sapagkat lahat ng mga bagay na nakapaligid sa akin na ayaw ko na balikan ay palagi pa rin lumalapit para isipin. Kailangan ko yata tumakbo ng milya milyang layo para lang umalis sa lugar ng puro laman ng toxic na mga pangyayari. O baka kailangan ko lang talagang suntukin na naman ang pader para tanging sakit sa kamay ko na lang ang aking iintindihin hindi ang sakit na kinikimkim. Anyway advice ko lang, the more expectation they had brings you more criticisms if you fail. So wag mo ipakitang magaling ka, wag mong ipakitang kaya mo dahil kahit ano namang ipakita mo kung hindi swak sa tono nila, hindi parin nila kayang akuin ka.

Ito ay isang kuwento ng isang ordinaryong pilyang lesbyana na nagundergo sa trans medical. Kasabay din dito ang isang kwento ng buhay ng isang babae na lumaking malayo sa magulang. May pagka true to life story siya na hinaluan ko ng kalikutan ng aking imahinasyon kaya yung iba ay pawang walang katotohanan.

Kilala ko ang taong ito dahil sa katunayan, nagsasalita siya at nakikipag usap sa'yo, Oo sa iyo. Nga pala ang pangalan ko ay Khaella.

***dhug dug dug***

Kumakabog ang dibdib ng mabilis.

"Ano po ang ibigsabihin ng salitang "bading"? tanong ng bata.

"Masamang salita yun nak." paliwanag ng ama.

"Pano po naging masamang salita yun pero ano po gagawin niyo kapag sinabihan kitang "bading ako"?

Ang kanyang Ina ay lumabas ng kwarto.

"Pakiulit nga ng sinabi mo?" sumingit siya

"Hindi ko sinabi, tinatanong ko."

"Ano?!" sigaw niya na nanlilisik ang mata

"Bading ako!"

"Sandali nga lang"

Ang bata ay kabado dahil alam niyang babalik ang ina na may dala dalang hindi kaaya aya.

Ohw no! Pinagpira piraso ng Ina niya ang labuyo.

"Nagtatrabaho ako para pag aralin ka tapos sasabihin mong bading ka? Kainin mo ito!" sabay ang pagmusmos ng kamay niyang may labuyo sa bibig ng bata

(Ang drama sa telebisyon)

Ako nga pala si Khaella

Mayroon akong isang kapitbahay na naging childhood playmate ko noon. Palagi niya akong binibisita sa inuupahan naming bahay kapag sabado at linggo. Pinapakain namin ang mga alaga nilang hayop kumbaga as way of our bonding. Umuupo kami sa concrete seat ng fishpond nila habang pinapakain ang rainbow fishes at mga red fishes nila. Mayroon din silang mga aso at mga unggoy na nakakadena. May mga alaga din silang parrot na nagsasalita. Palagi nilang sinasabing "Maganda ka" kapag nakita nilang may hawak hawak kang biscuits sa kamay. O kaya naman tatawagin ka nilang "Isa kang pangit na nilalang" kapag wala silang natanggap na kahit ano galing sa iyo. Dahil sa isa akong makulit na bata, hindi ko sila binibigyan ng pagkain dahil ang kucute nilang tingnan pagnaasar sila. Kung nakita niyo lang sana ang nakita ko at kung malalaman lang natin ang sinasabi nila sa isip nila, parang ganito yun.

"Tutukain kita sa pamamagitan ng aking matulis na panuka"

"AYAAAAAH"

(with matching sounds of k****u fighting)

"I'm gonna wreck you with my beaks!"

AYAAAAH!

Buti nalang nakakandado ang mga hawla nila at hindi sila makakashoot sa ulo ko, yung tipong tawag ay ipot. heheheh..

Yung kalaro kong si "beybs"--- (palayaw niya yun, oh ano iniisip mo? Call sign namin? Nu ka ba bata pa ako nun!) ay galing sa mayamang pamilya. Ang kanyang ama ay isang abogado at ang kanyang ina ay isang business woman. Nakatira siya sa isang malaking mansyon. Pwede kang pumunta sa isang kanto kung naiinip ka na sa isa basta huwag lang sa master's bedroom dahil baka may kalalagyan ka kapag pumasok ka. Tiningnan ko buong bahay at yun ang oras na nananaginip ako ng gising.

"paglaki ko, sana ganitong bahay din ang paninirahan ko. Na sana puro nakatiles din ang sahig. Na sana may magara din akong kotse at sana..."

***tweeeeeet tweeeeeeet***

"Ay! Ano yun?"

"Huwag ka mag alala isa lang yan robotic bird, humuhuni lamang ito kapag may taong lumalapit o ilang metrong lapit sa kanya.

Yung kalaro ko ay umalis para humingi ng pagkain para sa aming dalawa.

Sa pagiging ignorante ko, wala kasi niyan sa amin--- lakad ako ng lakad sa robotic bird na ito na maliit na nakalagay sa bonsai few steps behind me. HAHAHAH! (evil laugh)

Sa kakaimagine ko, sinama ko na rin yung bonsai na yun sa mansyon ko in the future.

"Uy, birthday ko next week, punta ka ah!"  salita ni beybs habang kumakain kami ng meryenda.

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na ako dahil maggagabi na rin. Baka lamukin ako sa daan pauwi, kahit nga lang ilang hakbang ang layo, nag aalala parin ang mama ko.

Lunes na, may pasok akong umaga. Kailangan kong makisabayan sa mga kapatid ko dahil may pasok na ito. Sa mga panahong yan, highschool na ang mga ito habang ako ay isang kindergarten. Kaya kapag weekend days lang kami nakakapaglaro ni beybs kasi may pasok ako kapag lunes hanggang biyernes. 

"Kumain na kayo, eto na ang pagkain nakahanda na."

Alam mo si beybs lang ang tanging kilala kong selebrante na pupunta sa mismong bahay mo para lang malaman niya kung pupunta ka. Pero hindi ako yung tipong bata na mayroong lakas ng loob kaya dinahilan ko na wala akong magandang damit. Eh sa wala naman talaga akong magandang damit o damit para sa mga ganung selebrasyon. Kaso makulit talaga itong si "Beybs" at dali dali siyang pumunta sa aparador namin at nagtanong

"Saan po dito ang lalagyan ng mga damit ni Gahala?"

Si mama naman syempre dahil sa bata lang si Beybs, tinuro niya ito. At pinaliwanag na wala talagang damit akong masusuot dahil puro lamang ito pajama at damit pantaas pati iilang jumper na panlabas. Ngunit makulit talagang itong kalaro ko at nakaisip ng ideya

"pahihiramin na lang kita ng damit, basta punta ka na please?" sabay hila sa akin palabas ng pintuan. Yun nga sumama nalang ako. Nasa taas ang kwarto niya kaya naglakad kami pataas. Nakalimutan ko yung kulay ng dress na pinahiram niya sakin pero naalala ko ang kulay ng damit niya. Ito ay "Luntian". Hindi niya ako pinapabayaan mag isa dahil sa lahat ng mga batang inimbita niya, ako lang ata ang palagi niyang sinasama sa mga gagawin niya. Kahit pa ang mga batang ito ay may magagarang damit na suot. Sabay kaming kumain sa araw ng kanyang kaarawan. Masaya akong nagkaroon ako ng childhood playmate tulad niya. Isa yun sa mga hindi ko makakalimutang panahaon ng pagkabata ko.

***tuk to ra ok***

Umaga na naman, at sabi ni mama pupunta daw kami sa mga kapinsanan ko. Maraming kalaro, maraming kaibigan sa bayan. Sinuot ko ang kulay asul na damit. Para makapunta doon ay kailangang lakarin ang daanan na puno ng matataas pa sa akin na mga cogon at mga ligaw na halaman. Diba nakakatakot? Pero hindi ko naman yun kinahihibagan. Nung nakatuloy na kami, naglaro kami ng luto lutoan ng mga pinsan ko. Naglaro kami na parang totoo kami chef na may restaurant. Pakatapos ng aming paglalaro, ang aking mama ay nagdesisyong bumalik na sa bahay dahil magtatanghali na. Agad agad akong pinalitan ng damit pagbalik namin ng bahay. Nagdadasal bago kumain at pagdadasal pakatapos kumain. Naalala ko tinanong ko mama ko kung pwede pa uli ako pumunta pakatapos kumain ngunit nilahad niya na marami pa namang susunod na araw ang dadating at kailangang ko daw matulog. Akala niyo ba ganun ako kabait nung bata ako? Pwes hindi ah! Dahil nagtulog tulogan ako nung time na matutulog na. Tapos nung nakita kong nasa mahimbing na tulog si mama, nagpasya akong umalis ng bahay at pumunta sa mga kapinsanan ko. Nasuot ko pa ang tsinelas ng kuya ko. Nung pakarating ko sa bahay ng kapinsanan ko, naglaro uli kami ng tagu taguan. Halos alas tres na ng malaman ni mama na tumakas ako, alalang alala si mama ng hanapin niya ako. Akala niya kinuha ako ng kidnapper. Umuwi kaming pinagagalitan ako ni mama pero hindi niya ako sinigawan ni isang beses sa buhay ko.

Eto na naman uli, lunes na. Ginigising ako ng mga kapatid ko ng 5 am dahil malayo ang mga sari sarili naming paaralan. Higit sa isang oras ang biyahe. Naalala ko nung pumasok ako sa skwelahan ko, dahil sa sobrang ingay namin ni "kimboy" isang kaklase ko, ay napatayo kami sa harap sa tabi ng blackboard na nakabend na nakastraightforward ang kamay at may libro sa mga braso namin.

Naalala ko rin na may isang bata sa amin na kumuha ng 500 sa wallet ng kanyang magulang.

Hindi niya malaman laman kung anong gagawin at nagkakagulo ang mga kaklase niya sakanya, nagpapalibre ng chocolate yung isa, yung isa biskwit, yung iba naman chichiriya ang pinalilibre. Dahil sa kaba nito ni di alam ang halaga ng hawak niya, binigay niya lang ito sa tindera ng canteen nila. Ang tinderang iyon ay ang magulang ng bestfriend niyang si Claudene. Pinagtakhan ng magulang ni Claudene ang bestfriend niya kumbakit ang laking halaga ang hawak niya ngunit nagdahilan ito na 500 mismo ang binigay ng magulang niya. Nalaman ito ng guro at sinumbong ang nangyari sa magulang ng bata. Buti nalang ay hindi nagastos lahat ang pera. May alam na siguro kayo kung sino yun? Heheheheh.. huwag kayo maingay ah? sekreto lang natin yun.

Nung bata pa ako palagi akong tinitimplahan ng gatas ng mga kapatid ko o ng mama ko. Nung isang araw na tinimplahan nila ako, naalala ko nun na iniipon ipon ko yung natapon na asukal tapos nilalagyan ko ng tubig sa tabi. Pinapakain ko kasi yung mga langgam nuon, tuwang tuwa ako pagnabubundat ang mga tiyan nila. Nilagyan ko pa ng tubig dahil naisip ko baka mauhaw sila. Dahil sa bagay na yun naisipan kong kainin na lang sa susunod ang gatas ko at hindi naman ako sinuway nina mama. Naalala ko din na kumakain pa ako nun ng chewy vitamin. Pinadadalhan naman kami ni papa ng mga pagkain na galing abroad at lalo na kapag umuuwi siya, ang daming tsokolate.

Naalala ko din ang araw kung kailan sobrang nalamos ang dila ko sa kapaitan ng nainom ko. Hindi lang ako pasaway nung bata ako kundi ignorante din sa ibang bagay. Tinanong ko yung mama ko kung ano yung kulay cola na bumubula na iniinom nina papa. Sabi naman ng mama ko, "para malaman mo, bakit hindi mo itanong sa papa mo" Tinanong ko ito sa papa ko

"Papa ano yan?"

"Ito anak? Isa itong alak."

"Ano pong lasa niyan?"

"Hahaha gusto mong tikman?"

"Opo."

Binigay sakin yung tasa ko na may lamang alak. Ininom ko ito na oarang juice.

"Aaaahh, ehe ehe uh! Ang paeeeeeet"

"May gatas ka pa sa labi pamangkin. Masyado ka pang bata, gatas muna" giit ng mga uncle ko.

Related chapters

  • BLOOM TRANSMAN   CHAPTER II

    Highschool nun, sa catholic school ako pinapasok ng pamilya ko. Para sakin, hindi ko man makikita si Arianne ok lang dahil gayunpaman naisip ko magkakaroon ako ng bagong mga kaibigan. Takot na takot ako magpalda nun promise para kasing nababawasan appeal ko pero nacarry ko naman siya hanggang fourth year. Ito na yung kwentong highschool ko, first year highschool ako nun, may isang babae na nakipagkaibigan sakin, ang pangalan niya ay Lynn. Magkaibang section kami nun pero lagi ko siyang pinupuntahan pakatapos kong magtoothbrush pag lunch, wala lang nagkwekwentuhan lang tapos minsan magkasabay kami magsnack pag hapon. Pinagtatawanan pa nga ako ng mga yun pati mga kaklase niya kapag P.E. subject namin kasi pagnakasuot kasi kami ng mga sectionmates ko dapat nakatuck in, eh hindi daw bagay sakin dahil sa matangkad ako, hahahaaha... Anyway, dahil sa sobrang naging close ko si Lynn, parang nakakaramdam ako ng kakaibang feelings dito, yung bang ganun sa naramdaman ko kay

    Last Updated : 2021-09-03
  • BLOOM TRANSMAN   CHAPTER III

    Pero sa kahit nagkakagusto ako sa babae, let's come to think na nandyan parin ang mga hindrances sa pag out and loud mo kaya nakakagawa tayo ng mga hindi natin alam na magagawa pala natin. Nakapagflirt ako ng isang bisexual na lalaki na kaklase ni Lynn. Ewan ko ba kung ano pumasok sa utak ko at nakipagflirt ako dun sa bayot na lalaki na yun kesa kay Lynn na lang sana. Hindi pa umaabot sa pagiging second year highschool, naging kami ni Reymund na yun. Isa siyang bassist ng banda, habang ako walang talent hahaha kundi mag lyric lyric composing lang sa isang notebook. I thought being committed with him is the worse day than being out pero may mas worst pa pala dun. Yun ay yung mawalan ka ng dignidad at pagkatao dahil sa isang issue. Binigay sakin ni reymund ang tatlong condom, ako naman si tanga para hindi makita ng mga tao sa paligid agad agad kong pinasok sa bag hanggang mag uwian nakalimutan ko ng ibalik sakanya. Pagdating sa bahay, ako si tanga nga naman diba, binuksan ko yun tapos

    Last Updated : 2021-09-03
  • BLOOM TRANSMAN   CHAPTER IV

    Oo nga pala kasama si Lynn sa tumakbong Miss Intramurals at si Hilberto bilang Mister Intramurals. Sila ang tumakbo para sa klase namin. Kung nakita niyo lang ang kagandahan ni Lynn nung sa mga oras na rumarampa na siya, sigaw kami ng sigaw ng mga kaklase ko. Napainlab na naman niya ako. Tinanaw ko ang manliligaw niya, proud na proud naman siya rito akala mo sinagot na. At sa kagandahang palad din ay sinungkit nila ang Best in Athletic Attire, Best in Summer Attire, at Best in Talent. Sila din ang tinaguriang Miss and Mister Intramurals sa taong 2008-2009. Bale, walang nangyaring maganda sa Intramurals ko dahil di naman ako sumasali sa laro, gusto ko sana basketball kaso hindi rin naman ako nakakahawak ng bola dun dahil puro lalaki ang naglalaro. Alam mo naman kapag basketball ang pinag-usapan sa iskul namin, palaging boys ang bida. Buti na lang may mga kasama akong na ibang baitang, pinapanuod ang mga naglalaro. Sabay kami kumain ng mga snack namin. Mga ganung bagay. Nung medyo na

    Last Updated : 2021-09-03

Latest chapter

  • BLOOM TRANSMAN   CHAPTER I

    Feel mo ba magheadbang na halos iumpog mo na sarili mong ulo sa pader?O gusto mo o feel mo magmosh nalang palagi sa higaan mo o sa sahig, yung bang tatalon ka lang ng tatalon kasabay ng tugtug ng mga pilantik ng drumstuck? Or somewhat like gusto mong pumunta ng isla na mag isa at damdamin ang kapayapaan ng paligid na walang problemang iniisip? I always do. I always did. Ginagawa ko ito. Pero ano bang gagawin ko dapat? Sapagkat lahat ng mga bagay na nakapaligid sa akin na ayaw ko na balikan ay palagi pa rin lumalapit para isipin. Kailangan ko yata tumakbo ng milya milyang layo para lang umalis sa lugar ng puro laman ng toxic na mga pangyayari. O baka kailangan ko lang talagang suntukin na naman ang pader para tanging sakit sa kamay ko na lang ang aking iintindihin hindi ang sakit na kinikimkim. Anyway advice ko lang, the more expectation they had brings you more criticisms if you fail. So wag mo ipakitang magaling ka, wag mong ipakitang kaya mo dahil kahit ano namang ipakita

DMCA.com Protection Status