CONNOR CAYDEN...Gabi na ng makababa s'ya. Ngayon n'ya lang naalala ang asawa. Agad s'yang dumiretso sa kusina at nagbabasakali na nasa kusina si Indeeey ngunit walang tao doon.Kaya naman ay lumabas na lang s'ya at pinuntahan ito sa silid na inuokopa nito. Kumatok muna s'ya ng ilang beses ngunit walang sumasagot kaya sinubukan n'yang pihitin ang seradura at hindi naman pala naka-lock iyon.Kaya naman ay itinulak n'ya na lang ang pinto at sumilip sa loob. Wala s'yang nakitang tao kaya naman ay nagpasya na s'yang pumasok at tinungo ang pintoan ng banyo."Wife! Nasa loob ka ba?" tawag n'ya rito ngunit walang sumasagot. Inulit n'ya pa ng ilang beses ang pagtawag dito ngunit ganon pa rin. Wala s'yang narinig na sagot mula sa loob kaya katulad sa pinto ng silid ng asawa kanina ay itinulak n'ya din ito at sumilip kung may tao sa loob o wala.At wala s'yang nakita na kahit anino ni JM kaya nagtaka s'ya kung saan ito pumunta."Where is she?" tanong n'ya sa sarili at nagpasyang lumabas para ha
CONNOR CAYDEN...Walang tumawag sa kan'ya na kahit isa kaya sobrang pag-alala ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Inabot na sila ng hapon sa kakahintay ngunit walang nangyari.Kaya naman ay nagpasya na s'yang umalis para hanapin ang asawa. Pabalik-balik na s'ya ng lakad sa buong living ng bahay ni Henry habang naghihintay ng tawag at kanina pa s'ya parang binibitay dahil sa paghihintay.Ngayon n'ya lang naranasan ang ganitong pakiramdam. Naghalo ang galit, inis, kaba at takot n'ya dahil sa pagkawala ni JM."I'm leaving!" matigas na sabi n'ya sa mga pinsan at agad na tinungo ang pinto."Where are you going?" pasigaw na tanong ni Henry sa kan'ya. "Hahanapin ko ang asawa ko!" determinadong sagot n'ya kay Henry at hinawakan ang seradura ng pinto at pinihit iyon para buksan.Akmang lalabas na s'ya ng pinto ng bigla na lamang tumunog ang kan'yang cellphone na nasa bulsa na ikinatigil n'ya. Napalingon s'ya sa mga pinsan na nasa kan'yang likuran at nakita n'ya ang pagtango ni Henr
CONNOR CAYDEN..."Are they all dead?" malamig na tanong n'ya sa kan'yang pamilya na nanunuod ng news tungkol sa isang van na nahulog sa bangin kasama na ang mga sakay nito."Yes, they are!" pagkumpirma ni Briggs sa kan'ya. Nakita n'ya pa kung paano nito lingunin si Henry at nagtagal ang tinginan ng dalawa na parang nag-uusap na ang mga ito lang ang nakakaalam."Nasabi ba sa balita kung sino ang may gawa nito sa mga taong iyan?" usisa n'ya pa sa mga ito. Gusto n'yang malaman ang totoong nangyari sa mga lalaki at gusto n'yang makilala kung sino ang may mga gawa nito sa kalalakihan. Gusto n'ya sana na s'ya ang hahanap sa mga gagong ito at pagbayarin sa ginawa sa kan'yang asawa ngunit naunahan na s'ya ng iba."No! Walang may nakakaalam Connor! Hindi pa malinaw kung sinadya ang nangyari sa mga ito o aksidente lang. Pero sa tingin ko ay malabong aksidente ang pagkahulog ng mga gagong iyan," si Charles na ang mga mata ay nakatutok sa screen ng television."Fvck! Sana nauna ako sa taong gumaw
CONNOR CAYDEN...Pagkalabas ni JM sa banyo at mariin lang s'yang nakatingin dito. Hindi nito sinasalubong ang kan'yang mga mata na ikinapagtaka n'ya. Madalas naman kasi kahit galit s'ya at alam naman ng asawa ngunit matapang nitong sinasalubong ang kan'yang mga mata.Ngunit ngayon ay kakaiba. Panay ang iwas nito ng tingin sa kan'ya at halos hindi s'ya kausapin. Iniisip n'ya na lang na baka sa trauma ito sa nangyari kanina kaya hinayaan na lang muna at inintindi ang pananahimik nito."Do you want to rest a little bit more?" masuyong tanong n'ya rito. Isang tango lamang ang sagot nito sa kan'ya at agad na nahiga pabalik sa kama na nakatalikod sa kan'ya. Hinatak n'ya ang kumot at itinakip sa katawan nito.Itinaas n'ya ang kan'yang kamay para sana haplusin ang buhok nito ngunit sa huli ay mas pinili n'ya na lang na huwag na lang gagambalain ang pamamahinga nito. Mamaya n'ya na lang ito kausapin kapag maayos na ang pakiramdam ng asawa.Matapos makapagpahinga ni Indeeyyy ay nagpasya silang
CONNOR CAYDEN...Nagising s'ya kinabukasan na masama ang timpla. May hindi magandang nangyayari sa negosyo n'ya at kailangan n'yang hanapin ang hudas na may gawa nito.Talagang sinusubukan ng mga hayop na yon kung ano ang kayang gawin ng isang Connor Cayden Carson. Sa sunod-sunod na nangyari ngayon sa kan'ya mula sa pagkidnap kay JM ay napagtanto n'ya na may malaking tao sa likod nito na s'yang sumasabotahe para pabagsakin s'ya.Naikuyom n'ya ang kan'yang kamao dahil sa galit na unti-unti na lamang umusbong sa kan'yang puso. Huwag lang madamay ang kan'yang asawa dahil hindi n'ya talaga bubuhayin ang mga ito.Bago s'ya natulog kagabi ay tinawagan n'ya muna ang pinsan na si Brook at sinabi dito ang kan'yang natuklasan. At nag-alok agad ang pinsan ng tulong sa kan'ya na hindi n'ya nahindian. Kilala n'ya at alam n'ya kung paano magtrabaho si Brook kaya kampati s'ya na mababawi ng pinsan ang mga nawala sa kan'ya.Nag-unat s'ya ng mga braso at nagpasyang bumangon para silipin ang asawa sa ba
CONNOR CAYDEN..."Baby are you done? We need to leave now!" tawag n'ya kay Indeeyyy mula sa labas ng silid nito. Pagkatapos nilang kumain kanina ay may ginawa lang s'ya saglit at pagkatapos n'ya ay nagyaya na s'ya na umalis. Tinawagan pa kasi n'ya ni Brook at kinausap kanina. Iniwan n'ya sa pinsan ang lahat at sinabi na pupunta muna s'ya sa isla at baka sa linggo ng gabi na sila makakauwi ni JM. Tinawagan n'ya din si Adrian para ipahanda ang lahat ng mga papeles at si Henry naman Charles at Briggs ay nagtatrabaho na din para sa kan'ya.Malaki ang pasasalamat n'ya sa mga pinsan na palaging available para sa isat-isa at hindi nagpapabaya lalo na kung ang isa sa kanila ay nangangailangan ng tulong.Pagbalik n'ya ay kakausapin n'ya si Axle na kapatid ni Brook. Kailangan n'ya na sigurong lumipat sa mas malaking bahay kaya kailangan n'ya ng magpagawa ng bago. Si Lay naman na kapatid din ni Brook na isang doctor ay binigyan s'ya ng mga gamot na pwedeng ipainom sa asawa in case makitaan n'ya
CONNOR CAYDEN...Naglayag silang dalawa ng asawa patungo sa kan'yang isla. Ngayon na nasa gitna na sila ng dagat ay nakitaan n'ya na ng emosyon sa mukha si JM.Nakikita n'ya rito na nangingislap ang mga mata nito habang nakatingin sa malinaw at kulay asul na tubig."Do you like the ocean?" tanong n'ya rito habang nasa harapan ng manibela ng yati. S'ya ang nagmamaneho nito at ang asawa naman ay nakatayo sa gilid n'ya habang nakatingin sa malawak na karagatan."Oo!" tipid na sagot nito."That's good! Magsasawa ka sa dagat pagdating natin sa isla mamaya wife," sagot n'ya rito."Hmmm, titingnan ko," nakangiting sagot ng asawa na ikinangiti n'ya na din. Kapag nakikita n'yang nakangiti ito ay napapangiti na din s'ya. Para bang nakakahawa ang ngiti nito na hindi n'ya mapigilan na mapangiti na din.Hindi nagtagal ay narating nila ang kan'yang isla. Malayo ito sa mga karatig isla at silang dalawa lang ang narito. Ang taohan n'ya kanina na si Balong ay pumupunta dito every week at dala ang iba
CONNOR CAYDEN...Ang unang araw nila ni JM sa isla ay naging isang memorable at masaya para sa kanilang dalawa. Magkatulong sila sa pagluluto ng kanilang pagkain. Naisipan din nilang maghanda ng iihawin para mamaya dahil nagkasundo sila na mag-iihaw mamaya kapag hindi na masakit ang sikat ng araw.Balak n'yang saksihan nilang dalawa ng sabay ang paglubog ng araw.Hindi n'ya naisip na ganito pala kasaya ang simpling pamumuhay kasama ang babaeng mahal n'ya. A simple date, no fancy restaurants, no fine dining pero sobrang excited s'ya. "Cayden ako na ang tutusok ng mga yan. Magaling akong magtusok," nakangising pagboluntaryo ni JM sa kan'ya na ang tinutukoy ay ang mga mais na iihawin nila mamaya. Marami s'yang inihanda na mga karne, sausage, mais at mga patatas na ibinalot n'ya sa foil para madaling maluto sa apoy.Tinaasan n'ya ito ng kilay ng marinig ang sinabi nito. Iba ang dating ng sinabi nito sa kan'ya lalo pa ng makita ang ngisi nito na abot tainga."Magaling tumusok ha! Ako wif