CONNOR CAYDEN...Nagising s'ya kinabukasan na masama ang timpla. May hindi magandang nangyayari sa negosyo n'ya at kailangan n'yang hanapin ang hudas na may gawa nito.Talagang sinusubukan ng mga hayop na yon kung ano ang kayang gawin ng isang Connor Cayden Carson. Sa sunod-sunod na nangyari ngayon sa kan'ya mula sa pagkidnap kay JM ay napagtanto n'ya na may malaking tao sa likod nito na s'yang sumasabotahe para pabagsakin s'ya.Naikuyom n'ya ang kan'yang kamao dahil sa galit na unti-unti na lamang umusbong sa kan'yang puso. Huwag lang madamay ang kan'yang asawa dahil hindi n'ya talaga bubuhayin ang mga ito.Bago s'ya natulog kagabi ay tinawagan n'ya muna ang pinsan na si Brook at sinabi dito ang kan'yang natuklasan. At nag-alok agad ang pinsan ng tulong sa kan'ya na hindi n'ya nahindian. Kilala n'ya at alam n'ya kung paano magtrabaho si Brook kaya kampati s'ya na mababawi ng pinsan ang mga nawala sa kan'ya.Nag-unat s'ya ng mga braso at nagpasyang bumangon para silipin ang asawa sa ba
CONNOR CAYDEN..."Baby are you done? We need to leave now!" tawag n'ya kay Indeeyyy mula sa labas ng silid nito. Pagkatapos nilang kumain kanina ay may ginawa lang s'ya saglit at pagkatapos n'ya ay nagyaya na s'ya na umalis. Tinawagan pa kasi n'ya ni Brook at kinausap kanina. Iniwan n'ya sa pinsan ang lahat at sinabi na pupunta muna s'ya sa isla at baka sa linggo ng gabi na sila makakauwi ni JM. Tinawagan n'ya din si Adrian para ipahanda ang lahat ng mga papeles at si Henry naman Charles at Briggs ay nagtatrabaho na din para sa kan'ya.Malaki ang pasasalamat n'ya sa mga pinsan na palaging available para sa isat-isa at hindi nagpapabaya lalo na kung ang isa sa kanila ay nangangailangan ng tulong.Pagbalik n'ya ay kakausapin n'ya si Axle na kapatid ni Brook. Kailangan n'ya na sigurong lumipat sa mas malaking bahay kaya kailangan n'ya ng magpagawa ng bago. Si Lay naman na kapatid din ni Brook na isang doctor ay binigyan s'ya ng mga gamot na pwedeng ipainom sa asawa in case makitaan n'ya
CONNOR CAYDEN...Naglayag silang dalawa ng asawa patungo sa kan'yang isla. Ngayon na nasa gitna na sila ng dagat ay nakitaan n'ya na ng emosyon sa mukha si JM.Nakikita n'ya rito na nangingislap ang mga mata nito habang nakatingin sa malinaw at kulay asul na tubig."Do you like the ocean?" tanong n'ya rito habang nasa harapan ng manibela ng yati. S'ya ang nagmamaneho nito at ang asawa naman ay nakatayo sa gilid n'ya habang nakatingin sa malawak na karagatan."Oo!" tipid na sagot nito."That's good! Magsasawa ka sa dagat pagdating natin sa isla mamaya wife," sagot n'ya rito."Hmmm, titingnan ko," nakangiting sagot ng asawa na ikinangiti n'ya na din. Kapag nakikita n'yang nakangiti ito ay napapangiti na din s'ya. Para bang nakakahawa ang ngiti nito na hindi n'ya mapigilan na mapangiti na din.Hindi nagtagal ay narating nila ang kan'yang isla. Malayo ito sa mga karatig isla at silang dalawa lang ang narito. Ang taohan n'ya kanina na si Balong ay pumupunta dito every week at dala ang iba
CONNOR CAYDEN...Ang unang araw nila ni JM sa isla ay naging isang memorable at masaya para sa kanilang dalawa. Magkatulong sila sa pagluluto ng kanilang pagkain. Naisipan din nilang maghanda ng iihawin para mamaya dahil nagkasundo sila na mag-iihaw mamaya kapag hindi na masakit ang sikat ng araw.Balak n'yang saksihan nilang dalawa ng sabay ang paglubog ng araw.Hindi n'ya naisip na ganito pala kasaya ang simpling pamumuhay kasama ang babaeng mahal n'ya. A simple date, no fancy restaurants, no fine dining pero sobrang excited s'ya. "Cayden ako na ang tutusok ng mga yan. Magaling akong magtusok," nakangising pagboluntaryo ni JM sa kan'ya na ang tinutukoy ay ang mga mais na iihawin nila mamaya. Marami s'yang inihanda na mga karne, sausage, mais at mga patatas na ibinalot n'ya sa foil para madaling maluto sa apoy.Tinaasan n'ya ito ng kilay ng marinig ang sinabi nito. Iba ang dating ng sinabi nito sa kan'ya lalo pa ng makita ang ngisi nito na abot tainga."Magaling tumusok ha! Ako wif
CONNOR CAYDEN..."Halika ka na nga dito Cayden at ihawin mo na ito bago pa ikaw ang iihawin ko," utos sa kan'ya ng asawa pagkatapos s'ya nitong tapunan ng isang malamig na tingin."Fvck! Balewala lang ba sa kan'ya ang sinabi ko na mahal ko s'ya?" lihim na pagkausap n'ya sa sarili habang sinusundan ng tingin ang likod nito.Naihilamos n'ya ang kan'yang palad sa mukha. Naisip n'ya na sobrang hirap para sa kan'ya ang umamin ng totoong nararamdaman n'ya para dito pero parang balewala lang sa asawa ang kan'yang sinabi."Cayden!" napukaw lang s'ya ng marinig ang pagtawag nito sa kan'ya."Y-Yeah! I'm coming," sagot n'ya rito at pilit na binalewala na lang ang ipinakitang reaction ng asawa tungkol sa kan'yang sinabi dito.Ayaw n'ya na masira ang gabi nila dahil lang sa naging reaction ni JM. Iniisip n'ya na lang na baka nagulat ito sa pag-amin n'ya rito at hindi din nito alam ang isasagot sa kan'ya."Ako na ang magluluto dito wife, doon ka na sa mesa. Ikaw na ang bahala doon wife," boluntaryo
CONNOR CAYDEN..."What do you mean wife? Noon mo pa ako mahal? Anong ibig mong sabihin? Na kilala mo na ako noon pa?" sunod-sunod na tanong n'ya rito."Hmmm, yes!" sagot nito na ikinaawang ng kan'yang labi."H-How? Nagkakilala na ba tayo dati?" gulat na tanong n'ya rito. Mukhang hindi naman ito nagbibiro dahil napaka seryoso ng mukha nito habang sinasagot s'ya."Ako lang Cayden pero ikaw ay hindi mo ako kilala. Syempre bata pa ako no'n at ikaw naman ay gurang na," sagot nito sa kan'ya na ikinasingkit ng kan'yang mga mata."What did you say? Ako? Gurang? Aba wife, kalabaw lang ang tumatanda at para sabihin ko sayo, mas malakas pa to kaysa kalabaw," angal n'ya ngunit binilatan lamang s'yang nito at bumalik sa pagsandig sa kan'yang balikat.Sobrang saya ng kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Unti-unting sumilay sa kan'yang labi ang isang ngiti. Itinaas n'ya ang kan'yang braso at inilagay sa balikat ni JM sabay hatak dito para mas dumikit pa ang mga balat nilang dalawa.Hindi n'ya
CONNOR CAYDEN..."Matutuwa si mommy kapag nalaman n'ya na sinuot mo ang mga pinadala n'ya wife," nakangising sabi n'ya sa asawa ng marinig ang sinabi nito na susubukan nito na suotin ang mga ibinigay ng ina."Gago! Ikaw ang natutuwa, dinamay mo pa ang mommy mo eh," kastigo n'ya sa kan'yang sarili ng maisip ang kan'yang mga sinabi. Totoo naman kasi na s'ya ang nakaramdam ng tuwa habang naiimagine si JM na nakasuot ng seksing two piece swimsuit."P-Pero nakakahiya Cayden," nahihiyang sagot ng asawa sa kan'ya."There's no need to be shy baby, ako lang naman ang makakakita sayo na naka two piece swimsuit ka at walang ibang tao dito, tayong dalawa lang wife," pangungumbinsi n'ya pa. Talagang disidido s'ya na pagsuotin ito ng two piece swimsuit.Hindi n'ya maintindihan ang kan'yang sarili ngunit atat na atat talaga s'ya na makita si JM at ang katawan nito. Siguro ito ang tinatawag nila na tawag ng laman. Bilang lalaki ay normal lang na makaramdam s'ya ng ganitong pagnanasa sa isang babae.A
CONNOR CAYDEN..."Hubby!" tawag sa kan'ya ni JM. Doon pa s'ya at parang nataohan. Ilang beses n'yang ipinilig ang kan'yang ulo para hamigin ang sarili. Kanina pa yata s'ya nakanganga habang nakatingin sa asawa na papalapit dahil ramdam n'ya na ang lamig sa loob ng kan'yang bibig.Nasa harapan n'ya na pala ang babae at hindi pa rin nakahuma dahil sa pagkatulala sa nakitang kurba ng katawan nito. Ngayon na nasa malapit na ito ay mas lalo pa s'yang napatulala ng makita sa malapitan kung gaano ka puti ang balat ni JM.Kahit gabi na at medyo madilim ngunit mababanaag pa rin ang kumikinang na kaputian ng balat nito. Kita n'ya pa pati ang mga frekles sa balat ng dalaga na mas nagpadagdag sa sex appeal nito."Fvck!" malutong na mura n'ya at pilit na pinapakalma ang kan'yang machete sa gitna ng kan'yang mga hita."Hoy Cayden! Kanina ka pa nakatulala d'yan, ano ba ang nangyayari sayo?" sita sa kan'ya ni JM. Para naman s'yang nataohan ng marinig ang pagsigaw nito sa kan'ya. "Ahmmmm! Huh? Ako na