CONNOR CAYDEN...Ang unang araw nila ni JM sa isla ay naging isang memorable at masaya para sa kanilang dalawa. Magkatulong sila sa pagluluto ng kanilang pagkain. Naisipan din nilang maghanda ng iihawin para mamaya dahil nagkasundo sila na mag-iihaw mamaya kapag hindi na masakit ang sikat ng araw.Balak n'yang saksihan nilang dalawa ng sabay ang paglubog ng araw.Hindi n'ya naisip na ganito pala kasaya ang simpling pamumuhay kasama ang babaeng mahal n'ya. A simple date, no fancy restaurants, no fine dining pero sobrang excited s'ya. "Cayden ako na ang tutusok ng mga yan. Magaling akong magtusok," nakangising pagboluntaryo ni JM sa kan'ya na ang tinutukoy ay ang mga mais na iihawin nila mamaya. Marami s'yang inihanda na mga karne, sausage, mais at mga patatas na ibinalot n'ya sa foil para madaling maluto sa apoy.Tinaasan n'ya ito ng kilay ng marinig ang sinabi nito. Iba ang dating ng sinabi nito sa kan'ya lalo pa ng makita ang ngisi nito na abot tainga."Magaling tumusok ha! Ako wif
CONNOR CAYDEN..."Halika ka na nga dito Cayden at ihawin mo na ito bago pa ikaw ang iihawin ko," utos sa kan'ya ng asawa pagkatapos s'ya nitong tapunan ng isang malamig na tingin."Fvck! Balewala lang ba sa kan'ya ang sinabi ko na mahal ko s'ya?" lihim na pagkausap n'ya sa sarili habang sinusundan ng tingin ang likod nito.Naihilamos n'ya ang kan'yang palad sa mukha. Naisip n'ya na sobrang hirap para sa kan'ya ang umamin ng totoong nararamdaman n'ya para dito pero parang balewala lang sa asawa ang kan'yang sinabi."Cayden!" napukaw lang s'ya ng marinig ang pagtawag nito sa kan'ya."Y-Yeah! I'm coming," sagot n'ya rito at pilit na binalewala na lang ang ipinakitang reaction ng asawa tungkol sa kan'yang sinabi dito.Ayaw n'ya na masira ang gabi nila dahil lang sa naging reaction ni JM. Iniisip n'ya na lang na baka nagulat ito sa pag-amin n'ya rito at hindi din nito alam ang isasagot sa kan'ya."Ako na ang magluluto dito wife, doon ka na sa mesa. Ikaw na ang bahala doon wife," boluntaryo
CONNOR CAYDEN..."What do you mean wife? Noon mo pa ako mahal? Anong ibig mong sabihin? Na kilala mo na ako noon pa?" sunod-sunod na tanong n'ya rito."Hmmm, yes!" sagot nito na ikinaawang ng kan'yang labi."H-How? Nagkakilala na ba tayo dati?" gulat na tanong n'ya rito. Mukhang hindi naman ito nagbibiro dahil napaka seryoso ng mukha nito habang sinasagot s'ya."Ako lang Cayden pero ikaw ay hindi mo ako kilala. Syempre bata pa ako no'n at ikaw naman ay gurang na," sagot nito sa kan'ya na ikinasingkit ng kan'yang mga mata."What did you say? Ako? Gurang? Aba wife, kalabaw lang ang tumatanda at para sabihin ko sayo, mas malakas pa to kaysa kalabaw," angal n'ya ngunit binilatan lamang s'yang nito at bumalik sa pagsandig sa kan'yang balikat.Sobrang saya ng kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Unti-unting sumilay sa kan'yang labi ang isang ngiti. Itinaas n'ya ang kan'yang braso at inilagay sa balikat ni JM sabay hatak dito para mas dumikit pa ang mga balat nilang dalawa.Hindi n'ya
CONNOR CAYDEN..."Matutuwa si mommy kapag nalaman n'ya na sinuot mo ang mga pinadala n'ya wife," nakangising sabi n'ya sa asawa ng marinig ang sinabi nito na susubukan nito na suotin ang mga ibinigay ng ina."Gago! Ikaw ang natutuwa, dinamay mo pa ang mommy mo eh," kastigo n'ya sa kan'yang sarili ng maisip ang kan'yang mga sinabi. Totoo naman kasi na s'ya ang nakaramdam ng tuwa habang naiimagine si JM na nakasuot ng seksing two piece swimsuit."P-Pero nakakahiya Cayden," nahihiyang sagot ng asawa sa kan'ya."There's no need to be shy baby, ako lang naman ang makakakita sayo na naka two piece swimsuit ka at walang ibang tao dito, tayong dalawa lang wife," pangungumbinsi n'ya pa. Talagang disidido s'ya na pagsuotin ito ng two piece swimsuit.Hindi n'ya maintindihan ang kan'yang sarili ngunit atat na atat talaga s'ya na makita si JM at ang katawan nito. Siguro ito ang tinatawag nila na tawag ng laman. Bilang lalaki ay normal lang na makaramdam s'ya ng ganitong pagnanasa sa isang babae.A
CONNOR CAYDEN..."Hubby!" tawag sa kan'ya ni JM. Doon pa s'ya at parang nataohan. Ilang beses n'yang ipinilig ang kan'yang ulo para hamigin ang sarili. Kanina pa yata s'ya nakanganga habang nakatingin sa asawa na papalapit dahil ramdam n'ya na ang lamig sa loob ng kan'yang bibig.Nasa harapan n'ya na pala ang babae at hindi pa rin nakahuma dahil sa pagkatulala sa nakitang kurba ng katawan nito. Ngayon na nasa malapit na ito ay mas lalo pa s'yang napatulala ng makita sa malapitan kung gaano ka puti ang balat ni JM.Kahit gabi na at medyo madilim ngunit mababanaag pa rin ang kumikinang na kaputian ng balat nito. Kita n'ya pa pati ang mga frekles sa balat ng dalaga na mas nagpadagdag sa sex appeal nito."Fvck!" malutong na mura n'ya at pilit na pinapakalma ang kan'yang machete sa gitna ng kan'yang mga hita."Hoy Cayden! Kanina ka pa nakatulala d'yan, ano ba ang nangyayari sayo?" sita sa kan'ya ni JM. Para naman s'yang nataohan ng marinig ang pagsigaw nito sa kan'ya. "Ahmmmm! Huh? Ako na
CONNOR CAYDEN..."Fvck!" malutong na mura n'ya habang nakatulala na nakatingin sa mukha ng babae na lumabas sa kan'yang banyo. Nakita n'yang nakatingin din ito sa kan'ya at walang ka emo-emosyon ang mukha. Hindi man lang ito nakitaan ng pagkagulat na makita s'ya nito sa paglabas nito sa banyo."Who the fvck are you?" matigas na tanong n'ya rito ng makabawi sa pagkagulat. Nakatapis lang ito ng puting tuwalya at tumutulo pa ang tubig sa buhok. Para itong Greek goddess na bumaba sa lupa. Napakaganda ng mukha nito na mamula-mula ang balat sa pisngi. Matangos ang ilong, manipis at mapulang labi. Ang kilay nito na parang inukit sa ganda na mas lalong bumagay sa mukha nito na hugis puso.Sa kabuoan ay kakaiba ang gandang taglay ng babae. Bumaba ang kan'yang mga mata sa binti nito at sobra s'yang natulala sa ganda, kinis at puti ng mga biyas nito na kahit isang balahibo ay wala s'yang nakita dahil sa sobrang kinis.Narinig n'ya ang pagpakawala ng babae hangin at naglakad palapit sa kan'ya ngu
CONNOR CAYDEN...Tahimik sila at hindi nag-uusap na bumiyahe pauwi kinabukasan. Nakita n'ya si JM kagabi sa batohan ngunit hindi ito nagsasalita o kahit magpaliwanag man lang sa kan'ya. Naging bingi ito sa kan'yang mga tanong at naging pipi sa pagsagot sa kan'ya.Pakiramdam n'ya ay umiiwas ito na sagutin ang kan'yang mga katanungan kung bakit itinago nito sa kan'ya ang totoong mukha. Napagod lang s'ya kagabi sa kakatanong sa babae ngunit wala s'yang sagot na nakuha hanggang sa s'ya na ang sumuko dahil pakiramdam n'ya ay sasabog na s'ya dahil sa galit dito. Ayaw n'ya na may magawa o masabi na hindi maganda dito na pagsisihan n'ya sa huli kaya s'ya na ang umiwas at hinayaan na lamang ito sa pananahamik.Wala din s'yang imik dito habang nasa byahe silang dalawa pabalik ng syudad at tahimik lang din na minaniubra ang yati. Gusto n'ya man itong kausapin tungkol sa natuklasan n'ya ngunit hindi n'ya alam kung saan magsisimula kaya pinili n'ya na lang na manahimik na lang muna at pag-isipan n
CONNOR CAYDEN...Nagmaneho s'ya patungo sa bahay ng pinsan na si Brook. Habang nasa byahe ay hindi mawala-wala sa kan'yang isip ang natuklasan ng pinsan na nangyayari sa kan'yang kompanya.Pero hindi pa malinaw ang lahat dahil hindi buo at kumpleto ang sinabi nito sa kan'ya sa telepono kanina. Kaya s'ya nagpasyang puntahan ito sa bahay para makapag-usap sila ng maayos.May isang tao na pumapasok sa isip n'ya na s'yang may gawa sa lahat ngunit pilit n'yang iwinawaksi iyon sa kan'yang isip dahil hindi magagawa ng taong ito na traidorin s'ya.Kahit minsan ay hindi n'ya ito tinrato ng masama kahit pa demonyo ang kan'yang ugali. Mabilis ang kan'yang pagpapatakbo sa kan'yang kotse. Gusto n'ya na agad na marating ang bahay ni Brook. Sa tinagal-tagal n'ya sa pagnenegosyo ay ngayon lang nangyari na may nanggago sa kan'ya. Naging mabait naman s'ya sa kan'yang mga empleyado at sinasahoran n'ya din ang mga ito ng tama kaya hindi n'ya lubos maisip na may mga tao pa rin na hindi grateful sa kompan