CONNOR CAYDEN...Ilang araw matapos ang nangyari sa kanila ng asawa ay bumiyahe s'ya patungo sa Italy para sa gagawin n'yang panliligaw dito.Mabuti na lang at wala namang nangyaring masama sa asawa ng dahil sa ginawa nila. Nakauwi din sila kinagabihan at nanatili sa kan'yang bahay ang asawa ng tatlong araw. Inalagaan n'ya ito at ginawang prinsesa sa mga araw na nagsama silang dalawa. Ngunit pagdating ng pang-apat na araw ay nagpaalam ito na babalik na muna sa Italy dahil hinahanap ito ng dalawang bata.Napag-alaman n'ya na nasa Italy si Ameil at Amelia para magpagaling sa trauma na tinamo ng dalawa sa nangyari sa mga ito na kagagawan ni Amera.At malaki ang pasasalamat n'ya kay JM dahil hindi nito pinabayaan ang mga pamangkin. Napaka- mapagmahal na tiyahin ito sa dalawang bata at nakikita n'ya kung paano ang mga ito alagaan ni JM noong magkasama sila sa kan'yang bahay.At dahil gusto n'ya rin na makita ang kan'yang mga inaanak ay sumunod agad s'ya kay JM matapos maayos ang kan'yang
CONNOR CAYDEN...Nagbuga s'ya ng hangin at tumayo. Tinawag na s'ya ng kasambahay ni JM na kakain na. Pagtingin n'ya sa orasan ay limang minuto na lang bago mag alas sais. Napailing na lamang s'ya dahil may pagka strikto pagdating sa oras ang asawa. Kapag sinabi nitong alas sais, kailangan na alas sais ay nasa harapan ka na nito.Inayos n'ya ang sarili at nagpasyang lumabas ng silid na ibinigay sa kan'ya kanina ng assistant nito. Naglakad s'ya sa hallway patungo sa elevator.Yes! May sariling elevator ang bahay ng asawa. Namulat s'ya sa marangyang buhay at ang ganitong karangyaan ay hindi na bago sa kan'ya ngunit hindi n'ya pa rin maiiwasan ang mamangha at malula sa kan'yang mga nakikita.Pumasok s'ya sa loob ng elevator at pinindot ang level one kung saan ay naroon ang dining area. Hindi naman nagtagal at tumunog ang elevator tanda na nasa unang palapag na s'ya ng bahay. Bumukas ang pinto at bumungad sa kan'ya ang dalawang kasambahay na naghihintay sa labas. Nang makita s'ya ng mga
CONNOR CAYDEN...Kinabukasan ay maaga s'yang nagising dahil pupunta s'ya sa vineyard at tutulong sa pagha-harvest ng mga ubas.Inaasahan n'ya na ito dahil nag research din naman s'ya ng traditional na panliligaw ngunit nagulat pa rin s'ya na tinotoo ng asawa ang sinabi nito sa kan'ya.Kaya eto s'ya ngayon, madaling araw pa lang ay gising na gising na s'ya. Agad s'yang bumangon at pumasok sa banyo para maligo. Hindi alintana ang lamig ng tubig na bumabagsak sa kan'yang katawan.Madalian lang ang kan'yang ginawang pagligo at agad din na lumabas at nagbihis. May ipinabigay sa kan'ya na damit kagabi si JM na s'yang susuotin n'ya daw kapag nagtatrabaho s'ya sq vineyard. Hindi n'ya iyon tiningnan at inilagay lamang sa sofa ng makapasok s'ya sa kan'yang kwarto kagabi.Tinutuyo n'ya ang kan'yang buhok habang naglalakad patungo sa sofa kung saan ay naroon ang kan'yang damit. Inalis n'ya ang tuwalya sa kan'yang buhok at dinampot ang mga damit na binigay sa kan'ya ni JM para lang mapamura.Paano
CONNOR CAYDEN...Nang umpisa ay medyo nahihirapan s'ya dahil hindi nga s'ya sanay sa ganitong trabaho o mas tamang sabihin na hindi n'ya talaga naranasan na maghirap sa buhay.Ngunit ng magtagal ay unti-unti na din s'yang natuto kung paano ang tamang pagkuha ng mga ubas at habang tumatagal ay nag eenjoy na s'ya sa kan'yang ginagawa. Mataas na ang sikat ng araw at hindi n'ya alam kung anong oras na ngayon.Wala s'yang suot na relo at wala din s'yang kain simula pa kanina. Nawili s'ya sa kan'yang ginagawa at hindi n'ya namalayan na sobrang dami na pala ng kan'yang na harvest.Basang-basa na din ang kan'yang damit ng pawis ngunit hindi n'ya alintana iyon. Itinali n'ya ang kan'yang buhok paitaas dahil panay ang tabing nito sa kan'yang mukha. "Papa ninong, stop na po sa work. Hindi pa ikaw kumakain," nagulat s'ya ng marinig ang boses ni Amelia. Nang lingunin n'ya ito ay nakita n'ya ang bata na nakatayo sa di kalayuan at namumula ang mukha lalo na ang ilong nito."Hey princess, anong ginag
CONNOR CAYDEN..."Amelia!" natigil sila sa pag-uusap ni Amelia ng marinig ang pagtawag ni JM dito. Pareho silang dalawa ng bata na napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita n'ya ang asawa na papalapit.At ganon na lang ang kan'yang pagkatulala habang nakatingin dito na papalapit sa kanila.Kahit sa simpling kasuotan ay lumalabas pa rin ang ganda ni JM na kahit sinong lalaki ay mapapatingin dito kapag dumaan ito."Mommy ko," malambing na tawag ni Amelia sa tiyahin na ngayon ay mommy na ang tawag."What are you doing here? Kanina pa kita hinahanap!""Sorry po mommy ko, nakita ko po kasi si daddy ng mapadaan kami ni ate Reah dito. Naawa po ako sa kan'ya kasi sabi ni ate Reah, early pa daw si daddy dito at wala pang kain. Tapos nabilad na s'ya sa init ng sun, mommy," malungkot na kwento ng bata kay JM. Nakita n'yang natigilan ang asawa ngunit maya-maya lang ay nakabawi din agad at napatingin sa kan'ya."Lunch is at twelve, Mr. Carson and you are supposed to eat bago ka pumunta dito,
CONNOR CAYDEN..."Let's go Amelia, mainit na dito at kailangan na nating umuwi dahil walang kasama si Ameil," aya ni JM sa pamangkin."Si daddy po, mommy ko?""He will stay here! May trabaho pa s'ya kaya mauna na tayo," nakangiting sagot ni JM sa bata ngunit mababanaag ang bawat diin nito sa mga kataga na lumalabas sa bibig at isa lang ang ibig sabihin no'n. Ayaw nitong kasama s'ya sa pag-uwi ng mga ito."H-Hindi po s'ya pwedeng sumama sa atin mommy ko?" giit pa ni Amelia at kita sa mukha nito na gustong-gusto na s'yang pauwiin."No! He needs to finish his work!" may pinalidad sa boses na sagot nito. Biglang lumungkot ang mukha ng bata ngunit wala din itong magawa kundi ang sumunod sa tiyahin."Bye, daddy! Huwag ka po masyadong magpagod," paalam at habilin ni Amelia sa kan'ya bago sumunod sa mommy nito. Sinundan n'ya ng tingin ang dalawa at ng mawala sa kan'yang paningin ay nagpakawala s'ya ng hangin at inalis ang sama ng loob sa kan'yang dibdib.Masakit pala na tratuhin ng ganito kal
CONNOR CAYDEN...Nagulat s'ya ng makita ang asawa ngunit ng mahimasmasan ay dali-dali s'yang lumapit dito ngunit hindi pa s'ya nakahakbang ay dali-dali na nitong pinatakbo palayo ang kabayo.Bigla s'yang kinabahan at nanlamig ang kan'yang buong katawan. "Fvck!" mura n'ya at nagpabalik-balik ng lakad at hindi mapakali. Ngayon lang s'ya nakaramdam ng takot at iyon ay dahil sa asawa.Tiniis n'ya ang init at pagod buong araw. Ngunit kahit nagtatrabaho s'ya ay hindi mawala sa kan'yang isip ang asawa. Gustohin n'ya mang umuwi ngunit hindi n'ya magawa dahil hindi n'ya alam ang daan pauwi at may kalayuan din iyon.Walang ibang sasakyan kundi ang sinakyan nilang jeep kanina ng pumunta sila dito. At nang hinanap n'ya naman ang driver ng jeep kanina para sana magpahatid pauwi ngunit napag-alaman n'ya na wala ito at babalik lang ito pagkatapos na ng trabaho nila para sunduin sila.Kaya wala s'yang nagawa kundi ang ituon na lang ang lahat ng kan'yang atensyon sa pagtatrabaho. Kahit walang kain at
CONNOR CAYDEN..."Here! Maligo ka at magbihis," utos sa kan'ya ng asawa sabay itsa ng isang bag kung saan ay nasa loob ang kan'yang mga damit. Nagsalubong pa ang kan'yang mga kilay ng makilala ang bag na hawak."This is my bag, right?" nagtatakang tanong n'ya rito."Yeah! Why? Any problem?" nakataas ang kilay na sagot ng asawa sa kan'ya."Paano mo nakuha to? Pumasok ka sa kwarto ko?" "What is your problem, Mr. Carson? Sa pagkakaalala ko ay may karapatan ako sa lahat ng kung anong mayroon ka dahil asawa mo ako and that includes, checking your things," inis na singhal nito sa kan'ya na ikinangisi n'ya.She looks annoyed at namumula ang pisngi nito dahil sa sobrang inis sa kan'ya. Bagay na nagugustohan n'yang tingnan dahil mas lalo pa itong gumaganda kapag namumula ang pisngi."Hmmmm! Anong karapatan mo? You invade my privacy and my things," dagdag na pambubwesit n'ya rito."Because I am your fvcking wife! Damn you!" inis na singhal nito sa kan'ya. Hindi n'ya napigilan ang kan'yang sari
CHARLES MALCOLM... "Fvck! Champ, Charlie, tulongan n'yo ako sa mga kapatid n'yo," hindi magkandauga na paghingi n'ya ng tulong sa kan'yang mga panganay. Naiwan silang walo sa bahay dahil may pinuntahan si Dee. At rules na sa bahay nila na kapag may pupuntahan ang isa sa kanila ng asawa ay kailangan na may maiiwan na isa kahit pa may tig-isang yaya ang kan'yang mga anak. Pito na lahat ang kanilang mga anak at dalawang taon na ang bunso nila ni Dee na kambal ulit. Halos dalawang taon lang ang pagitan ng triplets at ng bunso nila ng kan'yang asawa. Hindi naman problema sa kanila ang maraming anak dahil kaya naman nilang buhayin ngunit kapag may ganitong pagkakataon na s'ya ang nakatoka na magbabantay sa pito ay pakiramdam n'ya ay malalagas ang kan'yang mga bolbol. "Papa, you can do it. Busy ako sa paghuhugas ng mga feeding bottle nila," sagot ni Charlie sa kan'ya na ngayon ay mag- wawalong taong gulang na. Parang kailan lang ay katulad din ito ng mga kapatid ngunit ngayon ay katuwan
ABRIELLE DEE... "Ahhhhhh! Ang sakit ng t'yan ko! Charles! Charles!" namimilipit sa sakit na sigaw n'ya sa asawa. Nasa loob s'ya ng isang private room sa hospital na pinagdalhan sa kan'ya. Dalawang linggo na s'yang naka confine dahil sa OA n'yang asawa. May dalawang linggo pa bago s'ya manganak ngunit hindi na ito magkandauga sa pagpunta sa hospital at dito na sila nanatili simula pa noong nakaraang dalawang linggo. Nang malaman n'ya na tatlo ang nasa loob ng kan'yang sinapupunan ay agad n'yang ipinaalam ito kay Charles dahil aaminin n'ya na kahit anong tapang n'ya ngunit may takot s'yang nararamdaman na baka kung may mangyari sa kanilang mga anak kung itatago n'ya ito sa asawa. Mas mabuti ng alam nito para matulongan s'ya nitong alagaan ang kan'yang pagbubuntis. At hindi naman s'ya nabigo dahil trumiple pa ang pag-aalaga at pag-iingat ni Charles sa kan'ya. Very hands-on ito sa lahat ng bagay pati na sa kanilang dalawang anak. Halos hindi na s'ya nito pagalawin sa bahay nila dahil
ABRIELLE DEE... "Charles aalis na ako, ikaw na muna ang bahala sa dalawang bata, ha!" paalam n'ya sa asawa. Tatlong taon na silang kasal ni Charles at mag-aapat na taon na din ang kambal. Hindi pa nila ito nasundan sa hindi malamang dahilan. Active naman ang kanilang sex life na dalawa at halos walang pahinga na nga sila. Nag resign si Charles sa pagiging sundalo ngunit hindi ito pinayagan ng presidente bagkus ay binigyan ito ng posisyon sa opisina ng militar. Kaya isang mataas na opisyal na ngayon ang kan'yang asawa at mataas ang posisyon nito. S'ya naman ay hindi pinigilan ni Charles sa kan'yang gustong gawin sa kan'yang buhay kahit kasal na sila at may mga anak bagkus ay sinuportahan pa s'ya nito. Ngunit ang kan'yang focus sa ngayon ay ang kan'yang pamilya kaya hindi na muna s'ya gaanong nagtatrabaho. May mga misyon s'ya pero hindi na ganon ka dilikado katulad ng dati. Ang kan'yang routine ngayon ay pamilya, ang kanilang negosyo ni Charles at ang kan'yang shelter na mas luma
ABRIELLE DEE... The ceremony went well and fast at hindi n'ya man lang namalayan na tapos na pala ang lahat. She can't even remember kung ano ang mga sinabi n'ya sa kan'yang vows para kay Charles at ganon din ang mga sinabi nito para sa kan'ya dahil ang kan'yang isip ay kung saan-saan nakarating. Ang daming bagay ang kan'yang na-imagine na magkasama silang apat ni Charles at ang kanilang mga anak habang patuloy ang seremonyas ng kanilang kasal. At nagbalik na lang s'ya sa kan'yang sarili ng halikan s'ya sa labi ng asawa. Patunay na tapos na pala ang kanilang kasal and she is now officially Mrs. Charles Malcolm Carson. "You're spacing out, mi amore," pabulong na sabi ng asawa sa kan'ya ng maghiwalay ang kanilang mga labi. "I imagined too much but don't worry dahil kasama naman kita at ang mga anak natin sa imagination ko," sagot n'ya rito at sinundan ng hagikhik. Mahinang natawa si Charles at pinanggigilan na pinisil ang kan'yang ilong. "Silly mama," sabi nito at hinalikan s'ya
CHARLES MALCOLM... The day he was dreaming of came at wala ng pinakamasayang lalaki sa buong mundo kundi s'ya. Standing in front of the man-made altar sa gitna ng kanilang ubasan sa Italy habang hinihintay ang pinakamaganda at pinakamamahal n'yang babae ay isa sa pinakamasayang sandali ng kan'yang buhay. Pagkalipas ng isang linggo, matapos ang kan'yang proposal kay Dee ay idinaos ang kanilang kasal na dalawa. Parehong masaya ang lahat lalo na ang kan'yang pamilya. Bailey is Dee's maid of honor at magkasundo ang dalawa sa lahat ng bagay. Natatawa pa s'ya kapag naiisip n'ya na naging matalik na magkaibigan ang kan'yang dating asawa at ang present wife n'ya. Kung sabagay ay wala namang involve na pagmamahal ang sa kanilang dalawa ni Bailey at nangyari lamang iyon dahil sa kanilang mga pamilya. At malaki din ang pasasalamat n'ya sa babae na hindi na s'ya pinahirapan pa nito. Hiling n'ya na sana ay makita at matagpuan na rin ni Bailey ang totoong pag-ibig nito. Hindi n'ya napansin na
ABRIELLE DEE... "Warm up lang to Charles! We have more on this sa honeymoon natin and yes— I will marry you," pilyang sagot n'ya sa lalaki na pareho nilang ikinatawa na dalawa. "And speaking of the proposal, this is not the plan pero dahil nandito na din tayo. Let me do it in a romantic and sensual way," sagot ng lalaki at agad na bumangon. Walang kahit na suot na naglakad ito at pinulot sa sahig ang pantalon na hinubad nito kanina. Nakagat n'ya pa ang kan'yang pang-ibabang labi ng makita ang maumbok at maputi na puwetan ni Charles. Nahuli pa s'ya nito ng humarap ito sa kan'ya at agad na sumilay ang isang ngiti sa labi ng lalaki ng maglakad pabalik sa kama. Mas lalong nag-init ang kan'yang mukha ng tumayo ito sa gilid ng kama at tumapat mismo sa kan'yang mukha ang nakatayo at parang galit na galit pa rin na pagkalalaki nito. "Enough of that kind of look, mi amore dahil simula sa araw na ito ay araw-araw mo ng makikita ang galit na galit na sandata ko d'yan sa baba at kasalanan mo
ABRIELLE DEE... "Huwag ka ng magselos kay Bailey, mi amore dahil ikaw ang asawa ko at ikaw ang pakakasalan ko ulit. Hmmmm! Let's build our family together at sa pagkakataong ito ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan natin, Mrs. Abrielle Dee Lopez— Carson," puno ng lambing na sabi ng lalaki sa kan'ya ngunit parang bomba na sumabog sa kan'yang pandinig ang lahat ng binitawan nitong salita na s'yang dahilan ng ilang segundo n'yang pagkatulala sa kawalan. "Mi amore?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng mahina s'yang tinapik ni Charles sa mukha. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at hinamig ang kan'yang sarili. "Stop playing with me, Charles," matapang na sabi n'ya rito. Nagsalubong ang mga kilay nito at puno ng pagtataka na nagsalita. "Playing with you? Who says na pinaglalaruan kita, Dee? I'm telling you the truth. Bago pa ako pumunta dito ay inayos ko na ang lahat sa amin ni Bailey. We are no longer married. Tinupad n'ya ang pangako n'ya sa akin na kapag naibalik ko sa kan'ya ang
ABRIELLE DEE... Binuksan n'ya iyon at agad na pumasok ngunit ng akmang isasarado n'ya na ito ay may malaking kamay ang pumigil sa pinto at mabilis ang mga kilos na pumasok sa loob at ito na mismo ang nagsarado ng pinto. Dahil sa pagkagulat ay hindi agad s'ya nakahuma at awang lamang ang mga labi na nakatingin sa mukha ni Charles na walang emosyon na nakatingin sa kan'ya. "Charles, anong ginagawa mo dito? Baka makita ka nila at kung ano pa ang sasabihin nila tungkol sa akin. Ayoko ng gulo Charles kaya pakiusap, lumabas ka na," taboy n'ya sa lalaki ng makabawi sa pagkagulat. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla na lamang itong sumulpot sa kan'yang silid. Ngunit imbes na umalis ito at sundin ang kan'yang sinabi ay hindi ito ginawa ni Charles bagkus ay lumapit pa ito sa kan'ya hanggang sa ikinulong s'ya sa dalawang mga braso nito. Mas lalo s'yang hindi nakahuma ng ilapit ni Charles ang mukha sa kan'yang mukha. "Bakit ka umalis sa hapag-kainan? Hmmmmm!" paanas ang boses
ABRIELLE DEE... Kanina pa s'ya nakaupo sa kama habang tulala. Hindi n'ya inaasahan na magkita-kita silang tatlo ni Charles at Bailey sa bahay ng abuela nito. Kung tutuusin ay s'ya ang sampid sa pamamahay ng mga ito dahil hindi naman s'ya kamag-anak ng mga Carson. Inanakan lang s'ya ni Charles ngunit hindi ibig sabihin na bahagi na s'ya ng pamilya nito. Mapait s'yang napangiti at pinahid ang luha na naglandas sa kan'yang pisngi. Ngayong gabi ay magkakaroon ng dinner to formally welcome Bailey as part of the family. At kanina pa lang ay inabesohan na s'ya ni Nana na sumabay sa dinner. Ayaw n'ya namang magmukhang better kaya kahit masakit para sa kan'ya ay sasabay s'ya sa mga ito. Aalis na lang s'ya rito pagkatapos ng kasal ng dalawa dahil nangako na s'ya sa abuela ni Charles na tutulong sa paghahanda at hindi n'ya na mababawi pa iyon. Matapos ang kan'yang pag-eemote sa kan'yang silid ay tumayo s'ya at inayos ang suot na damit. Naglagay s'ya ng powder sa mukha at kaunting lipstick