MELCU CHUCK... Natapos ang family day ng school ni Pia ngunit s'ya ay parang nakalutang pa rin. Ang kan'yang buong atensyon ay nasa sinabi ng bata na pangalan ng ina nito kanina. Kung ang pagpapakilala nito sa mga tao na s'ya ang ama ay hindi pa s'ya gaanong nagulat dahil napag-usapan nila ito bago pa sila umalis ng bahay ngunit ang banggitin nito ang buong pangalan ni Courtney maliban sa apelyedo na Zobel ay nagpawindang sa kan'yang buong pagkatao. Hindi n'ya alam akung pinaglalaruan lamang s'ya o baka gawa-gawa lang ni Pia ang lahat. Marahas s'yang nagbuga ng hangin at sinilip ang bata sa likuran na mahimbing na natutulog. Pagkasakay nito sa sasakyan kanina ay agad itong nakatulog dala na rin siguro ng pagod sa mga activities na sinalihan nito kanina sa school. Kahit anong gawin n'ya ay hindi talaga s'ya mapakali sa sinabing pangalan ng ina nito kanina. Hindi s'ya pwedeng magkamali at mas lalong hindi s'ya naniniwala na guni-guni n'ya lang ang lahat. Malinaw na sinabi ni Pia ang
MELCU CHUCK... Hindi s'ya mapakali habang hinihintay si Peter sa kan'yang opisina. Tinawagan s'ya ng pinsan kanina na nasa mga kamay na nito ang resulta ng DNA at papunta ito ngayon sa kan'yang opisina para ibigay sa kan'ya ng personal ang result. Kanina pa s'ya dasal ng dasal sa itaas na kung ano man ang magiging resulta sana ay bigyan lang s'ya ng lakas ng loob na matanggap ito. Pero sa kaibutoran ng kan'yang puso ay umaasa pa rin s'ya na sana ay positive lang ang resulta ng DNA test ni Pia. Alam n'ya na hindi n'ya dapat ginawa ang bagay na ito na walang paalam kay Carter ngunit hindi n'ya na mahintay pa ang lalaking iyon at ni hindi n'ya nga mahagilap kung nasaan ito ngayon. Ilang ulit n'ya na ring tinawagan ang numero nito ngunit hindi ito ma kontak. At kapag napatunayan n'ya na anak n'ya si Pia ay hinding-hindi na s'ya papayag pa na kukunin nito ang bata. Sa kan'ya si Pia kahit anong mangyari at gagawin n'ya ang lahat na hindi na makukuha pa ni Carter ang bata. Nagpakawala s
MELCU CHUCK... "Fvck! She is really my daughter?" paulit-ulit na sabi n'ya at hindi pa rin maka move-on sa kan'yang nalaman. "Parang sirang plaka ka Chuck! Kanina mo pa paulit-ulit na sinasabi yan! Oo nga, anak mo si Pia. Kung sabagay, I understand na kapag ama ka na ay ganito talaga ang magiging reaction mo kapag nalaman mo na may anak ka pala na hindi mo alam. Pero maiba ako Chuck, bakit hindi mo alam na may anak ka?" tanong ng pinsan sa kan'ya. Nagbuga s'ya ng hangin bago sinagot si Peter. "I don't know Peter, pero iisang babae lang ang alam ko na ina ng anak ko and that is my wife," sagot n'ya sa pinsan. "Hindi kaya isa sa mga babae mo noon ang ina ni Pia? Hindi naman buntis ang asawa mo ng mawala s'ya hindi ba?" "No! It can't be the other woman dahil simula ng dumating si Courtney sa buhay ko ay wala na akong ibang babae. Ilang buwan na kaming nagsama ni Courtney bago s'ya nawala and we're active kaya hindi malabo na nagdadalang-tao na s'ya ng maaksidente," sagot n'ya rito
MELCU CHUCK... "Daddy where are we going?" inosenteng tanong ng anak sa kan'ya habang nagmamaneho. Sinilip n'ya ito mula sa salamin at nginitian. "We are going to the park, princess," sagot n'ya rito at tinapunan ulit ito ng tingin para makita ang reaction ng bata. "Wow! Really daddy? Ohhh my heart go shalala-lala again!" tuwang-tuwa na sabi nito habang namimilog ang mga mata na mahina n'yang ikinatawa. Kapag masaya ang kan'yang anak ay napakasaya rin ng kan'yang puso. Sigurado s'ya na kapag nakita ng kan'yang mga magulang si Pia ay matutuwa ang mga ito. Gustong-gusto na ng mga ito ng apo at wala pa sa kanilang dalawa ni Cowell ang nakapagbigay dito ngunit ngayon na nandito na si Pia ay sigurado s'ya na abot langit ang tuwa ng kan'yang mga magulang. "Yes my princess! It's our first date of being a father and daughter!" nakangiting sagot n'ya rito na ikinapalakpak ni Pia. Narating nila ang malawak na park at may mangilan-ngilang tao na sa paligid. Pinili n'ya talaga ang par
MELCU CHUCK... Naging masaya ang bawat araw para sa kan'ya na kasama si Pia. Isang linggo na ang nakalipas simula ng mapatunayan n'ya na totoong anak n'ya ang bata na iniwan sa kan'ya ni Carter. Humingi na din s'ya ng tulong sa kanila ni Briggs para hanapin ulit si Courtney. Pa simply n'yang tinatanong si Pia ng mga bagay-bagay para malaman n'ya kung saan ang ina nito ngunit dahil sobrang bata pa nito ay hindi nito eksaktong matukoy ang kinaroroonan ng ina. Ngunit may hinala na s'ya na nasa London si Courtney kasama ni Carter at iyan ang gagawin n'yang daan para mahanap ito. Sa London s'ya maghahanap at kung kinakailangan n'yang halughugin ang buong bansa makita lamang si Courtney ay gagawin n'ya. "Sir may meeting kayo with Mr. Ynarez around one in the afternoon," nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang boses ng kan'yang sekretarya. Dahil sa sobrang lalim ng kan'yang iniisip ay hindi n'ya na namalayan na nasa bungad na pala ito ng kan'yang opisina. "Got it! Thanks L
MELCU CHUCK... Nakatulala lang s'ya habang nakaupo at hindi alam kung ano ang sasabihin sa lahat ng mga nalaman n'ya mula kay Carter. Naririnig n'ya ang paulit-ulit na pagbuga ng hangin ng lalaki ngunit hindi n'ya ito pinansin dahil pakiramdam n'ya ay namanhid ang kan'yang buong katawan sa mga narinig n'ya tungkol sa kalagayan ng asawa. "I was following Courtney for a year na simula ng maghinala ako na s'ya ang kapatid ko sa ama. Dad asked me to look for her dahil gusto s'yang makita ni daddy bago ito mawala sa mundo. Nang araw na maaksidente s'ya ay iyon din ang araw na nakumpirma ko na s'ya ang kapatid ko. Balak ko ng magpakita at magpakilala sa kan'ya ng araw na iyon ngunit hindi nangyari dahil naunahan ako ng mga demonyong may gawa no'n sa kapatid ko. I was late for just a minute that day. Nang maabutan ko si Courtney ay nagpagulong-gulong na ang sasakyan nito sa bangin," pagkwento ni Carter sa kan'ya. Wala s'yang imik at nakikinig lamang sa pagsasalita nito ngunit sa kaibutor
MELCU CHUCK...Pagkatapos nilang mag-usap ni Carter ay nag desisyon s'yang sunduin si Pia sa school. Mamayang gabi ay aalis agad sila kasama ni Carter. Habang nasa daan ay tinawagan n'ya si Brook at ipinaalam ang kan'yang plano. At katulad sa madalas na nangyayari ay walang pag-alinlangan na nag offer agad si Brook na s'ya na muna ang bahala sa kan'yang kompanya at sa kompanya ni Courtney.Sobra-sobra ang kan'yang pasasalamat sa kan'yang pinsan na nagsilbing kuya nilang lahat na magpipinsan. Si Brook ang kanilang takbuhan kapag may ganitong mga pangyayari.Pagdating n'ya sa child care center ay agad n'yang kinausap ang principal para ipaalam dito ang kanilang pag-alis ni Pia. At hindi n'ya alam kung makakabalik agad sila o baka doon na lang muna sila sa London mananatili para malapit at maalagaan n'ya ang kan'yang asawa. Naging maayos naman ang kanilang pag-uusap ng principal at agad nitong pinalabas si Pia na tuwang-tuwa ng makita s'ya. Agad n'ya itong kinarga at pinugpog ng halik
MELCU CHUCK... Kinagabihan ay agad silang tumulak papunta sa airport. Private plane na pag-aari ni Carter ang sasakyan nila patungo sa London. Nasa airport na ang lalaki at hinihintay silang dalawa ni Pia. "I'm so excited na po daddy," masayang sabi ng anak sa kan'ya. Magkatabi silang dalawa sa upoan sa likod ng sasakyan at si Briggs ang nagmamaneho sa unahan. Kasama din si Henry na nasa passenger side katabi ni Briggs. "How long are you going to stay in London, Chuck?" tanong ni Henry sa kan'ya at bahagya pa silang nilingon sa likod. "I have no idea! I will tell you kapag may plano na. As of now, I just want to be with Courtney and Pia. Sila ang priority ko ngayon," seryosong sagot n'ya sa pinsan. "Family first, Chuck! Leave your business to us, kami na muna ang bahala. Atupagin mo muna ang mag-ina mo," sabat naman ni Briggs. "Excuse me po mga uncle, I just want to say thank you for helping my daddy with his business. You guys are awesome," singit ng anak n'ya sa pag-uusap nila