BRIANNAHabang nasa loob ako ng aking opisina ay pasilip-silip ako ng bahagya sa pintuan ng opisina ko na hinayaan kong medyo nakaawang ng bahagya. Sinadya ko 'yon para makita ko kung ano ang kilos ng lalaking nasa loob ng opisina ko. At tama nga ang hinala ko na ako nga ang pakay niya dahil nakikita ko siya na kanina pa pasulyap-sulyap sa direksyon ng aking opisina. Naisip kong ang usb ang pakay niya sa akin. At malamang ay mga tauhan ni Congressman Suarez ang pumasok sa loob ng bahay ko at kasama na rin ang lalaking ito na patingin-tingin sa aking opisina.Ubos na ang iniinom na kape ng lalaki ay hindi pa rin ito umaalis sa kanyang kinauupuan. Mukhang balak nitong hintayin ako hanggang sa magsara ang coffeeshop kaya hindi ko maiwasan ang mag-panic. Napapabuntong-hininga na lamang ako nang tumayo ako sa kinauupuan ko para tuluyang isara ang pintuan at pagkatapos ay ini-lock bago ako bumalik sa upuan ko.Hindi ako titigilan ni Mr. Suarez hangga't nasa akin ang usb. Kaya kailangang mai
BriannaKagagaling ko pa lamang sa grocery sa araw na ito dahil wala na akong stocks ng grocery items. Nagmamadaling binuksan ko ang pintuan ng aking bahay dahil naiihi na ako. Hindi ko pa nabubuksan ang pintuan ng bahay ko nang bigla na lamang may lalaking lumapit at nagsalita sa aking likuran. Nang lingunin ko siya ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking nakita ko na nakatingin sa akin habang nasa loob ako ng aking coffeeshop kahapon. "A-Ano ang kailangan mo sa akin?" nauutal kong tanong sa kanya. Sa sobrang takot ko ay nabitawan ko ang mga dala kong grocery bag. Nagsipag-gulungan ang mga dala kong prutas sa lupa."Nasaan ang usb?" mapanganib na tanong sa akin ng lalaki. Mas lalo akong nakaramdam ng takot nang biglang naglabas ng patalim ang lalaking kaharap ko at itinutok sa leeg ko."H-Hindi ko alam ang sinasabi mo," hintakot na sagot ko sa kanya. Pakiramdam ko ay maiihi na ako sa sobrang takot."Nasaan ang usb?" muling tanong sa akin ng lalaki. Mas lalong naging m
BriannaGulong-gulo ang isip ko habang nakasakay ako sa aking kotse. Ipinasya ko na lamang na bumalik sa bahay ko matapos kong marinig ang usapan ng pulis at nang kung sino mang kausap nito sa cellphone. Talagang walang matinong pulis na puwede kong pagbigyan ng usb. Biglang pumasok sa isip ko si Rex na kaibigang pulis ni Dean. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko ba siya o hindi. At kahit si Dean mismo ay hindi ko alam kung puwede ko bang pagkatiwalaan sa bagay na ito. May kaugnayan kasi ito kay Bridget na anak ng pinuno na naghahabol sa akin ngayon. Ano ba ang malay ko kung alam nila Dean at Rex ang tungkol sa trabaho ni Bridget at mga tauhan din pala sila? Baka mas lalo lamang akong mapahamak kapag nagkataon. Hay naku, ang hirap. Ang hirap talaga ng wala kang taong mapagsabihan ng mga problema mo. Wala naman si Peter para mahingan ko ng tulong at ayokong namang abalahin pa si Bryle sa problema ko. Ayokong maging problema lamang ng kapatid ko.Habang pauwi ako sa bahay ko ay bigl
BriannaDahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata pagkatapos ay iginala ko sa aking paligid. Patay na ba ako? Ang nalilito kong tanong sa aking isip nang makita kong napapaligiran ako ng mga puting kulay. Pero agad na iwinaglit ko sa aking isip ang ideyang iyon nang maamoy ko ang amoy ng mga gamot na dinadala ng hangin sa nakabukas na bintana. Agad pumasok sa isip ko na nasa loob ako ng ospital. "Nasa loob pala ako ng ospital. Akala ko ay tuluyan na akong namatay. Salamat naman at nagkamali lamang ako ng aking iniisip," kausap ko sa aking sarili. Mula sa pagkakahiga ay umupo na lamang ako dahil masakit na ang likuran ko sa kakahiga. Laking-pasasalamat ko na nakaligtas ako sa nangyaring aksidente. Akala ko ay hindi ko na makikitang muli ang aking kapatid at ang aking ama na nasa loob pa ng kulungan.Mag-iisang buwan nang hindi ako nakakadalaw sa kanya. Twice a month kasi kung dalawin ko si Daddy. Pero dahil bigla akong nagkaroon ng matinding problema lately kaya hindi ko pa siya na
BriannaWalang kibo lamang ako habang nagbibiyahe kami ni Dean pauwi sa aking bahay. Pinapakiramdaman ko siya kung babanggitin pa ba niya ang tungkol sa sinabi niya kanina na bagay na hindi ko pag-aari ngunut aksidenteng napunta sa akin. Ngunit hanggang sa nakarating kami sa tapat ng bahay ko ay hindi na niya inulit pqng banggitin kaya naisip ko na siguro ay walang kinalaman sa usb ang kanyang tinutukoy kanina."Salamat sa paghatid mo. At tungkol sa bayad sa ospital ay ipapasok ko na lamang sa account mo ang pera. Isulat mo na lamang ang bank account mo para maipasok ko bukas bago ako magpunta sa police station," kausap ko sa kanya nang huminto na siya sa tapat ng bahay ko. Bumuntong-hininga si Dean ng malalim na para bang may gusto siyang sabihin sa akin ngunit hindi niya masabi-sabi. Tumitig lamang siya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang mapakunot ng noo."Bakit hindi ka kumuha ng makakasama mo sa bahay mo nang hindi ka nag-iisa, Brianna?" mayamaya ay tanong niya sa akin. "I mean,
Dean"Hey, Dean? Mukhang importante talaga ang sadya mo at nagtungo ka pa rito sa opisina ko? May bago na ba tayong lead sa kasong hawak natin?" tanong agad ni Rex pagkapasok ko pa lang sa opisina ng matalik kong kaibigan na isang police officer. Pagkatapos ng naganap sa amin ni Brianna sa loob ng aking kotse ay nagtungo agad ako sa opisina ng kaibigan ko para pag-usapan ang tungkol kay Brianna. Kailangang matapos na ang kasong hawak namin ni Rex dahil ayokong tuluyan siyang lumayo sa akin. Gustong-gusto ko na siyang yayaing magpakasal ngunit hindi ko magawa. I have to treat her cold and indifference to her for her sake. Ayokong pag-initan siyang lalo na ni Bridget dahil mas lalo lamang malalagay sa panganib ang buhay niya. I know Bridget. Kaya niyang ipapatay ang sino mang tao na hindi niya nagugustuhan. Para lamang pumapatay ng langgam ang mag-ama kung pumatay o magpapatay ng mga tao. One week ago, pagkatapos ng pag-aaway namin ni Peter sa loob ng coffeeshop ni Brianna ay nilapita
BriannaUmaga pa lamang ay naggayak na ako. Pupunta ako ngayon sa police station para magbigay ng statement sa nangyaring aksidente. Kaysa magmukmok ako rito sa bahay at isipin ang nangyari sa amin ng walang kuwentang Dean na.iyon ay mas mabuting magpunta ako ng maaga sa police station para pagkatapos kong magbigay ng statement ay didiretso na ako sa aking coffeeshop. At dahil nasa talyer na naman ang kotse ko ay kailangan kong mag-commute ngayon. Naisip kong mag-grab taxi na lang ako dahil parang nakasakay pa rin ako sa kotse ko. Mas maganda na ito kaysa ang maghintay ako sa labas ng masasakyan dahil nakakatakot na ngayon.Hindi nagtagal ay dumating ang pina-book kong grab taxi. Agad akong sumakay at nagpahatid papuntang police station. Pagdating ko doon ay agad kong hinanap si Rex na kaibigan ni Dean."Good morning, Brianna," nakangiting bati sa akin ni Rex matapos kong pumasok sa opisina niya.Umupo ako sa upuan na nasa harapan ng kanyang mesa na sadya para sa mga bisita o taong ka
Dean"Ano ang nangyari sa pag-uusap ninyo ni Brianna, Rex? Pumayag ba siya na kumuha ng bodyguard?" excited na tanong ko nang muli kaming magkita ng kaibigang kong pulis sa dati naming tipanan.Umiling si Rex bago sumagot. "Hindi, Dean. Ayaw talaga niya na bigyan ko siya ng bodyguard. Mag-iingat na lang daw siya," sagot nito na may bahagyang lungkot sa mga mata na ipinagtaka ko."Bakit? You seems sad. Is there something wrong?" hindi naiwasang mag-alala na tanong ko sa kanya."It's about the usb, Dean. Ibinigay sa akin ni Brianna ang usb pero nagpunta lamang ako sa cr para umihi then pagbalik ko ay wala na ang usb. Hindi ko makita sa cctv kung sino ang pumasok sa loob ng opisina ko at kumuha sa usb dahil na-hack ang cctv camer ng station namin. May nakakaalam na ibinigay sa akin ni Brianna ang usb kaya nang makita niyang pumasok ako sa banyo ay agad siyang nakapuslit at kinuha ito," napapabuntong-hininga sa pag-amin ni Rex."Rex naman. Alam mong pinakaiingatan iyon ni Brianna at kahit
BRIANNAMalayang tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok habang nakatayo ako sa gilid ng baybayin sa isang isla sa Samar kung saan ako naroon ngayon. Probinsiya ito ni Desna at siya ang nagsabi sa akin na masarap daw magbakasyon sa probinsiya nito dahil malapit sila sa tabing-dagat kaya presko ang hangin. Kaya nang inalok ako ni Desna na magbakasyon sa bahay-bakasyunan nito ay hindi ako nagpatumpik-tumpik pa at tinanggap ang alok niya. At hindi naman ako nagsisi na nagpunta ako rito dahil maliban sa totoong presko ang hangin ay nakapag-isip-isip na rin ako ng maayos. Tama si Bryle. Ang lahat ng hindi magagandang nangyari sa amin ay pagsubok lamang sa amin ni Dean. Pagsubok na parehong nalampasan namin. Bryle was right when he said that I should give myself another chance to feel happiness. And only Dean could give me that happiness. Only he would make me happy. Sa loob ng halos tatlong buwan kong pananatili rito sa isla ay madalas tumatawag sa akin si Bryle para sabihin na nakikiu
BRIANNANang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng aking silid at nakahiga sa aking kama, sa tabi ko ay naroon si Peter at nakayupyop ang ulo sa gilid ng aking kama at natutulog. Biglang umahon ang galit ko nang maalala ko ang sinabi niya bago ako nawalan ng malay. Bigla ko siyang pinaghahampas ng aking mga kamay."Bakit mo pinatay si Dean? Ano ang kasalanan niya sa'yo?" umiiyak na tanong ko kay Peter habang walang tigil ko siyang hinahampas ng aking mga kamay.Pupungas-pungas pa si Peter nang magising dahil sa sakit ng mga hampas ko sa kanya. Bigla itong napatayo at napaatras palayo sa akin."Calm down, Brianna! I am just kidding, okay?" pag-amin ni Peter sa akin. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Mamamatay tao? At isa pa, hahayaan ba ni Dean na patayin ko siya? Eh, mas magaling siyang makipaglaban kaysa sa akin."Sa aking narinig ay bigla akong napaiyak ng malakas. "I hate you, Peter. How could you joke at me like that?"Lumapit si Peter sa akin at nako-konsensiyang niyakap
BriannaNanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala habang nakatitig kay Dean na siya palang kausap ni Rex sa opisina nito. Buhay si Dean. At higit sa lahat ay tama ang una kong hinala na siya at si Lance ay si Dean. Pero bakit niya iyon ito ipinagkaila sa akin? Bakit hinayaan niya ako magdusa sa pagkawala niya?Mabilis na tumayo sa kinauupuan niya si Dean at nilapitan ako. Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, Brianna. I'm sorry that I lied to you. I'm very sorry that I hid the truth that I'm alive."Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at dinama ang mainit niyang yakap. Akala ko ay hindi ko na mararanasan pang muli ang mayakap ng lalaking pinakamamahal ko.Akmang tutugunin ko na ang yakap niya nang sumagi sa isip ko ang mga paghihirap ng loob na ininda ko dahil sa pag-aakala kong patay na siya. Sukat sa isiping iyon ay itinulak ko siya at binigyan ng isang malakas na sampal sa mukha."Masaya ka ba sa ginawa mong pagpapanggap na patay ka na? Nag-enjoy ka ban
BriannaPapasok na ako sa kotse ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong si Lance ang tumawag sa akin. Biglang bumilis ang pintig ng aking puso pagkakita ko sa kanya ngunit agad kong isinantabi ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksiyon ko nang makita ko siya. Mas napagtuunan ko ng pansin ang ginawa niyang pagbanggit sa pangalan ko."Bry, sandali lang. Gusto lang kitang makausap," sabi niya nang makalapit siya sa akin."Bakit mo alam ang pangalan ko? Kung hindi ka si Dean ay bakit alam mo ang palayaw niya sa akin?" Hindi siya si Dean pero bakit alam niya ang palayaw ko?"Nakalimutan mo na ba na binanggit mo nag palayaw mo noong unang beses na nagkita tayo? Kahit ang kaibigan mong si Desna ay tinawag binanggit naman niya ang pangalan mo," mabilis na paliwanag ni Dean.Huminga na lamang ako ng malalim. Hindi ko matandaan kung binanggit ko pa ang oangalan ko o hindi nang gabing iyon."Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako sinundan? Hindi ka
BriannaKagagaling ko pa lamang sa lugar kung saan nahulog ang kotse ni Dean. Binisita ko ang lugar na iyon dahil gusto kong suriing mabuti kung may pag-asa bang makaligtas ang taong nahulog sa bangin na iyon. Ngunit kahit anong suri at posibilidad ay mukhang malayo na makaligtas si Dean sa nangyaring aksidente maliban na lamang kung may kapangyarihan siya. But he is just an ordinary person kaya imposible talaga na makaligtas siya.Sa halip na magtungo sa aking coffee shop ay nagdesisyon akong magtungo na muna sa mall at mag-ikot-ikot. Nang mapagod ay pumasok ako sa isang cake shop para mag-megmeryenda. Kasalukuyan akong kumakain ng isang slice ng strawberry cheesecake na binili ko nang makatanggap ako ng text mula kay Desna. Inimbitahan niya ako na dumalo sa award night next day, kung saan ay isa ito sa mga young fashion designer sa bansa na makatanggap ng award.Naisip ko na kailangan ko rin libangin ang sarili ko kaya sinabi ko sa kanya na aattend ako. Agad ko nang tinapos ang akin
BriannaMagmula nang nalaman ko na hindi si Dean ang lalaking nakita ko na kamukha niya sa loob ng bar ay pilit kong iwinaglit siya sa aking isip. Naisip ko na tama si Rex. Dapat mag-move on na ako. Ayokong hindi matahimik ang kaluluwa ni Dean dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang mapait niyang sinapit.Para malibang ko ang sarili ko ay madalas akong nagtutungo sa mall pagkatapos magsara ng coffee shop ko. Kagaya ngayon, maaga kaming nagsara dahil birthday ng dalawang staff ko. At dahil maaga pa kaya ipinasya kong maglibot sa mall hanggang sa mapgod ako. Kagaya ng madalas kong ginagawa ay saka lamang ako uuwi sa bahay ko kapag nakaramdam na ako ng pagod at antok. Pagdating ko sa bahay ay matutulog agad ako kaya hindi ko na maiisip si Dean.Ngayon ay naabutan ako ng pagsasara ng mall dahil nanuod pa ako ng sine kaya paglabas ko ay mga sarado na pala ang bawat stall sa loob ng mall. Nagmamadaling lumaba ako ng mall dahil nakakaramdam na ako ng antok.Punuan ang park
Brianna"D-Dean?" mahina ang boses na sambit ko sa taong pumigil sa kamay nang akmang gagantihan ko na ang ginawang pananampal sa akin ng babae."Don't you dare hurt her," nagtatagis ang mga ngipin na babala sa akin ni Dean. Matalim ang tingin niya at para bang hindi niya ako kilala na aking ipinagtaka."Dean. Is that really you? You're alive!" bulalas ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Narito sa harapan ko si Dean at buhay na buhay. Pero paano nangyari iyon?Akmang yayakapin ko na siya ngunit biglang humarang ang babaeng nanampal sa akin."Hey! Bitch! Get away from him!" galit na sigaw nito sa akin."Let's go, Mina. Ipinapasundo ka na sa akin ng ama mo," kausap ni Dean sa babaeng Mina ang pangalan. Hinawakan nito sa balikat ang babae at hinila para umalis sa bar na kinaroroonan namin.Isang taon akong nangulila sa kanya. Isang taon akong nagdusa dahil inakala kong patay na siya. At ngayong nandito siya sa harapan ko ay hindi ko siya hahayaang mawala sa paningin ko nang hin
BriannaMabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa naging Linggo, naging buwan at umabot na ng isang taon. Isang taon nang patay si Dean ngunit sariwa pa rin sa aking puso ang sakit at alaala ng kanyang mga huling sandali na kapiling ko siya.Sa loob ng isang taon ay pinilit kong mabuhay. Kumakain ako, umiinom, natutulog ngunit pakiramdam ko ay patay na ang kaluluwa ko. Sumama na ito kung nasaan man ngayon si Dean. Minsan ngumiti rin ako na hindi umaabot sa aking mga mata. Nabubuhay na lamang ako dahil ayokong masayang ang pagbubuwis ng buhay ni Dean para lamang mailigtas ako."Aalis ka, Ma'am Brianna?" tanong sa akin ni Petchy, ang cashier ng aking coffeeshop.Pinalaki ko ang aking coffeeshop at dito na lamang ibinugos ko ang lahat ng aking atensiyon. Ako ang madalas nagbabantay sa cashier ngunit kapag umaalis ako at may lakad ako ay si Petchy ang humahalili sa akin."Yes, Petchy. First death anniversary ngayon ng asawa ko at dadalawin ko siya ngayon." Hindi man kami natuloy na ikin
BriannaPagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng hospital at binabantayan nina Peter, Bryle, at Desna."Thank God, gising ka na rin sa wakas, Ate Bri," kausap sa akin ng kakambal ko nang makita niyang iminulat ko ang aking mga mata. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mahigpit ang ang dalawa kong mga kamay.Bahagya kong itinulak ang kakambal ko at nagpalinga-linga ako sa paligid ng room. Hinahanap ko si Dean. "Nasaan si Dean, Bryle? Nasaan siya? Gusto ko siyang makita."Unfortunately, nasa in-denial stage pa ako. Hindi ko matanggap ang nangyari kay Dean kaya pilit kong iniisip na nakaligtas siya t nasa loob din siya ng hospital."Ate Bri, wala na si Kuya Dean. Masyadong mataas at matarik ang bangen tapos sumabog pa ang kotse niya kaya imposibleng mabuhay siya." Isinampal ni Bryle sa mukha ko ang katotoohanan na pilit kong tinakasan."No! Hindi totoo iyn, Bryle! Nakaligtas si Dean! Dalawa kaming nakaligtas!" sigaw ko. Pilit akong bumangon sa kama dahil pupuntahan ko si Dean ngunit