MELCU CHUCK... Dumating ang araw ng family day ni Pia. Maaga pa lang ay gising na silang dalawa at kita n'ya ang excitement sa mga mata ng bata habang nag-aagahan sila. "Me amego, since papa Carter is not here, can I call you daddy? Kasi baka tuksuhin ako ng mga friends ko na wala akong daddy, amego lang," pakiusap nito sa kan'ya at biglang nalungkot ang mukha. Nagtagis ang kan'yang bagang at naikuyom ang kamao na nasa ilalim ng mesa ng marinig ang sinabi ni Pia at lalo na ng makita ang biglang paglungkot ng mga mata nito habang nakikiusap sa kan'ya. "Damn you Carter Zobel!" lihim na mura n'ya sa ama ni Pia. Hindi n'ya napigilan ang magalit sa lalaki dahil sa pagbabalewala nito sa bata. Nagpakawala s'ya ng hangin at inayos ang kan'yang sarili. Inabot n'ya ang munting kamay ng bata, ginagap iyon at binigyan ito ng isang ngiti na puno ng assurance para iparating dito na nasa tabi lang s'ya nito at hindi n'ya ito pababayaan. "You can call me whatever you want princess and calling me
MELCU CHUCK... Natapos ang family day ng school ni Pia ngunit s'ya ay parang nakalutang pa rin. Ang kan'yang buong atensyon ay nasa sinabi ng bata na pangalan ng ina nito kanina. Kung ang pagpapakilala nito sa mga tao na s'ya ang ama ay hindi pa s'ya gaanong nagulat dahil napag-usapan nila ito bago pa sila umalis ng bahay ngunit ang banggitin nito ang buong pangalan ni Courtney maliban sa apelyedo na Zobel ay nagpawindang sa kan'yang buong pagkatao. Hindi n'ya alam akung pinaglalaruan lamang s'ya o baka gawa-gawa lang ni Pia ang lahat. Marahas s'yang nagbuga ng hangin at sinilip ang bata sa likuran na mahimbing na natutulog. Pagkasakay nito sa sasakyan kanina ay agad itong nakatulog dala na rin siguro ng pagod sa mga activities na sinalihan nito kanina sa school. Kahit anong gawin n'ya ay hindi talaga s'ya mapakali sa sinabing pangalan ng ina nito kanina. Hindi s'ya pwedeng magkamali at mas lalong hindi s'ya naniniwala na guni-guni n'ya lang ang lahat. Malinaw na sinabi ni Pia ang
MELCU CHUCK... Hindi s'ya mapakali habang hinihintay si Peter sa kan'yang opisina. Tinawagan s'ya ng pinsan kanina na nasa mga kamay na nito ang resulta ng DNA at papunta ito ngayon sa kan'yang opisina para ibigay sa kan'ya ng personal ang result. Kanina pa s'ya dasal ng dasal sa itaas na kung ano man ang magiging resulta sana ay bigyan lang s'ya ng lakas ng loob na matanggap ito. Pero sa kaibutoran ng kan'yang puso ay umaasa pa rin s'ya na sana ay positive lang ang resulta ng DNA test ni Pia. Alam n'ya na hindi n'ya dapat ginawa ang bagay na ito na walang paalam kay Carter ngunit hindi n'ya na mahintay pa ang lalaking iyon at ni hindi n'ya nga mahagilap kung nasaan ito ngayon. Ilang ulit n'ya na ring tinawagan ang numero nito ngunit hindi ito ma kontak. At kapag napatunayan n'ya na anak n'ya si Pia ay hinding-hindi na s'ya papayag pa na kukunin nito ang bata. Sa kan'ya si Pia kahit anong mangyari at gagawin n'ya ang lahat na hindi na makukuha pa ni Carter ang bata. Nagpakawala s
MELCU CHUCK... "Fvck! She is really my daughter?" paulit-ulit na sabi n'ya at hindi pa rin maka move-on sa kan'yang nalaman. "Parang sirang plaka ka Chuck! Kanina mo pa paulit-ulit na sinasabi yan! Oo nga, anak mo si Pia. Kung sabagay, I understand na kapag ama ka na ay ganito talaga ang magiging reaction mo kapag nalaman mo na may anak ka pala na hindi mo alam. Pero maiba ako Chuck, bakit hindi mo alam na may anak ka?" tanong ng pinsan sa kan'ya. Nagbuga s'ya ng hangin bago sinagot si Peter. "I don't know Peter, pero iisang babae lang ang alam ko na ina ng anak ko and that is my wife," sagot n'ya sa pinsan. "Hindi kaya isa sa mga babae mo noon ang ina ni Pia? Hindi naman buntis ang asawa mo ng mawala s'ya hindi ba?" "No! It can't be the other woman dahil simula ng dumating si Courtney sa buhay ko ay wala na akong ibang babae. Ilang buwan na kaming nagsama ni Courtney bago s'ya nawala and we're active kaya hindi malabo na nagdadalang-tao na s'ya ng maaksidente," sagot n'ya rito
MELCU CHUCK... "Daddy where are we going?" inosenteng tanong ng anak sa kan'ya habang nagmamaneho. Sinilip n'ya ito mula sa salamin at nginitian. "We are going to the park, princess," sagot n'ya rito at tinapunan ulit ito ng tingin para makita ang reaction ng bata. "Wow! Really daddy? Ohhh my heart go shalala-lala again!" tuwang-tuwa na sabi nito habang namimilog ang mga mata na mahina n'yang ikinatawa. Kapag masaya ang kan'yang anak ay napakasaya rin ng kan'yang puso. Sigurado s'ya na kapag nakita ng kan'yang mga magulang si Pia ay matutuwa ang mga ito. Gustong-gusto na ng mga ito ng apo at wala pa sa kanilang dalawa ni Cowell ang nakapagbigay dito ngunit ngayon na nandito na si Pia ay sigurado s'ya na abot langit ang tuwa ng kan'yang mga magulang. "Yes my princess! It's our first date of being a father and daughter!" nakangiting sagot n'ya rito na ikinapalakpak ni Pia. Narating nila ang malawak na park at may mangilan-ngilang tao na sa paligid. Pinili n'ya talaga ang par
MELCU CHUCK... Naging masaya ang bawat araw para sa kan'ya na kasama si Pia. Isang linggo na ang nakalipas simula ng mapatunayan n'ya na totoong anak n'ya ang bata na iniwan sa kan'ya ni Carter. Humingi na din s'ya ng tulong sa kanila ni Briggs para hanapin ulit si Courtney. Pa simply n'yang tinatanong si Pia ng mga bagay-bagay para malaman n'ya kung saan ang ina nito ngunit dahil sobrang bata pa nito ay hindi nito eksaktong matukoy ang kinaroroonan ng ina. Ngunit may hinala na s'ya na nasa London si Courtney kasama ni Carter at iyan ang gagawin n'yang daan para mahanap ito. Sa London s'ya maghahanap at kung kinakailangan n'yang halughugin ang buong bansa makita lamang si Courtney ay gagawin n'ya. "Sir may meeting kayo with Mr. Ynarez around one in the afternoon," nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang boses ng kan'yang sekretarya. Dahil sa sobrang lalim ng kan'yang iniisip ay hindi n'ya na namalayan na nasa bungad na pala ito ng kan'yang opisina. "Got it! Thanks L
MELCU CHUCK... Nakatulala lang s'ya habang nakaupo at hindi alam kung ano ang sasabihin sa lahat ng mga nalaman n'ya mula kay Carter. Naririnig n'ya ang paulit-ulit na pagbuga ng hangin ng lalaki ngunit hindi n'ya ito pinansin dahil pakiramdam n'ya ay namanhid ang kan'yang buong katawan sa mga narinig n'ya tungkol sa kalagayan ng asawa. "I was following Courtney for a year na simula ng maghinala ako na s'ya ang kapatid ko sa ama. Dad asked me to look for her dahil gusto s'yang makita ni daddy bago ito mawala sa mundo. Nang araw na maaksidente s'ya ay iyon din ang araw na nakumpirma ko na s'ya ang kapatid ko. Balak ko ng magpakita at magpakilala sa kan'ya ng araw na iyon ngunit hindi nangyari dahil naunahan ako ng mga demonyong may gawa no'n sa kapatid ko. I was late for just a minute that day. Nang maabutan ko si Courtney ay nagpagulong-gulong na ang sasakyan nito sa bangin," pagkwento ni Carter sa kan'ya. Wala s'yang imik at nakikinig lamang sa pagsasalita nito ngunit sa kaibutor
MELCU CHUCK...Pagkatapos nilang mag-usap ni Carter ay nag desisyon s'yang sunduin si Pia sa school. Mamayang gabi ay aalis agad sila kasama ni Carter. Habang nasa daan ay tinawagan n'ya si Brook at ipinaalam ang kan'yang plano. At katulad sa madalas na nangyayari ay walang pag-alinlangan na nag offer agad si Brook na s'ya na muna ang bahala sa kan'yang kompanya at sa kompanya ni Courtney.Sobra-sobra ang kan'yang pasasalamat sa kan'yang pinsan na nagsilbing kuya nilang lahat na magpipinsan. Si Brook ang kanilang takbuhan kapag may ganitong mga pangyayari.Pagdating n'ya sa child care center ay agad n'yang kinausap ang principal para ipaalam dito ang kanilang pag-alis ni Pia. At hindi n'ya alam kung makakabalik agad sila o baka doon na lang muna sila sa London mananatili para malapit at maalagaan n'ya ang kan'yang asawa. Naging maayos naman ang kanilang pag-uusap ng principal at agad nitong pinalabas si Pia na tuwang-tuwa ng makita s'ya. Agad n'ya itong kinarga at pinugpog ng halik
CHARLES MALCOLM... "Fvck! Champ, Charlie, tulongan n'yo ako sa mga kapatid n'yo," hindi magkandauga na paghingi n'ya ng tulong sa kan'yang mga panganay. Naiwan silang walo sa bahay dahil may pinuntahan si Dee. At rules na sa bahay nila na kapag may pupuntahan ang isa sa kanila ng asawa ay kailangan na may maiiwan na isa kahit pa may tig-isang yaya ang kan'yang mga anak. Pito na lahat ang kanilang mga anak at dalawang taon na ang bunso nila ni Dee na kambal ulit. Halos dalawang taon lang ang pagitan ng triplets at ng bunso nila ng kan'yang asawa. Hindi naman problema sa kanila ang maraming anak dahil kaya naman nilang buhayin ngunit kapag may ganitong pagkakataon na s'ya ang nakatoka na magbabantay sa pito ay pakiramdam n'ya ay malalagas ang kan'yang mga bolbol. "Papa, you can do it. Busy ako sa paghuhugas ng mga feeding bottle nila," sagot ni Charlie sa kan'ya na ngayon ay mag- wawalong taong gulang na. Parang kailan lang ay katulad din ito ng mga kapatid ngunit ngayon ay katuwan
ABRIELLE DEE... "Ahhhhhh! Ang sakit ng t'yan ko! Charles! Charles!" namimilipit sa sakit na sigaw n'ya sa asawa. Nasa loob s'ya ng isang private room sa hospital na pinagdalhan sa kan'ya. Dalawang linggo na s'yang naka confine dahil sa OA n'yang asawa. May dalawang linggo pa bago s'ya manganak ngunit hindi na ito magkandauga sa pagpunta sa hospital at dito na sila nanatili simula pa noong nakaraang dalawang linggo. Nang malaman n'ya na tatlo ang nasa loob ng kan'yang sinapupunan ay agad n'yang ipinaalam ito kay Charles dahil aaminin n'ya na kahit anong tapang n'ya ngunit may takot s'yang nararamdaman na baka kung may mangyari sa kanilang mga anak kung itatago n'ya ito sa asawa. Mas mabuti ng alam nito para matulongan s'ya nitong alagaan ang kan'yang pagbubuntis. At hindi naman s'ya nabigo dahil trumiple pa ang pag-aalaga at pag-iingat ni Charles sa kan'ya. Very hands-on ito sa lahat ng bagay pati na sa kanilang dalawang anak. Halos hindi na s'ya nito pagalawin sa bahay nila dahil
ABRIELLE DEE... "Charles aalis na ako, ikaw na muna ang bahala sa dalawang bata, ha!" paalam n'ya sa asawa. Tatlong taon na silang kasal ni Charles at mag-aapat na taon na din ang kambal. Hindi pa nila ito nasundan sa hindi malamang dahilan. Active naman ang kanilang sex life na dalawa at halos walang pahinga na nga sila. Nag resign si Charles sa pagiging sundalo ngunit hindi ito pinayagan ng presidente bagkus ay binigyan ito ng posisyon sa opisina ng militar. Kaya isang mataas na opisyal na ngayon ang kan'yang asawa at mataas ang posisyon nito. S'ya naman ay hindi pinigilan ni Charles sa kan'yang gustong gawin sa kan'yang buhay kahit kasal na sila at may mga anak bagkus ay sinuportahan pa s'ya nito. Ngunit ang kan'yang focus sa ngayon ay ang kan'yang pamilya kaya hindi na muna s'ya gaanong nagtatrabaho. May mga misyon s'ya pero hindi na ganon ka dilikado katulad ng dati. Ang kan'yang routine ngayon ay pamilya, ang kanilang negosyo ni Charles at ang kan'yang shelter na mas luma
ABRIELLE DEE... The ceremony went well and fast at hindi n'ya man lang namalayan na tapos na pala ang lahat. She can't even remember kung ano ang mga sinabi n'ya sa kan'yang vows para kay Charles at ganon din ang mga sinabi nito para sa kan'ya dahil ang kan'yang isip ay kung saan-saan nakarating. Ang daming bagay ang kan'yang na-imagine na magkasama silang apat ni Charles at ang kanilang mga anak habang patuloy ang seremonyas ng kanilang kasal. At nagbalik na lang s'ya sa kan'yang sarili ng halikan s'ya sa labi ng asawa. Patunay na tapos na pala ang kanilang kasal and she is now officially Mrs. Charles Malcolm Carson. "You're spacing out, mi amore," pabulong na sabi ng asawa sa kan'ya ng maghiwalay ang kanilang mga labi. "I imagined too much but don't worry dahil kasama naman kita at ang mga anak natin sa imagination ko," sagot n'ya rito at sinundan ng hagikhik. Mahinang natawa si Charles at pinanggigilan na pinisil ang kan'yang ilong. "Silly mama," sabi nito at hinalikan s'ya
CHARLES MALCOLM... The day he was dreaming of came at wala ng pinakamasayang lalaki sa buong mundo kundi s'ya. Standing in front of the man-made altar sa gitna ng kanilang ubasan sa Italy habang hinihintay ang pinakamaganda at pinakamamahal n'yang babae ay isa sa pinakamasayang sandali ng kan'yang buhay. Pagkalipas ng isang linggo, matapos ang kan'yang proposal kay Dee ay idinaos ang kanilang kasal na dalawa. Parehong masaya ang lahat lalo na ang kan'yang pamilya. Bailey is Dee's maid of honor at magkasundo ang dalawa sa lahat ng bagay. Natatawa pa s'ya kapag naiisip n'ya na naging matalik na magkaibigan ang kan'yang dating asawa at ang present wife n'ya. Kung sabagay ay wala namang involve na pagmamahal ang sa kanilang dalawa ni Bailey at nangyari lamang iyon dahil sa kanilang mga pamilya. At malaki din ang pasasalamat n'ya sa babae na hindi na s'ya pinahirapan pa nito. Hiling n'ya na sana ay makita at matagpuan na rin ni Bailey ang totoong pag-ibig nito. Hindi n'ya napansin na
ABRIELLE DEE... "Warm up lang to Charles! We have more on this sa honeymoon natin and yes— I will marry you," pilyang sagot n'ya sa lalaki na pareho nilang ikinatawa na dalawa. "And speaking of the proposal, this is not the plan pero dahil nandito na din tayo. Let me do it in a romantic and sensual way," sagot ng lalaki at agad na bumangon. Walang kahit na suot na naglakad ito at pinulot sa sahig ang pantalon na hinubad nito kanina. Nakagat n'ya pa ang kan'yang pang-ibabang labi ng makita ang maumbok at maputi na puwetan ni Charles. Nahuli pa s'ya nito ng humarap ito sa kan'ya at agad na sumilay ang isang ngiti sa labi ng lalaki ng maglakad pabalik sa kama. Mas lalong nag-init ang kan'yang mukha ng tumayo ito sa gilid ng kama at tumapat mismo sa kan'yang mukha ang nakatayo at parang galit na galit pa rin na pagkalalaki nito. "Enough of that kind of look, mi amore dahil simula sa araw na ito ay araw-araw mo ng makikita ang galit na galit na sandata ko d'yan sa baba at kasalanan mo
ABRIELLE DEE... "Huwag ka ng magselos kay Bailey, mi amore dahil ikaw ang asawa ko at ikaw ang pakakasalan ko ulit. Hmmmm! Let's build our family together at sa pagkakataong ito ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan natin, Mrs. Abrielle Dee Lopez— Carson," puno ng lambing na sabi ng lalaki sa kan'ya ngunit parang bomba na sumabog sa kan'yang pandinig ang lahat ng binitawan nitong salita na s'yang dahilan ng ilang segundo n'yang pagkatulala sa kawalan. "Mi amore?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng mahina s'yang tinapik ni Charles sa mukha. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at hinamig ang kan'yang sarili. "Stop playing with me, Charles," matapang na sabi n'ya rito. Nagsalubong ang mga kilay nito at puno ng pagtataka na nagsalita. "Playing with you? Who says na pinaglalaruan kita, Dee? I'm telling you the truth. Bago pa ako pumunta dito ay inayos ko na ang lahat sa amin ni Bailey. We are no longer married. Tinupad n'ya ang pangako n'ya sa akin na kapag naibalik ko sa kan'ya ang
ABRIELLE DEE... Binuksan n'ya iyon at agad na pumasok ngunit ng akmang isasarado n'ya na ito ay may malaking kamay ang pumigil sa pinto at mabilis ang mga kilos na pumasok sa loob at ito na mismo ang nagsarado ng pinto. Dahil sa pagkagulat ay hindi agad s'ya nakahuma at awang lamang ang mga labi na nakatingin sa mukha ni Charles na walang emosyon na nakatingin sa kan'ya. "Charles, anong ginagawa mo dito? Baka makita ka nila at kung ano pa ang sasabihin nila tungkol sa akin. Ayoko ng gulo Charles kaya pakiusap, lumabas ka na," taboy n'ya sa lalaki ng makabawi sa pagkagulat. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla na lamang itong sumulpot sa kan'yang silid. Ngunit imbes na umalis ito at sundin ang kan'yang sinabi ay hindi ito ginawa ni Charles bagkus ay lumapit pa ito sa kan'ya hanggang sa ikinulong s'ya sa dalawang mga braso nito. Mas lalo s'yang hindi nakahuma ng ilapit ni Charles ang mukha sa kan'yang mukha. "Bakit ka umalis sa hapag-kainan? Hmmmmm!" paanas ang boses
ABRIELLE DEE... Kanina pa s'ya nakaupo sa kama habang tulala. Hindi n'ya inaasahan na magkita-kita silang tatlo ni Charles at Bailey sa bahay ng abuela nito. Kung tutuusin ay s'ya ang sampid sa pamamahay ng mga ito dahil hindi naman s'ya kamag-anak ng mga Carson. Inanakan lang s'ya ni Charles ngunit hindi ibig sabihin na bahagi na s'ya ng pamilya nito. Mapait s'yang napangiti at pinahid ang luha na naglandas sa kan'yang pisngi. Ngayong gabi ay magkakaroon ng dinner to formally welcome Bailey as part of the family. At kanina pa lang ay inabesohan na s'ya ni Nana na sumabay sa dinner. Ayaw n'ya namang magmukhang better kaya kahit masakit para sa kan'ya ay sasabay s'ya sa mga ito. Aalis na lang s'ya rito pagkatapos ng kasal ng dalawa dahil nangako na s'ya sa abuela ni Charles na tutulong sa paghahanda at hindi n'ya na mababawi pa iyon. Matapos ang kan'yang pag-eemote sa kan'yang silid ay tumayo s'ya at inayos ang suot na damit. Naglagay s'ya ng powder sa mukha at kaunting lipstick