Dean"Ano ang nangyari sa pag-uusap ninyo ni Brianna, Rex? Pumayag ba siya na kumuha ng bodyguard?" excited na tanong ko nang muli kaming magkita ng kaibigang kong pulis sa dati naming tipanan.Umiling si Rex bago sumagot. "Hindi, Dean. Ayaw talaga niya na bigyan ko siya ng bodyguard. Mag-iingat na lang daw siya," sagot nito na may bahagyang lungkot sa mga mata na ipinagtaka ko."Bakit? You seems sad. Is there something wrong?" hindi naiwasang mag-alala na tanong ko sa kanya."It's about the usb, Dean. Ibinigay sa akin ni Brianna ang usb pero nagpunta lamang ako sa cr para umihi then pagbalik ko ay wala na ang usb. Hindi ko makita sa cctv kung sino ang pumasok sa loob ng opisina ko at kumuha sa usb dahil na-hack ang cctv camer ng station namin. May nakakaalam na ibinigay sa akin ni Brianna ang usb kaya nang makita niyang pumasok ako sa banyo ay agad siyang nakapuslit at kinuha ito," napapabuntong-hininga sa pag-amin ni Rex."Rex naman. Alam mong pinakaiingatan iyon ni Brianna at kahit
BriannaMaghapon akong nag-beauty rest. Hindi ako lumabas dahil gusto ko fresh ako kapag um-attend ako sa aming reunion. Excited akong makibalita sa mga naging buhay-buhay ng dati kong mga kaklase at ka-schoolmate namin ni Peter. Sayang nga lang at hindi makaka-attend ang aking kaibigan. On the other hand, okay na rin siguro na hindi pa ito makakauwi dahil hindi pa rin ako handa na harapin. Sigurado na ako sa aking nararamdaman ngunit hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya dahil tiyak na masasaktan lamang siya. But sooner or later, patagalin ko man o hindi ay masasaktan pa rin siya kapag sinabi ko na sa kanya ang totoong nararamdaman ko.Kasalukuyan akong nagbibihis nang makatanggap ako ng text messages from Ivy. Tinatanong lamang niya kung sure ba na makaka-attend ako sa reunion. Simpleng "yes" lamang ang isinagot ko sa kanya .isang black evening dress na sleeveless at humahakab sa aking katawan ang napili kong isuot. Umabot sa bukong-bukungan ko ang haba ng dress pero sa ti
DeanHindi ako mapakali habang hinahanap ko si Brianna sa parking area. Lasing ito at delikado para rito ang magmaneho lalo pa at mahabang oras itong magda-drive ng kotse. Hindi ko mapigilan ang mag-alala para sa kanya. Alam kong nasaktan ko siya nang marinig niya na ipinakilala jo si Bridget sa mga ka-schoolmate namin bilang fiancee ko. Pero wala akong choice. Biglang pumunta sa reunion si Bridget kahit hindi ko naman siya inimbita. Sinundan lamang niya ako kaya natuklasan niya na reunion ang pupuntahan ko at nauna na itong ipakilala ang sarili sa mga kakilala ko na fiancee ko siya. Hindi pa tapos ang misyon ko kaya hindi ko puwedeng saktan si Bridget.Ang totoo, kaya ako um-attend sa reunion dahil umaasa akong aattend din si Brianna. Kahit paano ay makakausap ko siya nang walang mga matang nakamasid sa amin at hindi ako mangangamba na baka may makapagsumbong kay Bridget o di kaya sa ama nito na malapit o mahalaga sa akin si Brianna. Pero nang malapit na ang party ay hindi ko ini-exp
BriannaPaggising ko kinabukasan ay masakit ang aking katawan. Siyempre, sino ba naman ang hindi sasakit ang katawan kung halos mag-umaga kang inangkin ng lalaking pinakamamahal mo? Hindi ko kasi mabilang kung ilang beses akong inangkin ni Dean sa buong magdamag. Para bang sabik na sabik siya sa akin at hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na magnasa sa tuwing nagigising siya. Ngunit kahit pagod at masakit ang buo kong katawan ay wala akong pinagsisisihan sa nangyari. Mahal ko si Dean at kahit ipang beses pa niyang gustong angkinin ang aking katawan ay pagbibigyan ko siya ng buong puso.Kasabay ng aking ngiti sa aking mga labi pagmulat ko ng aking mga mata ay lungkot nang malaman kong wala na si Dean sa aking tabi. Umalis na siya nang hindi man lang nagpapaalam sa akin. Hindi ko tuloy malaman kung ano ba talaga ang relasyon naming dalawa. O totoo nga ba ang aking iniisip na parausan lamang niya ako?Mabagal na bumangon ako sa kama at naligo. Ngunit hindi ako papasok ngayon dahil ma
DeanNag-aalala ako kay Brianna. Ilang araw na akong walang balita sa kanya. Nang tinawagan ko si Rex kanina ay wala rin daw itong balita tungkol sa dalaga. Sa labis na pag-aalala ko sa kanya ay pinuntahan ko siya sa kanyang coffeeshop kahit na magkikita sana kami ngayon ni Bridget dahil ipapakilala na niya ako sa kanyang ama bipang lalaking mapapangasawa nito. Sinabi na rin sa akin ni Bridget ang tungkol sa negosyo ng ama nito at nagkunwari akong interesadong sumali. Na wala akong pakialam kahit pa illegal ang negosyo ng ama nito. Malapit nang matapos ang aking misyon. Makakasama ko na rin sa wakas si Brianna."Good morning, Sir. Ano po ang order ninyo?" nakangiting tanong sa akin ng cashier ni Brianna nang lumapit ako sa counter.Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ng babae kaya hindi ko maiwasang kabahan."Sir, magli-limang araw na po na hindi nagpupunta rito si Ma'am Brianna. Nag-aalala na nga rin kami kaya pinuntahan namin siya sa bahay niya noong isang araw pero mukhang walang
BriannaTinulungan ako ni Dean na makabangon mula sa sinapit ko sa kamay ng tatlong lalaking iyon. Mas naging sweet siya sa akin at ilang beses din niyang ipinadama sa akin ang pag-ibig niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na may nangyari sa aming dalawa. At ang tanging saksi sa aming pagmamahalan ay ang aking maliit na bahay. Pinuno namin ni Dean ng mga alaala naming dalawa ang bawat sulok ng bahay. They made love in the floor, in the couch, the bathroom, in the kithen and even on top of my dining table. Kahit saang sulok tumingin sa loob ng aking bahay ay may mga alaala ng matatamis naming pagtatalik ni Dean. Para kaming mga walang kapaguran at tila hindi nagsasawa sa katawan ng isa't isa na palaging nagtatalik sa tuwing magkikita kami. At siyempre, hindi namin palalampasin ang pagtatalik sa loob ng sasakyan na ilang beses na rin nangyari. And Dean promised me that he will marry me once he setteled his problem with Bridget. At kahit hindi niya sinasabi sa akin kung tungkol sa
BriannaPagkatapos mahuli ni Mr. Suarez ay agad akong niyayang magpakasal ni Dean na siyempre, hindi ko tinanggihan at hindi na rin ako nagpakipot pa. Bakit ko gagawin iyong gayong bata pa lamang ako ay ito na ang pangarap ko. Ang makasal kay Dean at maging asawa niya. Nang malaman naman ni Peter na ikakasal na ako kay Dean ay nalungkot ito at nagpauna nang nagpaalam sa akin na hindi makaka-attend sa kasal namin dahil busy pa raw ito sa ibang bansa. Hanggang ngayon ay nagpa-praktis pa rin daw ang team nito para sa nalalapit na international racing competion. Medyo nalungkot ako nang nalaman ko na hindi siya makakarating ngunit naiintindihan ko siya. Alam kong nasasaktan siya na ikakasal ako sa ibang lalaki at excuse na lang niya ang pagiging busy sa training kaya hinayaan ko na lamang siya. Alam ko na balang-araw ay makakakimutan din niya ako at makakahanap din siya ng babae na tunay at tapat na magmamahal sa kanya at siyempre, iyong babaeng mamahalin din niya. Si Bryle naman ay tuwa
BriannaNagising ako dahil sa malakas na pagsampal sa mukha ko ng kung sino mang taong sumampal sa akin. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko sa harapan ko ang nakangising mukha ni Bridget at ng kanyang amang si Roberto Suarez na isang takas sa kulungan.Lumapit sa akin si Mr. Suarez at mariing hinawakan ang aking baba at itinaas. "Ikaw pala ang Brianna na tinutukoy ng anak ko na siyang dahilan kung bakit ako nakulong at bakit nagkanda-letse ang aking negosyo." Ipiniling ko ang aking ulo ng malakas para makawala sa kanyang pagkakahawak. Nakawala nga ako ngunit mabilis niyang nahawakang muli ang mukha ko at mas mariin na ngayong ang kanyang pagkakahawak."Negosyo ang tawag mo sa basurang ginagawa mo? Ang dapat sa'yo ay mabulok sa bilangguan. Mamamatay tao!" sigaw ko sa kanya pagkatapos ay dinuraan ko siya sa mukha. Hindi ako magmamakaawa sa taong halang ang kaluluwa na kagaya niya dahil alam kong hindi niya ako pakikinggan. Siguradong papatayin din niya ako kaya bakit hindi ko n