COURTNEY ANNIKA... "Joaquin gave me back my car key," pababa pa lang s'ya ng hagdan ngunit agad n'ya ng narinig ang boses ni Pia at halatang galit ito. Itong dalawang anak n'ya ay madalas talaga na nagbabangayan dahil sa ugali ni Joaquin na may pagka pilyo. At si Pia naman ay napaka metikulosa at may pagka higpit sa mga kapatid. Hindi naman s'ya ganito noong kabataan n'ya at si Chuck ayon sa kan'yang byenan ay hindi din ganito kaya nagtataka s'ya kung saan nakuha ni Pia ang medyo pagka mahigpit nito sa mga kapatid. "Oh c'mon ate, saglit ko lang naman hihiramin. Ibabalik ko din kaagad pagkatapos," sagot ni Joaquin sa kapatid nito. Hindi n'ya pa nakikita ang mga anak ngunit naiimagine n'ya na ang hitsura ni Pia at ang kapilyuhan naman sa mukha ni Joaquin. "No! I said no and you know that it's a no! Yuck! Kadiri kang lalaki ka, gagamitin mo ang sasakyan ko tapos kung sino-sinong babae ang isasakay mo! Manigas ka Joaquin but you can't borrow my car, never! Over my dead body!" ma
SIMON BRIGGS..."Briggs, ano..., wala pa rin ba? Ako'y nababagot na sa kakahintay sa hinihiling ko sayo, Briggs!" dakdak ng kan'yang ina pagpasok na pagpasok n'ya pa lang sa loob ng kanilang mansion na nakatirik sa isang malaking solar at napapalibotan ng isang mataas na pader.Kakapasok n'ya lang at nakaabang na pala agad ang kan'yang ina sa kan'yang pagdating para dakdakan s'ya. Pabagsak s'yang naupo sa sofa at nagpakawala ng hangin. Kailan ba titigil ang kan'yang ina sa kakadakdak sa kan'ya sa gusto nito at matagal ng hinihiling. Eh halata naman na wala pa s'yang balak na gawin iyon."Mom! Pwede ba, papahingahin mo muna ako!" awat n'ya rito at napakamot sa noo ngunit agad ding natigil ng tapunan s'ya ng ina ng isang matalim na tingin."Papahingahin? My goodness, Simon Briggs Carson, anong pahinga ang mga pinagsasabi mo, ha? You are not getting any younger anymore, Briggs! You need a wife and build your own family. Hindi na kami bumabata ng daddy mo at ayokong mamatay na hindi ka l
SIMON BRIGGS... Pagkapasok n'ya sa loob ng kan'yang silid ay agad s'yang naghubad ng damit habang naglalakad patungo sa pinto ng banyo. Kanina pa s'ya naiinitan at gustong-gusto ng maligo kaya halos liparin n'ya kanina ang daan para makarating agad sa kanilang bahay. Ngunit naantala pa ang kan'yang plano dahil pagkapasok n'ya sa kanilang mansion ay agad s'yang hinarang ng ina at dinakdakan ng bongga. Hinayaan n'ya lang na magsibagsakan ang mga hinubad na damit sa sahig. Mamaya n'ya na lang ito iligpit, kailangan n'ya munang maligo para guminhawa na ang kan'yang pakiramdam. Pumasok s'ya sa loob ng banyo at agad na itinapat ang sarili sa ilalim ng shower. Binuksan n'ya ang shower at mariin na napapikit ng bumagsak sa kan'yang katawan ang malamig na tubig. He's been working the whole day at ang malamig na tubig ay nagbigay ng ginhawa sa kan'yang buong katawan. Kaya nagbabad muna s'ya sa ilalim ng malamig na tubig at ninamnam ang sarap sa pakiramdam. Habang nakapikit ay naalala n'ya a
SIMON BRIGGS.. Hindi n'ya alam kung ilang minuto s'yang nanatili sa ilalim ng shower. Nang maramdaman na parang namamanhid na ang kan'yang katawan dahil sa lamig ng tubig ay doon pa at kumilos s'ya. Sinabon n'ya ang katawan ng maigi at agad ding nagbanlaw pagkatapos. Nang makuntento sa kan'yang paliligo ay mabilis n'ya na itong tinapos at agad na lumabas sa shower room. Hinablot n'ya ang tuwalya na nakakabit sa sabitan at ipinunas sa katawan. Tinuyo n'ya ang kan'yang buhok at buong katawan bago itinapon sa laundry basket ang nagamit ng tuwalya. Nakaugalian n'ya ng lumabas ng banyo ng walang kahit na anong takip sa katawan. Wala namang makakakita sa kan'ya kaya kampanti s'yang ibalandra ang hubad na katawan. Ngunit sa paglabas n'ya ay pareho silang napasigaw ng babae na nasa loob ng kan'yang kwarto. Sino ang mag-aakala na may ibang tao sa loob ng kan'yang silid dahil wala namang nangahas na pumasok sa kan'yang kwarto maliban sa kan'yang ina. "Ahhhhhhhhh!" matinis na sigaw
SIMON BRIGGS... Matapos nilang maghaponan ng mga magulang ay bumalik s'ya sa kan'yang silid. Gusto n'yang magpahinga ng maaga ngunit ng akmang hihiga na s'ya sa kama ay s'ya namang pagtunog ng kan'yang cellphone na nasa bedside table. Ayaw n'ya pa sanang abutin ngunit hindi ito tumigil sa pagtunog. Isang buntong hininga ang kan'yang pinakawalan bago inabot ang kan'yang cellphone. Dinampot n'ya ito at sinilip kung sino ang tumatawag. At ganon na lang ang pagtaas ng kan'yang kilay ng makita ang pangalan ni Connor sa screen ng kan'yang cellphone. Pinindot n'ya ang answer button para sagutin ang tawag ng pinsan. Naisip n'ya din na baka mahalaga ang itinawag nito sa kan'ya. "What is it Connorsyo?" pasita na tanong n'ya sa busangot na pinsan. "Fvck you! Come to Cowell's bar at huwag mong isipin na ako ang nag-invite sayo. Nautosan lang ako ng iba na tawagan ka!" pabalang na sagot nito sa kan'ya at agad s'yang inunahan. Mahina s'yang natawa dahil sa pagiging defensive ni Connor. "Napag
SIMON BRIGGS... Umalis s'ya ng bahay na igting ang mga panga. Padaskol s'yang pumasok sa kan'yang sasakyan at marahas na nagbuga ng hangin ng makaupo sa harapan ng manibela. Hindi n'ya maintindihan ang kan'yang sarili kung bakit ganito ang kan'yang nararamdaman ngayon. Umuwi s'ya para magpahinga ngunit mukhang nagulo ang kan'yang tahimik na buhay sa pag krus ng landas nilang dalawa ni Tanya. Hindi mawala sa kan'yang isip ang kabuoan ng babae mula sa mga mata nito, patungo sa magandang mukha hanggang sa seksing katawan. Hindi kasi ito halata kapag nakasuot ng uniform ng maid dahil medyo maluwag ang mga uniform ang mga ito kaya hindi n'ya inaasahan na may ganon kaganda palang katawan ang nakatago sa loob ng uniform na suot ni Tanya. Hindi n'ya alam kung bakit nakaramdam s'ya ng ganito. Matagal na panahon ng hindi s'ya nakaramdam ng ganitong pakiramdam sa isang babae. Simula ng maloko s'ya ay pinatay n'ya na sa kan'yang puso ang ganitong uri ng pakiramdam para sa isang babae. Kung
SIMON BRIGGS... Stay away from me, Adrian at baka hindi kita matantya," singhal n'ya sa pinsan na dinaig pa ang surot na panay ang dikit sa kan'ya. Nakakasuka pa ang ngisi nito na parang sinapian ng masamang inspiritu. Hindi ito umaalis sa tabi n'ya at panay ang dikit at buska sa kan'ya. Pahamak din kasi itong si Henry na kanina pa din ngisi ng ngisi ng makita ang kan'yang reaction kanina. Alam n'ya na matinik si Henry at sa mga oras na ito ay mukhang nababasa na nito ang kan'yang mga iniisip. "Ay gago to! Bakit ang busangot mo ngayon, ha? Wala ka bang ka fubu ngayon kaya mainit ang ulo mo? Mabigat na ba ang betlog mo, darling? dagdag na pambubuwesit ni Adrian sa kan'ya. "Pwede ba, lumayo ka sa akin dahil kapag hindi ka pa lumayo ay baka mas lalong iinit ang ulo ko at ikaw ang mapagbuntonan ko," banta n'ya sa pinsan. Mabilis naman itong tumalon sa kabilang upoan palayo sa kan'ya at parang tanga na bumusangot ang mukha. Sa kanilang lahat ay si Adrian ang pinakamaloko. Kasing ugali
SIMON BRIGGS... "Senyorito!" pag-uulit na pagtawag sa kan'ya ng kung sino mula sa kan'yang likuran. Kinalma n'ya ang kan'yang sarili at nagpakawala muna ng hangin bago umikot para harapin ang tao na nasa kan'yang likuran. At nakahinga s'ya ng maluwag ng makita na si manang Nadia ang nasa likuran n'ya. Tipid s'yang ngumiti dito at hindi ipinahalata sa ginang ang kan'yang pagkagulat. "Manang bakit gising pa kayo?" patay malisya na tanong n'ya rito. "Kagigising ko lang senyorito. Ganitong oras talaga ako nagigising! Teka! May kailangan ka ba? Bakit napasugod ka rito ng ganitong oras?" sunod-sunod na tanong nito sa kan'ya. Lihim s'yang napalunok ng laway at agad na naghagilap ng isasagot sa ginang. "Ahmmm! Nakakahiya manang Diday, pero ayos na ako. Aakyat na lang ako sa taas, pasensya na kayo sa disturbo," paghingi n'ya ng paumanhin sa ginang at agad na tinalikuran ito. "Teka lang senyorito! Ano ka ba? Bakit ka mahiya, eh kung may iuutos ka ay ayos lang sa akin. Normal lang na utos