MELCU CHUCK... Nakatulala lang s'ya habang nakaupo at hindi alam kung ano ang sasabihin sa lahat ng mga nalaman n'ya mula kay Carter. Naririnig n'ya ang paulit-ulit na pagbuga ng hangin ng lalaki ngunit hindi n'ya ito pinansin dahil pakiramdam n'ya ay namanhid ang kan'yang buong katawan sa mga narinig n'ya tungkol sa kalagayan ng asawa. "I was following Courtney for a year na simula ng maghinala ako na s'ya ang kapatid ko sa ama. Dad asked me to look for her dahil gusto s'yang makita ni daddy bago ito mawala sa mundo. Nang araw na maaksidente s'ya ay iyon din ang araw na nakumpirma ko na s'ya ang kapatid ko. Balak ko ng magpakita at magpakilala sa kan'ya ng araw na iyon ngunit hindi nangyari dahil naunahan ako ng mga demonyong may gawa no'n sa kapatid ko. I was late for just a minute that day. Nang maabutan ko si Courtney ay nagpagulong-gulong na ang sasakyan nito sa bangin," pagkwento ni Carter sa kan'ya. Wala s'yang imik at nakikinig lamang sa pagsasalita nito ngunit sa kaibutor
MELCU CHUCK...Pagkatapos nilang mag-usap ni Carter ay nag desisyon s'yang sunduin si Pia sa school. Mamayang gabi ay aalis agad sila kasama ni Carter. Habang nasa daan ay tinawagan n'ya si Brook at ipinaalam ang kan'yang plano. At katulad sa madalas na nangyayari ay walang pag-alinlangan na nag offer agad si Brook na s'ya na muna ang bahala sa kan'yang kompanya at sa kompanya ni Courtney.Sobra-sobra ang kan'yang pasasalamat sa kan'yang pinsan na nagsilbing kuya nilang lahat na magpipinsan. Si Brook ang kanilang takbuhan kapag may ganitong mga pangyayari.Pagdating n'ya sa child care center ay agad n'yang kinausap ang principal para ipaalam dito ang kanilang pag-alis ni Pia. At hindi n'ya alam kung makakabalik agad sila o baka doon na lang muna sila sa London mananatili para malapit at maalagaan n'ya ang kan'yang asawa. Naging maayos naman ang kanilang pag-uusap ng principal at agad nitong pinalabas si Pia na tuwang-tuwa ng makita s'ya. Agad n'ya itong kinarga at pinugpog ng halik
MELCU CHUCK... Kinagabihan ay agad silang tumulak papunta sa airport. Private plane na pag-aari ni Carter ang sasakyan nila patungo sa London. Nasa airport na ang lalaki at hinihintay silang dalawa ni Pia. "I'm so excited na po daddy," masayang sabi ng anak sa kan'ya. Magkatabi silang dalawa sa upoan sa likod ng sasakyan at si Briggs ang nagmamaneho sa unahan. Kasama din si Henry na nasa passenger side katabi ni Briggs. "How long are you going to stay in London, Chuck?" tanong ni Henry sa kan'ya at bahagya pa silang nilingon sa likod. "I have no idea! I will tell you kapag may plano na. As of now, I just want to be with Courtney and Pia. Sila ang priority ko ngayon," seryosong sagot n'ya sa pinsan. "Family first, Chuck! Leave your business to us, kami na muna ang bahala. Atupagin mo muna ang mag-ina mo," sabat naman ni Briggs. "Excuse me po mga uncle, I just want to say thank you for helping my daddy with his business. You guys are awesome," singit ng anak n'ya sa pag-uusap nila
MELCU CHUCK... "Hinatid lang nila ang kanilang mga gamit sa mansion ng mga Zobel at pagkatapos ay umalis din agad para magtungo sa hospital. Nasa hospital ang ama ni Carter at ayon sa mga katulong ng mga ito ay hindi ito umaalis sa tabi ng anak. Karga-karga n'ya sa kan'yang kandungan si Pia habang nasa byahe. Mahigpit na nakayakap ang mga braso n'ya na parang dito lang kumukuha ng lakas sa muling pagharap nila ni Courtney. Kahit lalaki s'ya ay pinanghihinaan din s'ya ng loob lalo na at ang babaeng mahal n'ya ang nasa ganitong kalagayan. Hindi n'ya na mabilang kung ilang beses na s'yang nagpakawala ng hangin para alisin ang bigat sa kan'yang dibdib. "Daddy are you nervous?" inosenteng tanong ni Pia sa kan'ya at naupo ito paharap sa kan'ya sabay sapo sa kan'yang pisngi. Tipid n'yang nginitian ang anak at inayos ang buhok nito na tumabing sa maliit na mukha. Napaka mapagmatyag ng kan'yang anak na agad na nahuhulaan nito ang nangyayari sa paligid. "Yes princess! Daddy is nervous an
MELCU CHUCK... Sa nanginginig na mga tuhod ay dahan-dahan s'yang lumapit kay Courtney. Para s'yang pinapatay habang unti-unting naging malinaw sa kan'ya ang mukha ng asawa. At hindi n'ya napigilan ang sarili na mapahagulhol ng tumambad sa kan'yang paningin ang sobrang payat at namumutla na mukha ni Courtney. Ibang-iba sa mukha nito noon. Halos buto at balat na lang ito ngayon at halos hindi n'ya na makilala ang hitsura nito dahil sa sobrang kapayatan. "P-Pumpkin! My w-wife," humihikbi na tawag n'ya sa asawa at maingat na ginagap ang kamay nito kung saan ay naglabasan na ang mga ugat dahil sa sobrang pagkapayat. Hindi n'ya alam kung ano ang sasabihin n'ya kay Courtney. Wala s'yang ibang ginawa kundi ang mapahagulhol habang nakatingin sa kalunos-lunos na sinapit ng kan'yang asawa. "W-Wife! I'm sorry, I'm sorry kung ganito ang sinapit mo. Patawarin mo ako na hindi kita na protektahan laban sa mga masasamang tao. Patawarin mo ako na wala ako sa tabi mo ng mga panahon na kailangan m
MELCU CHUCK... Simula ng dumating sila ni Pia sa London ay hindi na s'ya umaalis sa tabi ni Courtney. Minsan ay kasama n'ya si Pia ngunit hindi ito araw-araw na nasa hospital dahil hindi maganda sa bata ang ma expose ng sobra sa hospital. May mga pagkakataon lang na dinadala ito ni Carter sa hospital para dumalaw sa kanila ng ina nito. At dahil nasa ICU pa rin si Courtney at bawal ang mga bantay sa ICU ay sa private room na kinuha ng ama ni Courtney sila naglalagi sa tuwing nasa hospital sila. Katulad na lang ngayon na nagpang-abot sila ng ama nito sa hospital at nasa private room pareho. Ilang araw na sila dito ng kan'yang anak ngunit hindi pa sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ng ama ng asawa dahil ilag ito sa kan'ya at halatang ipinapakita ang pagkadisgusto. "I can see that you love my daughter that much! Noong hindi pa kita nakilala ay galit ako sayo dahil sa sinapit ng bunso kong anak pero ngayon na nakikita ko kung paano mo alagaan si Courtney at si Pia ay abswelt
MELCU CHUCK... Hindi n'ya na nahabol pa ang pigura ng babae na nakita n'ya kanina. Bigla na lamang itong nawala kahit noong sinundan n'ya. Nagpalinga-linga pa s'ya sa paligid at nagbabasakali na makita ito ngunit wala talaga kaya nagpasya na lamang s'ya na pumasok sa ICU. Hindi n'ya din alam pero bigla s'yang kinabahan ng mga oras na iyon. Nang maisip ang kan'yang kaba ay hindi muna s'ya tumuloy sa pagpasok. Nasa bungad lang s'ya ng ICU nakatayo. Kinuha n'ya ang kan'yang cellphone at agad na tinawagan ang pinsan na si Henry. "Chuck!" bungad ng pinsan sa kan'ya. "I need some of your men here, Henry," deritsahang sabi n'ya sa pinsan. Ito lang si Charles at si Briggs ang may kakayahan na magbigay sa kan'ya ng protection dahil marami ang mga ito ng taohan. "Why? May problema ba?" nagtatakang tanong nito sa kan'ya. "Zobel told me na hindi ang stepfather ni Annika ang may pakana sa aksidente, ibang tao at iyan ang dahilan kung bakit itinago ni Carter si Courtney sa akin. Hanggan
MELCU CHUCK... Kinabukasan ay dumating agad ang mga doctor na sinabi ni Henry sa kan'ya. Kagabi naman ay dumating ang mga taohan nito at nasa paligid lang ang mga ito nagbabantay. Nakilala n'ya agad ang mga doctor dahil kay Ferrari. "Mr. Carson, I'm, Dr. Lewis, and this is Dr. Evans and Dr. Ferrari. Henry called us yesterday that's why we are here," bungad ni Dr. Lewis sa kan'ya na natatandaan n'ya rin dahil minsan n'ya na itong nakasama sa mga business convention. Pati na si Dr. Evans na s'yang may-ari ng isang car company ay s'ya din pala ang doctor na ipinadala ni Henry para tumingin kay Courtney. Sino ang mag-aakala na ang mga halimaw sa business world ay mga magagaling na doctor pala. "Oh! I know you! So, magpinsan pala kayo ni Henry?" ang babaeng doctor sa kan'ya ng magkaharap sila. "Yeah! Nice to meet you all," sagot n'ya sa mga ito at isa-isang kinamayan ang mga doctor na dumating. Hindi n'ya alam kung paano nakapasok ang mga ito dahil ng pumasok ng sabay ang tatlo sa loo