CONNOR CAYDEN...Tahimik sila at hindi nag-uusap na bumiyahe pauwi kinabukasan. Nakita n'ya si JM kagabi sa batohan ngunit hindi ito nagsasalita o kahit magpaliwanag man lang sa kan'ya. Naging bingi ito sa kan'yang mga tanong at naging pipi sa pagsagot sa kan'ya.Pakiramdam n'ya ay umiiwas ito na sagutin ang kan'yang mga katanungan kung bakit itinago nito sa kan'ya ang totoong mukha. Napagod lang s'ya kagabi sa kakatanong sa babae ngunit wala s'yang sagot na nakuha hanggang sa s'ya na ang sumuko dahil pakiramdam n'ya ay sasabog na s'ya dahil sa galit dito. Ayaw n'ya na may magawa o masabi na hindi maganda dito na pagsisihan n'ya sa huli kaya s'ya na ang umiwas at hinayaan na lamang ito sa pananahamik.Wala din s'yang imik dito habang nasa byahe silang dalawa pabalik ng syudad at tahimik lang din na minaniubra ang yati. Gusto n'ya man itong kausapin tungkol sa natuklasan n'ya ngunit hindi n'ya alam kung saan magsisimula kaya pinili n'ya na lang na manahimik na lang muna at pag-isipan n
CONNOR CAYDEN...Nagmaneho s'ya patungo sa bahay ng pinsan na si Brook. Habang nasa byahe ay hindi mawala-wala sa kan'yang isip ang natuklasan ng pinsan na nangyayari sa kan'yang kompanya.Pero hindi pa malinaw ang lahat dahil hindi buo at kumpleto ang sinabi nito sa kan'ya sa telepono kanina. Kaya s'ya nagpasyang puntahan ito sa bahay para makapag-usap sila ng maayos.May isang tao na pumapasok sa isip n'ya na s'yang may gawa sa lahat ngunit pilit n'yang iwinawaksi iyon sa kan'yang isip dahil hindi magagawa ng taong ito na traidorin s'ya.Kahit minsan ay hindi n'ya ito tinrato ng masama kahit pa demonyo ang kan'yang ugali. Mabilis ang kan'yang pagpapatakbo sa kan'yang kotse. Gusto n'ya na agad na marating ang bahay ni Brook. Sa tinagal-tagal n'ya sa pagnenegosyo ay ngayon lang nangyari na may nanggago sa kan'ya. Naging mabait naman s'ya sa kan'yang mga empleyado at sinasahoran n'ya din ang mga ito ng tama kaya hindi n'ya lubos maisip na may mga tao pa rin na hindi grateful sa kompan
CONNOR CAYDEN...Nagpasya s'yang dumiretso sa kan'yang kompanya pagkatapos nilang mag-usap ni Brook. Napag-usapan nila ang planong gagawin ngunit kailangan n'ya munang ayusin ang iba pang mga papeles para maging ebedensya nila.Marami ang nawawala sa kan'yang kompanya at hindi lamang pera kundi pati na rin ang mga importanting mga papeles.Hindi pa rin s'ya makapaniwala na may gagawa sa kan'ya ng ganito at ang mga taong pinagkakatiwalaan n'ya ang salarin. Marahas s'yang nagbuga ng hangin habang ang mga mata ay nasa daan.Hindi n'ya hahayaan na babagsak s'ya dahil lang sa mga taong ganid at sakim sa yaman. Mahigpit na nakahawak ang kan'yang mga palad sa manibela habang igting ang mga kamao. Ngayon lang nangyari sa kan'ya ang ganito.Wala pang kahit na sino ang naglakas ng loob na lokohin s'ya. Sumagi sa kan'yang isip ang asawa at nagtagis ang kan'yang mga bagang ng maalala ito.Narating n'ya ang kan'yang kompanya na samot-saring bagay ang gumugulo sa kan'yang isip. Seryoso at walang ka
CONNOR CAYDEN...Mabilis ang kan'yang pagmamaneho pauwi. Habang nasa daan ay malakas na kumakalabog ang kan'yang puso. Kahit hindi sila nag-uusap ni JM ngunit hindi n'ya naman pwedeng pabayaan na lang ang asawa.Samot-saring bagay ang gumugulo sa kan'yang isip ngayon habang nagmamaneho pauwi. Kahit pula ang ilaw sa mga traffic lights ngunit hindi n'ya pinapansin iyon at nagpatuloy lang sa mabilis na pagmamaneho para marating agad ang kan'yang tinitirhan.At wala pang kalahating oras ay narating n'ya na ang subdivision kung saan nakatayo ang kan'yang bahay. Hindi pa ganon kabukas ang kan'yang gate ngunit itinigil n'ya na agad ang sasakyan at mabilis na bumaba.Patakbo s'yang pumasok sa loob at sa bungad pa lang ng bahay ay malakas na s'yang nagsisigaw para tawagin si JM."JM, JM," tawag n'ya rito habang papasok. Wala s'yang sagot na narinig kaya mas lalo pa s'yang kinabahan. Hindi n'ya man lang napansin ang mga nagkalat na mga gamit sa sala dahil sa pagmamadali na makita ang asawa."Shi
CONNOR CAYDEN...Masaya n'yang inilibot ang dalawang bata sa kan'yang bahay. Hindi din nagpaiwan si Amera at sumabay din ito sa kanila kaya apat na sila ngayon ang naglilibot sa buong kabahayan habang si JM naman ay nasa kusina at nagluluto ng kanilang haponan.Nakaramdam s'ya ng pang-uusig ng kan'yang kunsensya na ang asawa n'ya ang pinahirapan n'ya sa pagluluto ngunit alam n'ya na kahit ayain n'ya ito na sumama sa kanila ay hindi ito sasama. Nakikita n'ya sa mga mata nito kanina ang pagkadismaya ng sinakyan n'ya ang pagpapakilala nito na katulong at hindi asawa n'ya.Alam n'ya at ramdam n'ya iyon ngunit ito din naman ang nagsimula ng lahat kaya sinakyan n'ya ito sa gusto nitong mangyari na kilalanin ito bilang kasambahay n'ya at hindi asawa."Fvck! Mas maganda pa nga ito kaysa kay Amera kung tutuusin," lihim na sabi n'ya sa kan'yang sarili. Kung hindi lang naglagay ng puting cream sa mukha si JM ay malamang na walang panama ang ganda ng kan'yang kaibigan sa ganda ng kan'yang asawa.
JEAN MARY..."No! We are not Amera, sinasabi ko lang kay Inday kung ano ang gustong kainin ng mga bata. Let's go to the dining area, doon na natin hintayin ang mga pagkain," aya ni Cayden sa kaibigan nito na bigla na lamang sumulpot sa kusina.Tahimik lamang s'ya na ipinagpatuloy ang kan'yang ginagawa at hindi pinapansin ang dalawang tao na nag-uusap. Ang akala n'ya ay sasama ang babae sa paglabas ni Cayden ngunit nagulat s'ya ng marinig ang sinabi nito sa kan'yang asawa."No Cayden, I want to help your maid. Mauna ka na doon, samahan mo ang mga bata at tutulongan ko lang si Inday sa paghahain," malambing na sagot nito sa kan'yang asawa ng yayain ito ni Cayden palabas.Lihim s'yang napairap ng kan'yang mga mata ng marinig ang malambing na boses nito.Hindi s'ya nagpakita ng kahit na anong reaction sa mga naririnig at hinahayaan lamang ang dalawa sa pag-uusap ng mga ito. Akala n'ya ay aalma ulit ang kan'yang asawa sa sinabi ng kaibigan nito ngunit nagulat s'ya ng hinayaan na lamang ito
CONNOR CAYDEN...Walang nagawa ang asawa kundi ang maupo at sumabay sa kanila sa pagkain. Nakikita n'ya na nanginginig ito at nag-aalala s'ya para rito kaya hindi n'ya pinahintulotan ang asawa na mawala sa kan'yang paningin.Tahimik s'yang kumakain ngunit panaka-naka ay nakikipag-usap sa mga bata at kay Amera. Halos hindi n'ya maialis ang kan'yang mga mata kay JM na tahimik na kumakain sa dulo. Malayo ito sa kanila at hinayaan n'ya na lang iyon dahil alam n'ya na hindi ito komportable sa kan'yang mga bisita.Nakaramdam s'ya ng galit kanina sa sinabi ni Amera na ang mga kasambahay ay hindi kumakain kasama ang mga amo. Gusto n'yang ipagsigawan sa pagmumukha nito na hindi katulong ang sinasabihan nito na kasambahay kundi asawa n'ya. Ngunit ng mapatingin s'ya kay JM ay nakita n'ya sa mga mata nito na parang pinipigilan s'ya sa kan'yang gustong sabihin kay Amera kaya itinikom n'ya na lang ang mga labi at pinigilan ang kan'yang sarili na magsalita."How's your business by the way, love? Mu
CONNOR CAYDEN...Sakop ng kan'yang labi ang labi ng asawa at ang dalawang kamay nito ay umakyat sa kan'yang batok at nangunyapit doon. Pareho ng nag-iinit ang kanilang mga katawan ng asawa.Nang wala s'yang maramdaman na pagtutol mula rito ay ipinagpatuloy n'ya ang kan'yang ginagawang paghalik sa labi ni JM at ang kan'yang mga kamay naman ay nagpakasasa sa paghagod sa bawat parti ng katawan nito na madadaanan ng kan'yang palad.Ramdam n'ya na rin ang init na unti-unting lumulukob sa kan'yang buong katawan at ganon din ang init na nagmumula sa katawan ng asawa. They both love what they are doing. Pareho silang may pagnanasa sa isat-isa ng mga oras na iyon."Hmmmm," ungol nito sa gitna ng kanilang paghahalikan ng bahagya n'yang pisilin ang utong ng asawa. Naninigas na ito at alam n'ya na pareho silang dalawa ng nararamdaman ng mga oras na iyon. Gusto nila ang init ng katawan ng isa't-isa. Naninikip na din ang bagay sa gitna ng kan'yang pantalon at parang gusto ng kumawala mula sa pagka