BRIANNA"Brianna!"Mabilis na napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon ng isang lalaki. At nang masiguro ko na siya nga ay lalong lumakas ang pag-iyak ko."Dean," sambit ko sa pangalan niya. Niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak ako. Bigla akong kumalas sa pagkakayakap niya nang maalala ko ang mga taong nasa loob ng aking bahay. Baka bigla silang lumabas tiyak na makikita nila kami ni Dean. "Umalis na tayo. Baka maabutan pa nila tayo," nag-aalalang sabi ko sa kanya. Nagpatiuna akong maglakad papunta sa kotse niya ngunit bigla akong napaupong muli sa kalsada nang maramdan ko ang matinding kirot sa aking talampakan."Na-sprain ang paa mo?" ani Dean pagkatapos ay walang paalam na bigla na lamang niya akong binuhat at mabilis na ipinasok sa loob ng kanyang kotse. Pagkatapos akong kabitan ng seat belt ay agad na niyang minaniobra paalis sa lugar na iyon ang kotse niya.Habang nagbibiyahe kami ay hinayaan lamang niya na umiyak ako. Inaabutan na lamang niya
BRIANNANakatatlong araw na ako sa bahay ni Dean at kahit paano ay nagagalaw ko na ang aking paa na naka-cast. Sa loob ng tatlong araw na iyan ay hindi ko pa nakikita na nagpupunta sa bahay ni Dean si Bridget. At sa loob din ng tatlong araw na iyan ay minsan ko lamang makita si Dean. Feeling ko ay iniiwasan niya ako. Hindi naman kasi kailangang magpakita pa sa akin ni Dean dahil may babaeng nag-aalalaga naman sa akin. Stay-out na kasambahay niya ngunit dahil nandito ako sa bahay niya kaya pinakiusapan niya ang kasambahay niyang si Aling Lena na doon muna matulog hangga't hindi ko pa kaya ang aking sarili.Pero okay na rin 'yon na hindi ko masyadong nakikita si Dean. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nahihiya rin akong makita siya at magpasalamat sa kanya dahil sinungitan ko siya the last time na nag-usap kami. Baka iniisip niyang napaka-ungrateful ko dahil hindi nga ako nagpasalamat sa ginawa niyang pagtulong sa akin ay sinungitan ko pa siya.Sa kalagayan ko
BRIANNAHalos mag-iisang Linggo na ako sa bahay ni Dean at nakakalakad na rin ako ng maayos kaya nagdesisyon akong bumalik na sa aking bahay. Siguro naman ay hindi na ako babalikan pa ng mga lalaking iyon dahil ilang araw din akong wala sa bahay ko. Mamaya ay magpapaalam na ako kay Dean na babalik na ako sa bahay ko at magpapasalamat na rin ako sa pagtulong niya at pagpapatira sa akin sa bahay niya. Sa loob ng anim na araw na pananatili ko sa bahay ni Dean ay tatlong beses ko lamang siya nakita ngunit hindi ko siya nakausap ng matagal. Nagtanong lang siya sa aking kalagayan tapos umalis agad. Alam kong nagtataka si Aling Lena kung bakit hindi kami nag-uusap masyado ni Dean ngunit hindi na lamang ito nagtanong. At sa loob ng pananatili ko rito ay hindi ko nakitang nagpunta rito si Bridget. Kaya hindi ko alam kung alam ba nito ang bahay ni Dean o hindi?Habang naghihintay ako sa pag-uwi ni Dean ay tinulungan ko na muna si Aling Lena na magluto ng dinner ng binata. Mamaya na rin kasi it
BRIANNAUmaandap-andap ang aking dibdib habang papasok ako sa sa bahay ko. Kinakabahan ako dahil baka naroon sa loob ng bahay ko ang dalawang lalaking pumasok sa bahay ko. Ngunit nang masiguro ko na walang tao sa loob ay saka ako nakahinga ng maluwag. Agad kong inasikaso ang pagpapaayos sa nasirang pintuan ng bahay ko. Mabilis akong tumawag ng karpintero para mapalagyan ko ng triple luck ang pintuan sa sala at pati na rin sa kuwarto ko. Mabuti na ang nag-iingat para hindi na maulit na may nakapasok na mga lalaki rito. Pati ang bintana ng aking kuwarto na sinira ko para lamang makatakas ay ipinaayos ko rin at pinaglayan ko ng grills ngunit may bukasan para kapag may kailangan takasan ay makakadaan pa rin ako.Hindi naiwasan ng dalawang taong binayaran ko ang magtaka kung bakit gulo-gulo at tila niransak ang loob ng aking bahay kasama na pati ang kuwarto ko. Sabi ko na lamang na nag-aayos kasi ako ng mga gamit ko kaya ganoon kagulo ang aking mga gamit ko.Kinuha ko na rin ang kotse kong
BRIANNAHabang nasa loob ako ng aking opisina ay pasilip-silip ako ng bahagya sa pintuan ng opisina ko na hinayaan kong medyo nakaawang ng bahagya. Sinadya ko 'yon para makita ko kung ano ang kilos ng lalaking nasa loob ng opisina ko. At tama nga ang hinala ko na ako nga ang pakay niya dahil nakikita ko siya na kanina pa pasulyap-sulyap sa direksyon ng aking opisina. Naisip kong ang usb ang pakay niya sa akin. At malamang ay mga tauhan ni Congressman Suarez ang pumasok sa loob ng bahay ko at kasama na rin ang lalaking ito na patingin-tingin sa aking opisina.Ubos na ang iniinom na kape ng lalaki ay hindi pa rin ito umaalis sa kanyang kinauupuan. Mukhang balak nitong hintayin ako hanggang sa magsara ang coffeeshop kaya hindi ko maiwasan ang mag-panic. Napapabuntong-hininga na lamang ako nang tumayo ako sa kinauupuan ko para tuluyang isara ang pintuan at pagkatapos ay ini-lock bago ako bumalik sa upuan ko.Hindi ako titigilan ni Mr. Suarez hangga't nasa akin ang usb. Kaya kailangang mai
BriannaKagagaling ko pa lamang sa grocery sa araw na ito dahil wala na akong stocks ng grocery items. Nagmamadaling binuksan ko ang pintuan ng aking bahay dahil naiihi na ako. Hindi ko pa nabubuksan ang pintuan ng bahay ko nang bigla na lamang may lalaking lumapit at nagsalita sa aking likuran. Nang lingunin ko siya ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking nakita ko na nakatingin sa akin habang nasa loob ako ng aking coffeeshop kahapon. "A-Ano ang kailangan mo sa akin?" nauutal kong tanong sa kanya. Sa sobrang takot ko ay nabitawan ko ang mga dala kong grocery bag. Nagsipag-gulungan ang mga dala kong prutas sa lupa."Nasaan ang usb?" mapanganib na tanong sa akin ng lalaki. Mas lalo akong nakaramdam ng takot nang biglang naglabas ng patalim ang lalaking kaharap ko at itinutok sa leeg ko."H-Hindi ko alam ang sinasabi mo," hintakot na sagot ko sa kanya. Pakiramdam ko ay maiihi na ako sa sobrang takot."Nasaan ang usb?" muling tanong sa akin ng lalaki. Mas lalong naging m
BriannaGulong-gulo ang isip ko habang nakasakay ako sa aking kotse. Ipinasya ko na lamang na bumalik sa bahay ko matapos kong marinig ang usapan ng pulis at nang kung sino mang kausap nito sa cellphone. Talagang walang matinong pulis na puwede kong pagbigyan ng usb. Biglang pumasok sa isip ko si Rex na kaibigang pulis ni Dean. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko ba siya o hindi. At kahit si Dean mismo ay hindi ko alam kung puwede ko bang pagkatiwalaan sa bagay na ito. May kaugnayan kasi ito kay Bridget na anak ng pinuno na naghahabol sa akin ngayon. Ano ba ang malay ko kung alam nila Dean at Rex ang tungkol sa trabaho ni Bridget at mga tauhan din pala sila? Baka mas lalo lamang akong mapahamak kapag nagkataon. Hay naku, ang hirap. Ang hirap talaga ng wala kang taong mapagsabihan ng mga problema mo. Wala naman si Peter para mahingan ko ng tulong at ayokong namang abalahin pa si Bryle sa problema ko. Ayokong maging problema lamang ng kapatid ko.Habang pauwi ako sa bahay ko ay bigl
BriannaDahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata pagkatapos ay iginala ko sa aking paligid. Patay na ba ako? Ang nalilito kong tanong sa aking isip nang makita kong napapaligiran ako ng mga puting kulay. Pero agad na iwinaglit ko sa aking isip ang ideyang iyon nang maamoy ko ang amoy ng mga gamot na dinadala ng hangin sa nakabukas na bintana. Agad pumasok sa isip ko na nasa loob ako ng ospital. "Nasa loob pala ako ng ospital. Akala ko ay tuluyan na akong namatay. Salamat naman at nagkamali lamang ako ng aking iniisip," kausap ko sa aking sarili. Mula sa pagkakahiga ay umupo na lamang ako dahil masakit na ang likuran ko sa kakahiga. Laking-pasasalamat ko na nakaligtas ako sa nangyaring aksidente. Akala ko ay hindi ko na makikitang muli ang aking kapatid at ang aking ama na nasa loob pa ng kulungan.Mag-iisang buwan nang hindi ako nakakadalaw sa kanya. Twice a month kasi kung dalawin ko si Daddy. Pero dahil bigla akong nagkaroon ng matinding problema lately kaya hindi ko pa siya na
BRIANNAMalayang tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok habang nakatayo ako sa gilid ng baybayin sa isang isla sa Samar kung saan ako naroon ngayon. Probinsiya ito ni Desna at siya ang nagsabi sa akin na masarap daw magbakasyon sa probinsiya nito dahil malapit sila sa tabing-dagat kaya presko ang hangin. Kaya nang inalok ako ni Desna na magbakasyon sa bahay-bakasyunan nito ay hindi ako nagpatumpik-tumpik pa at tinanggap ang alok niya. At hindi naman ako nagsisi na nagpunta ako rito dahil maliban sa totoong presko ang hangin ay nakapag-isip-isip na rin ako ng maayos. Tama si Bryle. Ang lahat ng hindi magagandang nangyari sa amin ay pagsubok lamang sa amin ni Dean. Pagsubok na parehong nalampasan namin. Bryle was right when he said that I should give myself another chance to feel happiness. And only Dean could give me that happiness. Only he would make me happy. Sa loob ng halos tatlong buwan kong pananatili rito sa isla ay madalas tumatawag sa akin si Bryle para sabihin na nakikiu
BRIANNANang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng aking silid at nakahiga sa aking kama, sa tabi ko ay naroon si Peter at nakayupyop ang ulo sa gilid ng aking kama at natutulog. Biglang umahon ang galit ko nang maalala ko ang sinabi niya bago ako nawalan ng malay. Bigla ko siyang pinaghahampas ng aking mga kamay."Bakit mo pinatay si Dean? Ano ang kasalanan niya sa'yo?" umiiyak na tanong ko kay Peter habang walang tigil ko siyang hinahampas ng aking mga kamay.Pupungas-pungas pa si Peter nang magising dahil sa sakit ng mga hampas ko sa kanya. Bigla itong napatayo at napaatras palayo sa akin."Calm down, Brianna! I am just kidding, okay?" pag-amin ni Peter sa akin. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Mamamatay tao? At isa pa, hahayaan ba ni Dean na patayin ko siya? Eh, mas magaling siyang makipaglaban kaysa sa akin."Sa aking narinig ay bigla akong napaiyak ng malakas. "I hate you, Peter. How could you joke at me like that?"Lumapit si Peter sa akin at nako-konsensiyang niyakap
BriannaNanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala habang nakatitig kay Dean na siya palang kausap ni Rex sa opisina nito. Buhay si Dean. At higit sa lahat ay tama ang una kong hinala na siya at si Lance ay si Dean. Pero bakit niya iyon ito ipinagkaila sa akin? Bakit hinayaan niya ako magdusa sa pagkawala niya?Mabilis na tumayo sa kinauupuan niya si Dean at nilapitan ako. Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, Brianna. I'm sorry that I lied to you. I'm very sorry that I hid the truth that I'm alive."Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at dinama ang mainit niyang yakap. Akala ko ay hindi ko na mararanasan pang muli ang mayakap ng lalaking pinakamamahal ko.Akmang tutugunin ko na ang yakap niya nang sumagi sa isip ko ang mga paghihirap ng loob na ininda ko dahil sa pag-aakala kong patay na siya. Sukat sa isiping iyon ay itinulak ko siya at binigyan ng isang malakas na sampal sa mukha."Masaya ka ba sa ginawa mong pagpapanggap na patay ka na? Nag-enjoy ka ban
BriannaPapasok na ako sa kotse ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong si Lance ang tumawag sa akin. Biglang bumilis ang pintig ng aking puso pagkakita ko sa kanya ngunit agad kong isinantabi ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksiyon ko nang makita ko siya. Mas napagtuunan ko ng pansin ang ginawa niyang pagbanggit sa pangalan ko."Bry, sandali lang. Gusto lang kitang makausap," sabi niya nang makalapit siya sa akin."Bakit mo alam ang pangalan ko? Kung hindi ka si Dean ay bakit alam mo ang palayaw niya sa akin?" Hindi siya si Dean pero bakit alam niya ang palayaw ko?"Nakalimutan mo na ba na binanggit mo nag palayaw mo noong unang beses na nagkita tayo? Kahit ang kaibigan mong si Desna ay tinawag binanggit naman niya ang pangalan mo," mabilis na paliwanag ni Dean.Huminga na lamang ako ng malalim. Hindi ko matandaan kung binanggit ko pa ang oangalan ko o hindi nang gabing iyon."Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako sinundan? Hindi ka
BriannaKagagaling ko pa lamang sa lugar kung saan nahulog ang kotse ni Dean. Binisita ko ang lugar na iyon dahil gusto kong suriing mabuti kung may pag-asa bang makaligtas ang taong nahulog sa bangin na iyon. Ngunit kahit anong suri at posibilidad ay mukhang malayo na makaligtas si Dean sa nangyaring aksidente maliban na lamang kung may kapangyarihan siya. But he is just an ordinary person kaya imposible talaga na makaligtas siya.Sa halip na magtungo sa aking coffee shop ay nagdesisyon akong magtungo na muna sa mall at mag-ikot-ikot. Nang mapagod ay pumasok ako sa isang cake shop para mag-megmeryenda. Kasalukuyan akong kumakain ng isang slice ng strawberry cheesecake na binili ko nang makatanggap ako ng text mula kay Desna. Inimbitahan niya ako na dumalo sa award night next day, kung saan ay isa ito sa mga young fashion designer sa bansa na makatanggap ng award.Naisip ko na kailangan ko rin libangin ang sarili ko kaya sinabi ko sa kanya na aattend ako. Agad ko nang tinapos ang akin
BriannaMagmula nang nalaman ko na hindi si Dean ang lalaking nakita ko na kamukha niya sa loob ng bar ay pilit kong iwinaglit siya sa aking isip. Naisip ko na tama si Rex. Dapat mag-move on na ako. Ayokong hindi matahimik ang kaluluwa ni Dean dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang mapait niyang sinapit.Para malibang ko ang sarili ko ay madalas akong nagtutungo sa mall pagkatapos magsara ng coffee shop ko. Kagaya ngayon, maaga kaming nagsara dahil birthday ng dalawang staff ko. At dahil maaga pa kaya ipinasya kong maglibot sa mall hanggang sa mapgod ako. Kagaya ng madalas kong ginagawa ay saka lamang ako uuwi sa bahay ko kapag nakaramdam na ako ng pagod at antok. Pagdating ko sa bahay ay matutulog agad ako kaya hindi ko na maiisip si Dean.Ngayon ay naabutan ako ng pagsasara ng mall dahil nanuod pa ako ng sine kaya paglabas ko ay mga sarado na pala ang bawat stall sa loob ng mall. Nagmamadaling lumaba ako ng mall dahil nakakaramdam na ako ng antok.Punuan ang park
Brianna"D-Dean?" mahina ang boses na sambit ko sa taong pumigil sa kamay nang akmang gagantihan ko na ang ginawang pananampal sa akin ng babae."Don't you dare hurt her," nagtatagis ang mga ngipin na babala sa akin ni Dean. Matalim ang tingin niya at para bang hindi niya ako kilala na aking ipinagtaka."Dean. Is that really you? You're alive!" bulalas ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Narito sa harapan ko si Dean at buhay na buhay. Pero paano nangyari iyon?Akmang yayakapin ko na siya ngunit biglang humarang ang babaeng nanampal sa akin."Hey! Bitch! Get away from him!" galit na sigaw nito sa akin."Let's go, Mina. Ipinapasundo ka na sa akin ng ama mo," kausap ni Dean sa babaeng Mina ang pangalan. Hinawakan nito sa balikat ang babae at hinila para umalis sa bar na kinaroroonan namin.Isang taon akong nangulila sa kanya. Isang taon akong nagdusa dahil inakala kong patay na siya. At ngayong nandito siya sa harapan ko ay hindi ko siya hahayaang mawala sa paningin ko nang hin
BriannaMabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa naging Linggo, naging buwan at umabot na ng isang taon. Isang taon nang patay si Dean ngunit sariwa pa rin sa aking puso ang sakit at alaala ng kanyang mga huling sandali na kapiling ko siya.Sa loob ng isang taon ay pinilit kong mabuhay. Kumakain ako, umiinom, natutulog ngunit pakiramdam ko ay patay na ang kaluluwa ko. Sumama na ito kung nasaan man ngayon si Dean. Minsan ngumiti rin ako na hindi umaabot sa aking mga mata. Nabubuhay na lamang ako dahil ayokong masayang ang pagbubuwis ng buhay ni Dean para lamang mailigtas ako."Aalis ka, Ma'am Brianna?" tanong sa akin ni Petchy, ang cashier ng aking coffeeshop.Pinalaki ko ang aking coffeeshop at dito na lamang ibinugos ko ang lahat ng aking atensiyon. Ako ang madalas nagbabantay sa cashier ngunit kapag umaalis ako at may lakad ako ay si Petchy ang humahalili sa akin."Yes, Petchy. First death anniversary ngayon ng asawa ko at dadalawin ko siya ngayon." Hindi man kami natuloy na ikin
BriannaPagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng hospital at binabantayan nina Peter, Bryle, at Desna."Thank God, gising ka na rin sa wakas, Ate Bri," kausap sa akin ng kakambal ko nang makita niyang iminulat ko ang aking mga mata. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mahigpit ang ang dalawa kong mga kamay.Bahagya kong itinulak ang kakambal ko at nagpalinga-linga ako sa paligid ng room. Hinahanap ko si Dean. "Nasaan si Dean, Bryle? Nasaan siya? Gusto ko siyang makita."Unfortunately, nasa in-denial stage pa ako. Hindi ko matanggap ang nangyari kay Dean kaya pilit kong iniisip na nakaligtas siya t nasa loob din siya ng hospital."Ate Bri, wala na si Kuya Dean. Masyadong mataas at matarik ang bangen tapos sumabog pa ang kotse niya kaya imposibleng mabuhay siya." Isinampal ni Bryle sa mukha ko ang katotoohanan na pilit kong tinakasan."No! Hindi totoo iyn, Bryle! Nakaligtas si Dean! Dalawa kaming nakaligtas!" sigaw ko. Pilit akong bumangon sa kama dahil pupuntahan ko si Dean ngunit